5
Ang Yamang Pisikal/Kapital ng Bansa Aralin 7

Aralin 7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Ang Yamang Pisikal/Kapital ng Bansa

Aralin 7

Isa sa mga pinagkukunang-yaman ng bansa na kailangan upang matamo ang pag-unlad ay ang yamang pisikal/kapital.

Ang yamang pisikal/kapital ay mga bagay na nilikha ng tao upang makatulong sa paglikha ng mga produkto. Ang mga makinarya, gusali, bahay, kasangkapang pamproduksyon, pantransportasyon, at kumunikasyon ay ilan sa mga yamang pisikal ng bansa.

Ang paggamit ng talino at abilidad ng tao ay nakatutulong upang tumuklas at lumikha ng mga yamang pisikal na kailangan sa ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga yamang pisikal ay nalilinang at napoproseso ang mga hilaw na materyales na galing sa likas na yaman ng bansa. Ito ang nagsisilbing bunga ng kakayahan ng tao at kapakinabangan ng mga yamang likas. Masasabi nating na ang mga produksyon at serbisyo na mayroon ang isang ekonomiya ay resulta ng paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

Ipinapakita ang relasyon ng Yamang Likas, Yamang tao at yamang pisikal sa ating ekonomiya.

Yamang Likas

Yamang Tao

Yamang Pisikal

Lahat ng mga uri ng pinagkukunang-yaman ay nahaharap din sa mga suliranin. Meroon din itong takdang panahon o hangganan ang kapakinabangan sa mga ito. Tulad ng makinarya, computers, cell phones, gusali at kalsada ay dumaranas ng unti-unting pagkaluma at pagkasira na tinatawag na depresasyon. Sa ganitong sitwasyon, ang pagpapalit nito na bago o uso sa ating lipunan ay mahalaga.