Aralin 6 - Sintaks

  • View
    825

  • Download
    58

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Text of Aralin 6 - Sintaks

  • Sindihan mo na ang kandila para lumiwanag. Lumiwanag sindihan ang para kandila mo na.

    Naglaro si Agnes sa gitna ng hardin. Naglaro sa gitna ng Agnes si hardin.

    Kumain ng isda ang tatay kahapon. Kumain ang tatay ng isda kahapon.

  • Ang sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga morpema o salita upang makabuo ng mga parirala o pangungusap na katanggap-tanggap sa mga tagapagsalita ng wika.

    Ang sintaks ay tinatawag ding palaugnayan.

  • Isang salita o katipunan ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.

    Magsasayaw sina Thelma at Louise mamaya. Magandang gabi po. Halika. Ewan. Aray!

  • Mga salitang pangnilalaman (content words)1. Nominal pangngalan, panghalip2. Pandiwa 3. Mga Panuring pang-uri, pang-abayMga salitang pangkayarian (function words)1. Mga Pang-ugnay pangatnig, pang-angkop, pang-ukol2. Mga Pananda pantukoy, pangawing na aycontent words + function words = sentence

  • Paksa Pinag-uusapan o pinagtutuunang-pansin sa pangungusap. Nasa paksa ang pokus ng sinasabi sa pangungusap.

    1. Paksang pangngalan - Ang pangulo ay nagtalumpati. 2. Paksang panghalip - Natutulog siya.3. Paksang pang-uri Niligawan niya ang magandang dilag.4. Paksang pandiwa Tinawanan nila ang umiiyak na bata.5. Paksang pang-abay Isapuso ang maayos na pag-awit ng Lupang Hinirang6. Paksang pawatas Hilig niya ang magtinda.

  • Panaguri - Nagbibigay-kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa

    1. Panaguring pangngalan Guro ang nanay ko.2. Panaguring panghalip Sila ang mga doktor.3. Panaguring pang-uri Makulay ang damit ni Sarah.4. Panaguring pandiwa Nagpahinga siya sa gilid ng daan.5. Panaguring pang-abay Oras-oras ang biyahe ng bus.6. Panaguring pawatas Magtinda sa palengke ang ikinabubuhay niya.

  • Magkaibigan lamang daw sina Katniss at Peeta.Masama ang ugali ni Regina na kilalang cheerleader.Pinilit ng barkada na sumali sa kanilang grupo si Beca.Nagpunta ang magkaibigang Romy at Michelle sa kanilang hayskul at doon nagsayaw.Nag-alaga si Harry ng puting kuwago.Inalagaan ni Harry ang puting kuwago.

  • Ilang halimbawa:

    1. Eksistensiyal mayroon o wala- May pasok ngayon.2. Maiikling sambitla Pagpapahayag ng matinding damdamin- Nakupo!3. Pamanahon Nagsasaad ng oras o uri ng panahon- Umaaraw.4. Pormulasyong panlipunan Mga pagbati, paggalang, atbp. Na nakagawian na sa lipunang Pilipino- Tao po.

  • Karaniwan

    Pangungusap

    Panaguri Paksa

    Naligo sa sapa si Andrew. Di-Karaniwan

    Pangungusap

    Paksa ay Panaguri

    Si Andrew ay naligo sa sapa.

  • 1. Sa pamamagitan ng mga paningit (pa, ba, man, naman, nga, pala, atbp) Hal. Ikaw pa lang ang dumating

    2. Sa pamamagitan ng komplemento - Tinatawag na komplemento ang bahagi ng panaguri na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.

    a. Komplementong tagaganap Kung sino ang gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa (pananda: ng, ni, nina).Hal. Itininda ng kaibigang babae ang bestida.

  • b. Komplementong tagatanggap Kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa (mga pananda: para sa, para kay, para kina).Hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating.

    c. Komplementong ganapan Lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa (pananda: sa) Hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.

    d. Komplementong sanhi Kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa (mga pananda: dahil, sa, kay) Hal. Nahuli ng dating si Nora dahil kay Rosa.

  • e. Komplementong layon Tinutukoy ang bagay (pananda: ng).Hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.

    f. Komplementong kagamitan Tumutukoy ito sa kung anong instrumento ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa (pananda: ng, gamit ang, sa pamamagitan ng). Hal. Pinunasan ko ng basahan ang mesa.

    g. Komplementong direksiyonal Nagsasaad ng direksiyon at kilos na taglay ng pandiwa (pananda: sa). Hal. Nagpunta sila sa Amerika.

  • 3. Sa pamamagitan ng pagtatambal Gamit ang mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at iba pa. Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.

    4. Sa pamamagitan ng paggamit ng modifier Hal. Puntahan natin ang nagwawalang mamang iyon.

    5. Sa pamamagitan ng pariralang pang-abay Hal. Mag-aaral si Larry nang maaga.

  • Palawakin o pahabain ang mga sumusunod na pangungusap:

    1. Hinablot ang bag. (komplementong tagaganap)2. Nagluto si Sarah. (komplementong tagatanggap)3. Naglaro ang magkapatid. (komplementong ganapan)4. Sumakit ang ulo niya. (komplementong sanhi)5. Bumili sila kahapon. (komplementong layon)6. Sinulatan ko ang notbuk. (komplementong kagamitan)7. Ipinasyal ko sila. (komplementong direksiyonal)

  • Ugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

    1. Pokus sa tagaganap o aktor Kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa (panlapi: mag-, um-, mang-, makapag-, maka-, mag-). Hal. Magsusulat ng tula si Perla.

    2. Pokus sa layon Kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa (panlapi: i-, -an, ma, ipa-, -in-)Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.

  • 3. Pokus sa ganapan Kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa (panlapi: -an, -han, pag-).Hal. Pinaglutuan ni Nena ng bigas ang kawayan.

    4. Pokus sa tagatanggap Kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos (panlapi: ipang-, ipag-, -i). Hal. Ibinili ko ng kakanin ang lola ko.

  • 5. Pokus sa kagamitan o instrumental Kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos (panlapi: ipang-).Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

    6. Pokus sa sanhiKung ang sanhi o kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap (panlapi: ipinag-, i- at in-, ika-).Hal. Ipinagkasakit niya ang paglalaro sa ulan.

    7. Pokus resiprokalKung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos (panlapi-- mag-/nag- at an).Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.

  • Tukuyin ang pokus ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap:

    1. Ikinuha ko ng pagkain si Buffy.2. Hiniram ni Angel ang payong.3. Kumain ng suman si Spike.4. Pinagtamnan ni tatay ng gulay ang bakuran namin.5. Ipinangkulay ko ang krayola ng pamangkin ko.6. Nagsuntukan ang magkaibigang Ben at Noel.7. Ikinatuwa ng guro ang matataas na marka ni Felicity.