30
Cebu Doctors’ University College of Arts and Sciences Department Filipino 12 Ikalawang Semester, SY 2010-2011 ANG EPEKTO NG PAGKAPAGAL SA MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG NURSING SA CEBU DOCTOR’S UNIVERSITY Isang papel pananaliksik na ipinasa kay: Prof. Romana S. Gera Filipino 12- Instructor Mga Mananaliksik: (BSN1-C) [TTh 7:30-9:00AM] Lasala, Jazmin Venice R. Gabronino, Christopher C. Romanos, Mandy Elise D. Damalerio, Xavier F. Albaño, Ma. Liezel J. Porte, Rochie D.

ANO ANG PAGKAPAGAL

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANO ANG PAGKAPAGAL

Cebu Doctors’ University

College of Arts and Sciences Department

Filipino 12

Ikalawang Semester, SY 2010-2011

ANG EPEKTO NG PAGKAPAGAL

SA MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG NURSING

SA CEBU DOCTOR’S UNIVERSITY

Isang papel pananaliksik na ipinasa kay:

Prof. Romana S. GeraFilipino 12- Instructor

Mga Mananaliksik:

(BSN1-C) [TTh 7:30-9:00AM]

Lasala, Jazmin Venice R. Gabronino, Christopher C.

Romanos, Mandy Elise D. Damalerio, Xavier F.

Albaño, Ma. Liezel J. Porte, Rochie D.

Pimentel, Athena Joyce J. Avendula, Krizia

Perez, John Paul B. Tanucan, Cheene Marie

Ipinasa noong:

Page 2: ANO ANG PAGKAPAGAL

Pebrero, 2011

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Page 3: ANO ANG PAGKAPAGAL
Page 4: ANO ANG PAGKAPAGAL

I. PANIMULA

Sa lalong bumibilis na mundo na ating pinagkakaabalahan natin ngayon, ang pagkapagal o stress

ay lalong nagiging kapansin-pansin at kitang-kita ito sa mga galaw at gawi ng mga tao. Ang pagkapagal

ay isang bagay na palaging kasama ng buhay upang tayo ay matuto kung paano umunlad. Wika nga nila

na ang mga hamon sa buhay ay isang paraan upang tayo ay lumago at umunlad. Karamihan ay

dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa gaano man kaliit.

Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din

ito ng mga taong may sikolohikal na problema kagaya ng personal na dilema ukol sa mga relasyon

(pamilya, kasintahan, sarili),o kaya naman mga pisikal na problema kagaya ng pagkapuyat, pagkakaroon

ng sakit o kapansanan.

May iba’t-ibang pamamaraan sa pamamahala ng pagkapagal. May mga taong nahihirapan sa

kanilang pakikitungo sa stress at may ibang tao naman na nakakaya nila ang pagkapagal sa pamamagitan

ng kanilang iba’t-ibang stratehiya. Hindi dapat natin isa-isip na isa lamang ang uri at sanhi ng pagkapagal

na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at obserbahan ang mga sanhi at tuklasin ang

epekto ng pagkapagal.

Sa pag-aaral na may pamagat na “Ang Epekto ng Pagkapagal Sa Mga Mag-aaral sa Unang Taon

ng Nursing sa Cebu Doctors’ University”, masusing tatalakayin nga mga mananaliksik ang epekto ng

pagkapagal sa buhat ng mga mag-aaral. Aalamin ng pananaliksik na ito ang mga naidudulot ng

pagkapagal sa kani-kanilang kalusugan, pamumuhay at mga tao sa kanilang kapaligiran. Tatalakayin rin

ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang pagkapagal at kung ano ang

epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.

Page 5: ANO ANG PAGKAPAGAL

II. BALANGKAS KONSEPTWAL

2

PAGKAPAGAL

(Makaagham na depinisyon)

Mga pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo

Epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral

Mga pamamaraan ng pagkontrol ng pagkapagal.

