16
Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo .

Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

Gabay sa mga

pulong sa pakikipagkasundo

.

Page 2: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Ang aming libreng serbisyo ay maaaring makatulong sa pagresolba ng iyong reklamo nang walang gastos at istres ng pagpunta sa korte.

Page 3: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Sino kami?Ang Financial Ombudsman Service (FOS) Australia ay nag-aalok ng patas, malaya at madaling ma-access na pagresolba sa alitan para sa mga konsyumer na hindi nagawang lutasin ang mga reklamo sa miyembrong mga tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal.

Kabilang sa aming mga miyembro ang mga bangko, mga taga-seguro, mga tagapagtaguyod ng kredit, mga tagapayo sa pananalapi at mga tagaplano, mga ahensiyang taga-kolekta ng utang at iba pang mga negosyo na nagbibigay ng mga produkto at serbisyong pinansiyal.

Ang hindi pinagkakakitaan, hindi pampamahalaang organisasyon na FOS ay nagreresolba ng mga alitan nang mabilis at maayos, na nagbibigay ng mas murang alternatibo imbes na pumunta sa hukuman. Ang aming serbisyo ay walang bayad para sa mga aplikante, dahil ang mga gastos sa pagpapatakbo ng serbisyo ay sinasagot ng aming mga miyembro.

Paano kami tumutulongNireresolba namin ang mga alitan sa pagitan ng mga konsyumer at Tagapagtaguyod ng mga Serbisyong Pinansiyal: sa paraang nakikiisa, mahusay, napapanahon

at patas nang may minimong pormalidad at

teknikalidad, at maaaninag hangga’t maaari, habang

isinasaalang-alang ang aming mga obligasyon sa pagiging kompidensiyal at pagkapribado.

Nangangailangan ito ng pag-unawa sa lahat ng aspeto ng alitan nang walang pinapanigan, at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular na mga katotohanan at mga pangyayari ng bawat alitan.

Page 4: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Ano ang pakikipagkasundo at paano ako matutulungan nito?

Ang pakikipagkasundo ay isa sa mga paraang ginagamit ng FOS upang maresolba ang reklamo mo sa iyong bangko, taga-seguro o iba pang negosyo na nagtataguyod ng mga serbisyong pinansyal.

Inaayos namin ang tawag na pagpupulong sa telepono (telephone conference call) na kasama ka, ang organisasyon na nirereklamo mo, at kami, upang hayaan kang magsalita tungkol sa mga isyu ng reklamo.

Binansagan namin sa polyetong ito ang tawag na pagpupulong sa telepono bilang isang ‘pulong sa pakikipagkasundo’.

Ang aming mga tagapagkasundo o konsilyator ay sinanay na mga tagapamagitan. Sila ay malaya at tumutulong sa iyo at sa organisasyon na inirereklamo mo na pag-usapan ang iyong mga alalahanin, at tukuyin ang iyong mga isyu at talakayin ang mga ito. Ang pagkakaroon ng isang bihasang tao na gagabay sa pag-uusap ay magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot.

Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo ay makamit sa pamamagitan ng pag-uusap ang solusyon sa alitan na sasang-ayunan ninyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal. Ito ay hindi laging nangyayari, ngunit para sa amin ang pakikipagkasundo ay napaka-epektibong paraan para makakuha ang dalawang partido ng mas mabuting pang-unawa sa alitan.

Page 5: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Sino ang magpapasya kung ang pulong sa pakikipagkasundo ay gaganapin?

Ang pag-uusap tungkol sa problema ay kadalasang epektibong paraan upang maka-isip ng solusyon. Pag-aaralan namin ang mga katotohanan ng alitan at magpapasya kung ang pakikipagkasundo ay makakatulong.

Kung naniniwala kami na ang pakikipagkasundo ay makakatulong sa inyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal upang magkasundo, makikipag-ugnayan kami sa inyong dalawa para pag-usapan ito. Maaari mong hilingin sa amin na ayusin ang pulong sa pagkakasundo anumang oras habang nasa proseso. Ang iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal ay maaari ring humiling ng pulong sa pagkakaundo kung sa tingin nila ay maaari itong makakatulong upang magkaroon ng kasunduan. Isasaalang-alang namin ang kahilingan at makikipag-usap sa inyong dalawa kung ito ay isang kapaki-pakinabang na opsyon para sa iyong kalagayan.

Page 6: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Sino ang tagapagkasundo at ano ang kanyang papel?

