23
Pahina 1 ng 23 Mahabang Pagsusulit 2 | DULANG PANTANGHALAN 9 | 2017-2018 Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na Paghihintay Sa Kanto ng Lanao Del Norte Rogelio Braga Itinanghal noong Ikaapat na Taon ng Virgin Labfest 2008. Ang mga nagsiganap: BAMBI ……………………….. JOEY PARAS HAMID …………………… ARNOLD REYES Sa direksyon ni: ……………………… NICK OLANKA Meranao Translation: Jelanie C. Mangondato Para kay Abdul Hamid M. Hadji-Omar *May ilang mga salita sa iskrip ng dulang ito ang kinailangan palitan o baguhin ng paaralan dahil sa mga isinasaalang-alang na edad ng mambabasa. Pangalan: _________________________________________________ 9 - ___________________________

Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

  • Upload
    buinhu

  • View
    275

  • Download
    10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 1 ng 23

Mahabang Pagsusulit 2 | DULANG PANTANGHALAN 9 | 2017-2018

Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na

Paghihintay Sa Kanto ng Lanao Del Norte

Rogelio Braga

Itinanghal noong Ikaapat na Taon ng Virgin Labfest 2008.

Ang mga nagsiganap:

BAMBI ……………………….. JOEY PARAS

HAMID …………………… ARNOLD REYES

Sa direksyon ni: ……………………… NICK OLANKA

Meranao Translation: Jelanie C. Mangondato

Para kay Abdul Hamid M. Hadji-Omar

*May ilang mga salita sa iskrip ng dulang ito ang kinailangan palitan o baguhin ng paaralan dahil sa mga isinasaalang-alang na edad ng mambabasa.

Pangalan: _________________________________________________

9 - ___________________________

Page 2: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 2 ng 23

Mga Tauhan:

BAMBI – Early 20’s. Lalaki. Filipino

HAMID (CRIS) – Early 20’s. Lalaki. Meranao Bangsa Moro.

Ang dulang ito ay isinulat ng isang Filipinong mandudula na

nangungusap tungkol sa Bangsa Moro. Hinihiling na sana sa

pagpapalabas ng dula walang imahen ng masjid na masira ng

digmaan, imahen ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao o

nasawing kapatid na Moro dahil sa digmaan o BM freedom

fighters na may hawak na anuman armas pandigma. Wala

sanang gagamiting background music mula sa mga

instrumenting katutubo sa Mindanao at sa mga Moro. Hinihiling

din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa

mga oras ng sambahayang o sala’ah. At tulad ng iba kong akda,

wala akong dula at kuwento na ipalalabas at ilalathala saan man

probinsiya o bahagi ng Lanao del Norte.

Kasalukuyang panahon.

Sa isang kanto sa Lanao del Norte malapit sa Iligan.

Maririnig ang malakas na ringtone ng cellphone. Papasok si

BAMBI may dalang malaking shoulder bag at ilang bungkos ng

mga papel at dokumento. Nakasuot siya ng kahel na baby t-shirt,

mint green na pantalon, pink na Chuck Taylor at sunglasses.

Paminsan-minsan kakikitaan ang hindi pagka-comfortable si

Bambi dahil sa init.

001. BAMBI: (Sa telepono). Yes, madam, nandito

na po ako as promised. Dala ko na po iyung kontrata at

iyong resume at na-review ko na rin and, yes of course I

have my recommendation. Later na lang, madam, medyo

mahabang discussion ito; may jetlag pa po ako. (Tatawa)

Joke lang naman po I know nasa Pilipinas pa rin ako.

Teka, nasa Pilipinas pa nga ba ako? (Tatawa) Opo hindi

po nakakabokot dahil mukha naman pong may ‘peace

and order’ dito. Medyo kampante nap o ako kasi nakita

ko rin po ang Jollibee sa Iligan kanina. Opo, I

understand… I perfectly understood… Hindi

mapagkakatiwalaan, traydor, this is a Christian

community at hindi okay sa LGU at sa mga partner NGOs

na mayroon tayong ganoong hiring policy. Pag-uusapan

po natin iyan mamaya, madam. Sige po see you ‘andito na

ako sa baba…

Lilinga-linga si BAMBI sa paligid at maghihintay ng

masasakyan.

002. BAMBI: (sa sarili) ****! Wala yatang jeep

dito. Sabi sa akin ni Madam ang office daw namin e nasa

itaas. So, bababa raw ako sa Buru-un at sasakay ng habal-

habal. Teka gaano kaya kalayo ang habal-habal dito? My

God what a name for a place ‘habal-habal’?

Tutunog muli ang cellphone ni BAMBI.

Page 3: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 3 ng 23

003. BAMBI: Hello, Ma! Opo naalala ko po:

stramberry jam, pili nuts, halaya from the Pink Sisters.

Opo, nandito na po kami sa Teacher’s Camp. Opo sobrang

malamig. Don’t worry dala ko na po ang petroleum jelly

and I know when to use and how to apply it… sa lips. O,

sige po mag-uukay-ukay po ako mamaya… Sige jacket…

jacket po. Sige po bye! (sa sarili) Tandaan mo, Bambi,

nasa Baguio ka… Baguio… malamig, may pine trees. Wala

ka sa Mindanao… Wala ka sa Lanao…

Matagal na maghihintay si BAMBI. Palinga-linga at iniiwasan ang

mga tingin ng mga tao sa kanya. Patuloy siya sa pagkalikot ng

cellphone niya.

Papasok si HAMID nakasakay sa habal-habal. Nakasuot ng

sunglasses at nakasando. Hihinto ito sa tabi ni BAMBI. Huhubarin

ni HAMID ang sunglasses at titingnan niya nang diretso sa mata si

BAMBI. Hindi pa rin sila matitinag sa kanilang mga kinasadlakan.

004. HAMID: Ai! Diin ka makadto ‘Day?

005. BAMBI: I’m sorry. I don’t speak French.

Katahimikan. Nakatitig lang si HAMID kay BAMBI.

006. BAMBI: Excuse me bakit mo ako

tinitingnan? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong

sobrang ganda?

007. HAMID: Tagalog ka?

008. BAMBI: Hindi. Taga-Kamuning sa Quezon

City. Ikaw, saang planeta ka galing?

Ngingisi si HAMID.

009. HAMID: Banan planeta?

010. BAMBI: Ewan.

Magkakatinginan silang dalawa.

011. BAMBI: Bakit mo ako tinitingnan nang

ganyan?

012. HAMID: Ah dah, wala. Mukha ka kasing hindi

tagarito.

013. BAMBI: Obvious ba hindi magkapareho ang

fashion sense natin?

Bababa si HAMID sa habal-habal at lalapit kay BAMBI.

014. BAMBI: Siguro naman maaari ka nang

umalis at hindi mo na ako titingnan nang diretso sa mata

dahil naiilang ako, sobra… mga call boy lang sa Quezon

Memorial Circle ang tumitingin sa akin nang ganyan. Sige

po bye!

015. HAMID: Atunaanan akie, ang sungit mo

naman…

Babalik si HAMID sa habal-habal. Mananatili at patuloy pa ring

nakatingin kay BAMBI.

Page 4: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 4 ng 23

016. BAMBI: Sige, bye! Mag-iingat po kayo sa

pagmamaneho.

Hindi pa rin aalis si HAMID. Mananatili. Tutunog muli ang

cellphone ni BAMBI.

