26
ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Kasuotan at Palamuting Etniko YUNIT 2 : Pagpipinta Aralin Bilang 2 : Kasuotan at Palamuting Etniko I. Layunin A. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIb) B. Nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan. C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat- etniko sa pamayanang kutural sa pamamagitan ng pagsusuot ng likhangsining na kasuotan. II. Paksang Aralin A. Elemento ng Sining: Hugis at Kulay B. Kagamitan : lapis, manila paper, gunting, watercolor, crayon III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa sumusunod na larawan.

2Q ARTS ARALIN 2 - 8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lesson Plan

Citation preview

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Kasuotan at Palamuting Etniko

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 2 : Kasuotan at Palamuting Etniko

I. LayuninA. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang

pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIb)

B. Nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan.

C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat-etniko sa pamayanang kutural sa pamamagitan ng pagsusuot ng likhangsining na kasuotan.

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng Sining: Hugis at Kulay

B. Kagamitan : lapis, manila paper, gunting, watercolor, crayon

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa sumusunod na larawan.

2. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng mga batang Pilipino na may iba’t ibang palamuti sa katawan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang

katangian ng mga palamuti sa kaniyang katawan.

(Hal. kuwintas, hikaw, damit, singsing, at iba pa.)

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Sabihin sa mga bata na ang bawat pamayanang kultural ay may kani-kaniyang kasuotan at palamuti.

Ang bawat pook o komunidad ay may produktong likhang-sining na maipagmamalaki ng kanilang mamamayan dahil sa taglay na kagandahan at pambihirang uri nito.

Ipakita ang makukulay na kasuotan at palamuti ng pangkatetniko.

Tboli

Ang mga T’boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao. Pangangaso, pangingisda, at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan ang kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng tela para sa damit na ang tawag ay t’nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at palamuting kuwintas, pulseras, at sinturon na yari sa metal at plastik. Ang kuwintas ay yari sa maliliit na butil na tinuhog. Karaniwang kulay ng mga butil ay pula, itim, at puti. Ang kuwintas na ito ay nilalagyan ng palawit na yari sa tanso. Nangingibabaw sa mga kulay na ginagamit ng T’boli ang pula, itim, at puti.

Ipasuri sa mga bata ang hugis at kulay na makikita sa mga disenyong kasuotan at palamuti ng mga pangkat-etniko. Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin kung maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng sining tulad ng hugis at

kulay. Ang paggamit ng overlap ay nakatutulong upang makatawag pansin ang isang disenyo.

Ang overlap ay ang pagpapatong-patong ng mga hugis at bagay sa larawan.

Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan at makatotohanan sa pamamagitan ng tamang proporisyon.

Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng disenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang hugis o bagay sa larawan.

Itanong:

Anong hugis at kulay ang makikita sa larawan? Paano nagiging maayos sa paningin ang pagkakaayos ng hugis at

kulay?

Hayaang magbigay ang batang sariling kaisipan tungkol sa pagkakaiba ng ayos ng mga bagay sa larawan.

2. Gawaing Pansining

(Sumangguni sa GAWIN.)

3. Pagpapalalim ng Pag-unawa

Itanong:

Paano nagiging kaakit-akit ang mga disenyong pangkat-etniko?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Ang paggamit ng pagpapatong patong ng mga hugis (overlapping) at matitingkad na kulay ay nakatutulong upang maging kaakit-akit ang disenyo sa paglikha ng disenyo ng kasuotan

(Sumangguni sa TANDAAN.)

2. Repleksyon

Paano mo maipagmamalaki ang mga kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural sa ating bansa?

IV. Pagtataya

(Sumangguni sa SURIIN.)

Ipasuot sa mga bata ang kasuotan na kanilang ginawa at magkaroon ng munting parada sa loob ng silid-aralan.

