2
December — February 2014 Volume 2, Issue 4 ANG PASKO NG CALSEDECO! Ipinagdiwang ng CALSEDECO ang PASKO sa natatanging paraan ngayong 2013. Sa halip na isang mabonggang handaan, pinili ng Management na ipagdiwang ito sa pamamagitan ng isang simple at makabuluhang pagdiriwang bilang pagtugon sa tunay na diwa ng Pasko kung saan nag-alay ang lahat ng regalong pinansyal sa mga bikma ng mga nagdaang kalamidad. Ang mga empleyado, portworkers at mga kasapi ng CALSEDECO ay nag- ambag ng kanilang tulong- pinansyal na nakalikom ng halagang Php 104,700.00 na ipinarang sa mga bikma sa pamamagitan ni Bishop Warlito I. Cajandig, DD. Nagkaloob rin ang CALSEDECO para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol na nagkakahalaga ng P20,000.00. Napagkalooban din ang mga taga Anque ng P10,000.00 sa pamamagitan ni Sr. Nathy Ysug, MSLT. Sapagkat ang PPA ay may sariling pagsisikap na makapag-ambag para sa mga bikma ng Yolanda at ang CALSEDECO ay isang lihimong Service Provider nito sa Pantalan ng Calapan, muling nagbahagi ng tulong-pinansyal ang mga empleyado at portworkers ng CALSEDECO na nakapag-ambag ng halagang Php38,500.00. Subalit ang ganitong diwa ay hindi naging sagabal upang muling magsama-sama ang mga empleyado at portworkers sa pagdiriwang ng Pasko. Sa pagpong ito ay higit na pinalalim ang ugnayan at pagkakaisa ng buong workforce ng CALSEDECO sa pamamagitan ng isang Team Building Seminar/Workshop na pinadaloy ni Bb. Donna Virola. Sa unang bahagi nito ay nagbahagi si Gng. Sonia G. Satur, ang General Manager ng CALSEDECO, para sa paglilinaw at pagtatalakay tungkol sa VMG ng Kooperabang ito. Sa huli, nilagom at nag-iwan ng mga hamon ang Chairman ng BOD, G. Denisardo T. Gasic. Ang culminaon acvity ng buong pagdiriwang ay isinagawa sa pamamagitan ng isang Misang Pasasalamat na ginanap sa St. Francis of Assisi Quasi-Parish, Lazareto, Calapan City. Tumanggap din ang bawat empleyado, portworkers at mga piling kasapi ng regalong Christmas Grocery Package. Ang tagumpay ng isang kooperaba ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtangkilik ng mga kasapi nito. Kaya bilang pagkilala sa kanila ay pinagkalooban ng CALSEDECO ang mga Outstanding Members nito ng mga Grocery Packages. Ang naging batayan ng pagpili sa mga Outstanding Members ay ang sumusunod: a. Sa kabuuang bilang ng mga kasapi pumili ng mga Member in Good Standing (MIGS) b. Mula sa MIGS pumili ang management ng TOP Handog sa mga Outstanding Members PATRONIZERS at TOP SHARE CAPITAL CONTRIBUTORS sa taong 2013 at ang bilang ng tatanggap ay nakabatay sa bilang ng kasapi sa bawat Satellite Office. Ayon sa pag-aaral ng Ad Hoc Commiee na nag-asikaso ukol dito, narito ang talaan ng bilang na nakatanggap ng mga grocery packages: Area Reg. Ass. Total Calapan 60 60 120 Victoria 30 40 70 Pinamalayan 30 40 70 Puerto Galera 15 20 35 Roxas 15 20 35 Lemery, Batangas 0 20 20 Total 150 200 350 Ang natanggap ng mga Regular Members ay nagkakahalaga ng P750.00 na groceries samantala sa Associate Members ay P500.00 na halaga ng groceries. Mun mang maituturing subalit ang higit na mahalaga ay ang pagkilala sa pagtataguyod at pagtangkilik sa mga serbisyo at programa ng CALSEDECO. Ang Outreach Program ng CALSEDECO para sa mga Senior Cizens ay isang tuloy-tuloy na programa kung kaya ngayong Pasko ay muling nipon ang humigit kumulang sa limampung (50) indigent beneficiaries mula sa St. Francis of Assisi Quasi- Parish. Ginanap ang pagpon at pamimigay ng regalo sa Calsedeco Shelterville, Parang, Calapan City sa pangunguna ng Chairman of the BOD, Denisardo T. Gasic kasama ang General Manager, Madam Sonia G. Satur. Maliban sa mga Grocery Packages, higit na biyaya ang nanggap ng mga Senior Cizens sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kanila sa pangunguna ni Fr. Josef Situ, SVD. HIGHLIGHTS As of December 31, 2013 Total Membership: 7,402 Total Regular Members: 802 Total Associate Members: 4,933 Total Calabco Members: 1,539 Total SMILE Members: 128 ANNOUNCEMENT 39 th ANNUAL GENERAL ASSEMBLY MEETING: Theme: “Kooperaba: Lakas ng Pagbabago” Date: March 23, 2014, Linggo Time: 7:00 AM-5:00PM Venue: Benedicne Nuns of the Eucharisc King Monastery, Salong, Calapan City PAALAALA: Bilang pagtupad sa nasasaad sa RA 9520 at maging sa ang Arcles of Cooperaon & By- Laws, ang pangunahing inaasahang dadalo ay ang mga REGULAR members na inuturing na MEMBER ENTITLED TO VOTE. MAHAHALAGANG GAWAIN SA GEN. ASSEMBLY: 1. Pag-uulat ng Lupon ng Patnugutan, GM, Finance Officer at mga Komite. 2. Pag-apruba ng mga batas,plano at budget 3. Halalan para sa ilang mga Opisyal ng koop. 4. Open Forum para sa malayang talakayan Senior Cizens, Biniyayaan ng CALSEDECO

