17
Manok, Baka, Baboy at iba pang hayop Patay! Maaring kinain ng Aswang! Base sa pahayag ng mga nakasaksing pulis, aswang raw ang lumapa sa mga hayop. Ayon sa kanilang pahayag alas nuwebe ng gabi, Oktubre 10, 2015 ng makita nila ang isang kapansin- pansing nilalang na lumalapa sa mga hayop. May opinyon ang mga residente na baka paghihiganti ito ng aswang dahil nasira ang nasabing tirahan nito. Gumawa ng pag-iingat ang mga residente sa pamamagitan ng pagsara ng mga bintana at pintuan sa gabi at pagsabit ng bawang sa mga bintana at pinto. Dahil may paniniwalang nakakapagtaboy ito ng aswang. 1 tikbalang kinakasal sa isang sirena Base sa isang pahayag ng isang bata, isang tikbalang daw ang ikinakasal sa sa isang sirena kaya umuulan at

Balitang Isports

Embed Size (px)

DESCRIPTION

balitang sports

Citation preview

Page 1: Balitang Isports

Manok, Baka, Baboy at iba pang hayop Patay! Maaring kinain ng Aswang!

Base sa pahayag ng mga nakasaksing pulis, aswang raw ang lumapa sa mga hayop. Ayon sa kanilang pahayag alas nuwebe ng gabi, Oktubre 10, 2015 ng makita nila  ang isang kapansin-pansing nilalang na lumalapa sa mga hayop. May opinyon ang mga residente na baka paghihiganti ito ng aswang dahil nasira ang nasabing tirahan nito. Gumawa ng pag-iingat ang mga residente sa pamamagitan ng pagsara ng mga bintana at pintuan sa gabi at pagsabit ng bawang sa mga bintana at pinto. Dahil may paniniwalang nakakapagtaboy ito ng aswang.

1 tikbalang kinakasal sa isang sirena

Base sa isang pahayag ng isang bata, isang tikbalang daw ang ikinakasal sa sa isang sirena kaya umuulan at umaaraw ngayong hapon na ito. Nagpahayag din ang isa pang bata na naglalaro ng bowling si San Pedro sa langit kaya kumukulog at kumikidlat. Ang kwentong bayan na ito ay hango sa mga kwento ng mga magulang ng bata na hanggang sa ngayon ay talagang pinaniniwalaan pa din ng maraming bata.

Page 2: Balitang Isports

Isang Manananggal Namataan sa Las Pinas East National High School-Talon Village Annex Oktubre 12, 2015

Talon IV, Las Pinas City- Imbis na fetus ng buntis na babae ang hanapin nang

namataang manananggal na lumapag sa bubong ng paaralan ay

pinaniniwalaang ibig nitong makapanood ng pagtatanghal na ginawa ng mga

guro noong Lunes ng gabi ika-5 ng Octubre, 2015.

Napag-alaman sa radio station (DZLPENHS-TVA) ng Las Pinas Broadcasting

Company (LPBC) na pitong estudyante ng LPENHS-TVA ang nakakita sa

kalahating katawan ng babae na lumilipad at lumapag sa bubong ng paaralan

bandang alas 6:00 ng gabi ilang oras bago matapos ang pagtatanghal ng

pagdiriwang ng mga Araw ng mga Guro.

Kaya naman biglang kumalat na parang apoy ang balita at nagkaroon ng haka-

haka ang mga estudyante at mga guro na posibleng ibig lamang makita ng

harapan at mapanood ang mga gurong nagpaligsahan ng sayaw na zumba.

Ilan naman sa mga estudyante at mga guro ng nabanggit na paaralan ay hindi

kinagat ang kumalat na balita at ang iba naman ay nag-isip nga kung may

katotohanan ang napaulat.

Hindi naman kaagad nabatid kung naipagbigay-alam ang kumalat na balita sa

punong-guro na nanood ng pagtatanghal upang bigyan ng moral support ang

mga judges ng naturang paligsahan.

