Andres Bonifacio

  • View
    694

  • Download
    83

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mother tongue ppt gr.1

Text of Andres Bonifacio

Diapositiva 1

Maging Masipag atMatiyaga

abanikoKawayan

tungkod

simbahan

kalsada

Anong i na ibig sabihin ay ipinanganak? I _ _ _ _ _ _ _ _ISINILANGAnong U na ibig sabihin ay wala nang mga magulang? U _ _ _ _ULILAAnong T na ang ibig sabihin ay nagtitinda?T _ _ _ _ _ _TINDERA

Maging Masipag at Matiyaga ni Minerva C. David

Si Andres Bonifacio ay tinaguriang Ama ng Katipunan. Siya ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Maaga siyang naulila. Sa gulang na labing-apat, naiwan sa kanya ang lima niyang kapatid. Hindi siya sumuko kahit na maraming hirap ang dinanas niya. Pinanatili niya ang sipag at tiyaga upang siya ay magtagumpay.

ata12Araw-araw nangunguha siya ng kawayan sa paligid. Kuya, anong gagawin natin sa mga kawayang iyan?, tanong ng kanyang kapatid. Gagawa tayo ng tungkod, kikinisin natin at babarnisan. Gagawa tayo ng abaniko. Sige, kami naman ang magtitinda.

Tuwing Linggo, nakapuwesto silang magkakapatid sa kalsada, sa harap ng simbahan at nagtitinda ng tungkod at abanikong papel.

Nagtiyaga sila sa ganitong uri ng pamumuhay hanggang makakuha ng trabaho si Andres. Nasuportahan niya ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nabuhay sila nang maayos dahil sa kanyang sipag at tiyaga.

Ugnayang Gawain Pangkatin ang mga bata sa apat sa saliw ng awiting pambata. Pangkat I: Sino Ako? Bubuuin ng unang pangkat ang pira-pirasong larawan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa bawat isa. Pangkat II: Alam Mo Ba Ang Kaarawan Ko? May mga letra at bilang na nakasulat sa flashcard, ayusin ang petsa kung kailan ipinanganak si Andres Bonifacio. Pangkat III: Lights, Camera, Action! Isadula kung ano ang ginawa ng magkakapatid upang mabuhay at makapag-aral. Pangkat IV: Tamad o Masipag Anong ugali mayroon si Andres Bonifacio? Iugnay ang larawan sa tamang pag-uugali ni Andres. Pagkilala sa Tama at Maling Pahayag Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. ____ 1. Naulila sa kanyang mga magulang si Andres sa gulang na labing-apat. ____ 2. Sila ay pitong magkakapatid. ____ 3. Araw-araw ay nangunguha ng sanga ng puno sa gubat si Andres Bonifacio. ____4. Tuwing Linggo, nagtitinda ang magkakapatid ng suman sa simbahan. ____5. Si Andres Bonifacio ay isinilang sa Tondo, Maynila.