Iba’t ibang anyo ng pagdidiskurso

  • View
    1.138

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

powerpoint presentation

Text of Iba’t ibang anyo ng pagdidiskurso

Ibat ibang anyo ng pagdidiskurso

Pagsasalaysay- Pagbubuod-Pag-iisa-isa Paglalarawan-Analohiya-PagtatambisPangangatwiran-Pagsusuri-Pag-uuri-Sanhi at bungaPaglalahad-Pagbibigay katuturan-Pagbibigay halimbawa-Pag-iisa-isaIbat ibang anyo ng pagdidiskurso

Paglalarawan: Si JULIOJULIOSiya ang lalaking karaniwang nakikita sa bukid, may pigil na araro. Balat na sunog sa araw. Buhok na tumatabal, malaginto sa kauhawan sa pomada. Dibdib na wariy bariles. Mga brasong mapipintog sa masel. Malalapad at makakapal na kamay. Daliring punggok at matataba. Ngunit wala siya sa bukid. Sa mga lansangan ng lunsod nahadhad ang de-goma niyang sapatos. Sa lunsod nangupas ang kadilawan ng kanyang eskiper at ang kamaungan ng kanyang pantalaon, kasuotang kung matatagpuan sa sahig ng bahay ay hindi pangingimiang ipaglampaso niyong hindi maselan. Paglalahad: (Pagtutulad)KABATAANAng mga kabataan ay tulad ng kawayang naaangkop sa lahat ng uri ng panahon. May malakas na bagyo at sigwa na dumarating sa bansa, subalit ang mga kabataang kawayang nagiging matatag sa lupa na yumuyukod lamang sa laban sa nangangalit na elementong likas o gawa ng tao. Dahil sa kanilang mga naging karanasan, ang mga kabataan ay nagising sa katotohanang silay may tungkuling dapat gampanan sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan ang buong bansa.

Paglalahad:/pagbibigay katuturanSHOTAHTumutukoy ang salitang shotah sa isang taong lagi mong kasama sa iyong paglalakad na hindi mo naman masasabing basta kaibigan lamang pagkat madalas kayong naghahalikan sa kadiliman ng balcony ng isang sinehan. Naniniwala kang mahal mo siya at siya naman ay gayundin sayo. Bunga nito, magkasama kayo sa lahat ng lakaran sa excursion, parties, library, simbahan, parks, restawran at minsan sa motel. Sa kabuuan, pinaghalu-halong Tiya Dely, ka-tsismis,, alalay, alipin, shock absorber, sexual stimulator ang shotah na maari mong layasan, layuan o i-drop kapag nagsawa ka na o nakakita kaya ng pamalit.Sanhi at Bunga Kayat ang magulang na nais magmahal dapat ang pagtingin ilagay sa lugar at kung magkamali, luha ay bubukal magsisi may hulit di na mapaparam

Pangangatwiran: Iisa ang laman ng puso ng mga magulang, iisa ang kanilang pangarap ang magtagumpay ang kanilang anak. Itataguyod nila ang kanilang pag-aaral kahit ano ang mangyari. Magulang ang nagbibigay ng inspirasyon sa anak

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. -AB-

Paglalahad: PAGKATAO Ang kamahalan ng taoy wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri,; yaong di napaaapit di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan-EJ-

Pagsusuri: Ang buhayNalaman kong hindi pala eksam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration o fill-in the blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot kundi batay sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.Maraming libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng silabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap. Pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-gradweyt, ibat ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung anumang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.(pagtatambis) LUV NA BABOLGAM Ang love parang bubblegum lang yan na kahit anong klaseng nguya ang gawin mo, darating pa din sa puntong mawawalan ito ng tamis.nasa iyo na lang kung palolobohin mo ito upang paglaruan, o di kayay idikit upang iwan kung saan, o lunukin upang tuluyang maging bahagi ng iyong katawan.

Pagtatambis: Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako ang nawalan.Ako dahil ikaw ay minahal ko ng lubusan, at ikaw dahil ako sa iyoy lubusang nagmahal. Ngunit sa ting dalawa ay ikaw ang higit na nawalan dahil pwede kung mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo ngunit ikaw ay di mamahalin tulad ng kung paano kita minahal.