Magugunita na noong 2012 ay may namataan din ang gwardiya ng paaralan na

manananggal na umaaligid sa mga kabahayan na malapit sa paaralan na

pinaniniwalaang naghahanap ng mabibiktima. (Ulat ni Clark Kent Manzano)

Page 3: Balitang Isports

Pinansin ng crush sa dreamGood morning Señor Kent,

Ako si Sarah, paki-interpret naman po ‘yung panaginip ko. Nilapitan daw ako ng crush ko 4 na taon ko na siyang gusto, tapos sinabihan niya raw ako na mahal niya ako at naging kame sa panaginip ko! Pero sa personal, di kame nangingitian at di rin kame nag-uusap. Ano po ba ang ibig sabihin nun? Hintayin ko po ito sa

Hataw and pls. don’t post my number. Thanks and God blessTo Sarah,Maaaring ang bungang-tulog mo ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Ito ay maaaring paalala rin sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang ipaalam mo ang iyong pagkakagusto sa kanya, lalo na kung sa panaginip mo ay maganda ang nakikita mo o maayos ang tema nito. Kahit sabihing babae ka, maaari mo namang iparamdam ito sa paraang hindi bulgar at hindi ka magmumukhang cheap. Pero ang mahalaga, malaman mo ang nararamdaman din sa iyo ng crush mo, para kung ikaw man ay gusto rin niya o hindi, at least ay makakapag-move-on ka na at hindi na mauubos ang oras mo ng kaiisip sa kanya at kung ano ang feelings niya talaga sa iyo.Kapag nanaginip na may nagsabi sa iyong ‘Mahal Kita’ o ‘I Love You,’ ito ay nagsasaad na handa ka nang magmahal o gusto mong magbigay ng pagmamahal. Ngunit kung first time mong papasok sa ganitong relasyon, mas mabuting huwag magpadalos-dalos sa bawat mahalagang desisyong gagawin. Pag-aaral muna ang unahin.Señor Kent

Dinalaw ni Berto ang kasintahang si Rina sa bahay… naabutan niya itong nagpapraktis kumanta!

Berto: Hello mahal, naistorbo ba kita sa pagpapraktis mong kumanta!Rina: Hihihi, oo mahal…Berto: Mahal suggest lang, bakit ‘di Christmas carol ang kantahin mo mas bagay sa boses mo.Rina: Talaga mahal?

Berto: Oo naman mahal… saka para once a year ko lang marinig ‘yang pagkanta mo…

Hanap

Salita

Page 4: Balitang Isports

Ni: Clark Kent Manzano

Hanapin ang naiiba sa dalawang larawan?

TIKBALANG MULTONUNO DIYOSAPUNSO KAPRETIKTIK DUWENDEASWANG MANANANGGAL

G N R E A N E R I S Q OF U N E D N E W U D D EJ N U R U D I Y O S A RL O G P R H A I R A P UM A N A N A N G G A L VO I J K P K A M I A C AG N A L I B K I T Y S UX A K T M U L T O W K IR P K H J H Y D A S R EN I N O K R X N H R R AT K R O L E G P U N S O

Page 5: Balitang Isports

Broken heartOktubre 12, 2015 – 10:20am

Dear Payong Kapatid,

Matagal na rin akong tagasubaybay ng Payong Kapatid at ‘di ko inaasahan na darating ang

panahon na isa ako sa mga dudulog sa iyo para humingi ng payo.

Mataas kasi ang pride ko at ayaw kong may makabasa ng mga personal kong problema kaya

sana itago mo ako sa alyas na Broken Heart.

Isa akong nagbibinatang 12-anyos at sa palagay ko ay may iba pa bukod sa akin ang aking

girlfriend. Dalawang buwan na kami ngayon at may mga kaibigang kumakantiyaw sa akin,

bakit daw ako nain-love sa isang playgirl?

Parang gusto ko nang maniwala sa kanila. Kasi sa loob ng dalawang buwan namin, ni hindi

ko siya mai-date na wala siyang kasama. Kapag kakain sa labas, kasama niya lagi ang tatlo

niyang bestfriends.

Nang niyaya ko siyang manood ng sine ay kasama pa rin ang tropa niya. Hindi kami

nagkakasarilinan. May nakapagsabi sa akin na  may iba siyang boyfriend. Sabi ng mga

friends ko, pinaglalaruan lang daw ako ng girlfriend ko.

Dapat ko bang ituloy ang aming relasyon?

