52
WELCOME!!! Speaker’s Training and Seminar July 17, 2011 Prepared by: Luis S. Bardon

Pagsasanay sa pagiging ispiker

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

WELCOME!!!

Speaker’s Training and Seminar

July 17, 2011Prepared by:

Luis S. Bardon

Page 2: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Pagsasanay sa

pagiging Ispiker

Page 3: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

A. Konsepto at depinisyon ng

pagtatalumpati

Prepared by: Luis S. Bardon

Page 4: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ang pagtatalumpati ay ang deriktang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsasalita ng ideya,kuro–kuro,damdamin, pinahahalagahan, paninindigan,pagbabahagi ng karanasan at paghahatid ng impormasyon o mensahe na naglalayong makuha ang pakikiisa, pag-unawa at pagkilos ng mga tagapakinig.

1. Kahulugan at kaibahan sa iba pang daluyan ng komunikasyon.

Page 5: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Mas mahirap pakinisin ang pagsasalita dahil walang puwang sa “editing” dito bago ang aktwal. Mapaghahandaan lamang ang pagsasalita subalit wala ng pagkakataon na bawiin pa ito sa aktwal.

Kaibahan sa iba pang daluyan ng Komunikasyon

Page 6: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

May agarang pagtatasa (immidiate evaluation) at may higit na “lapit” ang propagandista at ang target nito.

Ang pagtatalumpati ay sa konteksto ng gawaing propaganda na kadalasan ay pawalis, limitadong panahon, one-way. Hal. Kung walang tanong sagot na bahagi at bahagi ng isang pagkilos o palatuntunan.

Page 7: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

2. MGA LAYUNIN SA PAGTATALUMPATI

Palahukin at pakilusin ang mga tagapakinig

Kunin ang simpatya at pakikiisa sa pagsusuri at layunin

Ipaalam ang mga impormasyon, ideya at paninindigan

Page 8: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Kaya ang pagtatalumpati ay maaaring:.

Nagbibigay impormasyon

Nagpapakilos (bahagi ng propaganda at kampanya)

Nagtuturo at naglilinaw (bahahagi ng edukasyon)

Nagmumulat (Consciouness raising)

Ahitasyon

Page 9: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

B. PANGUNAHING LAMAN NG TALUMPATI

Prepared by: Luis S. Bardon

Page 10: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

1. INTRODUKSYON

A.Layunin ng introduksyon1.Kunin ang tiwala at atensyon

ng tagapakinig2.Buksan sa tagapakinig ang

paksa ng talumpati

Page 11: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

B. Pamamaraan upang kunin ang atensyon at interes ng tagapakinig

1.Gumamit ng pinakaangkop na entrada

2.Linawin ang kahalagahan ng paksa

3.Banggitin ang ilang komon na apilyasyon sa tagapakinig upang maka-identify ang mga ito sa tagapagsalita

Page 12: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

1.Retorika (patanong na sinasagot din ang sarili)

2.Pagsisipi sa isang popular na pangungusap, berso o awit

3.Pakwento4.Kakatwa o popular na

ekspresyon

C. Mga Halimbawa ng Entrada Mahalagang gumamit ng entradang nakakatawag

pansin

Page 13: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

5. Summary sentence (parang pamatnubay o lead sa news writing na may giyang ABKSSP)

6. Eksplosibong estadistika7. Insidente8. Paghahambing9. Anekdota10. Depinisyon (etymology)11. At iba pang malikhain at

makatawag pansing anekdota

Page 14: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Paglalatag ng paksaPangkalahatang pagbabalangkas (framework) ng talumpati.Padron ng pagbubuo ng katawan

2. Katawan ng talumpati Tinatawag itong katawan dahil 75% ng talumpati ay dito nakalaan (10% naman sa intro at ang natitirang 15% ay sa kongklusyon o pagsasara). Ang bulto ng ideya at sustansya ng talumpati ay nasa bahaging ito.

Page 15: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Sa pagsisimula ng katawan, ipakita agad ang kahalagahang talakayin at maunawaan ang paksa, ang implikasyon at epekto nito sa mga tagapakinig. Maaari ding ilatag ang paksa sa pagpapahayag ng balangkas ng mga mayor na puntong nais talakayin.

