9
EDITORYAL Bulnerable ang bayan sa mga epidemya dahil sa kalunus-lunos na kalagayan ng pampublikong kalusu- gan at sa pangkabuuang panlipu- nang kalagayan. Pinakadelikadong magka-epidemya sa hanay ng ma- sang anakpawis, laluna sa hanay ng mga manggagawa at mala-proletar- yado. Maaari itong kumalat nang mabilis sa daan-daanlibong namu- muhay sa siksikang mga barung-ba- rong. Kapos sila sa malinis na tubig at hindi halos naaabot ng pampubli- kong mga serbisyo tulad ng sanita- syon, pagkolekta ng basura at ma- rami pang iba. May banta ring mabilis na kumalat sa hanay ng mga manggagawa sa loob ng mga pabrikang kadalasa'y di maayos ang kundisyon sa pagtatrabaho. Halos walang ginawa ang rehi- meng Duterte upang tugunan ang banta ng epidemyang Covid-19 sa pambansang saklaw. Malawakan itong tinuligsa dahil sa naantalang pagtugon, partikular, sa pagkakwa- rintina at iba pang hakbang para M abilis na lumalaganap ang Covid-19. Ang bagong tipong ito ng co- ronavirus ay umapekto na sa mahigit 100,000 at pumatay ng mahi- git 3,400 mula nang lumitaw tatlong buwan na ang nakararaan sa mahigit 80 bansa. Mayroong tunay na banta ng epidemyang Covid-19 sa Pili- pinas, kung saan anim na kaso na ang kumpirmadong kaso kapwa sa mga Pi- lipino at dayuhan, at may isa nang namatay hanggang noong Marso 6. "Kolektibong...," sundan sa pahina 2 INAMBUS NG ISANG yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Negros (Leonardo Panaligan Command) ang mga elemento ng 94th IB sa Sityo Compound, Barangay Luz, Guihulngan City noong umaga ng Marso 3. Kumbinasyon ng pasa- bog at bala ng riple ang ginamit ng mga Pulang mandirigma sa opensiba. Dalawa ang patay at apat na sundalo ang sugatan sa naturang pananambang, kabi- lang ang kumander ng yunit na si 2Lt. Niel Christian Cureg. Occidental Mindoro. Inambus ng BHB-Mindoro (Lucio de Guz- man Command) ang mga nag-oo- perasyong tropa ng 4th IB at PNP sa Sityo Ibanig, Barangay Mon- teclaro, San Jose noong hapon ng Pebrero 19. Apat ang naiulat na sugatan sa mga sundalo. Isang sundalo naman ang "Tropa...," sundan sa pahina 3

BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo LI Bl g. 5

M arso 7, 2 02 0

www. cpp. ph

EDITORYAL

Bulnerable ang bayan sa mgaepidemya dahil sa kalunus-lunos nakalagayan ng pampublikong kalusu-gan at sa pangkabuuang panlipu-nang kalagayan. Pinakadelikadongmagka-epidemya sa hanay ng ma-sang anakpawis, laluna sa hanay ngmga manggagawa at mala-proletar-yado. Maaari itong kumalat nangmabilis sa daan-daanlibong namu-muhay sa siksikang mga barung-ba-rong. Kapos sila sa malinis na tubigat hindi halos naaabot ng pampubli-kong mga serbisyo tulad ng sanita-

syon, pagkolekta ng basura at ma-rami pang iba. May banta ringmabilis na kumalat sa hanay ng mgamanggagawa sa loob ng mgapabrikang kadalasa'y di maayos angkundisyon sa pagtatrabaho.

Halos walang ginawa ang rehi-meng Duterte upang tugunan angbanta ng epidemyang Covid-19 sapambansang saklaw. Malawakanitong tinuligsa dahil sa naantalangpagtugon, partikular, sa pagkakwa-rintina at iba pang hakbang para

Kolektibong kumilosupang labanan ang bantang epidemyang Covid-19

Mabilis na lumalaganap ang Covid-19. Ang bagong tipong ito ng co-ronavirus ay umapekto na sa mahigit 100,000 at pumatay ng mahi-git 3,400 mula nang lumitaw tatlong buwan na ang nakararaan sa

mahigit 80 bansa. Mayroong tunay na banta ng epidemyang Covid-19 sa Pili-pinas, kung saan anim na kaso na ang kumpirmadong kaso kapwa sa mga Pi-lipino at dayuhan, at may isa nang namatay hanggang noong Marso 6.

"Kolektibong...," sundan sa pahina 2

Tropa ng 94th IB,

inambus ng BHB

INAMBUS NG ISANG yunit ngBagong Hukbong Bayan-Negros(Leonardo Panaligan Command)ang mga elemento ng 94th IB saSityo Compound, Barangay Luz,Guihulngan City noong umaga ngMarso 3. Kumbinasyon ng pasa-bog at bala ng riple ang ginamitng mga Pulang mandirigma saopensiba. Dalawa ang patay atapat na sundalo ang sugatan sanaturang pananambang, kabi-lang ang kumander ng yunit na si2Lt. Niel Christian Cureg.

Occidental Mindoro. Inambusng BHB-Mindoro (Lucio de Guz-man Command) ang mga nag-oo-perasyong tropa ng 4th IB at PNPsa Sityo Ibanig, Barangay Mon-teclaro, San Jose noong hapon ngPebrero 19. Apat ang naiulat nasugatan sa mga sundalo.

Isang sundalo naman ang"Tropa...," sundan sa pahina 3

Page 2: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

Marso 7 , 2020 ANG BAYAN2

bawasan ang interaksyon ng bansasa China at iba pang bansa.

Sa halip, naging abala ang rehi-men sa paglikha ng engrandengkampanyang publisidad hinggil saCovid-19. Bigo itong magsagawa ngkongkretong mga hakbang upangtulungan ang mamamayan parapigilan ang pagkalat ng sakit.Walang mga batayang hakbang tu-lad ng libre at malaganap na pama-mahagi ng mga face mask at mgagamit pangkalinisan, at pagsasaga-wa ng malawakang mga kampan-yang sanitasyon. Hinayaan nito angmamamayan na mag-asikaso sa ka-nilang mga sarili, na karamiha’yabala sa pagtitiyak ng pagkain atbatayang mga pangangailangan, atwalang anumang proteksyon parailigtas ang kanilang mga sarili sasakit.