Itanong:

1. Ano ang mga kulay na kasuotan na maganda sa paningin?

2. Ano-anong hugis ang magandang gamitin sa bawat disenyo?

3. Ipatukoy ang mga overlap sa disenyo ng kanilang kasuotan..

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Kultura ng Pangkat-Etniko SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 3 : Kultura ng Pangkat-Etniko

I. Layunin

A. Natatalakay ang kultura ng mga pangkat-etniko sa pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIC)

B. Naiguguhit at naipipinta ang larawan ng kultura ng mga pangkat- etniko sa pamamagitan ng watercolour

C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kultura ng mga pangkat-etniko sa pamamagitan ng watercolor painting

II. Paksang Aralin

A. Elemento at Prinsipyo ng Sining: Kulay (Katangiang Value – o kapusyawan o kadiliman ng kulay)

B. Kagamitan : Lapis, papel, watercolor, brush, tubig, basahan, lumang diyaryo, mixing plate o recyclable container

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng mga gawain sa kasalukuyan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa. Hayaan din silang magkuwento ng kanilang karanasan kapag ginagawa nila o nakikita ito.

Sabihin sa mga bata na ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga gawain na ginagawa din ng mga tao sa pamayanang kultural bilang bahagi ng kanilang kultura

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ang iba’t ibang pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural ay may mga sinaunang kultura na pinagyayaman pa rin hanggang sa kasalukuyan. Karamihan ay sinaunang gawain o nakagisnang Gawain upang ipagdiwang ang kahalagahan ng buhay.

Kadalasan, ang kultura ng mga pangkat-etniko ay may kaugnayan sa kanilang hanapbuhay. Kaingin, pagsasaka, pangingisda, pangangaso na pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.

Maraming pangkat-etniko ang naniniwala sa dasal at pananampalataya. Sila ay nagdaraos ng selebrasyon at ritwal tuwing may kasalan, panggagamot, kapanganakan, paglilibing, at paglalakbay. Nag-aalay din sila ng hayop bilang pasasalamat sa mga pangyayari.

Magpakita ng kultura ng pangkat-etniko

Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.

(Sumangguni sa ALAMIN MO.)

2. Gawaing Pansining

(Sumangguni sa GAWIN.)

3. Pagpapalalim sa Pagkaunawa

Itanong:

1. Paano naipakikita ang value ng kulay sa pagkulay?2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang disenyo?

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatNaipakikita ang tamang value sa pagkulay gamit ang watercolour sa

mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagdadagdag ng tubigupang maging mapusyaw at konting tubig upang maging mas madilimang kulay ng likhang sining.

(Sumangguni sa TANDAAN.)

2. Repleksiyon

Itanong:

1. Ano ang nakatutuwang karanasan mo habang isinasagawa ang watercolor painting?

2. Ano ang kakaibang epekto ng paglalagay ng mapusyaw at madilim na kulay sa paglikha ng larawan sa pamamagitan ng watercolor?

IV. Pagtataya

(Sumangguni sa SURIIN.)

Ipagamit ang rubrik sa pagsukat ng sariling kakayahan sa pagguhit.

V. Takdang Aralin

Gumuhit ng isang gawain o tradisyon na ginagawa sa inyong paaralan.Pintahan ito sa pamamagitan ng watercolour

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Pista ng mga Pamayanang Kultural SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 4 : Pista ng mga Pamayanang Kultural

I. Layunin

A. Napaghahambing ang iba’t ibang pagdiriwang sa mga pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIF)

B. Nakalilikha ng isang myural ng isang selebrasyon o pagdiriwang

C. Naipagmamalaki ang pagdiriwang ng mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang sining

II. PaksangAralinA. Elemento : Kulay

B. Kagamitan : lapis, papel, watercolor, cardboard, gunting, goma

C. Sanggunian : Sining sa Araw-araw 6, DECS PRODED

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Itanong:

1. Ipaliwanag ang value sa pagkulay.

2. Paano nagiging mapusyaw ang isang kulay? Madilim?

2. Pagganyak

Magpahula sa mga bata tungkol sa sumusunod na bagay. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa.

Itanong sa mga bata kung saan nila ito madalas makita. Hayaan din silang magkuwento tungkol sa kanilang karanasan pag may ganitong okasyon.

1. (pagkain)

2. (banderitas)

3. (magarbong kasuotan)

4. (sayawan)

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang nagsasaya, nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan ang layunin ng kanilang pagdiriwang.

Pistang BayanAng bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng pista.

