15
Estudyantipid 3 Human Resource Learning Competencies (Economics): Pinagkukunang-Yaman o Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas o Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas- paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at mataas na kalidad na antas ng produksyon Critical Issue/s: Protection of labor rights Layunin (Objectives): Pagkatapos ng palabas, inaasahan na ang mga mga-aaral ay: mauunawaan ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang- yaman ng Pilipinas; mapahahalagahan ang kontribusyon ng lakas-paggawa sa ekonomiya ng bansa; makikita ang kahalagahan sa isang negosyo ng mabuting ugnayan ng mga manggawa at may-ari nito; mapahahalagahan ang papel na kanilang gagampanan bilang bahagi ng lakas- paggawa sa hinaharap;

Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Estudyantipid 3

Human Resource

Learning

Competencies

(Economics):

Pinagkukunang-Yaman

o Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas

o Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng

populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa

Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas-

paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at

mataas na kalidad na antas ng produksyon

Critical Issue/s:

Protection of labor rights

Layunin (Objectives):

Pagkatapos ng palabas, inaasahan na ang mga mga-aaral ay:

mauunawaan ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

yaman ng Pilipinas;

mapahahalagahan ang kontribusyon ng lakas-paggawa sa ekonomiya ng bansa;

makikita ang kahalagahan sa isang negosyo ng mabuting ugnayan ng mga

manggawa at may-ari nito;

mapahahalagahan ang papel na kanilang gagampanan bilang bahagi ng lakas-

paggawa sa hinaharap;

Page 2: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

mauunawaan na ang paggalang at pagtatanggol sa karapatan ng mga

manggagawa ay nagbubunga ng mabuting ugnayan ng mga tao sa isang negosyo

o pagawaan.

Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding)

Ang mga manggagawa ay nakatutulong nang malaki sa pag-unlad ng isang

negosyo at sa pangkalahatang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.

Nararapat lamang na mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at maibigay

ang kanilang mga pangangailangan.

Ang paggalang sa karapatan at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga

manggagawa ay nagdudulot ng pagkakaunawaan at mabungang ugnayan ng

mga tao sa isang negosyo o pagawaan.

Mahahalagang Tanong (Essential Questions)

Paano ko pinahahalagahan ang mga pinagkukunang-yaman ng aking

pamayanan? Ng ating bansa?

Sa aking murang edad, paano ako makatutulong sa pagtatanggol sa karapatan ng

mga manggagawa?

Paano ko pinaghahandaan ang pagiging bahagi ng lakas-paggawa ng ating

bansa sa darating na panahon?

Pre-viewing

Pagganyak (Motivation)

Upang simulan ang klase, maaaring magpakita ng larawan ng iba’t ibang

pinagkukunang-yaman ng ating bansa.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Tungkol saan ang mga nakikita ninyo sa larawan?

b. Anu-anong pinagkukunang-yaman ng ating bansa ang makikita sa larawan?

Magbigay ng iba pang halimbawa ng pinagkukunang-yaman na hindi kasali sa

larawan?

c. Ano ang bahaging ginagampanan ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng

ating bansa?

Page 3: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

d. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao?

Ipaliwanag?

Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

yaman ng bansa ay makikita sa papanoorin nilang palabas. Tingnan kung anong

bahagi ang ginagampanan ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng ating bansa na

makikita dito.

Viewing Proper

Estudyantipid3 Series Episode 1

“Human Resource“

Post-viewing

Paglinang ng Aralin (Discussion/Deepening)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong tungkol sa

palabas:

a. Nagustuhan ninyo ba ang palabas? Bakit?

b. Ikumpara ang mga sagot ninyo sa mga tanong sa unang bahagi ng klase sa

mga tinalakay sa palabas? Anu-ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga ito?

Bilang pagpapalalim ng talakayan, maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga

sumusunod:

a. Ngayong nalaman ninyo na ang mahalagang papel ng tao (lakas-paggawa) sa

paglago ng ekonomiya ng bansa, ano, sa palagay ninyo, ang mga nagiging

balakid upang hindi magampanan ng ating lakas-paggawa ang kanilang

tungkulin?

b. Bakit nangyayari ang mga ito? Ipaliwanag.

c. Anong papel ang ginagampanan o dapat gampanan ng pamahalaan at

pribadong sektor sa ganitong mga sitwasyon?