Ang utos sa PhilHealth na mag-bigay sa mga benepisyaryo ng kaka-rampot na P30,000 para sa pagpa-pagamot sa Covid-19 ay naglalan-

tad lamang ng mga limitasyon nitoat kung paano ito nagsisilbi sa mgapribadong ospital na nakatuon la-mang sa ganansya. Sa gitna ngbanta ng Covid-19, kriminal napagpapabaya ang pagpaliit ng rehi-men sa badyet para sa pananaliksiksa mga kumakalat na sakit. Kulangna kulang ang pondo para sa mgatest kit upang mabilis na malamankung nahawaan ng sakit. Anghungkag na mga pagtitiyak ni Du-terte ay bigong ibsan ang takot ngmamamayan.

Palagiang isinasaalang-alang ngPartido at mga rebolusyonaryongpwersa ang kapakanan ng mama-mayan, kabilang ang pampublikongkalusugan. Saan man nakatayo, angdemokratikong gubyernong bayanay nagsasagawa ng mga kampanyasa kalusugan at nagbibigay ng lib-reng mga serbisyong medikal. Nag-tatayo ito ng mga komite sa kalu-sugan sa antas-baryo pataas, upangtugunan ang mga usapin sa kalusu-gan ng mamamayan sa kani-kani-

Tomo LI Bl g. 5 | M arso 7, 2 02 0

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontri busyon sa anyo ng mga

arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

Editoryal: Kolektibong kumilosupang labanan ang bantang epidemyang Covid-19 1

Tropa ng 94th IB, inambus ng BHB 1

Ano ang Covid-19? 3

Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4

Pagsasanay-militar ng US at Pilipinas 5

FQS bilang rebolusyong pangkultura 6

Panlilinlang at pamiminsala ng mina 7

ATB: Dagdag sa arsenal ni Duterte 8

Tagumpay ng HCPI 9

Patuloy na atake sa mga katutubo 9

lang mga erya at saklaw.Kung gayon, kaisa ang Partido

sa pagnanais ng mamamayang Pili-pino na pangibabawan ang banta ngepidemyang Covid-19. Kaisa rin nilaang Partido sa pagbatikos at pag-tuligsa sa kainutilan ng rehimengDuterte at kawalan nito ng kong-kreto at wastong mga hakbangupang harapin ang epidemya.

Nananawagan ang Partido samamamayang Pilipino na mag-or-ganisa at kolektibong kumilos upanglabanan ang banta ng epidemyangCovid-19. Hinihikayat ng Partidoang mga organisasyong masa namagtayo ng libu-libong mga komi-teng pangkalusugan sa mga komu-nidad at pabrika upang magplanong mga kongkretong hakbang sakolektibong paglaban sa Covid-19.

Maliban sa paglulunsad ng mgakampanyang edukasyon, maaaringmobilisahin ng mga komiteng itoang libu-libong mamamayan namagsagawa ng mga kampanyangsanitasyon sa mga komunidad atpabrika, gayundin sa mga paaralanat upisina. Dapat ding ilahad ngmga komiteng ito ang sentimyentong mamamayan sa gitna ng bantang epidemya at ng kainutilan ng re-himeng Duterte. Maaaring tumu-long sila sa paggiit ng mga praktikalna hakbang sa mga pabrika (tuladng libreng pamamahagi ng mga ga-mit medikal at pangkalinisan sa mgamanggagawa) at mga komunidad(paggiit ng koleksyon ng basura,akses sa malinis na tubig, librengpamamahagi ng mga paketengpangkalusugan, at mga sistemangpangsanitasyon). Bagamat sa mgasyudad ang unang banta ng mabilisna pagkalat ng sakit, dapat dingmaghanda ang masang magsasakaat kanilang mga organisasyon samalawak na kanayunan. Doo'y gipitang kalagayang pangkalusugan,kung saan malalayo ang ospital atwalang sapat na serbisyong medikalsa kanilang mga komunidad.

Pinupuri ng Partido ang mga

"Kolektibong...," mula sa pahina 1

"Kolektibong...," sundan sa pahina 3

Page 3: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

ANG BAYAN Marso 7 , 2020 3

nars, duktor at propesyunal sakalusugan na silang nasaunahan ng paglaban sa Covid-19. Nanawagan sa kanila angPartido na palakasin ang kani-lang demokratiko at makama-sang mga organisasyon. Kaisaang mga organisasyong pang-masa at mga komiteng medikal,dapat nilang igiit ang dagdagna badyet sa pampublikong ka-lusugan, laluna sa harap ng ka-salukuyang banta ng epidemya.

Ang pagdaragdag ng alo-kasyon para sa pampublikongkalusugan ay makatutulong sapagtiyak ng pondo kapwa parasa pagtataas ng sweldo, pag-papaunlad ng mga pasilidadmedikal at syentipikong pana-naliksik. Dapat nilang labananang patakaran ng estado nasuporta sa serbisyo-para-sa-ganansya at turismong medi-kal. Dapat nilang igiit ang pag-papalakas ng mga pampubli-kong ospital at itigil ang pata-karang komersyalisasyon nasumesentro sa pagkamal ng

tubo.Pumatong ang banta ng

epidemyang Covid-19 sa ma-lubhang kundisyon ng pam-publikong kalusugan ng ma-mamayang Pilipino. Mayroongmalubhang problema ng epi-demyang dengue, tuberculosisat iba pang kontrolado at na-gagamot nang mga sakit nahumahawa sa libu-libo at pu-mapatay ng maraming Pilipinotaun-taon. Ito ang kinahinat-nan ng kalunus-lunos na pan-lipunang mga kalagayan atpagpapabaya ng estado sa ka-lusugan ng mamamayan.

Hindi kailanman mabibig-yan ng prayoridad ang pam-publikong kalusugan ng ma-mamayang Pilipino sa ilalim ngkasalukuyang sistema. Ta-nging ang isang rebolusyongpanlipunan—isang pambansa-demokratikong rebolusyon—-ang babaliktad sa kasaluku-yang mga kalagayan, at mag-lalagay sa pampublikong kalu-sugan at kapakanan ng ma-mamayan sa tuktok ng mgaprayoridad ng estado.

malubhang nasugatan sa isang operasyong isnayp ng BHB-Mindorosa Sitio Balingaso, Barangay Monteclaro, San Jose noong hapon ngPebrero 20.

Ayon kay Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro,ang mga aksyong ito ay tugon sa hinaing ng mga biktima ng mgapaglabag at krimen ng pasistang 203rd Brigade sa mga Mindoreño.Kabilang dito ang pagpaslang sa dalawang sibilyan na sina Jay-arMercado at Mark Ederson Valencia de los Santos noong Enero.

