8
(kabila) Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan 2017 Ano ang nasa loob Pambungad 1 Mga pagbabayad ng Supplemental Security Income (SSI) sa mga batang may kapansanan 1 Mga Benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI) para sa mga taong may kapansanan mula pagkabata 4 Pag-aplay para sa kabayaran ng SSI o benepisyo ng SSDI at paano kayo makatutulong 5 Mga programa ng pagtulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga kabataang may mga kapansanan 5 Ang Medicaid at Medicare 6 Ang Children’s Health Insurance Program 6 Ibang mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan 7 Pakikipag-ugnayan sa Social Security 7 Pambungad Ang libritong ito ay para sa mga magulang, tagapag-alaga o kinatawan ng mga batang wala pang 18 taong gulang na may kapansanan kung saan sila ay maaaring kwalipikadong tumanggap ng kabayaran ng Supplemental Security Income (SSI). Ito ay para rin sa mga taong nasa sapat na gulang na nagkaroon ng kapansanan noong sila ay bata pa (bago ang edad 22) na maaaring kwalipikado sa mga benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI). (Tinatawag namin ang benepisyo ng SSDI na benepisyo ng “bata” dahil ito ay pinagkakaloob batay sa rekord ng mga kinitang Social Security ng magulang.) Ang libritong ito ay makatutulong sa inyo upang malaman kung ang inyong anak, o isang batang kilala ninyo, ay maaaring kwalipikado para sa SSI o Social Security. Mga pagbabayad ng Supplemental Security Income (SSI) sa mga batang may kapansanan Ang SSI ay nagbibigay ng mga buwanang pagbabayad sa mga taong mababa ang kita at kaunti lamang ang mapagkukunan na 65 taong gulang pataas o bulag o kaya’y may kapansanan. Ang inyong anak kung wala pang edad 18 ay maaaring kwalipikado kung siya ay SocialSecurity.gov

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

  • Upload
    vanmien

  • View
    267

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

(kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

2017

Ano ang nasa loob Pambungad 1

Mga pagbabayad ng Supplemental Security Income (SSI) sa mga batang may kapansanan 1

Mga Benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI) para sa mga taong may kapansanan mula pagkabata 4

Pag-aplay para sa kabayaran ng SSI o benepisyo ng SSDI at paano kayo makatutulong 5

Mga programa ng pagtulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga kabataang may mga kapansanan 5

Ang Medicaid at Medicare 6

Ang Children’s Health Insurance Program 6

Ibang mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan 7

Pakikipag-ugnayan sa Social Security 7

Pambungad

Ang libritong ito ay para sa mga magulang, tagapag-alaga o kinatawan ng mga batang wala pang 18 taong gulang na may kapansanan kung saan sila ay maaaring kwalipikadong tumanggap ng kabayaran ng Supplemental Security Income (SSI). Ito ay para rin sa mga taong nasa sapat na gulang na nagkaroon ng kapansanan noong sila ay bata pa (bago ang edad 22) na maaaring kwalipikado sa mga benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI). (Tinatawag namin ang benepisyo ng SSDI na benepisyo ng “bata” dahil ito ay pinagkakaloob batay sa rekord ng mga kinitang Social Security ng magulang.)

Ang libritong ito ay makatutulong sa inyo upang malaman kung ang inyong anak, o isang batang kilala ninyo, ay maaaring kwalipikado para sa SSI o Social Security.

Mga pagbabayad ng Supplemental Security Income (SSI) sa mga batang may kapansanan

Ang SSI ay nagbibigay ng mga buwanang pagbabayad sa mga taong mababa ang kita at kaunti lamang ang mapagkukunan na 65 taong gulang pataas o bulag o kaya’y may kapansanan. Ang inyong anak kung wala pang edad 18 ay maaaring kwalipikado kung siya ay

SocialSecurity.gov

Page 2: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

2 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

may pisikal o pangkaisipang karamdaman o kombinasyon ng mga ito, na nakakatugon sa pakahulugan ng Social Security sa kapansanan ng mga bata, at kung ang kanyang kinikita at mga mapagkukunan ay napapaloob sa mga hangganan ng pagiging kwalipikado. Ang halaga ng pagbabayad ng SSI ay magkakaiba sa mga iba’t-ibang estado, sapagkat ang ilang estado ay nagdaragdag sa kabayaran ng SSI. Ang tanggapan ng Social Security sa inyong lugar ay makapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa kabuuang kabayaran ng SSI sa inyong estado.