017. BAMBI: Yes madam. Nandito pa rin ako sa

baba. Naghihintay ng jeep o FX pero kanina pa walang

dumaraan e… Oh my God, no kidding! (Mapapatingin kay

HAMID). Madam… bakit hindi niyo man lang sinabi sa

akin? Hindi po ako… hindi po ako sumasakay ng ano nga

po ang tawag niyo roon?

018. HAMID: Habal-habal…

019. BAMBI: Habal-habal… maghihintay na lang

po ako ng jeep. I’m sure may jeep din sa planetang ito.

Just wait for me there… in 15 minutes wala pang

dumaraan… I’ll take that thing…

Katahimikan. Magkakailingan ang dalawa. Paaandarin ni HAMID

ang makina ng habal-habal bilang paanyaya kay BAMBI.

020. BAMBI: (Sa sarili) I’m sure may jeep na

daraan dito anytime. May FX. May FX akong nakita kanina

sa Iligan. It’s impossible for this place na walang jeep.

Kung may kalsada may jeep.

021. HAMID: Ah nah, dito na lang po sa ‘baba

aspaltado ang daan. Pagdating sa itaas lubak-lubak na

ang daan at kalsada.

Lilingunin ni BAMBI ang itaas.

022. HAMID: Habal-habal lang ang makakarating

sa poro. May jeep na dumadaan dito. Kinaba maintain

akie. Patungong Matungao. Pero puno na ‘pag dumaan

dito. Kaya mo bang sumakay sa taplod?

023. BAMBI: Taplod?

024. HAMID: Bubong ng jeep.

025. BAMBI: Hindi.

026. HAMID: Sumabit?

027. BAMBI: Obviously hindi.

028. HAMID: Sa tire? (matatawa)

029. BAMBI: ******* ka!

030. HAMID: Atunahaa, ano’ng sabi mo?

031. BAMBI: Wala. Sabi ko puwede bang

makisilong ng bag ko riyan sa ilalim ng motor mo baka

mag-melt sa init kasi e.

Katahimikan.

032. BAMBI: May sinasabi ka kanina… tungkol sa

kalsada… sabi mo iyong daan sa itaas lubak-lubak na…

Hindi ko akalain na may mga tao pa sa itaas.

033. HAMID: Oway. May munisipalidad pa riyan

sa itaas… Matungao… Meranao.

034. BAMBI: Ha?

035. HAMID: Muslim community. Dito sa ‘baba,

Christian Community.

Page 5: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 5 ng 23

036. BAMBI: Oh well saan naman dito ang gay

community?

Katahimikan. Tatanawin ni BAMBI ang bandang itaas.

037. BAMBI: Pero mula rito wala na akong

nakikita kundi mga puno at kabundukan… My God hindi

ko alam na nandoon pala ang opisina namin.

038. HAMID: Atunaa, first time mo ba rito sa

Lanao?

039. BAMBI: Oo. Ang init talaga sa planeta niyo

rito.

040. HAMID: Ah! Dito lang iyan akie… pero sa

amin malamig ang klima… parang Baguio.

041. BAMBI: Ha? Saan ba ang sa inyo?

042. HAMID: Dito rin sa Lanao. Pero sa ibang

planeta (Matatawa).

043. BAMBI: Ha?

044. HAMID: Sa amin akie malamig ang hangin.

045. BAMBI: Teka saan nga ba ulit ang sa inyo?

046. HAMID: Oway bah! Dito rin.

047. BAMBI: Hindi ka naman malabong kausap

ano? Don’t tell me bawa’t communities iba’t iba ang

temperature ng hangin.

Katahimikan.

048. HAMID: Ano, sasakay ka na?

Paaandarin ni HAMID ang makina.

049. BAMBI: Sorry. Hindi ako sumasakay diyan.

Paano kung sumemplang?

050. HAMID: Hindi ito akie sesemplang. Sanay

akong magmaneho.

051. BAMBI: Ayaw ko pa rin. Sa Maynila

nagkakalat sa kalsada ng EDSA ang pira-pirasong utak ng

mga namamatay sa pagsakay sa ano nga ba ulit ‘yan?

052. HAMID: Habal-habal akie…

053. BAMBI: Tama… habal-habal… Hindi pa ako

nakakasakay diyan. Wala bang traysikel dito?

054. HAMID: Wala. Nakita mo pataas ang

kalsada? Hindi puwede ang traysikel dito.

055. BAMBI: E, di maghihintay ako ng daraang

jeep dito.

Tutunog ang mobile phone ni BAMBI.

056. BAMBI: (Sa kausap sa mobile phone) Hello,

Madam, pasensiya ka na nandito pa rin ako sa ibaba.

Wala pong dumaraan na habal-habal. Maghihintay po ako

ng jeep… may dumaraan naman po atang jeep dito…

opo… opo… naiintindihan ko po (Mapapatingin kay

HAMID. May takot.)… Naku ganun po ba? Diyos ko

nakakatakot naman iyang sinasabi niyo… Akala ko ba

sabi niyo huwag akong ma-afraid dito dahil may ‘peace

and order’ po… Opo… Opo… Sige hihintayin ko na lang po

Page 6: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 6 ng 23

ang habal-habal doon na lang po ako sasakay… sige po

hihintayin ko na lang po ang habal-habal…

057. HAMID: Sinungaling ka. Ano’ng tawag mo

rito? Di ba habal-habal ito?

058. BAMBI: Excuse me, nakikinig ka kanina? My

God, manners please… Maghihintay pa rin ako ng jeep

kahit na anong sabihin ni Madam. Hindi talaga kaya ng

powers ko ang sumakay diyan… sorry kahit na harangan

mo ako ng itak.

059. HAMID: Ah? Sabi? Bakit, ano’ng sabi ko ba

iyon?

060. BAMBI: Ni Madam… sabi niya huwag daw

akong sasakay ng jeep dahil mga Meranao daw ang

sumasakay dun papuntang Matungao… totoo ba ang

tsismis…

061. HAMID: Atunaa’y tsismis?

062. BAMBI: Sabi ni Madam hindi daw sila

civilized… ang mga Meranao dahil nagsisigarilyo raw sila

sa loob ng jeep…

063. HAMID: Ha? Taga-saan ba iyang boss mo?

064. BAMBI: Taga-Davao City.

065. HAMID: Atunaa pangalan niya?

066. BAMBI: Bakit kailangan mong malaman?

067. HAMID: Bakit sa Maynila ba hindi

nagsisigarilyo ang mga tao sa loob ng jeep?

068. BAMBI: Nagsisigarilyo. Bastos pa ang ilan na

nagpapakita pa ng **** nila sa loob ng jeep at nag*******.

Ewan. Hindi ko alam. Minsan hindi ko alam kung

maniniwala pa ako kay Madam… parang gusto niya lang

akong i-pursuade e.

069. HAMID: Atunaa persuade?

070. BAMBI: Sorry, English iyon…

071. HAMID: Oo naman alam ko naman ang ibig

sabihin ng ‘persuade.’ Atunaa mo naman sa akin.

072. BAMBI: (Sa sarili) In fairness kakaiba ang

tricycle driver dito… kakaiba. Hindi gumi-give up sa

pagpe-persuade…

073. HAMID: Alam ko kung saan ang office niyo

akie. Iyan iyong NGO riyan sa ‘taas, di ba?

074. BAMBI: Oo. Teka sikat pala ang project

namin dito. Sabagay we are helping the community you

know.