Northern Samar. Pito ang kumpirmadong patay sa nag-oope-rasyong mga sundalo ng 20th IB sa ngalan ng Retooled CommunitySupport Program (RCSP) matapos ang sunud-sunod na aksyongmilitar ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) noongPebrero 17-25.

Hinaras ng BHB ang tropa ng 20th IB na nakahimpil sa Plaza ngBarangay Rizal, Gamay noong gabi ng Pebrero 17. Dalawang sun-dalo ang napatay matapos ang tatlong-minutong palitan ng putok.Kinabukasan, napatay din ang isa pang sundalo sa operasyong is-nayp ng BHB.

Tatlong sundalo naman ang napatay sa aksyong militar ng BHBnoong Pebrero 24 sa parehong barangay. Noong Pebrero 25, isangsundalo ang napatay sa inilunsad na operasyong isnayp ng BHB saBarangay San Jose, Mapanas.

Ano ang Covid-19?

ANG CORONAVIRUS DISEASE (Covid-19)ay isang nakahahawang sakit na sanhi ngcoronavirus (CoV). Ang CoV ay isangklase ng virus na nagdudulot ng mga sakitmula sa sipon at pulmonya hanggang samas malalalang sakit tulad ng MiddleEast Respiratory Syndrome at Severe A-cute respiratory Syndrome o SARS. Angtipo ng virus na nagdudulot ng Covid-19ay naipasa mula sa mga hayop tungo samga tao.

Unang itong lumitaw sa Wuhan,China at iniulat sa World HealthOrganization noong Disyembre 31, 2019.Wala pang natutuklasang gamot labandito sa kabila ng mabilis na paglaganapnito sa buong mundo.

Ang mga komun na sintomas ngCovid-19 ay lagnat, ubo at pagkahirap sapaghinga. Sa mas malalalang kaso,maaari itong magdulot ng pulmonya,sakit sa bato, at maging kamatayan. Ga-yunpaman, may mga pasyenteng positibosa sakit pero hindi nagpapakita nganumang sintomas. Nasasagap ang sakitsa mga talsik ng laway mula sa pagsasali-ta, pagbahing o pag-ubo ng isang taongmay Covid-19. Maaaring nasa katawanna ito nang 2-14 araw bago lumitaw angmga sintomas.

Para makaiwas sa sakit, mahigpit narekomendasyon ng mga duktor ang ma-limit na paghuhugas ng kamay, pagman-tine ng sapat na distansya sa ibang tao,pagtatakip ng bibig sa pag-ubo at pagba-hing, at maayos na pagluluto ng pagkain.Ang sinumang maysakit ay pinapayuhangmanatili sa kanilang bahay at umiwas namakisalamuha sa ibang tao.

"Tropa...," mula sa pahina 1

"Kolektibong...," mula sa pahina 2

Page 4: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

Marso 7 , 2020 ANG BAYAN4

Kapabayaan ng rehimeng US-Dutertesa pagtugon sa pagsabog ng bulkang Taal

Simula Enero 12, tuluy-tuloy ang pagsabog at pagbuga ng nakalalasongusok ng bulkang Taal na nakapagpalikas sa tinatayang milyong residente

ng Batangas. Hanggang ngayon, hindi pa nakababalik ang mga nagbakwit samga evacuation center at mga tahanan ng kaibigan at kamag-anak sa mgakaratig-prubinsya. Umabot sa P3 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agri-kultura, karamihan sa subsektor ng pangisdaan. Sa harap ng mga trahedyangito, nagtuturuan ang mga ahensya ng gubyernong Duterte sa mapagbubun-tunan ng sisi.

Pinalalala ng kapabayaan at kai-nutilan ng rehimen ang kalagayan ngmamamayang apektado ng pagsabogng bulkang Taal at iba pang saku-nang dumaan sa bansa. Walang ma-tinong plano ang rehimen para pag-handaan ang pagtama ng mga kala-midad at harapin ang taunang prob-lema ng pagsalanta ng mga bagyo,lindol at maging ng tagtuyot sa ban-sa na kumikitil sa libu-libong buhayat pumipinsala sa milyon-pisong ha-lagang ari-arian at kabuhayan ngmamamayan. Kitang-kita ito sa ma-bagal, kapos at disorganisadong tu-gon ng kanyang gubyerno sa pagsa-bog ng bulkang Taal.

Kapabayaan at korapsyonWalong buwan bago ang pagsa-

bog, iniulat na ng Philippine Vulca-nology and Seismology (Philvocs) sarehimeng Duterte ang nakaambangpagsabog ng bulkang Taal. Subalitsa kabila nito, hindi agad itinaas ngrehimen ang alerto sa mga karatignitong lugar. Kung anu-anong palu-sot ang ginawa ng rehimen para

mangatwiran sa mabagal na pag-a-biso sa mamamayan.

Sa unang araw ng pag-alburutong bulkan, hindi agad nag-abiso angNational Disaster Risk Reduction andManagement Council (NDRRMC) atlokal nitong mga ahensya sa mga re-sidenteng naninirahan sa paligid ngLawa ng Taal. Walang kautusangpalikasin ang mga residente kayakusa silang nagsilikas at nagkanya-kanya sa paghahanap ng lugar paraisalba ang kanilang buhay.

Makupad at disorganisado angpagtugon ng rehimeng Duterte sapangangailangan ng mamamayangnagbakwit. Kulang na kulang angserbisyong sosyal at pondo para samga apektado. Sa unang linggo ngsakuna, umabot lamang sa P17.2milyon ang pondong inilaan sa16,000 pamilyang nasa 300 eva-cuation center. Katumbas ito ng P35kada indibidwal para sa pitongaraw. Hindi pa kabilang dito angdaanlibong mamamayang nakitirasa kanilang mga kamag-anak atkaibigan. Nangalap na lamang angrehimen ng karagdagang pondomula sa mga pribadong institusyon.Dagdag pa, may mga naiulat na

hindi pantay na distribusyon ngpagkain at ibang gamit dahil kulango walang datos sa kalagayan ngmga evacuation center.

Hindi rin madagdagan ng rehi-men ang pondong pangkalamidadpara sa Batangas dahil nauna naitong binawasan sa pambansangbadyet para sa 2020.

Sabwatan sa pagsasamantalaWalang kahihiyang sinagpang ng

mga burukrata ang napakahirap nakalagayan ng mamamayan paramangampanya sa susunod na elek-syon. Naglipana ang mga burukratasa Batangas upang kunwa'y magbi-gay ng tulong pero ang totoo'ynagpabango lamang sa mga botante.

