23
Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office Revised 2010 Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo” “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang ipahayag ang Misteryo ng Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filepaksa 11: mga sakramento ipinagpapatuloy ng simbahan, sa ... salita ng diyos : 1 juan 4:7-10 [ ang diyos ay pag-ibig

  • Upload
    buidang

  • View
    519

  • Download
    14

Embed Size (px)

Citation preview

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan

Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office

Revised 2010

Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo”

“Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang ipahayag ang Misteryo ng Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

IKA-ANIM NA BAYTANG

PAKSA 1: SIMBAHAN, ITINATAG MULA SAPLANO NG AMA

PAKSA 2: SIMBAHAN: ITINATAG NI JESUS SA PAMAMAGITAN NG 12 APOSTOLES

PAKSA 3: ESPIRITU SANTO, NAGBIBIGAY-BUHAYSA SIMBAHAN PAKSA 4: BANAL

NA SANTATLO: KOMUNIDAD NG PAG-IBIG

PAKSA 5: SIMBAHAN: SAMBAYANANG KRISTIYANO

PAKSA 6: SIMBAHAN, INA AT GURO

PAKSA 7: SIMBAHAN: ISA, BANAL, KATOLIKA AT APOSTOLIKA

PAKSA 8: MGA BUNGA AT KALOOB NG ESPIRITU SANTO LAKAS SA ATING

PAGIGING MABUTING KRISTIYANO

PAKSA 9: ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN AY MATATAGPUAN SA PILING NG

DIYOS (MGA PUNONG KABANALAN)

PAKSA 10: UTOS NG SANTA IGLESIA, SUSUNDIN KO

PAKSA 11: MGA SAKRAMENTO IPINAGPAPATULOY NG SIMBAHAN, SA

PAMAMAGITAN NG SIMBAHAN AT PARA SA SIMBAHAN

PAKSA 12: IBA’T-IBANG URI NG BOKASYON AT PAGLILINGKOD PARA SA

SIMBAHAN .

PAKSA 13: IBA’T-IBANG PAGPAPAHAYAG NG PANALANGIN NG SIMBAHAN

PAKSA 14: MARIA: INA AT HUWARAN NG SIMBAHAN

PAKSA 15: ANG BUHAY AY MAY PATUTUNGUHAN

184

PAKSA 1: SIMBAHAN, ITINATAG MULA SAPLANO NG AMA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang Simbahan sa simula’t simula pa ay nasa plano na ng Diyos Ama. · Makakapagtala ng mga konkretong gawain bilang Simbahan na nakikikibahagi sa misyong ibinigay ng Diyos sa daigdig. · Makakapag-alay ng panalangin para sa mga batang hindi pa kasapi ng Simbahan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng mga bata sa pagsasama-sama at pagkakaisa. Magbigay ng mga sitwasyon ng pagsama-sama at pagkakaisa sa pamilya, paaralan o pamayanan. Ano ang pakiramdam ng isang samahan o grupo na nagkakaisa? Ano naman ang pakiramdam ng isang samahan na nagkakawatak-watak o nagkakahati-hati? Ano ang mas pipiliin ninyo, ang samahang nagkakasama-sama o nagkakahati-hati? Ito rin ang nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay magkasama- sama at magkaisa kaya nagplano Siya na tipunin ang lahat ng tao. At ginawa Niya itong isang bayan - ang “Simbahan”. (Ipaliwanag ang salitang Ecclesia, KIK 751, KPK 1355 ) KAHALAGAHAN: Pagkakaisa SALITA NG DIYOS: Exodo 19:3 – 8 “Kayo ang magiging bayan kong hinirang…” 185 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Nagmula at itinatag ang Iglesya o Simbahan mula sa planong pangkaligtasan ng Ama.( KPK 1357,1364,1380-1381;KIK 759,KIK 778) Pagsamba : Sa Sakramento ng Binyag nabubuo ang Iglesya O Simbahan. (KIK 1267; KPK 1605) Pagsasabuhay : Ang bawat isa ayon sa kanikanilang kalagayan ay tinatawag na ganapin ang misyon na ibinigay ng Diyos sa Iglesya sa daigdig tungo sa pagkakaisa.. (KIK 871, KPK 1382; KPK 1605) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang Iglesya o Simbahan ay nagmula at itinatag mula sa planong pangkaligtasan ng Ama.