Pasaklaw Walang masamang tinapay sa magkaibigang patay-gutom

Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin

Walang kagandahang di may kapintasan

Pagbibigay-halimbawa/katuturan ng pag-ibigAng pag-ibig ay pakikinig, pag-unawa at pagsunod sa mga pangaral ng iyong mga magulang na walang hangad kundi ang iyong kagalingan.Ang pag-ibig ay pagbibigay at pagpapaubaya sa isang nakababatang kapatid na nangangailangan ng iyong paggabay at pag-unawa.Ang pag-ibig ay pagsasauna sa damdamin ng iyong minamahal upang siya ay lumigaya, mangahulugan man ito ng kalungkutan para sa iyo.Ang pag-ibig ay ang paglilingkod sa iyong mga minamahal upang sila ay makadama ng ginhawa at kapayapaaan ng loob maging maliit man ang kapalit noon.Ang pag-ibig ay pagpapakasakit. Di ba ganito rin ang ginawa ni Hesus upang maipadama niya sa atin ang kanyang walang katapusang pag-ibig?

Pangangatwiran Pag-uuri Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad kung bakit hindi ka pwedeng magsuot ng sapatos na hindi magkaparehas sa parehong oras. Posible, pero pangit tingnan.

-Bob Ong-

Pagtatambis Kung akoy lukob ng lungkot, kung ang pag-asay lagot, kung akoy hindi mapagkatulog, iniisip kita ng walang saplot

Analohiya: Himala at hiwagaIniluwal ang uha sa lagusan ng ihi. Tunay na maraming himala dito sa daigdig na mahimala

Humahalimuyak ang luwalhati sa bukal ng panghi tunay na maraming hiwaga dito sa daigdig na mahiwaga.

Pangguguyo: Aanhin mo ang kagandahan at karangyaan kung si JADAWN ay di mo naman matitikmanJadawn is the nameJovial individual, that is his nature,Joy in every moment when he is around.Jester and clown, his friends will denounce, Justified and fair to everyone dear to his heart.

Active and always alert to give help.Aggressive but not exaggerated in the name of loveAnimated, vitalized and invigorated, no idle moments to rise.Agony and pain in your life will be transformed into a delight.

Daring as he speaks; fearless in his speeches.Dedicated to his job, affectionate to his only love.Dauntless and courageous, bold and chivalrous.Dear to his family, Supremo of Parokya Kingdom.

Amiable and friendly, for sure he is always be.Antagonist of the evil ones, protagonist to sexy gals.Arrogance, not in his mind, humbleness is what he likes.Asset is his killer smile, empty wallet is the only liabilities.Watchdog to his friends and relatives, he will guard them to the end.Weird to some immature observant, to the majority he is wholesome.Well-breed, polite and a cultured gentleman, why ladies wants his pants.Welfare of the young minds, that is why teaching is his life.

Neutral and nonpartisan, fair and just in dealing with everyone.Naughty and unmanageable sometimes, but nice most of the time.Natural joker as many will describe, but mind you he is sincere to his job.Noble in his profession, to nurture hollow minds is his greatest devotion.

JADAWN.. Now a name , soon a legend!!!!!

NATATANGING PAGLALARAWANKilala mo ba sila??? Isa ka ba sa kanila??? Sino ba sila??? Sila ang mga sikat sa TIP, maaaring katabi mo sila o di kaya namay nasa harap mo. Sila ang iyong mga kamag-aral at mga guro na di mo maiiwasang di-mapansin dahil sa kakaiba nilang pagkatao at kakatwang estilo. Ang inyong mababasang paglalarawan ay base lamang sa sariling obserbasyon. Wala itong layong makapanakit ng damdamin ng sinuman. Walang personalan.trabaho lang.Pag-iisa-isa: DA HU!!!!!!!!! Kamag-aralSuper kikay:siya ang may pinakamaraming koleksyon ng suklay, maki-up kit, powder at lipstick. Mas paborito niyang harapin ang salamin kaysa tumingin sa guro niyang lawit na ang dila sa katuturo. Maya-mayay tatanungin niya ang kanyang katabi kung pantay ba ang make-up. Si maam/sirPetrang Kabayo: Lupeet!! . Ang tanging maibubulalas mo sa gurong ito, tila kasi kabayong may tapete sa nguso na kapag nagtuturo ay iisang direksyon ang tinutungo. Galing niya sa numero ay di matatawaran, yun nga lang siya lang ang nakakaalam kasi ang mga patay na batang estudyante ay nagkukunwaring naiintindihan.