19
7 https://www.pinterest.ph/pin/336151559667444319/ 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0 _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

7

https://www.pinterest.ph/pin/336151559667444319/

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 2: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Filipino- Grade 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan-Module 4: Sanhi at Bunga Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas 2020

Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Grace A. Matsumoto

Tagasuri: Myrna J. Mendaros

Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Carteza M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 3: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Filipino 7

Unang Markahan – Modyul 4 Aralin 4: Sanhi at Bunga

http://graduatestudy572.web.fc2.com/students/3410-essay.html

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 4: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng

Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at

pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito

sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang

pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol

sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.

Ginawa ang modyul na ito bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din

nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 5: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, maihahanda ang mga mag-aaral para sa isang

matagumpay na pagtatalakay sa paksa na dapat mong matutuhan sa

modyul.

Ang mga pagtataya sa bahaging ito ay higit na mapanghamon kaysa

sa Madali lang Iyan. Ang mga ito ay inaasahang higit na susubok sa

kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip at pagtuunan nang higit na

pansin ang paksa.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay

ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin

nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng

pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

SANGGUNIAN Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul

na ito.

iii

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 6: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na

ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng

anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit

ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang

gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga

gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang

pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos

nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o

tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa

nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay

na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka

nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa

sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 7: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Panimula

Ang sanhi at bunga ay kapag ang isang kaganapan (sanhi), maging mabuti man o masama ay merong kahihinatnan (bunga). Tandaan, hindi palaging nauuna ang sanhi sa isang pangungusap o kwento, meron mga pagkakataon na nauuna ang bunga kesa sa sanhi. Ang mga sumusunod na mga halimbawa ay pag-aralan ng mabuti, matutunan nyo dito na lahat ng bagay sa mundo ay meron sanhi at bunga. Lahat ng ating mga aksyon ay parang bato na bumagsak sa tubig, meron itong mga alon na nagdudugtong ng mga pangyayari. Kaya palaging mag-isip ng mabuti bago gumawa ng aksyon dahil palagi itong meron kahihinatnan. Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)? Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F7PB-Id-e-3)

Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:

1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa.

2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.

3. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

1

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 8: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN

Basahin ang talata na inilahad.

Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli, palibhasa’y

kagagaling lamang sa kamatayan upang makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari

sa Bundok Kurayan upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at

matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang ibon at sila ay

naghamok. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat ay madali niyang napatay ang

ibon.

Kaya naman nang kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang mga tao na

naging dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang tuwang-tuwang

nagpasalamat sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng diwata sa

yungib na pinagtataguan ng mga tao. Isinasalaysay ni haring Indarapatra ang

pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang

ibon. Tuwang-tuwa ang mga tao sa kabayanihang ginawa ng magkapatid. Sinabi ni

Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat

wala na ang mga halimaw at ibong gumugulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga tao

kay Haring Indarapatra.

Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang pakasalan siya

nito. Pumayag ang diwata at kaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na

masayang kasalan. Tuwang-tuwa ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na

“Mabuhay ang hari!”

Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na lupang bagama’t pawang

kapatagan ay tunay na malusog naman. Hindi na bumalik sa sarilng bayan si Haring

Indarapatra. Doon na siya naghari sa mayamang lupa sa pulong Mindanao.

2

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 9: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Isulat sa sagutang papel ang inyong kasagutan.

1. Ano ang ginawa ni Haring Indarapatra nang mabuhay na muli ang

kanyang kapatid?

2. Bakit kaya mabilis na napaibig sa kanya ang diwata?

3. Paano ipinakita sa huling bahagi ng akda na ang kabayanihan ay may

bungang maganda sa taong gumagawa nito?

4. Pansinin ang pang-ugnay na ginamit sa talata. Isa-isang isulat ang salita.

MADALI LANG YAN!!! Panuto: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang salita/ mga salitang pinag-ugnay nito. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang ginamit. 1. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa. 2. Bagama’t hindi taga-Mindanao ay nagpapakita ng pagpapahalaga ang magkapatid sa nasabing lugar. 3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang mga mapaminsalang halimaw. 4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ng hari ang mga mapinsalang halimaw dahil sa kapangyarihang taglay nito. 5. Ang pagkamatay ng malaking ibon ay totoong nagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan ng Mindanao.

3

Mga Tala para sa Guro

Basahin at unawain nang mabuti ang mga panuto sa bawat

hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay

na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain.

Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa

sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

BALIKAN

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 10: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?

• Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.

• Mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari

Ang isang salaysay ay gumagamit ng mga salitang pang-ugnay sa sanhi at

bunga. Narito ang ilan: dahil, kung kaya, kasi, sapagkat, kung, kapag,

kaya Halimbawa:

SANHI at BUNGA 1.) Sanhi: Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng pera. Bunga: kaya nakabili siya ng bagong kotse. 2.) Sanhi: Si Andrea ay palaging maagang magising sa umaga. Bunga: kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan. 3.) Sanhi: Magaling mag-gitara si Ben. Bunga: kaya sikat siya sa mga kababaihan. 4

TUKLASIN

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 11: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

BUNGA at SANHI 1.) Bunga: Muntik malunod si Dennis. Sanhi: dahil mahilig siya magbida-bidahan habang naliligo sa dagat kahit na hindi marunong lumangoy. 2.) Bunga: Hindi nagkakasakit si Juan. Sanhi: dahil mahilig siyang kumain ng mga masusustansiyang pagkain. 3.) Bunga: Lumaking magalang at mabait si Bruno at Pedro sa mga ibang tao. Sanhi: dahil naging mabuting magulang si Mary at Mario.

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat at Pagpapahayag ng Saloobin

Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap ay mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag.

1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng Sanhi at Bunga.

Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan: sapagkat/ pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa,at kasi/ naging

Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/ kaya naman, dahil dito,bunga nito, tuloy

2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat

Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon; totoo, oo, Mabuti at sigurado

Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit, subalit, datapwat, at bagama’t

3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin

Ilan sa mga ito ay ang: sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana at basta.

5

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 12: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

KOMPLETUHIN AKO!

Panuto: Kompletuhin ang pahayag gamit ang pang-ugnay na inilahad sa talata tungkol sa magkapatid na Indarapatra at Sulayman. Gawing gabay ang pang-ugnay na nakatala sa panaklong.

1. Ang magkapatid na Indarapatra at Sulayman (pagpapahayag ng

saloobin) ___________________________________________________

____________________________________________________.

2. (panghihikayat: pagsang-ayon)

____________________________________________________

_________ ang magkapatid na ito.

3. Ang nangyari kay Prinsipe Sulayman ay nakalulungkot

(panghihikayat:pagtutol) __________________________________

____________________________________________________.

4. Ang ginawang pagtulong ng magkapatid sa mga tao ay ( pagbibigay ng

sanhi ) _______________________________________________

6

PAGYAMANIN

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 13: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

TIYAKIN NA NATIN!

Sa kahon ay nakatala ang mga pangyayaring naganap/nagaganap sa Mindanao na natalakay. Pumili ng isa at ipaliwanag ang posibleng sanhi at bunga ng mga ito.

Posibleng Sanhi Posibleng Bunga

7

Ulat Bilang 1. Kahirapan sa Mindanao

Ulat Bilang 2. Kaguluhan sa Mindanao

Ulat Bilang 3. Pagdami ng naging positibo sa Covid 19

Napiling ulat:

Kailangan nating tandaan ang mga pang-

ugnay na ginamit sa sanhi at bunga upang maging

malinaw ang diwa ng pangungusap. Dahil dito, ang

maayos na pang-uugnayan ng mga salita, parirala at

pangungusap ay mahalagang sangkap para sa

malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Sa

pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay

ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa

pagpapahayag.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 14: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Pagbigay ng Sanhi Panuto: Mag-isip ng sanhi para sa bawat bunga na ibinigay. Sumulat ng

pangungusap kung saan pinagsama ang bunga na ibinigay at ang sanhi na naisip mo.

1. Nahuli sa klase si Bea. ____________________________________________________________ 2. Hindi pumasok sa paaralan si Nonoy. ________________________________________________ 3. Masakit ang ngipin ni Daniel. _______________________________________________________

Pagbigay ng Bunga Panuto: Mag-isip ng bunga para sa bawat sanhi na ibinigay. Sumulat ng

pangungusap kung saan pinagsama ang sanhi na ibinigay at ang bunga na naisip mo.

1. Umuulan nang malakas. ___________________________________________________________ 2. May sipon at ubo si Denise. ________________________________________________________ 3. Gustong mamasyal ni Raul. ________________________________________________________

8

ISAGAWA

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 15: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

TAYAHIN

Pagkilala ng sanhi sa pangungusap

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang parirala (phrase) o sugnay

(clause) na nagsasaad ng sanhi sa bawat pangungusap.