Pagtatalaga : 1. Gumawa ng panalangin para sa mga batang hindi pa kasapi ng Iglesya o Simbahan. 2. Isulat ang konkretong gagawin bilang pakikibahagi sa misyong binigay ng Diyos tungo sa pagkakaisa.. Pagdiriwang : Dasalin ang panalangin para sa mga batang hindi pa kasapi ng Iglesia O Simbahan Awit: Isang Pananampalataya 186 PAKSA 2: SIMBAHAN: ITINATAG NI JESUS SA PAMAMAGITAN NG 12 APOSTOLES LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na ang Simbahan ay itinatag ni Jesus sa pamamagitan ng 12 Apostoles. · Makakapagmungkahi ng mga mabubuting gagawin bilang pakikibahagi sa misyon ni Jesus. · Makakapag-alay ng panalangin para sa Simbahan at sa mga namumuno nito. SITWASYON NG BUHAY : Ipakilala ang Santo Papa at ang Arsobispo/Obispo ng kanilang Arkidiyosesis / Diyosesis. · Magkwento ng tungkol sa kanila (magdala ng larawan nila) · Ang mga Obispo ay ang kahalili ng mga Apostoles (KPK 1409) Sa 12 Apostoles itinatag ni Jesus ang Simbahan. KAHALAGAHAN : Pag-galang , pakikinig at pakikiisa sa mga namumuno ng Simbahan SALITA NG DIYOS : ( Ikuwento ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga teksto ) Ang pagtawag ni Jesus sa apat na mangingisda Mateo 4:18-22 Ang pagpili ni Jesus sa labindalawang Apostol Markos 3:13-19 Tinalaga Niya si Pedro bilang pinuno ng Simbahan Mateo 16:18 187 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Itinatag ni Jesus ang Simbahan sa saligan ng mga Apostol . (Efeso 2:20: KPK 1407-1408)

Pagsamba : Sa Sakramento ng Binyag tayo ay naging kaanib ng Simbahan. (KIK 1267; KPK 1605) Pagsasabuhay : Sa ating pag-galang, pakikinig at pakikiisa sa mga namumuno ng Simbahan ay ipinagpapatuloy natin ang gawaing pagliligtas ni Jesus. (KPK 1410- 1412) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang Simbahan ay itinatag ni Jesus sa “saligan ng mga Apostol”. Pagtatalaga : 1. Magbigay ng mga gagawin sa bahay, sa paaralan at sa simbahan bilang pagpapatuloy ng misyon ni Jesus. 2. Palagi akong magdadasal sa Espiritu Santo upang maipagpatuloy ang misyon ni Jesus. 3. Palagi kong ipagdadasal ang Santo Papa at mga Obispo na kahalili ng mga Apostol. Pagdiriwang : Panalangin para sa Simbahan at sa mga namumuno nito. 1 PAKSA 3: ESPIRITU SANTO, NAGBIBIGAY-BUHAY SA SIMBAH AN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapaliwanag na ang Espiritu Santo ay nagbibigay buhay sa Simbahan. · Makakapagtalaga ng mga gagawin sa salita at gawa upang buong tapang na maipahayag si Kristo. · Makakapanalangin sa Diyos Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY : Mga karanasan na nanindigan sa katotohanan at kabutihan (Halimbawa: Hindi natakot magsabi ng katotohanan kahit na mawalan ng material na bagay, hindi sumama sa anyaya ng barkada sa kasamaan kahit na itatakwil ng grupo…at iba pa .) Bakit ninyo ito nagagawa? Sino ang nagbibigay sa inyo ng lakas para manindigan?

KAHALAGAHAN: Paninindigan at lakas ng loob SALITA NG DIYOS: Gawa 2:1-12 “….May nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapagsa bawat isa sa kanila. at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo…” (Ikuwento ang nangyari sa mga alagad bago at pagkatapos nilang tanggapin ang Espiritu Santo.) 189 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Ang Espiritu Santo ay isinugo ng Ama at ng Anak upang magbigaybuhay sa Simbahan. (KPK 1301- 1302, 1322, 1342) Pagsamba: Sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpil, higit na ganap na nabubuklod ang nananampalataya sa Simbahan at pinagkakalooban ng di-karaniwang lakas ng Espiritu Santo. (KIK 1285; KPK 1626) Pagsasabuhay: Pinag-aalab, pinadadalisay at pinalalakas tayo ng Espiritu Santo sa ating araw-araw na pagsunod kay Kristo sa dasal at gawa. (KPK 1337) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, ang Panginoon at Tagapagbigay ng buhay. Pagtatalaga : Paano mo ipapahayag si Kristo ng buong tapang sa pamamagitan ng salita at gawa ? Pagdiriwang : Panalangin sa Espiritu Santo PAKSA 4: BANAL NA SANTATLO: KOMUNIDAD NG PAG-IBIG LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang Banal na Santatlo ay ang komunidad ng pag-ibig. · Makakapagpakita ng konkretong halimbawa ng pagiging daan ng pag-ibig sa paaralan, tahanan at pamayanan. · Makakapanalangin sa Banal na Santatlo ng buong pag-ibig. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng pagmamahalan sa pamilya.

