8

Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Bansa Ko, Pananagutan Ko (isang tula)

Citation preview

Page 1: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt
Page 2: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

Bansa Ko, Pananagutan Ko“Gawin ang nararapat upang di makaabalaSa pag-unlad na inaasam para sa ating bansa.”

Page 3: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

I.Bansang Pilipinas ay tunay na pinagpalaNg likas na yamang handog ni BathalaNararapat kung gayon na ito’s ating ingatanUpang tayong lahat ay magtamasa at makinabang.

Page 4: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

II.Unang-una’y kailangan ng lahat ang disiplinaPagsunod sa batas ay gawin tuwi-tuwinaGawin ang nararapat upang di makaabalaSa pag-unlad na inaasam nitong ating bansa.

Page 5: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

III.Mga batas trapiko’y sikapin nating sundinUpang magluwag ang mga kalsada natinPagtatapon ng basura’y atin ding ayus-ayusinPara di tayo bahain pag tag-ulan ay dumating.

Page 6: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

IV.Hikayatin mga nakatatanda na buwis ay bayaranIto’y magsisilbing kaban ng ating bayanDito manggagaling pampagawa ng tulay,Kalsada, ospital, upang bumuti ang buhay.

Page 7: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

V.Pagsikapan nating makapag-aral ng mabutiPangalagaan natin ang ating mga sariliInaasahan tayo ng bayan sa ating paglakiKatamaran at ‘di mabuting ugali ay ating iwaksi.

Page 8: Bansa Ko, Pananagutan Ko.ppt

VI.Magtulong-tulong tayong mga PilipinoUpang ating bansa kaunlaran ang matamoWalang imposible kung gagawin natin itoAting pagsisikap tiyak na di mabibigo.