Kinundena ng mamamayangapektado ng pagsabog ng Taal angpakana ng rehimen na magpautangsa mga bakwit. Balak pa nitongpagkakitaan ang paghihirap ng mgaBatangueño. Masahol pa, sadyanitong pinagpapaliban ang pag-papabalik sa mga apektadong re-sidente para unti-unting papasukinang mga dayuhan at lokal na ne-gosyo sa kanilang mga lupain.

Malaon nang isinusulong ngreaksyunaryong gubyerno ang Met-ro Taal-Tagaytay DevelopmentProject (MTTDP-2013) na binuonoon pang dekada 1990. Labinli-mang target na proyekto sa paligidng lawa ang nakaambang ipatupadkapag tuluyan nang mapalayas angmga residente sa lugar.

Maagang yugto pa lamang ngMTTDP-2013, madugong dinemolisng mga pulis at bayarang maton angmga bahay, sakahan at pangisdaanng mga magsasaka at mangingisdangnakatira sa palibot ng lawa. Mata-tandaang pinagbawalan ng rehimengUS-Duterte ang mga residente sapalibot ng bulkan na bumalik paraisalba ang kanilang mga ari-arian atkabuhayan. Kabaliktaran nito, pina-

"Kapabayaan...," sundan sa pahina 5

Page 5: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

ANG BAYAN Marso 7 , 2020 5

Mga pagsasanay-militar ng US at Pilipinas,

tuloy sa kabila ng pagpapawalambisa sa VFA

Tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng mga pinagsanib na mga pagsasanay-mi-litar sa pagitan ng US at Pilipinas. Sa kabila ito ng pormal na deklarasyon

ng rehimen ni Rodrigo Duterte ng pagpapawalambisa ng Visiting ForcesAgreement o VFA noong Pebrero 11. Ito ay dahil sa Hunyo pa mawawalan ngbisa ang kasunduan o 180 araw matapos ang pormal na anunsyo. Ito din aykung sakaling walang ipapasang bago o pinasadahang kasunduang panghaliliang senado. Ang VFA ang kasunduang nagpapahintulot sa mga sundalongAmerikano na walang sagkang maglabas-masok anumang oras saan mangbahagi ng bansa.

Sa darating na Mayo, gaganapinang taunang Balikatan na lalahukanng 6,529 tropa ng US, 4,302 Pilipi-nong sundalo at 44 sundalongAustralian. Ang pagsasanay na ito,na lalahukan ng tinatayang 11,000ang pinakamalaki sa kasaysayan ngVFA mula nang pinagtibay ito noong1999. Isa ang Balikatan sa 319 pi-nagsanib na pagsasanay-militar na

nakatakdang ganapin ngayong 2020.Mas marami ito kumpara sa 281 naginanap noong 2019.

Noong Enero 26-Pebrero 23,ginanap ang Balance Piston-20-1,isang pagsasanay na nilahukan ngUS Army 1st Special Forces Groupat ng 18th Special Forces Companyng Philippine Army. Tutok ng natu-rang pagsasanay ang pagpapaunlad

malubhang nasugatan sa isang operasyong isnayp ng BHB-Mindorosa Sitio Balingaso, Barangay Monteclaro, San Jose noong hapon ngPebrero 20.

Ayon kay Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro,ang mga aksyong ito ay tugon sa hinaing ng mga biktima ng mgapaglabag at krimen ng pasistang 203rd Brigade sa mga Mindoreño.Kabilang dito ang pagpaslang sa dalawang sibilyan na sina Jay-arMercado at Mark Ederson Valencia de los Santos noong Enero.

Northern Samar. Pito ang kumpirmadong patay sa nag-oope-rasyong mga sundalo ng 20th IB sa ngalan ng Retooled CommunitySupport Program (RCSP) matapos ang sunud-sunod na aksyongmilitar ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) noongPebrero 17-25.

Hinaras ng BHB ang tropa ng 20th IB na nakahimpil sa Plaza ngBarangay Rizal, Gamay noong gabi ng Pebrero 17. Dalawang sun-dalo ang napatay matapos ang tatlong-minutong palitan ng putok.Kinabukasan, napatay din ang isa pang sundalo sa operasyong is-nayp ng BHB.

Tatlong sundalo naman ang napatay sa aksyong militar ng BHBnoong Pebrero 24 sa parehong barangay. Noong Pebrero 25, isangsundalo ang napatay sa inilunsad na operasyong isnayp ng BHB saBarangay San Jose, Mapanas.

hintulutan ng rehimen ang pagbubu-kas ng Tagaytay City para sa mganegosyante at turista na nais ma-saksihan ang pagsabog ng bulkan.

Ginamit din ng imperyalismongUS ang pagsabog ng bulkan paramailusot ang pinagsanib na pagsa-sanay-militar sa pagitan ng mgahukbong panghimpapawid ng US atPilipinas sa San Fernando Air Basesa Lipa City sa tabing ng pagbibigayng makataong ayuda.

Pagpupursige at pagsisikapng sambayanan

Buhay na buhay ang kultura ngbayanihan, pagtutulungan at pag-kakaisa ng sambayanang Pilipino saharap ng kapalpakan ng rehimengDuterte na tugunan ang pangangai-langan ng mamamayan ng Bata-ngas. Isa sa agad na rumespondeang Serve the People Corps-Sout-hern Tagalog (STPC-ST).Nakipagtulungan ito sa iba’t ibangorganisasyon para sa pangangalapng mga donasyon, paglulunsad ngmga relief operations at pagkuha ngdatos sa mga biktima ng sakuna.

Mula sa kanilang pagnanaliksik,

iniulat ng STPC-ST na ang tunay nakailangan ng taumbayan ay isangkomprehensibong programa at pla-no para sa paghahanda sa mga ka-lamidad na tumutugon sa pangma-tagalang pangangailangan ng ma-mamayan. Hindi sasapat ang sim-pleng mga relief operation, lalo’tkailangan pa rin ng mga apektadongmamamayan ng kabuhayan upangmakabangon.