ANG PASKO NG CALSEDECO!calsedeco.com.ph/koop balita issues/KoopBalita_v2.4.pdf · 2019. 8. 14. · ANG PASKO NG CALSEDECO! Ipinagdiwang ng ALSEDE O ang PASKO sa natatanging paraan

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG PASKO NG CALSEDECO!calsedeco.com.ph/koop balita issues/KoopBalita_v2.4.pdf · 2019. 8. 14. · ANG PASKO NG CALSEDECO! Ipinagdiwang ng ALSEDE O ang PASKO sa natatanging paraan

December — February 2014 Volume 2, Issue 4

ANG PASKO NG CALSEDECO!

Ipinagdiwang ng CALSEDECO ang PASKO sa natatanging paraan ngayong 2013. Sa halip na isang mabonggang handaan, pinili ng Management na ipagdiwang ito sa pamamagitan ng isang simple at makabuluhang pagdiriwang bilang pagtugon sa tunay na diwa ng Pasko kung saan nag-alay ang lahat ng regalong pinansyal sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad. Ang mga empleyado, portworkers at mga kasapi ng CALSEDECO ay nag-ambag ng kanilang tulong-pinansyal na nakalikom ng halagang Php 104,700.00 na ipinarating sa mga biktima sa pamamagitan ni Bishop Warlito I. Cajandig, DD. Nagkaloob rin ang CALSEDECO para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol na nagkakahalaga ng P20,000.00. Napagkalooban din ang mga taga Antique ng P10,000.00 sa pamamagitan ni Sr. Nathy Ysug, MSLT. Sapagkat ang PPA ay may sariling pagsisikap na makapag-ambag para sa mga

biktima ng Yolanda at ang CALSEDECO ay isang lihitimong Service Provider nito sa Pantalan ng Calapan, muling nagbahagi ng tulong-pinansyal ang mga empleyado at portworkers ng CALSEDECO na nakapag-ambag ng halagang Php38,500.00. Subalit ang ganitong diwa ay hindi naging sagabal upang muling magsama-sama ang mga empleyado at portworkers sa pagdiriwang ng Pasko. Sa pagtitipong ito ay higit na pinalalim ang ugnayan at pagkakaisa ng buong workforce ng CALSEDECO sa pamamagitan ng isang Team Building Seminar/Workshop na

