ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ماذا قال مشاهير العالم عن الإسلام ؟اللغة: الفلبينية : للتحميلWhat famous people say about Islam?(In Filipino Language)by; Al Batha Islamic Center in Riyadh KSAhttp://facebook.com/batha.dawahhttps://plus.google.com/u/0/+BathaDawah/postshttp://www.islamcocg.com

Citation preview

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    4

    ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?Ang (relihiyong) Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay

    karugtong at huling yugto ng lahat ng mga naunang relihiyong ipinahayag (ng

    Allah) at sa gayon, ito ay para sa lahat ng panahon at lahat ng tao. Ang kalagayan ngIslam ay pinatutunayan (at pinatatatag) ng mga maliliwanag na katotohanan. Una,

    walang anumang aklat na ipinahayag ng Allah na may malawak na sakop sa anyo at

    nilalaman na tulad nito (maging sa mga aklat na unang naipahayag sa sangkatauhan).

    Ikalawa, walang ibang relihiyon na ipinahayag na may matitibay na patunay upang

    magbigay ng patnubay sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Karagdagan pa nito, ang

    Islam ay tumutugon sa (pangangailangan ng) sangkatauhan sa malawak na pananaw

    nito at naghahandog ng mga pangunahing alituntunin (upang lunasan) ang lahat ng

    makataong suliranin. Higit sa lahat, matatag nitong hinarap ang hamon ng labing-apat na dekada at taglay nito ang lahat ng katangian ng isang huwarang lipunan

    tulad ng nangyari sa panahon ng pamamahala ng huling Propetang si Muhammad .

    Ito ay naging isang himala na ang Propeta Muhammad ay matagumpay

    niyang nahikayat maging ang kanyang mahigpit na kaaway tungo sa pagyakap sa

    Islam na hindi kinasasangkutan ng anumang materyal na pang-akit. Ang mga suma-

    samba sa mga idolo o diyus-diyusan, mga bulag na tagasunod ng kani-kanilang mga

    ninuno, ang tagapagtaguyod ng mga hidwaan ng mga tribu, ang mapang-abuso ng

    makataong dangal at dugo, silang lahat ay naging pinakamarangal na mamamayansa ilalim ng patnubay ng Islam at ng Kanyang Propeta. Ang Islam ang siyang daang

    nagbukas sa kanila ng mga mabubuting pananaw na pang-ispirituwal at marangal

    na buhay sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang kabutihan ay siyang tanging

    batayan ng karangalan at katangian. Sila ay hinubog sa kanilang panlipunan, kultura,

    moral at pangkalakalang pamumuhay kaakibat ng mga pangunahing batas at mga

    simulain na umaalinsunod sa likas ng tao, samakatuwid, naaangkop at umaakma sa

    lahat ng panahon sapagkat ang likas ng tao ay sadyang hindi nagbabago.

    Nakalulungkot isipin na ang mga Kristiyano ng Kanluran na sa halip

    na magtangkang unawain ang kagila-gilalas na tagumpay ng Islam sa maagang

    panahon nito, ay itinuring ang Islam bilang karibal na relihiyon. Sa panahon ng

    Krusada, ang (paninira) kalakarang ito ay nagtamo ng higit pang lakas at sigasig

    at maraming babasahin o lathalain ang nilimbag upang bigyan ng masamang batik

    ang malinis na pangalan ng Islam. Ngunit, ang Islam ay nagsimulang ibantayog

    (at ipalaganap) ang kadalisayan (at katotohanan) nito sa mga makabagong iskolar

    na ang tapang (ng panulat) at makatuwirang pagsusuri tungkol sa mga paniniwala

    ng Islam ay ganap na napabulaanang lahat laban sa mga paratang ng mga taongtinatawag na Orientalists (walang kinikilingang taga-silangan).

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    5

    Babanggitin namin sa inyo ang ilan sa mga dakilang manunuri at

    mananalaysay ng Islam. Sila ay di-Muslim na kinikilala sa makabagong panahon.

    Sadyang ang katotohanan ng relihiyong Islam ay hindi nangangailangan ng gayong

    tagapagtaguyod upang ipagtanggol ang sarili nito. Ngunit (nakalulungkot isipin

    na) ang mahaba at mapanirang-puring propaganda laban sa Islam ay lumikha

    ng malaking kalituhan sa isipan (ng maraming tao) maging sa ibang taong maymalayang pananaw at makatuwiran.

    Kami ay umaasa na ang mga sumusunod na makatuwirang puna ay

    makapagdudulot ng ibayong lakas upang magkaroon ng makabuluhang pagsisikap

    (o pag-aaral) tungkol sa Islam.

    Ito (Islam) ay naghahandog ng panibagong pag-asa sa mga alipin,

    pagkapatiran sa sangkatauhan, at pagkilala sa mga pangunahing katotohanan ngkalikasan ng tao. Ito ang puna ni Ginoong Canon Taylor, isang sulat na binasa

    sa harap ng Church Congress sa Walverhamton, noong Oktubre 7, 1887. Hinango

    mula sa aklat na may pamagat na The Preaching of Islam pahina 71-72.

    Ang diwa ng katarungan ay isa

    sa pinakamagandang pamantayan ng

    Islam, sapagkat habang aking binabasa

    ang Quran, aking natagpuan yaong

    mabisang simulain ng buhay, hindimahiwaga (walang kababalaghan)

    bagkus isang praktikal na gamit sa

    pagtataguyod ng pang-araw-araw na

    buhay na angkop sa buong daigdig.

    Puna ito ni Ginang Sarojini Naidu, sa

    kanyang lecture tungkol sa The Ideals of Islam, tingnan ang kanyang aklat na

    may pamagat na Speeches at Writings of Sarojini Naidu, Madras, 1918, pahina

    167.

    Ang kasaysayan ay nagbigay linaw na ang maling haka-haka tungkolsa mga panatikong Muslim na nangagkalat sa buong daigdig at ipinipilit na

    tanggapin ang Islam sa dulo ng espada sa pananakop ng ibang lahi ay isa sa

    kakatwang kabalintunaang alamat na paulit-ulit na sinusulat ng mga manunulat

    ng kasaysayan. Puna ni Ginoong De Lacy O Leary sa kanyang aklat na Islam at

    the Crossroads, London, 1923 pahina 8.

    Ngunit, ang Islam ay mayroong pang higit na paglilingkod sa Kaunlaranng Sangkatauhan. Ito ay tumatayo na higit na malapit sa tunay na Silangan kaysa

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    6

    sa Europa, at taglay nito ang isang kagila-gilalas

    na tradisyon ng nag-uugnayang mga lahi tungo sa

    pagkakaunawaan at pagtutulungan ng bawat isa.

    Walang ibang lipunan ang may taglay ng ganitong

    tagumpay sa pagtatatag ng pagkapantay-pantay

    na kalagayan, ng (pag-asa o) karapatan at ngpagpupunyagi na sadyang marami at ng maraming

    lahi ng sangkatauhan. Ang Islam ay mayroong

    pang lakas upang mapagkasundo ang hayagan

    na hidwaan dulot ng masalimuot na elementong

    sangkap ng lahi at tradisyon. Kung sakali mang

    ang magkakasalungat na mga lipunan ng Silangan

    at Kanluran ay palitan ng pagkakaisa, ang

    pamamagitan (mediation) ng Islam ay lubhangisang pangangailangan. Nasa kanyang kamay nakasalalay ang malaking lunas

    ng mga suliranin na kinahaharap (at kinasasangkutan) ng Europa kaugnay ng

    relasyon nito sa Silangan. Kung sila man ay magkaisa, ang bagong pag-asa ng

    kapayapaan ay maitatatag. Ngunit kung ang Europa ay tumanggi sa pamamagitan

    ng Islam, at gumamit ng armas sa kanyang mga karibal, ang usaping (kaso) ito ay

    lubhang mapanganib sa magkabilang panig. HAR Gibb, Whither Islam, London,

    1932 pahina 379.

    Isang magandang punana isinulat ni Ginoong George

    Bernard Shaw, isang kilala at

    pinagpipitaganang kristiyanong

    manunulat mula sa Amerika. Sa

    kanyang aklat na The Genuine

    Islam vol. 1 no. 81936, hayagan

    niyang sinabi na:

    Lagi kong inilalagay

    ang relihiyon ni Muhammad sa

    mataas na pagpapahalaga dahil

    sa kahanga-hangang tatag (at

    lakas) nito. Ito ang tanging relihiyon para sa akin ang nagtataglay ng malawakang

    kakayahan sa nagbabagong aspeto ng pamumuhay na nakagagawa ng sariling

    pang-akit sa bawat panahon. Aking pinag-aralan si Muhammad, ang kahanga-

    hangang tao at sa aking palagay siya ay malayo sa pagiging Anti-Kristo. Dapat

    siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung angtaong katulad niya ang gumanap na diktador sa makabagong daigdig, siya ay

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    7

    magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin sa paraang magdadala ng higit

    pang kailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking hinuhulaan na ang relihiyon

    ni Muhammad (ang Islam) ay tatanggapin sa Europa sa darating na panahon tulad

    ng pagtanggap ng Europa sa ngayon.

    Ang paglaho ng ang [rasismo] diskriminasyon tungkol sa kulay ng taosa mga Muslim ay isa sa ipinagkakapuring tagumpay na nakamit ng Islam at sa

    magkapanabay na pagsulong (ng kaunlaran) ng daigdig ay mayroon, na laging

    nangyayari, ng isang nagsusumigaw na pangangailangan para sa pagpapalaganap

    nitong mabuting katangian ng Islam. Puna ni Ginoong Aj Toynbee, Civilization of

    Trial, New York, 1948, pahina 205.

    Ang pag-unlad ng Islam ay siyang marahil ang pinakakagila-gilalas na

    pangyayari sa kasaysayan ng tao. Nagsimula sa lupain (Arabia) at mamamayan(Arabo) na hindi man lang binigyang pansin, ang Islam ay lumaganap sa kalahating

    bahagi ng mundo sa isang dekada lamang, binagsak ang mga naglalakihang

    kaharian, hinubog (sa kabutihan) ang mga kaluluwa ng mga lahi, at itinatag ang

    buong bagong daigdig ng Islam.

    Habang pinagtutuunan natin nang masusing pagsusuri ang pag-unlad nito,

    higit na kakaibang bagay ang ating natatagpuan. Ang ibang malalaking relihiyon

    ay nagtagumpay sa paraang marahan, nakaranas ng masakit na pakikipaglaban

    (o pakikihamok) at huling pinagtagumpayan lamang sa pamamagitan ng tulong ngmakapangyarihang monarko na yumakap sa bagong relihiyon. Ang Kristiyanismo

    ay mayroong kaanib na Konstantino, ang Buddhismo ay may kaanib na Asoka, at

    ang Zoroastrianismo ay may kaanib na Cyrus. Bawat isa ay umaasa sa kanilang

    piniling kulto sa kapangyarihan ng sekular na kapamahalaan. Ngunit hindi ang

    Islam. Nagmula sa disyertong lupain (ng Arabia) na bihirang pamahayan lamang ng

    mga lahing walang sariling pamayanan na noon ay hindi ibinibilang sa kasaysayan

    ng tao. (Ngunit) Ang Islam ay sumulong sa isang malaking pakikipagsapalaran

    na tinaguyod lamang ng maliit na bilang ng tao at laban sa mga nagbibigatang

    hadlang na pangmateryal. Magkagayunman, ang (relihiyong) Islam ay tila isang

    himalang nagtagumpay sa magaang pamamaraan at mayroong ilang henerasyon

    na nakatunghay sa nagniningas ng sinag ng buwan na pinagtagumpayan mula sa

    Pyrenes hanggang sa Himalayas at mula sa disyerto ng Gitnang Asya hanggang

    sa mga disyerto ng Gitnang Aprika. Puna ni A.M.L Stoddard, na kinuha mula

    sa aklat na Islam, Religion of all Prophets, ni Begum Bawani Waqf, Karachi,

    Pakistan pahina 56.

    Ang Islam ay relihiyon na tumutugon sa makatuwirang kaisipan sapinakamalawak na katawagan nito na isinasaalangalang sa larangan ng

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    8

    etimolohiya at kasaysayan. Ang kahulugan ng pagiging makatuwiran bilang

    isang pamamaraang nakasalalay sa pangrelihiyong paniniwala na umaayon sa

    prinsipiyong iginagawad ng katuwiran ay sadyang taglay ang kaangkupan nito.

