ANG TEORYANG ARKETIPO.docx

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/22/2019 ANG TEORYANG ARKETIPO.docx

    1/2

    ANG TEORYANG ARKETIPO

    Ang teoryang arketipo o symbolic ay tinatawag ding mitolohikal o

    ritwalistiko. Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang arketipo, kailangan

    ang masusing pagbabasa ng teksto gaya ng pormalismo at kailangang

    nanghahawakan nang mabuti ang mambabasa sa kanyang mga

    kaalamang sikolohikal, historikal, sosyolohikal, at kultural. Sabi naman

    ni Reyes (1992), ang mga banghay, tauhan, tema, at imahe sa mga akda

    ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad na

    elemento ng mga matatandang mito at alamat. Ang arketipo ay ang

    mga simbolong imahen o motif napaulit-ulit na makikita sa mga akdang

    panitikan (tauhan, uri ng kwento, pangyayari, at iba pa.) Ang mga

    arketipo ay mga bungang-isip, walang hangganan, at matatag.

    Halimbawa: Sina Herkules at Darna ay nilikha na dantaon ang pagitan

    subalit parehong tauhan ang kanilang kinakatawan -bayaning

    nagtataglay ng pambihirang lakas.

    Ayon kay Griffith (1982), bagamat maraming posibleng uri ng arketipo,

    mahahati ito sa tatlo:

    1. ARKETIPONG TAUHAN - ang bayani, ang martir, ang rebelled, ang

    mabagsik na madrasta, ang sawing magsing-iro8, ang itinakwil,at iba pa;

    2. ARKETIONG PANGYAYARI - gaya ng paghahanap, ang inisasyono

    pagpapasimula, ang paglalakbay, ang pagbagsak, kamatayan, at

    pagkabuhay

    3. ARKETTPONG SIMBOLO AT KAUGNAYAN - na gumagamit ng

    tambalan.

    Halimbawa: liwanag at dilim-ang liwanag ay sagisag ng karunungan,

    pag-asa, espiritwalidad; at ang dilim ay sagisag ng kamangmangan,

  • 7/22/2019 ANG TEORYANG ARKETIPO.docx

    2/2

    kalungkutan, at iba pa. Mayroon ding imahe o simbolong kaugnay ng

    langit o impiyerno at ang mga ito ay ikinakapit natin sa mga karanasan.