KAHALAGAHAN : Pag-ibig SALITA NG DIYOS : 1 Juan 4:7-10 [ Ang Diyos ay pag-ibig ] PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Banal na Santatlo ay ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo - ang komunidad ng pag-ibig. (KIK 253-256, KPK 1326-1329 ) Pagsasabuhay : Sa ating pagkilos ng may pag-ibig sa bawat isa, tayo bilang Simbahan, ay nagiging larawan ng Banal na Santatlo. (KPK 1367,1446 , KIK 265) 191 Pagsamba : Sa Liturhiya ay natitipon tayo, nananalangin, at nakakalapit sa Ama, sa ngalan ng ating Panginoong Jesus at sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (PCP II 77, Efeso 2:18, KPK 1365 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Sumasampalataya ako sa Banal na Santatlo, Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Pagtatalaga : Paano ako magiging daan ng pag-ibig sa bahay, paaralan at pamayanan? Pagdiriwang : Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo ….. Aawitin: Diyos ay Pag-ibig PAKSA 5: SIMBAHAN: SAMBAYANANG KRISTIYANO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang Simbahan ay sambayanang kristiyano na nagkakaisa kay Kristo at ginagabayan ng Espiritu Santo. · Makakapangako na tuwing Linggo ay makikiisa sa Banal na Eukaristiya at makakapagbigay ng konkretong gagawin bilang instrumento ng pagkakaisa ng kapwa. · Makikiisa sa panalangin SITWASYON NG BUHAY: Iba’t-ibang gawain sa komunidad / parokya na nagpapakita ng pagkakaisa.

Karanasan ng pagkakaisa sa pamilya. KAHALAGAHAN: Pagkakaisa SALITA NG DIYOS: Gawa 2: 43-47 [ Ang Pamumuhay ng mga unang Kristiyano ] PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Simbahan ay sambayanang kristiyano na nagkakaisa kay Kristo at ginagabayan ng Espiritu Santo. (KIK 787-789, KPK 1444) Pagsamba : Sa pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya, pinagkakaisa tayo ng Espiritu Santo kay Kristo at sa isa’t isa. (KIK 790, KPK 1389,1370, Vatican II LG 7) 193 Pagsasabuhay : Misyon ng Simbahan na bahaginan ang mga tao ng pagkakaisa ng Ama at ng Anak sa kanilang Espiritu ng pag-ibig. (KIK 850; KPK 1412, 1362) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Ako ay naniniwala na ang Simbahan ay sambayanang kristiyano na nagkakaisa kay Kristo at ginagabayan ng Espiritu Santo. Pagtatalaga : 1. Tuwing Linggo, ako ay makikibahagi sa Banal na Eukaristiya. 2. Paano ako nagiging instrument ng pagkakaisa ng aking kapwa ? Magbigay ng mga gagawin. Pagdiriwang : Awit: Pananagutan / Isang Pagkain, Isang Katawan PAKSA 6: SIMBAHAN, INA AT GURO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na ang Simbahan ay nangangalaga at nagtuturo sa mga kaanib nito. · Makakapagtala ng mga teksto mula sa Banal na Bibliya na magiging gabay sa araw-araw na pamumuhay

· Makakapagdiwang bilang pasasalamat sa mga aral na tinanggap sa Simbahan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng batang nasa ika-anim na baitang kung paanong masasabi na ang Simbahan ay Ina at Guro. Anu –ano ang mga alam ninyong aral at turo ng Simbahan? Paano natin ito nasusunod? KAHALAGAHAN: Pagsasabuhay ng mga aral at turo ng Simbahan SALITA NG DIYOS: Mateo 28:16-20 “… Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa, bautismuhan… at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ko sa inyo…” Gawa 2:42 “ ….at nanatili sila sa aral ng mga apostol “ 195 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Simbahan ay ang nangangalaga at nagtuturo sa sambayanan ng Diyos. (KIK 2032- 2037; KPK 107,1407,1413) Pagsasabuhay : Bawat binyagan ay tinatawag na isabuhay ang Salita ng Diyos at mga aral ng Simbahan. (Lukas 8:21, KIK 2037) Pagsamba : Sa mga Liturhiya na ating pinagdiriwang araw-araw, nakikita natin ang pag-aalaga at pagiging guro ng Simbahan. (KIK 2040) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang Simbahan ay nangangalaga at nagtuturo sa sambayanan ng Diyos. Pagtatalaga : Magbigay ng mga teksto mula sa Bibliya na magiging gabay mo sa iyong araw-araw na pamumuhay. Magbigay ng mga konkretong gagawin na nagpapakita ng pagsunod sa aral ng Simbahan Pagdiriwang : Pagluluklok sa Banal na Kasulatan Aawitin: Ang Salita ng Panginoon natin ay may ligayang taglay Ating damdamin ay nag-uumapaw Ang aral N’yay gabay ng buhay Pagbasa: Mateo 28 : 16-20 Pangwakas ng awitin: c/o catechist