Broken Heart

=========================

Dear Broket Heart,

Dapat pa bang itanong iyan? Mararamdaman mo naman kung mahal ka niya o pinaglalaruan

ka lang. Tanga ka na lang kung magbubulag-bulagan ka sa mga ginagawa niya kaya ang

payo ko, hiwalayan mo na ang babaeng iyan na mapaglaro. Unahin mo muna ang pag-aaral

mo para may magandang kinabukasan ka sa hinaharap. Marami ka pang makikilala na higit

sa kanya pagdating ng tamang panahon. Wag magmadali. Pag-aaral muna ang unahin.

Payong Kapatid

Page 6: Balitang Isports
Page 7: Balitang Isports

#TRENDING – ALDUB PINATATAOB ANG ABS-CBN

Ang kasalukuyang trending na AlDub (Alden at Yaya Dub) team ng Eat Bulaga sa Channel 7 ay sobrang lakas ng pagtanggap ng mamamayang Pilipino na nauuga ang trono ng Kapamilya network Channel 2. Phenomenal o nakakamangha talaga ang AlDub duo na sa isang kisapmata aynapagiwanan sa mga usapusapan ang mga love team (Kathniel, Jadine) ng himpilang Dos.

Page 8: Balitang Isports

ABS CBN PROGRAM HOST INUPAKAN ANG ALDUB NATION. DESPERADO NA BA ANG KAPAMILYA NETWORK?

Pinagiinsulto MISMO ng teleradyo host na si Jobert Sucaldito ang beauty ng AlDub Nation at tinawag pang mga BOBO (dumb o stupid) and mga fans ni Yaya Dub ng Kalye Serye sa Eat Bulaga. Maliwanag na nasasaktan ang Kapamilya network sa pagsikat ng AlDub at naaapektohan na ang ratings ng Channel 2 lalunglalo na ang kanilang noontime show na Showtime. Maski pa mga love teams ng ABS CBN (KathNiel) ay ngayo’y pumapangalawa nalang sa AlDub. Hindi maganda ang pagupak ni Jobert sapagkat nagbigay sha ng kurukuro tungkol sa kalaban na istasyon. Maliwanang na kakampihan nya ang mga Kapamilya nya pero pangit na bumanat sha sa kabilang istasyon at nilaitlait pa ang mga fans nito. Sapagkat hindi makahanap ang ABS CBN ng pangtapat sa AlDub at KalyeSerye, gumamamit nalang ito ng PANINIRA para pabaksakin ang kalaban. Nag mistulang propeta pa si Jobert sa pagbasa ng hinaharap. Sabi nya MALALAOS na raw ang AlDub sa susunod na buwan. Parating na ang pambansang halalan sa 2016 at nagpapahiwatig na ang mga pulitiko natin ng kakayanang PANINIRANG PURI (black propaganda), manawari na sa larangan ng showbiz na gawagawaan nalang ay hindi na pasukin ng mga TALANGKA (crab mentality). Jobert, APOLOGY kaya ang ibigay mo sa mga AlDub FANS at tumigil ka na sa pagtataray mo laban Kalye Serye. Ganoon ka na ba ka DESPERADO na?????? NAGTATATALAK ka para tumaas ang RATING ng programa mo at ang mga celebs ng Kapamilya network?

Kapamilya Jobert Sucaldito called AlDub fans DUMB. He also predicted a CRASH in the AlDub ratings.

Page 9: Balitang Isports

PNoy walang balak tumakbo sa 2016; Maglalakad na lamang daw siya kasama ang mga duwende niyaOktubre 12, 2015 – 10:20am

 MANILA, Philippines - Hindi

tatakbo si Pangulong Benigno

Aquino III sa mas mababang

puwesto sa gobyerno sa 2016

dahil maglalakad na lamang

siya para sa mga kasong

kahaharapin niya pagkatapos

niya bumaba sa posisyon

bilang presidente.

"Can I just clarify? I have no

intentions of running for any

position. Nasa newscaps ko kanina kasi 'yon—that I hinted I might run," paglilinaw ni PNoy

ilang Pilipinong mamamahayag ngayong araw, Biyernes sa Tokyo, Japan kung saan siya

nagkaroon ng state visit.

Aniya, ang ideya na tumakbo sa mas mababang posisyon ay nagmula sa ilan niyang

tagasuporta matapos niyang tumanggi na palawigin ang kanyang termino.

"Nang naging malinaw po sa kanilang hindi ako sang-ayon na baguhin ang Saligang Batas

para pahabain ang termino ko, ang naging bagong version po ng tanong ay ganito po: Baka

raw po gusto kong tumakbo sa ibang puwesto," paliwanag niya.