A.PAGLALATAG NG PAKSA

Page 16: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Dalawang paraan sa paghahatid ng ideya:

1. Pabuod (inductive)

2. Pasaklaw (deductive)

B. PANGKALAHATANG PAGBABALANGKAS (FRAMEWORK) NG TALUMPATI.

Page 17: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Pabuod – ipinapaliwanag ang mga konsepto sa pamamagitan ng paglalahad ng mga partikular na kalagayan, katangian at karanasan. Lalagumin ito at ipapakita ang pagkakahalintulad o pagkakaiba ng bawat isa. Mula rito’y makakabuo ng isang kongklusyon.

Page 18: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Pasaklaw – nagsisimula sa paglalahad ng isang prinsipyo o teorya na kailangang subukin at pagtibayin.

Sa pagpili ng pamamaraang gagamitin sa pagpapahayag, tatlong bagay ang dapat isaalang alang:1. Layunin 2. Antas ng kamulatan/kaalaman ng tagapakinig3. Paksang tinatalakay

Page 19: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

1. Prosesong Padron (process pattern) Paglalatag ng mga ideya sa pamamaraang kronolohikal. Mainam gamitin ang padrong ito sa pagtalakay ng isang proseso, tunguhin, at/o operasyon ng isang konsepto.

C. PADRON NG PAGBUBUO NG KATAWAN

Page 20: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

2. Padrong Heograpikal - ito ay pagbabaybay ng mga

bagay, pangyayari o konsepto batay sa lokasyon nito sa heograpiya o lugar

3. Padrong Papaksa- paghimay sa isang malaking paksa o konsepto sa maliliit na bahagi o detalye nito

Page 21: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

4. Padrong Suliranin Solusyon

- pagtalakay sa suliranin at ang kaakibat nitong solusyon.

5. Padrong Dahilan-Epekto

- pagtalakay sa mga dahilan at sa mga inireresulta nitong dahilan.

Page 22: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ito ang bahaging binabalikan ang sentral na ideya at isinusuma ang mga mahahalagang puntong tinalakay sa katawan. Iniuugnay ang pambungad at ang panawagan

3. PAGWAWAKAS O KONGKLUSYON

Page 23: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Kadalasan, ang mga pahayag ay winawakasan ng mga islogan ng posisyon sa isyu o panawagan ng pagkilos. Kailangan ding pag-aralan ang pagbubuo ng mga islogang madaling tumino, “catchy”, at bumubuod sa talumpati.

Page 24: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ang pagwawakas ay maaaring sa anyo ng:

Paghamon sa tagapakinig upang kumilos

Paglalagom sa mga mayor na punto

Pag-iiwan ng palaisipan na magtutulak sa mga tagapakinig na lumahok at makiisa sa mga susunod na pagtitipon

Page 25: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

C. Pamamaraan at Teknik sa Pagtatalumpati

Prepared by: Luis S. Bardon

Page 26: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ang tanging kasangkapan ng mga tagapagsalita ay ang kanyang katawan. Ito ang daluyan ng pagpapahayag. Bukod sa boses, ang katawan ang nagpapahayag ng emosyon, ideya at paninindigan ng isang tagapagsalita.

1. PAGAMIT NG MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

Page 27: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ang pagkontrol nito ay tumutulong sa;

a.) pag – iisip b.) sa lakas at tono ng boses c.) sa pagiging kalmado at pagtangal ng kaba

A.PAGHINGA

Page 28: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Kailangang pag-aralan ang “wastong paghinga.” ang boses ay dapat magmula sa “diaphragm” upang mas buo at hindi dapat mapagod.

Page 29: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ito ang papel na binabasa ng mga tagapakinig. Dito narerehistro ang emosyong kaakibat ng ideyang ipinahahayag. Iwasang takpan ang mukha pra sa mas epektibong pagpapahayag.

B. MUKHA

Page 30: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ito ay may malaking kakayahang magpahayag ng damdamin. Tulad ng pagbasa natin sa ipinahahatid na reaksyon ng mga tagapakinig, ang mata ng tagapagsalita ay naghahatid din ng mensahe. Kailangan nga lamang na magtugma ito sa sinasabi ng bibig

C. MATA

Page 31: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ginagamit din ang mga mata ng tagapakinig para sukatin ang epekto ng tagapagsalita. Ang direktang pagtingin ( o animo’y direktang pagtingin) ay tulay na nagdudugtong sa pagitan ng tagapasalita at mga tagapakinig

Page 32: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

D. TINDIG

Mahalagang sangkap ito sa pagbibigay ng impresyon ng katatagan at kumpiyansa sa paninindigan. Kailangan matatag din, matuwid at nagbabago ayon sa mensahe ang kilos ng katawan.