075. HAMID: Oway. Iyan iyong namimigay ng

baboy sa mga beneficiaries dito sa amin. (Kakanta) ‘Gusto

ko ng baboy! Ba-ba-baboy!’

076. BAMBI: Teka, alam mo ang kantang iyan?

077. HAMID: Oway ba nah. Radioactive Sago

Project. Astig.

078. BAMBI: Sandali lang nagno-nosebleed ako.

Parang nata-Twilight Zone yata ako… **** may common

interest tayo… like ko rin sila…

079. HAMID: Alam ko ang office niyo. Nakapasok

na nga ako sa office niyo riyan.

080. BAMBI: First time kong pupunta roon sa

project area namin. Based ako sa Manila. Pinapunta lang

Page 7: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 7 ng 23

ako ni Madam dito dahil hindi niya ako ma-persuade sa

phone…

081. HAMID: Hay! Ma-persuade saan?

082. BAMBI: Ewan ko ba. Effort masyado itong

ginagawa ko. Usapan namin dati huwag niya akong

papapuntahin sa Mindanao dahil talagang hindi ako

papayagan ng nanay ko…

083. HAMID: Atunaa ma-persuade saan?

084. BAMBI: Hindi ka naman masyadong ma-

persuade sa hindi mo kakilala ano?

085. HAMID: Ah! Makulit lang talaga ako. Ang

cute mo kasi.

086. BAMBI: Teka, nilalandi mo ba ako?

Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa.

087. BAMBI: Kailangan daw akong makausap ni

Madam nang personal. Mayroon kasi kaming applicant na

ayaw niya. E, gusto ko makapasok. I mean ayaw niya sa

reasons na hindi ako ma-convince na bakit kailangan

niyang awayan. Nag-away kami sa phone. Hayun

magpunta raw ako rito. I’m sure pinapunta ako nun dito

para sabunin nang walang banlawan at ikukula pa after.

088. HAMID: Nag-apply din ako riyan sa NGO

niyo….

089. BAMBI: Really? Hindi namin kailangan ng

habal-habal driver.

Matatawa si HAMID.

090. BAMBI: Bakit natatawa ka?

Iaabot ni HAMID ang kamay niya kay BAMBI. Iiwasan ni BAMBI

ang kamay na inaalok sa kanya.

091. BAMBI: So, ano naman ang inaplayan mo sa

office namin?

Katahimikan.

092. HAMID: Ako nga pala si Christian, akie.

Iaabot na ni BAMBI ang kamay niya. May pag-aalinlangan na kay

HAMID.

093. BAMBI: Bambi…

094. HAMID: Takot ka sa Muslim ‘no?

095. BAMBI: Hindi a… Medyo. Sabi kasi sa akin ni

Madam at ng mga kasama ko rito sa project area na mga

taga-Iligan na… Teka, wala akong resume na natanggap

sa Manila na Christian ang pangalan…

096. HAMID: Basta nag-apply ako sa’n. Hindi ‘ata

ako natanggap kasi hindi nila ipinadala ang resume akun

sa Manila. Sayang lang kun sa bayad sa LBC.

097. BAMBI: Resume? At kailan pa nagkaroon ng

resume ang habal-habal driver?

098. HAMID: Raket akun lang ito… madakul este

marami pa akong raket.

099. BAMBI: Raket?

Page 8: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 8 ng 23

100. HAMID: Oway. Nagpapa-load ako ng

cellphone. Mayroon din akong tindahan ng cellphone sa

Iligan, akie. Maliit lang naman. O believe ka dun sa akin?

101. BAMBI: Aba! Businessman ito.

102. HAMID: Hindi naman akie garie. Bored lang

sa buhay. Buti naman kinakausap mo na ako ngayon.

Ikaw nalaman mo lang na Christian pangalan ko…

103. BAMBI: Inaakusahan mo ba akong may

prejudice against Muslims?

104. HAMID: Tawagin mo lang akong Cris akie.

Nah, sakay na… marami pa akong darating…

Hindi pa rin aalis si BAMBI sa kinatatayuan niya.

105. HAMID: Huwag kang matakot akie. Christian

naman ang pangalan ko di ba? (ngingiti).

106. BAMBI: ****. Hindi ako marunong sumakay

niyan.

107. HAMID: Ah talaga? Ano sinasakyan mo arie –

kalesa?

108. BAMBI: MRT, LRT, FX, jeep, airconditioned

bus – my dear, medyo ibang level ang backwardness ng

transportation sa mga liblib at masusukal na lugar sa

probinsya namin sa Maynila.

109. HAMID: Ang yabang naman ng tarabusaw na

ito. Ang condenscending.

110. BAMBI: Pasensiya na tao lang! Sorry. Next

time huwag kang manukat dahil ikaw na ang sukatin

baka hindi ka sumapat. Anyway basta ayaw ko lang

mamatay na basag ang bungo at panget sa kabaong kaya

hindi ako sasakay ng jabal-jabal anetch…

111. HAMID: Eh, patay ka dun paano mo

malalaman na maganda ka?

112. BAMBI: A, basta sa lamay ko ako lang dapat

ang pinakamaganda. Ako ang ‘Star’ – Sa akin lahat ng

atensiyon! Teka, bakit ba kita kinakausap? Close na tayo?

113. HAMID: (Pabulong) Dayukan katawan ruka.

Ikaw lang itong salita nang salita. Hay arie, ano sasakay

ka?

114. BAMBI: Hindi. Kaya umalis ka na. Goodbye

at mag-ingat ka na lang sa biyahe, Christian.

Hindi matitinag si HAMID sa kanyang lugar. Nakatingin pa rin

siya kay BAMBI.

115. HAMID: Ganito na lang… Alam mo arie… teka

ano nga ulit ang ngalan ka?

116. BAMBI: Bambi.

117. HAMID: Ganito na lang, arie. Dahil mabait

akong tao at ikaw naman e bisita dito sa lugar namin e

hihintayin ko muna ang pagdaan ng jeep bago kita

iwanan? Kapag dumaan ang unang jeep at hindi ka

nakasakay dito ka sa habal-habal ko sasakay? Deal arie?

118. BAMBI: Teka…

119. HAMID: Deal dun?

120. BAMBI: Teka mag-iisip ako…

Page 9: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 9 ng 23

121. HAMID: Atunaa? Sa unang jeep na dumaan at

hindi ka nakasakay – dito ka sa habal-habal ko sasakay…

Nah deal dun?

122. BAMBI: O sige! Sige! ****** *** ** ang galing

mo mang-persuade!

123. HAMID: Katawan ka nah, mga kalahati

hanggang isang oras ang hihintayin natin para sa

susunod na jeep.

124. BAMBI: Oh well, maghihintay ako.

125. HAMID: Nah miyada ka! Paano si Madam

mo?

126. BAMBI: Maghintay siya, **** siya. Hindi

naman niya sinabi sa akin na struggle pala sa planetang

ito ang transportation.

Patlang.

127. BAMBI: ********* talaga struggle sa akin ang

trabahong itong. Struggle sa pagpapaalam sa bahay…

Struggle sa baba ng suweldo… pati ang pagpunta sa

opisina struggle pa rin. Ewan mga wrong decisions sa

career na puwede naman akong mag-call center agent!

128. HAMID: Kausap mo ako akie?

129. BAMBI: Ewan ko sa iyo, ‘**** *** **. (Sa

sarili) Diyos ko ang sarap pa kausap ng mga tao sa paligid

na napaka-emphatic.

