24

Click here to load reader

Tungkol sa Ekonomiks

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reviewer para sa Ekonomiks para sa mga may exams and quiz etc.

Citation preview

Page 1: Tungkol sa Ekonomiks

Yunit I : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Aralin 1: Ang Kahalagahan ng Ekonomiks

Ekonomiks - mula sa salitang Griyego na oikos at nomos.

Oikos - ay nangangahulugang “bahay at lahat ng nasa loob nito.

Nomos - ay nangangahulugang “batas o prinsipyo”.

Oikonomia - nangangahulugang pamamalakad ng sambahayan.

Kahulugan ng Ekonomiks ayon sa mga sumusunod na Ekonomista:

Paul Anthony Samuelson - amerikanong ekonomista, at kauna-unahang amerikano na nagwagi ng “The Nobel Memorial Prize in Economic Sciences”, isinilang noong Ika-15 ng Mayo 1915 sa Indiana, United States at namatay noong Ika-13 ng Desyembre 2009 sa

Belmont, Massachusetts, United States.

WilliamDawbney “Bill” Nordhaus - isang ekonomista at Sterling Professor of Economics sa Yale University, kilala sa kaniyang gawain bilang economic modeling and climate change. Isinilang noong ika-31 ng Mayo 1941 sa Albuquerque, New Mexico United States.

Gerardo P. Sicat - ang unang Direktor Heneral ng National Economic Development at Authority (NEDA). Isinilang noong Ika-7 ng Oktubre 1935 sa San Fernando City.

Paul Samuelson at William Nordhaus - ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano ginagamit ng sambayanan ang limitado nitong mga likas na yaman para makagawa ng mga produkto at serbisyo at kung paano ipapamahagi ang mga ito sa mga mamamayan.

Gerardo Sicat (isang ekonomistang Pilipino) - ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao at ng lipunan ang limitadong mga likas na yaman sa pagtugon sa kanyang mga kailangan at kagustuhan.

Dalawang Mahalagang Bagay na Kailangang Tandaan:

a. Limitado ang mga likas na yaman ng mundo.

b. Walang katapusan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Ekonomiks - ay isang pag-aaral kung paano pinipili at ginagamit ng mga tao, negosyo at sambayanan ang mga limitadong likas na yaman para matugunan ang hindi nauubos na mga kailangan at kagustuhan.

Konteksto ng isang tahanan : ang ekonomiks ay ang pamamahala sa kita ng nagtatrabahong mga kasapi ng pamilya para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat kasapi nito.

Konteksto ng isang bansa: ang ekonomiks ay ang pangangasiwa ng pamahalaan sa pera ng taong-bayan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito.

Pangunahing Suliranin na Tinutugunan ng Ekonomiks

a. (Produksiyon) Pagpili ng produkto at serbisyong idudulot ng ekonomiya.

b. (Alokasyon) Pagbuo ng mga produkto o pagsasagawa ng mga serbisyo.

c. (Pagkonsumo) Para kanino ang mga produkto at serbisyo.

Page 2: Tungkol sa Ekonomiks

Aralin 2: Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan

Siyentipikong Pamamaraan - isinasagawa sa pag-aaral ng ekonomiks upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya.

Mga Hakbang Sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan

a. Pagtukoy sa suliranin

b. Pagbibigay ng hinuha(hypothesis)

c. Pangangalap ng mga impormasyon at datos

d. Pagsusuri ng mga impormasyon at datos

e. Pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon

Kaugnayan ng Ekonomiks at Iba pang Larangan ng Pag-aaral

Matematika - saklaw nito ang teorya ng numero, tsart, graph, at pagbuo ng mathematical formula o mathematical equations. Sa tulong nito ay madaling maunawaan ang mga ekonomikong kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo at iba pa.

Sikolohiya - ang agham na nauukol sa pag-aaral ng pag-iisip at pag-uugali ng mga tao.

Sosyolohiya - ay ang pag-aaral sa pag-unlad, kultura, at tunguhin ng lipunan.

Antropolohiya - ito ay agham tungkol sa kultura at pag-unlad nito, ang pagkakaiba-iba ng paniniwala at ang sibilisasyon ng tao.

Kasaysayan - ang nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga ekonomista tungkol sa pamamalakad ng isang bansa at ng buong mundo.

Heograpiya - ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng isang lugar, yaman, pampolitikang pagkakahati, klima at iba pang pisikal na aspekto nito.

Agham Pampolitika - ito ang pag-aaral ng isang pamayanan, kasama na ang paggawa at pagpapatupad ng iba’t ibang batas.

Batas - tinatalakay ang mga karapatan sa pagmamay-ari, alituntunin sa paggawa ng kontrata, kalakaran sa pakikipagtransaksiyon sa negosyo at patakaran sa kompetiyon.

Etika - ay may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay.

Pisika - ay ukol sa pag-aaral ng mga bagay at enerhiya.

Kemistri - ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba’t ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng isang bagay.

Biyolohiya - ay pag-aaral ukol sa mga bagay na may buhay tulad ng tao, halaman at iba pa.

Aralin 3: Sangay ng mga Aktibidad sa Ekonomiks

Produksiyon - ay ang paglikha ng mga bagay na kapaki-pakinabang o may halaga mula sa pinagkukunang mga yaman.