PAKSA 7: SIMBAHAN: ISA, BANAL, KATOLIKA AT APOSTOLI KA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman at maisasaulo na ang Simbahan ay may apat na katangian. · Mahahamong maisabuhay ang apat na katangian ng Simbahan at makakapagbigay ng konkretong gagawin sa araw-araw. · Maipapahayag ng buong puso ang panalanging “ Sumasampalataya ”. SITWASYON NG BUHAY: Pag-usapan ang mga katangian na mayroon ang mga bata. Ano ang pagkaunawa ninyo sa salitang katangian? ( Ang katangian ay paglalarawan ng ating katauhan o pag-uugali ) Anu-anong katangian mayroon ka? ( Hal: Ang batang nasa ika-anim na baytang ay mapagbigay....) Paano mo tunay na inaari o inaangkin ang iyong katangian? ( Sinisikap na gawin o isabuhay sa arawaraw at pinauunlad pa.) Ang ating Simbahan ay mayroon ding katangian. Anu-anong katangian mayroon ang Simbahan? Ang Simbahang Katolika ay _________. ( Hal; Ang Simbahang Katolika ay aktibo sa pagpapahayag, mapagmalasakit sa mga nangangailangan...) KAHALAGAHAN: Pagkilala at pagsasabuhay ng mga katangian 197 SALITA NG DIYOS: Mateo 16:18 “ ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang aking Iglesia ......” Isa : Banal : Katolika : Apostolika : Efeso 4:3 Efeso 4:22-24 Mateo 28:19 Efeso 2:20 “ Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu… Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu “… at ang dapat Makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.” “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa…”

“Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Jesus.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Simbahan ay may apat na katangian : Isa, Banal, Katolika at Apostolika. ( Nicene Creed, KIK 866-69, KPK 1390-1411) 198 Pagsasabuhay : Ang mga katangian ng Simbahan ay mga tungkulin na humahamon sa ating isabuhay, bilang bahagi ng misyon nito. ( KPK 1390,1456,1458,1459, 1460 ) Pagsamba : Sa panalangin na “Sumasampalataya” ipinapahayag natin ang paniniwala sa Simbahan bilang isa, banal, katolika at apostolika. (Nicene Creed , KIK 196) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Sumasampalataya tayo sa Simbahan na Isa, Banal, Katolika at Apostolika Pagtatalaga: Paano mo maisasabuhay ang apat na katangian ng Simbahan sa iyong pang-araw-araw na buhay? Magbigay ng 3 gagawin mo. Pagdiriwang: Dadasalin ang “Sumasampalataya″ , titigil sandali sa bahagi ng : “Sumasampalataya naman ako sa Simbahang Katolika.” (Mungkahi para sa katekista: Ang paksang ito ay lubhang mahalaga ngunit mahaba kaya maari itong maituro ng 2 sesyon.) PAKSA 8: MGA BUNGA AT KALOOB NG ESPIRITU SANTO LAKA S SA ATING PAGIGING MABUTING KRISTIYANO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman ang mga pitong kaloob at mga bunga ng Espiritu Santo. · Makakapagbigay ng mga gagawin kung paano isasabuhay ang mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo. · Makakapangako na laging mananalangin sa Espiritu Santo.