Pinagkakaabalahan Gawaing pangkalakasan

Bisyo

Paninigarilyo

Pag-iinom ng alak

Bawal na gamot

Sa paaralan Sa pamilya at kaibigan

Sa pangangatawan

MGA PAMAMARAAN SA PAGKONTROL NG PAGKAPAGAL

Page 6: ANO ANG PAGKAPAGAL

III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung ano ang

karaniwang nakakapagdulot ng pagkapagal sa mga mag-aaral. Dapat ding tuklasin ng mga mananaliksik

kung ano ang bunga ng pagkapagal sa isang mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Tutukuyin din

dito ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagkontrol o di kaya`y pagkontrol ng pagkapagal.

A. NULL IPOTESIS:

1. Walang maidudulot na masama ang pagkapagal sa katawan.

2. Walang mabisang paraan sa pagbawas o pagtanggal ng pagkahapo ng isang tao.

3

Page 7: ANO ANG PAGKAPAGAL

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral nga mga mananaliksik ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng pagsasakatuparan ng

mga gawain ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong nursing. Ito rin ay nakapagbibigay ng

impormasyon kung paano maiwasan o hindi kaya’y mabawasan ang mga bagay na nakakapagpapagal sa

buhay ng mga estudyante. Ang papel pananaliksik na ito ay nakakapagpaunawa sa mga mambabasa

kung ano ang pagkapagal at kung paano ito malulunasan at para na rin magkaroon ng kamalayan ang

mga mag-aaral kung ano ang mga bagay nga dapat nilang isa-isip sa tuwing sila ay nahahapo o

napapagal.

4

Page 8: ANO ANG PAGKAPAGAL

V. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkapagal ng mga-

aaral sa unang taon ng Cebu Doctors’ University sa Kolehiyo ng Narsing. Gumagamit ang mga

mananaliksik ng isang talatanungan o questionnaire upang magkaroon ng tiyak na pagsisiyasat ng datos.

Limampung mag-aaral galing sa Cebu Doctors’ University sa Kolehiyo ng Narsing na nasa unang

taon lamang ang sumagot sa talatanungan. Isang lingo lamang ang panahong ibinigay sa pamamahagi ng

mga talatanungan. Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga sagot ng mga respondante sa mga talatanungan.

Sapagkat kulang sa panahon ang mananaliksik, maaaring makakaapekto ito sa lawak ng pag-

aaral at mga tiyak na katuklasan.

5

Page 9: ANO ANG PAGKAPAGAL

VI. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas magabayan at maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga terminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:

a. Droga

- Mga bawal na gamot o hindi legal na gamot na ibinebenta sa merkado na patago. Mga

halimbawa nito ay ecstacy o rugby na isang kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot ng

pagbabago sa ugali, kilos at kaisipan ng tao na kadalasa’y humahantong sa pagkakulong o di

kaya’y pagkabaliw.

b. Bisyo

- Kaugaliang immoral, tiwali o nakakapagpababa ng pagkatao o moralidad.

c. Disposisyon

- Estado ng utak ukol sa iba’t-ibang bagay

d. Emosyon

- Ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal at iba pang

nararamdaman at hindi nahihipo.

6

Page 10: ANO ANG PAGKAPAGAL

e. Kaibigan

- Isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad o social status kung saan kayong dalawa ay

nagkakaunawaan.

f. Kapaligiran

- Ang mga bagay-bagay o lugar na pumapalibot sa isang tao.

g. Karamdaman

- Ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng karamdamang pangangatawan o pang-

isipan.

h. Karanasan

- Ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay habang ang mga ito’y nagaganap sa

kurso ng oras.

i. Simtomas

- Mga sinyales of indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na tuwing nakakaranas ang isang tao ng

pag-iba mula sa karaniwang pakiramdam o histura.

j. Stimulus

- Isang bagay na maaaring magdulot ng medaling pag-responde o kaya’y pakiramdam.