Maaari ding magsagawa ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral upang sagutin

ang mga nabanggit na tanong. Maaaring gawin ang mga sumusunod:

a. skit o role-playing

b. games o mga palaro

Page 4: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

c. tableau

d. paggawa ng jingle, tula, slogan o poster

e. iba pa

Paglalagom at Pagpapahalaga (Synthesis and Valuing)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng talakayan at

pangkatang gawain:

a. Matapos malaman ang bahaging gingampanan ng pamahalaan at pribadong

sector, ano naman ang bahagi ng mga kabataan at estudyanteng katulad ninyo sa

sitwasyong tulad nito?

b. Paano nakikita sa inyong pang-araw-araw na buhay ang pagtatanggol sa

karapatan ng mga manggagawa at pagpapahalaga sa lakas-paggawa ng ating

bansa?

c. Bilang mga mag-aaral sa kasalukuyan, kayo ay magiging bahagi ng ating lakas-

paggawa sa hinaharap. Paano ninyo pinaghahandaan ang mahalagang

tungkuling ito?

d. Paano ninyo nakikita ang inyong sarili bilang mahalagang bahagi ng isang

malagong ekonomiya at mapayapang lipunan para sa mga Pilipino sa hinaharap?

Marketing

Learning

Competencies

(Economics):

Pagkonsumo

o Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo

o Nasusuri ang mga epekto ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo

o Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa

matalinong pamimili

o Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan

ng paggamit ng pamantayan sa pamimili

o Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan

Page 5: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

ang mga tungkulin bilang isang mamimili

o Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid

at mapanuri ng mga mamimili laban sa mga tiwaling gawain

ng mga nagbibili

Critical Issue/s:

Conscientious presentation of facts through advertisements

Layunin (Objectives):

Pagkatapos ng palabas, inaasahan na ang mga mga-aaral ay:

mauunawaan ang mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkonsumo;

mapahahalagahan ang kanilang mga karapatan bilang mamimili;

masusuri ang nilalaman ng mga anunsyo o patalastas at ang epekto nito sa kanila

bilang mamimili;

mauunawaan na ang paggalang at pagtatanggol sa karapatan ng mga mamimili

ay nagbubunga ng mabuting ugnayan ng mga mamimili at may-ari ng negosyo.

Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding)

Ang “marketing” at pag-aanunsyo ay mabisang kasangkapan ng isang negosyo

upang maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto sa publiko. Kaya’t

nararapat lamang na alam ng mga negosyante kung ano ang mga gusto at

kailangan ng mga mamimili; kung ano ang magbibigay sa kanila ng ganap na

kasiyahan.

Dapat tandaan na ang pagtatagumpay ng negosyo ay nakasalalay din sa mga

mamimili – ang kawalan nila ng tiwala sa produkto at sa may gawa nito ay maaring

makasama sa negosyo. Dahil dito, ang mga anunsyo o patalastas ay dapat maging

tapat, lalo na sa mga benepisyong inaasahan ng mga mamimili na makukuha sa

produkto.

Mahahalagang Tanong (Essential Questions)

Paano ko ipinaglalaban ang aking karapatan bilang mamimili?

Paano ako naaapektuhan ng mga anunsyo o patalastas tungkol sa mga produkto?

Page 6: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Pre-viewing

Pagganyak (Motivation)

Upang simulan ang klase, maaaring magpakita ng larawan o aktuwal na halimbawa ng

iba’t ibang produckto na karaniwang bininili ng mga mag-aaral.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Anu-ano ang mga karaniwang produkto na inyong binibili o kinokonsumo?

b. Paano kayo nagaganyak na bilhin o gamitin ang mga nabanggit ninyong

produkto?

c. Ano ang mayroon sa mga patalastas o anunsyo na inyo nang nakita na

nakaimpluwensya sa inyo na bilhin ang kanilang produkto?

Sabihin sa mga mag-aaral na sa papanoorin nilang palabas ay tatalakayin ang iba’t

ibang kaalaman tungkol sa pagkonsumo at pag-aanunsyo. Alamin kung paano

nakaapekto ang pagkonsumo at pag-aanunsyo sa bawat isa.