Ito ay parangal sa santong patron ng bayan at ginagawa isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakasama ang magkakaibigan at magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at masasayang tugtugin ng mga musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman ay nagsasalo-salo sa masaganang pagkain.

PAHIYAS

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan

ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka ang kanilang patron dahil sa kanilang masaganang ani. Bahagi

ng selebrasyon ang pagdidisenyo ng mga bahay kung saan ito ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga

prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, ‘pako’ at ‘kiping’ na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

PANAGBENGA Ang Pistang Panagbenga o ang Baguio

Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki ditto ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista.

Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak”. Sa selebrasyong ito makikita ang mga magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, eksibi ng bulaklak, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-ayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.

Itanong sa mga bata kung anong pakiramdam nila tuwing may mga ganitong pagdiriwang. Ipapansin din sa mga bata ang mga kulay na nangingibabaw kapag may mga pagsasaya tulad ng pista.

(Sumangguni sa ALAMIN MO.)

2. Gawaing Pansining

(Sumangguni sa GAWIN.)

3. Pagpapalalim sa Pagkaunawa

Itanong:

1. Paano nagagawa ng isang pintor na maipakita ang damdamin sa kaniyang sining?

2. Ano-anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan na kadalasang ginagamit sa mga pista?

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatNaipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit

ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula, at iba pa ay ginagamit sa mga masasayang pagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.

(Sumangguni sa TANDAAN.)

2. RepleksiyonPaano mo maipagmamalaki ang mga tanyag na pista sa ating bansa?

IV. Pagtataya

(Sumangguni sa SURIIN.)

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Krokis ng Pamayanang Kultural SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 5 : Krokis ng Pamayanang Kultural

I. Layunin

A. Nakikilala ang pamayanang tinitirhan

B. Nakaguguhit ng isang krokis na nagpapakita ng kanilang kapaligiran, ayon sa wastong gamit ng espasyo, proporsyon, sukat, at iba pang detalye sa pagguhit ng isang landscape. (A4EL-IIe)

C. Naipagmamalaki ang mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang-sining

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng sining : Espasyo

B. Prinsipyo ng Sining : ProporsyonC. Kagamitan : lapis, papel, bond paper, rulerD. Sanggunian : Umawit at Gumuhit 5, BA pp.100, 111

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-AralPaano nakatutulong ang mga kulay at hugis sa paglalarawan ng

kultura ng isang pamayanang kultural?

2. Pagganyak (pagsusuri sa larawan)

Narito ang mga larawan ng pamayanang kultural mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Suriin ang bawat larawan. Ano ang pagkakatulad ng bawat isa?

Pamayanan sa tabing-dagat

Pamayanan sa urbanisadong lungsod

Sabihin:

1. Sa mga larawan na nakikita ninyo, ano-ano ang mga pagkakaiba sa uri ng kanilang kapaligiran?

2. Batay sa inyong obserbasyon, paano binuo ang krokis o detalye ng apat na larawan?

3. Ano ang inyong napupuna sa mga linyang ginamit?

Sa sukat ng mga bagay sa larawan?

Paghambingin ninyo ang tao, puno, tahanan, at iba pang likas na istruktura sa bawat larawan. Gaano kalaki/ kaliit ang tao kung ikukumpara sa mga punungkahoy at tahanan na nasa kanilang likuran.

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Kung magmamatyag ka sa iyong kapaligiran, mapapansin mong iba-iba ang hugis, laki, at kulay ng iba’t ibang bagay tulad ng bundok, dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na istruktura. May mga bagay na malapit at mayroon ding mga bagay na malayo. Ang mga

malalayong bagay ay nagiging maliit sa paningin habang ang mga bagay naman na malalapit ay mas malaki sa paningin kung pagmamasdan mong mabuti ang isang tanawin. Sa sining, tinatawag itong ilusyon ng espasyo.

Ang landscape ay tanawin sa isang pamayanan o lugar na itinatampok ang kapaligiran na karaniwang mga tanawin tulad ng mga puno at bundok ang paksa. Magiging mas makatotohanan ang iyong larawang iginuhit kung isasaalang–alang mo ang prinsipyo ng proporsiyon.