7

Page 11: ANO ANG PAGKAPAGAL

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

I. Panimula 1

II. Balangkas Konseptwal 2

III. Paglalahad ng Suliranin3

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral4

V. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral5

VI. Depinisyon ng mga Terminolohiya6

Page 12: ANO ANG PAGKAPAGAL

KABANATA 2

KAUGNAY NAG LITERATURA AT PAG-AARAL

Page 13: ANO ANG PAGKAPAGAL

I. ANO ANG PAGKAPAGAL?

Ang pagkapagal o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at

damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaaring maging kapagal-pagal sa isang tao ngunit

maaaring hindi para sa iba. Bagkus, hindi ng lahat ng tao ay nakakaranas ng iisang pakiramdam at

damdamin kapag siya ay napapagal. (Whitman et. al., 1985)

Ang pagkapagal ay tumutukoy sa kawalan ng balance sa pagitan ng isang pinaghihinalaang

pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito. (McGrath, 1970)

Ang pagkakapagal, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal o emosyonal na pangyayari

nanagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman. (Funk and Wagnalls New Encyclopedia, 1986)

Ang pagkapagal ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilos bilang tugon sa isang

pangyayari. Ito ay paraan ng katawaan upang harapin ang isang hamon at mga mahihirap na sitwasyon

na may halong pokus, lakas, at pagkaalisto. Ang mga pangyayaring nagdadala ng pagkapagal ay

tinatawag na stressors at sinasakop nito ang iba’t-ibang pangyayari. (Lyness, 2007)

Page 14: ANO ANG PAGKAPAGAL

Habang nakakaramdam ng pagkahapo ang mga ta, nawawalan sila ng kontrol sa sarili.

Pinatunayan ng mga mananaliksik na ang mga taong nakakaranas ng pagkapagal ay mas madalas ang

pagliban sa kanilang diyeta, pag-inom ng mas maraming kape, mas madalas na paninigarilyo o paglulong

sa masamang bisyo, pagbabale-wala ng mga gawaing bahay o responsibilidad, pagkalimot ng mga

kasunduan sa mga kaibigan at pagiging iresponsable sa pananalapi. Sila rin ay nagiging sumpungin,

irritable o hindi mapakali, at agresibo. Ang pagkapagal ay nakakasira ng mga matatag na kundisyon at

damdamin. (Challem, 2007)

Ang pagkapagal ay isang sikolohikal na reaksyon sa isang hindi komportable o pamilyar na

stimulus. Dahil sa stimulus na ito, nagkakaroon ng pagbabago sa katawan gaya ng pagtaas ng

pagkaalisto, pagkabalisa, pagtaas ng pulso at sobrang pagpapawis.

Ang pagkapagal ay isang klase ng strain na umaapekto sa pangkaisipan, pisikal at emosyonal na

aspekto ng tao. Ito ay ang “flight or flee response” ng katawan na nakokontrol sa adrenalin.

Page 15: ANO ANG PAGKAPAGAL

II. IBA’T-IBANG URI NG PAGKAPAGAL (Grossman, Arnold. “Types of Stress”. Reader’s Digest. April,2008)

Ang depinisyon ng pagkapagal ay mapapalawak sa tatlo niyang uri: Acute Stress, Episodic Acute

Stress at Chronic Stress.

A. ACUTE STRESS

Ang Acute Stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Ito ay mula sa pang-araw-

araw na gawain ng tao. Sa salitang acute malalaman mo na ito lamang ay maliit at nawawala kaagad na

hindi mahigit sa anim na taon.

B. EPISODIC ACUTE STRESS

Ang Episodic Acute Stress ay nangyayari sa mga taong madalas na nakakaramdam ng acute stress.

Kasama dito ang mga taong palaging nakakaranas ng kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding

pagkabalisa.

C. CHRONIC STRESS

Ang Chronic Stress ay nagaganap sa mga taong hindi makahanap ng paraan upang masolusyonan

ang isang masamang sitwasyon. Ito’y nagdudulot ng pagkasira ng isip, buhay at ang pangangatawan ng

isang tao.

