Upload
cesar-chester
View
1.798
Download
148
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Filipino VI
Citation preview
- nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na nagaganap
1. Naganap o Perpektibo
2. Katatapos
3. Nagaganap o Imperpektibo
4. Magaganap o Kontemplatibo
5. Neutral
1. Naganap o Perpektibo – nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos
Halimbawa:a. Nabigyan ng katuparan ang pangarap ng mga Pilipino dahil sa pagpupunyagi ng Ama ng Wikang Pambansab. Ako’y Pinoy na isinilang sa ating bansa.
2. Katatapos – katatapos lamang ng kilos. Nasa ilalim ito ng perpektibo
Halimbawa:a. Karirinig ko lamang ng talumpati.b. Kaawit lamang ng klase ng “Ako’y Pinoy”.
3. Nagaganap o Imperpektibo – nagsasaad na patuloy pa ring nangyayari ang inumpisahang kilos.
Halimbawa:a. Nagkakaunawaan ang bawat pulo ng bansa.b. Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling wika.
4. Magaganap o Kontemplatibo – gagawin pa lamang ang kilos
Halimbawa:a. Ang sariling wika ay tulad ng susi na siyang magbubukas sa pinto ng pagkakaunawaan.b. Paano natin matatamo ang ganap na pagkakaisa?
5. Neutral – ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa anyong pawatas.
Halimbawa:a. Gamitin natin ang wikang ating minana.b. Mahalin ang Wikang Filipino.
Paano nabubuo ang pandiwa?
Salitang-ugatPanlaping Makadiwa PANDIWA
tawidtawid umum TUMAWIDTUMAWID
basabasa hinhin BASAHINBASAHIN
PAWATAS
Pagtatambal ng salitang ugat at panlapi
Buksan sa p. 199-200 SAGUTIN – A (1-10) Isulat ang wastong pandiwa para sa aspektong ipinahihiwatig sa pangungusap. Sagot na lamang.
Cesar Chester Relleve
P. Pelaez Elementary School