BARANGAY ANGELES ATIMONAN, QUEZON ? ‚ Republika ng Pilipinas ... Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga nag-ambag para sa pagsasa ... ibinabalik siya sa Tribunal, subalit ang Pista

  • View
    276

  • Download
    14

Embed Size (px)

Text of BARANGAY ANGELES ATIMONAN, QUEZON ? ‚ Republika ng Pilipinas ... Ang pagkilala ay...

  • BARANGAY ANGELES

    ATIMONAN, QUEZON

  • SOCIO-ECONOMIC PROFILE

    BARANGAY ANGELES

  • Prepared by:

    ARNEL M. ALCANTARA Municipal Planning & Development Coordinator

    CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator

    MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II

    2015 December

  • Republika ng Pilipinas

    BARANGAY NG ANGELES Bayan ng Atimonan

    Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

    MENSAHE

    Pagbati ng Kapayapaan sa ating Lahat!

    Ako bilang Punong Barangay ng Barangay Angeles , Atimonan, Quezon.

    Ay nakikiisa at nanguna sa paglalahad ng kasaysayan ng Barangay Historical

    Background, Physical Characteristics, Socio Economic Sector, General Eco Profile,

    Social Sector, Political Data, upang maipabatid ang nasabing data sa lahat ng

    kinauukulan at mapagtuunan ng pansin ang kung ano mang kahinaan,

    kakulangan at pangangailangan pa ng aming Barangay at ang mga bagay na

    maayos na, ay lalong pang pag-ibayuhing mapaganda at gawing makabuluhan,

    sa tulong ng aking mga kasamahang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng

    inyong lingkod na nangangakong gagawin sa abot ng aking makakaya. Upang

    mas lalong mapaunlad ang aking Barangay na pinamumunuan sa tulong at

    suporta ng Pamahalaang Lokal

    Mabuhay at Pagpalain tayong lahat

    ARNOLD G.GILBUENA Punong Barangay

  • Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN

    MENSAHE

    Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa

    bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga

    datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang

    magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan

    ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na

    makikinabang.

    Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang

    progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na

    Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy

    ang pag-unlad ng ating bayan.

    Sama-samang magsimula,

    Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!

    JOEL M. VERGAO

    Punumbayan

  • KATANGIAN AT INTERPRETASYON SA OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY

    Ang opisyal na sagisag (logo) ay binubuo ng dalawang hugis bilog, isa(1) sa loob

    at isa sa labas. Ang espasyo sa gitna ng dalawang (2) hugis bilog ay nakasulat

    ang mga sumusunod:

    BARANGAY ANGELES pangalan ng barangay at nakalagay sa itaas na bahagi

    ng bilog.

    ATIMONAN, QUEZON pangalan ng bayan at probinsyang nakaksakop sa

    barangay sa ibabang bahagi ng hugis bilog.

    Ang gitnang bahagi ng nasa loob ng bilog ang mga sumasagisag sa

    pagkakakilanlan ng barangay ay ang mga sumusunod:

    KULAY DILAW na sumisimbolo sa sikat ng araw na sagisag ng magandang

    bukang liwayway na siyang nagbibigay pag-asa sa mga mamamayan.

    KULAY BUGHAW na sumisimbolo sa kulay ng anyong tubig ng dagat na kung

    saan ang mga mamamayan ay dito kinukuha ang pangunahing ikinabubuhay.

    KULAY LUNTIAN na sumisimbolo sa yamang lupa na siyang sumasagisag na

    ang Barangay Angeles ay napapaligiran ng mga kabundukan.

    SIRENA na sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng Barangay Angeles.

    Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga nag-ambag para sa pagsasa-ayosng opisyal

    na sagisag (logo) ng barangay at ito ay ang mga sumusunod:

    MAY M. SORNITO - PDO II, Office of the MPDC touched and improved

    in 2003

    KGG. AMELIA ANTONIO Kasalukuyang kagawad ng barangay, sa

    pagbibigay ng kahulugan ng sagisag.

  • VISION

    Isang mapayapa at maunlad na pamayanan na may pananalig

    at pananampalataya sa DIYOS,

    tumatalima sa batas na umiiral,

    nagtitiwala sa lakas ng pagkakaisa at

    kumakalinga sa kalikasan.

    MISSION

    Makapagbuklod ng nagkakaisa at nagtutulungang mga

    mamamayan sa pamamagitan ng mga gawaing

    kapakipakinabang at mga programang pangkabuhayan

    tungo sa maunlad na pamayanan.

  • 1. HISTORICAL BACKGROUND

    KASAYSAYAN NG BARANGAY ANGELES

    Halos dalawang araw at magdamag na nooy masungit ang panahon at magha-

    maghapung hindi nagpakita ang araw at ng gumabi na ay tila nagluksa ang langit sa

    kasungitan ng dilim. Kinaumagahan, madilim dilim pa halos ay natanawan ng mga

    nagsisipag-tanod sa kastilyo ang kung ilang pangko ng mga moro sa gawing nayon ng

    Tanawan, na nooy patungo na sa silangan. Noon naunawaan, na ang marami palang

    pangko ng mga moro ay lulusob sana sa bayan ng Atimonan subalit hindi makadaong sa

    baybayin ng bayan sapagkat ang tingin sa bayan ay mga daping matatayog. Kaya sa hindi

    nila pagkakita sa bayang Atimonan ay ipinasiya nilang magbalik na sa kanilang

    pinanggalingang lugar.