Salungat sa diwa ng bayani-han, nagmamatigas ang rehimengUS-Duterte na makipagkaisa atmakipagtulungan sa mga itinutu-ring nitong kalaban sa pulitika.Mas inuuna ng rehimen ang pakiki-paggirian sa kapwa burukrata paramamulitika. Ang mga progresibongorganisasyon na kumilos para tu-mulong sa mga biktima ng pag-sabog ng Taal ay tahasang pinag-bawalan at binalaan ng mga sun-dalo at pulis, at mga tauhan nglokal na gubyerno. Hinarang at ki-numpiska ng mga sundalo ang da-lang pagkain at iba pang gamitpantulong na dala ng United Met-hodist Church para sila ang mama-hagi. Imbes na tulungan ang mgabiktima ng sakuna, nagpatuloy ang

paglulunsad ng mga operasyongmilitar at pulis sa mga laranganggerilya upang sagpangin ang pag-kakataong nakatuon ang mgarebolusyonaryo sa pagbibigay ngayuda at serbisyo sa mga apektadong sakuna.

Samantala, lagi’t laging itina-taguyod ng rebolusyonaryong kilu-san ang kapakanan at kagalingan ngmasang Pilipino bilang tungkulin ni-to na unahin ang interes ng mama-mayan. Mayroong nakabalangkasna mga plano’t programa ang rebo-lusyonaryong kilusan upang lutasinat tugunan ang mga hinaing at ka-hilingan ng masa sang-ayon saPrograma Para sa Pambansa De-mokratikong Rebolusyon at 12-Puntong Programa ng rebolusyo-naryong gubyernong bayan. Angpagtulong at pagtugon sa mama-mayang apektado o biktima ng ka-lamidad ay bahagi ng programangito. Katuwang ang mga yunit nghukbong bayan at lokal na gubyer-nong bayan, isinasagawa ng rebo-lusyonaryong kilusan ang iba'tibang anyo ng pagsagip at pag-stulong sa mamamayang biktima ngsakuna.

"Kapabayaan...," mula sa pahina 4

ng mga taktikang “kontra-insur-hensiya” ng AFP. Binigyang diin nitopaggamit ng mga programang ser-bisyo para sa mga operasyong mili-tar at pagkuha sa suporta ng mgalokal na komunidad. Noon dingPebrero, inilunsad ang Bilateral AirContingent Exchange–Philippines saClark Air Base sa Pampanga at SanFernando Air Base sa Batangas.Ang taunang pagsasanay ay isina-sagawa ng mga hukbong panghim-papawid ng dalawang bansa.

Ginagamit ng US ang Balikatanat iba pang pagsasanay-militar paradirektang makalahok ang mga tropang US sa mga operasyong militar saloob ng bansa. Sa tabing ng "inte-roperability," tinitiyak nitong ma-nanatili sa kontrol ng US ang buongmakinarya ng AFP.

Page 6: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

Marso 7 , 2020 ANG BAYAN6

Ang FQS bilang rebolusyong pangkultura

Noong 1970, 50 taon na ang nakakaraan, isang sigwa ang naranasan saPilipinas na kakaiba sa lahat ng bagyong dumaan sa nakaraan. Ito ay

nakilala sa katawagang FQS o First Quarter Storm (Sigwa ng Unang Kwarto).

Ang FQS ay serye ng mga kilos-protesta ng kabataa’t estudyante,manggagawa, magsasaka, maralitasa lunsod at nayon, at iba pang sek-tor ng sambayanan. Ang puntiryanila, bilang personipikasyon ng anti-mamamayang sistemang panlipu-nan, ay ang rehimeng US-Marcos.Ang bumulwak na kilusan ay resultang masikhay na pag-oorganisa atpagmumulat ng nagdaang dekada samga unibersidad at kolehiyo, komu-nidad at mga unyon, at tinampukanng mga organisasyong Student Cul-tural Association of the Universityof the Philippines, Kabataang Maka-bayan, Samahang Demokratiko ngKabataan, at iba pa.

Sa unang tatlong buwan ng1970, nasaksihan sa Kamaynilaan atsa iba pang lunsod at sentrong ba-yan ang mapangahas na mga rali,boykot, welga, martsang bayan, atkongresong bayan. Pangunahin samga ito ang dambuhalang de-monstrasyon noong Enero 26, 1970sa harap ng Kongreso (na ngayon ayNational Museum of Fine Arts). Ta-liwas sa State of the Nation Addressni Marcos, inihayag nila ang tunayna kalagayan ng bayan at ipinama-las ang galit sa rehimen. Daan-daanang nasaktan sa brutal na panana-lakay ng mga pulis sa mga raliyista.

Kinundena ng mga aktibista angpasismo ng estado, isang isyung du-magdag sa iginigiit nilang tatlongbatayang suliranin ng sambaya-nan–ang imperyalismong US,katutubong pyudalismo, atburukratang kapitalismo.Lalong naging malinaw sakanila, at sa paparaming bi-lang ng mamamayan, angkatumpakan ng armadongrebolusyon na siyang babak-las sa lumang sistema upangmaitayo ang bago.

Ang katunayan, naging inspira-syon ng mga kabataan at estudyan-te ang muling pagkakatatag ng Par-tido Komunista ng Pilipinas noong1968 at Bagong Hukbong Bayannoong 1969.

Noong Enero 30, 1970, sa harapmismo ng Malakanyang, dumagsaang lalong maraming demonstrador.Iginiit nila ang katumpakan ng pag-hihimagsik laban sa sistemang ma-lakolonyal at malapyudal. Sinalakaysila ng Metropolitan Command ngpulisya at Armed Forces of the Phi-lippines, kabilang ang Task ForceLawin nito. Sa hindi patas na laba-nang naganap sa Mendiola, Univer-sity Belt, Quiapo, at mga kalapit nakomunidad, na tumagal hanggangmadaling araw ng Enero 31, apat nakabataang estudyante ang napas-lang sa pamamaril ng mga pasista.Hindi mabilang ang sugatan.

Sa halip na umatras at sumuko,lalong tumaginting ang “Makibaka,huwag matakot!” sa mga paaralan,lansangan at plasa. Nagkasunud-sunod na nga ang mga kilos-protes-ta, at ibayong pag-oorganisa, atibayong pagmumulat. At ang taum-bayang sa simula ay namangha sapambihirang kaganapan, ay nakiisasa iba’t ibang paraan.

Rebolusyon ang FQS. Isa itongrebolusyong pangkultura na naglan-tad sa kahungkagan ng mga kaisipanat paniniwalang kolonyal at pyudal.Ang mga ito’y daantaon nang naka-

kubabaw sa kamalayan ng taumba-yan. Binaklas ng FQS ang kaugaliangatrasado at palasuko. Ang mga ito’ysinasamantala ng mga naghaharinguri upang alipinin ang masang anak-pawis at iba pa. Inilatag ng FQS angrebolusyonaryong paninindagan naang masa ang tagapaglikha ng ka-saysayan; na sa kanilang kamay na-kasalalay ang tunay na kalayaan atkasaganahan; na rebolusyon, hindirepormismo, ang lunas sa problemang lipunan at sa pagkakamit ng ka-pangyarihang pampulitika ng mgauring anakpawis.