130. HAMID: Hoy masaya saya sa amin ano!

131. BAMBI: Masaya nga, puro giyera dito!

132. HAMID: (Matatawa) Atuna giyera? Sa utak

mo lang ‘yan kasi taga-Maynila ka. May nakita ka bang

tangke rito? May naririnig ka bang putukan? May ‘peace

and order’ dito sa amin… sa Iligan arie…

133. BAMBI: ********************! Hindi ko alam

kung bakit na-trap ako dito at ikaw ang kausap ko! Basta

ang alam ko magulo rito sa inyo.

134. HAMID: Armed struggle bah?

135. BAMBI: Parang ganoon. Ewan. Masyadong

masaya ang mga tao rito sa inyo. Trigger happy.

136. HAMID: E, hindi naman talaga armed

struggle ang totoong struggle dito sa amin.

137. BAMBI: So?

138. HAMID: Ang totoong struggle dito e sa

transportation.

139. BAMBI: Napansin ko nga. Sorry kung

nagtatangka ka na namang i-convince ako na sumakay

diyan – wala kang mapapala.

140. HAMID: Kahit saan ka magpunta rito habal-

habal ang sasakyan mo. Nakita mo ang kalsada na iyan?

Papunta iyan doon sa itaas, sa Matungao. Aspaltado di

ba? Doon sa ‘taas lubak-lubak na ang kalsada na iyan.

Maputik kapag tag-ulan. Jeep lang at habal-habal ang

puwedeng dumaan. Kaso sabi nga ng boss mong taga-

Davao City at mga kasama mong taga-Iligan huwag kang

sasakay ng jeep!

141. BAMBI: So?

Page 10: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 10 ng 23

142. HAMID: Nagtatapos ang aspaltadong kalsada

rito sa amin kung saan nagsisimula ang Muslim

community. Nakasakay sa habal-habal ang buong

Mindanao, so no choice ka. O, ano aangkas ka na?

Tatanggi pa rin si BAMBI.

143. HAMID: So ngayon magbonding muna tayo…

Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa.

144. BAMBI: Excuse me mag-aatempt ka bang

landiin ako?

Maglalabas ng sigarilyo si HAMID. Aalukin si BAMBI.

145. BAMBI: Sorry. Non-smoker. Masama iyan sa

akin.

146. HAMID: So, Bambi, married, in a

relationship, domestic partner, o single ka pa?

147. BAMBI: Teka ano’ng care mo?

148. HAMID: Ako? Medyo… ‘It’s complicated’.

149. BAMBI: Ano iya, Friendster?

150. HAMID: May Friendster ka?

151. BAMBI: May Friendster ka, **********!

Sandali lang hindi na ‘ata ito simpleng nosebleed lang

hemorrhage na ‘ata ito.

152. HAMID: Sandali…

153. Kukuha si HAMID ng bolpen. Isusulat ang email

address niya sa palad ni BAMBI.

154. HAMID: Sige invite mo ako para Friendster

na tayo. Pasensiya ka naka-‘selfish mode’ ang account ko.

155. BAMBI: Meaning?

156. HAMID: Hindi mabu-view ang profile ko

unless i-approve kita.

157. BAMBI: (Sa sarili) ‘********* ** ang *****…

158. HAMID: Don’t worry i-approve ko ang

request mo (ngingiti at kikindat).

159. BAMBI: (Habang binabasa ang email) Ano

ba ito ‘[email protected]’… Single pa ako.

160. HAMID: Wala kang syota?

161. BAMBI: Excuse me?

162. HAMID: Syota?

163. BAMBI: Alam mo ba ang ibig sabihin ng

‘syota’ sa Tagalog ha ‘Dong? ‘Short time.’ Disente lahat

ang naging boyfriends ko.

164. HAMID: ******** ***** ka ngayon?

165. BAMBI: Teka, are you trying to insinuate a

conversation with ********** **********? I’m sorry hindi

ko pinag-uusapan ang ************ sa hindi ko boyfriend.

166. HAMID: Ano ang pangalan ng first boyfriend

mo?

167. BAMBI: Bantogen… Noong high school.

168. HAMID: Ang bantot naman.

169. BAMBI: Hindi po iyon ang tunay niyang

pangalan. Albert. Tawagan lang namin iyon sa isa’t isa.

170. HAMID: Ikaw naman si Lawanen?

171. BAMBI: Nabasa mo na ang epic?

Page 11: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 11 ng 23

172. HAMID: Hindi a. Ang boring nu’n. Mga

matatanda lang ang may gusto nu’n. Sa malalayong

communities. Sa amin hindi na uso…

Katahimikan.

173. HAMID: ‘Pag nag-apply ba ako sa iyo diretso

tatanggapin mo na ako?

174. BAMBI: Kailangan ko ‘yung may skills. At

graduate ng college.

175. HAMID: Teka, may skills ‘ata ito. At graduate.

176. BAMBI: Halata nga.

177. HAMID: Graduate ako ng Social Work.

Licensed pa. Sa MSU-Main.

178. BAMBI: Talaga lang ha? Sige na nga

maniniwala na ako para mayroon lang tayong mapag-

usapan… ang tagal ng ****** jeepang!

179. HAMID: Totoo… sabi ko sa iyo raket ko lang

itong habal-habal e…

180. BAMBI: Sorry, hindi ka pa rin puwede.

Naglabas kasi ako ng memo na fifty-fifty percent ang staff

namin dito.

181. HAMID: Fifty-fifty?

182. BAMBI: Oo. Fifty percent Muslim. Fifty

percent Christians. Puro na mga Christians from Iligan

ang tao doon sa office namin.

183. HAMID: Teka, parang discrimination yata

yan! Tinatanggap mo ang applicant based on religion?

Mali yan!

184. BAMBI: Hello world pati ba naman ikaw

may issue sa hiring policy ko? Oh well, naniniwala kasi

ako sa equal employment opportunities.

185. HAMID: Hindi ka nga tagarito.

Katahimikan.

186. BAMBI: ******-*** **.

187. HAMID: Ano?

188. BAMBI: Sabi ko ******-*** ** hayop ka.

189. HAMID: Teka, mag-ingat ka sa pananalita

mo… baka biglang umasim ka menthol naman itong yosi

ko?

190. BAMBI: Iyan din ang sinabi sa akin ni

Madam sa telepono. I’m sure ‘yan din ang sasabihin niya

sa akin mamaya – ‘Hindi ka tagarito. Hindi mo alam. Wala

kang nalalaman, taga-Maynila ka kasi.’ E, hindi mo naman

kailangan na maging tagaroon sa isang lugar para

malaman mo kung ano ang tama at mali. Siguro naman

kahit saan ka magpunta mali ang mag-discriminate.

191. HAMID: Matigas siguro ang ulo mo?

192. BAMBI: Are you making a comment sa

shampoo ko? Crabtree and Evelyn ‘yan, Vanilla scent…

193. HAMID: Sobrang sakit siguro ng ulo ng boss

mo sa iyo ano?

Page 12: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 12 ng 23

194. BAMBI: Ganito ba talaga rito sa inyo?

195. HAMID: Ang alin?

196. BAMBI: Ang ganito!

197. HAMID: Ang alin nga?

198. BAMBI: Basta hindi ko masabi. Baka ma-

offend ka…

199. HAMID: Ano? Na nakakatakot ang mga

Muslim? Na dapat layuan ang mga Meranao?