Mga patakaran ng SSI tungkol sa kita at mga mapagkukunan

Isinasaalang-alang namin ang kita at mga mapagkukunan ng inyong anak sa pagpapasiya kung siya ay kwalipikado sa SSI. Isalang-alang din namin ang kita at mapagkukunan ng mga miyembro ng pamilyang kanyang kasama sa bahay. Ang mga patakarang ito ay itinuturing kapag ang inyong anak ay nakatira sa bahay. Ito rin ay ituturing kung siya ay pumapasok sa paaralan, ngunit umuuwi paminsan-minsan at nasa iyong pangangalaga.

Kung ang kita at mapagkukunan ng inyong anak, o ang kita at mapagkukunan ng mga kapamilya na kasama sa bahay ay mahigit sa halagang pinahihintulutan, tatanggihan namin ang paghain ng bata para sa kabayaran ng SSI.

Nililimitahan namin ang hangganan ng buwanang kabayaran ng SSI sa $30 kapag ang bata ay nananatili sa isang pasilidad na medikal, at ang seguro sa pangangalagang pangkalusugan ang ang nagbabayad ng kanyang pangangalaga.

Mga patakaran ng SSI hinggil sa kapansanan

Dapat matugunan ng inyong anak ang lahat ng mga sumusunod na pangangailangan upang siya ay matuturing na may kapansanan, at nang sa gayon ay maging kwalipikado sa SSI:

• Ang bata ay hindi dapat nagtatrabaho o kumikita ng higit sa $1,170 kada buwan sa taong 2017. (Ang mga kitang ito ay karaniwang nagbabago taon-taon.)

• Ang bata ay kailangang may pisikal o pangkaisipang karamdaman o kombinasyon ng dalawa, na humahantong sa “markado at malubhang limitasyon sa paggawa ng tungkulin.” Ang ibig sabihin nito, ang (mga) karamdaman ay dapat talagang seryosong humahadlang sa mga gawain ng inyong anak.

• Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa sa 12 buwan; o ang karamdaman ay inaasahan na hahantong sa kamatayan.

Pagbigay ng impormasyon tungkol sa karamdaman ng inyong anak

Kapag kayo nag-aaplay para sa benepisiyo ng SSI para sa inyong anak batay sa kapansanan, hihingi kami sa inyo ng detalyadong impormasyon tungkol sa karamdaman ng bata at kung paano nito naapektuhan ang kanyang kakayahang gumawa ng gawain araw-araw. Hihilingin din namin sa inyo ang na pahintulutang ipadala sa amin ng mga doktor, guro, therapist at iba pang mga propesyonal na may impormasyon tungkol sa kanyang karamdaman na ipagkaloob ang naturang impormasyon sa amin.

Kung mayroon kayong anumang medikal o pampaaralang rekord ng inyong anak, mangyaring dalhin ang mga ito. Ito ay makakatulong na mapabilis ang pagpapasiya sa iyong claim.

Ano ang susunod na mangyayari?

Ang lahat ng impormasyong ibibigay ninyo ay ipapadala namin sa tanggapan ng Disability Determination Services (Mga Serbisyo sa Pagpapasiya tungkol sa Kapansanan) sa inyong estado. Suriin ng mga doktor at iba pang may kasanayang tauhan ng naturang ahensiya mg estado ang impormasyon, at hihilingin din nila ang medikal at pampaaralang rekord ng inyong

Page 3: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

3 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

anak, at ibang impormasyong kinakailangan upang mapagpasiyahan kung ang inyong anak ay tumutugon sa aming kriteria ng kapansanan.

Kung ang ahensiya ay hindi makapagpapasiya tungkol sa pagkaroon ng kapansanan sa pagsuri lamang ng impormasyong pangmedikal, mga talaan ng paaralan at iba pang kaalaman na mayroon sila, maaaring sila ay humiling na dalhin nila ang inyong anak para sa isang medikal na eksamen or pagsusuri. Kami ang magbabayad para sa naturamg eksamen o pagsusuri.

