Ano Ang Talata

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Ano ang talata?Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.

Mga Uri ng Talata1.Panimulang Talata ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon.Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.2.Talatang Ganap makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.Tungkulin nito ang paunlarin ang pangunahing paksa.3.Talata ng Paglilipat-diwa mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.4.Talatang Pabuod madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.

Katangian ng mabuting Talata1.May isang paksang diwa2.May buong diwa3.May kaisahan4.Maayos5.May tamang pang-ugnay sa paglilipat-diwa ng sunod na talata6.Wasto ang kayarianKaayusan ng Talata1.Ayusin nangkronolohikalo ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari.Karaniwan ang ayos na ito sa mga komposisyong pagsalaysay o palahad.2.Ayusin ayon sapananawsa bagay o pangyayari,gayahalimbawa ng malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito, o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan nito.3.Iayos namula sa masaklaw patungo sa ispesipiko.Ito ang karaniwang ayos na ang paksang pangungusap ang unang pangungusap ng talata.