Viewing Proper

Estudyantipid3 Series Episode 2

“Marketing“

Post-viewing

Paglinang ng Aralin (Discussion/Deepening)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong tungkol sa

palabas:

c. Nagustuhan ninyo ba ang palabas? Bakit?

d. Batay sa palabas na inyong napanood, anu-ano ang mga dahilan kung bakit

gumagawa ng mga patalastas o anunsyo ang mga may-ari ng negosyo?

Bilang pagpapalalim ng talakayan, maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga

sumusunod:

a. Ano ang mga karaniwang nilalaman ng mga patalastas na nakita ninyo na?

b. Paano kayo naapektuhan o naimpluwensyahan ng mga patalastas na ito?

Page 7: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

c. Nagkaroon na ba ng pagkakataon na sa inyong palagay ay hindi naging tapat

ang mga patalastas o anunsyo dahil iba ang naging epekto sa inyo ng nabili

ninyong produkto? Ano ang naramdaman ninyo bilang mamili? Ano ang inyong

ginawa?

Maaari ding magsagawa ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral upang sagutin

ang mga nabanggit na tanong. Maaaring gawin ang mga sumusunod:

f. skit o role-playing

g. games o mga palaro

h. tableau

i. paggawa ng jingle, tula, slogan o poster

j. iba pa

Paglalagom at Pagpapahalaga (Synthesis and Valuing)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng talakayan at

pangkatang gawain:

e. Bakit mahalaga na maging tapat ang mga patalastas o anunsyo ng mga

produkto? Ano ang epekto nito sa mga mamimili? Sa mga may-ari ng produkto o

negosyo?

f. Paano napahahalagahan at napangangalagaan ang karapatan ng mamimili sa

pamamagitan ng mga patalastas o anunsyo?

g. Paano nakatulong ang mga patalastas o anunsyo sa iyo bilang isang konsyumer

o mamimili?

h. Paano mo naman magagamit ang iyong karanasan at kaalaman tungkol sa mga

patalastas o anunsyo upang makatulong sa iba pang mamimili?

Finance

Learning

Competencies

(Economics):

Patakarang Piskal (Fiscal Policy)

o Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal

o Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng

pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na

ipinatutupad nito

Page 8: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

o Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng

pamahalaan

o Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng

pamahalaan

o Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga

paggasta ng pamahalaan

o Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa

wastong pagbabayad ng buwis

o Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa

katatagan ng pambansang ekonomiya

Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)

o Nauunawaan ang kahulugan ng patakarang pananalapi

o Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi

Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at

pamumuhunan ilang isang salik sa ekonomiya

Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi

Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng

bawat sektor sa pananalapi

- mga bangko

- kooperatiba

- pawnshop

Nasusuri ang bahaging/tungkuling ginagampanan ng

institusyon ng pananalapi sa ekonomiya

Critical Issue/s:

Responsible and wise management of finances (including timely

and ethical payment of taxes)

Page 9: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Layunin (Objectives):

Pagkatapos ng palabas, inaasahan na ang mga mga-aaral ay:

mauunawaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng buwis sa ekonomiya

ng bansa;

mapahahalagahan ang kontribusyon ng pamahalaan, pribadong sektor at mga

insititusyon sa pananalapi sa maayos na pagtakbo ng ekonomiya;

makikita ang papel na kanilang ginagampanan sa patuloy na pag-ikot ng salapi sa

ekonomiya ng bansa;

makukumbinsi ang mga miyembro ng kanilang pamilya, mga kaibigan at mga

kamag-aral na magbayad ng tamang buwis at gamitin nang tama ang kanilang

salapi;

mauunawaan ang halaga ng salapi sa kanilang buhay at sa ekonomiya:

malilinang ang pagpapahalaga sa pag-iimpok at tamang paggamit ng salapi.

Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding)

Ang paggamit ng salapi ng mga mamamayan ay nakaaapekto sa pag-ikot nito

(salapi) sa ekonomiya.

Ang patakarang pananalapi ng mga bangko at patakarang piskal ng pamahalaan

ay may malaking bahaging ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mahahalagang Tanong (Essential Questions)

Gaano kahusay ang pamahalaan at mga institusyon sa pananalapi sa paggamit at

pagpapaikot ng salapi sa ating ekonomiya?