Page 16: ANO ANG PAGKAPAGAL

Ang pagkapagal ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotrophin-releasing factor o

CRF. Ito ang nagsisimula ng biological response kapag may naramdaman na pagkapagal ang katawan.

Tumataas ang antas ng CRF sa iba’t-ibang bahagi ng utak dahil sa pagkapagal na nararamdaman. Ayon sa

mga nakaraang pag-aaral, natuklasan na ang pag-abuso sa droga na nagpapataas din ng antas ng CRF.

Nagpapahiwatig ito na may neurobiological na kaugnayan ang pagkapagal sa pag-abuso ng droga.

Naglalabas din ito ng neurotransmitter na norepinephrine na kinakailangan sa memorya. Ito ay

isang dahilan kung bakis mas natatandaan ng mga tao ang oras ng pagiging pagal kaysa sa mga

karaniwang na karanasan. (Jaff-Gill et. al. 2007)

Noong 1974, inilimbag ni Richard Lazarus ang isang modelo na naghahati sa eustress at distress.

Sinasabing ang eustress ang nagaganap kapag ang pisikal at mental na gawain ay pinatitibay ng

pagkapagal. Kapag ang pagkapagal ay paulit-ulit at hindi maresolba ng pagaalinsunod, ito ay tinatawag

na distress. Ang distress ay maaaring magdulot ng anxiety at depresyon.

Page 17: ANO ANG PAGKAPAGAL

III. MGA KARANIWANG NA PAGKAPAGAL:

A. PAGKAPAGAL NA PANGKALIGTASAN

Ito ay ang karaniwang tugon sa panganib sa lahat ng hayop at tao. Kapag ikaw ay takot sa isang tao o

isang hayop na maaari kang saktan ng pisikal, ang katawan mo ay tumutugon sa pamamagitan ng

biglang paglabas ng enerhiya para ikaw ay mas makaliligtas mula sa mga mapanganib na sitwasyon

(fight) o takasan ito (flight).

B. PANGKALOOBANG PAGKAPAGAL

Nahuli mo ba ang iyong sarili na nag-aalala sa mga bagay na wala kang magagawa o mag-alala sa

wala talagang kadahilanan? Ito ang mga pagkaloobang pagkapagal at ito ay isa sa mga pinaka-

mahalagang klase ng pagkapagal na dapat intindihin at kontolin. Pangkaloobang pagkapagal ay kung

saan ang mga tao ay ginagawa nila ang sarili nilang napagal. Ito ay kadalasang nagyayari tuwing

nagaalala tayo sa mga bagay-bagay na hindi natin kayang kontrolin o ilagay ang sarili natin sa mga

sitwasyon na alam nating lilikha ng pagkapagal. Ilan sa mga tao ay nahihilig sa klase ng minadali, banat,

uri ng pamumuhay na ang sanhi ay ang pagiging pagal. Humahanap din sila ng mga nakapapagal na mga

sitwasyon at nararamdamang pagkapagal ukol sa mga bagay na hindi nakakapagal.

C. PAGKAPAGAL SA KAPALIGIRAN

Page 18: ANO ANG PAGKAPAGAL

Ito ay tugon sa mga bagay sa kapaligiran na nakakalikha ng pagkapagal gaya ng ingay, pagdami ng

tao, at pagdidii mula sa pamilya o trabaho. Ang pag-ukol sa mga kapaligirang pagkapagal at pagkatuto

para maiwasan ang mga ito o harapin ang mga ito ay makatutulong mapababa ang antas ng pagkapagal.

D. PAGKAPAGAL SA TRABAHO

Para makisabak ng matagumpay, ang mga kompanya ay hindi kakayaning matulog. Mas kaunting

trabahador rin ang kanyang mawalan ng komunikasyon tuwing katapusan ng linggo o bakasyon. Ang

pagkapagal na ito ay nililikha sa matagal na panahon at maaaring makapagod sa iyong katawan.