Maaari naming agad na magbayad ng SSI sa iyong anak

Maaaring tumagal ng tatlo hanggang limang buwan para makapagpasya ang ahensya ng estado kung ang inyong anak ay nakakatugon sa aming kriterya para sa kapansanan. Para sa ilang mga medikal na kondisyon, gayunman, agad kaming nagbabayad ng mga SSI, at hanggang sa anim na buwan, habang ang ahensya ng estado ay nagpapasya kung ang inyong anak ay may kuwalipikadong kapansanan.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga kondisyon na maaaring kuwalipikado:

• Ang impeksyon ng HIV kasama ng iba pang mga kahinaan ng katawan

• Ganap na kabulagan

• Ganap na kabingihan

• Cerebral palsy

• Down syndrome

• Muscular dystrophy

• Lubusang intelektuwal na kapansanan (batang may edad na 4 o mas matanda)

• Ang timbang noong ipinanganak ay mas mababa sa 2 pounds, 10 onse — Tinatasa namin ang mababang timbang sa kapanganakan ng mga sanggol mula nang ipanganak ang mga ito hanggang sa edad na 1 taong gulang at kahirapan ng mga sanggol at bata mula sa kapanganakan hanggang umabot sa edad na 3 taong

gulang. Ginagamit namin ang timbang sa kapanganakan ng sanggol tulad nang naisadokumento ng isang orihinal o certified na kopya ng birth certificate ng sanggol o ayon sa medikal na rekord na nilagdaan ng isang doktor.

Kung ang inyong anak ay may isa sa mga kondisyon na maituturing na kapansanan, siya ay makatatanggap kaagad ng SSI na kabayaran. Gayunman, kung sa kalaunan ay ipagpasiya ng ahensiya ng estado na ang kapansanan ng inyong anak ay hindi sapat na malubha para sa SSI, hindi ninyo kailangang isauli ang mga kabayaran ng SSI sa inyong anak.

Pagsusuri ng SSI hinggil sa kapansanan

Kapag ang inyong anak ay nagsimula nang tumanggap ng SSI, iniaatas ng batas na suriin namin pana-panahon ang kanyang kondisyong medikal upang tiyakin na ang kanyang kapansanan ay tumutugon pa rin sa kriteria. Dapat gawin namin ang pagsusuring ito:

• Hindi bababa ng bawat tatlong taon sa mga batang wala pang edad 18 na ang kondisyon ay inaasahang bubuti; at

• Pagsapit ng 1 taong gulang ng nga sanggol na tumatanggap ng kabayarang SSI dahil sa kanilang mababang timbang pagkasilang. Kapag sa tantiya namin ay ang kanilang kondisyong medikal ay di pa inaasahang bumuti pagdating ng kanilang unang kaarawan, maaari naming itakda ang pagsusuri sa mas malayong petsa.

Maaari kaming magsagawa ng pagrepaso ng kapansanan kahit na ang kondisyon ng inyong anak ay hindi inaasahang gagaling. Kapag kami ay magrepaso, dapat kayong magpakita ng ebidensya na ang kapansanan ng inyong anak ay patuloy na nakakahadlang sa kanyang pang-araw-araw na gawain at na ang inyong anak ay tumatanggap ng medikal na paggagamot na tinuturing na mahalaga para sa kanyang kondisyon.

Page 4: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

4 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

Ano ang mangyayari kapag sumapit ang ika-18 kaarawan ng inyong anak

Sa programang SSI, ang isang bata ay maituturing na nasa sapat na gulang (adult) sa kanyang pagtuntong ng edad 18, at iba ang aming ginagamit na medikal at di-pang-medikal na mga alituntunin sa pagpasya kung ang isang may sapat na gulang ay maaaring makakuha ng mga kabayaran mula sa SSI dahil mayroon siyang kapansanan. Halimbawa, hindi namin ibinibilang ang kita at mga mapagkuknan ng mga ibang miyembro ng pamilya sa aming pagpasya kung naabot na ng isang nasa gulang ang mga pinansiyal na hangganan ng SSI. Tangi naming binibilang ang kita at mapagkukunan ng nasa gulang. Ginagamit din namin ang mga alituntunin sa pagtiyak kung may kapansanan ang isang nasa gulang kapag pinapasya namin kung may kapansanan o hindi ang isang nasa gulang.

