Author
resty-santos
View
798
Download
37
Embed Size (px)
PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG NAVOTAS 2013
Ang Pahayagan Ang pahayagang ito ay para
sa mga taong marunong umunawa
ng saloobin ng kanilang kapwa.
Layunin namin na maibuhos
ang aming opinyon maging ang
katotohanan sa mga taong may nais
matutunan.
Gayunpaman ang bawat
pahina nitoy parang malayang agos
ng tubig na may pinagmumulan,
may pinanggagalingan.
Ang Patnugutan
Noong ika-22 hanggang ika-25 ng Mayo,
2012 isinagawa ang Brigada Eskwela sa Navotas
National High School (NNHS) sa pangunguna ni
Dr. Maria Cristina A. Robles katulong ang Supreme
Student Government (SSG).
Inanyayahan ang ating kagalang-galang na
Mayor John Rey Tiangco, sa nasabing programa
na paglilinis ng bawat silid-aralan, maagang
pagbibigay ng aklat sa estudyante, at pagpupulong
ng mga guro sa mga magulang. Nagsagawa rin ng
parada na naganap mula sa Brgy, Sipac-Almacen
hanggang Brgy. San Roque bilang pagtatapos ng
programa.
Flordeliza M. Martinez
Brigada Eskwela 2012
Ang ating butihing Mayor John Rey Tiangco na
nagpipintura ng parte ng pader ng paaralan.
Noong ika-16 ng Enero, 2013
idinaos muli ang ika 107th Pangisdaan
Festival na kung saan naging tradisyon
na ang pagkaroon ng ibat ibang
patumpalak. Isa na rito ang inabangang
paligsahan ng bawat pampublikong
eswelahan sa Navotas, ang Street
Dance Competition.
Kanya-kanyang pagandahan ng
costumes at props ang masiglang
panimula ng bawat kalahok at lalong
pinaaliw pa ang mga manonood dahil sa
kani-kanilang galing sa pagsayaw at
pagpapakita ng gilas sa bawat hurado,
pati na rin sa mga tao.
Sa bandang huli, isa lang ang
dapat magwagi, at yun ay nakuha ng
San Roque National High School,
sinundan ng San Rafael National High
School at pumangatlo naman sa
listahan ang Navotas Polytechnic
College. Hindi man nauwi ng Navotas
National High School ang parangal,
hindi pa rin naman nagpahuli sa
pagpapakita ng makukulay nitong mga
damit at magarbong props,
samakatuwid, isa pa rin sila sa mga
naglaan ng oras at saya sa buong
Navotas.
Gene Ace T. Sapit
NNHS Pangisdaan 2013
Binabati ng NNHS ang mga
nakapasa sa UPCAT ngayong taon.
Rossanna M. Tengson
Diliman Available Slot
John Carlo S. Santos
Los Baos BS Mathematics &
Science Teaching
Eugenio R. Letada III
Pending Case
NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Kinuha mulasa Website ng Navoteo Ako
2 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
MgaBALITA Ginanap ang taunang
BSP-DepEd Annual Oratorical
Contest noong ika-29 ng
Oktubre ng nakaraang taon sa
ganap na 1:00 hanggang 5:00
ng hapon na may temang
"Pagsubaybay sa Pagsulong
ng Marangal na Hanapbuhay
sa pamamagitan ng
Estadistika: Landas Tungo sa
Pag-unlad ng Lahat" na
nilahukan ng maraming
paaralan sa buong NCR at
kabilang sa mga kalahok na
ito ay ang Navotas National
High School sa katauhan ni
Eugenio Rejuso Letada III ng
IV-EC na nakatanggap ng
consolation prize at plaka para
sa paaralan.
Pinangunahan ni G.
Amando M. Tetangco, Jr.
tagapangasiwa ng Bangko
Sentral ng Pilipinas ang
closing ceremony ng 23rd
National Statistics Month sa
Assembly hall ng Bangko
Sentral ng Pilipinas. Hindi man
nasungkit ang tagumpay at
karangalan, nanatili pa ring
masaya ang gurong
tagapagsanay ni Eugenio
Letada na si G. Marco
Meduranda at ang Head ng
English Department na si G.
Mario Siason dahil sa angking
galing nitong ipinakita.
Zandra Jellika S. Manansala
14th BSP-DepEd Annual Oratorical Contest (NCR)
sa paaralan. Pinangunahan ni G.
Amando M. Tetangco, Jr.
tagapangasiwa ng Bangko
Sentral ng Pilipinas ang
closing ceremony ng 23rd
National Statistics Month sa
Assembly Hall ng Bangko
Sentral ng Pilipinas. Hindi man
nasungkit ang tagumpay at
karangalan, nanatili pa ring
masaya ang gurong
tagapagsanay ni Eugenio
Letada na si G. Marco
Meduranda at ang Head ng
English Department na si G.
Mario Siason dahil sa angking
galing nitong ipinakita.
Zandra Jellika S. Manansala
Muling idinaos ng Navotas National High School ang Boys and Girls' Week kamakailan ng Disyembre 2012.
Ang Boys and Girls' week ay isang programa ng DepEd na ginaganap taun-taon ng libo-libong paaralan sa bansa. Dito nararanasan ng mga estudyante ang buhay ng pagiging isang guro o iba pang opisyales ng paaralan sa loob ng isang linggo. Ang pro-grama ay pinangunahan ng Supreme Student Government ng paaralan.