SITWASYONG NG BUHAY: Pag-usapan: Pagpapahalaga sa mga regalong natatanggap… regalo mula kay nanay, tatay, ate, ninang, ninong , at iba pa . Lahat ng regalo ay mahalaga maliit man ito o malaki, mahal man ito o mura. Ang bawat regalo o kaloob ay may halaga at dapat na gamitin at pahalagahan ng tumanggap. Ang mahalaga ay yong pagmamahal na binigay dito. Ang intensiyon ng nagbigay ang nagbibigay halaga dito. Ano ang ginagawa mo sa regaling natanggap mo pero hindi mo ito gusto o hindi mo kailangan? Kung ikaw ang nagbigay ng regalo na binale wala lang, hindi pinahalagahan o hindi ginamit ano ang mararamdaman mo? Sa Kumpil may mga regalo o mga kaloob din tayong natatanggap mula sa Diyos, di natin ito nakikita subalit nagbibigay sa atin ng biyaya at lakas upang maging mabuti tayong Kristiyano. 200 KAHALAGAHAN: Pagbibigay halaga sa mga regalo o kaloob na natatanggap. SALITA NG DIYOS: ( Ikuwento ang nangyari sa mga apostol noong Pentekostes - bilang pagbibigay ng konteksto ) Isaias 11:2-3 Mga Kaloob ng Espiritu Santo Galacia 5:22-23 Mga Bunga ng Espiritu Santo PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba: Sa Sakramento ng Kumpil ay tinatanggap natin ang mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo. ( KIK 1303, 1831, 1832 ) Ipaliwanag ang ritu ng kumpil at ang mga simbolo Katotohanan: Ang pitong kaloob ng Espiritu Santo ay ang mga sumusunod: karunungan, pagkaunawa, kahatulan, lakas ng loob, kaalaman, kabanalan at pagkatakot sa Diyos. At ang mga bunga ng Espiritu Santo ay : pag-ibig, galak, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang-loob, kabaitan, pagtitiwala, kaamuan, katapatan, pagtitimpi, pagpipigil sa sarili, kalinisan. ( KIK 1831-1832 ) Pagsasabuhay : Ang mga nakumpilan ay inaasahan na isabuhay ang mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo, maging masunurin sa kalooban ng Diyos, at maging mabuting Kristiyano. (KIK 1302-1303, KPK1631) 201 TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na sa Kumpil tinatanggap natin ang mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo.

Pagtatalaga : 1. Paano mo maisasabuhay ang mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo sa araw –araw mong buhay? 2. Palagi akong mananalangin sa Espiritu Santo. 3. Paghahandaan ko ang pagtanggap sa Espiritu Santo sa Sakramento ng Kumpil. Pagdiriwang : Awit-Panalangin: COME HOLY SPIRIT / LIVE BY THE SPIRIT PAKSA 9: ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN AY MATATAGPUAN SA PILING NG DIYOS (MGA PUNONG KABANALAN) LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na tanging ang Diyos lamang ang makakapagbigay ng tunay na kaligayahan. · Makakapagbigay ng mga munting pamamaraan kung paano maisasabuhay ang mga Punong Kabanalan at maisasaulo ang Punong Kabanalan. · Makakapagdasal ng buong puso sa Diyos na maisabuhay ang mga “kahalagahan” o “values” na naroon sa Punong Kabanalan. SITWASYON NG BUHAY: Pag-usapan ang mga bagay na nakakapagbigay kaligayahan sa tao. Ano ang pagkakaiba ng kaligayahan at kasiyahan ? Tunay na kaligayahan -- kanino o saan natin matatagpuan? “Tiyak na tayong lahat ay nagnanais mabuhay ng maligaya walang sino mang tumanggi sa mungkahing ito bago pa lubusang ihayag - San Agustin”( KIK 1718) KAHALAGAHAN: Mga kahalagahan na nasa Punong Kabanalan (Hal. Malinis ang konsiyensiya, mapagkumbaba, maawain, masunurin, mahabagin at iba pa. SALITA NG DIYOS: Mateo 5: 1-10 [ Punong Kabanalan ] 203 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Sa pagtupad sa mga Punong Kabanalan, tayo ay mapapabilang sa mga “mapalad” sa Kaharian ng Diyos. (KIK 1718, KPK 823) Katotohanan : Tanging ang Diyos lamang ang nakapagbibigay ng tunay na kaligayahan . ( Sto. Tomas de Aquino) ( KIK 1718, KPK 823)

Pagsamba : Sa panalangin, ang lahat ng binyagan ay nagsisikap para sa Pagdating ng kaharian . “Mapasaamin ang kaharian mo” ( KIK 2632, KPK 2149 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na tanging ang Diyos lamang ang nakapagbibigay ng tunay na kaligayahan. Pagtatalaga : Magbigay ng mga munting pamamaraan kung paano mo maisasabuhay ang mga Punong Kabanalan. Isaulo ang Punong Kabanalan Pagdiriwang: Awit: “ Mapapalad ” Panginoon, Ikaw ang bukal ng kahinahunan at kaamuan. Matularan ka nawa namin, upang makapagtanim kami ng kapayapaan at pag-ibig saan man kami pumaroon. Amen. 2 PAKSA 10: UTOS NG SANTA IGLESIA , SUSUNDIN KO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman at maisasaulo ang limang utos ng Santa Iglesya. · Makakapagtala ng mga gagawin upang makasunod sa mga utos ng Santa Iglesya. · Makakapagpasalamat sa Diyos sa pagkakaloob ng limang utos ng Santa Iglesya. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan sa pagsunod at di pagsunod sa mga batas na ipinatutupad sa tahanan, paaralan at pamayanan. KAHALAGAHAN: Pagsunod sa mga batas SALITA NG DIYOS : Mateo 6: 1-4, 16-18 [ Ang turo tungkol sa paglilimos at sa pag-aayuno] Exodo 20: 8 “Italaga ninyo ang araw ng pamamahinga” Mateo 9:6 [ turo ni Jesus sa paghihiwalay ] PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay: Bilang Kristiyano, may tungkulin tayong sundin ang mga utos ng Santa Iglesia . (KIK 2037) Ipaliwanag ang 5 utos ng Santa Iglesia (KIK 2041-2043) 205