• Kung tumatanggap na ang inyong anak ng mga kabayaran mula sa SSI, kakailanganin namin pag-aralan ang kanyang medikal na kalagayan kapag siya ay tumuntong sa edad 18. Karaniwan naming ginagawa itong pagsusuri sa loob ng isang taon na nag-umpisa sa kanyang ika-labinwalong kaarawan. Gagamitin namin ang mga alituntunin sa pagtiyak kung ang isang nasa gulang ay may kapansanan sa pagpasya kung ang inyong anak na 18 taong gulang ay may karapatan tumanggap ng SSI.

• Kahit hindi naging kwalipikado para sa SSI bago ng kanyang ika-18 kaarawan dahil lampas sa hangganan ang kita o mga mapagkukunan ninyong mag-asawa, maaari siyang maging kwallipikado para SSI sa edad na 18.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Supplemental Security Income (Karagdagang Perang Pangseguridad, SSI) (Publikasyon Blg. 05-11000-TL).

Mga Benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI) para sa mga taong may kapansanan mula pagkabata

Ang programang SSDI ay nagbabayad ng benepisiyo sa mga taong may sapat na gulang na may kapansanang nagsimula bago sila nagka-edad ng 22 taong gulang. Ang benepisiyo ng SSDI na ito ay tinuturing naming isang benepisiyo ng “bata” dahil ito ay binabayaran sa talaan ng kinikitang Social Security ng isang magulang.

Upang maging kwalipikado sa benepisiyo sa “bata” na ito ang isang taong may sapat na gulang na may kapansanan, ang isa sa kanyang mga magulang ay:

• Dapat tumatanggap ng mga benepisyo ng Social Security sa pagretiro o para sa may kapansanan; o

• Dapat namayapa na at nakapagtrabaho nang sapat na panahon sa ilalim ng Social Security.

Ang mga benepisyong ito ay maipagkakaloob din sa isang may sapat na gulang kung siya ay may kapansanan sa edad 18, at tumatanggap ng pangdependyenteng benepisyo galing sa kita ng Social Security ng kanyang magulang bago siya nagka-edad ng 18. Ginagawa namin ang pagtakda kung may kapansanan gamit ang mga patakaran ng kapansanan para sa mga adulto.

Ang mga SSDI na benepisiyo sa “bata” para sa isang taong may sapat na gulang na may kapansanan ay magpapatuloy habang may kapansanan ang taong ito. Hindi kinakailangang nakapagtrabaho ang iyong anak upang makakuha ng mga benepisyong ito.

Paano kami nagpapasiya kung ang inyong “anak” ay may kapansanan at kwalipikado sa benepisyo ng SSDI

Kung ang inyong anak ay nasa 18 taong gulang pataas, tatasahan namin ang kanyang claim nang parehong paraan ng pagtatasa namin ng kapansanan ng taong may sapat na gulang.

Page 5: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

5 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

Ipapadala namin ang aplikasyon sa Disability Determination Services sa inyong estado na siyang gumagawa ng pagpapasiya ukol sa kapansanan para sa amin. Para sa detalyadong impormasyon kung paano namin tinatasa ang kapansanan para sa mga adulto, basahin ang Mga Benepisiyo Para Sa Kapansanan (Publikasyon Blg. 05-10029-TL).

Pag-aplay para sa kabayaran ng SSI o benepisyo ng SSDI at paano kayo makatutulong

Maaari kayong mag-aplay para sa kabayaran ng SSI o benepisiyo ng SSDI para inyong anak sa pamamagitan ng pagtawag nang libre sa Social Security sa 1-800-772-1213 o sa pagpunta sa tanggapan ng Social Security sa inyong lugar. Kung kayo ay nag-aaplay para sa mga kabayaran ng SSI para sa inyong anak, dapat ay dala ninyo ang kanyang numero ng Social Security at sertipiko ng kapanganakan. Dalhin din ang iyong sariling numero ng Social Security bukod sa numero ng Social Security at sertipiko ng kapanganakan ng inyong anak.