Page 3: Tungkol sa Ekonomiks

Tatlong Salik ng Produksiyon

a. lupa b. manggagawa c. Kapital

Distribusyon - ay tumutkoy rin sa pamamahagi ng kita na siyang kapalit ng produksiyon, tulad ng upa para sa lupa, sahod para sa serbisyo ng manggagawa at tubo para sa kapital.

Pagkonsumo - ang tawag sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng isang tao.

Sistemang Barter - pangunahing paraan ng kalakalan noong sinaungang panahon dito hinahanap ng mamimili ang kailangang produkto habang dala-dala ang kaniyang produkto na nais niyang ipagpalit.

Aralin 4: Pinagkukunang Yaman

Uri ng Yaman

A. YamangLikas (Natural Resources) - ang tawag sa mga yamang nakukuha ng tao sa kalikasan.

1. Yamang lupa - ito ay binubuo ng iba’t ibang uri ng lupain at ng mahahalagang metal at mineral.

2. Yamang gubat - ito ay binubuo ng mga punongkahoy, hayop at halaman na matatagpuan sa gubat.

3. Yamang tubig - binubuo ng iba’t ibang anyong tubig, tulad ng ilog, look at iba pa, pati na rin ang tubig sa ilalim ng lupa.

4. Yamang dagat - ito ay binubuo ng tubig dagat, yamang lupa sa ilalim ng dagat, at lahat ng uri ng halaman at hayop na matatagpuan sa ilalim ng dagat, sa wawa at sa baybay.

B. Yamang Tao (Human Resources) - binubuo ng mga taong may talino, abilidad, kasanayan, at kakayahan na kapaki-pakinabang sa bansa.

C. Yamang Papawirin

Kahalagahan ng Yamang Papawirin:

- ito ay naging daanan ng mga sasakyang panghimpapawid.

- nagkaroon ng frequency spectrum na dinadaluyan ng broadcast

- init ng araw na nagbibigay ng enerhiya

- maging ang kalidad ng hangin at tunog sa kapaligiran na kalugod-lugod sa turistang dayuhan at lokal

Datos Ng Mga Pinagkukunang Yaman

National Statistical Coordination Board (NSCB) - nagtatakda ng mga patakaran at nagpapatibay ng mga programa.

National Statistics Office (NSO) - ang pangunahing lumilikom ng estadistika, lalo na yung ginagawan ng census o opisyal na tala.

National Economic and Develoment Authority (NEDA)

Page 4: Tungkol sa Ekonomiks

Agricultural Statistics (BAS) ng Department Agriculture (DA) - para sa agrikultura at pangingisda, o bahagi ng yamang lupa, tubig at dagat.

Forest Management Bureau (FMB), Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB), National Water Board(NWRB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) - para sa mga

yamang gubat, mineral na yamang lupa at dagat, at yamang tubig.

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng DA - para sa yamang dagat at tubig.

Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) ng DENR - sa biodiversity o saribuhay

Department of Energy (DOE) - para sa iba’t ibang likas yamang pinagkukunan ng enerhiya o kuryente.

Department of Social Welfare and Development (DSWD) - para sa mga pamilya, ina at bata.

Department of Education (DepED - para sa edukasyon

Department of Health (DOH) - para sa kalusugan

Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) ng DEpartment of Labor and Employment(DOLE) - para sa lakas paggawa.

D. Yamang Lupa - ang lupa ay sumasaklaw sa lahat ng di mapapalitang yaman ng bansa, sa ibabaw at sa ilalim ng mga lupain.

E. Yamang Gubat - binubuo ng mga hayop (fauna) at mga puno at halaman (flora), kasama na ang mga punong kahoy o troso-na mayaman sa kagubatan ng ating kapuluan.

Forest canopy o ang pinakamataas na suson ng mga dahon ng mga puno ay may iba’t ibang katangian.

Closed Forest - kung mahigit sa 40% nito ay natatabunan ng mga puno at halaman.

Open Forest - kung 10% hanggang 40% lamang ang natatabunan ng mga puno at halaman.

Gubat ng bakawan (mangrove) - nabubuo sa bahaging nagsasalubong ang tubig-tabang at tubig-alat.

Tatlong Yugto ng Pagkakalbo ng Gubat sa Pilipinas

- Ang paggamit ng mga makina sa pagtotroso noong 1935 hanggang 1970

- Ang paglakas ng negosyo ng pagtotroso noong 1971 hanggang 1991

- Mula 1992 hanggang sa kasalukuyan na marami nang batas ang naipatupad para ipagbawal ang pagtotroso.

G. Yamang Tubig - binubuo ng mga hayop, halaman, lupa at mineral na makikita sa iba’t ibang anyong tubig ng bansa, sa mga tubig tabang tulad ng ilog, talon at lawa at sa tubig-alat tulad ng karagatan.

Tubig-Tabang - ito ay napagkukunan ng tubig na inumin, nagagamit sa pangangalakal at maaari pang pagkakitaan ng pamahalaan.

Page 5: Tungkol sa Ekonomiks

H. Yamang Napapalitan (Renewable) - ay likas na yamang may kakayahang mapanumbalik, mapalitan, o madagdagang muli sa pamamagitan ng biyolohikong pamamaraan at iba pang natural na proseso sa paglipas ng panahon.

Yamang Di-Napapalitan (Non renewable) - mga likas na yaman na hindi na napapakinabangan pagkatapos gamitin.

Mga Batas na Nagtataguyod at Nagsusulong sa Pangangalaga sa mga Likas Yaman

1. National Integrated Protected Areas System(NIPAS) Act (Republic Act 7586) - para sa pagtatayo at pamamahala ng mga piling lugar kung saan pinangangalagaan ang biodiversity at pinoprotektahan ito laban sa pagsasamantala ng tao.