Page 33: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

E. PAA AT TUHOD

Matatag at kontrolado ang kilos

Ginagamit sa pagbibigay diin sa sinasabi. Iwasan ang mga manerismong “nakakanakaw” ng atensyon ng tagapakinig

F. KAMAY

Page 34: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ang teknik ay depende sa gumagamit. Hindi ito ipinipilit at hindi rin ito awtomatikong taglay ng isang tagapagsalita. Ito ay pinag-aaralan at nililinang.

2. TEKNIK SA PAGSASALITA

Page 35: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

A. Paggamit ng boses

- ibagay ang tono/tiyempo ng boses ayon sa paksa (modulation) sikaping maging malinaw ang pagbigkas ng mga salita (enunciation)

Page 36: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

- dahan-dahanin (hindi bagalan) ang pagbigkas at huwag magmadali kung magreresulta ito sa “pagkain” ng mga salita

- matutong magpalaki/magpalakas ng boses (projection)

- lagyan ng emosyon ang boses

Page 37: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

B. lenggwahe - gumamit ng terminong popular sa mga tagapakinig- pumili ng mga salitang angkop, naglalarawan, buhay, aktibo at militante.- gumamit ng mga lenggwaheng makaka-”identify” ang mga tagapakinig

Page 38: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

C. Kilos – Katawan - - Laging humarap sa mga tagapakinig at iwasang tumayo sa iisang lugar lamang

- - iwasan ang mgakilos na makalilito sa atensyon ng mga tagapakinig

Page 39: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

- ikalat ang tingin sa mga tagapakinig habang nagsasalita. Upang maiwasang magambala o mataranta, tingnan ang ulo o buhok ng mga tagapakinig subalit sikaping matutunan ang eye-to-eye contact sa tagapakinig na may gamit din para sa immediate feedback

Page 40: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

2. MGA GAMIT SA TALUMPATIKaraniwan ng gumagamit ng

sound system (mikropono, megaphone, at iba pa) sa pagtatalumpati. Mainam din kung bibigyan ng atensyon ang paghawak sa mikropono sa paraang relaks at di nagiging sagabal sa epektibong pagsasalita at paghahatid ng mensahe. Sa ilang pagkakataon, gumagamit din ng mga “props” o mga tulong-biswal sa pagtatalumpati.

Page 41: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

May mga tagapasalita di na gumagamit ng mga kagamitan tulad ng overhead projector oaudio-visual presentations. Gayunman, kadalasan ay epektibo lamang ang mga ito sa mga nakasarang (enclose) lugar-tipanan.

Page 42: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

D. PAGHAHANDA NG TALUMPATI

Prepared by: Luis S. Bardon

Page 43: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Ano ang sasabihin? Pagpili ng paksa

Bakit magsasalita? Pagtatakda kung ano ang pangkalahatan at partikular na layunin.

Para kanino? Ano ang katangian ng mga tagapakinig?

Page 44: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

Saang lugar? Ano ang aksyon o pagkakataon?

Kailan? Gabi ba o araw? Sa simula ba o sa katapusan ng programa?

Pagsisiyasat at pananaliksikPagpili ng mga ideyaDaloy ng mga ideya

Page 45: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

HAKBANG SA PAGAWA NG TALUMPATI

• Para Kanino?• Bakit?

1. Layunin

Page 46: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

4.Pagtitipon ng impormasyon

Page 47: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

7. Estilo ng Pananalita

(Klaro – maiksi - may

ugnayan)

Pambungad

(Maririnig)

Katawan(Interesa

nte)

Kongklusyon

(Malalaman)

Kongklusyon(Batay sa reaksyon ng

tagapakinig)

Page 48: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

E. PRAKTIKUM

Prepared by: Luis S. Bardon

Page 49: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

1. Paghahandaa.Magkaisa sa layunin at tema ng praktikum

- Saan (Setting)

- Sino (Audience)

- Ano (Issue/Paksa

- Bakit (Layunin)

Page 50: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

b. Isulat ang mga mungkahing paksa o tema at papiliin ang mga kalahok ng kanilang paksa. Papaghandain.

c. Hikayating magsulat ng kanilang pinayamang balangkas.

Page 51: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

2.Aktwal na Pagsasalita

Kailangang pairalin ang RESPETO sa nagsasalita.Ang mga kalahok ay may tungkuling makinig (bilang audience) at kritiko (bilang kapwa kalahok sa pagsasanay.

Page 52: Pagsasanay     sa pagiging ispiker

GOOD LUCK!

Prepared by: Luis S. Bardon