Matutulungan mo kaming makapagpasiya sa pamamagitan ng:

• Pagsabi sa amin ng lahat ng nalalaman ninyo tungkol sa (mga) medikal na kondisyon ng inyong anak;

• Pagbigay sa amin ng mga petsa ng pagpunta sa mga doktor o mga ospital, mga numero ng account ng pasyente para sa mga doktor o ospital, at anumang impormasyon na makatutulong sa amin na makamtan ang mga rekord medikal ng inyong anak; at

• Pagbigay sa amin ng mga kopya ng anumang mga medikal na ulat o impormasyon na hawak ninyo.

PAUNAWA: Hindi ninyo kailangang humiling ng impormasyon mula sa mga doktor ng inyong anak. Tatawagan namin sila mismo para makamtan ang anumang mga ulat o impormasyon na kailangan namin upang makapagpasiya ukol sa kapansanan ng inyong anak.

Kung ang inyong anak ay wala pang 18 taong gulang at nag-aaplay para sa SSI, kakailanganin ninyong magpakita ng mga talaan ng inyong kita at mapagkukunan, pati na rin ang sa inyong anak. Hihilingin din namin sa iyo na ilarawan kung paano naaapektuhan ng kapansanan ng inyong anak ang kanyang kakayahan sa mga pang-araw-araw na gawain. Bukod pa rito, hihilingin namin ang mga pangalan ng mga guro, mga tagapag-alaga at mga miyembro ng pamilya na makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa paraan ng pagkilos ng iyong anak. Kung mayroon kayong anumang mga talaan sa paaralan, dapat ninyong dalhin ang mga ito sa interbyu.

Sa maraming komunidad ay may mga espesyal na kasunduan sa mga tagabigay ng serbisyong medikal, ahensiya ng serbisyong panlipunan at paaralan upang matulungan kaming makamtan ang ebidensiyang kinakailangan upang iproseso ang claim ng inyong anak. Gayunman, ang inyong kooperasyon sa pagkuha ng mga rekord at iba pang impormasyon ay makatutulong sa amin na matapos nang mas mabilis ang aming trabaho.

Mga programa ng pagtulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga kabataang may mga kapansanan

Marami kaming paraan upang hikayatin ang mga kabataang tumatanggap ng mga pagbabayad ng SSI o mga benepisiyo ng SSDI at na gustong magtrabaho.

Sa ilalim ng SSI:• Kapag kinakalkula namin ang buwanang

kabayaran ng SSI para sa inyong anak, hindi namin isinasama ang karamihan ng kanyang kita . Kung ang ang inyong anak ay wala pang 22 taon gulang at isang estudyante na pirmihang pumapasok sa paaralan, mas malaki pang bahagi ng kanyang kita bawat buwan ang hindi namin isinasama. Sa 2017, maaaring hindi isama ng mga may kapansanang estudyanteng na wala pang 22 taong gulang ang $1,790 ng kanilang mga

Page 6: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

6 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

buwanang kita, na may limit bawat taon na $7,200, kapag isinasama ang kanilang kita para sa mga layunin ng SSI. Ang mga limit na ito ay maaaring tumaas bawat taon.

• Sa pamamagitan ng Plan to Achieve Self-Support (PASS ) ang isang batang may edad 15 pataas ay maaaring makapag-ipon ng bahagi ng kanyang kita at mapagkukunan upang bayaran ang edukasyon at ang ibang mga kinakailangan upang makapagtrabaho. Hindi namin isinasama ang inipong kita kapag kinakalkula namin ang kita ng inyong anak para sa SSI. Hindi namin isinasama ang inipong kita at mapagkukunan kapag kinakalkula namin ang halaga ibabayad sa inyong anak.

• Dahil sa (mga) medikal na kondisyonn, maaaring kailanganin ng inyong anak ang ilang mga bagay at serbisyo upang makapagtrabaho, tulad ng isang wheelchair o personal na katulong. Kapag kinakalkula ang kabayaran ng SSI sa inyong anak, hindi namin isasama ang ilan o lahat ng halagang ibinayad para sa naturang mga bagay at serbisyo.