    Hindi maipagkakaila na maraming doktrina at sistema ng teolohiya at marami ring

    pamahiin mula sa pagsamba sa mga santo hanggang sa paggamit ng mga rosaryo

    at mga anting-anting ay ikinabit sa pinakapunong katawan ng Pananampalatayang Muslim. Ngunit sa kabila ng mayamang kaunlaran, sa bawat pananaw ng

    kataga, ng mga aral ng Propeta, ang Quran ay nanatili sa kanyang kalagayan

    bilang pangunahing panimula, at ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay

    lagi nang ibinabantayog dito nang may kadakilaan, karangalan at sa ganap na

    kadalisayan. Ito (ang relihiyong Islam) ay may tanda nang tiyak na pananalig, na

    sadyang mahirap matagpuan bagaman nilagpasan ang panlabas na pusyaw nito.

    Itong katapatan sa pagsunod sa pangunahing prinsipiyo ng relihiyon, ang simpleng

    paraan ng pagkakapahayag nito, ang katibayan ng tagumpay na nakamit nitomula sa mainit na bintang (o paratang) ng mga misyonaryo na nagpapalaganap

    nito ay sadyang puno ng maraming paliwanag na dahilan tungkol sa tagumpay

    ng misyonaryo ni Muhammad. Ito ay isang pananampalataya na ganap, walang

    anumang bahid ng masalimuot na paniniwala at madaling maabot ng karaniwang

    (kaisipan) pang-unawa na sadyang inaasahan na dapat taglayin (ng isang tunay na

    relihiyon) at tunay na nag-aangkin ng isang kahanga-hangang lakas upang hawiin

    nito ang daan tungo sa kalooban ng mga tao. Ito ang puna ni Ginoong Edward

    Montet, La Propagande Dhretienne et ses Adversaries Musulmans Paris 1890,

    quoted by TW Arnold The Preaching of Islam, London 1913 pahina 413-414.

    Hindi ako Muslim sa karaniwang

    katawagan (o kahulugan) nito,

    ngunit ako ay umaasa na ako

    ay maging Muslim bilang isang

    taong sumusuko sa Diyos.

    Ngunit ako ay naniniwala sa

    mga nakasaad na salaysay ng

    Quran at ang iba pang pagpa-

    pahayag ng Islamikong pananaw

    ay sadyang malawak na tinipong

    mga banal na katotohanan na

    kung saan ako at ang aking ibang

    kasamahang kanluranin ay mayroong higit pang matututuhan; at ang Islam ay tiyak

    na isang malakas na katunggali para sa (hamon ng) pagtugon sa mga pangunahing

    balangkas ng isang relihiyong panghinaharap. Ito ang puna ni Ginoong W.

    Montgomery Watt, Islam and Christianity Today, London 1983, pahina ix.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    9

    ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL KAY MUHAMMAD?

    Sa panahon ng mga dekada ng mga Krusada, lahat ng uri ng paninirang

    puri ay isinagawa laban kay Propeta Muhammad . Subalit sa pagsilang ng

    makabagong panahon, tanda ng kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa kaisipan,nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga pamamaraan ng mga kanluraning

    manunulat sa paglalarawan ng kanyang katauhan at pag-uugali. Ang mga pananaw

    ng ibang di-Muslim na iskolar tungkol kay Propeta Muhammad na ibinigay sa

    huli, ay nagpapatunay nitong kuro-kuro.

    Ngunit ang kanluran ay mayroon pang isang hakbang na dapat isulong

    upang matagpuan ang isang dakilang katotohanan tungkol kay Propeta Muhammad

    at ito ay ang kanyang pagiging tunay at huling Propeta ng Allah para sabuong sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng kanilang makatuwirang pagsusuri at

    pagpapaliwanag, wala pang tapat at makatuwirang pagtatangka ang ginawa ng mga

    taga-kanluran upang unawain ang pagiging Propeta ni Muhammad . Sadyang

    nakapagtataka na sa kabila ng mga karangalan at papuri na iginawad sa kanya nang

    dahil sa kanyang katapatan at tagumpay subalit ang kanyang pag-angkin bilang

    tunay na Propeta ng Allah ay nababanagan maging ito man ay tuwirang nakahayag

    o hindi tuwirang nakahayag. Ito ang dahilan kung bakit ang paghahanap ng maka-

    tuwirang tibok ng puso ay lubhang kailangan, at isang masusi at makatuwirang

    pag-aaral ay kailangan. Ang sumusunod na mga nagliliwanag na katotohanan nahinango mula sa buhay ni Propeta Muhammad ay ipinagkaloob upang bigyang

    daan ang isang makatuwiran, walang kinikilingang panunuri at makatarungang

    pasiya tungkol sa kanyang pagiging isang Tunay na Propeta.

    Hanggang siya ay umabot sa gulang na (40) apatnapu, si Muhammad

    ay hindi kilala bilang isang mambabatas at mananalumpati. Hindi siya kailan-

    man nakitaan na nagsasalita tungkol sa paksang pampisika, moral na prinsipiyo

    o simulain, mga batas, pulitika, mga kaalamang ukol sa kabuhayan o lipunan.Walang alinlangan na siya ay nagtataglay ng isang huwarang pag-uugali, kalugud-

    lugod na ugali, kilos at marangal na pagkatao. Ngunit walang anumang bagay

    na makapagbibigay ng pansin at nakahihigit pa sa karaniwan mula sa kanya sa

    hinaharap. Ngunit nang siya ay lumabas mula sa yungib ng Hira na may dalang

    bagong mensahe, siya ay ganap na nagbago. Maaari nga kayang mangyari na ang

    gayong tao na may katangiang nabanggit sa itaas ay kagyat na naging huwad at

    nag-angkin na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya nang lubos ng pagkapoot

    sa kanyang mga mamamayan. Ito ay maaaring itanong: sa ano kayang dahilan na

    siya ay nakaranas ng lahat ng dusa at pasakit? Ang kanyang mga kababayan aynaghandog sa kanya na tanggapin siya at kilalanin bilang kanilang hari at ialay

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    10

    ang lahat ng yaman ng kanilang lupain upang itigil lamang at talikdan nang ganap

    ang pagpapalaganap niya ng kanyang relihiyon. Ngunit, siya ay tumanggi sa

    mga nakatutuksong mga alok at pinili niyang ipagpatuloy ang pagpapalaganap

    ng kanyang relihiyon, hinarap niya ang lahat ng uri ng pang-aabuso, panlipunang

    pag-aalsa laban sa kanya, panlalait at pananakit ng kanyang sariling mamamayan.

    Hindi ba ang tulong lamang ng Dakilang Allah at ang kanyang katatagan naipalaganap ang mensahe ng Allah at ang kanyang malalim na pananalig na hindi

    maglalaon ang Islam ay mangingibabaw bilang tanging pamamaraan ng buhay

    para sa sangkatauhan, na siya ay tumindig na tila isang bundok sa harap ng lahat

    ng salansang at sabwatan upang siya ay talunin? Karagdagan pa nito, siya ba ay

    dumating na may hangaring makipagtunggali laban sa mga Kristiyano at Hudyo, at

    bakit siya may paniniwala kay Hesus at Moises at sa lahat ng mga Propeta ng Allah,

    na isang pangunahing pangangailangan ng pananampalataya ng Islam na kung ito

    ay wala, sinuman ay hindi maaaring maging isang Muslim sa tunay na diwa ngIslam?

    Hindi ba ito ay isang di-mapag-aalinlanganang katibayan ng kanyang

    pagiging tunay na Propeta na sa kabila ng kawalan niya ng kakayahang magbasa

    at magsulat at nagkaroon ng karaniwan at mapayapang buhay sa gulang na

    apatnapu, nang siya ay magsimulang magpalaganap ng kanyang mensahe, lahat ng

    mamamayan ng Arabia ay nagimbal at namangha at naakit sa kanyang kagila-gilalas

    na kahusayan sa pananalita at talumpati? Ito ay hindi mapantayan o matularan na

    maging ang lahat ng lipon ng arabyanong manunula, mananalumpati na kinikilalaat iginagalang ay nabigong kumatha ng katulad ng kanya. At higit sa lahat, paano

    siya makapagpapahayag ng mga katotohanan tungkol sa larangan ng agham na

    nilalaman ng Quran na walang sinumang tao noong panahon na yaon ang maaaring

    makagagawa ng gayon?

    At ang panghuli, bakit siya nakaranas ng matinding hirap maging pagkaraan

    ng kanyang pagkamit ng kapangyarihan at kapamahalaan? Bigyan natin ng matapat

    na pagnilay-nilay ang kanyang binitawang mga salita nang siya ay naghihingalo:

    Kaming pamayanan ng mga Propeta ay hindi namamana. Anumang aming iniwan

    ay nakalaan sa kawanggawa.

    Bilang isang katotohanan, si Propeta Muhammad ay siyang huli sa lahat

    ng mga Propetang ipinadala ng Allah sa ibat ibang lupain at panahon mula pa sa

    simula ng pagkakaroon ng buhay ng tao dito sa planetang daigdig.

    Kung ang kadakilaan ng layunin, ang simpleng pamamaraan at ang

    kagila-gilalas ng mga bunga ang siyang tatlong batayan ng katalinuhan ng tao,sino kaya ang makapaghahamon na ihambing ang sinumang dakilang tao sa

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    11

    makabagong kasaysayan kay Muhammad ? Ang mga kilalang tao ay lumikha

    ng mga sandata, mga batas, mga nagtatayugang mga kaharian lamang. Sila

    ay nakapagtatag, ng hindi hihigit sa materyal na kapangyarihan na kadalasay

    gumuguho sa harap ng kanilang mga paningin. Ang taong ito ay hindi lamang

    nakapagpagalaw ng mga sandatahang kawal, ng mga batas, mga kaharian, ng mga

    ibat ibang lipon ng tao at angkan, ngunit milyun-milyong tao na naninirahan saikatlong bahagi ng mundo; at higit pa roon, pinagalaw niya ang mga dambanang

    dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga paniniwala, pananalig

    at maging ang mga kaluluwa. Ang kanyang tiyaga at pagtitiis sa tagumpay, ng

    kanyang layunin na ganap na nakalaan sa iisang simulain at hindi sa hangaring

    makapagtayo ng kaharian; ang kanyang walang katapusang pagdarasal, ang

    kanyang marubdob at malahimalang pakikipag-ugnayan sa Allah, ang kanyang

    kamatayan at kanyang tagumpay pagkaraan ng kanyang kamatayan; lahat ng ito

    ay sumasaksi hindi ng pagkukunwari bagkus ng matatag na pananalig na siyangnagbigay sa kanya ng lakas ng kapangyarihan upang mapanumbalik ang isang

    prinsipyo. Ang prinsipiyong ito ay may dalawang kahulugan: ang Kaisahan ng

    Diyos at ang di-nalilikhang Diyos (na konsepto); ang una ay nagpapahiwatig kung

    ano ang Diyos at ang huli ay nagpapahiwatig kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay

    nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada at ang isa naman

    ay nagsisimula sa isang kaisipan sa pamamagitan ng salita.

    Isang (dakilang) pilosopo,

    (mahusay na) mananalumpati,mambabatas, mandirigma, mananakop ng

    ibang kaisipan, (isang) tagapagpanatili

    ng maka-tuwirang prinsipyo (tungkol) sa

    isang uri ng pananampalataya na walang

    kinikilalang imahen o larawan (ng

    Diyos); tagapagtatag ng dalawampung

    makamundong naglalakihang kaharian

    at ng ispirituwal na kaharian, iyan aysi Muhammad . At hinggil sa lahat ng

    pamantayan na kung saan sinusukat

    ang kadakilaan ng tao, ito ang aming

    maitatanong, mayroon pa kayang isang

    tao na higit na dakila kaysa sa kanya

    (Muhammad)? Ito ang puna ni Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854 vol

    ii, pahina 276-77.