2. Philippine Mining Act (Republict Act 7942) - para sa makatuwirang paggalugad, paglinang, paggamit, at pangangalaga sa mga minahan upang umunlad ang industriya sa bansa sa paraang napangangalagaan ang kalikasan at ang mga karapatan ng mga apektadong komunidad.

3. Philippine Fisheries Code (Republic Act 8550) - para sa makatwiran at pangmatagalang pagpapaunlad, pamamahala at pangangalaga sa mga yamang dagat sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga limitasyon sa pangingisda.

4. Clean Air Act (Republic Act 8749) - para mabawasan ang pagdudulot ng dumi sa hangin, lalo na ng mga sasakyan ng iba’t ibang industriya, at ng pagsusunog ng basura.

5. Wildlife Resource Conservation and Protection Act (Republic Act 9147) - para pangalagaan ang mga hayop at halaman na endemic at matatagpuan lamang sa bansa.

6. National Caves and Cave Resources Management and Protection Act (Republic Act 9072) - para sa pamamahala, pangangalaga at pagpapanatili ng mga kuweba at mga yaman dito.

7. Clean Water Act (Republic Act 9275) - para bawasan ang pagdumi sa tubig, lalo na yung galing sa mga kanal at imburnal.

Aralin 5: Yamang Tao

Yamang Tao - binubuo ng mga taong may talino, abilidad, kasanayan, at kakayahan na kapaki-pakinabang sa bansa.

Mga Katangian ng Populasyon ng Pilipinas

1. Uri ng Populasyon at Paggalaw Nito

a. Batang populasyon (young age group) - binubuo ng mga mamamayan na nasa gulang 14 pababa.

b. Gitnang populasyon (working age group) - binubuo ng mga mamamayang nasa gulang na 15-64.

c. Matandang populasyon (older age group) - binubuo ng mga mamamayang nasa gulang 65 pataas.

Page 6: Tungkol sa Ekonomiks

2. Haba ng Buhay at Pamilya/Sambahayan

Ang pag-unlad ng medisina, ang dagdag karunungan sa nutrisyon at ang mas magandang paraan ng pag-aalaga sa kalusugan ng matatanda ang dahilan sa paglaki ng bahagdan ng populasyon sa Pilipinas.

3. Lakas Paggawa - mga taong may edad 15 pataas, maaaring may trabaho o naghahanap pa lamang ng trabaho.

4. Gulang at Kasarian

5. Kakayahang Bumasa at Sumulat (Literacy) at Edukasyon

Kahalagahan Ng Balangkas Ng Populasyon Sa Ekonomiya

K to 12 Basic Education Program - isinabatas bilang Republic Act 10533 - nais nitong maiangkop at maipantay sa pandaigdigang pamantayan ang edukasyon sa Pilipinas.

Demograpikong Pakinabang (Demographic Dividend) - ito ay ang pagkakataong mapaunlad ang kalagayan ng isang lipunan o bansa, kapag mabagal ang paglaki ng populasyon dahil sa pagbaba ng bilang ng isinisilang na mga sanggol (fertility rate).

Demograpiya (Demography) - pag-aaral ukol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon.

Apat na Mekanismo para Matamasa ang Demograpikong Pakinabang:

a. Ang dagdag na bilang o pwersa ng lakas paggawa.

b. Ang paglaki ng naiimpok na pera.

c. Ang paggamit ng naimpok na pera para sa pagpapabuti ng kalusugan at edukasyon ng lakas paggawa.

d. Ang pagsigla ng merkado dahil sa pagdami ng manggagawang kumikita’t namimili ng mga produkto at serbisyo.

PIDS - Philipinne Institute for Development Studies

Collective Bargaining Agreement (CBA) - sama-samang pakikipagkasundo ng mga manggagawa pangasiwaan na pinaglilingkuran.

Patakaran na Ipinatupad ng Pamahalaan Upang Mapabuti ang Kalagayan ng mga Manggagawa

1. Seguridad sa trabaho (Security of tenure)

2. Oras ng trabaho

3. Lingguhang araw ng pahinga

4. Halaga ng sweldo at mga kaugnay na benepisyo

5. Awtorisadong pagliban sa trabaho

6. Mandatong pagsapi

Page 7: Tungkol sa Ekonomiks

Social Security System (SSS) & Government Service Insurance System (GSIS) - ay nagbibigay ng kasiguruhang sosyal sa mga manggagawa ng pribadong kompanya at ng opisina o ahensya ng pamahalaan.

Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) - ay nagbibigay seguridad sa mga pangangailangang medikal sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang bahagi ng gastos sa ospital at gayundin sa pagpapagamot.

Home Development Mutual Fund (HDMF) - sa pamamagitan ng kanyang Pag-IBIG Fund,ay nagbibigay sa mga manggagawa ng pagkakataong makapagtamasa ng mga benipisyo sa pag-iimpok, pautang at pabahay.

Employees’ Compensation Commission (ECC) - isang organisasyon sa pamahalaan na naglalayong matiyak ang pagiging ligtas ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan o opisina.

Tripartite Consultation - ay itinalaga para magtakda ng pinakamababang halaga ng sweldo na matatanggap ng mga manggagawa sa bawat, rehiyon,lalawigan, lungsod at industriya bilang pagkilala sa magkakaibang antas ng pag-unlad sa mga nabanggit.