"Isang masayang karanasan ang Boys and Girls' week. Dahil dito, nagkaroon ako ng pag-kakataong maranasan ang pagiging guro", sabi pa ng isang estudyante sa aming panayam.
James L. Edillo
Boys and
Girls' Week
NNHS humakot ng parangal Hinirang ang Navotas National High
School bilang Over-All champion sa idinaos na Division Science Quest noong ika-15 ng Setyembre 2012 na ginanap sa Kaunlaran High School.
Humakot ng iba't-ibang parangal, medalya, at tropeyo ang mga kalahok na estudyante at guro ng NNHS sa iba't-ibang kategorya tulad sa Investigatory Project, Science Quiz Bee at Strategic Intervention Materials.
Nakamit naman ng mga piling estudyante ng NNHS (IV-EC) ang unang parangal para sa TugSayAwit o Tugtog Sayaw Awit. Sa pamamagitan ng pagsayaw at pag-awit, ipinabatid dito na dapat ingatan ang ating kalikasan na umuugnay sa tema ng nasabing patimpalak na "Environment Protection and Conservation of Ecosystem".
James L. Edillo
Sa pagsisimula ng klase noong Hunyo, ipinatupad
ang makabagong sistema ng pag-aaral sa Navotas
National High School --- ang Modified In School, Out
School program o M-ISOS.
Ang M-ISOS ay programa na kung saan ang mga
estudyante ay papasok lamang ayon sa kanilang nakuhang
eskedyul na MWF (Monday, Wednesday and Friday) o
TTH (Tuesday and Thursday). Layunin ng programang
ito na matuto ang mga mag-aaral sa loob at labas ng
paaralan. Sa pamamagitan ng mga "Intervention
Materials" na binibigay ng mga guro sa araw na wala
silang pasok, ay nahahasa ang galing nila nasa labas man
sila ng paaralan. Layunin din nito na maging komportable
ang mga mag-aaral sapagkat naiibsan na ang pagiging
masikip at mainit sa loob ng klase dahil sa apatnapung
estudyante na lamang sa bawat klase.
Sa ngayon, maayos na tumatakbo ang programang
ipinatupad. Nabigyan ng tamang atensyon ang bawat
mag-aaral dahil sa M-ISOS at sa tulong na din Mobile
Computer-Aided Reinforcement for Teaching o M-
CART. James L. Edillo
makabagong sistema ng pag-aaral
3 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon Math Week, Matagumpay na Naidaos Noong ika-24 ng Setyembre,
ginanap ang Math Week sa Sandoval
Building, sa pangunguna ni G. Ronaldo
Hong, na may temang Mathematics
gearing towards K-12.
Nagsagawa ng mga aktibidades
ang Math Club sa pamumuno ni John
Adrian Santos, presidente ng Math Club.
Kabilang dito ang Poster Making Contest
na kung saan nakakuha ng unang
parangal si Rogilyn Aquino ng 4-EC.
Nanguna rin si Giselle Falcutila ng 4-EC
sa Essay Writing Contest. Pasok sa
panlasa ng mga hurado ang ginawang
White Sauce ng 3-Mabini kung kayat
nasungkit nito ang gintong medalya.
Hindi naman nagpahuli sina Theresa
Marie Roldan at Naomi Gayle dela Cruz
ng 7-EC sa tagisan ng talino at talas ng
isipan sa Math Henyo na nanalo ng
unang parangal. Nakisayaw naman ang
marami sa ginawang Cultural Dance ng
7-EC kaya naman sila ang nagwagi ng
unang pwesto. Hindi naman mawawala
ang Math Quiz Bee na kung saan
nalilinang ng mga mag-aaral ang galing
sa larangan ng Matematika. Nag-uwi ng
gintong medalya sina Mark Kenneth
Solanoy ng 7-EC, Ian Christopher
Vasquez ng 7-Garnet, Allysa Marie
Despi ng 2-EC, King Paulo Vasquez ng
2-Galileo, John Adrian Santos ng 3-EC,
Jean Desiree Dela Cruz ng 3rd
year-
regular at si Rossanna Tengson ng 4-
EC.
Sa pagtatapos ng programa,
nagbigay naman ng maikling pahayag
ang ating butihing guro na si Dr. Maria
Cristina Robles. Nagkaroon din ng
raffle ng Calculator na magagamit ng
mga estudyante sa pag-aaral at paghasa
sa asignaturang Matematika.
Sa kabuuan, naging
matagumpay ang pagdaraos ng Math
Week , at inaasahang mas magiging
masaya ito sa mga susunod pang taon.
Allysa Mae S. Zulueta
Noong nakaraang Oktubre 5, 2012 ay ipinagdiwang ng humigit sa
isandaang guro ng Navotas National High School ang World Teachers
Day. Ang Supreme Student Government ay nagsagawa ng isang programa
para sa mga guro na pinamagatang Gurolympics 2012, na pinangunahan
ng tagapayo ng SSG na si G. Emerlito Matias.
Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga guro ng NNHS.
Kasama ring nakipaglaro at nakisaya ang ating punungguro na si Dr. Maria
Cristina A. Robles. Nagbigay din ng mga natatanging parangal ang SSG
para sa mga mahuhusay at natatanging mga guro ng naturang paaralan.
Job well done, SSG. Dr. Robles. Ito ay isa sa mga patunay na
ang nasabing programa ay matagumpay na naisagawa ng SSG.