Ang proporsiyon ay ang kaugnayan ng mga bagay-bagay base sa taas at laki ng mga iguguhit. Kung guguhit ng isang puno at taong magkatabi, mas mataas ang puno kaysa sa tao gayundin ang bahay at ng mga tao nang sa gayo’y mas makatotohanan ang dibuho. Proporsiyon ng tao, bahay at, puno.

2. Gawaing Pansining

Sabihin:

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat. Ang unang pangkat ay guguhit ng landscape ng pamayanan sa kabundukan. Ang pangalawang pangkat ay pamayanan sa tabing-dagat, pamayanang kultural sa urbanisadong lungsod ang sa ikatlong pangkat, at pamayanan sa kagubatan naman sa pang-apat na pangkat.

Bago ang inyong pagawa, ibigay ang ating mga pamantayan na dapat sundin sa pagguhit. (Sumangguni sa LM Aralin 5).

3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Itanong :1. Paano nakatutulong ang proporsiyon sa paggawa ng krokis ng

isang tanawin?

2. Sa ginawa mong mga detalye, paano ginagawang malayo ang isang bagay at gayon din, paano mo ginagawang mas malapit ang isang bagay sa iginuhit mong larawan?

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatAno ang kahalagahan ng proporsiyon sa paggawa ng krokis ng

landscape ng isang tanawin?

2. Repleksyon

1. Paano mo maipagmamalaki ang pamayanang iyong kinabibilangan?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang at pagpapahalaga sa kultura ng ating mga kapatid na kabilang sa mga pamayanang kultural?

IV. Pagtataya

Pagsukat sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral batay sa tinalakay na aralin na nasa LM.

V. Takdang Gawain / Kasunduan

Magdala ng mga pangkulay (krayola, watercolor, o colored pencil)

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Kulay ng Kapaligiran SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 6 : Kulay ng Kapaligiran

I. Layunin

A. Natutukoy ang mga kulay na matingkad at malamlam.B. Nakukulayan at nabibigyang-buhay ang iginuhit na tanawin gamit ang

matingkad at mapusyaw na kulay. (A4EL – IIf)C. Nagagawang inspirasyon ang tanawin sa pamayanang kultural sa

pagkukulay ng iginuhit na larawan.

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng sining: Kulay (Katingkaran at kalamlaman ng mga kulay)B. Prinsipyo ng sining: ProporsiyonC. Kagamitan : Papel (Maaaring cartolina o bond paper, pangkulayD. Sanggunian : Umawit at Gumuhit 4, BA p.95

Umawit at Gumuhit 5, BA p.103

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-AralAno ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagguhit ng krokis ng isang

larawan?

2. PagganyakSuriin ang larawan sa ibaba.

(Maaaring magpakita ang guro ng isang halimbawa ng landscape na nagpapakita ng mga kulay matingkad, mapusyaw, malamlam, o madilim.)

Sabihin:1. Ano ano ang mga kulay na ginamit?

2. Paano ginamit ang bawat kulay?

3. Paano ginamit ang kulay para ilarawan ang espasyo?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Lahat ng makikita natin sa paligid ay may iba’t ibang kulay. Ang kulay ang siyang nagpapatingkad o nagbibigay-buhay sa ating kapaligiran. Bukod sa kagandahang naidudulot ng mga ito, mayroon din itong kahulugang ipinapahiwatig. Ang mga kulay ay nakakatulong din sa pagpapahayag ng damdamin.

Ang mga maiinit na kulay tulad ng pula, dalandan, at dilaw ay nagpapahiwatig ng kasiyahan at kaganyakan. Ang mga kulay ring malalamig tulad ng bughaw at lila ay nagpapagaan ng pakiramdam.

Ang matingkad na kulay ay maaaring gawing madilim, mapusyaw o malamlam. Nagagawang madilim ang matingkad na kulay

kung ito ay dinaragdagan ng itim habang puti naman ang idinaragdag upang gawing mapusyaw ang kulay.

2. Gawaing Pansining

(Sumangguni sa LM.)

3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Itanong:1. Paano mo ginamit ang mga kulay sa iginuhit mong landscape

ng pamayanang kultural?

2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang mga kulay na ginamit mo sa inyong iginuhit?