Apat na Uri ng Negosyo

a. Micro - mga negosyong may pag-aaring ang halaga ay umaabot hanggang sa tatlong milyong piso. (may 1 hanggang 9 na empleyado)

b. Small - mga negosyong may pag-aaring ang halaga ay higit sa tatlong milyong piso hanggang sa 15 milyong piso. (10 hanggang 99 na empleyado)

c. Medium - mga negosyong ang pag-aari ay may halagang higit sa 15 milyong piso hanggang sa 100 milyong piso. (100 hanggang 199 na empleyado)

d. Large - mga negosyong mahigit sa 100 milyong piso ang halaga ng pag-aari. (mahigit sa 200 empleyado.

Ikaapat na Linggo

Aralin 6: Kakapusan at Alokasyon

Kakulangan - tumutukoy sa paagiging limitado ng isang pinagkukunang-yaman sa pisikal nitong aspekto.

Kakapusan - sitwasyon ng lipunan kung saan ang pinagkukunang-yaman ay limitado kumpara sa mga kagustuhan ng mga tao.

Alokasyon - ito ay ang paglalaan ng isang pinagkukunang yaman para sa isang partikular na gamit.

Opportunity Cost - isinakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukyang paggagamitan nito.

Aralin 7: Kagustuhan at Pangangailangan

Kagustuhan - ay ang pagnanais na magkaroon ng isang bagay, ngunit hindi naman niya kailangan ang mga ito upang mabuhay o magampanan ang kanyang pangunahing tungkulin.

Pangangailangan - ang pagnanais na magkaroon ng isang bagay para mabuhay o magampanan ang kanyang pangunahing tungkulin.

Teorya ng Pangangailangan

Page 8: Tungkol sa Ekonomiks

Abraham Maslow - isang kilalang sikologo, nagpanukala na ang mga pangangailangan ng tao ay may iba’t ibang antas.

Ang Herarkiya ng mga Pangangailangan Ayon kay Maslow

a. Pangangailangang Pisyolohikal (physiological needs) - sakop nito ang mga bagay na pangunahing kailangan ng tao para mabuhay, tulad ng tubig, hangin, pagkain at pahinga.

b. Pangangailangang Pangkaligtasan at Seguridad (safety needs) - nakapaloob dito ang pagkakaraoon ng ligtas na tirahan at tahimik na pamayanan, seguridad sa trabaho at kaligtasan mula sa anumang sakit at kapahamakan.

c. Pangangailangang Mahalin at maging Kabahagi - nakapaloob dito ang pangangailangang magkaroon ng pamilya, mga kaibigan at kaparehang iniibig na makakasalamuha para makaramdam ng pagmamahal at ng pagiging bahagi ng isang pamilya, pangkat, o pamayanan.

d. Pangangailangang Mapahalagan ng Iba (esteem needs) - tumutukoy ito sa mga bagay na kailangan ng isang tao para makilala, igalang at pahalagahan ng ibang tao.

* Mataas na uri - pangangailangang magkaroon ng respeto at kumpiyansa sa sarili, ng sariling kakayahan at ng kalayaang gawin ang anumang naisin.

* Mababang Uri - tumutukoy sa pangangailangang irespeto o makilala ng ibang tao.

e. Pangangailangang Magkaroon ng Sariling Pangalan at Pagkatao (self-actualization needs) - ito ang pangangailangang nauukol sa pinakamataas na maaabot ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang natatanging kakayahan.

Ikalimang Linggo

Aralin 8: Pagkonsumo

Pagkonsumo - ay isang gawain kung saan ang isang produkto o serbisyo na binili sa merkado ay ginagamit sa dapat nitong paggamitan.

DTI - Department of Trade Industry

Karapatan ng mga Mamimili

1. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan - dapat na maging madali ang pagkuha ng mga produkto at serbisyong kailangan upang mabuhay.

2. Karapatang Maging Ligtas - ang mga mamimili ay dapat na maging ligtas mula sa anumang produkto o serbisyo na kaniyang ginagamit.

3. Karapatang Magkaroon ng Sapat na Impormasyon - kailangang may sapat na impormasyon ang bawat mamimili tungkol sa mga produkto at serbisyong ipinagbibili o iniaalok sa pamilihan. Ito ay upang makagawa siya ng matalinong desisyon.

4. Karapatang Pumili - ang mamimili ay may kapangyarihang pumili ng mga produkto o serbisyo na maganda ang kalidad at nasa tamang presyo.

Page 9: Tungkol sa Ekonomiks

5. Karapatang Magkaroon ng Kinatawan - ito ang magsusulong ng kanilang mga naisin at karapatan sa pagbabalangkas ng iba’t ibang batas o patakarang makaaapekto sa kanila.

6. Karapatang Makatanggap ng Bayad Pinsala - ito ay para sa panlilinlang ng nagbenta, para sa biniling produkto ng may mababang kalidad, o para sa hindi kasiya-siyang serbisyo.

7. Karapatang Mabigyan ng Tamang Edukasyon sa Pagiging Konsyumer - upang maging isang maalam at matalinong mamimili.

8. Karapatang Magkaroon ng Malusog na Kapaligiran - ang mga mamimili ay dapat na manirahan at makapagtrabaho sa isang ligtas at kaaya-ayang lugar upang makapamuhay nang marangal at kaiga-igaya.