• Ang inyong anak na mas matanda sa 15 taon ay maaaring matutulungan ng rehabilitasyon at pagsasanay.

• Ang Medicaid coverage ay magpapatuloy kahit ang mga kita ng inyong anak ay sapat upang itigil ang buwanang kabayaran ng SSI, basta ang mga kita ay mas mababa kaysa takdang halaga.

Sa ilalim ng SSDI:• Ang isang taong may sapat na gulang na

nagkaroon ng kapansanan bago sumapit ang edad 22 ay makakakuha ng kaparehong tulong sa mga gastos sa trabaho na ipinaliwanag sa itaas para sa isang batang SSI, at tulong para sa rehabilitasyon at pagsasanay.

• Ang mga cash na benepisiyo ay maaaring magpatuloy hanggang makapagtrabaho na ng pirmihan ang isang indibidwal.

• Ang Medicare ay maaaring magpatuloy ng hanggang 93 buwan (pitong taon, siyam na buwan).

Maaari kayong makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa mga programang ito sa aming website, sa www.socialsecurity.gov, o sa pamamagitan ng pagtawag ng libre sa 1-800-772-1213.

Ang Medicaid at Medicare

Ang Medicaid ay isang programa ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong may mababang kinikita at kaunting mapagkukunan. Sa halos lahant ng estado, ang mga batang nakatatanggap ng kabayaran sa SSI ay kwalipikado sa Medicaid. Sa maraming estado, awtomatikong kasama ang Medicaid sa pagiging kwalipikado sa SSI. Sa ibang pang estado, kailangan ninyong magrehistro dito. At ang ilang bata ay maaaring makakuha ng Medicaid coverage kahit hindi sila kwalipikado sa SSI. Tanungin ang tanggapan ng Social Security sa iyong lugar, ang ahensiya ng Medicaid sa inyong estado, o ang tanggapan ng social services ng iyong estado o county para sa karagdagang impormasyon.

Ang Medicare ay isang pampederal na programa ng segurong pangkalusugan para sa mga taong 65 taong gulang pataas at para sa mga taong tumatanggap ng benepisyong pangkapansanan na di bababa ng dalawang taon. May dalawang eksipsyon ang patakarang ito. Ang inyong may kapansanang anak ay maaaring makakuha kaagad ng Medicare kung siya ay:

• May matagal na karamdaman sa bato at nangangailangan ng pag-transplant ng bato o maintenance dialysis; o

• May Lou Gehrig’s disease (amyotrophic lateral sclerosis).

Page 7: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

7 (kabila)

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga Kapansanan

Ang Children’s Health Insurance Program

Ang Children’s Health Insurance Program ay nagkakaloob sa mga estado ng kakayahang magbigay ng segurong pangkalusugan (health insurance) sa mga batang galing sa mga maytrabahong pamilya na kung saan ang kita napakataas upang maging kwalipakado sa Medicaid, subalit sobrang mababa upang makakuha ng pribadong segurong pangkalusugan. Ang programa ay nagbibigay ng seguro para sa mga ineresetang gamot, at serbisyo para sa paningin, pandinig, at sa pangkaisipang pangkalusugan, at makukuha sa lahat ng 50 estado ng District of Columbia. Ang ahensya ng Medicaid sa inyong estado ay maaaring makapagbigay ng impormasyon tungkol sa programang ito, o maaari kang makakuha ng karagdagang impormasyon tunkol sa seguro para sa inyong mga anak sa www.insurekidsnow.gov sa Internet o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-543-7669.

Ibang mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan

Kapag ang iyong anak ay nakakuha ng SSI, sasabihin namin sa inyo ang mga lugar kung saan kayo makakakuha ng mga serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan para sa inyong anak. Ang mga serbisyong ito ay nasa ilalim ng probisyon ng Children with Special Health Care Needs (Mga Batang may mga Espesyal na Pangangailangan sa Pangangalaga sa Kalusugan) ng Social Security Act . Ang mga programang ito ay karaniwang pinangangasiwaan ng mga ahensiyang pangkalusugan ng estado.