1. Doon tayo sa tulay tumawid kasi bawal dito.

2. Bagong luto ang kanin kaya mainit pa ito.

3. Nadulas si Mikey dahil basa pa ang sahig.

4. Natagalan ako magbayad kasi mahaba ang pila sa kahera.

5. Mabigat ang trapiko sa EDSA kaya nag-MRT na lang kami.

6. Tumahimik na tayo dahil nandito na si Binibining Garcia.

7. Hindi ako makagamit ng kompyuter dahil wala pang kuryente.

8. Dahil malakas ang bagyo, nakansela ang mga klase sa elementarya.

9. Magaling mag-piyano si Rachel kasi araw-araw siyang nag-eensayo.

10. Kinulong ang aso palibhasa matapang at nangangagat ito.

Pagkilala ng bunga sa pangungusap

Panuto: Isulat ang parirala (phrase) o sugnay (clause) na nagsasaad ng

bunga sa bawat pangungusap.

1. Pagka’t may bisita tayo bukas, maghanda tayo ng espesyal na pansit bihon.

2. Masyadong mahal ang sapatos kaya hindi ko na ito binili.

3. Bukas ay mamamasyal tayo at manonood ng sine dahil kaarawan mo.

4. Napakaganda ng hardin ni Lola sapagka’t araw-araw niya itong inaalagaan.

5. Palibhasa’y gutom na gutom si Gabriel, nakalimutan niyang alukin ng

pagkain si Carlo.

6. Maaga akong gumising kanina kasi ayaw kong mahuli sa klase.

7. Sumakit ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako nang sandali.

8. Hindi ako pwedeng kumain ng hipon pagka’t allergic ako diyan.

9. Masiglang-masigla ang mga bata dahil maglalaro sila sa malaking parke.

10. Maghain na tayo kasi gutom na ang mga bata.

9

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 16: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

*PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad ng

tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

10

SUSI SA

PAGWAWASTO

PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN •Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad ng

tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

*MADALI LANG YAN!!!

1. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin

sa kapwa.

2. Bagama’t hindi taga-Mindanao ay nagpakitang pagpapahalaga ang

magkapatid sa nasabing lugar

3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang mga

mapaminsalang halimaw.

4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ng hari ang mga mapinsalang halimaw

dahil sa kapangyarihang taglay nito.

5. Ang pagkamatay ng malaking ibon ay totoong nagbigay ng pag-asa sa mga

mamamayan ng Mindanao.

*KOMPLETUHIN AKO!

Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad

ng tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 17: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

11

*TIYAKIN NA NATIN!

Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad

ng tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

*Pagbigay ng Sanhi

Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad

ng tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

*Pagbigay ng Bunga

Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad

ng tama ang mga mensahe ng kanilang opinyon.

*Mga sagot sa Pagkilala ng sanhi sa pangungusap

1. bawal dito.

2. Bagong luto ang kanin.

3. basa pa ang sahig.

4. mahaba ang pila sa kahera.

5. Mabigat ang trapiko sa EDSA

6. nandito na si Binibining Garcia.

7. wala pang kuryente.

8. malakas ang bagyo

9. araw-araw siyang nag-eensayo.

10. matapang at nangangagat ito.

*Mga sagot sa Pagkilala ng bunga sa pangungusap

1. maghanda tayo ng espesyal na pansit bihon.

2. hindi ko na ito binili.

3. dahil kaarawan mo.

4. sapagka’t araw-araw niya itong inaalagaan.

5. nakalimutan niyang alukin ng pagkain si Carlo.

6. kasi ayaw kong mahuli sa klase.

7. nagpahinga muna ako nang sandali.

8. pagka’t allergic ako diyan.

9. dahil maglalaro sila sa malaking parke.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 18: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Sanhi at Bunga ng Polusyon Essay [ Retrieved Online]

http://graduatestudy572.web.fc2.com/students/3410-essay.html

Alma M. Dayag et.al. Pinagyamang Pluma 7. Kasanayang

Panggramatika at Pangretorika: Pahina 67-71

Philippines’ SARIMANOK [ Retrieved Online]

https://www.pinterest.ph/pin/336151559667444319/

12

SANGGUNIAN

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 19: 7 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province