DOH - Department of Health

DA - Department of Agriculture

DTI - Department of Trade and Industry

National Consumer Affairs Council (NCAC) - ang ahensiyang nangunguna sa pagpapabuti ng pamamahala at koordinasyon, at pagpapatupad ng mga batas at programang nagsusulong sa karapatan ng mga mamimili.

DOE - Department of Energy

DENR - Department of Environment and Natural Resources

PAMANTAYAN NG PRODUKTO AT SERBISYO

Bureau of Product Standards (BPS) - ay ahensiya ng pamahalaan na nagbabalangkas, nagpapalaganap, nagpapatupad at nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya o sektor para magtalaga ng pamantayan sa paggawa ng mga produkto at paghahatid ng mga serbisyo sa Pilipinas.

Philippine Standards License (PS license) - ibinigay ng BPS para sa produktong ginawa sa loob ng bansa.

Import Commodity Clearance (IC Clearance) - ito ay para sa mga produktong inangkat ng bansa bilang katibayan na ang nasabing produkto ay pasado sa itinakda nilang pamantayan, lalo na sa mga pangangailangang pangkaligtasan.

MGA TUNGKULIN NG BAWAT MAMIMILI

1. Magkaroon ng Mapanuring Kamalayan (Critical Awareness) - dapat usisain ng mamimili ang presyo at kalidad ng mga produktong kaniyang binibili o ginagamit.

2. Isulong ang mga Karapatan Bilang Isang Mamimili - dapat na alamin at ipaglaban ng mamimili ang kanyang mga karapatan.

Costumer Service o Consumer Welfare Desk - dito ay maaari kang humingi ng kapalit na produkto, ipasauli ang iyong binayad o ipaayos ang sira ng depektibong produkto.

3. Magkaroon ng Pananagutang Panlipunan - bawat mamimili ay dapat maging maingat sa kaniyang pagkonsumo ng mga produkto.

Page 10: Tungkol sa Ekonomiks

4. Magmalasakit sa Kalikasan - alamin ang epekto ng iyong pagkonsumo sa iyong kapaligiran at sa kalikasan.

MGA KAUGALIAN AT KULTURANG PILIPINO NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAGKONSUMO

1. Kaisipang Kolonyal - ito ang nalinang sa ating mga Pilipino ng mga dayuhang mananakop.

2. Rehiyonalismo - ito ang ipinapakita ng mga taong tinatangkilik ang mga produkto na gawa sa kanilang lalawigan at rehiyion.

3. Pagtanaw ng Utang na Loob - ang pagtanaw ng utang na loob ang dahilan ng pagbili ng mga produkto at serbisyo na hindi kailngan kung ang nag-aalok nito ay ang taong

pinagkakautangan ng utang na loob.

4. Pakikisama - ang pagkakaroon ng suki ay isang dahilan kung bakit madalas na tinatangkilik natin kanyang mga produkto.

5. Pagkamatipid - maraming mga Pilipino na nais sulitin ang kanilang ginagastos sa pagkonsumo, kaya mas maraming mamimili kapag may mga sale sa isang tindahan.

MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGKONSUMO

1. Presyo - halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo. Ito ang unang inaalam ng tao kung gustong bilhin ang produkto at serbisyo.

2. Panggagaya (Imitation) - mahilig tayong bumili ng mga produkto na nakikita natin sa iba.

3. Panahon - inaayon natin ang mga produktong binibili sa kasalukuyang panahon.

4. Pagpapahalaga ng Tao - ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bago ito bilhin.

5. Pag-aanunsiyo - ay pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.

a. Testimonial - pag-eendorso ng mga produkto ng mga kilalang personalidad na makaaakit sa mga tao na gamitin at bilhin ang nasabing produkto.

b. Brand Name - pagpapakilala ng mga produkto batay sa katangian at kabutihan ng paggamit at pagbili nito.

c. Bandwagon - pagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa isang produkto.

6. Kita - malaking porsiyento ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan.

Aralin 9: Produksiyon

Produksiyon - ang paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na mga produkto at serbisyo mula sa pinagkukunang likas na yaman at yamang tao.

SALIK NG PRODUKSIYON

a. Lupa - ay ang pisikal na anyo ng likas na yaman kung saan ginagawa ang lahat ng gawain sa produksiyon.

Page 11: Tungkol sa Ekonomiks

b. Manggagawa - ay binubuo ng yamang tao sa isang bansa. Ginagamit ang kanilang talento, talino at kakayahan upang lumikha ng mga produkto o serbisyong makabuluhan.

c. Kapital - ay ang perang ginagamit bilang puhunan sa negosyo at ang lahat ng pisikal na bagay na ginagamit sa produksiyon.

d. Negosyante - ang tawag sa mga taong nagtatatag ng negosyo sa pamamagitan ng pag-aayos, pamamahala at pagpapasiya sa gagamiting mga salik ng produksiyon upang

makagawa at makapagbigay ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo at produkto.

MGA URI NG ORGNISASYON SA NEGOSYO

a. Isahang Pagmamay-ari - ang tawag sa uri ng organisasyong pangnegosyo kung saan isang negosyante lamang ang may pananagutan sa lahat ng may kinalaman sa negosyo.

Kabutihan

* Ito ang pinakamadaling paraan sa pagbuo ng negosyo.

* Maliit lang ang kanilang puhunan/kapital

* Hawak ng negosyante ang lahat ng aspekto ng negosyo,

* Lahat ng kita ay mapupunta sa negosyante

Kahinaan

* Iisa lang ang negosyo at ang negosyante sa mata ng mga nagpapautang.