Katotohanan : Ang mga utos ng Santa Iglesya ay mga tuntunin ng asal upang maging maayos ang ating Kristiyanong pamumuhay at pagsamba. (KIK 2041) Pagsamba : Sa pagdiriwang ng Liturhiya at mga Sakramento, napapangalagaan ang ating Kristiyanong pamumuhay. (KIK 2047,2048) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Isasaulo ko ang mga utos ng Santa Iglesya dahil ito’y tuntunin ng asal upang maging maayos ang ating Kristiyanong pamumuhay at pagsamba. Pagtatalaga : Gumawa ng mga paraan kung paano matutupad ang mga Utos ng Santa Iglesya. Pagdiriwang : Panalangin ng pasasalamat sa mga utos ng Santa Iglesya na ating gabay sa tamang pamumuhay. ( c/o Catechist ) PAKSA 11: MGA SAKRAMENTO IPINAGPAPATULOY NG SIMBAHA N, SA PAMAMAGITAN NG SIMBAHAN AT PARA SA SIMBAHAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan at maisasaulo ang pitong Sakramento. · Makakapaglahad ng konkretong halimbawa na naging bunga o epekto ng Sakramento sa kanilang buhay. · Makakapagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Sakramento. SITWASYON NG BUHAY : Ano ang Sakramento sa buhay natin? Bakit may mga Sakramento ? Sa pamamagitan ng mga Sakramento nagkakaroon tayo ng malalim na ugnayan kay Kristo KAHALAGAHAN: Pakikipag-ugnayan SALITA NG DIYOS : Juan 15: 4-5 “Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno...” Ang pitong sakramento: (ayon sa Biblia) Binyag: Juan 3:1-7 “...Maliban na ang tao’y ipanganak sa tubig at espiritu hindi siya paghaharian ng Diyos.”

Kumpil: Gawa 8:15-17 “..at ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.” 207 Banal na Eukaristiya: Mateo 26:26 “Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa kanyang mga alagad. Kunin ninyo ito at kanin: ito ang aking katawan,Wika niya.” Pakikipagkasundo: Juan 20:21-23 “Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.” Pagpapahid ng langis sa maysakit:Santiago 5:16 “Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng Iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon….” Kasal: Marcos 10:6-9 “ …sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: nilalang Niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Banal na Orden: Hebreo 5:1-4 “Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at maghain dahil sa mga kasalanan.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Ang mga pagdiriwang ng mga Sakramento ay mabibisang mga tanda ng grasya na nagsisilbing pagkakataon upang makatagpo natin bilang mga inampong anak, ang Diyos Ama sa pamamagitan ni Kristo sa Kanyang Simbahan. (KPK 1572) 208 Katotohanan : Ang mga Sakramento ay itinatag ni Kr isto, ipinagpapatuloy sa Simbahan, sa pamamagitan ng Simbahan at para sa Simbahan. (KPK 1531)

Pagsasabuhay : Ang bunga ng mga Sakramento ay higit tayong inilalapit sa Simbahan, kay Kristo sa Espiritu at sa Ama at unti-unti tayong hinuhubog na maging katulad ni Kristo. (KPK 1575) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang pitong Sakramento ay itinatag ni Kristo para sa Simbahan. Pagtatalaga : Itala ang mga konkretong epekto o bunga sa bawat Sakramentong tinanggap Pagdiriwang : Awit: Isang Bansa/ Spontaneous Prayer Pasalamatan natin ang Ama sa pagkakaloob Niya sa atin ng Kanyang anak na si Jesus na nananatili sa mga Sakramento. Sakramento Bunga O Pagsasabuhay 1. Binyag 2. Banal na Eukaristiya 3. Pagbabalik-loob/ Kumpisal PAKSA 12: IBA’T-IBANG URI NG BOKASYON AT PAGLILINGK OD PARA SA SIMBAHAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang bokasyon ay nagmumula sa Diyos. · Makakapagbigay ng mga gagawin upang mapabuti pa ang paglilingkod sa kapwa. · Makakapag-alay ng panalangin para sa bokasyon SITWASYON NG BUHAY : Ano ang paglilingkod? Ano ang bokasyon ? Sa ngayon ano ang paglilingkod sa kapwa ang naibibigay mo? Tayong lahat ay tinatawag sa iba’t-ibang uri ng bokasyon at paglilingkod. KAHALAGAHAN: Paglilingkod

