12
Ang Inahin at ang Agila Ang Inahin at ang Agila Ann Nduku Wiehan de Jager Karla Comanda Tagalog Level 3

Ang Inahin at ang Agila - storybookscanada.ca · napagod sa pananahi. Iniwan niya ang karayom sa paminggalan at nagtungo sa kusina para maghain ng pagkain para sa kanyang mga anak

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Ang Inahin at ang AgilaAng Inahin at ang Agila

    Ann Nduku Wiehan de Jager Karla Comanda Tagalog Level 3

  • Noong unang panahon, magkaibigansina Inahin at Agila. Mapayapa silangnanirahan kasama ang ibang mga ibon.Walang nakalilipad sa kanila.

    2

  • Isang araw, nagkaroon ng tagtuyot sanayon. Kinailangang maglakad ngmalayo ni Agila. Bumalik na sobrangpagod si Agila. “Siguro namanmayroong mas madaling paraan paramaglakbay,” sabi ni Agila.

    3

  • Matapos makatulog ng mahimbingnoong gabi, nagkaroon ng magandangideya si Inahin. Nagsimula siyang mag-ipon ng mga nalaglag na pakpak sakanilang mga kaibigang ibon. “Tahiinnatin ang mga ito sa ibabaw ng mgapakpak natin,” sabi niya. “Marahilsiguro ay mapapadali nito angpaglalakbay natin.”

    4

  • Tanging si Agila lang ang may karayomsa kanilang nayon, kaya nauna siyangmanahi. Naghabi siya ngnapakagandang pares ng mga pakpakat lumipad sa taas ni Inahin. Hiniram niInahin ang karayom ngunit agad siyangnapagod sa pananahi. Iniwan niya angkarayom sa paminggalan at nagtungosa kusina para maghain ng pagkainpara sa kanyang mga anak.

    5

  • Ngunit nakita ng ibang mga ibon nalumipad palayo si Agila. Nakiusap silakay Inahin na ipahiram sa kanila angkarayom para makapaghabi rin sila ngsarili nilang mga pakpak. ‘Di naglaon aynagsisiliparan na rin sa langit ang ibangmga ibon.

    6

  • Wala si Inahin nang ibinalik ng hulingibon ang hiram na karayom. Kinuha ngmga anak niya ang karayom atpinaglaruan ito. Nang magsawa sila sapaglalaro, iniwan nila ang karayom sabuhangin.

    7

  • Bumalik si Agila kinahapunan. Hinanapniya ang karayom para tagpiin angmga balahibong lumuwag sa kanyangpaglalakbay. Naghanap si Inahin sapaminggalan. Naghanap siya sa kusina.Naghanap siya sa bakuran. Pero hindiniya mahanap ang karayom.

    8

  • “Bigyan mo ako ng isang araw,”pagmamakaawa ni Inahin kay Agila.“Pagkatapos ay puwede mo nangtagpiin ang pakpak mo para makalipadka’t makahanap ng pagkain.” “Isangaraw lang,” sabi ni Agila. “Kung hindimo mahanap ang karayom, kailanganmong ibigay ang isa sa iyong mga sisiwbilang kabayaran.”

    9

  • Nang bumalik si Agila kinabukasan,natagpuan niyang nagkukumahog sabuhangin si Inahin, pero wala angkarayom. Kaya bumulusok pababa siAgila at hinuli ang isa sa mga sisiw.Itinakas niya ito. Mula noon, sa tuwingnagpapakita si Agila, nakikita niya siInahin na nagkukumahog sa buhanginpara hanapin ang karayom.

    10

  • Sa tuwing pumapanaog ang anino ngpakpak ni Agila sa lupa, binabalaan niInahin ang kanyang mga sisiw. “Umaliskayo sa hubo at tuyong lupain.” Atsagot nila, “Hindi kami mgamangmang. Tatakbo kami.”

    11

  • Storybooks CanadaStorybooks Canadastorybookscanada.ca

    Ang Inahin at ang AgilaAng Inahin at ang AgilaWritten by: Ann Nduku

    Illustrated by: Wiehan de JagerTranslated by: Karla Comanda

    This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) andis brought to you by Storybooks Canada in an effort to provide children’sstories in Canada’s many languages.

    This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 International License.

    12

    https://storybookscanada.cahttps://africanstorybook.orghttps://storybookscanada.cahttps://creativecommons.org/licenses/by/3.0/https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/