    Hindi ang pagpapalaganap kundi ang pananatili ng kanyang relihiyonang siyang pinagtutuunan namin ng paghanga, at ito rin ang siyang dating

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    12

    dalisay at wagas at ganap na impresiyon

    na kanyang inukit sa Mecca at Madinah ay

    siyang napanatili pagkaraan ng labindalawang

    dekadang himagsikan ng mga Indiano,

    Aprikano at Turkong nanalig sa Quran. Ang

    mga tagasunod ni Muhammad ay nagkakaisangnapagtagumpayan ang tukso ng pagbabawas

    ng mga bagay ng kanilang pananampalataya

    at panalangin sa antas ng mga damdamin

    at imahinasyon ng tao. Ako ay naniniwala

    sa Isang Diyos at si Muhammad ay Sugo ng

    Diyos, ay isang simple at tiyak na adhikain ng

    Islam. Ang matalinong pagbibigay ng larawan

    sa Diyos ay hindi kailanman humantong sakababaan ng anumang nakikitang idolo, at ang karangalan ng Propeta ay hindi

    lumihis sa pagsukat ng makataong kabutihan; at ang kanyang laging buhay na

    mga simulain o kaisipan ay pumigil sa pasasalamat ng kanyang mga disipulo sa

    hangganan ng katuwiran at relihiyon. Ito ang puna ni Edward Gibbon at Simon

    Ocklay, History of the Saracen Empire, London, 1870, pahina 54.

    Siya ang Cesar at Papa na pinag-isa; ngunit siya ay Propeta na

    walang pagbabalatkayong Papa, Cesar na walang lipon ng Cesar; na walang

    nagbabantay na kawal, na walang nagmamasid na alalay, walang kaharian, walangpermanenteng hanapbuhay; kung mayroon mang isang tao na may karapatang

    maging tagapamahala sa pamamagitan ng makadiyos na panuntunan, ito ay si

    Muhammad, sapagkat nasa kanya ang lahat ng lakas (ng kapangyarihan) na hindi

    ginamitan ng sandata at walang taguyod nito. Ito naman ang puna ni Bosworth

    Smith, Mohammad and Mohammadanism, London, 1874 pahina 72.

    Imposible sa sinumang nag-ukol ng pag-

    aaral sa buhay at ugali ng dakilang Propeta ng

    Arabia, na nakaaalam kung paano magturo at kung

    paano mabuhay upang maramdaman niya ang

    anuman maliban sa isang mapitagan at mataimtim

    na paggalang sa gayong makapangyarihang

    Propeta, isa sa dakilang Sugo ng Kataas-taasang

    (Diyos). At bagaman mayroon akong sasabihin

    sa inyo na maaaring ituring ng karamihan na ito

    ay pangkaraniwan lamang, ngunit sa aking sarili

    kapag aking binabasa itong (Quran) nang paulit-ulit, mayroong damdamin ng paghanga ang aking

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    13

    nadarama at isang bagong damdamin ng kabanalan para sa makapangyarihang

    guro ng lupaing Arabia.Ito ang puna ni Annie Besant, The Life and Teachings of

    Muhammad, Madras 1932, pahina 4.

    Siya ay nakahanda sa anumang mga pag-uusig tungkol sa kanyang

    pananalig o paniniwala, ang mga taong may mataas na paggalang atpinagpipitaganan na naniwala sa kanya at siya ay kinilala nila bilang pinuno, at

    ang kadakilaan ng kanyang natamong tagumpay - lahat ng mga ito ay nakikipagtalo

    sa kanyang pangunahing katapatan. Ang pag-aakalang si Muhammad ay isang

    huwad (na propeta) ay nagbibigay ng higit na suliranin kaysa sa pagbibigay lunas

    nito. Higit pa rito, walang isa mang dakilang tao ng kasaysayan ang binigyan ng

    kaaba-abang pagpapahalaga ng taga-kanluran maliban kay Muhammad. Ito ang

    puna ni W. Montgomery, Mohammad at Mecca. Oxford, 1953 pahina 52.

    Si Muhammad, ang taong binigyan ng ispirasyon, ang tagapagtatag ng

    Islam ay isinilang noong bandang 570 (c.e.) sa tribung Arabia, na noon, sila ay

    sumasamba sa mga idolo. Isinilang na ulila, siya ay laging matulungin sa mga

    dukha, mga kapus-palad, sa mga balo at ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa

    gulang na (20) dalawampu, siya ay isa ng matagumpay na mangangalakal, at

    pagkaraan ay naging tagapamahala ng mga naglalakbay na karaban ng kamelyo

    na pag-aari ng isang mayamang balo. Nang umabot sa gulang na (25) dalawamput-

    lima, nakitaan siya ng mabubuting katangian ng kanyang pinaglilingkuran, kaya

    inalok siya ng kasalnito. Kahit na ang babae ay (15) labinglimang taong gulang namatanda sa kanya, pinakasalan niya ito, at habang buhay, siya ay naging ulirang

    asawa.

    Tulad ng mga dakilang Propeta na nauna sa kanya, si Muhammad ay

    sadyang nakikimi bilang tagapagdala ng Salita ng Diyos, sapagkat nararam-

    daman niya ang sariling kakulangan sa pananalita. Ngunit ang anghel Gabriel

    ay nag-utos sa kanya ng Basahin mo!. Katulad ng ating nalalaman tungkol sa

    kanya, si Muhammad ay walang kakayahang magbasa o sumulat, ngunit siya ay

    nagsimulang bigkasin ang mga salitang inspirasyon na pagkaraan ay naging isang

    malaking sangay ng mundo: Na mayroon lamang Tanging Isang Diyos.

    Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay praktikal. Nang ang kanyang minamahal

    na anak na si Ibrahim ay namatay, isang eklipse ang naganap, at ang balita ay

    kumalat na nagpapahiwatig ng kalungkutan ng Diyos. Sa gayong kalagayan,

    sinabi ni Muhammad na ang eklipse (pagdidilim) ay isang likas na pangyayari.

    Hindi makatuwiran na iugnay ang mga bagay na ito sa kamatayan o pagsilang ng

    sinumang tao.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    14

    Sa oras ng kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang nilayon sa

    kanya upang siya ay gawing isang may pagkadiyos ngunit ang isang tagapamahala

    niya ay pinutol ang pagtatangkang ito sa pamamagitan ng isang dakilang pananalita

    sa kasaysayan ng relihiyon: Kung sinuman sa inyo ang sasamba kay Muhammad,

    (alalahaning) siya ay patay na. Ngunit, kung kayo ay sasamba sa Allah [Diyos],

    Siya (ang Allah) ay buhay magpakailanman.Ito ang puna ni James A Michener,Islam, The Misunderstood Religion in the Readers Digest (American Edition)

    for May, 1955, pahina 68-70.

    Ang aking pagpili kay Muhammad upang manguna sa talaan ng mga

    dakilang tao ay maaring ikagulat ng maraming mambabasa at maaari ring maging

    isang katanungan sa iba, ngunit siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan ang

    naging matagumpay sa larangan ng relihiyon at maging sekular na antas (ng

    buhay). Michael Hart, The 100:A Ranking of the most Inuential Persons inHistory, New York: Hart Publishing Company, inc 1978, pahina 33.

    Ako ay isang Kristiyano. Subalit ang mga Muslim ay hindi nauunawaan.

    Sadyang hindi inuunawa. Kung tutuusin tayong lahat ay dapat maging katulad nila.

    Sila ay makatuwiran, lalo na sa kanilang mga anak. Wala nang ibang grupo katulad

    ng mga Black Muslim, na nagsisikap nang lubos na maturuan ang kanilang

    mga anak ng mga tamang bagay, hindi sila naninigarilyo, hindi sila umiinom o

    nagpapakalango sa alak, pinangangalagaan nila ang kanilang mga kababaihan,

    sila ay nag-uutos na gumalang. At ano ang ginagawa ng ibang mga tao na ito?

    Sila ay nagrereklamo tungkol sa kanila, pinupulaan

    nila sila. Tayo ay magiging isang mahusay mundo kung

    tutularan natin sila. Hindi natin kinakailangan na

    maging isang Black Muslim, subalit maaari nating

    yakapin ang mga bagay na makabubuti.

    Puna ni Bill Cosby sa The New York

    Post kung saan niya dinetalye ang ilan sa

    mga kakulangan ng makabagong lipunan.

    Iminungkahi rin niya na kung nais nating

    magkaroon ng maayos na pamilya ay dapat

    lang na magbasa tayo ng Quran, iwas sa

    krimen at mas maraming produktibong

    tao.

    h t t p : / / w w w . b r e i t b a r t . c o m / B i g -

    Hollywood/2013/06/10/cosby-all-should-be-muslims

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    15

    ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA QURAN?Ang sangkatauhan ay tumanggap lamang ng mga Banal na Patnubay

    sa pamamagitan ng dalawang paraan: una, ang Salita ng Allah (sa pamamagitan

    ng Kanyang Kapahayagan o Banal na kasulatan); ikalawa, ang mga Propeta na

    pinili ng Allah upang maipalaganap (o maipaliwanag) ang Kanyang kautusan

    sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay lagi nang magkasama. Kaya naman

    ang anumang pagtatangkang malaman kung ano ang nais ng Allah ay nagbibigay

    daan sa pagkakaligaw kung walang pagsasaalang-alang sa dalawang bagay na

    nabanggit. Ang mga Hindu ay tumalikod sa kanilang mga Propeta at pinag-ukulan

    ang kanilang mga aklat na nagpatunay lamang ng salitang nagbibigay talinhaga

    hanggang sa kalaunan ito ay nangawala. Katulad din ng mga Kristiyano, sa ganap na

    pagwawalang bahala sa Aklat ng Allah, ay pinagtuunan ng higit na pagpapahalagasi Hesukristo at hindi lamang siya itinaas o itinuring bilang Diyos kundi ganap ding

    naglaho ang tunay na diwa ng Tawheed (Pagkilala at Pagsamba sa Tanging Isang

    Diyos) na napapaloob sa kanilang Banal na Kasulatan.

    Katotohanan pa nito, ang mga pangunahing Kasulatang ipinahayag bago

    dumating ang Quran tulad ng Torah (ni Moises) at ang Ebanghelyo (ni Hesus) ay

    dumating sa anyo ng isang aklat pagkaraan lamang ng mahabang panahon ng paglisan

    ng mga Propeta at maging ang mga pagsasalin sa ibang wika ng mga ito. Ito ay

    sapagkat ang mga tagasunod ni Moises at Hesus ay walang ginawang pagtatangkana mapanatili ang mga Kapahayagang ito sa panahon na buhay pa ang kanilang mga

    Propeta. Magkagayon, sila ay nagsulat pagkalipas ng mahabang panahon pagkaraan

    ng kanilang kamatayan. Sa gayon, kung ano ang nasa kamay ng mga Kristiyano sa

    ngayon ay nasa anyo ng Bibliya (Ang Lumang Tipan at Bagong Tipan) ay isang salin

    lamang ng ilang pangyayari tungkol sa mga orihinal na kapahayagan na naglalaman

    ng pagbabago o pagdaragdag na ginawa ng mga tagasunod ng mga naturang mga

    Propeta. Sa kabilang dako, ang huling kapahayagang aklat, ang Quran ay nanatili

    hanggang sa ngayon sa kanyang orihinal na anyo. Ang Allah na rin ang nagbigaykatiyakan na ito ay Kanyang pananatilihin sa wagas na anyo at pangangalagaan

    laban sa anumang katiwalian at ang buong Quran ay naisulat sa panahon ng

    Propeta Muhammad mismo kahit ito man ay sa mga dahon ng palmera, tipak-

    tipak na bato, balat ng hayop at mga buto. Higit sa lahat, libu-libong kasamahan ng

    Propeta ang nakasaulo ng buong Quran at ang Propeta mismo sa kanyang sarili ay

    binibigkas ito kay Anghel Gabriel minsan sa isang taon at makalawang ulit nang

    siya ay malapit ng mamatay. Pagkaraan nito, si Abu Bakar, ang unang Khalifa ay

    ipinagkatiwala ang buong kalipunan ng Quran sa isang eskriba (manunulat) ni

    Propeta Muhammad na si Zaid Ibn Thabit. Ang kalipunang ito ay nasa pag-iingatni Abu Bakr hanggang sa kanyang pagpanaw. Pagkaraan, ang pangalawang Khalifa

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    16

    na si Omar ibn Al- Khattab at pagkaraan niya ay ipinagkatiwala kay Hafsah, ang isa

    sa asawa ni Propeta Muhammad . At mula sa orihinal na siping ito, ang ikatlong

    Khalifa na si Uthman ibn Affan ay naghanda ng maraming iba pang sipi at ipinadala

    ang mga ito sa ibat ibang panig ng pamayanang Muslim.

    Ang Quran ay maingat na pinangalagaan at pinanatili sapagkat ito ay aklatng patnubay para sa sangkatauhan sa lahat ng panahong darating. Sa ganoon ngang

    kadahilanan, ang aklat na ito ay hindi nakalaan sa mga Arabo lamang sa kabila ng

    katotohanan na ito ay ipinahayag sa wikang Arabik.

