18
1. SEN. ALAN PETER S. CAYETANO Si Alan Peter Cayetano ay ipinanganak noong Oktubre 28, 1970 sa Mandaluyong. Isa siyang senador mula sa Pilipinas. Siya ay isang congressional-representative mula sa distrito ng Taguig-Pateros ng 9 na taon. Ang kanyang pinagtuunan ng pansin ay ang edukasyon. Noong May 14, 2007 ay tumakbo siya bilang isang senador sa ilalim ng Genuine Opposition and nanalo. 2. SEN. ANTONIO “SONNY” F. TRILLANES Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto 6 , 1971 ) ay isang politiko sa Pilipinas . Nakilala siya sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati . Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas. Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong Hunyo 30 , 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29 , 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo . Dahil dito, kakasuhan ulit siya. [1] 3. SEN. AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang abogado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987- 1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal

Mga larawan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga larawan

1. SEN. ALAN PETER S. CAYETANO Si Alan Peter Cayetano ay ipinanganak noong Oktubre 28, 1970 sa Mandaluyong. Isa siyang senador mula sa Pilipinas. Siya ay isang congressional-representative mula sa distrito ng Taguig-Pateros ng 9 na taon. Ang kanyang pinagtuunan ng pansin ay ang edukasyon. Noong May 14, 2007 ay tumakbo siya bilang isang senador sa ilalim ng Genuine Opposition and nanalo.

2. SEN. ANTONIO “SONNY” F. TRILLANESSi Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto 6, 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng

Pilipinas. Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29, 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo . Dahil dito, kakasuhan ulit siya.[1]

3. SEN. AQUILINO “KOKO” PIMENTEL IIIAquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang abogado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa 2007 elections.Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang

Pilipinong senador, isang abugado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa halalan 2007.

Page 2: Mga larawan

4. PAOLO BENIGNO “BAM” AQUINO

Si Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV (ipinanganak Mayo 7, 1977) o mas kilala bilang Bam Aquino ay isang politiko at negosyante mula sa Pilipinas at kasalukuyang Senador sa Mataas na Kapulungan. Siya ay pinsan ni Noynoy Aquino.

5. SEN. CYNTHIA A. VILLARCynthia Aguilar Villar (ipinanganak Hulyo 29, 1950) ay isang Pilipinongpolitiko na siyang miyembro ng House of Representatives para sa Lone District ng Las Piñas City 2001-2010 at kasalukuyang isang senador.Siya ay ang kapatid na babae ng Las Piñas City Mayor Vergel Aguilar, [1] at Muntinlupa Barangay chairman

Elizabeth "Ate Bess" A. Masangkay at ang asawa ng Senator Manny Villar

6. SEN. FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR.Ipinanganak si Marcos sa Maynila. Anak siya ng ikasiyam na pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos at ng asawa nitong si Imelda Romualdez Marcos, ang pinakaunang Gobernador ng Metro Manila at Ministro ng Human Settlements.Nagtapos si Bongbong ng elementarya sa De la Salle College at ng sekondarya sa Worth School sa Inglatera. Noong 1978, nagtapos siya ng kursong political science, philosophy at economics sa Oxford University. Pagkatapos niyang mag-aral sa Oxford,

nag-aral na naman siya sa Wharton School of Business sa Estados Unidos upang makakuha ng Masters in Business Administration (MBA). Noong 1980, habang nasa proseso siya ng pagkukumpleto ng thesis sa MBA, naihalal siyang Bise Gobernador ng Ilocos Norte kahit na wala siya noon sa lalawigan.Kasal si Marcos kay Louise Araneta at mayroon silang tatlong anak na lalaki.

Page 3: Mga larawan

7. SEN. FRANCIS JOSEPH “CHIZ” ESCUEDEROSi Francis Joseph "Chiz" Guevara Escudero ay senador ng Pilipinas mula pa man noong 2007. Isa siya sa pinakabatang mambabatas na nagsilbi sa kongreso. Muli siyang tatakbo sa senado sa Pangkalahatang Halalan ng Pilipinas, 2013 bilang kandidatong indipindyente bagama't suportado siya ng Partido Liberal (Liberal Party o LP) at United Nationalist Alliance (UNA).Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Chiz sa

University of the Philippines Integrated School noong 1981 at 1985. Nakamit niya ang Batsilyer sa Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon noong 1988 at nagtapos siya ng abogasya sa UP College of Law noong 1993. Nag-aral siya sa Georgetown University Law Center sa Washington D.C. noong 1996 para sa kanyang master sa International at Comparative Law.