Reanna M. Teodosio
World
TeachersDay
Perez at Tengson itinanghal na Mr. and Ms. Language Arts 2013
Itinanghal sina Crismel Dara Tengson, IV-EC at Aaron Jowell Perez, IV-Obedience bilang Mr. and Ms. Language Arts noong ika-24 ng Enero 2013 sa Navotas National High School, gusaling Sandoval, bilang bahagi ng English Festival na may temang Sharpening Language Skills for Global Citizenship.
Nasungkit naman nina Camille Jerica Goli at John Carlo Santos ang ikalawang pwesto. Nasa ikatlong pwesto naman sina Kharinna Apple Francisco at Dingdong Serrano.
Pitong pares mula sa ikatlo at ikaapat na taon ang naglabanlaban para masungkit ang titulo. Pinagbatayan sa patimpalak na ito ang kanilang talent at galing sa pagdadala ng kasuotang pormal at pang-isports. Ginawang batayan din sa patimpalak ang signature campaign at online voting.
Sinukat din ang talino at husay ng mga kalahok sa pagsagot ng mga tanong na ibinigay sa kanila ng gurong palatuntunan na si G. Marco Meduranda, na hinusgahan naman ng mga hurado na sina Gng. Marita Aquino, Puno ng Kagawaran sa MAPEH, Bb. Ann Laura Sengco, Puno ng Kagawaran sa Values Education at G. Rolando Delgado, Punong Kagawaran sa TLE. Layiunin ng ganitong patimpalak na maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at paggamit ng wikang Ingles bilang ikalawang midya ng pakikipagtalastasan at pakikipagkomunikasyon para sa pandaigdigang pagkakaunawaan.
James L. Edillo
4 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
Panitikan Digmaan Sa Aking Ilusyon
Ni Angela L. Miguel Hindi na alam ang paroroonan Wala na ang pangarap na nasisilayan Nasaan ang unang pag-big na natanim Ngayoy nilamon na ang puso ng dilim Kasing dilim ng langit na walang bituin Ang isang nangangalit na damdamin Kasing labo ng mausok na daan Konsensyang nabura sa aking isipan Pagod na pagod ngunit paulit-ulit Akoy tumatanggi ngunit patuloy na pinipilit Niyang kasalanang nakadikit sa kalamanan Hindi kayang iwasan o di kayang talikuran Hanggang sa akoy sumaklolo sa sulok ng kawalan Tila walang naririnig sa aking kalagayan Pero may isang lumapit at akoy hinagkan At aking narinig sa Kanyang pusoy aking pangalan Siya palay matagal nang sakiy nag-aabang Nag-aalala sa aking kalagayan Hain Nyay tubig, buhay ang halaga At walang hanggang kapahingahan sa aking kaluluwa.
NNHS, pangalawang tahanan,
Dito nabuo, magagandang karanasan.
Di hadlang EC o regular man,
Natutong makisama at makipagtawanan
Apat na taon sa sekundarya,
Apat ng taong puno ng saya.
Kahit may konting pagod na kasama,
Tiyak namang uuwi ng nakatawa.
Unang nahiwagaan sa Ibong Adarna,
Nainlab naman sa Florante at Laura.
Noli Me Tangere naman ang susunod dyan,
At El Filibusterismong tumatak sa isipan.
Nariyan ang JS di ba?
Siguroy nag-enjoy kayo at todo ang porma.
Nakakalungkot lang, hindi ako nakasama,
Nagkulong sa bahay, ayun! Nganga!
Di naman mawawala, mga kaibigang galing mental,
Pulos kalokohan, likas na pinapairal.
Mga kopyahang di maiiwasan,
Ngunit sa oras ng leksyon, sumi-seryoso naman.
Sa hayskul, nandiyan ang ligawan,
May mga nabubuong pag-iibigan.
Yiiiiieeee! Tinamaan ka no?
Wag mag-alala, di ko sasabihin sa mami mo.
Maging mag-aaral, di ganoon kadali,
Proyekto dito, takda doon, ipasa mo dali.
Pero konting tiis na lang, ayan na
Madlang pipol! Tayoy ga-graduate na!
Lahat ng itoy di makukumpleto,
Kung wala ang ating mga butihing guro.
Na sa atiy gumabay at nagturo,
Salitang Salamat, nais ipahatid sa inyo.
Sa buwan ng Marso, nalalapit na.
Suot ang toga, sa entablado tatayo ka.
Iaabot ang diplomang bunga,
Ng paghihirap at pagtitiyaga.
Isipin pa lamang, luhay nangingilid na,
Makakaroon na tayo ng buhay na iba-iba.
Pero sana pinagsamahan, wag mawawala,
Magkikita-kita pa rin, kapit-bisig ha?
NNHS, pangalawang tahanan
Dito nabuo, magagandang karanasan.
Paalam, Hayskul Layp! Dabest ka talaga,
Wala nang papantay, ibang klase ka.
Paalam, Hayskul Layp Ni Allysa Mae S. Zulueta
SALITA Ang Iyong
Ni Reanna M. Teodosio
Sa lahat ng salitang aking narinig, Masarap man o masakit sa pandinig,
Ang salita Mo pa rin ang pinipintig Ng puso kong nananabik na makarinig
Ang Salita Mo ay makapangyarihan. Laging nagbibigay ng kapayapaan Kaya lagi akong dito mananahan
Dahil sa Salita Moy walang hangganan.
Ito ay liwanag na pumapatnubay Sa bawat tatahakin namin sa buhay
At ang siyang patuloy na gumagabay Upang malihis sa maling pamumuhay.