    Ito ay nangungusap sa tao bilang isang nilikhang may natatanging

    pananagutan at tungkulin:

    O tao! Anong nakaakit sa iyo (upang mapaligaw) mula sa (landas ng)iyong Panginoon? Quran 82:6

    Ang mga praktikal na mga aral ng Quran ay naitatag batay sa mga

    magagandang halimbawa ni Propeta Muhammad at ng mga mabubuting Muslim

    sa lahat ng panahon. Ang kakaiba at natatanging pamamaraan ng Quran ay ukol

    sa mga alituntuning naglalayon ng pangkalahatang kapakanan ng tao at nakabatay

    sa mga kakayahang maaabot ng tao. Sa lahat ng aspeto nito, ang karunungang

    napapaloob sa Quran ay tiyak at hindi mapag-aalinlanganan. Hindi nito itinatakwil

    at hindi rin naman sinasaktan ang laman at maging ang kaluluwa. Hindi ginagawangtao ang Diyos at hindi rin ginagawang Diyos ang tao. Ang lahat ng bagay ay maingat

    na inilalagay sa angkop na kalagayang sakop ng kabuuang balangkas ng paglikha.

    Katotohanan pa nito, ang mga iskolar na nagpaparatang kay Propeta

    Muhammad na siya ang may-akda ng Quran ay nagsasabi ng isang bagay na

    sadyang imposible. Maaari bang makapagsabi ang isang tao ng ikaanim na siglo

    (C.E.) na tumutukoy tungkol sa mga katotohanan ng agham na nilalaman ng

    Quran? Maaari ba niyang maipaliwanag ang pagkakalikha ng sanggol sa loob ng

    sinapupunan ng buong ganap tulad ng ating natatagpuan sa makabagong agham sa

    ngayon?

    Pangalawa, makatuwiran bang paniwalaan na si Muhammad na hanggang

    sa gulang na 40 ay nakilala lamang sa kanyang pagiging matapat at marangal

    ay biglang naging may-akda ng isang aklat na hindi matularan sa panitikang

    kahusayan at ang katumbas nito na mga lipon ng mga manunulang arabo at

    mananalumpati ng mataas na kalibre ay walang kakayahang kumatha? At ang huli,

    makatarungan bang sabihin na si Muhammad na kilala ng lahat bilangAl-Ameen(ang mapagkakatiwalaan) sa kanyang lipunan at patuloy na hinahangaan ng mga

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    17

    di-Muslim na iskolar ng dahil sa kanyang angking katangian ng pagiging matapat

    at marangal ay dumating na may dalang huwad na pag-aangkin (ng kapahayagan) at

    sa ganoong panghuhuwad ay makapagtuturo sa libu-libong tao ng kabutihang asal,

    ng marangal at matapat na katangian na nakapaghubog ng pinakamabuting tao sa

    balat ng lupa?

    Katiyakan, ang sinumang matapat at walang kinikilingang manunuri ng

    katotohanan ay maniniwala na ang Quran ay kapahayagang Aklat na nagmula sa

    Dakilang Allah.

    Bagaman kayo ay hindi naman kinakailangang sumang-ayon sa lahat ng

    kanilang sinabi, kayo ay aming bibigyan ng ilang kuru-kuro o pamumuna mula sa

    mga pinagpipitaganang iskolar na di-Muslim na nagpahayag ng sariling puna tungkol

    sa Quran. Ang mga mambabasa ay madaling makita kung paano ang makabagongdaigdig ay lumalapit sa katotohanan hinggil sa Quran. Kami ay nananawagan sa

    lahat ng iskolar na bukas ang kaisipan na pag-aralanang Quran sa pananaw ng

    naturang mga puntos. Aming tinitiyak na ang anumang ganitong pagtatangka ay

    makahihikayat sa isang mambabasa na ang Quran ay hindi maaaring maisulat ng

    sinumang tao.

    Gaano man kadalas basahin ito (ang Quran) ang pagtunghay nito sa

    simula ay nakababagot ngunit unti-unti ang paanyaya nito ay sadyang nakakaakit,

    namamangha sa mga salaysay at sa huli ay nagdadala sa rurok ng kabanalan(at taimtim na pagdakila) nito. Ang pamamaraan nito ay umaalinsunod sa mga

    nilalaman nito at ang layunin ay masigasig, matayog, kamangha-mangha, lagi

    nang may dalang tunay na inspirasyon. Kaya, ang aklat na ito ay patuloy na mag-

    aanyaya sa lahat ng panahon ng isang mapuwersang panghihikayat. Ito ang puna

    ni Gothe na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam, pahina 526.

    Aking tinanggap nang walang alinlangan, na ang Quran ay tumatangan

    ng isang mahalagang katayuan mula sa kalipunan ng mga dakilang aklat na

    panrelihiyon sa buong mundo. Bagaman ito ang pinakabago sa lahat ng likhang

    pampanitikan, ito ay gumawa ng isang kagila-gilalas na bunga samalaking pangkat

    ng tao. Ito ay lumikha ng isang bagong makataong kaisipan at isang bagong sigla ng

    pag-uugali. Una nitong hinubog ang maraming bilang na tribu ng disyertong lupain

    ng Arabia tungo sa isang pamayanan ng mga bayani at pagkaraan ay nagpatuloy

    na lumikha ng isang malawakang pampulitiko at relihiyosong mga samahan ng

    mga tagasunod ni Muhammad na itinuturing na pinakadakilang puwersa na dapat

    bigyang pansin ng mga taga-Europa at ng Silanganin sa ngayon.Ito ang puna ni

    G. Margoliouth, introduction to JM Rodwells The Quran, New York, EverymansLibrary, 1977, pahina 7.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    18

    Isang gawa, na pagkaraan, ay malakas na nanawagan at tila walang

    maihahambing na mga damdamin na kahit sa malayong mambabasa malayo sa

    sukat ng panahon at higit pa rito bilang kaunlarang pangkaisipanay isang gawa

    na hindi lamang naghahatid ng pagkamuhi sa simula ng kanyang pananaliksik

    ngunit nagbabago (naman) ang ganitong damdamin tungo sa pagkamangha at

    paghanga, ang gayong gawa ay maaaring isang kamangha-manghang bungang makataong kaisipan at isang suliranin sa pinakamataas na layunin ng bawat

    mapag-isip na tagapagmasid ng mga tadhana ng sangkatauhan. Ito ang puna ni

    Dr. Steingass na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam pahina 526-7.

    Ang nabanggit na obserbasyon sa

    itaas ay nagbigay ng paunang mungkahi

    ng mga nakakita kay Muhammad na siya

    ang may-akda ng Quran ay sadyangwalang batayan. Paanong ang isang tao

    mula sa pagiging isang di-nakapag-aral

    ay naging isa siya sa mahalagang may-

    akda sa larangan ng likhaing panitikan

    sa buong pampanitikang Arabik? Paano

    niya, kung gayon, naipahayag ang mga

    katotohanan ng kalikasan ng agham samantalang walang tao ang maaaring

    makagawa ng gayong pahayag sa panahong yaon, at ang lahat ng mga ito na

    kahit minsan ay hindi nagkaroon ng kahit bahagyang kamalian sa kanyangpagpapahayag sa naturang paksa? Ito ang puna ng Scientist na taga-Pransiya na

    si Maurice Bucaille, sa kanyang aklat na may pamagat na The Bible, the Quran

    and Science, 1978, pahina 125.

    Dito, samakatuwid, ang katangian nito bilang isang likhang panitikan

    ay hindi nararapat marahil na sukatin sa pamamagitan ng mga nabuong kasa-

    bihang may bahid diskriminasyon at panlasa, kundi sa mga bunga na kanyang

    nagawa sa mga kasabay ni Muhammad at sa kanyang mga kababayan. Kung ito

    man ay nagsalita ng may taglay na lakas ng kapangyarihan at ng panghihikayat sa

    mga puso ng kanyang mga tagapakinig upang pagdugtungin nito ang salungat at

    hindi sumasalungat na elemento sa isang matibay na pagkakaisa at pinagsanib na

    katawan, at pinagtibay ng mga kaisipang malayo sa mga kaisipang pang arabeng

    nangingibabaw sa ngayon, magkagayon, ang marubdob na pagpapahayag

    ay sadyang ganap, sa simpleng dahilan na ito ay lumikha ng isang makataong

    pamayanan mula sa malulupit na tribu at nagbigay ng bagong pag-asa sa dating

    sinira (distorted) ng kasaysayan. Ito ay puna ni Dr. Steingass, hinango sa Hughes

    Dictionary of Islam pahina 528.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    19

    Sa aking paggawa ng kasalukuyang pagtatangka upang pag-ibayuhin

    ang gawain ng aking mga naunang kasamahan at makagawa ng isang bagay na

    maaaring tanggapin bilang kahalintulad ng kahanga-hangang pagbigkas ng Quran

    sa wikang Arabik bagaman ito ay kapos sa diwa (at sigla), ako ay nakaranas ng

    hirap sa pag-aaral ng masalimuot ngunit mayaman at ibat ibang indayog na bukod

    sa dalang sariling mensahe nitoay binubuo ang Quran nang di-mapasubaliangpag-aangkin na ito ay nabibilang na isa sa mga dakilang likhang pampanitikan

    ng sangkatauhan. Ang kanyang taglay na katangian yaong di-mapantayang

    indayog tulad ng paniniwala ni Pickthall na inilarawan sa kanyang Banal na Aklat,

    ang pinakahimig nito ay pumupukaw at nagdadala sa tao ng pagluha sa kanilang

    mga mata at pagkamangha ay hindi man lang binigyang pansin ng mga naunang

    tagasalin, samakatuwid, hindi nga kataka-taka kung walang sigla at walang buhay

    ang kanilang ginawang pagsalin kung tunay na ito ay ihahambing sa kagila-gilalas

    at pinalamutiang orihinal nito. Ito ay puna ni Arthur J. Arberry, The QuranInterpreted, London: Oxford University Press, 1964, pahina 10.

    Ang isang lubos at makabuluhang pagsusuri nito (Quran) sa pananaw

    ng makabagong kaalaman ay maghahatid sa atin upang makilala ang pagka-

    kasundo ng dalawa (ang Quran at makabagong agham) tulad ng sinabi noon sa

    ilang ulit na pagkakataon. Sadyang hindi nga namin maubos isipin para sa isang

    tao sa panahon ni Muhammad na maging may-akda ng gayong pahayag batay sa

    kalagayan ng kaalaman noong kanyang kapanahunan. Ang gayong pagsasaalang-

    alang ay mga bahagi na nagbibigay sa Kapahayagan ng Quran ng isang kakaibangkalagayan, at ang puwersa na naghatid sa mga walang pagkiling na siyentipiko

    upang tanggapin ang kanyang kawalan ng kakayahan na magbigay ng paliwanag

    batay lamang sa mga naturang materyalistikong pangangatuwiran. Ito ang puna

    ni Maurice Bucaille, The Quran and Modern Science, 1981, pahina 18.

    Karagdagan ng tagasalin sa Tagalog.

    Sa kabuuan, matatagpuan natin sa Quran ang mga Tinipong karununganna maaaring gamitin ng marurunong na tao, mga dakilang pilosopo, at

    pinakamahusay na politiko. Ngunit may iba pang pagpapatunay sa kabanalan ng

    Quran, ito ay ang katotohanang napanatili nila nang buo sa habang panahon

    mula nang ito ay ipahayag at magpahanggang ngayon. Binabasa at muling

    walang sawang binabasa ng mga Muslim at dahil sa paulit-ulit na pagbasa, ito

    ay natutuhang mahalin sa bawat araw. Ito ang nagbunsod ng isang malalim na

    damdamin ng mapitagang takot at paggalang ng ninumang bumabasa o nakikinig

    nito. Kaya hindi sa pamamagitan ng talas ng sandata o sapilitang pakikialam ng

    mga misyonaryo ang sanhi ng mabilis at dakilang pagsulong at pagkalat ng Islam,bagkus higit sa lahat mula sa katotohanang itong Quran ay Aklat ng Diyos na

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    20

    itinanghal at ibinantayog ng mga Muslim sa harap ng mga manlulupig, at may

    kalayaang tanggapin o tanggihan. Ito ay puna ni

    Laura Veccia Vagliere hinango ni E. Bawany, 1967

    pahina 62.