"Ang totoo po yatang ibig nilang sabihin, 'Tumakbo ka sa ibang puwesto, dahil mabuti nang

nandiyan ka para manguna ka ulit kung kakailanganin namin ang iyong tulong," pagdadagdag

niya.

Sa huli, hinimok ni PNoy ang mga botante na maging maingat sa pagpili ng mga iluluklok nila

sa termino eleksyon 2016.

Wika niya, "magyu-U-Turn ba tayo pabalik sa baluktot na daan? O itutuloy natin ang pag-

arangkada sa Daang Matuwid? Nasa kamay ng mamamayan ang patutunguhan ng Pilipinas."

Page 10: Balitang Isports

FEU tinambakan ang Ateneo, ibinulsa ang unang panalo Clark Kent Manzano

Nagparamdam agad ng bagsik ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa kanilang unang laro sa UAAP Season 78 men's basketball tournament matapos igupo ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 88-64, sa Mall of Asia Arena noong Linggo.

Nagpamalas ng impresibong laro sina Roger Pogoy at Mike Tolomia matapos magtala ng 19 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nag-ambag din ng tig-16 puntos sina Mac Belo at Raymar Jose upang buhatin ang Tamaraws sa una nitong panalo sa torneo.

Maagang dinomina ng FEU ang laro nang tuldukan ang unang kanto, 23-11, sa likod nina Tolomia at Pogoy. Pinalawig pa ng Tamaraws ang bentahe sa 20 puntos matapos ang isang tres ni Achie Inigo sa ikatlong quarter, 49-29.

Binuhat naman ni reigning UAAP MVP Kiefer Ravena ang Blue Eagles matapos kumolekta ng 25 puntos, 12 rito nagmula sa three-point area.

Nagpakawala ng 11 puntos si Jose sa huling yugto ng laban upang palakihin ang kalamangan ng FEU sa 24, may 1:19 ang natitira sa oras.

Hindi naman nakapuntos ang dating UAAP MVP na si Jerie Pingoy ng Ateneo sa kabila ng 21 minutong paglalaro. Inabangan ang paglalaro ni Pingoy matapos maupo ng dalawang taon dahil sa "residency rule."

Page 11: Balitang Isports

Dahil sa panalo, katabla ngayon ng FEU ang UST Growling Tigers, De La Salle Green Archers at UP Fighting Maroons sa itaas ng standing na may 1-0 win-loss record.

PILIPINAS, CANADA PINATIBAY ANG KOOPERASYONKaya pati imported na basura nila sa atin tinatapon

Muling pinatibay ng Canada at ng Pilipinas ang kanilang kooperasyon, partikular na sa larangan ng kalakalan, agrikultura, paggawa, edukasyon, seguridad at ugnayan ng mga mamamayan, sa dalawang araw na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Canada Dialogue na idinaos kamakailan sa Toronto, Canada.Kapwa aktibong magkaagapay ang Canada at Pilipinas lalo na sa paghananap ng mga solusyon sa mga isyung pandaigdig. Nakikipagtulungan ang Canada sa Pilipinas bilang isang ASEAN dialogue partner, at kapwa sila aktibong kalahok sa Asia-Pacific Economic Cooperation Forum, ang World Trade Organization, at sa ASEAN Regional Forum.Sa kabilang dako, usap-usapan ngayon sa Malacanang na dahil sa galit ni Pangulong Aquino, hindi na niya pinagkakausap

si Environment Secretary Ramon Paje matapos namang payagang maitapon ang mga basura na galing sa Canada sa Tarlac, na mismong probinsiya ng pangulo.Hindi ba naman kasi malaking sampal kay PNoy na sa dami ng probinsiya, talagang sa Capas, Tarlac pa itinapon ang tinatayang 29 na container na naglalaman ng mga basura ng Canada.Ang mga itinapon sa probinsiya ni Pangulong Aquino ay parte ng 50 container na basura mula sa Canada na iligal na naipasok sa bansa at iniwang nabubulok sa Port of Manila simula pa noong Hunyo 2013.