Bawat Salita Moy ligaya ang hatid
Sa puso kong Ikaw lamang ang may-batid. Dalangin koy sa iba ay maihatid
Nang bigat sa kanilang pusoy mapatid.
Akoy tinatamad, ayoko na. Daing ng bata at siya namang tugon ng Ina.
Ngunit papano ka sasabitan ng medalya?, Kung diyan pa lamang ay suko ka na.
Akoy nahihirapan, iyon ang totoo. Siguro nga ay mahina ang aking ulo.
Konting langis at ikot ng turnilyo,
At baka gumana at maging matalino.
Akoy nag-aral ng mabuti upang siyay lumigaya, Sa lahat ng asignatura ay ginalingan ko na.
Umuwi ng bahay upang regaluhan si Ina
Isang medalya ng pasasalamat para sa kanya.
Noong musmos pa tayo nangarap
Pumasok sa paaralan ng pag-iisip ay salat
Matutong magbasa, magbilang, at sumulat
Unang pangarap ng Ina sa musmos na anak.
Kung itatangi sa pag-iisip ng iba,
Sadyang ang kanyay di maaaba. May hawak na chalk at nakatayo sa harap ng pisara,
Pinipilit intindihin ng batang nasa harap niya.
Medalya Ni Jona Pascual
@prindezza #GraduationNaPero
hanggang ngayon di ko pa din kabisado
ang Navotas National High School
Hymn ;)))
Layts! Munting liwanag, sa akiy napatingin, Tila nasilaw ako sa tagal ng dilim. Ulirat ng aking isip, biglang nagising,
Parang nabangungot sa tulog na mahimbing.
Akoy napaisip, bakit nga ba naalimpungatan? Siguroy para magising saking kamusmusan. Hindi na ako bata, iyan ang katotohanan.
Pagdedesisyoy di para sa sariling kapakanan.
Kamera! Ano nga ba ang tama? Ano din ang mali?
Ang handa kong ipakita sa nakararami.
Huwag nang ipagpatuloy ang dating gawi.
Nakatatandang pag-iisip ang makabubuti.
Mga kamalian noong paslit pa lamang,
Hatid siguro sa akiy kaaliwan. Ngunit ngayoy batid na ang kawastuhan. Liligaya pa kaya? Aba! Oo naman.
Aksyon! Iskrip natiy hindi na kailangan, Bastat alam mo na ang gagawin sa parang, Na maghahatid sa atin sa inaasam-asam.
Yan nat nakatutok ang kamera ng May Alam.
Ito na ang panahon, kumbagay kasukdulan, Ng isang kwentong nalalapit na ang katapusan.
Buhay sa daigdig, di pang-walang hanggan. Minutot segundoy, bilang na bilang.
Cut! Tapos na ang pagpapakitang gilas,
Dito sa parte ng isang palabas.
Hihinto rin ang mundo, lahat tayo ay patas.
Huhusgahan bawat tao ayon sa ipinamalas.
Kailan kaya? Walang nakaaalam,
Bastat ang wika Niya, itoy paghandaan. Ang Maylikha sating kinatutuntungan, Ay Siya ring Direktor ng sangkatauhan.
5 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon Direktor Ni John Resty B. Santos
Pangarap, Kaibigan, Diyos Ni Neal L. Dela Cruz Noong akoy musmos at munting bata pa Pangarap koy sobrang taas at singtayog ng saranggola Maraming bagay ang gusto kong malaman Kahit itoy hindi pa matarok ng aking munting isipan Gusto kong maging astronaut, scientist, at kung ano ano pa Mga bagay na akala koy madali sa umpisa Ngunit nang akoy lumaki tila naglaho ito ng parang bula Hindi ko na alam kung paano at saan ito napunta? Aminado akong nahihirapan ako Aminado akong naguguluhan ako Pero alam kong may plano ang Diyos sa buhay ko Mga planong alam kong mas nakahihigit pa kaysa sa mga balak ko. Ngayon, napagisip isip ko, habang ginagawa ang tula na ito Napakaswerte ko sa buhay na tinaglay ko Hindi ko man kasing yaman si Bill Gates at Mark Zuckerberg, Alam ko namang may Diyos ako at may mga taong totoong mahal ako. Ang tanging payo ko lamang sayo kapatid, Huwag hanapin ang mga bagay na wala sayo Sa halip, tignan mo ang mga bagay na tinataglay mo Dahil alam ng Diyos kung ano ang dapat at nakabubuti sa iyo.
HIMA SOK
Naisip ko na ang naging silbi ng paglahad ko ng ka-may para sa kanya. Nakatulong ba ko? Naging masaya ba siya? Nakatulong nga ba talaga ko? Basta ang alam ko lang ngayon, gusto ko, gustong gusto kong baguhin ang la-hat. Kung may pag-kakataon lang sana ako.
Panibagong araw na naman, tuwing magigising ako ay puno ng pagsisisi ang tatambad sa aking mukha. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, kung sana lang talaga, sana mas binilisan ko, edi sana maayos na ang lahat.