SALITA NG DIYOS: 1 Corinto12:14, 27-31 “Naglagay ang Diyos sa Iglesya, una ng mga Apostol; ikalawa ng mga propeta, at ikatlo ng mga guro, naglagay rin Siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa at magsasalita sa iba’t-ibang wika…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Ang bokasyon ng bawat Kristiyano ay isang pagtugon sa tawag ni Kristo: “Sumunod ka sa akin”. (Mateo 19:21, KPK 1946) · 2 Sakramento ng Bokasyon at Paglilingkod – Kasal (Pag-aasawa) at Banal na Orden (Pagpapari) (KPK 1874) · Bokasyon sa Pag-ibig ng Walang Asawa (Selibato) – Pari, Relihiyoso at Laykong nagpasya para sa “ banal na buhay pag-iisa.” (KPK 1938-1940) Katotohanan : Ang salitang bokasyon ay nangangahulugang pagtawag at ang pagtawag na ito ay nagmumula sa Banal na Santatlo. (KPK 1946) Pagsamba: Sa panalangin, hinihingi natin sa Diyos na marami pa Siyang taong tawagin upang maglingkod sa Simbahan. (Mateo 9:38) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang bokasyon at paglilingkod ay nagmumula sa Banal na Santatlo. Pagtatalaga : 1. Paano mo pa mapapabuti ang paglilingkod na ginagawa mo sa bahay, paaralan, o maging sa pamayanan? 2. Magbigay ng mga gagawin mo pa na nagpapakita ng paglilingkod sa kapwa at sa Simbahan. Pagdiriwang : Panalangin para sa Bokasyon Awit: Lord here I am 211 PANALANGIN PARA SA BOKASYON ni: Papa Juan Pablo II Jesus, Anak ng Diyos, sa Iyo nananahan ang kaganapan ng pagka-Diyos,

Inaanyayahan mo ang lahat ng mga binyagan na “pumalaot” at tahakin ang landas patungo sa kabanalan. Pukawin mo sa puso ng mga kabataan ang pagnanais na maging mga saksi sa kapangyarihan ng Iyong pag-ibig sa aming mundo ngayon. Puspusin mo sila ng iyong Espiritu ng katatagan at mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Aming Tagapagligtas, sinugo ka ng Ama upang ipahayag ang Kanyang maawaing pag-ibig, biyayaan mo ang iyong Simbahan ng mga kabataan na handang “pumalaot” at maging tanda sa iba ng iyong presensiyang nakapagpapanibago at nakapagliligtas. Amen. PAKSA 13: IBA’T-IBANG PAGPAPAHAYAG NG PANALANGIN NG SIMBAHAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang panalanging kristiyano ay pagtawag sa Diyos na Santatlo. · Makakapagbigay ng tatlong bunga ng kanilang panalangin. · Mahihikayat na makapanalangin ng tahimik sa Banal na Sakramento. SITWASYON NG BUHAY : Pagbabahaginan tungkol sa karanasan sa panalangin Ano ang panalangin? Saan, kailan ka nagdarasal? Kailangan ba talagang manalangin? Bakit? Paano ka nagdarasal? KAHALAGAHAN: Palagiang pananalangin SALITA NG DIYOS: Mateo 6:5-15 [ Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Pananalangin ]

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa panalangin , itinataas natin ang puso at isipan sa Diyos na nagmamahal sa atin ( KIK 2559 ) Ang Simbahan ay may tatlong pangunahing pagpapahayag ng panalangin: Panalanging Pabigkas (Vocal Prayer), 213 Pagmumuni (Meditation) at Kontemplasyon (Contemplative Prayer). May iisang katangian ang mga ito: ang pagdidili-dili ng puso. ( KIK 2700-2719, 2721-2724) Katotohanan : Ang tunay na panalanging kristiyano ay laging Santatluhan, dahil sa pamamagitan ni Kristo tayo’y kapwa makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo. ( KPK 1475) Pagsasabuhay : Inuutos sa atin ng Panginoon na laging manalangin at para sa lahat ng bagay ay magpasalamat sa ngalan ng Panginoong Jesukristo sa Amang Diyos ( KIK 2742 ). Ang panalangin at ang buhay Kristiano ay hindi mapaghihiwalay. ( KIK 2745 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang tunay na panalanging kristiyano ay lagging pagtawag sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Pagtatalaga : Maglaan ng oras para kay Jesus sa harap ng Banal na Sakramento. A – doring L – oving T – hanksgiving A – sking R – eparation Ano ang nagiging bunga ng iyong panalangin sa pakikitungo mo sa ibang tao? Magbigay ng tatlong bunga. Pagdiriwang : Iimbitahan ang mga bata na tumahimik at kausapin ang Diyos na nasa puso nila. Sa pagmamahal naroroon ang Diyos ( paulit - ulit )

