23
TEKNOLOHIYA SA PANAHON NG BATO AT METAL

Teknolohiya sa panahon ng bato at metal

Embed Size (px)

Citation preview

TEKNOLOHIYA SA PANAHON NG BATO AT METAL

Balitaan

Pagsasanay

Balik-Aral

Ano ang ibig sabihin ng panahanan?

Saan-saan pinili ng mga unang Pilipino na magtayo ng panahanan?

Anong hanapbuhay nila sa kanilang panahanang napili?

*****

Ano ang teknolohiya?

ay lawas ng mga kasangkapan,makina,ma- teryales,pamamaraan at prose- song ginagamit upang magbu- nga ng gamit at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao….

Pagbuo ng tanaong

Anu- anong teknolohiya ang ginamit ng mga unang Pilipino sa Panahon ng Lumang

Bato, Panahon ng Bagong Bato at Panahon ng Metal?

Paglalahad

Ang mga arkeologo (mga siyentipikong nag-aaral sa pinagmulan ng kultura sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga labing materyal na bagay na karaniwang nahukay). Ay patuloy na nag-aaral tungkol sa sinaunang kabihasnang Pilipino at patuloy silang naghahanap ng mga relikyang mula sa panahong ito. Dahil dito, napatunayang mayroon na silang teknolohiya noon pa man na may malaking kaugnayan sa ating kasalukuyang pamumuhay.

Paglalahad

Hinati sa tatlong Panahon ang pagtalakay sa teknolohiyang ginamit ng mga Unang Pilipino, ito ang Panahon ng Lumang Bato, Panahon ng Bagong Bato, at Panahon ng Metal.

Pangkatang Gawain

Pagtalakay

Noong panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko (500,000 taon na ang nakaraan) ay kakaunti pa lamang ang mga tao sa bansa. Ang kanilang mga pangangailangan ay kakaunti at simple lamang. Natuklasan ni Robert Fox, isang Amerikanong arkeologo at ng kanyang mga kasamahan noong 1970 sa Kuweba ng Tabon sa Palawan ang mga kagamitang yari sa bato.

Pagtalakay

Sa panahong ito, nagsimulang gumamit ng mga kagamitang yari sa bato ang mga Unang Pilipino. Malalaki at magagspang ang mga batong ito. Nakabibiyak ng kahoy at nakapapatay ng mababangis na hayop ang mga batong ito. Ang mga unang Pilipino ay natutuong manghuli ng hayop para sa kanilang pagkain na ginagamit ang mga kasangkapang bato.

Pagtalakay

Gumawa sila ng kutsilyo, lagari, pangkayod, at pangkinis mula sa malalaking bato. Napatutulis nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagkikiskis sa dalawang bato. Unti-unting nabago ang mga kagamitang yari sa bato. Kuminis ang matutulis at magaspang na bahagi ng mga bato. Batong kiskisan ang ginamit sa pagyari ng mga kagamitang ito. Sa pagdami ng tao, nanatiling payak ang uri ng pamumuhay.

Sa Panahon ng Bagong Bato o Neoltiko (6000 B.C. – 500B.C.) ay tinatayang lumubog na ang mga tulay na lupa kaya ang mga taong nakarating sa bansa ay nakarating sa pamamagitan ng bangka. Ang mga kagamitan nilang yari sa bato ay hindi na magagaspang kundi mga batong daras o palakol na pinakinis at pinutol ayon sa nais na hugis ng kanilang gamit.

Sa panahong ito, natuto na rin silang magbungkal ng lupa, mangisda, mag-alaga ng hayop, gumawa ng bangka, sibat, at mga palamuting yari sa bato. Natuto na rin ssilang gumamit ng apoy sa pagluluto ng pagkain at gumawa ng kasuotang yari sa balat ng hayop. Mayroon na rin silang alam sa paglilibing kung saan inilalagay nila ang mga buto ng namatay sa isang malaking tapayan o banga.

Panahon ng Metal- Noong panahong ito, (800B.C. – 250B.C.) sa Pilipinas ay nagsimula ang paggamit ng tanso, bakal, bronse at iba pang hiyas gaya ng kristal, jade, at ginto. Sinasabing napakarami ng pagbabago sa panahong ito. Higit na naging produktibo ang paggamit ng lupa dahil sa kaalaman sa irigasyon at patubig sa pagsasaka. Dito rin naipakilala ang pagtatanim sa tulong ng mga ararong

Hinihila ng hayop.

Sa panahon ding ito nagsimula na ang sining ng pagpapanday at ang paghahabi sa pamamagitan ng back loom weaving. Ang kababaihan ay nakasuot na ng tapis at bahag naman ang sa kalalakihan. Umunlad na rin ang transportasyon at pangangalakal sa panahong ito.

Paglalahat

Ibat- ibang uri ng teknolohiya ang ginamit ng mga Unang Pilipino sa Panahon ng Lumang Bato, Panahon ng Bagong Bato, at Panahon ng Metal.

Pagtataya

Takdang Aralin