Si Lea lang ang naging kaibigan ko simula noong tumuntong ako sa grade 5. Tahimik siya, at laging nakatingin sa malayo pero simula nang naging magkaibigan kami ay nag-iba ang ugali niya, naging kabaligtaran ng ipinapakita niya noon, pero minsan siguro ay ganoon lang talaga siya. Minsan kasi napapansin ko na bigla bigla na lang siyang tatahimik, minsan pa nga nakikita ko siya na sulat lang ng sulat sa kulay itim niyang talaarawan pero pagkatapos niyang magsulat ay nagiging maayos na siya. Minsan sinubukan ko siyang tanungin kung ano ba yung mga sinusulat niya, pero wala siyang binigay na detalye basta ipapabasa niya rin iyon sa akin pero hindi pa raw sa ngayon.
Nakakapagtaka na napakatagal na naming magkaibigan ay hindi niya pa rin ako dinadala sa bahay nila. Hindi ko pa nga nakikita ang kapatid at tatay niya maliban na lang kay Aling Melisa, ang nanay ni Lea na nakikita ko lang tuwing kuhanan ng grado sa eskwela. Minsan ay di ko na rin tinangkang pilitin si Lea na ipasyal ako sa kanila dahil natatakot ako dahil noong isang beses ay nakita ko kung paano siya duruin at pagsalitaan ni Aling Melisa noong nasa bakuran sila ng eskwelahan. Matapos noon ay di na ko nagtangkang tanungin si Lea tungkol sa nangyari dahil seryoso nanaman siyang nagsusulat sa talaarawan niya.
Isang araw sa sobrang hindi na ko makatiis na malaman ang nakasulat sa talaarawan niya ay tinangka ko itong kunin at basahin. Kalagitnaan ng recess namin at pumunta siya sa silid aklatan para manghiram ng libro. Naisip ko na magandang pagkakataon ito para maitakas ang talaarawan niya. Isasauli ko rin naman ito pagkatapos kong basahin. Sa wakas! Nakuha ko na rin! katatapos lang ng recess ..
at wala kaming guro sa susunod na asignatura kaya nakalabas ako ng silid-aralan. Inumpisahan ko na ang pagbabasa.
August 6, 2009 Dear Diary, Simula ngayon sayo ko na sasabihin ang lahat. Wala kasi akong mapagkwentuhan at tutal alam ko namang hindi ka madaldal para ikuwento ito sa iba. Alam mo hindi ko na alam ang gagawin ko, Minsan nga naiisip ko na.
Bigla kong narinig ang boses ni Lea, kinabahan ako bigla. Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Halos naluluha. Agad agad niyang hinablot yung itim na notebook at pagbalik ko sa klase ay wala na siya pati ang mga gamit niya.
Halos 2 linggo na siyang hindi pumapasok, naisip ko tuloy na magtanung tanong sa mga kakilala niya kung saan ang bahay niya. Hindi ko inaasahan ang mga nakita ko. Kakaibang komunidad. Magulo, maingay, malayo sa inaakala ko. Nakasalubong ko si Aling Melisa. Tinanong ko kung nasaan si Lea. Magkasama kaming nagtungo sa bahay nila. Pinatuloy niya ako sa kanilang bahay at nakita ako ni Lea. Nag-usap kami. Kinuwento nya sa akin ang buong pangyayari. Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa kanya. Inaabuso siya ng kanyang ama.Hindi niya kinayang manlaban dahil binabantaan sya nito na papatayin silang mag-anak kapag nagsumbong siya. Hindi siya makapagsumbong sa kanyang ina dahil kinamumuhian sya nito at hindi raw ito maniniwala. Matapos nya itong ikwento sa akin ay binalaan nya ako. Wag kang makikialam sa problema ko. Wag kang Manghimasok, ayokong kamuhian ka nila..
Umuwi na ako. Hindi ko alam ang nararapat kong gawin. Ang tulungan siya? O manahimik na lamang? Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang kaibigan ko.
6 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon Apat na araw ng hindi pumapasok si Lea simula ng mag-usap kami. Napagdesisyunan
kong tutulungan ko si Lea kaya dali dali akong nagtungo sa bahay niya. Nakasalubong ko si Aling Melisa. Galit siya at sinabi sa akin. Kausapin mo nga yang si Lea, kung anu anong kasinungalingan ang pinagsasasabi, gusto yatang mag away away kami..
Napatigil ako sa aking narinig. Pinatuloy ako ni Aling Melisa sa loob ng bahay at sinabing magtuloy tuloy na ko sa isang maliit na kwarto kung saan doon natutulog si Lea. Patuloy akong naglakad at hindi ko inaasahan ang aking nakita.
May taling nakasabit sa kisame at nasa lapag ang talaarawan ni Lea. Nanlamig ako, hindi ako makakilos mula sa kinatatayuan ko. Bigla na lamang ako napasigaw at umiyak. Lumapit sa akin si Aling Melisa dali dali nyang tinanggal ang taling nakapalupot sa leeg ng kanyang anak. Humagulgol, sumigaw, umiyak. Iyon na yata ang pinakamahabang segundo ng buhay ko. Tahimik ang paligid, ang tanging naririnig ko lang ay ang tinig ng pag-iyak ni Aling Melisa.
Siyam na araw na ang nakalipas, matatapos ko ng basahin ang talaarawan ni Lea. Puno ng kalungkutan ang naramdaman ko. Nasa dulong pahina na ako ng talaarawan niya. At binasa ko ang nakasulat.
August , 2009
Dear Diary, Tatapusin ko na ang lahat. Patawarin sana ako ng Diyos. Hindi ko na kaya. Sabi ko sayo e hindi niya ako paniniwalaan, pero ayos na ako dahil nasabi ko na at nalaman na niya. Pakisabi na lang kay Nanay at Bunso na Mahal na Mahal ko sila.
