Lesson 4 ang malahigateng bayan sa kalawakan

Preview:

Citation preview

Ang malahigateng BAYAN sa kalawakan

Lesson 4

1. Sino ang arkitekto at tagapagtayo

ng bayan sa kalawakan?

“Kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios

nila; sapagka’t

Kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Hebreo 11:16

2. Nasaan ang kamanghan-manghang

bayan na inihanda ng Dios?

“At nakita ko ang

bayang banal, ang

bagong Jerusalem na

nananaog mula sa

langit.”

Apocalipsis 21:2

“Oh Panginoon kong

Dios,…dinggin mo sa

langit na iyong

tahanang dako.”

1 King 8:28-30

3. Anong kahanga-hangang katangian

nitong dakilang bayan ang nagbibgay

katiyakan sa bawa’t mamamayan ng

walang hanggan kalakasan at kabataan?

“Sa gitna ng

lansangang yaon. At

sa dako rito ng ilog,

at sa ibayo nito,

naroon ang

punongkahoy ng

buhay, na

namumunga ng

labindalawang iba’t-

ibang bunga, na

namumunga sa

bawa’t buwan at ang

dahon ng punong

kahoy pangpagaling

sa mga bansa.”

Apocalipsis 22:2

4. Totoo ba na kamangha-manghang

bayan na ito ay bababa dito sa

lupa?

“At nakita ko ang bayang banal, ang bagong

Jerusalem na nanaog mula sa langit buhat sa

Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing

kasintahan na nagagayakang talaga sa

kaniyang asawa.”

Apocalipsis 21:2

“Ang matuwid ay gagantihin sa lupa.”

Kawikaan 11:31

5. Ano ang mangyayari sa

kasalanan at sa mga

makasalanan?

“Ang lahat na palalo,

at lahat na

nagsisigawa ng

kasamaan ay

magiging parang

dayami, at ang araw

na dumarating ay

susunod sa kanila.”

Malakias 4:1

“Bumaba ang apoy

mula sa langit at sila’y

nasupok.”

Apocalipsis 20:9

“Ang mga bagay sa langit ay mapupungaw sa

matinding init at ang lupa at ang gawang nasa lupa

ay pawang masusunog” 2 Pedro 3:10

“Inyong yayapakan ang masasama; sapagka’t sila’y

magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng

inyong mga paa.” Malakias 4:3

“Nguni’t ayon sa kaniyang pangako, ay maghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran.”

2 Pedro 3:13

6. Mayroon bang mga bata sa

kaharian ng Dios? Kung gayon,

lalaki ba sila?

“At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga langsangan niyaon.”

Zacarias 8:5

“At kayo’y magsisilabas at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.”

Malakias 4:2

7. Makilala pa kaya ng

mga naligtas ang

kanilang mga mahal

sa buhay pag

magkita-kita sa

langit?

“Ngunit

pagkatapos ay

makikilala ko

ng gaya naman

ng pagkakilala

sa akin.”

1 Corinto 13:12

8. Ang mga tao ba sa langit ay

magkakatawan ding tunay sa mga

buto at laman?

“Siya (Jesus) rin ay

tumayo sa gitna nila,

at sa kanila’y

nagsabi,

Kapayapaa’y

sumainyo.

Datapuwa’t sila’y

kinilabutan, at

nangahintakutan at

inakala nila na

nakakakita sila ng

isang espiritu. At

sinabi niya sa kanila,

Bakit kayo’y

nangagugulumihana

n? At bakit nangyari

ang pagtatalo sa

inyong puso?

Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” “At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila.

Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.” “At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at….samantalang sila’y binabasahan niya ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.”

Lucas 24:36-39, 41-43, 50, 51

“Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

Gawa 1:11

“Ang Panginoong Jesucristo…na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian.”

Filipos 3:20, 21

9. Paano gugugulin ng mga matutuwid

ang kanilang panahon sa langit ng

bayan?

“At sila’y magtatayo ng mga bahay, at ang mga yao’y kanilang tatahanan, at sila’y mangag-uubusan, at magsisikain ng bunga niyaon. Sila’y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain,…at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.”