Tinatawag ng mga estado ang mga serbisyong ito sa iba’t ibang pangalan kabilang ang Children’s Special Health Services, Children’s Medical Services at Handicapped Children’s Program. Karamihan sa mga programa ay nagkakaloob ng mga serbisyo sa pamamagitan ng mga klinika, mga pribadong tanggapan, mga out-patient at in-patient na mga sentro ng paggamot, o mga ahensya sa komunidad.

Bagama’t hindi tumatanggap ng SSI ang inyong anak, maaaring makatulong sa inyo ang isa sa mga programang ito. Matutulungan kayo ng mga kagawaran sa kalusugan sa iyong lugar, mga tanggapan ng social service, o mga ospital na makipag-ugnay sa programa ng Children with Special Health Care Needs sa inyong lugar.

Pakikipag-ugnayan sa Social Security

May iba’t ibang paraan para makipag-ugnayan sa Social Security, kabilang na ang online, sa pamamagitan ng telepono, at nang personal. Naririto kami para sagutin ang inyong mga katanungan at upang mapaglingkuran kayo. Higit na sa 80 taon, ang Social Security ay nakatulong na mapanatag ang kabuhayan ngayon at para sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga benepisyo at pinansiyal na proteksyon para sa milyon-milyong mga katao para sa kanilang pamumuhay.

Bumisita sa aming website

Ang pinakamadaling paraan na makipag-ugnayan sa Social Security mula saanmang lugar kahit kailan, ay bumisita sa www.socialsecurity.gov. Doon, maaari kayong:

• Lumikha ng isang my Social Security account para mabalikan ang inyong Social Security Statement, patotohanan ang inyong mga kinita, mag-print ng isang benefit verification lettert (liham ng pagpapatotoo ng benepisyo), baguhin ang inyong impormasyon para sa direktang pagde-deposito, humiling ng isang pamalit na Medicare card, kumuha ng kapalit na SSA-1099/1042S, at marami pang iba;

• Mag-apply para sa Extra Help (Karagdagang Tulong) gamit ang mga gastusin sa plano ng Medicare para sa inireresetang gamot;

• Mag-apply para sa retirement, kapansanan at mga benepisyo sa Medicare;

• Maghanap ng mga kopya ng aming mga inilathala;

• Makuha ang mga sagot sa mga madalas a katanungan; at

• Marami pang iba!

Page 8: Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga … sa mga gawain ng inyong anak. • Ang (mga) kondisyon ng bata ay dapat mapaminsala, o inaasahan na magiging mapaminsala, nang hindi bababa

8

Ang ilang sa mga serbisyong ito ay makukuha lang sa wikang Ingles. Bumisita sa aming Multilanguage Gateway para sa impormasyon sa wikang Tagalog. Kami ay nagkakaloob ng libreng serbisyo ng interpreter para tulungan kayo sa pagsasagawa ng inyong dapat gawin sa Social Security. Ang mga serbisyo ng interpreter ay handang magamit kung kayo ay makikipag-usap sa amin sa telepono o sa tanggapan ng Social Security.

Tumawag sa amin

Kung wala kayong access sa internet, kami ay naghahandog ng maraming mga automated na serbisyo sa pamamagitan ng telepono, 24 oras, 7 araw sa isang linggo. Tumawag sa amin sa walang bayad na toll sa 1-800-772-1213 o sa aming TTY na numero, 1-800-325-0778, kung kayo ay hindi nakakarinig o nahihirapan makarinig.

Kung kailangan ninyong makipag-usap sa isang tao, masasagot namin ang inyong mga tawag mula 7 a.m. hanggang 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Humihingi kami ng kaunting pasensya sa mga panahon na napakaraming ginagawa dahil maaari kayong makaranas ng higit sa karaniwang dalas na pagka-busy ng telepono at mas matatagal na panahon ng paghihintay sa tawag para makausap kami. Inaasahan namin na makapaglingkod sa inyo.

Social Security AdministrationPublication No. 05-10026-TL | January 2017

Mga Benepisyo Para Sa Mga Batang May Mga KapansananBenefits For Children With Disabilities (Tagalog)

Produced and published at U.S. taxpayer expenseAng nagbabayad ng buwis sa U.S. ang nagbayad para sa paglikha at paglathala nito