Matapos ko itong mabasa ay hindi ko napigilang mapaluha. Kung hinayaan niya lang
sana ko na matulungan siya. Kung hinayaan niya lang ako. Sana hindi umabot sa ganito.
Katha ni Jona F. Pascual
Walang kwentang pamilya!?! , umalingawngaw na boses ni ate patungong gate dala-dala ang kanyang malaking bag at mga damit.
Ikaw Cindy! Susunod ka din ba sa magaling mong ate?! Magsama-sama kayo kasabay ng pagtakip ko sa aking tainga na wariy kala moy walang naririnig.
Kinaumagahan,masayang mukha ni Mama ang tumambad sa akin na animoy walang nangyari.
Ma, Okay ka lang ba? tanong ko. Oo, naman sagot niya habang nagbabasa ng
diyaryo na parang may hinahanap. Hwag kang mag-alala Ma, mas malaki pa diyan ang
bahay na ibibigay ko sayo, at hindi lang sa diyaryo makikita kundi sa buong mundo.
Huwag mo nang babanggitin yan! Puro kayo pangako!! hanggang sa napatigil na siya sa kanyang pagbabasa at tumungo sa aming kwarto.
Nang araw din yaon nag-iba na ang timpla ng katawan ni Mama, lagi na lang siyang nagagalit at minsan pay nahuli ko siyang umiinom ng alak . Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, basta ang alam ko mahal ko si Mama.
Hindi ko siya iiwan.
---------------------------------------------------------------------------------
Lumaki ako sa pamilyang hindi buo. Oo, broken family ako, iniwan kami ni Papa sampung
taon na ang nakalilipas anim na taon ako noon. Masakit man sa akin pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na wala na kong ama,akala ko masasanay na ko pero tuwing makakakita ako na isang buong pamilya,naiinggit parin ako humihiling na kahit sa isa pang pagkakataon.
Apat na taon din ang nakalilipas simula nang-iwan kami ni Papa, mas naging close kami ni Ate Cynthia. Sobrang bait ni ate sakin kahit ang kulit kulit ko sinasakyan niya pa din ako. Ngunit simula nang tumuntong si ate sa kolehiyo nagkaroon na siya ng ibang kaibigan, minsan nga hindi na siya nakakauwi ng bahay sa kadahilanang may thesis pa daw siyang kailangang tapusin.Eto naming si Mama panay ang payag dahil may tiwala naman daw siya kay ate.
Dumating sa puntong nag-iiba na yung ugali ni ate
BR_K_N F_M_LY
payag dahil may tiwala naman daw siya kay ate. Dumating sa puntong nag-iiba na yung ugali ni ate
bumababa na rin yung mga grades niya. Pinatawag na nga si Mama ng Prof niya dahil lagi daw wala sa klase. Hanggang sa dumating na yung kinatatakutan ni Mama, huminto na si ate sa pag-aaral.Tumutulong na lang siya kay Mama sa pagtitinda ng barbecue.
Ako na lang ang nag-aaral sa pamilya namin. Breadwinner daw ako sabi ni ate minsan nga umiiyak siya sakin kais nagsisisI siya na hindi siya nakapagtapos dahil halos lahat ng inaaplayan niyang trabaho hindi siya tinatanggap. Lalo akong nagging determinado dahil ang laki ng expectation nila sakin kaya nagsumikap akong makapagtapos ng high school. Nakamit ko ang pagiging Valedictorian sa aming paaralang kasabay ng rurok na tagumpay na ito, unti-unting gumuho ang akala kong pangarap na matutupad.
May 2000. Tuluyan kaming iniwan ni ate, nagkaroon sila ng isang
hindi pagkakaunawaan ni Mama, tulad ni Papa iniwan niya rin kami. Akala ko may pag-asa pa kaming mabuo pero wala na. Wala na si Papa wala na rin si ate. Hindi na buo ang buhay ko.
Ngayon,kasalukuyan akong nasa kolehiyo sa kursong nursing kami nalang ni Mama ang magkasama sa bahay. Nalugi na ang negosyo naming barbecue, kaya naghanap ako ng sideline at napagpasyahang mag-working student. Bagamat mahirap pero tiniis ko lalot nalaman kong may sakit si Mama na tuberkulosis. Kada buwan dinadala ko siya sa doctor, kaya kahit baon ko naapektuhan para lang sa gamot ni Mama.
March 2004. Sa wakas nakapagtapos na ako. Dala-dala ang
pinakaaasam kong diploma at parangal bilang Suma Cum Laude. Nandoon si Mama kasama si Tita Carmen alam kong kahit may sakit siya hindi niya pa rin ito iniinda pilit niya paring pinakikita yung ngiti sa kanyang labi.
Ang naging inspirasyon ko ay ang aking ina na siya kong kasama mula noong akoy bata. At kung hindi dahil sa kanya,hindi ko ito maabot. Kaya Ma, para sayo ito.Ito ang huling bahagi ng Valedictory speech ko.Pagkatapos kong
7 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon kanya, hindi ko ito maabot. Kaya Ma, para sayo ito. Ito ang huling bahagi ng Valedictory speech ko.Pagkatapos kong magsalita dali-dali ko hinagkan si Mama at ayun ang unang pagkakataon na makita ko siyang ngumiti,yung parang wala siyang iniinda na kahit anong sakit.
June 2004. Napagpasyahan kong mangibang-bansa, dahil gusto kong tuparin yung pinangako ko kay Mama.