* Mahirap magkaroon ng bawas sa buwis kung ihahambing sa posibilidad na makakuha ng ganitong diskuwento kung ang negosyo ay sosyohan at korporasyon.

* Maliit lamang ang posibilidad na lumawak o lumaki ang negosyo dahil hindi naman kalakihan ang puhunan dito.

b. Sosyohan - binubuo ng dalawa o mas marami pang tao na may kasunduang mag-aambag ng pera o kakayahan para gawing puhunan pangnegosyo at may intensiyong paghati-hatian ang kita pagkatapos.

Kabutihan

* Mas malaki ang puhunang pang negosyo dahil mas marami ang negosyanteng mag-aambag.

* Magkakaiba ang tungkulin ng magkakasosyo sa negosyo, ngunit ang pananagutan sa utang ay maaaring pasanin ng lahat.

* Mas madali ang pamamalakad sa negosyo dahil magkakakilala at nagtutulungan ang magkakasosyo.

Kahinaan

* Kapag umalis o namatay ang isang kasosyo, agad na mabubuwag ang sosyohan.

* Dahil marami ang magkakasosyo, posibleng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na makakaapekto sa takbo ng negosyo.

* Hati ang kita ng isang sosyohan ayon sa napagkasunduan ng mga magkakasosyo.

Page 12: Tungkol sa Ekonomiks

c. Korporasyon - organisasyong pang-negosyo na binubuo sa ilalim ng batas upang magtayo at magpatakbo ng isang negosyo.

Kabutihan

* Mas malaki ang puhunan dahil mas marami ang mga kasapi at maaaring magbenta ng shares upang mas lumaki ang puhunan.

* Mabilis ang paglikom ng puhnan kapag kailangan.

* Ang pananagutan ng bawat may-ari ng krporasyon ay limitado lamang sa halagang iniambag o sa halaga lamang ng binili niyang shares.

Kahinaan

* Dahil mas malaki ang isang korporasyon mas mahirap itong buuin at pamahalaan.

* Kapag kaunti lang ang hawak na shares ng isang may-ari, maaaring wala siyang kinalaman sa pamamalakad nito.

* Karaniwang pinamamahala sa ibang tao ang isang korporasyon na kadalasan y iba ang interes kaysa mga may-ari.

d. Kooperatiba - samahan ito ng 15 o higit pang tao na naglalayong mag-kaisa at magtulungan upang matamo ang mga layuning panlipunan at pangkabuhayan.

Kabutihan

* Ang pananagutan ng mga kasapi ng kooperatiba ay hanggang sa halagang iniambag lamang ng bawat isa.

* May kasiyahan sa trabahong may kita ng sarili at may pantay pang bahagi sa kita ng kanilang negosyo.

* Maraming tulong at benipisyo na ibinibigay ang pamahalaan sa mga kooperatiba sa Pilipinas.

Kahinaan

* Mas matagal ang desisyon dahil sa dami ng bumoboto.

* Maaaring walang karanasan ang mga kasapi sa pamamahala at pagpapatakbo ng negosyo at malugi ito.

KAHALAGAHAN NG NEGOSYO SA EKONOMIYA

1. Negosyo ang gumagawa ng iba’t ibang produkto at serbisyo na nagbibigay ng kasiyahan sa mga mamimili.

2. Negosyo ang mga nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayang Pilipino.

3. Kumikita ang bansa sa mga negosyo sa pamamagitan ng mga buwis.

Part II

Pag-aaring Pribado - ang may-ari ang may tanging karapatang gumamit, magbenta o ipagpalit ang kaniyang ari-arian.

Page 13: Tungkol sa Ekonomiks

Pag-aaring Pambayan - may isang bagay na magagamit ng lahat kahit hindi sila magbayad.

Pag-aaring Intelektuwal - tinutukoy nito ang anumang katha o gawa ng isip o talino ng isang tao.

Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) - ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagrerehistro at pagtatanggol ng Intellectual Property Rights.

Patent - karapatang ibinibigay ng IPOPHL sa may-ari ng isang imbensiyon ng produkto o proseso na bago sa kabuuan o may binagong katangian ng produkto o hakbang sa proseso at may tunay na pakinabang sa industriya, sa negosyo, o sa pagkonsumo.

Copyright - ang tawag sa patent na ipinagkakaloob sa mga likha ng manunulat, kompositor, programmer, website designer, at iba pang manlilikha ng panitikan at sining.

Tradename - buong pangalan ng kompanya na nakarehistro sa DTI.

Trademark - marka ng mga produkto ng isang kompanya at inirerehistro naman sa IPOPHL.

Graphic Indication o palatandaang heograpikal - isang pangalan o marka na gamit ng isang produkto mula sa isang partikular na lugar.

Madrid Protocol - ang mga karapatan at proteksiyong tintamasa ng isang produktong nakarehistro, ang trademark sa isang bansa ay sumasklaw na rin sa lahat ng mahigit 80 bansang umaayon at nagpapatupad sa protocol.

Apat na Uri ng Pamimirata sa Industiya ng Musika

1. Kopya - ay produktong kamukha ngunit maaaring hindi kamukhang-kamukha ng tunay na produkto na mas higit na mura kaysa presyo ng orihinal na produkto ng merkado.

2. Peke - ay nagtataglay ng halos kamukhang-kamukhang trademark ng tunay na produkto at ipinagbibili sa mas mababang halaga.