3. Ano ang epektong matingkad at mapusyaw na kulay kapag inilapat na sa larawang iyong binalangkas?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Anong damdamin ang naipahahayag kapag gumamit ka ng matingkad na kulay sa iyong larawan?

Ano naman ang ipinahahayag na damdamin kapag ang larawan ay nagtataglay ng mapupusyaw o madilim na kulay?

2. Repleksiyon

Kung ikaw ay guguhit ng larawan ng tanawing makikita sa iyong sariling pamayanan, anong uri ng kulay kaya ang aakma sa iyong paglalarawan? Bakit?

IV. Pagtataya

Pagmamarka ng guro sa mga ginawa ng mga bata.(Sumangguni sa LM.)

V. Takdang Gawain / Kasunduan

A. Mag-isip ng mga paraan kung paano mo magagawang mas makabuluhan at makahulugan ang larawang iyong iginuhit gamit ang mga kulay na matingkad at malamlam, madilim at mapusyaw.

B. Bawat grupo ay magdala ng mga sumusunod:1 buong cartolina, Manila paper o lumang kalendaryo, marking pen, lapis at pambura, pangkulay (watercolor, crayon, oil pastel, o anumang pangkulay na makikita sa paligid) at ruler.

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 7 : Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural

I. Layunin

A. Natutukoy at nagagamit ang mga elemento at prinsipyo ng sining sa paggawa ng myural.

B. Naipamamalas nang buong husay ang paggawa ng myural nang naaayon sa tema.

C. Naipakikita ang pagpapahalaga sa kultura ng sariling pamayanan sa pamamagitan ng isang Myural exhibit. (A4EL - IIg)

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng Sining: Linya, hugis, kulayB. Prinsipyo ng sining : BalanseC. Kagamitan : mga likhang-sining na ginawa sa natapos na aralin, marker,

pandikitD. Sanggunian : Umawit at Gumuhit 6, BA p.133

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-AralAnong kulay ang akma sa iginuhit na larawan kapag ito ay

nagpapahayag ng kalungkutan? Kasiyahan?

2. Pagganyak Mayroon akong dalawang larawan. Masdan ninyong mabuti at suriin

ang bawat isa.

Paano ginagawa ng bata sa unang larawan ang kaniyang likhang-sining?

Sa ikalawang larawan, paano ginagawa ng mga bata ang kanilang obra?

Ano-ano ang pagkakaiba ng dalawang likhang-sining na ito?

Ano-ano naman ang kanilang pagkakatulad?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Sabihin:

Sa unang larawan, ang bata ay nagpipinta ng larawan ng isang tanawin sa maliit na canvas. Sa ikalawang larawan, mapapansin ninyong ang mga bata ay nagpipinta sa dingding. Paggawa ng myural ang tawag dito. Ang myural ay paraan ng pagpipinta sa dingding o walls.

Maraming Pilipinong pintor ang tanyag sa larangang ito ng sining. Ilan sa kanila ay ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Fernando Amorsolo na gumawa ng myural sa Bulwagan sa Lungsod ng Maynila, Juan Luna sa kaniyang obra na Spoliarium, at Vicente S. Manansala, modernong Pilipinong pintor na may-ari ng obrang Stations of the Cross na nasa UP Diliman Chapel.

Kabilang din sa mga sikat na Pilipinong pintor na gumagawa ng Myural ay ang Triumvirate ng Makabagong Sining sa Pilipinas na sina Victorio C. Edades, Galo B. Ocampo, at Carlos “Botong” Francisco.Karaniwang tumatalakay sa mga isyung panlipunan, paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at kagandahan ng kapaligiran ang paksa ng mga obra nila. Dahil sila ay mga kinilala at natanyag sa ganitong larangan, marami pang Pilipinong pintor ang nagsisikap na gumawa rin ng mga makabuluhang obra.

Itinatampok nila sa kanilang obra ang kawili-wiling pagdiriwang ng pistang bayan, payak na pamumuhay sa kabukiran, kabundukan, at larawan ng patuloy na umuunlad na pamayanang kultural.

Sa pamamagitan ng mga obrang ito, nalalaman natin ang angking yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi.

Ngayon ay gagawa tayo ng myural na nagpapakita ng kultura ng ating pamayanan. Gagamitin natin ang malaking espasyo o papel (Illustration board o pinagdugtong – dugtong na manila paper bago ito isa-dingding).

