13
H E K A S I 4 Modified InSchool OffSchool Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL MATERIALS ANG PAKIKIPAGUGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

H E K A S I  4 

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 

ANG PAKIKIPAG‐UGNAYAN NG MGA  DAYUHAN SA BANSA 

Department of Education 

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 

Page 2: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 

DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education 

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

  This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.  

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

1

GRADE IV

ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

Suriin ang larawan sa itaas. Sinu-sino ang mga unang dayuhang ito na nakipag-ugnayan sa ating bansa? Nakilala mo na ba sila?

Sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Matututuhan mo ang tungkol sa mga

sumusunod:

• Ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa • Ang mga bansa sa Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipino • Ang mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga

dayuhan

ALAMIN MO

Page 4: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

2

Sa tulong ng mapa ng mundo sa ibaba, hanapin mo ang mga bansang

pinagmulan ng iba’t ibang pangkat ng dayuhang dumating sa bansa. Batay sa ginawa mong paghanap sa mga bansa, sa isang bahagi lamang

ba ng mundo nagmula ang mga ito? Bakit kaya sila nakaabot sa ating bansa? Ano kaya ang pangunhaing dahilan at nakarating sa Pilipinas ang mga

dayuhang ito?

PAG-ARALAN MO

Page 5: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

3

Basahin mo ang mga sumusunod na talata upang masagot mo ang mga katanungan.

Sagutin ang mga tanong. 1. Sinu-sino ang mga Orang Dampuan at Orang Banjar? Saan sila

nagmula? 2. Nakabuti ba sa atin ang pakikipag-ugnayan ng mga Orang Dampuan

at Orang Banjar? Bakit? 3. Ano ang dahilan ng pagkikipag-ugnayan nila sa ating bansa?

Maaari mong isulat ang mga sagot sa mga katanungang ito sa iyong kuwadernong sagutan upang makita ng iyong guro.

Ang Mga Orang Dampuan at Orang Banjar

Unang dumating sa Pilipinas ang mga Orang Dampuan o ang mga taga-Champa. Ang Champa ay ang kilalang Vietnam sa ngayon. Pumunta sila sa Pilipinas upang makipagkalakalan. Nagtatag sila ng Kalakalan sa Sulu. Wala silang plano na sakupin ang mga taga-Sulu na tinatawag na Buramin. Hindi naging maganda ang ugnayan ng mga Orang Dampuan at ng mga Buramin at nauwi ito sa digmaan. Natalo ang mga Buramin dahil sa mahuhusay na armas ng kalaban.

Ang mga Orang Banjar ay mga taong buhat sa Banjarmasin, isang teritoryong sakop ng Imperyong Shri-Visaya sa kanlurang Indonesia. Nabalitaan nila ang tungkol sa magagandang Perlas sa Sulu kaya pumunta sila rito upang makipagkalakalan noong ika-13 daantaon. Naging maganda ang samahan ng mga Orang Banjar at Buramin, hanggang sa nang magtagal, naging higit na makapangyarihan ang mga Orang Banjar kaysa sa mga Buramin. Ang mga Buramin pa ang nagbabayad ng buwis sa mga Orang Banjar. Marami pang Banjarmasin ang dumating sa Sulu. Nagawa nilang itaboy ang mga Buramin.

Page 6: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

4

Sagutin mo ang mga tanong. 1. Ang mga Tsino ang may pinakamatagal na pakikipag-ugnayan sa mga

Pilipino, ano kaya ang dahilan ng kanilang pakikipag-ugnayan? 2. Anu-ano ang palatandaan ng impluwensiya ng mga Tsino sa ating

bansa? 3. Anu-anong mga kagamitan, pagkain, laro at salita ang namana natin

sa mga Tsino?

Ang Mga Tsino

Sa mga unang pangkat na nakipag-ugnayan sa ating bansa ang mga Tsino ang may pinakamatagal na pakikipagkalakalan. Nagsimula ang kalakalan noong ika-10 siglo, ang mga Tsinong nagsimulang manirahan noong ika-12 siglo. Nakaimpluwensiya sa ating kultura ang mahabang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Tsino. Ang mga kagamitang tulad ng tapayang proselana, kristal, aboloryo, karayom, plorera, patalim, telang seda at jade ay namana natin sa mga Tsino. Sa kanila din natin natutuhan ang paggawa ng pulbura at mga kagamitang yari sa metal. Natutuhan din ng mga Pilipino ang paggamit ng mga paputok at kwitis, paying, tsinelas at bakya mula sa mga Tsino. Ang paglalaro ng trumpo at sungka, pagpapalipad ng saranggola ay sa mga Tsino rin nagmula.