Namulaklak at yumabong saFQS ang pagiging mapanlikha ngsambayanan. Ang mga aktibistangnahikayat na linangin ang kanilangpotensyal at talino ay lumikha ngiba’t ibang anyo ng sining na nagla-laman ng mensahe ng pakikibaka ngsambayanan.

Iniluwal ng FQS ang mga pang-kulturang organisasyong Panday-Sining, Gintong Silahis, SamahangKamanyang, Tanghalang Bayan,Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto, Siningbayan, Panulat pa-ra sa Kaunlaran ng Sambayanan, atHumanist League of the Philippines.Nagbuklod sila sa Konsehong Taga-pag-ugnay ng RebolusyonaryongSining. Sa mga prubinsya at rehi-yon, nabuo rin ang iba’t ibang or-ganisasyong pangkultura.

Sa kabila ng batas militar noong1972, sumulong ang rebolusyonar-yong kilusan sa kultura, laluna sapagsanib ng mga kadre at artista ngFQS sa kilusang lihim at sa pagtungosa kanayunan. Pinaunlad nila sa dig-

mang bayan ang rebolusyo-naryong sining at panitikan.

Sa madaling sabi, inilu-wal ng FQS ang isang hukbong mga artista at manunu-lat na armado ng dulaan,sining-biswal, musika, pa-nitikan, at sayaw na nag-papatuloy sa pagpapalayang bayan.

Page 7: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

Marso 7 , 2020 ANG BAYAN7

Panlilinlang at pamiminsala sa ngalan ng mina

Noong nakaraang Enero, nabunyag na ginawaran ng rehimeng US-Duterteng 25-taong Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ang

Tampakan Copper-Gold Project na nakatakdang mapaso sa Marso 21, 2020.Taliwas sa bukambibig ni Duterte laban sa mapaminsalang mina, pinalawig paniya ang operasyon nito nang 12 taon, o hanggang Marso 21, 2032.

Mahigit dalawang dekada nangnilalabanan ng mamamayan ng ti-mog-sentral Mindanao ang mapa-minsalang operasyon ng TampakanCopper-Gold Project sa mga hang-ganan ng South Cotabato, Davaodel Sur, Sultan Kudarat at Saranga-ni. Malinaw sa kanila ang mga pa-nganib na idudulot nito sa kalikasanat sosyo-ekonomikong pamumuhayng mga komunidad sa paligid ng mi-na at sa buong isla.

Nilalaman ng nasabing mina angpinakamalaking deposito ng ginto sabuong timog-silangang Asia. Tina-taya ring isa sa pinakamalaking re-serba ng tanso sa buong mundo angmatatagpuan dito. Kalakhan ng de-positong mineral nito ay matatag-puan sa mga barangay ng Pulabato,Danlag at Tablu sa bayan ng Tam-pakan subalit sasaklawin din ngproyekto ang mga barangay ng Kim-lawis sa Kiblawan, Davao del Sur atDatal Blao sa Columbio, Sultan Ku-darat.

Sa ilang pagkakataon ay nagta-gumpay ang ligal at armadong pag-laban ng mamamayan na mapatigilang proyekto at mapaatras ang mgahiganteng multinasyunal na namu-hunan dito. Subalit simula noonghuling kwarto ng 2018 ay mulingipinagpatuloy ang operasyon nitopagkaraan ng mahigit apat na taongpagkakahinto.

Mapanlinlang na kasunduanat huwad na mga proseso

Taong 2016 unang nagpetisyonang SMI para sa 12-taong pagpapa-lawig ng FTAA nito. Katumbas uma-no ito ng tagal ng panahon na na-wala dahil sa mga insidente o kala-gayang wala sa kontrol nito. Kabi-lang sa mga tinukoy ng SagittariusMines Inc. (SMI) ay ang mga ligalna harang na hinarap ng proyekto,

ang pagbabawal sa open-pit napagmimina, ang pagpapalabas ngmga CLOA (Certificate of LandOwnership Award), mga armado atdi-armadong paglaban ng mga resi-dente at pagkakaantala sa mgaproseso ng gubyerno.

Lihim na pinagkaloob ng Minesand Geosciences Bureau (MGB) angekstensyon sa pamamagitan ng atasna inilabas nito noong Hunyo 8,2016 .

Bukod sa ekstensyon na magta-tapos sa 2032 ay ipinahintulot dinang pagpapanibago ng kontrata pa-ra sa karagdagang 25 taon. Sa ga-yon, tatagal hanggang 2057 angoperasyon ng mina sa Tampakan.

Nakatakdang tapusin ng SMIang konstruksyon ng mga im-prastruktura at pasilidad nito saloob ng tatlong taon para sa pag-uumpisa ng komersyal na produk-syon ng mina. Kasalukuyang hinihi-ling ng kumpanya ang muling pag-sasabuhay ng environmental com-pliance certificate (ECC) nito na ki-nansela noong 2017.

Ibinunyag ng mga apektadongresidente na walang naisagawangkonsultasyon sa kanilang mga ko-munidad tungkol sa pagpanumbalikng operasyon ng mina at patuloyna inililihim sa kanila angmga operasyon ngkumpanya.

Ang pamiminsalaat nakaambangmga panganib

Ayon sa mga pag-aaral, tinatawid ngmaraming fault line(bitak sa lupa) angbuong minahan at ang bulkong depositong mineral nito ay nasaloob ng Cotabato Fault Zone. Isaitong nagbabantang strike-slip fault

(patindig na bitak ng lupa na paha-lang ang galaw ng mga tipak) nanapakapeligroso para sa itatayongmga pasilidad ng mina tulad ng tai-lings pond dam. Ang tailings ponday tapunan ng mga nakapipinsalangmga tirang bagay pagkatapos ihi-walay ang mahahalagang mineralmula sa mga ore. Isa itong napaka-maselan at napakamapanganib napasilidad dahil naglalaman ito ngmabibigat na mineral tulad ngmercury, arsenic at tanso at ibapang mga nakakalasong sangkapmula sa mina.