Maaaring ang sanhi nito ay lubusang pagtatrabaho sa iyong trabaho, eskwelahan o tahanan. Ito ay

maaari ring likha ng hindi pag-alam kung papaano gamitin ng wasto ang oras o pagliban ng oras para sa

bakasyon, paglilibang o pahinga. Ito ay maaaring isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagkapagal na

iwasan sapagkat maraming tao ang nakararamdam na ito ay labas at wala sa kanila ang kontrol dahil sa

mga pagkasunod-sunod ng mga di-inaasahang pangyayari. (Challem, 2007)

Page 19: ANO ANG PAGKAPAGAL

KABANATA 3

METODO AT PAMAMARAAN

Page 20: ANO ANG PAGKAPAGAL

I. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang

Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para

makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksa

sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.

II. POPULASYON

Nagbigay ng 50 talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo

ng Narsing sa Cebu Doctors’ University. Sa 50 talatanungan, lahat ay naibalik upang masusi ng maayos sa

mga mananaliksik at makakuha ng sapat na impormasyon para sa kanilang pananaliksik. Ang

talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagkapagal o stress.

III. TAGATUGON

Page 21: ANO ANG PAGKAPAGAL

Ang pinili ng mga mananaliksik na gawing mga tagatugon ay binubuo ng mga mag-aaral ng

unang taon ng nursing sa Cebu Doctors’ University, sa kadahilang sila ang dumaranas ng transisyon mula

sekundarya patungong kolehiyo. Ang transisyong ito ay maaaring magdulot ng pagkapagal sa mga

tagatugon.

IV. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Page 22: ANO ANG PAGKAPAGAL

Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos galing sa mga tagatugon ay ang mga

talatanungan o questionnaire. Ang mga talatanungang ito ay:

Una, nagtanong ito tungkol sa mga palagay ng mga mag-aaral tungkol sa pagkapagal, at kung

ano sa tingin nila ang mga dahilan ng kanilang pagkapagal (tulad ng akademiks, personal na buhay, pera

atbp.) Nagtatanong din ito kung sa aling aspekto nakakaapekto ang pagiging pagal ng mag-aaral, kung sa

paaralan, sa pamilya at sa mga kaibigan o sa pangangatawan o kalusugan, at ang kanilang dahilan kung

bakit nila nasabing naaapektohan ang mga aspektong ito. Huli, nagtatanong ito sa mga mag-aaral kung

ano ang kanilang ginagawa upang mabawasan ang kanilang pagkapagal, tulad ng paglibang (hobbies),

mga ginagawang pagkalakasan (sports), bisyo o pagkain. Tinataning din nito kung paano nakakatulong

ang mga gawain ng mga mag-aaral sa pagbawas ng pagkapagal. Sinukat din ng talatanungan kung gaano

kadalas ginagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing ito at kung sa kanilang palagay ay epektibo ba ang

mga nasabing gawain sa pagbawas ng pagkapagal, pati na rin kung paano nakatutulong sa pagbawas ng

pagkapagal ang kanilang napiling gawain.

Isang pie chart ang ginamit ng mga mananaliksik upang ilahad ang mga resulta ng talatanungan.

Inilahad dito ang porsyento ng mga tagatugon na nakakaramdam ng pagkahapo at kung sa anong mga

okasyon nila ito nararamdaman. Ang mga nasabing datos ay matatagpuan sa Paglalahad at

Pagpapakahulugan ng mga Datos na makikita sa susunod na kabanata.

V. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Page 23: ANO ANG PAGKAPAGAL

Napagkasunduan ng mga mananaliksik na magsagawa ng isang pakikipanayam bilang paraan ng

pagsusurbey. Matapos isagawa ang pakikipanayam, pinili ng mga mananaliksik ang pie chart bilang

paraan ng pagpresenta ng resulta sapagkat ito ay madaling maintindihan kapag nailahad.