4
Panahon ng Lumang Bato Ang sakop ng panahong Paleolithic, na ang ibig sabihin ay Lumang Panahon ng Bato (Old Stone Age), ay nagmula noong unang lumitaw ang tao hanggang magsimula silang magsaka noong 8000 B.K. Ang panahong ito ang pinakamahaba sa lahat ng pagkakahati-hati ng mga panahon sa kasaysayan ng mundo bago naimbento ang pagsusulat. Nagsimula at natapos ito nang kasabay ng epokang Pleistocene. Ang mga katangian ng Lumang Panahon ng Bato ay ang sumusunod: (1) ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang-basket, (2) ang paggamit nila ng apoy, (3) ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain, (4) ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat ng hayop, (5) ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin, at (6) ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.

Panahon Ng Lumang Bato

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Panahon Ng Lumang Bato

Panahon ng Lumang Bato

Ang sakop ng panahong Paleolithic, na ang ibig sabihin ay Lumang

Panahon ng Bato (Old Stone Age), ay nagmula noong unang lumitaw ang tao

hanggang magsimula silang magsaka noong 8000 B.K.  Ang panahong ito

ang pinakamahaba sa lahat ng pagkakahati-hati ng mga panahon sa kasaysayan ng

mundo bago naimbento ang pagsusulat.  Nagsimula at natapos ito nang kasabay ng epokang Pleistocene.

Ang mga katangian ng Lumang Panahon ng Bato ay ang

sumusunod: (1) ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato,

buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang-basket, (2) ang

paggamit nila ng apoy, (3) ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang

pagkain, (4) ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat ng

hayop, (5) ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa

hangin, at (6) ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.

Page 2: Panahon Ng Lumang Bato

Panahon ng Bagong Bato

Ang Bagong Panahon ng Bato (New Stone Age) o Neolithic ay nagsimula banding 4000

hanggang 3000 B.K.  Ang mga pangunahin nitong katangian ay ang pagkakaroon

ng (1) agrikultura, (2) mga alagang hayop, (3) mga banga, paso, palayok, at iba pang kasangkapang kahawig nito, at (4) makikinis na kagamitang yari sa bato.

            Ang mga katangiang ito ng bagong Panahon ng Bato

ang nagging dahilan naman upang (1) ang tao ay tumigil sa

kalalaboy at magsimulang magtanim ng makakain, (2) lumaki ang populasyon,

(3) magkaroon ng mga bagong pamayanan, (4) magkaroon ng oras

ang tao para sa pag-iisip at pag-iimbento, (5) umunlad ang malalaking

Page 3: Panahon Ng Lumang Bato

pamayanan, at (6) magkaroon ng higit na masasalimuot na mga organisasyong panlipunan.

            Ang kulturang pansakahan ng Bagong Panahon ng Bato ay nagsimula sa Timog Asya, at lumaganap mula rito patungo sa ibang bahagi ng Asya, sa Aprika, at sa Europa, subalit hindi sa Amerika.  Sa Mesapotamia, Palestina, Syria, at Egipto umunlad nang mabuti

ang agrikultura at paghahayupan noon pa mang mga 4000 B.K. 

Ilan sa mga alagang hayop ng mga tao rito ay mga baboy, kambing, tupa, at baka.

            Sa kabilang dako, lahat ng bakas ng Bagong Panahon ng Bato ay tinatayang naiwan sa Europa noong banding 3000 o 2500 B.K. lamang.

Page 4: Panahon Ng Lumang Bato

Panahon ng Metal

Mayroong nagsasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia. Subalit ang Panahon ng

Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong

mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at

sandata ng mga tao. Sa Asya Minor unang sinimulang gamitin ang asero noong 1400 B.K., at sa Austria sa Europa noong banding 1100 o 1000 B.K. Sa ilang bahagi ng Asya at Aprika, hindi

ginamit ang asero kundi noong makalipas pa ang ilang dantaon matapos

na ito ay masimulang gamitin sa Mesopotamia. Sa Amerika naman, dumating ang asero at nagging bahagi ng kultura doon nang dalhin lamang ito doon ng mga Europeo noong taong 1500 hanggang 1600 P.K. (panahon ni Kristo).