Iniugnay din ang operasyon ngmina sa naganap na malalakas nalindol na yumanig sa mga rehiyon ngCotabato at Davao noong nakara-ang taon. Inilahad ng mga naka-saksi na ilang araw lamang bagoang lindol ay pinasabugan ng mala-king bomba ang kaibuturan ng isangnapakalalim na drill pit nito (tina-tayang mahigit isang kilometro anglalim) na pinaniniwalaang tumamasa pinakamakapal na bahagi ng de-posito. Ginawa umano ang pambo-bomba para madurog ang malala-king bato at lumuwag ang lupangkinakapitan ng ore. Ang napakala-kas na pagsabog ay maaring lumik-ha ng malalaking mga pinsala sailalim ng lupa na isa sa naging dahi-lan ng paggalaw ng mga bitak safault zone.

Natukoy din na ang katangianng lupa sa lugar ay weathered

soils of pyroclastics origin, cha-racteristically porous, na

ang ibig sabihin ay bul-nerable ito sa paggu-ho. Kahit nasa pro-seso pa lamang sapaggalugad ng depo-sito ay litaw na angpagkakasira ng kalu-

paan na likha ngpaghuhukay gamit ang

dambuhalang barena. Malala-king mga bato ang natatamaan ngmakinang pambutas ng lupa nanaging sanhi ng mga pinsala at

"Panlilinlang...," sundan sa pahina 8

Page 8: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

ANG BAYAN Marso 7 , 2020 8

Batas para sa terorismong estado, niraratsada

Kabalintunaang binansagang“Anti-Terrorism” Bill ang panuka-lang batas na iniratsada ng Senadoat puspusang inihahabol ng Maba-bang Kapulungan na maging batas.Sa halip na puntiryahin ang mga“terorista,” palalawigin ang ka-pangyarihan ng estado para magha-sik ng takot at pasismo.

Sa bersyon ng mababang ka-pulungan, susog ang ATB sa HumanSecurity Act (HSA) na nakabalangkassa estratehiya ng “global counterin-surgency” na ipinalalaganap ng USsa nagdaang dalawang dekada. Unanang pinadali ng HSA ang pagbaban-sag ng sinuman bilang "terorista" okasapi ng isang "teroristang" organi-sasyon, alinsunod sa mga pamanta-yang itinakda ng US. Sa ilalim ngHSA, itinuturing nang "terorismo"ang ilang karumaldumal na krimentulad ng walang-habas na pagpatay."Terorismo" na rin ang paggulo sasistemang pang-ekonomiko at panli-punan ng bansa, o pagdudulot ngmalakihang pampublikong krisis saseguridad.

Lalong pinalakas ng ATB angHSA. Hindi na lamang ang paggawang mga aktibidad na lubhang naka-

pipinsala sa publiko ang tinatawagna "terorismo." Kahit ang mga ak-tibidad na "may layunin" o balak palamang ay maaari nang bansagang"terorismo." Kabilang sa mga itoang pagpapanukala, pagpaplano, opag-ahita sa mga tao. Kahit angpakikipag-ugnayan sa itinuturing naterorista o teroristang organisa-syon—ang pagpapatulong sa kanila,pagpapakain, at anupamang pormang suporta—ay ituturing na ring"terorismo" ng panukalang batas.Kahit ang pagtulong at pagbigay ngdonasyon sa panahon ng sakuna,itinuturing na ring terorismo kungang organisasyong naglunsad ayhindi “state-recognized” o kinikilalang estado.

Itinuturing din ng ATB na pag-suporta o pag-udyok sa paggawa ngteroristang atake ang paglalabas ngmga pahayag, banner, poster, omaging mga dibuho o guhit na nag-papakita sa rehimen bilang bulok atdapat pabagsakin. Posibleng magingang pagbahagi ng mga kalatas, pa-hayag, o larawan—sa internet mano sa totoong buhay—ay maaaringituring na porma ng pag-udyok sa"terorismo." Gayundin, anumangporma ng pag-uulat o pagbalita,kahit pa ng mga pinsalang hatid ng

Anti-Terrorism Bill: Dagdag sapasistang arsenal ni Duterte

Sinabayan ng protesta ng mga pambansa-demokratikong pwersa ang pagdi-nig sa kongreso sa Anti-Terrorism Bill o ATB noong Marso 3. Tinalakay sa

pagdinig ang tatlong panukalang naglalayong amyendahan ang Human SecurityAct (HSA) na ipinasa sa panahon ng rehimeng US-Arroyo noong 2007. Angnaturang pagdinig ay ginanap matapos ipasa ng Senado ang sariling panukalanito (Senate Bill No. 1083) na pamalit sa HSA. Ang naturang panukala ay pi-nakahuli sa mga pasistang pakana ni Rodrigo Duterte. militar sa kanayunan bunsod ng pa-

kikipaglaban sa Bagong HukbongBayan o iba pang rebeldeng grupo,o kahit pa ng tuwirang pag-atakelamang ng militar sa mga komuni-dad, ay maituturing nang pag-uud-yok sa terorismo.

Sa ganitong sistema, magingmga lehitimong pulong, pagsasanay,at diskusyon ng masa hinggil sa mgaisyu sa kanilang komunidad aymaaaring paratangang porma ngpagrekruta para sa paggawa ng te-rorismo. Kahit pa sinasabing mayinilagay na pagtatangi sa mga pro-testa at welga bilang nananatilingligal, madaling paratangang angganitong mga pagkilos ay naglala-yong manggulo o makapinsala.

Pinapalawig din ng ATB ang bi-lang ng araw na maaaring ikulongang isang suspek nang walang kasohanggang 24 na araw, sapat na pa-nahon para bumuo ng gawa-gawangkaso sa kanilang ikinulong. Ginaga-wa ring lehitimo ng panukalang ba-tas ang walang patumanggang pa-niniktik—pakikinig sa mga tawag,pagbukas sa mga pribadong e-mailat text message, at pangingialam sapribadong komunikasyon. Kasalu-kuyan na itong ginagawa ng mgagalamay ng rehimen pero sa ilalimng ATB, magiging ligal at lantaranna ang ganitong taktika.

pagguho ng lupa.Ang pagpapatuloy ng Tampakan

Copper-gold Project ay nagbabantang malawakang pagkakawasak ngkabundukan at pagkakalbo ng kagu-batan. Sisirain din nito ang limangsistema ng mga ilog na kinabibila-ngan ng Alip, Altayan, Manteo, Mal

at Padada. Ang mga ito ang maha-lagang pinagkukunan ng tubig atkabuhayan ng daan-daang libongmamamayan sa 19 na mga lunsodsa paligid ng konsesyon. Matindingpolusyon din sa hangin at tubig angidudulot ng operasyon ng mina.