Malaking katanungan na nga kung bakit pinayagan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Foreign Affairs (DFA) na maipasok sa bansa ang basura ng Canada.Hindi kaila na problema na nga ang basura sa Pilipinas at hindi talaga katanggap-tanggap na payagan pang gawin tayong tapunan ng basura ng ibang bansa.At dahil nga pinayagan na itapon ang mga basura ng Canada sa Tarlac, umuusok sa galit si PNoy kay Paje.Nagtuturuan ngayon ang mga opisyal ng gobyerno kung sino ang nagbigay ng go signal na gawing tapunan ng basura ng Canada ang Capas, Tarlac.Siyempre kahit ordinaryong mamamayan, alam na ang pangunahing ahensiya na may hurisdiksyon sa mga basura ng bansa ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).Hindi kasi maaaring mag-operate ng dumpsite kung walang permit at iba pang kaukulang sertipikasyon mula sa DENR.Sa ilalim kasi ng batas, hindi maaaring basta-basta makakapagtambak ng basura sa isang lugar.At sa parte naman ng isang lokal na pamahalaan, hindi ito agad-agad na pumapayag na maging tapunan ng basura ang kanilang lugar.Hindi ba nga kaya nahihirapan na magtayo ng landfill sa bansa ay dahil sa posisyon ng maraming lgus na “not in my backyard.” Sino ba naman ang gustong maging tapunan ng basura ang kanilang lugar? Bukod sa bahong dulot nito kapag hindi maayos ang operasyon nito, iba’t-ibang sakit ang maidudulot nito sa mga tao, bukod pa sa masamang epekto nito sa katubigan.At sa nangyaring pagpasok ng basura ng Canada sa Tarlac, napakalaking sampal nito kay PNoy.Kayat hindi nito napigilang makipaglastikan kay Paje, kayat ang ending, hindi na lang niya ito kinakausap sa sobrang galit.Kilalang malakas ang backer ni Paje kayat kahit pa napakatagal bago ito nakakuha ng confirmation sa Commission on Appointments (CA), napilitan pa rin si Aquino na panatiliin siya sa DENR.Hindi kataka-takang nagkukumahog ngayon si Paje para atasan ang kanyang mga tauhan sa DENR para sa agarang pag-aksyon para maialis ang basura sa Capas, Tarlac,

Page 12: Balitang Isports

Hindi rin maikakaila na sa pagbisita ni PNoy kamakailan sa Canada, maging siya ay nabigong ipaabot ng personal ang isyu sa naturang bansa.Plano na rin ng Senado na imbestigahan kung bakit pinayagang makapasok ang basura ng Canada sa bansa at sana hindi mauwi sa wala ang gagawing aksyon ng Kongreso at papanagutin ang nasa likod ng kapalpakang ito.Dapat ay kasuhan ang importer ng mga basurang ito, gayundin ang mga opisyal na nagpabaya kayat nangyari ang kapalpakang ito.

EDITORYAL - Basura mula sa Canada, multo ng buong Pilipinas

NAKAKADIRI ang laman ng 50 container vans na galing sa Canada. Mga basura! Kabilang ang plastic bags, containers, bote ng chemical at adult diapers, yukkk! Mga hazardous wastes ang laman! Maski ang mga officials ng Bureau of Customs (BOC) ay napaatras nang buksan ang mga nakumpiskang container vans. Binuksan ang mga van noong Pebrero 10. Ayon sa BOC, ang shipment ay

