Pakikipaglaban ng mga Makabayang Pilipino sa mga Espanyol

  • View
    853

  • Download
    82

Embed Size (px)

Text of Pakikipaglaban ng mga Makabayang Pilipino sa mga Espanyol

Pakikipaglaban ng mga Pilipino

Pakikipaglaban ng mga Pilipino ~Ms. Hanna Loren L. Pal

Ano ang ipinararating sa atin ng mga awiting ito?Magagawa mo bang magbuwis ng buhay para sa ating Inang Bayan? Bakit?

Ano ano ang mga karapatang tinatamasa ng Pilipinas?1.Karapatang mamahala sa Mamayan2. Karapatang Makapagsarili3. Karapatang Mang-angkin ng Ari-arian.4. Karapatan sa pantay na Pagkilala.5. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan.6. Karapatang Makipag-ugnayan.

Kilalanin natin!

JOSE RIZAL

MARCELO H. DEL PILAR

GRACIANO LOPEZ-JAENA

EMILIO JACINTO

ANDRES BONIFACIO

Andres Bonifacio

Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Nakapag aral sa paaralan ni Guillermo Osmena sa Cebu subalit sa kahirapan nakatapos lamang ng pang unang grado sa mababang paaralan.Nang labing apat na taong gulang ay naulila at napilitang maghanapbuhay para sa kanyang kapatid.Binalikat ang pagsuporta sa pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng pamaypay na yari sa papel de hapon at mga bastong yari sa ratan.

Naging eskribyente-mensahero siya ng Flemming and Co., isang kumpanyang Ingles at dito natuto siya ng wikang Ingles. Naging ahente sa Fresell and Co., isang kumpanyang Aleman at ng maglaon bilang isang bodegero sa Tondo. Naging isang aktor din sya sa moro-moro.Noong labing walong taong gulang, Si Bonifacio ay nakilala at nagpakasal kay Gregoria de Jesus ng Kalookan (kilala din bilang Lakambini ng Katipunan) sa simbhan ng Binondo, isang taon matapos maitatag ang katipunan.Kasama ang ilang makabayan, itinatag niya ang KKK.

Noong ika 22 ng Marso 1897, sa kapulungan ng Tejeros na ginanap sa San Francisco de Malabon, natalo si Bonifacio kay Gen. Aguinaldo bilang pinuno ng katipunan at binuo ang kapulungan ng isang bagong pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili sa Katipunan.Sumalakay ang mga tauhan ni Gen. Aguinaldo sa Limbon, Indang Cavite kung saan napatay ang isa sa kanyang mga kapatid na si Ciriaco at sila kasama ni Procopio ay nahuling sugatan at dinalang bihag sa Marogondon. Nilitis sa harap ng hukumang militar at noong ika-7 ng Mayo, hinatulan ng kamatayan at iniutos na ipatapon sa malayong lugar. Binaril at napatay kasama ng kapatid na si Procopio ng isang platun ng tauhan ni Gen. Aguinaldo sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Lazaro Macapagal noong ika-10 ng Mayo 1897 sa Bundok Tala, sa Maragondon, Cavite.

Emilio Jacinto

Isinilang noong Disyembre 15, 1875.Ipinanganak sa Trozo, Tondo, Manila.Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Trozo, Manila noong Disyembre 15, 1875. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon.Ang kanyang Ama, si Mariano Jacinto ay tatag ang hanap buhay bilang tenedor-de-libro. Ang kanyang ina na si Josefa dizon ay isang comadrona.Siya ang kinikilalang Utak ng Katipunan. Sinulat niya ng Kartilya ng Katipunan at ang mga tulang Sa Mga Kababayan,ang Pahayagat ang A La Patria.

Nautusan si Jacinto na iligtas si Jose Rizal mula sa kinasasakyan nitong bapor papunta sa Cuba. Hindi pumayag si Rizal.

Noong Febrero, 1898, siya ay nasugatan sa pakikipaglaban sa mga sundalong Kastila sa Maimpis, Laguna. Siya ay ginamot ng isang doctor na Kastila.Namatay si Jacinto sa edad na dalawamput apat sa sakit na malaria.

Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda

Pambansang Bayani ng Pilipinas

Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, LagunaAng kanyang mga magulang ay sina Fransisco Rizal at Teodora Alonzoikapito sa labing isang magkakapatid.ikasiyam na gulang siya ay ipinadala sa Binyan Laguna.TO THE FILIPINO YOUTH

Ateneo De Manila-Unibersidad ng St. TomasLeonor Rivera.Namatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

Inilathala ang 2 nobela: Noli Me Tangere Huwag mo Akong Salingin (Alemanya, 1887) at El Filibusterismo Ang Tampalasan (Ghent, Belgium 1891)Inilahad sa aklat na ito ang pang-aabuso ng mga opisyal at prayleng Espanyol na gumising sa diwang makabayan ng mga Pilipino.