Sa aking murang edad, paano ako makatutulong sa paglago ng ating ekonomiya?

Pre-viewing

Pagganyak (Motivation)

Upang simulan ang klase, maaaring tanungin ang mga mag-aaral, “Kung kayo ay

bibigyan ng malaking halaga ng salapi, ano gagawin ninyo dito? Bakit?”

Page 10: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

a. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral. Mahalagang lumabas sa

kanilang sagot ang mga sumusunod:

gagastusin

itatabi sa bahay

iipuin sa bangko

b. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit ito ang kanilang sagot?

Sabihin sa mga mag-aaral na sa papanoorin nilang palabas ay ipaliliwanag ang tungkol

sa salapi at ang papel nito sa ekonomiya. Tingnan kung paano naapektuhan ng mga

gawain ng iba’t ibang sektor ang pag-ikot ng salapi sa ekonomiya ng bansa.

Viewing Proper

Estudyantipid Series Episode 2

“Finance“

Post-viewing

Paglinang ng Aralin (Discussion/Deepening)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong tungkol sa

palabas:

e. Nagustuhan ninyo ba ang palabas? Bakit?

f. Ayon sa palabas, paano nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mga gawaing

binanggit ninyo sa umpisa ng klase?

Bilang pagpapalalim ng talakayan, maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga

sumusunod:

a. Bukod sa mga mamamayan, anu-ano pang mga sektor ng lipunan ang

nakakaapekto o may kinalaman sa ekonomiya ng bansa?

b. Gaano kaepektibo ang mga nabanggit na sektor sa pagganap sa kanilang

papel na nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya? Pangatwiranan.

Maaari ding magsagawa ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral upang sagutin

ang mga nabanggit na tanong. Maaaring gawin ang mga sumusunod:

k. skit o role-playing

l. games o mga palaro

Page 11: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

m. tableau

n. paggawa ng jingle, tula, slogan o poster

o. iba pa

Paglalagom at Pagpapahalaga (Synthesis and Valuing)

Maaaring itanong o ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng

talakayan at pangkatang gawain:

a. Suriin ang inyong paraan ng paggastos ng sarili ninyong salapi. Sa inyong

palagay, nakakatulong ba ito sa maayos na pag-ikot ng salapi na nagdudulot ng

paglago ng ekonomiya? Paano?

b. Suriin ang paraan ng paggastos ng inyong pamilya, mga kaibigan o mga

kamag-aral. Nakakatulong ba sila sa ekonomiya? Kung hindi, paano mo sila

makukumbinsi o matutulungan?

c. Bumuo ng isang paglalahat tungkol sa paggamit ng salapi at ang lagay ng

ekonomiya ng isang bansa.

d. Bilang pagtatapos, kumpletuhin ang pangungusap: Ang salapi ay __________

dahil __________.

Operations

Learning

Competencies

(Economics):

Mga Sektor ng Ekonomiya

Naipamamalas ang pagpapahalaga sa bahaging

ginagampanan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya para sa

kapakanang panlahat

o Sektor ng Agrikultura (Agrikultura, Pangingisda, at

Paggugubat)

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura,

pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa

Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor

ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat

Pilipino

Page 12: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na

nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng

agrikultura, pangingisda, at paggugubat)

Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa

sektor agrikultura (repormang pansakahan)

o Industriya

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng

industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang

ekonomiya

Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at

industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan

Nasusuri ang mga institusyon at mga programang

nakatutulong sa sektor ng industriya at ng pangangalakal

Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng

mataas na pamantayan ng sektor ng industriya at mga

kalakal tungo sa matatag na ekonomiya

o Paglilingkod

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng

paglilingkod

Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga

manggagawang Pilipino sa sektor paglilingkod ng bansa

Naibabahagi ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng

mataas na kalidad ng manggagawang Pilipino sa sektor

ng paglilingkod

Nasusuri ang mga institusyon at mga programang

nakatutulong sa sektor ng paglilingkod

Critical Issue/s:

Recognition and proper utilization of different sectors’

contributions

Layunin (Objectives):

Page 13: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Pagkatapos ng palabas, inaasahan na ang mga mga-aaral ay:

mauunawaan ang papel na ginagampanan ng mga sektor ng ekonomiya sa pag-

unlad ng bansa;

mapahahalagahan ang kontribusyon ng mga sektor ng ekonomiya sa pag-unlad ng

bansa;

makapagmumungkahi ng mga paraan kung paano makakatulong sa mga sektor

ng ekonomiya sa hinaharap;

mapahahalagahan ang papel na kanilang gagampanan bilang bahagi ng isa sa

mga sektor ng ekonomiya;

mauunawaan na ang pagtutulungan ng lahat sektor ng ekonomiya o ng mga

kasapi ng isang grupo ay daan sa pagkakamit ng tagumpay ng kahit anong

gawain.

Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding)

Ang pagtutulungan ng lahat ng sektor ng ekonomiya ay nagreresulta sa pag-unlad

ng bansa.

Ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng lahat ng sektor ng ekonomiya ay

nakakatulong sa kanilang pagpupunyagi at patuloy na pagsisikap na maitaas pa

ang kalidad ng kanilang gawain.

Mahahalagang Tanong (Essential Questions)

Sa aking murang edad, paano ko tinutulungan o sinusuportahan ang mga sektor ng

ating ekonomiya?

Paano ko pinaghahandaan ang pagiging bahagi ng isa sa mga sektor ng

ekonomiya sa darating na panahon?

Pre-viewing

Pagganyak (Motivation)

Upang simulan ang klase, maaaring tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang

madalas kumain sa mga restaurant o fastfood chain.

a. Sabihin sa mga mag-aaral na isipin ang mga hakbang o prosesong nasunod

bago nakarating sa kanilang mesa ang pagkaing kanilang binili.

Page 14: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

b. Ilista sa pisara ang mga hakbang o prosesong binanggit ng mga mag-aaral.

Ilagay ang mga ito sa tatlong hanay.

(Bawat hanay ay kumakatawan sa 3 sektor ng ekonomiya.)

c. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit ganito ang ginawang pagpapangkat.

Hayaang ibigay nila ang pangalan ng bawat hanay.

Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga sektor ng

ekonomiya ay makikita sa papanoorin nilang palabas. Alamin kung anu-ano ang

bumubuo sa bawat sektor at ang kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng bansa.

Viewing Proper

Estudyantipid Series Episode 4

“Operations“

Post-viewing

Paglinang ng Aralin (Discussion/Deepening)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong tungkol sa

palabas:

g. Nagustuhan ninyo ba ang palabas? Bakit?

h. Ayon sa palabas, anu-ano ang mga sektor ng ekonomiya? Magbigay ng halimbawa

ng bawat isa.

i. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat sektor sa pag-unlad ng

bansa?

Bilang pagpapalalim ng talakayan, maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga

sumusunod:

a. Ano, sa palagay ninyo, ang mangyayari kung mawawala ang isa sa mga sektor

ng ekonomiya?

b. Paano nito maapektuhan ang mga gawain ng pamahalaan, pribadong sektor

at ordinaryong mamamayan?

Page 15: Estudyantipid 3. Maituturing din bang bahagi ng pinagkukunang-yaman ng bansa ang mga tao? Ipaliwanag? Sabihin sa mga mag-aaral na ang iba pang kaalaman tungkol sa mga pinagkukunang-

Maaari ding magsagawa ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral upang sagutin

ang mga nabanggit na tanong. Maaaring gawin ang mga sumusunod:

p. skit o role-playing

q. games o mga palaro

r. tableau

s. paggawa ng jingle, tula, slogan o poster

t. iba pa

Paglalagom at Pagpapahalaga (Synthesis and Valuing)

Maaaring itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng talakayan at

pangkatang gawain:

i. Sa inyong palagay, alin sa mga sektor ng ekonomiya ang pinakamahalaga? Bakit?

j. Paano nakakaapekto sa inyong personal na buhay ang mga sektor ng ekonomiya?

k. Paano ninyo naman pinahahalagahan ang mga sektor na ito?

l. Saan sa mga sektor ng ekonomiya ninyo nais mapabilang pagdating ng panahon?

Bakit?

m. Paano ninyo ito pinaghahandaan o dapat paghandaan?

n. Paano ninyo paghahambingin ang inyong pangkatang gawain kanina at ang

ekonomiya ng bansa?