    Ang Quran ay hitik ng dakilang moral na aralat alituntunin; ang kaayusan ay baha-bahagi na hindi

    maititiklop ang isang pahina na hindi katatagpuan ng

    mga simulain o sawikain na aayunan o pagtitibayin ng

    lahat ng tao. Ang baha-bahaging ayos nito ay nagbunga

    ng mga paksa, kaisipan at lubos na alituntunin na

    angkop sa karaniwang tao sa anumang pangyayari.

    Sinulat ni JW Draper, vol 1, 1875.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    21

    TUNGO SA TAMANG PATNUBAY

    Ang katagang Islam ay isang salita mula sa wikang Arabik na

    nangangahulugan ng pagsuko sa Kalooban ng Allah (Diyos). Hinango ito sa

    salitang Arabik na Salam na nangangahulugan din ng kapayapaan. Kaya

    naman, ang relihiyong Islam ay nagtuturo ng pagsuko sa Diyos ayon sa Kanyang

    mga ipinahayag na Banal na Batas tungo sa tunay na kapayapaan ng isip at

    kapanatagan ng puso ng tao. Ang pinakamahalagang katotohanang ipinahayag ng

    Allah sa sangkatauhan ay ang walang sinumang banal o may karapatang sambahin

    maliban sa Makapangyarihang Diyos, ang Allah. Samakatuwid, ang lahat ng tao ay

    nararapat lamang sumuko at sumamba sa Kanya.

    Ang katagang Muslim ay yaong sumusuko sa Kalooban ng Allah(Diyos) maging anuman ang kanyang lahi, bansa o tribu. Ang pagiging Muslim

    ay nangangahulugan ng kusang-loob na pagsuko at mapagpakumbabang pagtalima

    sa Allah (Diyos), at mamuhay nang ayon sa Kanyang kautusan. Marami ang

    may maling pag-aakala na ang Islam ay isang relihiyon ng mga Arabo lamang.

    Ito ay sadyang malayo sa katotohanan. Karagdagan, sa maraming pumapasok sa

    Islam sa lahat ng sulok ng daigdig lalo na sa Inglatera at Amerika, makikita natin

    ang sambayanang Muslim mula Bosnia hanggang sa Nigeria, at mula Indonesia

    hanggang sa Morocco. Maliwanag na makikita na ang mga Muslim ay galing sa

    maraming ibat ibang lahi, kulay at tribu. Sa katunayan, higit sa 80% bahagdanng pangkalahatang Muslim ay hindi mga Arabo. Higit na marami ang Muslim sa

    Indonesia kaysa sa buong bansang Arabo. Kaya naman, kahit na nakararami ang

    bilang ng Muslim sa mga lahing Arabo, hindi sila ang pinakamalaking bilang ng

    Muslim sa daigdig. Magkagayon, sinumang sumuko nang lubusan sa Allah (Diyos)

    at Siya lamang ang kanyang sinasamba ay isang Muslim.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    22

    ANG WALANG HANGGANG MENSAHE

    Hindi bago ang relihiyong Islam sapagkat ang Islam (ang pagsuko sa

    kalooban ng Diyos) ay tanging relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa ganitong

    kadahilanan, ang Islam ay tunay at likas na relihiyon, at ito ang dating walang-

    hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaloy ng panahon sa lahat ng Propeta ng

    Allah katulad nina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad . Silang lahat

    ay nagturo ng isang magkakatulad na Mensahe: ang dalisay na Monoteismo. Hindi

    nagtatag ng bagong relihiyon si Propeta Muhammadkatulad ng maling pag-aakala

    ng marami, bagkus Siya ang pinakahuling Propeta ng Islam. Sa pagpapahayag ng

    Allah sa Kanyang huling mensahe kay Muhammad , na sadyang walang-hanggan

    at para sa lahat ng sangkatauhan, binigyang kaganapan ng Allah ang kasunduan

    na Kanyang ibinigay kay Abraham, na isa sa mga nauna at bantog na Propeta.Sapat ng sabihin na ang panuntunan ng Islam ay siya ring panuntunan ni Propeta

    Abraham, sapagkat kapwa Bibliya at Quran ay nagpapakilala kay Abraham bilang

    isang huwaran ng sinumang isinusuko nang buong puso ang sarili sa kalooban ng

    Allah, at siya ay tuwirang sumasamba sa Diyos na walang isinaalang-alang na

    tagapamagitan. Sa oras na maunawaan ito, magiging maliwanag na ang Islam ang

    siyang pandaigdigan at walang-hanggang mensahe kaysa sa lahat ng relihiyon,

    sapagkat lahat ng Propeta at Sugo ng Allah ay mga Muslim (silay sumusuko

    sa Kalooban ng Allah), at kanilang itinuro ang Islam (pagsunod sa Kalooban ng

    Makapang-yarihang Allah).

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    23

    ANG KAISAHAN NG ALLAH

    Ang haligi ng pananampalatayang Islam ay ang

    paniniwala sa Kaisahan ng Allah - ang tanging Diyos

    na sinasamba ng mga Propeta kasama na rito sina

    Abraham, Noah, Moses, at Hesus at Muhammad .

    Itinuturo ng Islam na ang dalisay na paniniwala sa

    Allah ay likas sa tao. Kaya naman, nagagampanan

    nito ang likas na pagnanais ng kaluluwa. Ang

    konsepto ng Diyos sa Islam ay tuwiran, maliwanag

    at madaling maunawaan. Itinuturo ng Islam na ang

    puso, kaisipan at kaluluwa ng tao ay mga angkop na

    sisidlan ng maliwanag na banal na pahayag. Ang mgapahayag ng Allah sa tao ay hindi nalalambungan ng magkasalungat na misteryo

    o labag sa katwirang katuruan. Kaya naman, itinuturo ng Islam na bagaman hindi

    kayang matarok at di-maabot nang lubusan ng ating limitadong kaisipan ang

    Kaluwalhatian ng Allah, hindi Niya inaasahan na tayoy tumanggap ng mga di-

    makatotohanan o lantarang huwad na paniniwala hinggil sa Kanya.

    Ayon sa mga katuruan ng Islam, ang Makapangyarihang Allah ay tanging

    Iisa. Ang Kanyang kaisahan ay hindi dapat mabahiran ng pagbibigay katambal sa

    Kanya, maging sa paniniwala at pagsamba. Dahil dito, pinag-uutusan ang mgaMuslim na panatilihin ang tuwirang ugnayan sa Allah. Magkagayon, ang anumang

    tagapamagitan ay tahasang ipinagbabawal. Sa pananaw ng Islam, ang paniniwala

    sa Kaisahan ng Diyos ay nangangahulugan na ang pagganap ng lahat ng panalangin

    at pagsamba ay nararapat na iukol ng bukod-tangi sa Kanya. Siya lamang ang may

    karapatan sa katawagang Panginoon at Tagapagligtas.

    Bagaman ang ibang relihiyon ay naniniwala sa Iisang Diyos, hindi nila

    iniuukol ang kanilang panalangin sa Kanya. Gayundin, ibinibigay nila angkatawagang Panginoon sa mga nilikha na sadyang malayo sa pagkakaroon ng

    mga katangiang Ang Maalam ng Lahat ng Bagay, Ang Makapangyarihan, at

    Ang Walang Pagbabago. Sa kabila ng katotohanang ito, ang mga katangian ng

    tunay na Diyos ay matutunghayan din maging sa kanilang hawak na kasulatan.

    Ayon sa Islam, hindi sapat na ang tao ay maniwala na ang Diyos ay iisa, bagkus

    nararapat niyang gampanan ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng tamang pag-

    aaral. Sa madaling salita, ang konsepto ng Diyos sa Islam, na lubos na nakasalalay

    sa Banal na Pahayag, ay sadyang maliwanag sa pagiging Banal Ang Diyos ay

    Diyos at ang tao ay tao. Sa dahilang ang Diyos (Allah) ay ang tanging Lumikha atang Tagapanustos sa sandaigdigan, Siya ay may kahigtan sa Kanyang mga nilikha

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    24

    ang Lumikha at ang nilikha ay hindi kailanman maghahalo. Nagtuturo ang Islam na

    ang Diyos ay may natatanging kalikasan, at Siya ay malaya sa kasarian, kahinaan,

    at lampas sa anupamang kayang liripin ng tao.

    Nagtuturo ang Banal na Quran na ang mga Tanda at katibayan ng katalinuhan,

    kapangyarihan at pananatili ng Diyos ay kitang-kita sa ating kapa-ligiran. Kayanaman, tinatawagan ng Allah na pag-isipan ng tao ang mga nilikha sa paligid niya

    upang magkaroon siya ng higit na pang-unawa sa Kanyang Lumikha. Naniniwala

    ang mga Muslim na ang Allah ay Mapagmahal, Maawain, at Mahabagin. Nasa

    Kanyang Kamay ang araw-araw na pangyayari sa tao. Sa ganitoy nasa natatanging

    katamtamang katayuan ang Islam sa gitna ng huwad na pananampalataya at

    mapagmalabis na pilosopiya.

    Maraming relihiyon at pilosopiya ang naglalarawan sa Diyos na may Mataasna Kapangyarihan subalit walang malasakit, o hindi mulat sa buhay ng bawat

    isang tao. Ang ibang relihiyon naman ay nagbibigay sa Diyos ng mga katangiang

    pantao, at nagtuturo na Siya ay naroroon sa Kanyang mga nilikha, sa pamamagitan

    ng pagsasatao, o pagiging isang nilikhang bagay. Sa kabilang dako, sa Islam ay

    binigyang-linaw ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahayag sa

    tao na Siya ay Mapagmahal, Mahabagin, Maawain at Kanya ring tinutugon ang mga

    panalangin. Subalit Kanya ring binigyang-diin na walang anumang makatutulad sa

    Kanya, na Siya ay di-sakop ng panahon, kapaligiran at ng Kanyang nilikha.

    Dapat ding banggitin na ang Allah na sinasamba ng mga Muslim ay

    Siya ring Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at Kristiyano sapagkat iisa lamang

    ang Diyos. Sa kasamaang-palad, ang ibang tao ay may maling pananaw na ang

    sinasambang Diyos ng mga Muslim ay kaiba sa Diyos ng mga Hudyo at Kristiyano,

    at inaakala na ang Allah ay isa lamang diyos ng mga Arabo. Ang maling

    kaisipang ito na patuloy na ipinalalaganap ng mga kaaway ng Islam ay sadyang

    malayo sa katotohanan, sapagkat ang katagang Allah ay pantanging pangalan

    ng Makapangyarihang Diyos sa wikang Arabik. Ito rin ang katagang ginagamit ng

    mga Arabong Hudyo at Kristiyano. Magkagayunman, dapat liwanagin na bagaman

    magkatulad ang sinasamba ng mga Muslim sa Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at

    Kristiyano, ang konsepto nila sa Kanya ay iba. Bilang halimbawa, hindi tinatanggap

    ng mga Muslim ang paniniwala ng mga Kristiyano at Hudyo na ang Allah ay isa

    sa Tatlong Persona ng Diyos o ang Diyos ay nagkaroon ng anak. Hindi lamang

    itinatakwil ito ng Banal na Quran bagkus kung ito nga ang tunay na kalikasan ng

    Allah (Diyos), disin sanay maliwanag na ipinahayag Niya ito kina Noah, Abraham,

    Moses, Hesus, Muhammad at iba pang mga Propeta.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    25

    ANG BANAL NA QURAN

    Ang literal na kahulugan ng katagang Quran mula sa wikang Arabik ay

    ang babasahin o bibigkasin. Kapag ginamit ito hinggil sa Islam, nangangahulugan

    ito ng panghuling mensahe ng Allah sa sangkatauhan na ipinahayag kay Propeta

    Muhammad . Ang Banal na Quran, na magkaminsay isinusulat na Koran,

    ay literal na Salita ng Allah na lagi nang binabanggit sa tuwina. Taliwas sa ibang

    mga banal na pahayag, lubusang napag-ingatan ang Quran sa bawat kataga nito

    at kahulugan sa isang buhay na wikaisang wikang ginagamit pa rin hanggang sa

    kasalukuyan.

    Isang buhay na himala ang Quran sa wikang

    Arabik; at bantog bilang Aklat na hindi matularansa istilo, uri at sa bisang ispirituwal nito. Ibinaba

    ang huling Pahayag na ito kay Propeta Muhammad

    sa loob ng 23 taon. Ang pagkakaiba ng Banal

    na Quran sa ibang aklat na pangrelihiyon ay ang

    lagi nang pagturing sa Banal na Quran bilang

    isang Salita ng Allah ng mga taong naniniwala

    ritohindi ito isang bagay na ipinasiya ng isang

    konseho maraming taon pagkaraang naisulat.