Marcelo H. Del Pilar

Ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Cupang Bulacan, San Nicolas Bulacan

Tinatag niya ang kaunaunahan pahayagang tagalog sa Pilipinas na Diariong Tagalog

Ilan sa mga isinulat niya ay ang : Dasalan at Tocsohan La Soberania Monacal en Filipinas (Isiniwalat nito ang mga problemang panlipnan nooon.) La Patria at Ministerio de la Republica Filipina (Pananaw sa isang bansang malaya)

Napilitang iwan ang asawa at 2 anak upang tumakas papuntang Espanya

Naging kasapi ng Samahang Propaganda at pinalitan si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad

Nanatiling namuhay si Del Pilar ng mahirap kapalit ang pag-asang lalaya ang Pilipinas.

Namatay siya sa sakit na Tuberkulosis noong Hulyo 4, 1896 sa Barcelona, Espanya

Graciano Lopez-Jaena

Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino

Kasama sina Del Pilar at Rizal tinagurian silang Triumvirate ng Samahang Propagandista

Ipinanganak noong Disyembre 18, 1856 sa Jaro, Iloilo

Sa edad na 6 na taon ay sinanay na ni Padre Francisco Jayme sa pagtatalumpati

Sa pagnanais na maging doktor, pumasok siya bilang baguhan sa Ospital ng San Juan de Dios sa Jaro

Napalapit siya sa mga tao doon at nakita ang paghihirap nila sa kamay ng mga kawal Espanyol

1874, isinulat niya ang Fray Botod (Inihayag ang kasakiman, katamaran, at kalupitan ng mga paring Espanyol)

Natukoy ito ng awtoridad kaya tumakas siya papuntang Hong Kong at bumalik sa Madrid.

Namatay siya sa sakit na tuberkulosis noong Enero 20, 1896

Kilusang Propaganda at Repormista- Pangkat 1Kilusang La Liga Filipina-Pangkat 2Kilusang katipunan at ang Kartilyang Katipunan- Pangkat 3Digmaang United States at Spain-Pangkat 4

Kilusang PropagandaIto ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapangpamamaraan.Ang hindi makatarungang pagpatay sa tatlong pari ang naging daan sa paghahangad ng reporma o pagbabago ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila.Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora

Layunin ng Kilusang Propaganda

1.Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila2.Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinsiya ng Espanya3.Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish Cortes ng Espanya4.Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring secular sa mga parokya5.Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino6.Pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad sa pamahalaan

PamamaraanSumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaang Kastila.Upang mapalaganap ang layunin ng kilusan, bumuo ang samahan ng isang pahayagan.Ang La Solidaridad ang opisyal na organ ng kilusang propaganda.Enero 15, 1889 Inilathala sa Barcelona, Espanya ang unang sipi.Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot ng pahayaganMarcelo H. del Pilar pumalit siya sa taong Disyembre 1895

Mga Limang PilipinongManunulat

Marcelo H. del Pilar Plaridel, Araw at Gabi, Dolores ManapatJose Rizal Dimasalang, Laong LaanMariano Ponce Tikbalang, Naning, KalipulakoAntonio Luna Taga-ilogJose Maria Panganiban Jomapa

Kilusang La Liga FilipinaItinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.Nabuo ang samahang ito sa layon nilang mawakasan ang pang-aaping nararanasan nilang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastilang mananakop. Pero ang mas mabigat na dahilan ng pagkabuo ng samahang ito ay ang kanilang pare-parehong mithiin na maging malaya ang Pilipinas sa kamay ng Espanya sa mapayapang paraan.

Mga Layunin ng La Liga Filipina1.pagkakabuklod ng buong kapuluan;2.pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan;3.pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng karahasan at kawalang-katarungan;4.pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at komersiyo;5.pagsasagawa ng mga reporma o pagbabago.

Mga Nahalal sa Pamunuan

Ambrosio Salvador panguloAgustin de la Rosa piskalBonifacio Areval ingat-yamanDeodato Arellano kalihimJose P. Rizal ang nagsulat ng Saligang-Batas sa Hong Kong katulong si Jose Maria Basa

Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng pamahalaang bayan;2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag na cedula;5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan

Kartilya ng Katipuna

Noong 7 Hulyo 1892, pagkatapos mabuwag ang La Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, itinatag sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan(K.K.K. ng mga A.N.B.), ang Katipunan.Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at Jose Dizon, itinatag nila ito sa bahay ni Deodato Arellano sa #72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila.

LayuninLayunin nitong samahan na magkaisa ang bayan upang palayain ang Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitanng himagsikan. Malinaw sa kilusan na hindi na sapat ang paghingi ng reporma sa Espanya dahil hindi naman ito nakinig sa mga hinaing ng mga Pilipino.

Kartilya ng Katipunanni Emilio Jacinto

1.Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.2.Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.3.Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.

4.Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.5.Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.

6.Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.7.Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang magdadaan.8.Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.9.Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10.Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.11.Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.12.Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Jose RizalAndres BoifacioNagtatag ng La Liga FilipinaNagtatag ng KatipunanSumulat ng El Filibustirismo at Noli Me TangereGumamit ng Pahayagang Kalayaan at Kartilya ng Katipunan

Gumamit ng PanulatGumamit ng Rebolusyon

KilusanMga BayaniLayunin1. Propaganda1.1.2.2.2. La Liga Filipina1.1.2.3. Katipunan1.1.2.2.

Kung Nabuhay ka noon , ano ang gagawin mong pakikipaglaban para sa kasarinlan ng Pilipinas?Sinong Pilipino ang Iyong tutularan?