Ang tagapagkasundo ay madalas, ngunit hindi lagi, na ang tao rin na humahawak ng iyong alitan. Ang mga tagapagkasundo ng FOS ay sinanay upang makatulong sa iyo at sa iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal upang talakayin nang malaya ang iyong alitan at upang magkaroon ang isang kasunduan. Sinisiguro nila na bawat partido ay nauunawaan kung ano ang kanilang sinasang-ayunan.

Ang tagapagkasundo ay: nagsasagawa ng pakikipagkasundo nagtatanong, nag-aalok ng impormasyon at

tumutulong sa pagtukoy ng resolusyon, ngunit hindi advocate ninyong dalawa ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal

hindi maaaring magbigay ng legal na payo nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga

alternatibo sa paglutas ng alitan kung hindi malutas ng pulong sa pagkakasundo ang lahat ng mga problema

maaaring tapusin ang pakikipagkasundo anumang oras kung ang proseso ay inaabuso ng alinman sa dalawang partido.

Page 7: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

“Sa panahon ng pakikipagkasundo, ang aking papel ay gabayan ang pag-uusap upang sikaping marating ang solusyon na sasang-ayunan ninyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal. Hinihikayat ko kayong pareho na pag-usapan ang inyong mga alalahanin, pati na rin ang anumang mga ideya na maaaring taglay mo upang maresolba ang alitan. “Elizabeth O’Brien, FOS Tagapamahala ng Kaso

Page 8: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Ano ang mangyayari sa impormasyong isiwalat sa pulong sa pakikipagkasundo?

Ang mga pulong sa pakikipagkasundo ay hindi maaaring i-rekord ng mga partido.

Habang nasa proseso ng pakikipagkasundo, kayo ng tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga katotohanan sa alitan at tutukuyin ang mga bagay na may alitan. Halimbawa, maaaring magkasundo kayo sa ilang mga isyu sa alitan, ngunit hindi sa lahat.

Kung ang alitan ay hindi maaaring maresolba sa pakikipagkasundo, maaari naming gamitin ang ilan sa mga impormasyong isiniwalat sa pakikipagkasundo kung aming pag-aaralan pa ang alitan. Halimbawa, maaaring sa tingin namin ay magiging kapaki-pakinabang na gamitin ang impormasyong isiniwalat tungkol sa mga kalkulasyon, mga punto sa kasunduan o bagong mga katotohanan habang patuloy naming hinahawakan ang alitan.

Kung naresolba ninyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal ang alitan, gagawa kami ng tala ng pinagkasunduan ninyo. Ginagawa namin ito sakaling magkaroon ng anumang mga katanungan sa hinaharap.

Maaari bang magbahagi ka pa sa akin tungkol sa proseso ng pakikipagkasundo?

Bago ang tawag sa pagpupulong:

Makikipag-ugnay kami sa inyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal upang talakayin ang mga isyu ng iyong reklamo at kumpirmahin ang proseso para sa pulong sa pakikipagkasundo.

Page 9: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Habang nasa tawag sa pagpupulong:

Ang pulong sa pakikipagkasundo ay isang pagkakataon para sa inyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal upang mag-usap nang direkta sa isa’t isa habang ginagabayan namin ang pag-uusap.

Ang tagapagkasundo ang mag-aayos ng pagpupulong. Gagawin nila:

Ang mainit na pagtanggap at ipapakilala ang lahat.

Ipapaliwanag ang papel ng tagapagkasundo at ang mga alituntunin na kailangang sundin habang nasa pagpupulong.

Tutulong sa pagbalangkas ng mga pangunahing isyu at pagkumpirma ng adyenda.

Hihilingin sa inyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal na pag-usapan ang iyong mga alalahanin nang mas detalyado at tukuyin kung ano ang inaasahan mo sa mga tuntunin ng resolusyon.

Tutulungan kayong pareho na pag-aralan ang mga isyu at magtanong sa isa’t isa upang linawin ang mga bagay-bagay.

Tutulong sa pagtalakay ng mga posibleng paraan upang maresolba ang alitan.

Makikipag-usap nang pribado sa inyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal habang nasa pagpupulong upang talakayin at linawin ang mga katanungan o mga alalahanin na ibinahagi, at humanap ng posibleng mga pagpipilian para sa resolusyon.