Pinangangambahan naman namalawakang kahirapan at gutom

ang ibubunga ng operasyon ng minadahil maraming magsasaka angmawawalan ng lupa at kabuhayan.Mas lulubha rin ang kawalan ngtrabaho dahil sa abanteng maki-narya at teknolohiya na gagamitinsa malakihang pagmimina na hindimangangailangan ng maramingmanggagawa.

"Panlilinlang...," mula sa pahina 7

Page 9: BANNEDTHOUGHT.NETbannedthought.net/Philippines/CPP/AngBayan/2020/20200307... · 2020. 5. 5. · Ano ang Covid-19? 3 Kapabayaan ng rehimen sa Taal 4 ... demyang dengue, tuberculosis

ANG BAYAN Marso 7 , 2020 9

Makatarungang kompensasyon, naipagtagumpay sa Honda Cars

Matapos ang isang linggong pagkampo at paggigiit ng halos 300 mang-gagawa at empleyado ng Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI), mata-

gumpay na naigiit ng mga manggagawa ang hinihingi nilang makatarungangkompensasyon sa pagsisante sa kanila.

Makatatanggap ng separationpay na katumbas sa 280% ng buwa-nang sahod ang lahat ng mgamanggagawa ng HCPI. Dagdag itosa P110,000 na matatanggap nila.Bukod pa rito ang ekstensyon ngkanilang health insurance sa kum-panya hanggang Disyembre 2020 atprayoridad na maging empleyado ngHCPI kung bumalik man ang opera-syon nito sa Pilipinas.

Nagsimula ang laban ng mgamanggagawa ng Honda noong Peb-rero 22 matapos pataksil na isinarang kumpanya ang planta nito saSanta Rosa City, Laguna. Nag-oo-pereyt ang naturang pabrika sa loobng engklabo ng Laguna Technopark,Inc. (LTI) mula pa 1992. Apektadong pagsasara ang 387 empleyado ngHCPI, kabilang ang mahigit 300manggagawa sa ilalim ng unyongLakas Manggagawang Nagkakaisasa Honda-OLALIA-KMU (LMNH-OLALIA-KMU).

Idinahilan ng Pangulo at Gene-ral Manager ng HCPI na si NoriyukiTakakura ang pagsasara sa Marsoay bunga ng “pagbagal ng pandaig-digang ekonomya.” Pero batid ngmga manggagawa na paraan la-mang ito para buwagin ang kanilangunyon. Hindi inasahan ng mga

manggagawa ng HCPI ang pagsa-sara ng kumpanya dahil sa pangakong maneydsment noong Enero nawalang magaganap na tanggalanbagamat bababa ang kota sa kani-lang produksyon.

Katunayan, naghahanda na angLMNH para sa pakikipagnegosasyonsa collective bargaining agreement(CBA) sa Agosto.

Sa araw na isinara ang pabrika,10 van na may lulang mga gwardyaat maton ang dumating sa pabrikaat nagtayo ng barikada sa harapnito. Hinarangan nila ang mga ta-gasuporta at mga pamilyang nag-tatanong sa kalagayan ng kumpan-ya sa tarangkahan ng engklabo.Nagpasya ang LMNH na magsagawang kampuhan sa pabrika hangganghindi sila hinaharap ng kapitalista.

Iminungkahi ng kapitalistangHonda ang alok nitong separationpackage matapos ang apat na araw.Nilaman nito ang maksimum na200% ng buwanang sahod kung na-sa 60 taong gulang na pataas angmanggagawa. Samantala, ang masbatang mga manggagawa ay maka-kakuha, sa pinakamababa, ng 120%ng buwanang sahod.

Bagamat ipinagmamayabang ngHCPI na mas mataas kaysa itinakda

sa batas ang separation package,hindi ito makatarungan sa mangga-gawa. Ayon kay Christopher Oliqui-no, bise-presidente ng LMNH-OLALIA-KMU, hindi sapat ang ini-syal na separation package upangmakapagsimula ulit.” Lubha na-mang mababa ang iniaalok sa mgamanggagawang relatibong bagu-han.

Iginiit ng LMNH ang pagtaas atpagkakapantay-pantay ng porsye-nto ng monthly pay (buwanang sa-hod) upang makapagbigay ng hus-tisya sa mga manggagawa, at nag-bunga sa positibong resulta. “Kungwala kaming unyon, siguradong ta-tanggapin na lamang namin angmaliit na alok mula sa kapitalista,”ani Oliquino.

Nanindigan ang LMNH at angPagkakaisa ng Manggagawa sa Ti-mog Katagalugan (PAMANTIK) nabunga pa rin ng tumitinding krisissa ekonomya at pulitika sa bansaang pagsasara ng Honda. Ayon samga manggagawa, kumita ng P17bilyon ang HCPI noong 2019 ha-bang P23 bilyon naman noong2018.

“Sanhi ng neoliberal na kaayu-san sa ating ekonomya at kultura,pati na rin ang atrasado nating in-dustriya ang pag-asa ng milyun-milyong manggagawa sa mga dayu-hang kumpanya para sa kanilangkabuhayan,” ayon sa PAMANTIK-KMU.

Barikada ng mga Aeta, ginipit; dating lider ng Partido, inaresto

SA CAPAS TARLAC, binatikos ng mga katutubong Aeta ang panibagongpanggigipit ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). NoongMarso 3, nanghimasok sa komunidad ng mga katutubo ang may 20 armadongtauhan ng BCDA kasama ng lokal na pulisya at pinagbantaan ang kanilangbarikada. Bago nito ay nagsidatingan ang mga buldoser at backhoe ng PanchoConstruction na kinontrata ng BCDA.

Ayon sa Asosasyon ng Katutu-bong Mahawang, laban sa pagpapa-lawak ng proyektong New Clark Cityang kanilang barikada. Una nangnapalayas ang 500 pamilyang Aeta

dahil sa itinayong Sea Games Sta-dium sa katabing lugar.

Samantala, tinuligsa ng Kara-patan ang iligal na pag-aresto kayRodolfo Salas noong Pebrero 18,

alas-5:50 ng umaga sa Angeles City,Pampanga. Si Salas ay kilalang or-ganisador ng mga magsasaka atkooperatiba na kabilang sa 25 indi-bidwal na sinampahan ng gawa-ga-wang mga kaso ng pagpatay sa Ley-te. Notoryus ang kasong ito bilang"mga naglalakbay na kalansay" dahilinililipat ang mga kalansay sa iba'tibang lugar sa Leyte at ginagamit naebidensya laban sa naturang mgaakusado.

.