dineklarang “plastic scraps” na ire-recycled umano sa Pilipinas. Nagkakahalaga ang basura ng $222,800.15 o mahigit P10 milyon. Umano’y isang kompanya sa Valenzuela City ang consignee ng mga basurang galing sa Canada. Hanggang ngayon, hindi pa umano lumulutang ang may-ari ng kompanya na umangkat ng basura.Ang Canada ay kilala na taga-sulong at bumabatikos sa mga pumipinsala sa kapaligiran. Aktibo ang Zero Waste Canada para mapangalagaan ang kanilang bansa at ang mundo sa kabuuan. Pero sa nangyaring nagpadala sila nang napakaraming basura (na nakakamatay at nakapipinsala), parang lumalabas na pakitang tao lamang ang kanilang pag-laban sa mga sumisira sa kapaligiran o kalikasan.Hindi kaya dumaan sa mahigpit na inspeksiyon ang mga ipinadala nilang basura? Sobrang dami ng mga halu-halong basura. Hindi kaya nila alam na bawal ang mag-shipped ng mga ganitong bagay dahil mapanganib sa buhay ng mga tao. Paano kung mayroong hospital wastes? Kakalat ang sakit dito at walang kalaban-laban ang mga Pilipino. Walang nakaaalam na unti-unti na palang kumakalat ang sakit dahil sa mga basurang imported.Lagi na lamang pinagtatambakan ng mga basura ang bansa. Noong 2012, isang US Naval ship ang nagtapon ng toxic wastes sa Subic Bay. Sabi ng contractor na nagtapon ng toxic wastes, sumailalim naman daw iyon sa treatment process kaya hindi delikado. Pero nabulgar na wala namang treatment facilities ang barko. Hanggang ngayon, wala nang balita kung pinagbayad ng gobyero ang US Naval ship sa tinapon nilang toxic sa karagatan. Maaaring hindi, katulad din nang hindi nila pagbabayad sa nasirang corals sa ating karagatan nang sumadsad ang kanilang barko.Tambakan din ng mga luma at kakarag-karag na sasakyan (mga  bus) mula Japan, Korea at China ang bansa. Hindi nakapagtataka kung bakit laging may bus accident sa bansang ito at marami ang namamatay.Kumilos sana ang gobyerno para hindi gawing basurahan ang Pilipinas.

Page 13: Balitang Isports

Ang Duwende sa PunsoHINDI ako naniniwala sa duwende. Ang alam ko ay

fairytale lamang iyon. Nilikha lang sila ng mga manunulat

sa Europe bilang bahagi ng kanilang folklore ilang daang

taon na ang nakakaraan. Ang daigdig ng mga duwende

ay nasa kabilang dimensiyon kung saan may sarili silang

sibilisasyon. Pagkalipas ng maraming taon, ang duwende

ay nabihisan ng makabagong pananaw. Lumalabas na

mas mataas ang level ng kanilang “katauhan” kaysa

“katauhan” ng mga tao. Halimbawa, ang mga duwende

ay may kapagyarihang magbigay ng kayamanan sa

mababait na tao ngunit may special power din na saktan

ang sangkatauhan kapag ginawan sila ng kalokohan.

Lahat sila ay may psychic power at kayang maging invisible.

Ang fairytales na ito ang nagtulak sa akin para pilitin ko

ang aking sarili na magbasa sa sarili nating wika at sa Ingles. Pinagsikapan kong mag-aral

magbasa ng Ingles na libro dahil ang magagandang fairytales tungkol sa mga duwende ay sa

Ingles na libro lang nababasa.

Nagsimula akong magkaroon ng pagdududa kung fairytale lang ba o may katotohanan ang

tungkol sa mga duwende noong nakausap ko ang batang “kinidnap” daw ng duwende. Ang

bata ay si Cholo, 8 taong gulang nang panahong iyon, anak  ng aming kapitbahay sa

probinsiya. Isang hapon ay hindi na umuwi si Cholo mula sa pampublikong paaralan kung

saan ako nagtapos. Nagtanong-tanong ang kanyang ina sa mga kaklase kung ano ang

ginawa ni Cholo sa school nang maghapong iyon bago mawala.

Ito ang nagkakaisang kuwento ng mga kaklase ni Cholo bago sila mag-uwian sa bahay nang

hapong iyon: Naglalaro sila sa paligid ng paaralan. Sa hindi malamang dahilan, nakita nilang

pumasok si Cholo sa silong ng TLE kung saan alam ng lahat ng estudyante na hindi dapat

pumunta doon dahil may malaking nuno sa punso. Ang  sahig ng TLE building ay nakaangat

sa lupa ng 3-4 feet kaya madaling pasukin ang silong nito. Ang “nuno sa punso”  ay may taas

na higit-kumulang ng 2 feet. Pinaniniwalaan ng marami na iyon ang “entrance” patungo sa

daigdig ng mga duwende. Natatandaan ko ay sinisilip namin ang punso habang naghaharutan

at nagtatakutan. Tapos biglang may sisigaw ng—Hala, may duwendeng lumabas sa punso!

Magtitilian ang mahaharot kong kaklase at magsisimulang magkaskasan nang takbo. Noon,

ang alam ko’y imahinasyon lang namin na may lumalabas na duwende sa punso pero si

Cholo ang nagsabi sa akin...totoo pong may duwende roon!

Page 14: Balitang Isports