    Gayundin, binibigkas ang Banal na Quran nanghayagan sa harapan ng kapwa Muslim at di-

    Muslim na lipunan noong panahon ni Propeta

    Muhammad . Ang buong Quran ay lubusang

    naisulat, at marami sa mga kasamahan ng Propeta

    ang nakasaulo nito nang ganap sa bawat titik

    at pagbigkas kung papaano ito naipahayag. Kaya naman, taliwas sa ibang aklat, ang

    Banal na Quran ay lagi nang nasa kamay ng mga karaniwang mananampalataya

    at kailanmay hindi sila nagkaroon ng pag-aalinlangan na ito ay Banal na Salita ngAllah. Dahil sa malawakang pagsasaulo nito, ganap itong napanatili.

    Sa kabilang banda, ang mga kasulatang hawak ngayon ng ibang relihiyon

    ay nahaharap sa malaking pag-aalinlangan hinggil sa pagiging dalisay o orihinal

    ng mga ito. Ang mga tagasunod na rin ang nagbibigay ng lantarang pagpuna sa

    maraming pagkakasalungat at kamaliang nasasaad sa mga ito.

    Hinggil sa katuruan ng Banal na Quran, isa itong pandaigdigang Kasulatan

    at ito ay patungkol sa lahat ng sangkatauhan, hindi sa isang partikular na tribu onatatanging-tao. Hindi bago ang dala ng mensaheng ito, bagkus ang mensaheng

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    26

    dinala rin ng lahat ng Propeta: Pagsuko sa Makapangyarihang Diyos at Pagsamba

    lamang sa Kanya. Kaya naman, ang pahayag ng Allah sa Quran ay nakatuon sa

    pagtuturo sa tao sa kahalagahan ng paniniwala sa Kaisahan ng Diyos, hubugin ang

    kanilang buhay sa patnubay na Kanyang ipinadala.

    Karagdagan nito, mababasa sa Banal na Quran ang mga kasaysayan ngmga naunang Propeta tulad nina Abraham, Noah, Moses at Hesus; at gayundin ng

    maraming mga pag-uutos at pagbabawal mula sa Dakilang Allah.

    Sa makabagong panahon na kung saan nakalugmok ang maraming tao sa

    matinding pag-aalinlangan, sa kawalang-pag-asa sa ispirituwal na pangangailangan

    at sa di-malamang katumpakan ng pamahalaan, ang Banal na Quran ay nag-aalay

    ng kalutasan sa kahungkagan ng ating pamumuhay at sa kaguluhan na sumasakmal

    sa mundo sa ngayon. Sa maikling pananalita, ang Banal na Quran ay isang aklat

    ng patnubay na di-mapapantayan ang kahusayan.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    27

    SI PROPETA MUHAMMADTaliwas sa mga namuno ng maraming relihiyon, ang huling

    Propeta ng Islam ay tunay na naitala bilang isang kilalang

    tao sa kasaysayan. Maliwanag ng ganap ang kanyang

    buhay sa mga nasusulat na kasaysayan, at batid

    maging ang pinakamaliit na detalye ng kanyang

    pamumuhay. Hindi lamang tangan ng mga Muslim

    ang ganap na teksto ng mga Banal sa Salita ng Allah

    na ipinahayag kay Muhammad , hawak din nila

    ang kanyang mga napanatiling winika at pangaral o

    salaysay na tinatawag na Hadith.

    Matapos banggitin ang mga ito, dapat malaman ng sinuman na ang mga

    Muslim ay naniniwala na si Propeta Muhammad ay tao lamang na pinili ng

    Allah, at siya ay walang anumang katangian ng pagkadiyos. Upang ilayo ang tao sa

    pagsamba sa kanya, itinuro ni Propeta Muhammad sa mga Muslim na tawagin

    siyang Sugo ng Diyos at Kanyang Alipin. Ang misyon ng panghuli at pangwakas

    na Propeta ng Allah ay tanging ituro sa tao na walang sinuman ang maaaring

    tawaging diyos o may karapatang sambahin maliban sa Makapangyarihang Allah,

    at gayundin ang maging buhay na halimbawa ng pahayag ng Allah. Sa payak na

    salita, nagpadala ng kapahayagan ang Allah kay Muhammad , na kanya namangitinuro, isinabuhay at ipinairal sa sambayanan.

    Sa ganitong paraan, higit pa sa pagiging Propeta si Muhammad dahil siya

    rin ay isang tagapangasiwa ng pamahalaan at isang pinuno. Siya ay namuhay nang

    payak sa paglilingkod sa Allah, at pinamunuan niya ang isang relihiyon na sadyang

    saklaw ang lahat ng aspeto ng pamumuhay isang panuntunan ng buhay. Itinuro

    niya kung ano ang ulirang kaibigan, asawa, guro, pinuno, mandirigma at hukom.

    Dahil dito, sinusunod siya ng mga Muslim hindi dahil sa kanyang kapakanan,bagkus bilang pagtalima sa Allah. Hindi lamang ipinakita ni Muhammad kung

    papaano makipagkapwa-tao, higit na mahalaga ay ipinakita niya kung papaano

    makipag-ugnayan at sumamba sa Allah ayon sa mga paraang nais Niya.

    Katulad ng ibang Propeta, naharap si Propeta Muhammad sa matinding

    pagtutol at pagmamalupit sa panahon ng kanyang misyon. Magkagayunman, nanatili

    siyang mapagpaumanhin, matiisin at makatarungan. Kanyang pinakitunguhan nang

    mabuti ang kanyang mga kaaway. Naging matagumpay ang bunga ng kanyang

    misyon. Bagaman nagsimula ang kanyang misyon sa pinakamahina at malayongmga pook sa mundo, lumaganap ang Islam mula Espanya hanggang sa Tsina sa

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    28

    loob lamang ng isang daang taon pagkaraang mamatay si Propeta Muhammad .

    Siya ang pinakadakila sa lahat ng mga Propeta ng Allah hindi sa dahilang nagdala

    siya ng bagong mga doktrina o gumawa ng higit na mahuhusay na himala, bagkus

    ang bunga ng kanyang misyon ay nagdala ng higit na bilang ng tao sa landas ng

    dalisay at tamang paniniwala sa Iisang Tunay na Diyos kaysa sa ibang Propeta.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    29

    ANG PAMAMARAAN NG BUHAY SA ISLAM

    Sa Banal na Quran, itinuturo ng Allah sa tao na nilikha sila upang sambahin

    Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang laging pag-alaala sa Allah.

    Sa dahilang sakop ng Islam ang lahat ng aspeto ng buhay, ang lagi nang paggunitasa Allah ay binibigyan ng pansin sa lahat ng gawain ng tao. Binibigyang-linaw ng

    Islam na ang lahat ng kilos ng tao ay itinuturing na mga gawang pagsamba kung

    ginagawa ito dahil sa Allah at ayon sa Kanyang Banal na Batas. Kaya naman, ang

    pagsamba ay hindi lamang mga panrelihiyong rituwal. Ang mga katuruan sa Islam

    ay nagsisilbing habag at lunas sa kaluluwa ng tao. Ang mga katangiang katulad ng

    pagpapakumbaba, katapatan, matiisin at pagkakawanggawa ay matiim na ipinag-

    uutos. Karagdagan nito, ipinagbabawal sa Islam ang pagmamalaki at pamumuri sa

    sarili, sa dahilang ang Allah lamang ang tanging Hukom sa pagkamakatwiran ngtao.

    Ang pananaw ng Islam sa kalikasan ng tao ay higit na makatotohanan at

    mahusay na pinagtimbang. Hindi pinaniniwalaan na likas na makasalanan ang tao,

    bagkus siya ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama. Itinuturo rin ng

    Islam na ang paniniwala at pagsagawa ay lagi nang magkasama. Binigyan ng Allah

    ang tao ng kalayaan, kaya naman ang sukat ng kanyang pananampalataya ay batay

    sa kanyang mga gawa at asal. Gayundin naman, nilikha ang tao na sadyang mahina

    at lagi nang natitisod sa kasalanan. Ito ang kalikasan ng taong nilikha ng Allah ayonsa Kanyang Talino. Ang tao ay hindi likas na makasalanan o nangangailangan ng

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    30

    kumpuni. Ito ay sa dahilang laging bukas ang landas ng pagsisisi sa lahat ng tao. At

    minamahal ng Allah ang nagsisising makasalanan na taos pusong naninik-luhod sa

    paghingi ng tawad sa Kanya.

    Naitatatag ang tunay na pamumuhay Islamiko sa pamamagitan ng tamang

    takot sa Allah at matapat na paniniwala sa Kanyang Walang-Hanggang Habag.Ang isang pamumuhay na walang takot sa Allah ay humahantong sa kasalanan

    at pagsuway, samantalang ang paniniwalang hindi patatawarin ng Allah ang mga

    mabibigat na kasalanan ay humahantong sa kawalan ng pag-asa. Ang Islam ay

    nagtuturo: Tanging ang mga naliligaw lamang ang nawawalan ng pag-asa sa

    Habag ng kanilang Panginoon.

    Karagdagan nito, ang Banal na Quran na ipinahayag kay Propeta

    Muhammad ay naglalaman ng napakamaraming katuruan hinggil sa kabilang-buhay at sa Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, naniniwala ang mga Muslim na ang

    lahat ng tao ay hahantong sa paglilitis ng Allah sa kanilang mga paniniwala at gawain

    nang silay nabubuhay pa sa mundo. Sa paghusga sa tao, ang Allah ay Mahabagin

    at Makatarungan. Huhusgahan ang tao ayon lamang sa kanilang nakayanan. Sapat

    nang sabihin na itinuturo ng Islam na ang buhay ay isang pagsubok, na ang lahat

    ng tao ay may pananagutan sa Allah. Ang matapat na paniniwala sa kabilang buhay

    ay isang susing humahantong sa isang matuwid na buhay at moral. Sa kabilang

    banda, kung ang pananaw ay wala nang darating pa pagkatapos ng kamatayan,

    ito ay magdudulot sa tao na maging maramot, makamundo at magkakaroon ngmababang moralidad.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    31

    ISLAM - TUNGO SA HIGIT NA MAHUSAY NA PAMUMUHAY

    Itinuturo ng Islam na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makamtan

    sa pamamagitan ng isang pamumuhay na may kaakibat na paggunita sa Allah, at

    sa pagkakaroon ng kasiyahan sa bawat biyayang ibinibigay Niya. Karagdagan

    nito, ang tunay na kasarinlan ay ang kalayaan sa pagiging alipin ng mababang

    pagnanasa, at kalayaan sa mga ideolohiyang gawa ng tao. Ang naturan ay siya

    namang kabaliktaran sa pananaw ng maraming tao sa makabagong daigdig na

    itinuturing ang Kalayaan bilang isang kakayahang bigyang-kasiyahan ang lahat

    ng kanilang pagnanasa nang walang pagpipigil.

    Ang maliwanag at malawak na patnubay ng Islam ay nagbibigay sa tao

    ng isang malinaw na takda sa layunin at landas ng buhay. Bilang karagdagan sapagiging kasapi ng kapatiran sa Islam, ang timbang at praktikal na katuruan ay

    pinagmumulan ng kapayapaan, patnubay at moralidad. Ang tuwiran at malinaw na

    ugnayan sa Makapangyarihang Diyos, kasama ng pagkakaroon ng pagpapahalaga

    sa layunin at sa pagiging kasapi ng pandaigdigang kapatiran ay nagpapalaya sa

    tao mula sa maraming

    pagkabalisa sa araw-araw

    na pamumuhay. Sa maikling

    salita, ang pamamaraang

    buhay Islamiko ay dalisayat kapaki-pakinabang.

    Nagtuturo ito ng pagdisiplina

    at pagpipigil sa sarili sa

    pamamagitan ng palagiang

    pagdarasal at pag-aayunong

    itinakda nito. Nagpapalaya

    rin sa tao sa mga pamahiin

    at sa rasismo (lahat ngpagbibigay ng di-matwid

    na opinyong nauukol sa

    lahi, lipi, kulay ng balat at

    kabansaan). Makakamtan

    lamang ng tao ang tunay na

    karangalan o kadakilaan sa

    pamamagitan ng pagtanggap

    sa lagi nang paggunita sa

    Allah sa araw-araw nagawain at ang pagtanggap na

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    32

    ang tanging pagkakaiba ng tao sa mata ng Allah ay ang pagiging masunurin sa

    Kanya.

