Upload
yamish29
View
21.852
Download
40
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
KAGANAPANNG
PANDIWA
Inihanda ni:Gng. Mishelle C. Arintoc
Ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.
Mga Uri ng
Kaganapan ng
Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap
Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
2. Kaganapang Layon
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sapangdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap
Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagbigay ng donasyon angkanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan
Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Iginuhit niya ang larawan ni
Rizal sa pamamagitan ng
lapis.
6. Kaganapang Direksyunal
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
7. Kaganapang Sanhi
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
POKUS NG
PANDIWA
Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
Mga Uring Pokus
ng Pandiwa
1. Pokus sa Tagaganap/ AktorAng paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.
[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]
Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang
mga kabataan.
2. Pokus sa LayonAng paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”.
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
3. Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan
Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bakuran ng maraming gulay.
4. Benepaktibong Pokus o Pokus
sa TagatanggapAng paksa ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na“para kanino?”.
[i- , -in , ipang- , ipag-]Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.
[ipang- , maipang-]
Halimbawa:
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”.
[i- , ika- , ikina-]
6. Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”.[-an , -han , -in , -hin]
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.