Isaiah 65:21,22

10. Tunay ba na maaaring ilarawan ng

tao ang kaluwalhatian ng langit na

tahanan?

“Ang mga bagay na

hindi nakita ng

mata at ni narinig

ng tainga, ni hindi

pumasok sa puso

ng tao, anomang

mga bagay na

inihanda ng Dios

sa kanila na

nangagsisilbi sa

kaniya.”

1 Corinto 2:9

11. Ang kaharian bang ito’y personal

na inihanda para sa akin?

“At ang nakikinig ay magsabi; Halika, at ang nauuhaw ay pumarito: at ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.”

Apocalipsis 22:17

“Sa isang manang di nasisira,…na inilalaan sa langit para sa inyo.”

1 Pedro 1:4

“Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.”

Juan 14:2

16. Papaano ako makatitiyak ng

isang kalalagyan sa dakila at

maluwalhating kaharian?

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: Kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig ay magbukas ng pinto, ako’y papasok.”

Apocalipsis 3:20

“Mapapalad ang

nangaghuhugas ng kanilang

damit, upang sila’y

magkaroon ng karapatan sa

punong kahoy ng buhay, at

makapasok sa bayan sa

pamamagitan ng mga

pintuan.”

Apocalipsis 22:14

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking

Ama na nasa langit.”

Mateo 7:21

“Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios.”

Juan 1:12

“At nililinis tayo ng dugo ni Jesus sa kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.”

1 Juan 1:7

17. Nakapagpasyaa ka na

bang tanggapin ang maluwalhating alok

ni Jesus na mamuhay kasama niya

magpakailanman sa makalangit na

kaharian?

Mga Sagot sa Inyong

Mga Katanungan

1. Paano magiging

masaya ang langit kung naiisip

ng mga naligtas ang kanilang mga

mahal sa buhay na nangawala?

SAGOT:

Makakalimutan ng mga naligtas ng Dios ang mga trahedya at mga pasakit ng nakaraan; sa pamamagitan ng kagandahan at kagalakan ng bagong lupa. “Sapagka’t ang mga dating bagay ay hindi maaalaala o mapapasaisip man.”

Isaias 65:17

2. Ayon sa Banal na Kasulatan, “Ang laman

at dugo ay hindi nakapagmamana ng

kaharian ng Dios.”

1 Corinto 15:50.

Kung magkagayon, papaano maging

laman at mga buto ang mga naligtas?

SAGOT:

Ang terminong “laman” ay ginagamit ng Biblia upang isalarawan ang taong hindi nagbalik-loob. Gayon ding kaisipan ang inihayag nsa Roma 8:8,9. “At ang nasa laman, at ang nangasalaman ay hindi nakalulugod sa Dios. Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi sa Espiritu, kung gayon tumira sa inyo ang Espiritu ng Dios.”

Ang Juan 3:6 ay nag sasabing “Ang pinanganak ng lam ay laman nga at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.” Ang terminong “laman” dito ay muling tumutukoy sa taong hindi nagbalik loob, habang ang terminong “espiritu” ay tumutukoy sa taong nagbalik loob o taong “muling ipinanganak.”

3. Totoo ba na ang tagapamahala ng

pintuan sa banal na bayan ay si

Apostol Pedro?

SAGOT:

Hindi! Ayon sa Apocalipsis 12:12 ang bagong Jerusalem ang banal na bayan ng Dios—ay may labing dalawang pintuan, at ang mga pintuan ay may labing dalawang anghel. Walang makikitang batayan sa Biblia na mayroong sinomang mga apostol, ang nagbabantay

sa pintuan ng banal na bayan.

4. Malaki ba talaga ang banal na

bayan para magkasiya ang lahat ng

mga taong naligtas mula pa noong

pasimula?

SAGOT:

Kung ang bayan ay magiging masikip at ang bawa’t naligtas ay mabibigyan lamang ng isang daang talampakang kuwadradong lupa (100sq.m.) ay magkakaroon ng lugar para sa tatlong-pu’t siyam na bilyong katao sa bayan na siyang sa maraming ulit ay dami ng populasyon ng mundo ngayon.