Sa UP ay naging Pangkalahatang Kalihim din siya ng Association of Law Students sa Pilipinas mula 1992-1993. Sumapi rin siya sa Alpha Phi Beta Fraternity at miyembro rin siya ng Alpha Phi Beta Debating Team na naging kampeonato noong 1991.

Isa rin siya sa pinakamahusay na mag-aaral sa magkakasunod na taon at kasapi rin siya ng Order of the Purple Feather or the U.P. Law Honor Society mula 1989–1993.

8. SEN. FRANKLIN DRILONIpinanganak si Drilon sa Baluarte, Molo, Lungsod Iloilo kina Cesar Drilon, Sr. at Primitiva Drilon. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Baluarte noong 1957. Tinapos niya ang kanyang sekondarya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Iloilo noong 1961. Nagtapos si Drilon ng kursong Bachelor of Arts in Political Science noong 1965 sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Naging associate editor siya ng Philippine Collegian ng UP at naging konsehal ng UP

Student Council. Nag-aral siya ng abogasya sa UP College of Law at natapos noong 1969. Naging kaklase niya ang kanyang dating asawa na si Violeta-Calvo Drilon pati na sina senador Miriam Defensor-Santiago, Executive Secretary Ronaldo Zamora, at ang negosyanteng si Loida Nicolas-Lewis. Naging miyembro siya ng editorial board ng Philippine Law Journal, at ng Order of the Purple Father, isang honor society ng abogasya sa UP. Nang kumuha siya ng bar exams (pagsusulit sa abogasya), ikatlo siya sa may pinakamataas na marka. Sa parehong taon, nagsilbi siyang associate lawyer ng Sycip, Salazar, Luna, Manalo at Feliciano Law Offices (kasalukayang Sycip Salazaar Hernandez & Gatmaitan). Sumapi siya sa Angara, Abello, Conception, Regala & Cruz Law Offices (ACCRA) nong 1974 kung saan siya ay naging senior associate lawyer. Mula sa pagiging

Page 4: Mga larawan

kasosyo noong 1975, siya ay naging managing partner noong 1986. Naging bar examiner din siya ng Labor at Social Legislation mula 1979 hanggang 1984. Naging bise presidente at gobernador ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), at bise presidente, board member at treasurer ng Personnel Management Association ng Pilipinas (PMAP).

9. SEN. GRACE POE-LLAMANZARESSi Mary Grace Sonora Poe Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ngLupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2016.Isinilang sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na nanay. Siya ang inangking anak

ng Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.Noong 2010, itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon(MTRCB).[1]

10. SEN.GREGORIO B. HONASAN IISi Gregorio Honasan mas kilala bilang Gringo Honasan (Marso 14, 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay gumanap ng papel na nagpatalsik kayFerdinand Marcos noong Pebrero 1986. Kanyang pinamunuan ang magkakasunod na mga pagtatangkang coup d'état laban sa pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay pinatawad ni Pangulong Fidel V. Ramosnoong 1992. Siya ay nahalal na senador mula 1995-2004 at mula 2007-kasalukuyan

Page 5: Mga larawan

11. SEN. JINGGOY EJERCITO ESTRADASi Jose Pimintel Ejercito, na mas kilala sa pangalang Jinggoy Estrada, ay isang artista at senador sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak ni Pangulong Joseph Estrada kay Loi Ejercito.Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong Pebrero 17, 1963), na mas kilala bilang Jinggoy Estrada, ay isang dating artista, at kasalukuyang senador sa Pilipinas. Anak siya nina dating Pangulong Joseph Estrada at dating senador Luisa Estrada.Ipinanganak siya bilang Jose P. Ejercito sa Maynila.