3. Kontrabando - tumutukoy sa mga kopya ng di pinahintulutang recording ng pagtatanghal o broadcast tulad ng mga laban sa boksing ni Manny Pacquiao.

4. Nakaw sa internet - ay ang download ng mga likha o awitin na karaniwang ginagamit para sa personal na pagkonsumo.

Digital Rights Management (DRM) - sistemang maaaring gamitin upang pigilan ang paggamit, pagkopya, o pagbago ng mga likha na nakalagay sa optical media.

Optical Media Board (OMP) - ang nangangasiwa sa pagbebenta, pagpapaarkila, pagpapagawa, paghuhulma, pamamahagi, at pag-aangkat at pagluluwas ng optical media.

Source Identification Code (SID Code) - inilalagay sa optical media sa pamamagitan ng laser.

Business Software Alliance (BSA) - ay pandaigdigang samahan ng mga taong gumagawa ng iba’t ibang software na may layuning ipagtanggol ang kanilang IPR.

Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) - nagsusulong sa pagtatag ng Performers Rights’ Society of the Philippines (PRSP) upang mangalap ng royalty para sa mga artista, mang-aawit, kompositor, at iba pang nagtatanghal sa madla.

National Committee on Intelectual Property Rights (NCIPR) - ito ay binubuo ng pagsasama-samang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa IPR, pati na rin ng mga ahensiyang may kapangyarihang dumakip ng mga lumalabag sa IPR ng isang tao o samahan.

Page 14: Tungkol sa Ekonomiks

IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

a. Ekonomiyang Tradisyonal (subsistence economy) - ang mga bagay na kinakailangan lamang ng bawat mamamayan ang ginagawang produkto ng ekonomiya.

b. Ekonomiyang Pangmerkado (market economy) - sa ganitong sistema malaya ang pagpapalitan ng produkto ng mga mamimili at mga nagbebenta.

c. Ekonomiyang Kontrolado ( command economy) - sa sistemang ito, lahat ng aspekto, kasama na ang alokasyon, ay kontrolado at idinidikta ng pamahalaan.

d. Ekonomiyang Magkahalo (mixed economy) - kung saan sa mga mamimili ng produkto at sa mga nagbebenta nito nakasalalay ang alokasyon ng mga produkto ngunit may kapangyarihan ang pamahalaan na makialam sa daloy, bilis, o dami ng pagpapalitan.

Demand - ay ang kagustuhang makuha o makamit ang isang produkto o serbisyo sa isang partikular na presyo.

Ceteris Paribus (nang walang ibang gumagalaw) - ang kondisyong ito ay ginagamit sa pagsusuri ng interaksiyon ng dalawang variable, bagay, elemento, o aspektong nagbabago ang halaga, gaya ng presyo at bilang ng mga produkto, nang walang impluwesya, mula sa panlabas na mga salik.

Supply - ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na ibinebenta sa pamilihan.

Mga Pangunahing Salik sa Paglipat ng Demand

a. Kita ng Mamimili - kapag tumaas ang kita ng mamimili, dadami ang mga produkto at serbisyong kaya nilang bilhin, kahit hindi nagbabago ang presyo.

b. Populasyon - kapag malaki ang populasyon ng isang bansa, mas maraming produkto at serbisyo ang kailangan para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng

bawat miyembro ng populasyon.

c. Presyo ng Ibang Produkto

a.a Produktong Pamalit (substitute product) - ay mga produktong may parehas gamit o silbi.

b.b. Produktong Pampumo (complementary product) - mga produktong kunukunsumo o ginagamit nang magkasabay o magkasunod.

d. Pagkagusto ng Mamimili - mas tinatangkilik na ng mga mamimili ang mga produktong limitado o kaunti lamang ang mga kemikal na sangkap.

Panic Buying - ang biglaang pagbili ng mga produkto dahil sa takot na maubusan.

Hoarding - kung saan ang mga produkto ay itinatago upang magkaroon ng demand dito at maitaas ng mga negosyante ang presyo nito sa merkado.

Price Elasticity Demand - ay ang pagsukat kung gaano karami ang pagbabago sa bilang o dami ng produkto o serbisyo kapag nagbago ang presyo ng mga ito.

Elastic - kung mas malaki ang presyo ng pagtaas ng demand kaysa sa pagtaas ng presyo.

Inelastic - kung mas maliit ang porsiyento ng pagtaas ng demand kaysa sa pagtaas ng presyo.

Equilibrium - kung kailan ang lahat ng puwersa na nakakaapekto sa supply at demand ng isang produkto o serbisyo ay nagiging balanse.

Page 15: Tungkol sa Ekonomiks

Price Ceiling - ang itinakda na presyong maaaring singilin na kabayaran ng isang negosyante bilang kapalit ng kaniyang produkto o serbisyo.

Price Floor - ang pinakamababang presyong dapat ibayad ng mga mamimili sa mga negosyante bilang kapalit ng biniling produkto o serbisyo.

Price Act - ay isinasagawa sa maraming lugar sa Pilipinas lalo na kung may kalamidad, kung umiiral ang batas militar o kung may nagaganap na rebelyon o giyera.

Cheaper Medicines Act - ay ipinatupad naman upang makatulong sa mga mamamayang nangangailangan ng kinakailangan nilang gamot sa murang halaga.