Maraming pagkaing Tsino ang naging bahagi na ng pagkaing Pilipino. Ilan dito ang pansit, lumpia, siopao, mami, okoy, siomai at chopsuey. Ang mga gulay tulad ng petsay, kintsay at bataw ay dala rin ng mga Tsino.

May mga salita ring naging bahagi ng ating wika. Ilan dito ay ang ate, ditse, sangco, gunting, susi, sipit at kuya. Ang mga kaugaliang tulad ng pagkakabuklod ng pamilya at paggalang sa mga magulang at matatanda ay namana rin natin sa mga Tsino.

Page 7: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

5

Isulat mo ang mga kasagutan sa iyong kuwadernong sagutan at ipakita mo sa iyong guro na panahon ng inyong pagkikita.

Ang Mga Arabe

Tulad ng mga ibang dayuhan, naparito ang mga Arabe upang makipagkalakalan at magpalaganap ng relihiyong Islam. Bagama’t ang mga Arabe ay nakarating na sa bansa dahil sa pakikipag-kalakalan sa Tsina, noon lamang ika-15 daantaon nagsimulang lumaganap ang impluwensiya ng Islam sa Pilipinas. Ang paglaganap ng Islam ang nagbigay daan sa pagtatag ng pamahalaang sultanato. Ito ang pamahalaang pinamumunuan ng sultan.

Ang mga batas at kaugalian sa Mindanao at Sulu ay impluwensiya rin ng mga Arabe. Ang mga batas na ito ay batay sa Koran na siyang banal na aklat ng mga Muslim. Ang di-pagkain ng baboy at ang pagdalaw sa Mecca at iba pang lugar na banal sa kanila ay impluwensiya rin ng mga Arabeng nakipag-ugnayan sa mga Pilipinong Muslim.

Ang Singkil na sayaw-pangkasal ng mga Tausug sa Mindanao at Sulu ay buhat din sa Arabia. Ang wika tulad ng sulat, pilat, alamat, apo, bukas, alak at maalam ay hango sa Arabe. Ang epikong Indarapatra at Sulayman na nahahawig sa mga kuwento ng Arabian Nights ay impluwensiya rin ng Arabe.

Sagutin ang mga tanong. 1. Paano nakipag-ugnayan ang mga Arabe sa ating mga ninuno? 2. Ano ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga Arabe sa bansa? 3. Anu-ano ang mga impluwensiya ng Arabe sa kulturang Pilipino? 4. Maituturo mo ba sa mapa ang kinalalagyan ng Arabia?

Page 8: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

6

Sagutin ang mga tanong. 1. Saan-saang pook sa bansa nanirahan ang mga Hapones na nagtungo

rito? 2. Anu-ano ang natutuhan natin sa mga Hapones? 3. Nakabuti kaya ang pakikipag-ugnayan ng mga Hapones sa ating mga

ninuno? 4. Makikita mo ba sa mapa kung nasaan ang Hapon? 5. Ano kaya ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng Hapones sa ating

bansa? Isulat mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong kuwadernong

sagutan at ipakita mo sa iyong guro.

Ang Mga Hapones

Ayon sa kasaysayan ng sinaunang Hapones, ang mga Hapon ay nagtungo rito upang makipag-kalakalan o manirahan. Nanirahan sila sa mga purok ng Ilog Cagayan, Golpo ng Lingayen at Maynila.

Matagal ding nag-ugnayan ang mga Hapones at ang mga unang Pilipino. Nagkaroon din ng impluwensiya ang kulturang Hapones sa ating kultura. Natutuhan natin ang pag-aalaga ng itik at pagpaparami ng isda. Kasabay ng kaalamang ito ang pagkatutuo ng pagluluwas ng itlog at tuyong isda sa ibang bansa. Natuto ring magpanday ang mga Pilipino kaya nakayari sila ng iba’t ibang kagamitan sa paggawa. Ang paggawa ng alahas ay kanila ring natutuhan. Tinuruan din tayo ng mga Hapones ng negosyong tingian, ang pagtatabas ng balat ng hayop at ang paggawa ng sandata. Itinuro rin ng Hapones ang paggawa ng katad mula sa balat ng usa.

Nakapangasawahan ang ilang Hapones at Pilipino.

Page 9: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

7

Ang Mga Hindu

Nakarating sa Pilipinas ang kulturang Indian sa tulong ng mga mangangalakal na buhat sa Indonesia. Malakas ang impluwensiya sa kanila ng Imperyong Shri-Visaya. Pumalit dito ang Imperyong Madyapahit. Nagpatuloy ang impluwensiya ng Indian sa Pilipinas.

Ang pinakamalaking impluwensiya ng kulturang Indian ay makikita sa papantig na pagsulat natin. Humigit-kumulang sa 350 salita sa Filipino ang hango sa Sanskrit. Sinaunang wika ng mga Indian ang Sanskrit. Ilan sa mga salitang ito ay ang sumusunod: diwata, sampalataya, saksi, dusa, parusa, suka, mukha, sutla, hari, ama, asawa, maharlika, mutya, kudyapi at sandata.

Ang kasuotang tulad ng putong at sarong ay buhat din sa Indian. Ang mga kasuotang Igorota ay hawig sa kasuotan ng mga Hindu. Ang barong tagalog ay nahahawig sa tabas at burda sa kurta ng India. May mga prutas na nagmula rin sa India tulad ng mangga, langka at aratilis. Kabilang naman ang ampalaya, patola at malunggay sa mga gulay. Ang sampaguita at champaca ay galing din sa India.

Ang paglalagay ng belo at kurdon sa mga ikinakasal ay impluwensiya rin ng India. May mga paniniwala ang Pilipino na nanggaling sa India, tulad ng : ang babaing kumain ng kambal na saging ay magkakaanak ng kambal; ang dalagang umaawit habang nagluluto ay magkakaasawa ng biyudo; at ang paglitaw ng kometa ay babala ng taggutom, digmaan at iba pang masamang pangyayari.

Page 10: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

8

A. Isulat ang pangkat ng mga taong pinagmulan ng mga sumusunod na

impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Pag-aalaga ng itik 2. Tapayang Porselana 3. Relihiyong Islam 4. Kasuotang putong at sarong 5. Pagpapaputok ng kwitis 6. Paglalagay ng belo at kurdon sa ikinakasal 7. Sayaw na Singkil 8. Pagtabas ng balat ng hayop 9. Pancit, siopao, siomai 10. Ang di-pagkain ng baboy

B. Piliin ang titik ng salita sa hanay B na kaugnay ng nasa hanay A. Isulat

ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Hanay A Hanay B 1. mga taong taga-Champa A. Indian

2. mga taong sumakop sa Buranon ng Sulu B. Orang Dampuan

3. ipinalit sa kalakal ng Tsino C. Orang Bajar

4. nagsimula ng negosyong tingian D. Hapones

5. Sanskrit E. Perlas

PAGSANAYAN MO

Page 11: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

9

C. Punan ang tsart ng mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Dahilan ng Pakikipag-ugnayan

Tsino Arabe Hapones Indian

TANDAAN MO

• Ang mga unang dayuhan na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga unang Pilipino ay ang mga Arabe, Intsik, Hapones, Indian, Orang Dampuan at Orang Banjar.

• Nakipagkalakalan ang mga unang dayuhan sa mga

katutubong Pilipino.

• Ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan ng mga unang Pilipino ay nakapagpayaman at nagkaroon ng impluwensiya sa katutubo nilang kultura

Page 12: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

10

1. Nakabuti ba ang ating pakikipag-ugnayan sa mga tao buhat sa ibang bansa? Bakit?

2. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating kultura kung hindi tayo

nakipag-ugnayan sa mga dayuhan?

Isulat mo ang iyong paliwanag sa kuwadernong sagutan. Ipakita sa guro para ikaw ay mamarkahan.

• Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng mga dayuhan sa mga unang Pilipino at gawing diorama. Ipakita sa iyong guro para mamarkahan.

A. Kilalanin ang mga unang dayuhan sa Pilipinas. Isulat k,ung anong pangkat ang nagkaroon ng mga sumusunod na impluwensiya sa kulturang Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. mga taong mula sa Banjarmasin ________ 2. mga taong hindi makasundo ng Buranon ________ 3. mga taong pinagmulan ng putong at sarong ________ 4. mga taong nagturo sa mga Pilipino ng paggamit ng tsinelas, bakya

________ 5. mga taong nagpakilala ng relihiyong Islam ________ 6. nagpaunlad ng kalakalan sa Sulu ________

ISAPUSO MO

ISAPUSO MO

PAGTATAYA

Page 13: ANG UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

11

7. pinanggalingan ng ilang paniniwala ________ 8. nagturo ng paggawa ng pulbura ________ 9. pinagbuhatan ng sayaw na singkil ________ 10. .nagturo ng paggawa ng katad mula sa balat ng usa ________

B. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa

kuwadernong sagutan.

1-4. Sinu-sino ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa?

5. Ano ang tanging dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga unang dayuhan sa ating bansa?

6. Bakit umalis ang Orang Dampuan sa Sulu? 7. Ano ang ibang tawag sa Banjarmasin? 8. Anong kasuotang banyaga ang kahawig ng barong Tagalog? 9-10. Sa aling bahagi ng pamumuhay ngayon makikita ang

pambansang kultura ng mga Arabe? Hapones?

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.