pinadaloy ni Bb. Donna Virola. Sa unang bahagi nito ay nagbahagi si Gng. Sonia G. Satur, ang General Manager ng CALSEDECO, para sa paglilinaw at pagtatalakay tungkol sa VMG ng Kooperatibang ito. Sa huli, nilagom at nag-iwan ng mga hamon ang Chairman ng BOD, G. Denisardo T. Gasic. Ang culmination activity ng buong pagdiriwang ay isinagawa sa pamamagitan ng isang Misang Pasasalamat na ginanap sa St. Francis of Assisi Quasi-Parish, Lazareto, Calapan City. Tumanggap din ang bawat empleyado, portworkers at mga piling kasapi ng regalong Christmas Grocery Package.

Ang tagumpay ng isang kooperatiba ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtangkilik ng mga kasapi nito. Kaya bilang pagkilala sa kanila ay pinagkalooban ng CALSEDECO ang mga Outstanding Members nito ng mga Grocery Packages. Ang naging batayan ng pagpili sa mga Outstanding Members ay ang sumusunod: a. Sa kabuuang bilang ng mga

kasapi pumili ng mga Member in Good Standing (MIGS)

b. Mula sa MIGS pumili ang management ng TOP

Handog sa mga Outstanding Members

PATRONIZERS at TOP SHARE CAPITAL CONTRIBUTORS sa taong 2013 at ang bilang ng tatanggap ay nakabatay sa bilang ng kasapi sa bawat Satellite Office.

Ayon sa pag-aaral ng Ad Hoc Committee na nag-asikaso ukol dito, narito ang talaan ng bilang na nakatanggap ng mga

grocery packages: Area Reg. Ass. Total

Calapan 60 60 120

Victoria 30 40 70

Pinamalayan 30 40 70

Puerto Galera 15 20 35

Roxas 15 20 35

Lemery, Batangas 0 20 20

Total 150 200 350

Ang natanggap ng mga Regular Members ay nagkakahalaga ng P750.00 na groceries samantala sa Associate Members ay P500.00 na halaga ng groceries. Munti mang maituturing subalit ang higit na mahalaga ay ang pagkilala sa pagtataguyod at pagtangkilik sa mga serbisyo at programa ng CALSEDECO.

Ang Outreach Program ng CALSEDECO para sa mga Senior Citizens ay isang tuloy-tuloy na programa kung kaya ngayong Pasko ay muling tinipon ang humigit kumulang sa limampung (50) indigent beneficiaries mula sa St. Francis of Assisi Quasi-Parish. Ginanap ang pagtitipon at pamimigay ng regalo sa Calsedeco Shelterville, Parang, Calapan City sa pangunguna ng Chairman of the BOD, Denisardo

T. Gasic kasama ang General Manager, Madam Sonia G. Satur. Maliban sa mga Grocery Packages, higit na biyaya ang tinanggap ng mga Senior Citizens sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kanila sa pangunguna ni Fr. Josef Situ, SVD.

HIGHLIGHTS

As of December 31, 2013

Total Membership: 7,402

Total Regular Members: 802

Total Associate Members: 4,933

Total Calabco Members: 1,539

Total SMILE Members: 128

ANNOUNCEMENT

39th ANNUAL GENERAL ASSEMBLY MEETING:

Theme: “Kooperatiba: Lakas ng Pagbabago” Date: March 23, 2014, Linggo Time: 7:00 AM-5:00PM Venue: Benedictine Nuns of the Eucharistic King Monastery, Salong, Calapan City

PAALAALA:

Bilang pagtupad sa nasasaad sa RA 9520 at maging sa ating Articles of Cooperation & By-Laws, ang pangunahing inaasahang dadalo ay ang mga REGULAR members na itinuturing na MEMBER ENTITLED TO VOTE.