Maraming estadisticano ang naniniwala na kung ang lahat ng taong nabuhay, mula pa

nung pasimula ay maliligtas, ay napakarami sanang lugar para sa kanila sa bayan. Nilinaw ng

Banal na Kasulatan, gayun man, na mangilan-ngilan

lamang ang maliligtas (mateo 7:14). Kaya’t magkakaroon ng higit pa kay sa sapat, na mga

lugar sa dakilang bayan.

5. May mga ilang panahon na ako ay

nag-aalinlangan kung ang gantimpala ay

katumbas ng pagtitiis. May mga oras na

tila dinadaig ako ni Satanas.

Mabibigyan ba ako ng Biblia ng pag-asa?

SAGOT:

Oo, sa katunayan, si Apostol Pabloay maaaring nag-isip ng taong katulad mo nung kaniyang isinulat ang mga katagang “Sapagka’t napapatunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapat-dapat para itumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.”

Roma 8:18

Sa isang sulyap lamang sa walang hanggan kaharian ay magdadala ng pinakamasamang pagsubok at pag-uusig ng mundo upang lumabo sa dimakahulugan, at ang mga niligtas ay magsasabing. “Hallelujah napakadaling pumasok sa langit.”

6. Ang mga sanggol bang namatay ay

maliligtas sa kaharian ng Dios?

SAGOT:

Wala tayong particular na sagot mula sa Biblia, subali’t maraming naniniwala na angm ga sanggol ay maliligtas ayon sa Mateo 2:16,18. Doon, tinutukoy ng Biblia ang tungkol sa makasalanang haring Herodes na pumatay sa mga sanggol sa Betlehem na may dalawang taon

pababa.

Hinulaan ng Lumang Tipan itong kalunos-lunos, at malupit napangyayari, at sinabihan ng Dios ang mga ina na tumigl sa

pag-iyak sapagka’t darating ang araw na ang kanilang mga anak

ay maibabalik sa kanila.

7. Tama ba ang aking

pagkaunawa na ang langit, ang

tahanan ng mga naligtas ay dirito

sa lupa?

SAGOT:

Iyan ay tama! Samantalang ang banal na bayan ay naroroon ngayon sa tahanan ng Dios, ito ay ililipat dito sa lupa. Ang kasalanan at makasalanan ay wawasakin at sisirain ng apoy, at ang lupa ay babaguhin at ibibigay sa mga matutuwid ang lahat ng kaniyang makaedeng kaluwalhatian at kagandahan. Ang bayang banal ay magiging kabisera ng bagong lupa at dito ililipat ng Dios ang Kaniyang trono.

8. Bakit marami ang nangangaral at

naniniwala na ang tahanan ng mga

naligtas ay isang maalapaap na

lugar na tinitirahan ng mga tila

multo na lumulutang sa mga ulap at

walang ginagawa kundi tumugtog ng

arpa?

SAGOT:

Ang turong ito ay nanggaling sa diablo na siyang ama ng kasinungalingan (John 8:44). Siya ay nanggigil upang sirain ang mapagmahal na plano ng Dios at kaniyang ipinakita ang langit bilang huwad at nakakatakot na lugar, kaya’t ang mga tao ay nawawalan ng pananabik at naging mapag-alinlangan sa lahat ng salita ng Dios.

Alam na alam ni Satanas na kung ang mga lalake at babae ay ganap sa

pagkaintindi sa katotohanan ng Biblia tungkol sa tahanan ng mga naligtas,

ang kaniyang kapangyarihan sa kanila ay masisira sapagka’t sila’y

magpapasimulang gumawa ng paraan upang makapasok sa kaharian ng Dios. Iyan ang dahilan kung bakit si Satanas

ay gumagawang mainam upang palabuin ang usapin at ikalat ang

maling paniniwala tungkol sa makalangit na tahanan.

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.

Recommended