Nagtapos siya nang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nagkamit ng degree sa ekonomiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ang Punong-bayan ng San Juan mula 1992 hanggang 2001. Nahalal siya sa senado noong 2004 at magtatapos ang termino sa 2010. Napangasawa niya si Presentacion "Precy" Vitug-Ejercito noong 1989.Hulyo 23, 2007, nang mahalal si Jinggoy Pro-Tempore ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas. Agosto 15, 2007, napagdesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman sa pamamagitan ng botong 13-0 na payagang magpiyanasa si Jinggoy sa kanyang kasong Plunder.Noong Setyembre 11, 2007, inihain niya ang Senate bill 1556, na naglalayon na gawing mandatory para sa lahat ng lalaki at babae sa kolehiyo na dumaan sa ROTC.

12. SEN. JOSEPH VICTOR “JV” G. EJERCITOIpinanganak si JV noong Disyembre 26, 1969 sa Lungsod Maynila, sa kasagsagan ng pagkapanalo ng kanyang ama na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada matapos maghain ng electoral protest laban kay Braulio Sto. Domingo bilang alkalde ng San Juan. Si JV ang nag-iisang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa aktres na si Guia Gomez.Si JV ay kasal kay Maria Hyacinth Barbara “Cindy”

Lotuaco, isang flight stewardess at dating Mutya ng Pilipinas na may hawak ng titulong Asya Pasipiko. Sila ay may anak na lalaki, si Julio Jose. Ang mas nakatatanda niyang anak na si Jose Emilio ay anak niya sa kasintahan na si Patty Betita na dating beauty queen at sikat na modelo.Si JV ay kinomisyon bilang Reserbang Opisyal ng Philippine Marine Corps, may ranggong Major. Siya rin ay pinagtibay bilang miyembro ngPhilippine Military Academy Class '88 Maringal.

Page 6: Mga larawan

13. SEN. JUAN PONCE ENRILESi Juan Ponce Enrile, ay isang Pilipinong politiko. Ipinanganak si Ponce Enrile bilang Juanito Furugganan[1] Gonzaga, Cagayan noong 14 Pebrero 1924. Bilang protehido ni Pangulong Ferdinand Marcos, naglingkod siya bilang Kalihim ng Katarungan at bilang Ministro ng Tanggulang Pambansasa ilalim ng rehimeng Marcos. Sa huli isa rin siya sa mga naging pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos) ng Kilusang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986

na nagpa-alis kay Marcos sa kapangyarihan. Nagpatuloy si Enrile bilang isang prominenteng politiko pagkatapos noon; at naging Pangulo ng Senado ng Pilipinas simula noong Nobyembre 2008.

14. SEN. LOREN B. LEGARDA

Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag sa telebisyon,ekolohista, at politiko na may lahing Bisaya, kilala siya bilang ang katangi-tanging babaeng nanguna sa dalawang halalan para sa senado (1998 at 2007). Noong halalan nong 2004, tamakbo siya sa posisyong Pangalawang Pangulo bilang isang Independyente kasama ni Fernando Poe, Jr. bilang katambal. Sa kasalukuyan, siya ay tumatakbo muli para sa posisyongPangalawang Pangulo kasama

ni Manny Villar. Si Legarda ay kilalang nagsusulong ng Kaalaman sa Pagbabago ng Panahon at mayroon siyang maraming parangal sa mga adhikaingpagpapabuti ng lipunan at pagsulong sa karapatang pantao; kabilang ang mga ito sa mga nagawa niya bilang isang mamamahayag. Bilang isang mamamahayag, nakakuha siya ng maraming parangal. Noong 2008, napili siyang "United Nations International Strategy for Disaster Reduction Asia Pacific  Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation". Kasama siya sa delegasyon ng Pilipinas noong 2009 Copenhagen Summit.Ang Maranao Sultanate League ay pinarangalan siya ng titulong "Bai Alabi", o "Prinsesa". mayroon siyang lahing Karay-a at nakakapagsasalita siya ng mga wikang Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo niyangKinaray-a, ng may katutubong husay. Maliban pa rito, isa rin siya Tinyente Koronel sa Air Force Reserve Corps.

15. MANUEL “LITO” M. LAPIDSi Manuel Mercado Lapid na mas kilala sa pangalan na Lito Lapid ay isang artista, politiko, at Senador ng Republika ng Pilipinas.Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre taong 1955 sa Porac, Pampanga, at ika-lima sa siyam na mga anak nina Jose Lapid at Eleuteria Mercado. Natapos niya ang

Page 7: Mga larawan

kanyang edukasyon sa elementarya sa Porac Central School noong 1968. Natapos niya naman ang kanyang edukasyon sa mataas na paaralan sa St. Catherine Academy of Porac, Pampanga noong 1972. Hindi na siya pumasok upang mag-kolehiyo.

16. SEN. MARIA LOURDES SOMBILLO “NANCY” BINAY- ANGELESSi Nancy Binay (may buong pangalan na Maria Lourdes Nancy Angeles Binay) ay nagmula sa angkan ng mga pulitiko. Si Nancy ang panganay na anak nina Bise Presidente Jejomar Binay at dating alkalde Elenita Binay. Kapatid niya ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at Kongresistang si Mar-Len Abigail Binay-Campos ng Ikalawang Distrito ng Lungsod Makati. Nagtapos ng B.S. Tourism sa Unibersidad ng Pilipinas,

Diliman

Dating personal assistant si Nancy sa kanyang nanay na si Dr. Elenita Binay noong pinuno pa ito ng Lungsod ng Makati. Matapos ay naging Deputy Secretary-General siya ng United National Alliance, ang partidong binuo ng kanyang ama at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Nang maging Pangalawang Pangulo noong 2010 si Jejomar Binay, nagsilbi si Nancy sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at tinutukan ang mga problema sa pabahay at naging tagapamagitan sa kanyang ama sa iba pang ahensya at tumatayong tagahalili sa tuwing hindi nakadadalo ang Pangalawang Pangulo sa mga okasyon.

Kasalukuyan siyang Executive Director at Kasapi ng Board of Trustees ng Bigay Pagmamahal Fooundation, Kasapi ng Board of Trustees ng Brighthalls Children’s Foundation, STF Serbisyong Tunay Foundation, Inc., at JCB Foundation.

17. SEN. MIRIAM DEFENSOR- SANTIAGO

Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay

(Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1]

Page 8: Mga larawan

Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bilang senador at nagwagi.[2]

Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian Magazinebilang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World."

18. SEN. PIA S. CAYETANO Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano, mas kilala bilang Compañera Pia o Pia(ipinanganak bilang Pilar Juliana Schramm Cayetano noong Marso 22, 1966), ay isang Pilipinong abogado, politiko, at kasalukuyang Senador saRepublika ng Pilipinas.

19. SEN. RALPH G. RECTO Si Ralph "KoRecto" Gonzalez Recto (ipinanganak noong 11 Enero 1964) ay Pilipinong pulitiko. Dalawang termino siyang nanilbihan bilang senador (2001 hanggang 2007). Tatlong termino naman siyang nagsilbing kinatawan siya ng ikaapat na distrito ng Batangas (1992 hanggang 2001).Nakapag-aral si Recto sa iba't ibang prestihiyosong unibersidad sa bansa. Nagtapos siya ng elementarya sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1978 at ng sekondarya sa De La Salle College noong 1982. Natapos niya ang kursong Bachelor of Science in

Business Administration Pamantasang De La Salle-Maynila at nag-aral muli ng Masters in Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagtapos din siya sa University of Asia and the Pacific sa kursong Strategic Business Economics. Kumuha siya ng kurso sa panunungkulan at naging iskolar sa John F. Kennedy School of Government at sa Harvard University sa Boston, Massachusetts sa Estados Unidos.Siya ang pinakabatang naihalal na miyembro ng Batasan noong siya ay naging kongresista sa kanilang distrito sa Batangas.