MAHAHALAGANG GAWAIN SA GEN. ASSEMBLY:

1. Pag-uulat ng Lupon ng Patnugutan, GM, Finance Officer at mga Komite.

2. Pag-apruba ng mga batas,plano at budget

3. Halalan para sa ilang mga Opisyal ng koop.

4. Open Forum para sa malayang talakayan

Senior Citizens, Biniyayaan ng CALSEDECO

Page 2: ANG PASKO NG CALSEDECO!calsedeco.com.ph/koop balita issues/KoopBalita_v2.4.pdf · 2019. 8. 14. · ANG PASKO NG CALSEDECO! Ipinagdiwang ng ALSEDE O ang PASKO sa natatanging paraan

CALSEDECO Page 2

DECEMBER—FEBRUARY 2014 KOOP-BALITA VOLUME 2 ISSUE 4

HALALAN 2014 NG CALSEDECO Sa gaganaping 39th Annual General Assembly Meeting ng CALSEDECO ay kaalinsabay na idaraos ang halalan para sa iba’t ibang posisyon tulad ng a) Board of Directors b) Election Committee Members at c) Audit and Inventory Committee Members. Noong Enero 22, 2014 ay nagpabatid ng paanyaya ang kasalukuyang Election Committee para sa pagpapasa ng Certificate of Candidacy simula ika-1 ng Pebrero 2014 hanggang ika-3 ng Marso 2014. Isinagawa ng komite

Naging kalunos-lunos ang sinapit ng ating mga kapatid na biktima ng bagyong YOLANDA noong November 8, 2013 na ikinamatay ng halos pitong libong katao at milyong mamamayan ng Samar at Leyte ang nawalan ng tirahan. Ang CALSEDECO bilang isang kooperatiba na kinilala rin sa buong bansa dahil sa mga pagtulong nito sa mga nangangailangan ay hindi nagpahuli sa pagdamay sa mga biktimang nabanggit. Maraming pagsisikap na ginawa ang CALSEDECO upang makatugon sa panawagan ng pakikiramay para sa kanila. Una, sa araw-araw na pananalangin ng mga empleyado tuwing ika-3 ng hapon ay inilalaan para sa intensyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ikalawa, ang lahat ng mga portworkers, empleyado at mga kasapi ay nag-ambag ng pinansyal na tulong na ipinaabot sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan ni Bishop Warlito I. Cajandig, D.D. at sa Philippine Ports Authority (PPA) sa pamamagitan ni Dr. Victor A. Arellano, Port Manager ng Calapan City. Ikatlo, ang lahat ng mga sasakyang naghahakot ng mga relief Goods na dumadaan sa pantalan ng Calapan ay hindi na sinisingilan ng Ro-Ro Terminal Fee (RRTF) sa halip ay

CALSEDECO ang nagbabayad sa PPA ng kaukulang Port charges upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta. At ikaapat, ang isang gabing pagtatanghal ng CALSEDECO sa Salong-Dagitab ng Or. Mindoro na ginanap noong December 6, 2013 sa Provincial Capitol Complex ay inilaan para sa mga biktima sa pamamagitan ng isang Donation Box na ang nalikom na halaga ay ipinagkaloob din sa mga nasalanta ni Yolanda. Sa kabuuan ang CALSEDECO ay nakapag-ambag ng halagang P208,500.00.

“…whatever you did for one of the least of these brothers and sisters

of mine, you did it for me!” -Mt. 25:40

Isa sa maipagmamalaki ng CALSEDECO ay ang kahandaan nitong dumamay at tumulong sa pamilya ng mga kasapi ng kooperatibang ito na naulila. Ang CALSEDECO ay may nakahandang programa para sa mga ganitong pagkakataon. Ito ay ang Member Support Fund Program kung saan ang mga kasapi ay naglalaan ng Savings para maitulong sa mga naulilang pamilya. Ilan sa mga kasapi ay sumali sa CALSEDECO hindi dahil gusto nilang mangutang kundi dahil sa ganitong mga programa at iba pang mga benepisyo na matatanggap bilang kasapi ng CALSEDECO.