200. BAMBI: Ewan. Katulad ka rin siguro nila.

201. HAMID: Ninong nila?

202. BAMBI: Nila – ni Madam… iyong mga

kasama ko riyan sa office na dumadalaw minsan sa

Maynila at nakakausap ko.

203. HAMID: Bakit ano ba sila?

204. BAMBI: Basta. Hindi ko alam kung

paniniwalaan ko ang sinasabi nila. Kung totoo nga ba ang

sinasabi nila.

205. HAMID: Na alin?

206. BAMBI: Basta.

207. HAMID: Na alin nga ***********!

208. BAMBI: ****** ka, galit ka, minumura mo

ako?

209. HAMID: Wala sabi ko ang ganda mo sobra!

210. BAMBI: Thanks – but no thanks. Mayroon

kasi kaming applicant. Ipinadala sa akin ang resume.

Okay naman siya. May pinag-aralan, may experience, nag-

evaluate ng projects ng UNDP, YOS volunteer, dapat for

interview na sa akin pero…

211. HAMID: Pero…

212. BAMBI: Pero ayaw ni Madam… Ayaw ng

mga kasama ko riyan sa itaas…

213. HAMID: Bakit Muslim daw… Meranao?

214. BAMBI: Oo. Pero nangatwiran ako –

215. HAMID: Pero ano’ng sabi nila?

216. BAMBI: Hindi raw ako tagarito… Hindi ko

raw alam dahil taga-Maynila naman daw ako… ******-***

nila ano’ng akala nila sa akin, bobo? Alam mo ba iyong

feeling na- pa-yosi nga nate-tense na naman ako…

217. HAMID: Sige na, ituloy mo nakikinig ako…

feeling na ano ‘yan?

218. BAMBI: Basta.

219. HAMID: ******-*** ang labo mong kausap,

bayot ka talaga!

Katahimikan.

220. BAMBI: Na ganitong feeling… ngayon lang

nararamdaman ko ngayon lang… ulitin mo nga ang sinabi

mo…

221. HAMID: ‘******-***’?

222. BAMBI: Hindi iyan… iyong susunod…

223. HAMID: ‘Bayot ka talaga’?

224. BAMBI: Tumpak ka riyan, boylet! Alam mo

iyong feeling na hindi pinahahalagahan ang mga desisyon

mo sa opisina, binabastos ka, tinatawanan ka kapag

nakatalikod, minamaliit ang trabaho mo dahil sa kung

Page 13: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 13 ng 23

ano ka? Sa pagkatao mo? Kung sinabi ko noon na sana

buksan natin ang organisasyon sa mga Muslim dahil may

muslim communities naman sa areas natin walang

naniniwala sa akin dahil sabi mo nga: ang labo mong

kausap dahil bayot talaga ako. Nararamdaman ko iyon: sa

harap ni Madam, sa mga kasama namin dito kapag

kausap ko sila… kapag kaharap ko sila… ngayon sa harap

mo ******* ka.

225. HAMID: Kaya ipinatapon ka rito – hindi ka

siguro nakikinig?

226. BAMBI: Minsan nagtalo talaga kami ni

Madam. Sabi ko kailangan tanggapin natin ang isang ito

dahil iba ang level ng skills and we will promote a

culturally diverse organization sa community. ‘Hindi siya

puwede rito. Hindi puwede.’ Sabi ko bakit naman? ‘Dahil

Muslim siya. Bambi. Paano siya magdi-disperse ng baboy

sa mga beneficiaries?’

227. HAMID: O tama nga naman ang boss mo!

228. BAMBI: Mali iyon, Christian. Mali… ‘******,

madam, that’s foul. Foul! Para niyo na ring sinabi na hindi

puwede maging receptionist ang negra dahil negra siya. E

di bigyan natin siya ng ibang trabaho… pagawin ng

reports, magdisperse ng baka… o kambing’

229. HAMID: Oo nga naman… ang pangit nga

naman ng negra.

Matatawa si HAMID. Hindi kikibo si BAMBI.

230. BAMBI: Minsan naisip ko kung ang Muslim

hindi puwede sa opisina namin dito sa Lanao del Norte

dahil hindi puwede mag-disperse ng baboy – makinig ka

sa moment ko, ‘Dong, mahalaga itong line ko – paano pa

kaya ako na lalaki na nagkataong mahilig din sa lalaki?

Babastusin ako ng mga probinsyanong tulad mo dahil

tingin mo pink ang sapatos ko. May maniniwala rin ba sa

akin?

231. HAMID: Ang ***** mo naman… pero sige

lang, gusto kitang maging kaibigan.

232. BAMBI: Bakit naman? Bayot ako de vah?

233. HAMID: Dahil wala akong kaibigang bayot –

na katulad mo.

234. BAMBI: Hindi ba uso ang bayot dito sa

planeta niyo? …Sabagay ilang milyong langoy mula rito

ang Puerto Galera at mukhang it will take a hundred

years of solitude para itayo rito ang Folded and Hung

Lanao del Norte branch.

Katahimikan.

235. BAMBI: Hindi rin ba uso ang Muslim dito sa

planeta niyo?

236. HAMID: Uso.

237. BAMBI: Ganito talaga rito sa inyo?

238. HAMID: Na alin?

239. BAMBI: Na masama ang ugali ng mga

Kristiyano?

Page 14: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 14 ng 23

240. HAMID: Di ba Christian ka rin?

241. BAMBI: Katoliko ako to be exact, sir. Pero

lately hindi na ako nagsisimba. Haggard na ako pag-

Linggo.

242. HAMID: Hindi naman lahat. May mga settlers

din na…

243. BAMBI: Excuse me ano iyong term?

244. HAMID: ‘Settlers’?

245. BAMBI: Narinig ko na rin ang term na iyan

sa mga kasama ko sa office kapag dumadalaw sila sa

Manila… Kay Madam… Iyan ba iyong mga Meranao dito

sa Lanao del Norte… mga ‘settlers’?

246. HAMID: Ha? Sandali lang paki-explain

parang nagno-nosebleed ako…

247. BAMBI: Sabi kasi sa akin ni Madam dati ang

mga Meranao daw ang nandito sa ibaba, sa Iligan… tapos

ayaw nilang magpa-convert sa Kristiyano kaya nagpunta

sila sa itaas. Tapos may ilan sa kanilang nakapunta sa

Maynila… nakapag-aral at nalaman nila na maganda pala

sa kapatagan kaya gusto na nilang kunin e wala naman

silang titulo. Gusto nilang kunin ang hindi kanila kaya

hindi sila mapagkakatiwalaan.

248. HAMID: Hindi ka nga tagarito.

249. BAMBI: ******-*** mo ulit.

250. HAMID: Bambi… ang mga settlers e iyong

nang-aagaw ng lupa… iyong mga dayuhan.

251. BAMBI: So totoo nga ang hinala ko?

252. HAMID: Na alin?

253. BAMBI: Na nagsisinungaling si Madam?

254. HAMID: Ay totoo…. totoong nagsisinungaling

siya.

255. BAMBI: Buti na lang bayot ako. Hindi

sinungaling.

Patuloy ang pagtawa ni HAMID. Nang-aasar. Tatapikin ni HAMID

nang malakas si BAMBI sa balikat. Maiirita si BAMBI.

256. BAMBI: ******-*** **, hayop ka – settler!

257. HAMID: *********** ka – bayot!

Katahimikan.