    Binigyan tayo ng Dakilang Lumikha ng talino at kakayahang mangatwiran,

    magtimbang at magpasiya. Kaya inilagay Niya ang ating isip sa pinaka-itaas ng ating

    katawan, ang ulo, upang ito ay manguna at mamayani sa ating pagpapasiya nanghigit sa damdamin o emosyonna kadalasay nakapaglilihis ng landas. Sinumang

    nagnanais magkaroon ng tama at makatarungang pagtitimbang at paghuhusga, siya

    ay dapat maharap sa higit sa isang pag-aaralan o pagpipilian. Huwag ibilanggo

    ang sarili sa isang pananampalatayang hindi dumaan sa malaya at kusang pagpili.

    Huwag talikuran ang karapatang pumili ng isang tamang pananampalatayang

    makapagbibigay ng katiyakan sa kasiyahan at kapanatagan hindi lamang dito sa

    lupa bagkus maging sa kabilang buhay.

    Inaanyayahan namin kayong magpatuloy sa pag-aaral hinggil sa Islam

    upang magkaroon ng kaukulang kaalaman na siyang tanging kailangan upang

    timbangin at piliin ang katotohanan tungo sa isang tamang pananampalataya at

    ganap na panuntunan ng buhay.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    33

    ANG MGA KARAPATAN NG TAO AYON SA ISLAM

    Dahil ang Allah (Diyos) ang Siyang Ganap at Tanging may Kapangyarihan

    at may Kapamahalaan sa mga tao at sa buong sanlibutan, Siya ang Nag-iisang

    Nakapangyayaring Panginoon, ang Tanging Isang Tagapagtaguyod at Tagapanustos,

    ang Maawain, na ang Kanyang awa ay laganap at sakop sa lahat ng Kanyang nilikha;

    at dahil sa Siya ang nagbigay sa bawat tao ng makataong dangal at prinsipiyo at

    hiningahan Niya ng Kanyang Espiritu, magkagayon ang tao ay nakikiisa sa Kanya.

    At sa pamamagitan Niya, ang mga tao ay magkakatulad sa elementong sangkap ng

    pagkakalikha nila at walang tunay na kaibahan na dapat pangibabawan ng bawat

    isa nang dahil lamang sa pagkakaiba-iba tulad ng angkan, kulay o lahi bukod pa

    sa sari-sariling katangian (sa ugali, asal o kilos). Ang bawat tao, samakatuwid, ay

    may kaugnayan sa lahat ng kanyang kapwa tao. At ang lahat ng tao ay nagigingisang pamayanan ng pagkakapatiran nang dahil sa marangal at kalugud-lugod

    na pagpapaalipin sa Allah, ang Mahabaging Panginoon ng buong santinakpan.

    At dahil sa gayong pinagpala at pinagkaisang damdamin, ang pagpapahayag ng

    Islam tungkol sa Kaisahan ng Allah ang siyang nangingibabaw at siyang haligi na

    umuugnay sa kaisahan ng sangkatauhan at ang pagkakapatiran ng lahat ng tao.

    Bagaman ang isang bansang Islamiko ay maaaring maitatag sa alinmang

    bahagi ng mundo, ang Islam ay hindi nagnanais na bigyang hangganan ang mga

    karapatan ng tao nang ayon sa kasakupan ng kanyang sariling bansa. Ang Islamay nagbigay ng ilang pangunahing karapatan bilang pangkalahatang batayan para

    sa sangkatauhan at sa kabuuan nito, ito ay dapat ipatupad at igalang sa lahat ng

    panahon kahit na ang gayong tao ay naninirahan sa loob ng teritoryo ng bansang

    Islamiko o sa labas nito, maging siya man ay nasa mapayapang kalagayan o nasa

    panahon ng digmaan. Ang Quran ay maliwanag na nagsabi:

    O kayong mananampalataya, maging matibay na saksi ng Allah sa

    katarungan. At huwag ang inyong galit sa iba ang umiral at maglihis sa inyo sakatarungan. Maging makatarungan sapagkat ito ay malapit sa pagkatakot sa

    Allah. (Quran 5:8)

    Ang dugo ng tao ay sagrado sa lahat ng pagkakataon at hindi dapat na

    dumanak nang walang katarungan. Ang sinumang lumabag o sumuway sa pagiging

    sagrado ng dugo ng tao sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay na walang kaukulang

    katarungan, ang Quran ay nagsabi na ito ay katumbas ng pagpatay sa buong

    sangkatauhan.

    Sinumang kumitil ng buhay na hindi naglalayong ipaghiganti ang pinatay,

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    34

    at (sinumang pumatay) upang maghasik ng katiwalian sa lupa, kahalintulad nito

    ang pagkitil niya sa buong sangkatauhan. (Quran 5:32)

    Hindi pinahihintulutan na apihin o lapastanganin ang mga kababaihan, mga

    bata, mga matatanda, maysakit at mga sugatan. Ang dangal at puri ng mga babae

    ay nararapat na igalang sa lahat ng pagkakataon. Ang mga taong nagugutom aynararapat na pakainin, ang hubad ay dapat damitan, ang sugatan ay dapat gamutin

    kahit na sila ay nabibilang sa pamayanang Islamiko o hindi.

    Kung kami man ay nagpapaliwanag ng mga karapatan ng tao sa ilalim

    ng relihiyong Islam, kami ay tapat na tumutukoy tungkol sa mga karapatang

    ipinagkaloob ng Allah, ito ay hindi ibinigay ng sinumang hari o ng pangkat ng

    mambabatas. Ang mga karapatan na ibinigay ng mga hari o ng mga mambabatas

    ay maaaring bawiin o ipawalang-saysay sa paraan na kung paano ito isinagawa atipinagkaloob. Ito ay katulad din ng mga karapatang tinatanggap at sinang-ayunan

    ng mga namumunong diktador. Maaari nilang ipagkaloob ang mga ito kung kailan

    nila maibigan at bawiin kung kailan nila nais at maaari nilang labagin ang mga

    ito nang hayagan kung ito ay kanilang masumpungang gawin. Ngunit sa Islam,

    ang mga karapatan ng tao ay iginawad ng Dakilang Allah, walang sinumang

    mambabatas sa mundo o sa anumang pamahalaan sa lupa ang may karapatan na

    gumawa ng hakbangin upang susugan, dagdagan o baguhin man ang mga karapatang

    ipinagkaloob ng Allah. Sinuman ay walang karapatang bawiin, ipawalang-saysay

    o palitan ang mga ito. Hindi rin naman ito mga pangunahing karapatan ng tao naiginawad sa papel lamang bilang isang pakitang-tao at pagtatanghal at itinakwil sa

    aktuwal na pamumuhay pagkaraang ito ay pagtibayin. Hindi rin ito katulad ng mga

    pilosopiyang kaisipan na walang nagpatibay sa likod ng mga ito.

    Ang kasunduan (saligan) at mga sinang-ayunang mga batas at itinakdang

    kapasiyahan ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ay hindi maihahalintulad

    sa mga karapatang itinakda ng Dakilang Allah sapagkat ang una ay hindi naaangkop

    sa bawat tao subalit ang huli ay angkop sa lahat ng mananampalataya. Sila ay

    isang bahagi at kabigkis ng pananampalatayang Islam. Ang bawat Muslim o mga

    pinunong Muslim na nagtuturing sa kanila bilang mga Muslim ay nararapat na

    tanggapin, kilalanin at ipatupad ang mga karapatang ito. Kung sila ay nagpabaya na

    maipatupad ito at nagsimulang itakwil o talikdan ang mga karapatan na pinagtibay

    ng Allah o gumawa ng mga susog at baguhin yaon o hayagang lumabag sa mga ito

    habang sila ay kumikilala ng mga ito batay sa salita lamang ng kanilang mga bibig,

    ang hatol ng Banal na Quran sa gayong pamamahala ay tuwirang maliwanag at

    walang alinlangan.

    At sinuman ang humatol na hindi nababatay sa ipinahayag ng Allah, sila

    yaong di-mananampalataya. (Quran 5:44)

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    35

    ANG KARAPATAN NG TAO SA PAMAYANANG ISLAM

    1. Ang Kaligtasan ng Buhay at Ari-arian; sa huling sermon na ipinahayag

    ni Muhammad sa panahon ng Hajj, siya ay nagsabi: Ang inyong buhay

    at ari-arian ay ipinagbabawal sa sinuman hanggang sa Araw ng inyong

    pakikipagharap sa Allah sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.Ang Propeta ay

    nagsabi rin tungkol sa mga dhimmi (mga taong di-Muslim na naninirahan

    sa bansang Muslim). Ang sinumang pumatay ng (Dhimmi) tao na sakop ng

    kasunduan, siya ay hindi makaaamoy ng halimuyak ng Paraiso.

    2. Ang Pangangalaga sa Dangal.Ang banal na Quran ay nagsabi:

    i. O kayong Mananampalataya, huwag hayaan ang isang pangkat sa inyo ayhamakin o laitin ang ibang pangkat ng tao. (Quran 49:11)

    ii. Huwag kayong maniniktik sa isat isa.

    iii. Huwag kayong mang-iinsulto sa pamamagitan ng pagtawag ng ibang

    (palayaw, bansag o taguri) pangalan. (Quran 49:11)

    iv. Huwag manirang-puri at libakin ang iba. (Quran 49:12)

    3. Ang Kabanalan at Katiwasayan ng Pansariling Buhay. Ang Quran ay

    nagbigay ng kautusan:

    a. Huwag kayong maghinala sa isat isa.

    b. Huwag kayong pumasok sa alinmang tahanan na walang pahintulot.

    4. Ang Kapanatagan ng Pansariling Kalayaan. Ang Islam ay nagtakda ng mgaprinsipiyo na walang sinumang mamamayan o tao ang maaaring mabilanggo

    maliban ang kanyang kasalanan ay napatunayan sa isang hayag na paglilitis.

    Ang pag-aresto sa isang tao na batay lamang sa hinala at siya ay ikinulong nang

    walang kautusan ng hukuman at pagkakait sa kanya ng sapat na panahon at

    pagkakataon upang maipagtanggol ang kanyang sarili ay hindi pinahihintulutan

    ng Islam.

    5. Ang Karapatan ng Pagtutol Laban sa Pang-aabuso.Ang isa sa mga karapatan

    na ipinagkaloob ng Islam sa tao ay ang karapatan upang tumutol laban sa pang-aalipin ng pamahalaan. Ang Quran ay nagsabi tungkol dito. Ang Allah ay

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    36

    nasusuklam sa mga masasamang pag-uusap sa harap ng madla malibang ito

    ay ginagawa ng taong napinsala.Sa Islam, tulad ng mga paksang nauna, ang

    lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay itinuturing bilang isang tiwala;

    ang sinuman na tumanggap ng gayong kapamahalaan ay nararapat na tumayo

    nang may pagpapakumbaba sa harap ng kanyang pamayanan na nakalaan para

    sa sinuman o kaninumang kapakanan at siya ay maipapatawag upang gamitinang ganitong kapangyarihan. Ito ay sinang-ayunan ni Abu Bakr na nagsabi sa

    kanyang unang pananalita:Makiisa kayo sa akin kung ako ay matuwid, ngunit

    iwasto ninyo ako kung ako ay gumawa ng pagkakamali. Sundin ninyo ako

    habang ako ay sumusunod sa mga kautusan ng Allah at ng Kanyang Propeta,

    ngunit magsilayo kayo sa akin kung ako ay napapaligaw.

    6. Ang Kalayaan ng Sariling Pagpapahayag. Ang Islam ay nagbibigay

    ng karapatan sa kaisipan at pagpapahayag sa lahat ng mamamayan ngbansang Islamiko sa kasunduan na ito ay nararapat gamitin lamang tungo

    sa pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting pag-uugali at hindi sa

    pagpapalaganap ng kasamaan at mga kalisyaan. Ang kalayaan ng pagpapahayag

    sa Islamikong konsepto ay higit na mataas kaysa sa konsepto na namamayani

    sa kanluran. Sa anupamang pamamaraan, ang Islam ay hindi nagpapahintulot

    upang ang kasamaan at kalisyaan ay mapalaganap. Ito ay hindi rin nagbibigay

    sa sinuman ng karapatan upang gumamit ng pang-aabuso o pagmamalabis sa

    salita upang gumawa ng mga pagpuna. Naging kaugalian ng mga Kasamahan ni

    Propeta Muhammad na magtanong sa kanya kung ang isang bagay o pangyayariay may takdang kapahayagan sa kanya mula sa Dakilang Allah. Kung siya ay

    nagsabi na hindi siya nakatanggap ng kapahayagan ukol sa gayong bagay o

    pangyayari, ang mga Muslim ay malayang magpahayag ng kanilang sariling

    opinyon sa naturang bagay o pangyayari.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    37

    7. Ang Kalayaan sa Pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay nagbigay din sa mga tao

    ng kalayaan ng pakikianib at pagtatag ng mga pangkat o samahan. Ang ganitong

    karapatan ay nalalakipan din ng mga tiyak na pangkalahatang alituntunin.