Ang pamilyang naulila ng isang kasapi, regular man o associate, ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansyal batay sa tagal ng kasapian at halaga ng kontribusyon sa Member Support Fund (MSF). Upang maituring na isang aktibong kasapi, ang Savings ng isang miyembro ay kinakailangang hindi bababa sa P500.00 at regular niya itong hinuhulugan sa bawat buwan ng P100.00 kung saan dito manggagaling ang kanyang tulong sa pagkakataong may mamatay na kasapi.

Sa bagong polisiya, sa halip na awtomatikong kinakaltas ang halagang P80.00 bilang tulong-pinansyal, maaaring mas mababa pa sa P80.00 ang bawasin mula sa MSF o Savings Deposit 2 ng bawat kasali sa programang ito batay sa computation ng kaukulang benefits. Karagdagan nito, higit na mas mababa ang kinakaltas mula sa mga Senior Citizens.

Ang maganda sa Member Support Fund Program ng CALSEDECO, ang mga tulong pinansyal ay kaagad na nakakarating sa mga naulilang pamilya ng namatay na kasapi. At makalipas ang dalawang taon ng pagiging kasali sa programang ito, maaari ding makatangap ang isang kasapi ng tulong-pinansyal kung sakaling may mamatay sa kanyang kapamilya.

Ang programang ito ay hindi isang insurance kundi isang sistema ng pag-iimpok upang nakahanda tayong makatulong sa ating mga kasapi sa panahon ng pangangailangan. Wika nga sa PCP II: “Walang sinumang napakahirap upang walang maibahagi at walang napakayaman upang walang kailanganin.”

Editorial Staff

Heribert B. Quialquial Editor

Ms. Sonia G. Satur Adviser

Mr. Denisardo T. Gasic Adviser

Schenker T. Marasigan Photo Editor

SUBSCRIPTION

Gusto mo bang regular na makatanggap ng lathalaing ito?

P10.00/taon (4 copies)P3.00/copy Makipag-ugnayan sa pinakamalapit

na opisina ng CALSEDECO.

ang pagsusuri ng mga kandidato para sa gaganaping halalan. Batay sa kanilang isinagawang screening ang mga kwalipikadong kandidato na maaaring ihalal ay ang mga sumusunod: A. Board of Directors

1. Edgardo B. Gozar 2. Israel B. Pinohermoso 3. Meredith C. Yap 4. Elegio M. Castillo

B. Membership in the Election Committee: 1. Cherry L. Ilagan

2. Melanie E. Arguilles 3. Elpidio G. Quinto

C. Membership in the AIC: 1. Rone B. Madrid 2. Ma. Ginadora C.

Incapaz 3. Eduardo L. Enano

Para sa demokratikong pamamahala ng kooperatibang ito, inaasahan na ang mga regular na kasapi na kwalipikadong bumoto ay gamitin ang kanilang mga karapatan at tungkulin.

Cast your vote on March 23!

MEMBER ENTITLED TO

VOTE Ayon sa Board Resolution No. 32 S-2004 ang mga Criteria sa

pagtukoy ng MEMBERS ENTITLED TO VOTE ay ang

sumusunod:

1. Pagbabayad ng Membership Obligation a. Share Capital - 20 b. MSF (Damayan) - 5

2. Loan Records & Payments – 20 3. Attendance & Participation in

previous GA – 10 4. Electoral Process - 10

a. Elected - 2 b. Filed Candidacy – 3 c. Casted Vote – 5

5. Cooperation, patronage & Participation - 15

6. Obedience – 5 7. Length of Membership – 5 8. Participation in Recruitment

Program - 10 TOTAL 100

Ang mga katapat na bilang ay ang pinakamataas na puntos na maaaring makuha ng isang miyembro at maituturing na “Member Entitled to Vote” ang isang kasapi kung makakakuha siya ng 65 puntos pataas.

Napakahalaga na mapanatili ang pagiging mabuting kasapi upang makamtan ang lahat ng benepisyo na ipinagkakaloob ng kooperatiba. Maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na opisina ng CALSEDECO kung nais ninyong alamin ang detalye ng estado ng inyong membership.

Member Support Fund Program, Pinagbuti Pa!

Tulong Sa “Yolanda Victims” ng CALSEDECO