20. SEN. RAMON “BONG” REVILLA JR.Si Jose Marie Mortel Bautista[1] (ipinanganak Setyembre 25, 1966), mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong Revilla, ay

Page 9: Mga larawan

isangPilipinong artista, politiko, at Senador ng Pilipinas. Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sina Bryan Revilla at Jolo Revilla.2 Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sinaBryan Revilla at Jolo Revilla.

21. SEN. SERGIO R. OSMENA IIISi Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1,1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.

Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox

Page 10: Mga larawan

(Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ngPilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon saEstados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinasnoong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Padron:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961..

22. SEN. JUAN EDGARDO “SONNY” M. ANGARA

Ipinanganak noong Hulyo 15, 1972, 41 taong gulang, si Sonny Angara ay anak nina Senador Edgardo Angara at Gloria Angara, isang datng guro at tumatayong Punong Tagapangasiwa ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Si Sonny at ang kanyang maybahay na si Elvira Echauz at biniyayaan ng tatlong anak.Nagtapos si Sonny ng edukasyon sa mababa at mataas na paaralan sa Xavier School sa Munisipalidad

ng San Juan, Kalakhang Maynila. Nagtapos naman siya ng kanyang undergraduate studies sa London School of Economics and Political Science sa Inglatera. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan kasapi siya ng Editorial Board of the Philippine Law Journal, the Debate Society, at the Order of the Purple Feather.Taong 2000 nang matapos niya ang abogasya at sa parehong taon ay naipasa niya ang pagsusulit sa Bar. Itinuloy ni Sonny ang kanyang post-graduate legal studies at natapos niya ang Master of Laws (LL.M.) sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts, USA taong 2003.

23. SEN.TEOFISTO L. GUINGONA III

Page 11: Mga larawan

Ipinanganak si Guingona sa Maynila. Nagtapos siya ng elementarya, sekondarya at kolehiyo sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kumuha siya ng kursong economics at nagtapos noong 1981. Kumuha siya ng kursong abogasya at nagtapos noong 1985. Kasal siya sa kapwa niyang abogado na si Maria Victoria G. Guingona at mayroon silang isang anak na lalaki, si Bobby.Noong 1978, nang siya'y nag-aaral pa, natikman na niya

ang buhay pulitika nang sumali siya sa mga rali at demonstrasyon. Nagmartsa siya kasama ng iba pang mag-aaral at kasapi ng student government ng Ateneo pati na ang mga kasapi ng Lakas ng Bayan (LABAN) sa España Boulevard. Ang grupong LABAN noon ay pinangunahan ni Benigno Aquino Jr. Sa edad na labingsiyam, inaresto siya kasama ang kanyang mga kapwa lider sa unibersidad, mga magulang, sina Aquilino Pimentel, Jr., Joker Arroyo, Francisco Soc Rodrigo at si Lorenzo Tañada Sr.

24. SEN. VICENTE “TITO” C. SOTTO III

Si Vicente Sotto III o mas kilala sa pangalang Tito Sotto ay ipinanganak sa Maynila noong Agosto 24, 1948. Isa siyang artista sa telebisyon at dating senador sa Republika ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang tumatakbong senador para sa halalan sa taong 2010 sa ilalim ng partido Nacionalista. Siya ang pangatlong senador na nagmumula sa angkan ng mga Sotto.Si Tito Sotto ay anak nina Marcelino Ojeda at ng asawa nitong si Herminia Castelo Sotto na isang

manggagamot at dating aktibista na sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Ang kanyang ina ang pinakaunang Medical Commissioner ng Workmen's Compensation Commission at President Emeritus ng samahang Kababaihang Rizalista ng Pilipinas.Nagtapos ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran noong taong 1969. Noong taong 2000, nakumpleto niya ang Executive Program for Leaders in Development sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University.Ikinasal siya kay Helen Gamboa na mula sa Pampanga, isang napakagandang dilag na isang mang-aawit at aktres na may napakaraming parangal. Sila ay mayroong apat na anak na sina Romina, Diorella, Gian, at Ciara

Page 12: Mga larawan

PROYEKTO SA HEKASI

(24 na Senador ng Pilipinas)

Ipinasa ni: Mhark Justine Solmayor

Ipapasa kay: Gng. Mary Joy Dafun