Page 10: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

FINANCIAL OMBUDSMAN SERVICE

Nakikipag-ugnayan sa dalawang partido

TAGAPAGKASUNDO

Ipinapaliwanag ang proseso ng pulong sa pakikipagkasundo

Nagtatakda ng petsa para sa pulong sa pakikipagkasundo

Kinukumpirma ang mga isyu at mga detalye sa mga partido bago ang pulong sa pakikipagkasundo

ISINAGAWA ANG PULONG SA PAKIKIPAGKASUNDO

NARATING ANG KASUNDUAN

Isinulat

Itinala sa file

Naresolba ang alitan

Isinara ang file

ANG KASUNDUAN AY HINDI NARATING

Kung saan naaangkop, ang alitan ay ihahanda para sa higit pang imbestigasyon at Rekomendasyon o Pagpapasiya

REKOMENDASYON O PAGPAPASYANG GINAWA

(pormal na desisyong nakasulat)

PAGSARA NG ALITAN

Page 11: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Ano ang mangyayari kapag ang isang kasunduan ay narating sa panahon ng pakikipagkasundo?

Itatala namin ang mga tuntunin ng kasunduan.

Makaraan ang pulong sa pakikipagkasundo, kukumpirmahin namin sa dalawang partido ang mga tuntunin ng kasunduan na nakasulat.

Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa mga tuntunin ng kasunduan, dapat kang makipag-ugnayan sa amin sa loob ng 7 araw.

Minsan ang mga tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal ay maghahanda ng dokumento ng areglo para lagdaan mo. Ito ay dapat sumasalamin sa napagkasunduan ng mga partido. Kung hindi, kailangan mong ipaalam sa amin.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa dokumento ng areglo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal, dapat mo itong talakayin sa tagapagkasundo. Subalit, ang tagapagkasundo ay hindi maaaring magbigay ng anumang legal na payo.

Maaari mong kausapin ang iyong sariling independiyenteng legal na tagapayo tungkol sa alitan kung kinakailangan.

Page 12: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

Ano ang mangyayari kung ang kasunduan ay hindi narating sa pakikipagkasundo?

Kung hindi namin nagawang tulungan ka na marating ang kasunduan sa pamamagitan ng pulong sa pakikipagkasundo o iba pang mga negosyasyon, malamang na hindi na kami magsasagawa pa ng detalyadong pagsisiyasat upang subukang maresolba ang alitan.

Sa ilang mga kaso, mabibigyan ka namin ng ideya sa pulong kung ano ang malamang na kahihinatnan ng aming pagsisiyasat. Sa ibang mga kaso, maaaring hilingin namin sa iyo o sa iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal na bigyan kami ng higit pang impormasyon bago kami gumawa ng anumang desisyon tungkol sa alitan.

Mga uri ng mga kahihinatnan ng pakikipagkasundo

Ang kahihinatnan ng pulong sa pakikipagkasundo ay nasa kamay ninyo ng iyong tagapagtaguyod ng serbisyong pinansyal.

Ang ilang mga halimbawa ay:

Ang buong pag-areglo ng claim.

Isang pag-areglo na tumutugon sa ilan sa claim, kapag ang dalawang partido ay handang makipag-kompromiso.

Isang kasunduan na higit pang impormasyon ang kinakailangan.

Isang paliwanag ay ibinigay at tinalakay, at ang paliwanag na ito ay nagresolba sa mga isyu sa alitan.

Ang alok na karagdagang mga serbisyo na binawasan ang halaga o walang bayad.

.

Page 13: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

Ang kasunduan na magpatuloy o tapusin ang propesyonal na relasyon.

Isang paumanhin.

Sa mga kaso ng pinansyal na paghihirap, isang kaayusan sa pagbabayad, o sinang-ayunang tagal ng panahon para sa pagbebenta ng mga ari-arian na magsisiguro sa pautang, kung ang utang ay hindi maaaring bayaran sa ibang paraan.

Ano ang inaasahan sa akin?Inaasahan namin na ang dalawang partido ay:

Magpapakita ng pagpupunyaging maresolba ang alitan.

Harapin ang pakikipagkasundo nang bukas-isip at may tapat na layunin.

Maging matapat at handang magsalita nang hayagan tungkol sa mga isyu.

Tiyakin na ikaw ay malapit sa iyong telepono sa oras na napagkasunduan upang sa gayon ay masimulan sa oras ang pulong.

Ipagbigay-alam sa tagapagkasundo habang maaga kung ang mga pambihirang pangyayari, tulad ng isang medikal na emerhensiya, ay mangangahulugan na hindi ka maaaring makibahagi sa pulong sa itinakdang oras.

Gaano ito katagal?

Karamihan sa mga pulong sa pakikipagkasundo ay tumatagal ng dalawang oras, ngunit maaaring mas matagal pa.