258. HAMID: Hindi ako Christian. Meranao ako.

Muslim…

259. BAMBI: Oh well, hindi ako bayot. Babae ako.

*****. Wala kang karapatan na insultuhin ako nang

ganyan. Bakla ako pero hindi ako bobo.

260. HAMID: Madakel a salamat at ipinaalam mo

sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ako hindi

natanggap sa organisasyon niyo. ***** ka rin.

Katahimikan. Ilalabas ni BAMBI ang mga dokumento niya at

makikita ang resume ni HAMID.

261. BAMBI: Ikaw? Mr. Hamid…

262. HAMID: Ako nga. Ang guwapo sa personal, di

ba arie?

Page 15: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 15 ng 23

263. BAMBI: E ********* ka pala sabi mo kanina

Christian ang pangalan mo?

264. HAMID: Dah akie. Gusto lang kitang

pagtripan. Ang cute mo kasi.

265. BAMBI: Sabagay kung sasabihin mo na

Meranao ka hindi na ako magsasabi sa iyo ng totoo. Hindi

na kita kakausapin nang totoo. Hindi na ako haharap sa

iyo ng totoong tao.

Matitigilan si BAMBI. Matatakot.

266. BAMBI: ****, tsutsugihin mo na rin ako?

267. HAMID: Arie? Takot ka na rin sa Muslim

ngayon? Magsasabi ka na rin ng masasamang bagay

tungkol sa mga Meranao?

268. BAMBI: Oo. Siguro…

269. HAMID: Hindi na kita puwedeng tawaging

‘hindi tagarito.’ Tagarito ka na sa amin…

270. BAMBI: Bakit mo pala gustong mag-apply sa

organisasyon namin e marami ka namang business?

271. HAMID: Dahil nakita ko unfair kayo. Wala

ang baranggay dito sa munisipalidad na ito pero nandon

lang kayo sa limang baranggay dito sa ibaba, sa mga

Kristiyano. Minsan nakita ko nagpamisa pa kayo sa

opisina niyo. Baboy pa ang mga ipinamimigay ninyo.

Naisip ko puwede naman kayo mag-disperse ng kambing.

I can offer discounts kung sa akin kayo kukuha.

272. BAMBI: Excuse me, NGO po kami. Hindi po

kami business enterprise. Oh well …tanggap ka na. Final

interview na ito. Job offer na tayo.

273. HAMID: Thanks but no thanks. Bakit ko ba

kailangan ng trabaho mula sa inyo.

Tutunog ang mobile phone ni BAMBI. Matataranta na si BAMBI.

274. BAMBI: Si Madam…. nagagalit na siguro…

Katahimikan. Patuloy ang pagtunog ng cellphone.

275. BAMBI: Oh well, Hamid, I’m sorry.

276. HAMID: Sorry sa atunaa?

277. BAMBI: Sa pagpapamisa namin sa Center…

sa pamimigay ng baboy sa community… Napakawalang

galang… napakawalang respeto… para kaming nagpa-gay

beauty pageant na may mga babaeng contestants.

Katahimikan.

278. BAMBI: At sorry hindi ka natanggap sa office

dahil… siguro gano’n talaga, may mga eksena sa

mundong ibabaw na hanggang sorry na lang…

Katahimikan.

279. HAMID: O sige na, you are forgiven arie.

280. BAMBI: Hindi naman ako masyadong

prangka, ha pero medyo lang naman may pagka-***** ka,

presko, at feeling God’s gift to gaykind.

Page 16: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 16 ng 23

281. HAMID: Ah nah pasensiya na sobrang effort

sa akin ang pagiging humble these days lalo na’t alam

kong ipinanganak na talaga akong guwapo.

282. BAMBI: Ewan. Hamid, paupo naman diyan

nangangalay na kasi ako.

Susubuking maupo ni BAMBI sa habal-habal. Ilang beses siyang

magtatangka hanggang sa mahulog sa habal-habal. Hindi siya

tutulungan ni HAMID.

283. HAMID: Tayo suhkita!

284. BAMBI: Wish ko lang tulungan mo akong

makatayo di ba?

Iaabot ni BAMBI ang kamay niya ngunit titingnan lang ito ni

HAMID.

285. HAMID: Arie, matuto kang tumayo mag-isa

kapag nahulog ka sa habal-habal.

Makakatayo si BAMBI. Magtatangka ulit siyang maupo sa habal-

habal.

286. HAMID: Ibuka mo kasi iyang paa mo. Iyang

isang paa sa kabila.

287. BAMBI: Ayaw ko nga bumukaka nang

nangyan!

288. HAMID: Ah nah paano magkaka-balance

arie?

Susubukan ni BAMBI. Mailalagay niya ang isang paa sa kanila.

289. BAMBI: Kailangan ba ganyan kalaki ang

bukaka? Diyahe…

290. HAMID: Kailangan malayo kasi iyang mga

binti mo rito sa tambutso… mapapaso iyan… peklat anan!

Katahimikan.

291. BAMBI: Hamid, ilan ang puwedeng sumakay

sa habal-habal mo?

292. HAMID: Mga anim kasama na akun.

293. BAMBI: Anim? **** paano kung sumemplang

e pataas pa naman itong daan at lubak-lubak pa?

294. HAMID: Basta nakabukaka nang maayos

lahat hindi ito sesemplang. May balance kasi… Kapag may

balance tatakbo nang maayos ang habal-habal arie…

295. BAMBI: Puwede bang mamili ng pasahero?

296. HAMID: Ha? Ano? Kung Muslim o Christian

lang ang puwedeng sumakay?

297. BAMBI: Hindi, ano ba? Gusto ko kasi pag-

sisiksikan na puwede ba iyong pasaherong susunod sa

akin e lalaki… guwapo…

298. HAMID: Sige. Sakun e bahala. Mamimili tayo

ang pasaherong susunod sa iyo…

299. BAMBI: Hamid, puwede bang magtanong?

Iyong honest question lang ha huwag kang mai-

imbiyerna.

300. HAMID: Okay. Shoot.

Page 17: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 17 ng 23

301. BAMBI: Bakit may eksenang gulo dito sa

Mindanao?

302. HAMID: Ang hirap naman ng tanong mo. Di

naman lahat ng lugar dito sa Mindanao magulo. May

peace ang order naman sa ibang lugar. Sa Iligan

halimbawa.

303. BAMBI: E, bakit winawarlah ng mga Muslim

ang gubyerno?

304. HAMID: Winawarland?

305. BAMBI: Ang ibig kong sabihin bakit kaaway

ng gubyerno ang mga Muslim?

306. HAMID: Matanda pa sa ating dalawa ang

sagot diyan. Mahirap ipaliwanag.

307. BAMBI: Iyan din ang sabi nila sa akin bukod

sa hindi ako tagarito – hindi ko raw maiintindihan. So,

siguro shut your mouth and know your roles na lang ba

tayo ganun ba ‘yun?

Katahimikan.

308. BAMBI: O heto na lang: bakit Meranao ang

Meranao, Hamid?

309. HAMID: Ano bang tanong ‘yan? Hindi naman

kita tinanong kung bakit naging bayot ang bayot?

310. BAMBI: E, wala namang mawawala sa iyo

kung itatanong mo iyon sa akin. Oh well naging bayot ang

bayot dahil bongga kami. Ikaw, bakit nga Meranao ang

Meranao?