    8. Ang Kalayaan ng Budhi at Paniniwala. Ang Islam ay nagbigay ng kautusan.

    Walang sapilitan sa relihiyon. Sa kabilang dako, ang mga lipunangtotalitarian ay ganap na nagkakait sa bawat tao ng kanilang kalayaan. Sa

    katotohanan, ang di-makatarungang pagkilala ng ganitong Pamahalaan ng

    alinmang bansa ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pang-aalipin sa lahat ng

    tao. Sa pagkakataong ito, ang pang-aalipin ay nangangahulugan ng ganap na

    paghawak (paniniil) ng tao sa kanyang kapwa tao - sa ngayong panahon na ito,

    ang gayong uri ng pang-aalipin ay legal na naglaho ngunit napalitan naman ng

    lipunang totalitarian na nagtatakda ng magkatulad na uri ng (paniniil o pang-

    aalipin) pamamahala sa tao.

    9. Ang Pangangalaga ng Damdamin tungkol sa Relihiyon. Sa gitna ng kalayaan

    ng paniniwala at kalayaan ng konsensiya, ang Islam ay nagbigay ng karapatan

    sa tao na ang kanyang panrelihiyong damdamin ay mabigyan ng tamang

    paggalang at walang dapat sabihin o gawin na makapanghihimasok ng kanyang

    karapatan.

    10. Ang Pangangalaga Laban sa Di Makatarungang Pagkakakulong. Ang

    Islam ay kumikilala rin ng karapatan ng tao na hindi siya maaaring hulihin oipiit nang dahil sa kasalanan ng iba. Ang Quran ay maliwanag na nagbigay ng

    ganitong prinsipiyo. Walang sinuman ang maaaring umako sa kasalanan ng

    iba.

    11. Ang Karapatan Tungkol sa mga Pangunahing Pangangailangan ng

    Buhay. Ang Islam ay kumikilala sa karapatan ng mga nangangailangang tao

    na ang tulong at pagdamay ay nararapat na ibigay sa kanila. At sa kanilang

    yaman, ay may takdang karapatang nauukol (nakalaan) sa nangangailangan

    at naghihikahos.

    12. Ang Pagkakapantay-pantay ng lahat sa Harap ng Batas. Ang Islam ay

    nagbigay sa kanyang mamamayan ng ganap at buong karapatan tungkol sa

    Pagkakapantay-pantay ng tao sa mata ng batas.

    13. Ang Mga Pinuno o Tagapamahala ay Hindi Makapangyayari nang Higit

    sa Batas. Isang babae na nabibilang sa mataas na angkan at marangal na

    pamilya ang dinakip sa salang pagnanakaw. Ang kaso ay inihain sa Propeta,at doon ay ipinayo na siya ay iligtas sa parusa ng pagnanakaw. Ang Propeta ay

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    38

    sumagot. Ang mga bansa na unang nabuhay bago pa man kayo ay pinuksa

    ng Allah sapagkat sila ay nagpaparusa sa kasalanan ng mga pangkaraniwang

    tao ngunit hindi sila nagpaparusa sa mga kasalanan ng mga taong kilala o

    matataas sa lipunan. Isinusumpa ko sa Kanya (Allah) na Siyang may tangan ng

    aking buhay na kung si Fatimah, ang anak ni Muhammad ay magnakaw, aking

    puputulin ang kanyang kamay.

    14. Ang Karapatan na Makilahok sa Pamamalakad ng Bansa. At ang kanilang

    pamamalakad ay isinasagawa sa pamamagitan ng sanggunian sa kanilang sarili.

    (Quran 42:38). Ang Ash-Shurao ang Sanggunianay walang isang kahulugan

    maliban sa ang tagapagpaganap na pinuno ng pamahalaan at ang mga miyembro

    ng pagpupulong ay nararapat na ihalal sa pamamagitan ng malayang pagpili at

    pagboto ng tao.

    Bilang pangwakas na pananalita, ipinaliliwanag na ang Islam ay nagtatangka

    na makamit ang mga nabanggit sa itaas na mga karapatan ng tao at marami pang

    iba hindi lamang sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga legal na pangangalaga kundi

    higit sa lahat ay inaanyayahan ang sangkatauhan na lagpasan ang mababang antas

    ng buhay ng hayop tungo sa pagsulong sa isang higit pang mahalaga kaysa sa

    pagkakamag-anakan batay sa dugo, antas ng lahi, o kapalaluan sa wika at karangyaan

    sa kabuhayan. Ito ay nag-aanyaya sa sangkatauhan na tumahak sa landas na kung

    saan ang kanyang makahulugan at malalim na katalinuhan ay maging daan upang

    mapag-alaman ng tao ang isang tunay na halimbawa at huwaran ng pagkakapatiranng tao.

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    39

    Cooperative for Call and Guidance

    Al Batha Islamic Center

    +966-11-4083405 / 0555289269

    www.islamcocg.com - [email protected]

    Cooperative for Call and Guidance - Rawdhah +966-11-4922422 / 0551701765

    Cooperative for Call and Guidance - Rawdhah +966-11-4916065 / 0554370319

    Cooperative for Call and Guidance - Al-Badiyah +966-11-4330888 / 0558024983

    Cooperative for Call and Guidance - Dira +966-11-4031587

    Cooperative for Call and Guidance - Naseem +966-11-2328226 / 0530424394

    Cooperative for Call and Guidance - at As-Sulay +966-11-2410615 / 0502845103

    Cooperative for Call and Guidance -Umm-Al-Hamam +966-11-4826466 / 0543524047

    Cooperative for Call and Guidance - Al-Shifa +966-11-4222626 / 0509514736

    Cooperative for Call and Guidance - Sultana +966-11-4240077 / 0550341945Cooperative for Call and Guidance - North of Riyadh +966-11-4705222 / 0536127736

    Cooperative for Call and Guidance - Al-Azizia +966-11-2821800 / 0537099885

    Cooperative for Call and Guidance - Air Base +966-11-4761856 / 0532560824

    Cooperative for Call and Guidance - Nadheem +966-538660414

    Cooperative for Call and Guidance - New Sinayah +966-11-4982225 / 0558870856

    Cooperative for Call and Guidance - Diriyah +966-11-2240811 / 0507558962

    Cooperative for Call and Guidance

    Care Center For New Muslim+966-11-2423008 / +966-11-2423001

    Cooperative for Call and Guidance - Al Kharj +966-11-5440662 / 0504310249 / 0502640723

    Cooperative for Call and Guidance - Dilam +966-11-5410029

    Cooperative for Call and Guidance - Huraymalah +966-11-5262042

    Cooperative for Call and Guidance - Shaqra +966-11-6222061

    Cooperative for Call and Guidance - Aaj +966-11-4682034

    Cooperative for Call and Guidance - Aqiq +966-11-7221624

    Cooperative for Call and Guidance - Dawadmi +966-11-6423636

    Cooperative for Call and Guidance - Jeddah Hay balad +966-12-6479897 / 0531013644

    Cooperative for Call and Guidance - Jeddah Hay Salah +966-12-6829898

    Cooperative for Call and Guidance - Jeddah Sinaiya +966-12-6362892 / 0569693742

    Cooperative for Call and Guidance - Jeddah +966-12-6760452 / 012 6735334

    Cooperative for Call and Guidance - Taif +966-12-7346818 / 7344388

    Cooperative for Call and Guidance - Al Kafji +966-13-7674840

    Cooperative for Call and Guidance - Dammam +966-13-8320004 / 0563778504

    Cooperative for Call and Guidance - Jubail +966-13-3625500

    Cooperative for Call and Guidance - Hafr Al Batn +966-13-7230807 / 0533605019

    Cooperative for Call and Guidance - Al Ahsa +966-13-8875444 / 013 5866672Cooperative for Call and Guidance - Ar-ar +966-14-6610513 / 0531880542

    ISLAMIC CENTERS

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    40

    Cooperative for Call and Guidance - Tabuk +966-14- 4211170 / 014 4211315

    Cooperative for Call and Guidance - Yanbu Sinaiya +966-14-3211575

    Cooperative for Call and Guidance - Buraydah +966-16-3248980 - 016 6320005

    Cooperative for Call and Guidance - Unaizah +966-16-3644506 / 0503023115

    Cooperative for Call and Guidance - Zul +966-16-4225657

    Cooperative for Call and Guidance - Majma +966-16-4323949 / 0501520657

    Cooperative for Call and Guidance - Abha +966-17- 2240038

    Cooperative for Call and Guidance - Jizan +966-17-3230020 - 017 3263009 / 0502008571

    ISCAG - Philippines)Islamic Studies, Call &

    Guidance-Philippines Congressional Road,Salitran I, Dasmarinas, Cavite Philippines

    Tel. (0063 46) 416-3371 / Fax 506-1451

    Omar Penalber - +639284276656Ibrahim Mata - +639172078071

    (IL&IO) Islamic Library & Information Ofce,

    P.O. Main Box 52916 Stall-B, HL Commercial

    Building Pandan Citicenter Phase 1 Magalang

    Road, Angeles City Philippines

    Tel. (0063 45) 887-4577

    Email: [email protected]

    DAR AL-DHIKR ISLAMIC CALL AND

    GUIDANCE CENTER

    #63 DONA CONCORDIA ST. MANSILINGAN

    BACOLOD CITY, PHILIPPINES,

    Bacolod, 6100, PHILIPPINES

    +63-034-4460494

    [email protected]

    [email protected]

    Islamic Information Center Manila 3/F

    Agoncillo Bldg., 1580 Taft Ave. corner Pedro

    Gil St., Ermita, Manila 1000

    +63 2 404 1619

    +63 2 404 1620 (fax)

    CGCL Dawah Center | Masjid Al Salam,

    Purok 1, Brgy. Marinig, Cabuyao City, Laguna,

    Contact Person: Bro. Yaser Banao,

    09998141322 Smart, 09354474270 Sun, Sis.

    Zainab Lozada (Ladies Section) 09194971347

    IDCC Dawah Bulakenyo, 103 Bagumbayan

    Bulakan,BulacanRodolph Muhammad Paras, +639465029080

    Masjid Al-Ghali, Blk. 40 Lot 2 Brgy. Sta. MariaDasmarinas City, Cavite, Philippines

    Nuh Nonilon Caparino - +639196297677

    IBNU ABBAS ISLAMIC CENTER, 190

    SAMSON RD. CALOOCAN CITY, Caloocan

    City, MANILA 1400, PHILIPPINES

    +632 -366-0614 / 442

    Masjid As-sabireen Care Center for New

    Muslim

    1040-A Malaya St., Pangarap Village, Caloocan

    City,

    ISLAMIC DAWAH COUNCIL OF THE

    PHILIPPINES, Manila, Escolta Phone: +632479229

    Islamic Wisdom Worldwide, Manila Phone: +632-488-3398

    ISLAMIC CENTERS IN THE PHILIPPINES

  • 5/24/2018 ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

    Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

    41

    MOHAMMAD DELA PENA 0501394924 - [email protected]

    AHMAD FERNANDEZ 0500599356 - [email protected]

    MOHAMMAD CRUZ 0502931230 - [email protected]

    WALEED RAPSING 0553203547 - [email protected]

    ABDULLAH GONZALES 0502167040 - [email protected] MESIDERIO 0508147279 - [email protected]

    OMAR TARON 0559826765 - [email protected]

    RAED CAPULE 0507558962 - [email protected]

    YUSUF BUTUCAN 0503158298 - [email protected]

    MIKAEL SULTAN 0501459895 - [email protected]

    KHALID DE GUZMAN 0569943750 - [email protected]

    JAMAL RAMIREZ 0565498699 - [email protected]

    ABDULMALIK MAGTURO 0557113205 - [email protected]

    ADAM DIZON 0559637693 - [email protected]

    OMAR TOMAROCON 0544192052 - [email protected]

    PARA S