Sinumang nasa tawag ay maaaring humiling ng break o pahinga anumang oras habang nasa pakikipagkasundo.

.

Page 14: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Kailangan ko ba ng may-bayad na representasyon?

Hindi mo kailangan ng legal na representasyon o anumang uri ng may-bayad na suporta kapag nakikibahagi ka sa pulong sa pakikipagkasundo ng FOS.

Maaari kang pumili ng isang tao, tulad ng isang abogado, na kumatawan sa iyo, ngunit anumang gastos ay babayaran mo.

Maaari ba akong magsama ng ibang tao?

Maaari kang magpasyang magsama ng isang tao, tulad ng isang kapamilya, kapartner o kaibigan sa pulong sa pakikipagkasundo bilang suporta mo. Kung pinili mong masuportahan ng isang tao, dapat mong ibigay sa amin ang kanilang pangalan bago dumating ang araw ng pulong sa pakikipagkasundo.

Mayroon bang libreng tulong na makukuha?

Oo, maaari kang maging karapat-dapat para sa libreng legal na tulong at tulong sa pinansiyal na pagpapayo. Para sa impormasyon tungkol sa libreng legal na tulong sa inyong estado bisitahin ang: www.nationallegalaid.org. Maaari mo ring kontakin ang Financial Counselling Australia sa 1800 007 007 sa pagitan ng 09:30nu-4:30nh mula Lunes hanggang Biyernes. Maaari mo ring bisitahin ang: www.financialcounsellingaustralia.org.au/corporate/find-a-counsellor.

Page 15: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

TseklistGamitin ang tseklist na ito upang matulungan kang matiyak na ikaw ay handa na para sa iyong pulong sa pakikipagkasundo.

Ilagay ito kung saan makikita mo ito nang madalas, upang matiyak na nakumpleto mo na ang lahat ng mga gawain.

Mga bagay na kailangan kong gawin:

Pag-isipan ang mga pangunahing isyu sa aking alitan at kung ano ang nais kong sabihin.

Tingnan ang lahat ng anggulo ng alitan, kabilang ang pananaw ng kabilang partido.

Isipin kung paano ko gustong maresolba ang aking alitan. Dapat kong tandaan na ang pulong sa pakikipagkasundo ay isang pagkakataon para sa malikhaing mga solusyon.

Tiyakin na mayroon akong kopya ng lahat ng mga dokumento at mga pag-uusap na maaari kong sanggunian habang nasa pulong sa pakikipagkasundo at tiyakin na sila ay maayos upang madali kong mahanap ang impormasyong kailangan ko.

Pag-isipan kung gusto kong magsama ng kapamilya / kapartner / kaibigan sa pulong bilang aking suporta. Tiyakin na handa niyang gawin ito at ipaalam sa FOS ang kaniyang pagdalo.

Tiyakin na may oras ako sa petsa ng pulong sa pakikipagkasundo at nagtalaga ako ng sapat na panahon kung sakaling ang pulong sa pakikipagkasundo ay tumagal nang higit sa dalawang oras.

Tiyakin na ako ay nasa posisyon upang sumang-ayon sa resolusyon sa araw na ito. Ito ay maaaring mangahulugan ng paghingi ng pahintulot sa isang partido na ipagpatuloy ang partikular na kalalabasan bago dumalo sa pakikipagkasundo.

Page 16: Gabay sa mga pulong sa pakikipagkasundo - fos.org.au · magpapadali lalo para sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa mga alalahaning kasangkot. Ang layunin ng pulong sa pakikipagkasundo

.

Makipag-ugnayan sa aminIminumungkahi namin na bisitahin mo ang aming website na www.fos.org.au para sa komprehensibong impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo. Kung nais mong tulungan ka naming maresolba ang alitan, maaari kang maghain ng alitan sa online.

Upang makipag-usap sa isa sa aming kawani sa serbisyo sa kostumer tawagan ang 1800 367 287 (1800 FOS AUS) *.

Iba pang makakatulong na mga detalye ng kontak ay ang mga:

[email protected] GPO Box 3 Melbourne VIC 3001 www.fos.org.au

*9nu-5nh oras sa Melbourne. Ang mga tawag sa numerong ito ay libre para sa tumatawag, gayunpaman ang ilang mga tawag mula sa mga mobile phone ay may bayad, depende sa kontrata/plan na mayroon sila sa kanilang mga tagapagtaguyod (provider).

Lahat ng mga detalye ay tama sa oras ng paglathala (Hulyo 2015)Naka-printa sa papel na mabuti para sa kapaligiran