23
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4.1(Week 7): Dignidad 10

Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4.1(Week 7):

Dignidad

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

ii

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4.1 (Week 7) : Dignidad Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax : (032) 255-6405

E-mail Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Merly A. Cabrera

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.

Tagaguhit: Merly A. Cabrera

Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

Dr. Ester A. Futalan

Dr. Leah B. Apao

Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas

EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

iii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

sa araling Dignidad.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri

ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon

upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral

sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa

kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan

ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan

at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita

ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.

Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

iv

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dignidad.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin

ay ipakikilala sa iyo sa maraming

paraan tulad ng isang kuwento,

awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

v

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

vi

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

vii

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim

na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka

bilang mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos

ang konsepto ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay

nagbibigay-daan upang magamit sa iba’t ibang kalagayan ng

pagkatuto.

Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng

bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos

upang sundin ang karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang

pagkakasunud-sunod kung saan mo basahin ang mga ito ay

maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na ginagamit mo

ngayon.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Subukin

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng salitang, “Dignidad”?

a. Ito ay ang kalagayan o posisyon mo sa lipunan.

b. Ito ay ang kulay ng iyong katawan.

c. Ito ay ang antas ng iyong edukasyon o sa iyong relihiyon.

d. Ito ay ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga

paggalang mula sa kanyang kapwa.

2. Ang tao ay nilikha ng Diyos na bukod-tangi sa lahat ng nilalang dahil

______________.

a. Ang tao ay matalino at maganda.

b. Ang tao ay binigyan ng isip, kilos loob at kalayaan.

c. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.

d. Ang tao ay may kakayahang mag-abstrak at magmahal.

3. Ang paggalang sa karapatan at dignidad ng tao ay maaaring maging

batayan ng kaayusan ng buhay ng tao. Sa makatuwid, ano ang ibig sabihin

ng Gintong Aral?

a. “Kapwa ko, mahal ko.”

b. “Dignidad mo, i-angat mo.”

c. “Madaling maging Tao, mahirap Magpakatao.”

d. “Gawin mo sa kapwa ang ibig mong gawin nila sa iyo.”

4. Ang mga sumusunod ay ang paglalarawan ng “Golden Rule” o Gintong

Aral, maliban sa:

a. “Kung ano ang hindi mo gusto ay huwag mong gawin sa iba.”

b. “Makipag-ugnayan ng may pagmamahal.”

c. “Pakisamahan at pahalagahan ang tao bilang tao.”

d. “Gawin mong batayan ang pakikitungo ng kapwa sa iyo”

5. Saan nakabatay ang mabuting pakikipagkapwa?

a. Sa kalayan ng iba.

b. Sa karapatan ng iba.

c. Sa karangalan ng iba.

d. Sa karangyaan ng iba.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

6. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.

b. Sa pagmamahal ng pamilya.

c. Sa pagdating ng huling yugto ng buhay sa daigdig.

d. Sa dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.

7. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad

maliban sa:

a. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa.

b. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c. Pakikitungo sa kapwa ayon sa gusto mong gawin nilang pakikitungo

sayo.

d. Pagiging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao at sa lahat ng

pagkakataon.

8. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang

tao?

a. Pahalagahan ang tao bilang Tao hangga’t siya ay nabubuhay.

b. Ibigay ang parte ng sarili sa kapwa kahit hindi pa siya kakilala.

c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at pakikitungo sa kapwa.

d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa mga taong malalapit

ang pagmamahal at pagpapahalaga.

9. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a. Kapag siya ay naging masama.

b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.

c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kaniyang pagkatao.

d. Kapag hindi siya tumulong sa pangangailangan ng kapwa.

10. Ano ang pinakamahalagang maitutulong sa tao sa pagkakaroon ng

dignidad?

a. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.

b. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.

c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng walang alinlangan

ang kanyang nais.

d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang

hindi makasasakit o makasasama sa iba.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Aralin

1 Dignidad

Ayon sa mga kataga ni Hesukristo,” Gawin mo sa kapwa ang ibig mong gawin

nila sa iyo.” Anuman ang kalagayan mo sa buhay – kalagayang panlipunan,

kulay, lahi, edukasyon, kalagayang pangpinansyal, pagkakakilanlan sa sarili

at kasarian, at sa relihiyon, bawat nilalang ay may dignidad.