PAKSA 14: MARIA: INA AT HUWARAN NG SIMBAHAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na si Maria ay Ina at Huwaran ng Simbahan. · Makakapagbigay ng mga gagawin bilang paggalang at pagtulad kay Maria. · Makakapag-alay ng panalangin at awit kay Maria. SITWASYON NG BUHAY: Magbahaginan: Ibahagi sa bawat isa ang kahalagahan ng isang ina. Mag-isip ng mga katangian na masasabi mo sa iyong ina sa pagbuo ng salitang M_O_T_H_E_R O N-A-N-A-Y. Si Nanay ang puso at kaluluwa ng mag-anak. Siya ang ilaw ng tahanan, siya ang inspiration ng mag-anak, siya ang lakas ng mga taong nasa pangangalaga at pagmamahal niya. Bilang tugon sa pagmamahal ng iyong ina, paano mo naman ipinakikita ang pagmamahal mo sa kanya ? Maliban sa ating ina, mayroon pa tayong isang ina na nagmamahal at nangangalaga sa atin at inilalapit tayo sa kanyang anak na si Jesus. Siya ay si Inang Maria. SALITA NG DIYOS: Juan 19:25-27 “…Narito ang iyong ina!” KAHALAGAHAN: Pagiging masunurin 215 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Si Maria ay ina at huwaran ng Simbahan. ( KIK 963, 967, KPK 1433-1441, ) Pagsasabuhay : Ang pagsunod ni Inang Maria kay Kristo ang siyang maging huwaran natin sa pagsunod Diyos. ( KPK 1441 ) Pagsamba : Nagagalak ang Simbahan na magdasal ng kasama ang Birheng Maria, upang papurihan ang Diyos sa mga dakilang bagay na ginaganap Niya sa kanya at upang ipagkatiwala sa Kanya ang ating mga kahilingan at pagpupuri. ( KIK 2682 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paniniwala : Ipahahayag ko na si Maria ang ina at huwaran ng Simbahan. Pagtatalaga : 1. Paano ko igagalang si Maria bilang ina at huwaran ng Simbahan?

2. Magbigay ng mga gawain na nagpapakita ng paglilingkod at pagsunod sa Diyos bilang pagtulad kay Inang Maria. Pagdiriwang : MEMORARE / Awit kay Maria PAKSA 15: ANG BUHAY AY MAY PATUTUNGUHAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na ang ating buhay ay may patutunguhan, ang buhay na walang hanggan · Makakapagbigay ng mabubuting gawain tanda ng pagsunod kay Jesus. · Mahihikayat na ugaliing magdasal palagi at asamin ang buhay na walang hanggan SITWASYON NG BUHAY: Ano ang damdamin mo kapag narinig mo ang salitang buhay na walang hanggan ? Para sa iyo ano ba ang buhay na walang hanggan ? Paano natin makakamit ang buhay na walang hanggan ? Inaasahan , inaasam mo ba ito ? May kaugnayan ba ang ginagawa natin sa araw-araw upang makamit ang buhay na walang hanggan ? KAHALAGAHAN: Pagsunod kay Jesus SALITA NG DIYOS: 2 Pedro 3:13-18 “Ngunit ayon sa pangako ng Diyos naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na pinaghaharian ng katarungan.” Mateo 25:31-46 [Ang Paghuhukom] Juan 14: 1-7 [Si Jesus ang Daan] 217 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Ang buhay ay may patutunguhan, buhay na walang hanggan. ( KIK 1020, KPK 2060) Pagsamba: Sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay nakikibahagi at nalalasap na natin ang ating huling hantungan. (KIK 1000, KPK 2082)

Pagsasabuhay: Ang ating pagsunod kay Jesus ay daan patungo sa buhay na walang hanggan. ( Juan 14:1-7, Juan 3:16, KIK 1696 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang buhay ay may patutunguhan, ang buhay na walang- hanggan. Pagtatalaga : Magbigay ng mga mabubuting gagawin tanda ng pagsunod kay Jesus na magdadala sa atin sa buhay na walang-hanggan. Mangangako na palaging magdarasal bilang pag-asam sa buhay na walang hanggan. Pagdiriwang : Prayer Service: Pambungad na Panalangin Salita ng Diyos : 2 Pedro 3: 13- 18 Katahimikan Awit: Bubuhayin Kita Bubuhayin kita At bubuhayin kita ( 2 x ) Ngayon at kailan man Ako ang muling pagkabuhay Ako ang buhay Sino mang manalig sa akin Kahit siya’y pumanaw Muling mabubuhay