(Maaaring magpakita ang guro ng ilang halimbawa ng mga nabanggit na obra kung mayroong available na larawan)

1. Gawaing Pansining

Paggawa ng myural.Talakayin ang paraan ng paggawa.(Sumangguni sa LM.)

2. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Paano ninyo ginamit ang mga elemento at prinsipyo ng sining sa inyong myural?

Bakit kailangang akma ang mga disenyo at kulay na gagamitin mo sa pagpipinta ng larawan?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

1. Ano ang natutunan ninyo sa inyong ginawa?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang kaalaman sa paggawa ng myural upang maipahayag ang iyong damdamin?

2. Repleksiyon

Ano ang naramdaman mo habang ginagawa nang tulongtulong ang inyong myural? Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaisa at pagtutulungan?

IV. Pagtataya

Ilagay ang mga myural na ginawa sa dingding upang makita ng buong klase.

V. Takdang Gawain / Kasunduan

Magsanay sa paggawa ng myural na isinasaalang-alang ang prinsipyo at elemento ng sining na napag-aralan na.

ARTS 4 DAY: _______ DATE: _______________ TOPIC: Malikhaing Pagpapahayag SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________ SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 8 : Malikhaing Pagpapahayag

I. Layunin

A. Nailalarawan ang mga katangian ng sariling pamayanan sa pamamagitan ng malikhaing pangmaramihang talakayan.

B. Napahahalagahan ang pamayanang kultural sa pamamagitan ng mga likhang-sining.

C. Naibabahagi ang sariling pananaw sa nasaliksik nang impormasyon at karanasan batay sa mga likhang-sining na ginawa. (A4EL – Iih)

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng sining: Lahat ng elemento na ginamit sa buong markahanB. Kagamitan : larawan/myural ng mga pamayanang kultural, cd/cassette, awitin ng Bandang Asin na “Kapaligiran”

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-AralAno-ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng myural?

2. Pagganyak (picture analysis)

Muli nating balikan ang iba’t ibang tanawin sa mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng inyong mga natapos na likhang-sining.

Mapapansin ninyo ang inyong mga larawang ginawa na nakapalibot sa ating silid. Ano ang inyong nararamdaman na muli ninyo itong namamalas?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Sabihin:Ngayon ay magsasagawa tayo ng paglalakbay-aral dito mismo sa ating silid. Pupuntahan natin ang mga pamayanang kultural na inyong iginuhit.

(Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapaglibot sa gallery ng kanilang likhang-sining.)

2. Gawaing Pansining

Papangkatin ko kayo sa tatlo. Ang unang pangkat ay tatawaging Pangkat Luzon. Ang ikalawa ay Pangkat Visayas, at Pangkat Mindanao

naman ang ikatlo. Umupo kayo sa ayos na pabilog at magkaroon ng talakayan at pagbabahagi ukol sa pansariling karanasan hinggil sa mga lugar na ating pinuntahan kanina.

(Magpatugtog ng “Kapaligiran” ng Bandang Asin)

Ipapasa ninyo sa inyong katabi ang bolang ibibigay ko sa bawat pangkat. Ang pagtigil ng awit ay hudyat upang ang huling may hawak ng bola ay magbigay ng kaniyang kuwento o karanasan hinggil sa larawang napili ng inyong pagkat.

3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang pagbabahagi ng inyong karanasan?

Paano ninyo iniugnay ang inyong pansariling karanasan sa mga likhang sining na inyong ginawa?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Paano natin matutulungang mapayaman ang kultura ng ating pamayanang kultural?

2. Repleksiyon

Bilang isang mag-aaral, ano ang inyong magagawa upang ibahagi sa iba ang mayamang kultura ng inyong pamayanan?

IV. Pagtataya

Pagmamarka sa mga mga-aaral sa pamamagitan ng rubrics.

V. Takdang Gawain / Kasunduan

Upang lalo kayong maging mahusay sa paggawa ng mga likhang sining, ipagpatuloy ang pag-eensayo sa pagguhit at pagpinta ng mga bagay na nais ninyong gawin sa pamamagitan ng matamang pagmamasid sa kapaligiran.