311. HAMID: Dahil Muslim kami?

312. BAMBI: E, kahit sino naman puwede maging

Muslim. (Mag-iisip) Sabagay kahit sino naman puwedeng

maging bayot ‘yun nga lang hindi lahat puwedeng maging

bongga. So, Hamid, bakit nga naging Meranao ang

Meranao?

Mag-iisip si HAMID.

313. HAMID: Dahil sa maratabat?

314. BAMBI: Anetch?

315. HAMID: Pride… honor… pagkakaisa… parang

ganon. Iyung magtutulong-tulong kayo para hindi

masakop. Maging malaya. Parang ganoon…

316. BAMBI: (Patawa) Ang labo, aminin mo hindi

mo ma-define. Sabagay parang may ganyan din sa amin

na hindi mo ma-define; kailangan mo lang ma-feel at put

into action.

317. HAMID: Talaga?

318. BAMBI: Oo. Ang tawag naman namin dun e…

‘Bongga’.

319. HAMID: Bongga?

320. BAMBI: Oo. ‘Bongga’ …minsan naman

“Bonggang-bongga’! hindi mo ma-defne di ba? Sabi nila

kung keri ang attitude at style bongga na. Minsan

maganda manamit pero pangit ang ugali hindi pa rin

bongga. Kung fashionista ka at mahal ang mga damit mo

habang wala namang makain ang mga tao sa paligid mo –

Page 18: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 18 ng 23

iyon hindi iyon bongga. Minsan naman may tinatawag na

‘bonggang bongga!’ Mahirap din i-define tingnan mo na

lang ang katawang lupa ko.

321. HAMID: Minsan naging bayolente raw ang

Meranao kapag nasasaktan ang maratabat niya. Pero

hindi lahat ganon.

322. BAMBI: Sa amin naman hindi ganoon. Kapag

hindi bongga – nilalait. Walang patumanggang okrayan.

Pero hanggang dutchihan lang. At least totoo kami sa isa’t

isa at nag-aagree kami kung sino ang bongga, ang

bongga-bongga, at ang chaka. Nakaka-deglamourized

kami ang violence.

Katahimikan.

323. HAMID: Bakit natahimik ka?

324. BAMBI: Wala lang. Naisip ko lang na kahit

pala sa panahon natin ngayon may mga tao pa palang

naniniwala at nagpapahalaga sa ano nga bang chenes

niyo ulit iyon?

325. HAMID: Maratabat…

326. BAMBI: Bonggang maratabat. Siguro kaya

mahirap ang Pilipinas dahil wala nang maratabat ang

mga tao.

327. HAMID: Ano, kasalanan na naman ng mga

Meranao kung bakit mahirap ang Pilipinas?

328. BAMBI: *****. Ang ibig kong sabihin

imaginin mo kung ang lahat ng Filipino may maratabat sa

palagay mo ba may mga corrupt na pulitiko? May

echoserong kumag na magnanakaw sa gubyerno? May

mga taong harap-harapan na silang nanakawan deadma

pa rin to the world? Kung may maratabat walang

domestic helper, walang maruming lansangan, lahat

magsisikap, lahat may bisnis dahil walang

mangangamuhan. Bonggang bongga di ba?

329. HAMID: E, sa paanong paraan mababago ng

maratabat ang kawatan? Sasabihin mo sa kanya na wala

kang maratabat mag-resign ka na lang?

330. BAMBI: At bakit mo naman sasabihin sa

kanya na wala kang maratabat, mag-resign ka na?

Lilinga si BAMBI na parang may hinahanap sa malayo.

331. BAMBI: Nakita mo iyon?

Ituturo ang isang bahagi ng tanghalan, sa isa sa mga manonood.

332. HAMID: Saan?

333. BAMBI: Iyon! Iyong babaeng iyon sa

kabilang kanto. Iyong pangit at tingnan mo kahit malayo

halata mong buhaghag ang buhok. Iyon… iyong naka-

****** shorts.

334. HAMID: Nakikita ko. Si Gloring yan iyong

pokpok diyan sa Timoga. So?

335. BAMBI: Kunwari siya ang president ng

Pilipinas na korap. Tapos nandito ako nakatayo. Ganito

kami kalayo.

Page 19: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 19 ng 23

336. HAMID: Atunaa gagawin mo?

337. BAMBI: Stay put ka lang diyan.

Mamuwestra si BAMBI at huhugot ng hangin at sisigaw habang

dinuduro sa malayo ang babae. Sisigaw.

338. BAMBI: (Sa babae sa malayo) Psst! Gloging!

Oo ikaw! Ikaw nga, hija! Hi. (Galit. Hysterical) ******-***

**** president ka! Oo, ikaw! Wala kang maratabat!

Magnanakaw! Magnanakaw! Wala kang maratabat!

Matataranta si HAMID at pilit nabubusalan ang bibig ni BAMBI.

339. BAMBI: Ganoon ang gagawin ko. Tapos uupo

ako, babalik ang poise ko na parang wala akong ginawang

bonggang bonggang eksena. Dahil bonggang bongga ang

maratabat. Ganoon! Echosan lang with the president.

Sorry, Gloring!

Mananatili si HAMID at nakatingin pa rin sa malayo.

340. BAMBI: O, bakit nakatayo ka pa riyan?

Mamuwestra si HAMID at huhugot ng hangin.

341. HAMID: *********** ka, Gloring, ****** ng

Timoga! Hindi ka bonggang bongga!

Pilit na aawatin ni BAMBI si HAMID. Magtatawanan silang

dalawa pagkatapos.

342. BAMBI: Pero kahit gawin natin iyon sa

harap ng telebisyon at mapanood ng buong Pilipinas –

wala pa rin effect. Kayo na lang ‘ata ang naniniwala pa sa

maratabat.

343. HAMID: Ang patronizing mo naman.

Lumalaki na ulo ko.

344. BAMBI: ****. I am just being myself.

Katahimikan.

345. BAMBI: Pero hindi mo pa rin nasasagot ang

tanong ko: Sa TV, sa mga balita… bakit magulo rito kung

nagiging Muslim lang ang Muslim… Kung nagiging

Meranao lang ang –

346. HAMID: Isipin mo lang, Bambi, bakit ka

nandito. Bakit ka nakaupo riyan sa saktong inuupuan mo

(sa habal-habal) – iyan na siguro ang pinakamalapit na

sagot sa mga tanong mo. Okay na ba?

Katahimikan.

347. BAMBI: Simula sa araw na ititch, wiz na

aketch maniniwala sa mga salitang ‘peace and order’ na

iyan ni Madam.

348. HAMID: May peace and order kami rito… sa

Iligan. Wala lang pakialam sa isa’t isa.

349. BAMBI: Peace and order para kanino?

Katahimikan.

Page 20: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 20 ng 23

350. HAMID: Hindi ka tagarito. Huwag mo kaming

pakialaman…

Bababa si BAMBI sa habal-habal at kukunin ang mga gamit niya

at aktong aalis.

351. HAMID: Sige umakyat ka na… ihahatid na

kita sa office niyo roon sa itaas kahit walang bayad.

Hindi pa rin matitinag si BAMBI sa kanyang kinatatayuan.

Patuloy ang pagtunog ng mobile phone ni BAMBI.

352. BAMBI: (sa telepono) Opo… Opo… With all

due respect, Madam, I refuse to ride the habal-habal in

Lanao del Norte. Hindi talaga kaya ng powers ko and I

really don’t trust that vehicle. Maglalakad na lang ako

papunta riyan. (Ibababa ang telepono)

353. HAMID: Pataas iyon. Mahirap maglakad. 45

minutes.