Natutunan mo rin sa mga nakaraang baitang na ang paggalang sa dignidad

ng tao ay nagmumula sa pagkakapantay-pantay bilang tao. Inalam mo na

ba kung bakit? Inaalam mo na ba, bakit kailangan mong igalang ang kapwa?

Masasabi mo ba sa iyong sarili na mahal mo ang iyong kapwa?

Balikan

Sa nakaraang aralin ay naipaliwanag na sa iyo na ang tao ay may taglay na

kalayaan mula pa sa kanyang kapanganakan. Bilang pagbabalik-tanaw,

ating sariwain ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Gumawa nga sanaysay sa iyong kwaderno at bumuo ng kahulugan ng

Kalayaan. Para sa iyo, ano ang tunay na kalayaan?

Gamitin ang rubriks na nasa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Tuklasin

Gawain : Basahin ang talata ukol sa Programang 4P’s. Sagutin ang mga

gabay na tanong at isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

Mga Tanong:

1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit ginawa ito na

programa ng pamahalaan

2. Ano-ano ang tungkulin ng pamahalaan para sa mga mamamayan?

3. Ano-ano ang mga Karapatang pantao ang natutugunan ng

programang ito?

4. Bakit ang pagpapatupad ng batas na ito ay nakakatulong sa

pagpapaunlad ng dignidad ng tao?

Gamitin ang rubriks na nasa ibaba:

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng

pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang

pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na

tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang

pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang

may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng

mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay

sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional

Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na

naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Suriin

Ayon sa Etimolohiya, ang dignidad ay galing sa salitang Latin na “dignitas”,

mula sa “dignus”, na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ang dignidad ay

nagangahulugang pagiging karapat-dapat na tao sa pagpapahalaga at

paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, ano man ang kanyang

gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. Ang

paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay panghabambuhay.

Habang ang tao ay nabubuhay kailangang pahalagahan at igalang ang

pansariling dignidad at dignidad ng kapwa.

Ayon sa Ancient Stoic Tradition, taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang

maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbibigay sa tao

ng dignidad na katulad ng hindi masusukat na pagpapahalaga.

Ayon naman sa Western Philosophy, ang dignidad ay tumutukoy sa

obhetibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang mga

katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng

kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan at pagkilos. Ito rin ay

nababatay sa kaniyang ginawa sa buhay. Ang dignidad din ng tao bilang

pansariling pagpapahalaga ay naaayon sa damdamin.

Samantala, ang Relihiyon ay nagsasabi na nag-uugat ang dignidad ng tao

ayon sa pagkakalikha sa kaniya, kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal

na imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. Ayon kay Michael Pennock,

isang theologian, tayo ay nilikhang espiritwal. Hindi tayo simpleng bagay kundi

tao na may kakayahang umalam at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa

Diyos at sa kapwa-tao. Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung

kaya’t may kakayahan tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili

ng dignidad ng tao.

Ang Apat na Uri ng Dignidad:

1. Dignity of Merit - Ito ay nauugnay sa pormal at di pormal na estado ng tao

sa lipunan. Ito ay maaaring tukuyin bilang isang taong may mataas na

katungkulan sa lipunan tulad ng Obispo. Ang dignidad na ito ay tinutukoy na

dignidad ng merito o Dignity of merits. Samantala, sa ilang lugar naman ay

may mga ipinanganak na tinitingala o may mataas na pagkilala o

pagpapahalaga tulad ng mga aristocrat at monarkiya.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

2. Dignity as Moral Stature - Nakatali ito patungkol sa pagrespeto sa sarili at

nakadepende sa pag-uugali ng bawat isa. Ito’y batay o resulta ng moral na

kilos ng isang tao kung kaya’t ito ay maaaring madagdagan, mabawasan o

mawala sa pamamagitan o depende sa kilos o gawain ng tao dahil ang

dignidaad na ito ay nakabatay sa kaniyang nagawa.