    Nang umaga ring iyon sa di malamang sanhi, ang pintakasi ng Nuestra Seora de

    los Angeles ay nawala sa panggitnang dampa ng Simbahang Katoliko. Sa gayoy nagulo ang

    buong bayan na nooy may bakod o estaka ng paligid-ligid. Ngunit sa himatong ng mga taga-

    nayon ng Aloco na may nakita silang mag-ina, na may kalong na bata at ang ina ay may

    mahabang buhok at walang pandong ang ulo, ayon sa palagay nila ay patungo sa may

    gawing kuweba na pinagtirhan ng isang Ermitanyo na malaon nang panahong nalilibing sa

    bulwagan ng Sakristiya ng Simbahang Katoliko ay natagpuan ang nawawalang pintakasi.

    Palatandaan pala, na ang paghihimala ng Pintakasi ay pagliligtas sa bayan sa isang

    tiyak na sakuna.

    Sa malaking kagalakan, ay iniuwi ng buong bayan sa pangangasiwa ng mga

    principales ang natuklasang Birheng nasa bundok ng Aloco, at mula noon ay tinawag na

    ANGELES ang nayon ng Aloco bilang paggunita sa himalang nangyari at mula noon ay inalis

    na sa Simbahang Katoliko ang Pintakasing Nuestra Seora de los Angeles, at sa Tanggapan

    ng Kapitan nang Munisipal inilagak at doon siya ay buong kataimtimang iniilawan o

    tinutulisan ng mga kandila.

    Maging kahit kanyang kaarawan, pagkatapos ng mga parangal ay kara-karakang

    ibinabalik siya sa Tribunal, subalit ang Pista ng bayan, at ang pista ng pananampalataya,

    ang ika-2 ng Agosto, kaarawan ng Pintakasing Nuestra Seora de los Angeles ay siyang

    gawing pista ng lahat, ang dati ratiy nasa Tribunal na Nuestra Seora de los Angeles ay

    tuluyan ng inilipat sa simbahang Katoliko.

  • 2. PHYSICAL CHARACTERISTICS Barangay Angeles is one of the Coastal Barangays of Atimonan. It is located about 2.5 kilometers away from the towns poblacion. It is traversed by the Maharlika Highway bounded on North by Lamon Bay, on the south by Barangay Balubad, on the east by Barangay Manggalayan Bundok & Kilait and on the west by Barangay Tagbakin & Zone II Poblacion & Zone I Poblacion. It has the total area of 373. 33 hectares per record of Municipal Assessors Office composed of seven sitios Sitio Bagong Silang, Sitio Matiyaga, Sitio Dalampasigan, Sitio Bukang Liwayway, Sitio Camagong, Sitio Campo and Sitio Diversion. Topography of the barangay is mostly plain on coastal side and mountainous to hilly on the other side. Almost 97% of land is agricultural. Definitive data were specified below:

    2.1 Location

    Distance from Poblacion : 2.5 kms

    Distance from National Highway : Along the National Highway

    Boundaries: - North : Lamon Bay

    - South : Brgy. Balubad

    - East : Brgy. Manggalayan Bundok & Kilait

    - West : Brgy. Tagbakin, Zone II and Zone I Poblacion

    Name of Sitios or Puroks: : Bagong Silang

    : Matiyaga

    : Dalampasigan

    : Bukang Liwayway

    : Camagong

    : Campo

    : Diversion

    2.2 Total Land Area : 373.33 hectares

    2.3 Topography

    Barangay Angeles is one of the coastal barangays of Atimonan stretching about 2.0 kms. Fifty Percent (50%) of its land area is plain and the rest-hilly to mountainous.

    Land Form:

    Type 0-25% 26-60% 61-75% 76-100%

    Mountainous /

    Plain /

    Valley

    Plateau

    Hilly /

    Others (specify)

    Bodies of Water

    Type Traversed Sitios Length (m)

    Rivers Purok Camagong

    Lakes

    Sea Purok Dalampasigan

    Creek Purok Camagong

    Falls Purok Camagong

    Others (specify)

  • 2.4 Soil Type

    Type Area in hectares

    Clay

    Loam

    Sandy

    Clay Loam

    Sandy Loam

    Others (specify)

    TOTAL

    2.5 Climate

    Season From (Month) To (Month)

    Dry Season March June

    Wet Season July August

    2.6 Land Use

    Classification Area in Hectares Percentage to Total Area

    Residential 4.0525 1.08

    Commercial

    Industrial

    Agricultural 362.4861 97.10

    Educational

    Government 6.7943 1.82

    Total 373.3329 100

    3. SOCIO-ECONOMIC SECTOR RHU Survey of population 2014, showed that Barangay Angeles had a population of 2333 with a computed population growth rate of 1.09%. There are more female than male, with age