Pinaubaya ko muna siya kay Tita Carmen para alagaan sa sakit niya.Sa awa ng Diyos, pinalad ako dito sa Amerika, naging maganda ang takbo ng buhay ko bagamat mahirap pero alam kong konting tiis nalang ay maibibigay ko yung pinangako ko kay Mama. Halos tatlong taon din bago ko mapag-ipunan yung bahay na ipinagawa ko kay Mama.
September 2007. Nagpadala ako ng sulat kay Tita Carmen na sa birthday ni Mama sa susunod na buwan uuwi ako
para sorpresahin si Mama sa pinagawa kong mansyon sa Tagaytay. October 2007. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Maaga pa lang nag-empake na ako para sa aking pag-uwi.
Excited na ko na makita si Mama pati yung mansiyon na pinagawa ko. Isang tawag ang natanggap ko galing kay Tita. Hello Tita, kumusta si Mama? Hello Tita? Heeeellllllooooo Ciiindy? Alam na po ba ni Mama? Bakit parang ang tamlay mo? Hindi ba kayo masaya? Cindy.. Wala na ang Mam..a mo.
Unti-unting nalaglag ang phone. At pumatak ang aking luha sa aking mata. Napalitan ng lungkot ang buong paligid. Huli na ang lahat. Kung alam mo lang Ma, na tinupad ko na yung pangako ko. Kahit sa iyong huling sandali naipakita kong mahal na mahal ko kayo.
Maiwan man ako ng aking magulang,may Panginoon pa akong aasahan. Awit 27:10
Katha ni Flordeliza M. Martinez
Hindi kami makapaniwala ni Julia sa aming nakikita. Akala namiy mayaman si Lola Fe, hindi pala. Wala kaming choice ni Julia kundi pumasok. Magagarang kagamitan at karamihan ay gawa sa kahoy. Maganda ngunit makaluma ang bahay at mga bagay sa loob ng bahay ni Lola Fe.
Masasanay din tayo Kuya Julio, mukha namang mabait si Lola at mabubuhay tayo ng masaya at sagana dito. , nakangiting sabi ni Julia. Habang kumakain ay nagkuwentuhan kaming tatlo nila Lola Fe, Julia at ako. Kinuwento niya kung bakit dito siya nakatira, kung nasaan ang pamilya niya at kung bakit nag-iisa siya sa kubo na ito. Marami pa kaming napag-usapan. Maging ang mga gawaing bahay, hinati ni Lola sa amin ni Julia.
Kinuwento niya rin kung bakit mahilig siya sa mga itik, kung kayat napakarami nito sa paligid. Matapos ang kwentuhan, kainan at iba pa. Napagpasiyahan naming magpahinga na muna. Dumaan ang ilang lingo, nasanay na kami ni Julia. Masaya sa bahay ni Lola. Mabait si Lola. Napakalambing at maalalahanin.
Isang araw, naglalaro kami ni Julia ng tirador sa likod bahay, kung saan nagkalat ang mga itik ni Lola. Nagpapalayuan kasi kami ng tira ni Julia. Iniiwasan namin ang mga itik, baka matamaan namin, mayari pa kami kay Lola.
Ploooooooooooook. , tira ni Julia sa bato. Yehey, ang layo. Talunin mo yon kuya. Malamang hindi
mo kaya. Hahaha!. , wika ni Julia Hinanda ko na ang pagtira ng bato. Isa. Dalawa Booooooogsh. , tiningnan ko kung saan bumagsak. Pero
laking gulat ko ng Kuya, natamaan mo yung isang itik! Hala ka! Lagot.
Kuya lapitan natin, baka napatay mo. Dali! , gulat na sabi ni Julia. Agad, agad kaming tumakbo palapit sa itik na tinamaan
ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakatira ko. KUYA JULI---. , tinakpan ko ang bibig ni Julia. Duguan
ang itik. Patay na! Lagot! Napatay ko ang isang itik ni Lola. Paano na! Julia, huwag kang maingay kay Lola, ibabaon natin sa
lupa ang itik at magkukunwaring walang nangyari. , kinakabahang sabi ko.
Sa isang kundisyon Kuya, lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo., bulalas ni Julia.
ANO? Ang daya mo naman. , sabi ko.
Ang Itik ni Lola Ang patotoo ng sinungaling ay di pakikinggan,
Ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan. - Kawikaan 21:28
Maraming alagang itik si lola. Napakarami. Hindi ko mabilang dahil sa dami. Ayaw ni lola na kahit isa may mawala sa itik nya, inaalagaan nya ito ng sobra, at kapag may nawala lagot ka, kasi.
Kuya, may aampon na daw sa atin? , tanong ni Julia. Oo, makikita na natin siya. , sabi ko. Nakita ko na siya. Padating na siya. Nakangiti. Masiglang
lumalapit sa amin. Maputi na ang kanyang buhok at medyo baluktot na ang kanyang katawan. May baston na nagsisilbing alalay niya upang huwag matumba, at may makapal na salamin sa mga mata.
Julio, Julia, si Lola Fe, ang aampon sa inyo. Ani ni Mamita, ang tagapagbantay sa mga batang ulila. Ikinuwento pa ni Mamita ang mga detalye tungkol kay Lola Fe. At marami pa.
Mga bata tayo nat humayo, malayo pa ang ating lalakbayin. Mukhang magiging masayang lakbayin ito. , saad ni Lola Fe.