3. Dignity of Identity – Ito ay nakatali sa pagkakakilanlan ng tao na posibleng

magbago sa pamamagitan ng ibang tao at panlabas na mga kaganapan.

Nakabatay rin ito sa integridad ng isang tao at nakadepende sa kaniyang self-

image.

4. Dignity of Menschenwurde – Isa itong Aleman (German) na salita na ang

ibig sabihin ay pagkakaroon ng likas na dangal na tanggap ng tao. Pang

unibersal na dignidad ito na patungkol sa lahat ng uri ng tao at nananatili

habang siya ay nabubuhay. Dahil tao ka, ito ay taglay mo at hindi mawawala.

May Limang Prinsipyo ang Dignidad:

1. Prinsipyo ng paggalang - Ang bawat pagkilos ng tao ay dapat may

paggalang at lubos na pagpapahalaga sa kapakanan ng ibang tao.

Mahalagang igalang ang sarili upang makapagbigay din ng paggalang sa

iba dahil ang kagalang-galang na tao ay nabubuhay sa dignidad at

paggalang sa sarili. Huwag kaliligtaan na ang mga salitang “pakisuyo”,

“salamat”, “paumanhin”, at “pasensiya na” ay kailangan kung nais nating

patuloy na magtaglay ng pansariling dignidad at dignidad ng kapwa. Ang

pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng tao sa ngalan ng relihiyon, kultura, lahi at

anumang antas ng tao sa lipunan ay isa sa mahahalagang aspeto sa

paghubog ng dignidad ng isang tao.

2. Prinsipyo ng mabuting kalooban - Ang tunguhin ng paggawa ay tungo sa

kabutihan. Ito ay karaniwang naisasagawa sa pamamagitan ng pagtaguyod

sa mga gawaing nagpapatingkad ng integridad at tahasang pag-iwas sa

mga bagay na magbibigay batik at makasisira sa iyong pagkatao. Ang tao

ay may malayang kalooban (will), dalawa lamang ang iyong pagpipilian:

gumawa ng mabuti o gumawa ng masama. Alin man ang gawin mo, ito ay

may kaakibat na responsibilidad.

3. Prinsipyo ng Katapatan - Ang katapatan ay maaaring maipakita sa kahit

anong pagkakataon. Ang pagkilala sa katapatan at integridad ng tao bilang

aspekto ng kabutihang loob ay isang mahalagang susi tungo sa kaayusan at

magandang samahan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

4. Prinsipyo ng katarungan ang pagbibigay sa tao kung ano ang nararapat

para sa kanila dahil ang katarungan ay nakabatay sa karapatan ng tao.

Anumang paglabag sa karapatan ay nawawala ang katarungan. Lahat ng

tao ano man ang antas, uri at kalagayan sa lipunan ay dapat na mabigyan

ng pantay na pagkakataon, marinig ang kanilang boses at hinaing,

magkaroon ng pantay na serbisyo, karapatan sa edukasyon at trato ng

lipunan nang sa gayon, walang naapi at naiiwan.

5. Prinsipyo ng kabutihang panlahat kung ang paggawa ng kabutihan ay

para sa lahat. Ang lipunan nay binuo upang matulungan ang lahat para

matamo ang kanilang kaganapan bilang isang tao. Sa tulong ng

pamahalaan, nagkakaroon ng istruktura at sistema. Nararapat na naibibigay

sa tao ang pangunahing pangangailangan, ang mapayapa, maayos at

mainam na pamumuhay sa pamamgitan ng iba’t ibang serbisyong sosyal.

Karapatan sa libreng edukasyon, abot kayang serbisyong panggagamot,

pagkakaroon ng iba’t ibang mapapasukang trabaho, atbp.

Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa

paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang

paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Pagyamanin

Panuto : Sa iyong buong long bondpaper, gumawa ka ng hugot o kasabihan

tungkol sa nakasaad sa bawat bilang.

1. Kaisipang natutuhan mo sa modyul na ito.

2. Natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa dignidad.

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Isaisip

Panuto: Piliin ang tamang salita sa kahon na kukumpleto sa talata. Kopyahin

ang buong talata sa iyong kwaderno at isulat ang napiling sagot sa patlang.

Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at

kakayahan, ay may (1)____________________. Kaya pahalagahan mo ang tao

bilang (2)____________________. “Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa

Kaniyang (3)____________________.” At wika Niya “Mahalin mo ang iyong

kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong (4)____________________.”

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin (5.)____________________”

sapagkat ang dignidad ng tao ay nagmumula sa (6)____________________,

kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan, ito ay

(7)____________________, ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao.

Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa

pagpapahalaga at (8)____________________ mula sa kaniyang kapwa. Dahil sa

dignidad, lahat ay nagkakaroon ng (9)____________________ na umunlad sa

paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang

(10)____________________ at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,

(11)____________________ ang lahat. Ang paggalang at pagpapahalaga sa

dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay (12)____________________.

wangis tao dignidad ng iba sa iyo

sarili pantay-pantay pangkalahatan nabubuhay

Diyos paggalang oportunidad pagmamahal

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Isagawa

Pagnilayan Mo: Pagnilayan at isulat sa iyong kwaderno and sagutan sa

tanong sa ibaba.

Anu-ano ang aking mga ginagawa upang mapahalagahan ang aking

dignidad? Sino ako?

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Tayahin

Pillin ang pinakaangkop na titik at isulat sa iyong kwaderno ang mga sagot sa

panghuling tayahin.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may dignidad?

a. Isang pulitiko na may pag alinlangan na sundin ang batas

b. Isang pulis na tumatanggap ng suhol

c. Isang mayaman na ipinagyabang ang kaniyang donasyon

d. Isang taong tinulungan paupuin ang isang matanda sa jeep

2. Ang pagka bukod-tangi ng tao ay dahil sa kadahilanang, siya ay

___________.

a. Ginawa ng Diyos na kawangis Niya

b. ginawa ng kanyang mga magulang na gwapo/maganda

c. Ginawa ng lipunan na karapat-dapat

d. Ginawa ng tao para sa kapuwa-tao

3. Paano mo isasabuhay ang “Gintong Aral”?

a. Ipagyabang ang iyong katayuan sa buhay

b. Pipiliin mo ang taong kakaibiganin o pakikisamahan

c. Palagiing magbigay ng tulong sa kapuwa

d. Huwag manira ng kapwa ng walang basehan

4. Saan nagmumula ang dignidad ng tao?

a. Sa Diyos

b. Sa batas

c. Sa relihiyon

d. Sa tao

5. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maiangat ang iyong dignidad,

maliban sa isa:

a. Maging maawain at magkaroon ng respeto sa sarili

b. Maging kontento lang sa kung anong binibigay ng kapuwa

c. Maging kalmado at mahinahon sa mga di inaasahang pangyayari

d. Maging masipag at matapat sa lahat ng pagkakataon

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Karagdagang Gawain

Malayang Sanaysay

Panuto : Alamin ang solusyon sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa

dalawang sitwasyon na may kinalaman sa paggalang sa dignidad ng tao.

Isulat ang sa iyong kwaderno at gumawa ng sarling pamagat bawat

sanaysay.

1. Dahil sa CoViD-19 Pandemic marami ang nawalan ng trabaho, paano ito

nakakaapekto sa dignidad ng tao?

2. Dahil sa dami ng cases of CoViD-19 sa mga ospital, sino kaya ang uunahing

gagamutin ng mga doktor?

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Susi sa Pagwawasto

Paunang

Pagtataya

1. D

2. B

3. D

4. D

5. B

6. D

7. C

8. C

9. B

10. D

Isaisip

1.dignidad

2. tao

3. wangis

4. sarili

5.ng iba sa iyo

6. Diyos

7.pangkalahatan

8. pamamahal

9. oportonidad

10. paggalang

11. pantay - pantay

12. nabubuhay

Tayahin

1.D

2.A

3.C

4.D

5.C

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Sanggunian

Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa

Pagpapakatao. P.21-41: FEP Printing Corporation, Pasig City.

Mula sa Internet:

https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-

pilipino-program/

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-If-4...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark