8
BANGHAY ARALIN (Maikling Kwento) I. LAYUNIN A. nakapaglalahad ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa kwento; B. nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay; C. nakapagpapamalas ng sariling damdamin tungo sa pangunahing tauhan; D. nakapagsasadula ng mga eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila. I. PAKSANG-ARALIN Paksa: "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sikat Sanggunian: Pahiyas II. Yaman ng Diwa , pp. 138-145 Konsepto: Diskriminasyon ng tao sa lipunan Kakayahan: pag-aarte, pakikipag-ugnayan at pag-iisip Pagpapahalaga: Paggalang o Pagrespeto sa ibang tao. III. PAMAMARAAN 1. PANGGANYAK Pipili ng 5 estudyante ang guro na pupunta sa harapan . Bawat isa ay kukuha ng isang bagay sa loob ng isang kahon. Pagkatapos ay magpapaliwanag ang bawat isa kung bakit ito ang napili nila. Sa gawaing ito inihanda ng guro ang ilang kagamitan na nakasilid sa kahon. Ito ay dalawang magkaparehong bagay kung saan ang isa ay maganda samantalang ang isa ay pangit. Mula sa Gawain na ito makikita natin kung sino ang panlabas na anyo lamang ang tinitingnan.

BANGHAY ARALIN

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Page 1: BANGHAY ARALIN

BANGHAY ARALIN (Maikling Kwento)

I. LAYUNIN

A. nakapaglalahad ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa kwento;

B. nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay;

C. nakapagpapamalas ng sariling damdamin tungo sa pangunahing tauhan;

D. nakapagsasadula ng mga eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila.

I. PAKSANG-ARALIN

Paksa: "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sikat

Sanggunian: Pahiyas II. Yaman ng Diwa , pp. 138-145

Konsepto: Diskriminasyon ng tao sa lipunan

Kakayahan: pag-aarte, pakikipag-ugnayan at pag-iisip

Pagpapahalaga: Paggalang o Pagrespeto sa ibang tao.

III. PAMAMARAAN

1. PANGGANYAK

Pipili ng 5 estudyante ang guro na pupunta sa harapan . Bawat isa ay kukuha ng isang bagay sa loob ng isang kahon. Pagkatapos ay magpapaliwanag ang bawat isa kung bakit ito ang napili nila.

Sa gawaing ito inihanda ng guro ang ilang kagamitan na nakasilid sa kahon. Ito ay dalawang magkaparehong bagay kung saan ang isa ay maganda samantalang ang isa ay pangit. Mula sa Gawain na ito makikita natin kung sino ang panlabas na anyo lamang ang tinitingnan.

2. PAGLALAHAD

Mula sa ginawa kanina, makikita natin mas pinagbabasehan ang panlabas na anyo kaysa panloob nito. Ngunit kung ating tutuusin, magkatulad lamang naman ang pagkagamit ng bawat bagay na ito.

Para sa hapong ito, tatalakayin natin ang pagkakaroon ng diskriminasyon ng tao sa lipunang ginagalawan. Matutunghayan natin ito sa kwentong “Impeng Negro” ni Rogelio R. Sikat.

Page 2: BANGHAY ARALIN

3. PAG-ALIS NG SAGABAL

Upang lubos nating maiintindihan ang kwento, bibigyan natin ng ibang kahulugan ang mga mahihirap na salita . Punan lamang ang nawawalang letra ang hinihining kahulugan

NAGGIGIMALMAL – N_N_I_I_A_I_

PANGNGINGIMI – N_A_L_N_A_

SINIPAT – S_N_L_P

ISINAWAK - I_I_U_L_B

NAG-UUMIGTING – N_G_I_I_A_

4. PAGTATALAKAY

Magpapangkat-pangkat ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbilang. Pagkatapos may isang representante na kukuha ng kanilang Gawain bawat pangkat.

PANGKAT GAWAIN

Pangkat 1 Ilarawan si Impeng gamit ang ss.

* lahing pinanggalingan

* panlabas na anyo

* pag-uugali

* pakikitungo sa kapwa

* hanapbuhay o Gawain

Pangkat 2 Ilarawan si Ogor gamit ang ss.

*lahing pinanggalingan

* panlabas na anyo

* pag-uugali

* pakikitungo sa kapwa

* hanapbuhay o Gawain

Page 3: BANGHAY ARALIN

Pangkat 3

Gumawa ng isang biswal na representasyon sa Ina ni Impeng. Ipaliwanag sa harap ng klase.

Pangkat 4

Pag-uusapan sa inyong grupo ang tungkol sa lipunan. Itala ninyo kung paano nila inapi-api si Impeng. Ilahad ang sitwasyon.

5. PAGPAPALAWAK

Ngayon ay mayroon ako ditong ilang pangyayari na makikita sa kwento. Ang gagawin ninyo ay iugnay ang mga ito sa kasalukuyan.

· Inang may maraming anak sa ibat-ibang lalaki

· Ang kulay lumot na kamisetang suot ni Impen.

Ang lipunang mababa ang tingin lalo na sa pamilya ni Impen

· Ang paglaban ni Impeng kay Ogor dahil sa sobrang panunukso nito.

Page 4: BANGHAY ARALIN

Mga Gabay na Tanong:

· Ano ang tingin sa lipunan sa isang inang may maraming anak sa ibat-ibang lalaki?

· Ang kamisetang isinuot ni Impeng ang sumasagisag sa ano?

· Nararapat bang maliitin natin ang ibang tao?

· Bakit hindi natakot si Impeng na saktan niya si Ogor?

IV. EBALWASYON

Magkakaroon ng isang pagsasadula tungkol sa eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila at tumatak sa kanilang isipan. Bibigyan lamang sila ng 5 minutong pag-iisip at 3 minutong pagtatanghal. Pagkatapos ipaliwanag ang ginawa nilang eksena.

PAMANTAYAN:

Kaayusan ng dula - 20

Kaangkupan ng dula - 15

Kooperasyon ng bawat miyembro - 10

Pagkamalikhain - 5

50 puntos

V. TAKDANG-ARALIN

Pumili ng isang katangi-tanging sitwasyon sa kwento na laganap rin sa totoong buhay. Gawan niniyo ito ng isang collage sa isang short bondpaper.

Inihanda ni:

CHRISTIAN MARK A. AYALA III – BSED Filipino Major

Ipinasuri kay:

ELENA I. DIVINA Guro

Page 5: BANGHAY ARALIN
Page 6: BANGHAY ARALIN