14
Mga Uri o Anyo ng Tala

Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Mga Uri o

Anyo ng Tala

Page 2: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Direktang Sipi- Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin. Baka kasi lumabas na ang halos buong papel ay nagmula sa ideya ng iba. Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (“ ”) ang bawat nakuhang tala.

Page 3: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Buod ng Tala- Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideyaang mambabasa.

Page 4: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Presi- Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kapag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat.

Page 5: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Sipi ng Sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.

Page 6: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.

Page 7: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Salin/Sariling Salin- Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.

Page 8: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Bibliyograpiya

Page 9: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Bahagi ng isang pananaliksik o aklat ang bibliyograpiya o talasanggunian. Ito ay pagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.

Page 10: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Kahalagahan ng

pagbuo ng

Balangkas

Page 11: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Higit na nabibigyang diin ang paksa- Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin kaya naman makatutulong ang pagbuo ng balangkas upang matiyak na ang lahat ng impormasyon isasama sa sulatin ay sesentro o tutugon sa paksa.

Page 12: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat- Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin ay magiging madali para sa manunulat ang mag-pokus sa bawat bahagi ng kanyang balangkas.

Page 13: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Nakatutukoy ng mahihinang argumento- Sa pagbuo ng balangkas, agad natutukoy ng manunulat kung alin-alin ang argumento ang mahihina dahil halos wala siyang mailagay na detalyadong susuporta rito.

Page 14: Mga uri o anyo ng tala "filipino 11"

Nakatutulong maiwasan ang writer’s block- Mahirap magsimulang magsulat kung ang isang malinis na papel o cursor na kumikindat-kindat sa malinis na monitor lang ang kaharap para sa isang malaking proyektong tulad ng sulating pananaliksik.