354. BAMBI: Okay lang. Naka-Chuck Taylor

naman ako. At kailangan ko ring mag-burn ng fats.

Aalis na si BAMBI.

355. HAMID: Sandali arie…

356. BAMBI: Babarilin mo ba ako nang patalikod

tulad ng sinasabi nila sa akin sa opisina at ni Madam dahil

sa mga sinabi ko? Hindi ako tagarito. Wala dapat akong

comments. Hindi dapat ako makikialam.

357. HAMID: Di. Bakit ko gagawin sa iyo iyon? Sa

palagay ko mabuti kang tao…

358. BAMBI: Sa palagay ko ***** ka… pero mabuti

ka ring tao.

Aktong aalis si BAMBI.

359. HAMID: Sandali huwag ka munang umalis.

360. BAMBI: Hindi ako tagarito. Hindi kita kilala.

Marami akong hindi alam. Sa mga tao. Sa lugar. Ang sabi

lang nila sa akin noon sa opisina na kapag dumalaw ka

rito huwag akong makikipag-usap sa Meranao. Kailangan

kilala ko ang Meranao na sasamahan ko. Hindi ko alam

kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo… Pasensiya na

sa mga nasabi ko kanina hindi ko alam na Meranao ka.

Katahimikan.

361. HAMID: Ano’ng paborito mong kanta ng

Radioactive Sago Project, Bambi?

Katahimikan. Matagal na magkakatinginan sina HAMID at

BAMBI. Walang matitinag.

362. BAMBI: ‘Bisikleta’

363. HAMID: Sandali…

Page 21: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 21 ng 23

Ilalabas ni HAMID ang MP4 niya at hahanapin ang binabanggit

na kanta. Iaalok ni HAMID ang isang earplug kay BAMBI. Sa una’y

may pagdadalawang-isip si BAMBI.

364. BAMBI: Hindi mo ako…

365. HAMID: Bakit? ….

Patuloy pa ring inaalok ni HAMID ang isang earplug

366. BAMBI: Ilang gig iyang Nano mo?

367. HAMID: 4 gig.

368. BAMBI: Astig. 1 gig lang sa akin. Sabi mo

kanina ‘It’s Complicated’ ang status mo sa Friendster…

Bakla ka ba, bi, o tripper?

369. HAMID: May syota – may girlfriend ako sa

Iligan. Pero ang pakakasalan ko taga-amin. Sa Marawi.

370. BAMBI: Complicated nga. Matagal-tagal na

ring ‘single’ ang status ko sa Friendster.

371. HAMID: E, nasaan na si Bantogen?

372. BAMBI: May iba nang Lawanen na isang call

center agent.

373. HAMID: Don’t worry, pagari. Makakahanap

ka rin ng bagong Bantogen.

Matatawa silang dalawa.

374. HAMID: Bilis baka matapos na ang kanta…

Aabutin ni BAMBI ang earplug at ilalagay sa kanyang tenga.

Makikinig silang dalawa sa kanta.

375. BAMBI: Hamid, bakit ganun?

Katahimikan.

376. HAMID: ‘Wag ka nang magtanong, Bambi.

Hindi na rin ako nag-iisip…

377. BAMBI: Sige… hindi na rin ako mangungulit.

Patuloy silang makikinig sa kanta.

378. HAMID: Ano ang konting alam mo sa Lanao,

Bambi?

379. BAMBI: Na dalawa ang Lanao – del Sur at del

Norte?

380. HAMID: Iisa lang ang Lanao. Sige bukas

babalikan kita sa office niyo at ipakikita ko sa iyo ang

Lanao. Ang unang katotohanan na dapat na malaman mo

sa Lanao at dapat mong paniwalaan ay mayroon itong

isang magandang lake. Iyon hindi iyon kasinungalingan –

ang lake. Du’n sa ‘taas. Ang lake na ito ang dumadaloy sa

lahat ng ilog ng Lanao – del Sur man or del Norte. Kaya

iisa lang ang Lanao. Ang Ranao.

381. BAMBI: Talaga? Gusto kong makita ang

sinasabi mo… Hindi ako tagarito pero I’ll appreciate the

hospitality.

Page 22: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 22 ng 23

382. HAMID: Nah arie, sumakay ka na. Dadalhin

muna kita sa office niyo. Hiniintay ka na ng boss mo. Baka

makagalitan ka noon. Promise bukas I’ll show you the

ride of your life… ipakikita ko sa iyo ang lawa…

Matitigilan si BAMBI. Mag-aalangan.

383. HAMID: Atunaa?

384. BAMBI: Hindi ako sasama sa guy na walang

maratabat. (Patlang) May maratabat ka ba, Hamid?

Paaandarin ni HAMID ang makina bilang tugon. Ngingiti si

BAMBI at sasakay sa habal-habal.

385. BAMBI: (Kabado) Teka saan ba ako puwede

kumapit sa iyo? Sa mga balikat mo or dito sa ilalim ng

mga ribs mo?

386. HAMID: Sukadun, bahala ka kung saan mo

gusto.

387. BAMBI: O siya dito na lang sa ilalim ng ribs…

siguraduhin mo lang na wala kang kiliti. (Kakapit sa

magkabilang ribs ni Hamid.) Teka, muscle ba itong

nakakapa ko…

388. HAMID: Ah nah, nilalandi mo ba ako?

389. BAMBI: Ikaw naman masyadong assuming.

Saan na tayo pupunta nito?

390. HAMID: Sa office mo akie –

391. BAMBI: Deadma na. Dalhin mo na lang ako

pabalik ng Maynila baka masampal ko lang iyang si

Madam – ******* ***** matanda iyan kasing complicated

ng ****** niya ang hypocrisy sa katawan… ibang level…

Matatawa silang dalawa.

392. HAMID: Ah, kung gayon dalhin na lang kita

sa amin akie…

393. BAMBI: Sa’n ba sa inyo?

394. HAMID: Roo sa Marawi… Sa may magandang

Lake… Magugustuhan mo roo akie… Malamig roon

parang Baguio kasi nasa itaas siya.

395. BAMBI: Sigurado ka riyan? Baka tsugihin mo

ako roon? Sabi sa akin ni Madam tray –

396. HAMID: Trust me arie…

Katahimikan.

397. BAMBI: Sige na nga I’ll trust you cute ka

naman… O siya larga! …Sandali!

398. HAMID: Atunaa, ano na naman?

399. BAMBI: May strawberry jam ba sa Marawi?

O may branch ang Pink Sisters at makabili ng halaya para

kay nanay para medyo convincing na sa Baguio nga

talaga ako nanggaling… Medyo effort kasi kung sasabihin

kong galing akong Baguio at ang mga pasalubong ko

marang, durian, at mga malong.

400. HAMID: Sabihin mo sa nanay mo arie

nagpunta ka talaga ng Marawi City. Alis na tayo… hawak

ka nang maigi akie.

Page 23: Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal Habal Sa Isang ... Filipino - Ang... · din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa ... hindi po ako sumasakay ng ano nga po

Pahina 23 ng 23

Paaandarin ni HAMID ang makina.

401. BAMBI: Sandali…

402. HAMID: Atunaa?

403. BAMBI: Teka ang sunblock ko mabibilad

tayo sa araw… ******-***** lugar ito; ang init, parang si

Satanas na lang ang kulang impiyerno na.

-TELON-