Suggested Retail Price - iminumungkahing presyo sa mga tingiang tindahan ng mga produkto o serbisyo.

a. Batayang Pangangailangan (basic necessities) - mga produkto o serbisyong kailangan ng tao para mabuhay, tulad ng gatas, mantika, sabong panlaba at uling.

b. Pangunahing Klakal (prime commodities) - mga produkto o serbisyong kailangan sa pangunahing mga negosyo at serbisyo tulad ng pagkain sa manok, baboy o baka, mga gamit sa paaralan at mg gamit sa konstruksiyon.

Maling Paraan ng Pagtataas ng Presyo:

a. Hoarding (Ilegal na pag-iimbak o pagtatago ng produkto) - para palabasin na kulang ang supply nito at nang sa gayon ay tumaas ang presyo sa merkado.

b. Profiteering (Panghuhuthot) - pagbebenta ng produkto sa presyong higit na mataas kaysa sa totoong halaga nito.

c. Cartel (Sabwatan ng negosyo) - kung saan ang mga negosyo ay magkakasapakat para magkaroon ng monopolyo sa isang produkto o serbisyo at pataasin ang presyo nito.

NFA (National Food Authority) - tungkuling bantayan ang presyo ng bigas.

Ang Sistema ng Pamilihan

Pamilihan – nagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili;lugar kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.

Sistemang Merkado – ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang merkado o pamilihan ang nagiging batayan ng lahat ng gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.

Opportunity Cost – isinakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang paggagamitan nito.

Explicit Cost – gastos sa produksiyon na nangangailangan ng pera.

Implicit Cost – kabayaran na tinatanggap ng may-ari ng negosyo.

Adam Smith – Ama ng Makabagong Ekonomiks

MGA ANYO NG PAMILIHAN

1. Purong Kompetisyon – anyo ng pamilihan kung saan ay may napakaraming kompanya na nagbebenta ng isang uri ng produkto o serbisyo.

Mga Katangian ng Purong Kompetisyon

a. Magkakatulad na produkto

Page 16: Tungkol sa Ekonomiks

b. Malayang paggalaw ng mga salik ng produksiyon

c. Marami ang mamaimili at nagbibili ng produkto

d. Sapat na kaalaman at impormasyon

e. Libre sa paglabas at pagpasok sa industriya

2. Monopolistikong Kompetisyon – anyo ng pamilihan na kung saan may karamihan ang bilang ng mga mga nagbebenta na nagpoprodyus ng pinag-iiba-ibang mga produkto.

3. 3. Oligopolyo – anyo ng pamilihan na kung saan kakaunti lang ang nagbebenta ng isang

uri ng produkto o serbisyo na nagbubunsod ng interdependence ng mga ito sa pagpapasya ukol sa pagpepresyo at dami ng ipoprodyus ng kanilang produkto.

Aspekto na Magpapaliwanag sa Pagkilos ng mga Oligopolista

a. Pagkakaroon ng Collusion - Ito ay ang pagsasabwatan ng mga kompanya upang matamo ang kapakinabangan sa negosyo.

b. Magkakapareho ang Reaksiyon - Ang pagkilos ng isang oligopolista ay naaayon sa pinagkasunduan ng ibang oligopolista para sa kanilankapakinabangan.

c. Hindi Naglalaban sa Presyo - Isang mahalagang bagay na pinag-uusapan kapag may collusion ay tungkol sa pagtatakda ng presyo.

4. Purong Monopolya – anyo ng pamilihan kung saan iisang kompanya lamang ang nagbebenta ng isang uri ng produkto o serbisyo.

Kapitalismo – ang sistemang pang-ekonomiko na kung saan ang pwersa ng demand at suplay ang nagsisilbing batayan kung anu-anong mga produkto o serbisyo ang ipoprodyus at kung sino-sino ang magkakaroon ng kontrol sa yaman ng isang bansa.

Mga Katangian ng Kapitalismo

1. Pribadong Pagmamay-ari - dito nakasalalay ang pagdedesisyon tungkol sa kung ano ang gagawin ng tao sa kanyang yaman.

2. Kalayaan sa Pagtatag at Pagpili ng Negosyo - sa isang kapitalistang bansa ay malaya ang mga taong magtatag ng kahit anong negosyo alinsunod sa itinatadhana ng batas.

3. Pagtuon sa Pansariling Interes - ayon sa mga nagtataguyod ng sistemang kapitalismo, ang pansariling interesang siyang humahatak sa tao upang mapaunlad ang sarili.

4. Pagkakaroon ng Kompetisyon - naniniwala ang mga nagtaguyod ng kapitalismo na ang kalikasan ng tao na makipagkompetensiya ay isang pangunahing pwersa upang maibigay ang pinakamahusay nitong paggawa sa lipunan.

5. Pagtatakda ng Presyo Sang-ayon sa Galaw ng Pamilihan - sa kapitalismo ang merkado ang siyang bumubuo sa lahat ng mga suplay ng mga prodyuser at demand ng

mga konsyumer ang nagpapasya ng presyo ng mga bilihin, hindi tulad ng ibang sistemang pang-ekonomiya na iilan lamang ang nagdidikta ng presyo ng produkto sa pamilihan.

6. Limitadong Partsipasyon ng Pamahalaan - maliit lamang ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa isang bansang nasa ilalim ng kapitalismo. Ito ay sang-ayon sa

Page 17: Tungkol sa Ekonomiks

paniniwala ng mga nagtatag ng sistemang ito na ang makatwirang pagdedesisyon ng buong merkado ang nagpapagalaw sa ekonomiya.