Sabay kaming tumayo ni Julia ng magkahawak kamay. Kinakabahan ngunit masaya. Mukha namang mabait si Lola Fe at mahilig daw siya sa mga bata.
Pagdating naman sa destinasyon namin, isang probinsya ang lugar, pagkababa namin sa sasakyan, napakagandang bahay agad ang aking nakita. Bahay na pinapangarap ko, ngunit hindi kami doon nagtuloy, bagkos lumakad pa kami. Akala koy doon na kami titira, hindi pala. Sayang.
Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad, lakad, at marami pang lakad. Ang layo ng bahay ni Lola. Maya-mayay huminto kami, nagulat ako sa hinintuan namin, isang medyo may kalakihang kubo na may maraming itik sa paligid. Ito ba ang bahay ni Lola Fe?
Pasok na tayo mga bata at nang makapagpahinga. , sabi ni Lola Fe.
Pero kahit na pangit ka akin ka, ikaw ang baterya sa puso ko na makina. Kahit mukha kang paa nakakaloose ka at least ikaw yung tipong paa na nagpafootspa. Ito ang unang kanta nakaagaw ng aking pansin noong umpisahang ipalabas ang tungkol sa P-POP love songs ng ABS-CBN. Ang Himig Handog ay isang kompetisyon kung saan sila ay humahanap ng magagaling at talentadong mga Pilipino sa larangan ng musika. Mayroong labindalawang kandidato para sa larangang ito: Ang Kahit na ni Toni Gonzaga na isinulat ni Julius James de Belen na pawang patungkol sa isang dalaga na nagmahal ng isang hindi kagwapuhang lalaki. Ang Alaala na aawitin naman ni Yeng
Bahala ka. Ang itik., nagbabantang sabi ni Julia. Oo na oo na. Basta huwag kang maingay ha?, sabi ko. Ayos!, masayang sabi ni Julia. Pagbalik namin ni Julia sa loob, tahimik lang ako. At agad na pumasok sa kwarto. Nagkuwanri akong inaantok na. Maya-mayay. KUYAAAAAAAA, maghugas ka na ng pinggan., sigaw ni Julia Abat! Siya ang nakatoka ngayon. Nakalimutan ata niya. Julia, baka nakakalimutan mo, ikaw ang Hep, hep. Ang itik., pananakot ni Julia. HUWAG KANG MAINGAY SABI E! , naisigaw ko. O sige. Maghugas ka na., iniwan na niya ko at natulog. Lagot na! Kailangan kong sundin si Julia. Pagkatapos kong maghugas, bumalik ako sa kwarto. Nakita kong natatawa si Julia. Kuya, magdilig ka daw ng halaman sa bakuran, sabi ni Lola Fe., utos niya. Hindi bat ikaw ang inuutusan? Tumayo ka dyan at akoy magpapahinga., angal ko. ANG ITIK., muling pananakot niya. Wala akong nagawa kayat nagdilig na ako ng halaman. Dumaan pa ilang araw at parati kaming
nag-aaway ni Julia tungkol sa mga pag-uutos niya sa akin, at kapag magrereklamo ako, tanging ANG ITIK lamang ang sinasabi niya kayat napasusunod na ako. Dahil na rin sa takot ko kay Lola Fe.
Dumaan ang isang linggo, hindi ko na nakayanan ang pang-aabuso ni Julia kayat napagdesisyunan ko ng aamini ko na kay Lola ang nangyari sa isang itik.
Lola Fe, noong nakaraang linggo po ay napatay ko ang isang itik ninyo, dahil natamaan ko ng tirador, hindi ko naman po sinasadya eh. Patawarin ninyo po ako , umiiyak kong paliwanag.
Apo, Julio, tumahan kat tumingin sa akin., Sinunod ko sila Lola at nag-aabang ng aking parusa. Alam ko na iyon, nakita ko ang nangyari noong binantayan ko kayo sa may
bintana. Hinihintay lamang kitang lumapit sa akin at humingi ng tawad. Napapansin ko din ang pagdalas mong gumawa ng gawaing bahay, marahil parusa ni Julia sa iyo yon. nakangiting paliwanag ni Lola Fe.
JULIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA., ang tanging nasigaw ko. Katha ni Angela L. Miguel Katha ni Angela L. Miguel
8 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
Himig Handog P-Pop Love Songs
Constantino na isinulat nina Ma. Fe Mechenette, G. Tianga, M. Meryana at J. Jabat Jr. na tungkol sa isang taon na paghihintay sa kanyang minamahal na ang alaala na lamang nito ang bagay na meron sya. Kabilang din dito ang isinulat ng isang director na si Joven Tan ang Anong nangyari sa ating dalawa na aawitin naman ni Aiza Seguerra.Ito ay patungkol sa paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan. Kasama sa nakapasok sa top 12 ang mga batang-bata at baguhan sa pagsusulat na sina Marion Aunor para sa awiting If You Ever Change Your Mind at Tamang Panahon na aawitin naman ni Win Andrada. Isinulat na man ng batikan na manunulat na si Soc Villanueva ang awiting Hanggang Wakas na patungkol sa isang mahal na mawawala dahil sa isang karamdaman na aawitin ng magaling na mang-aawit na si Juris Fernandez. Ang awitin namang isinulat ni Jungee Marcelo ay Nasa Iyo Na Ang Lahat na aawitin ni Daniel John Padilla. Kakaibang istilo naman ng pag-awit ang maririnig kay Angeline Quintos sa mellow love song na One Day na isinulat ni Agatha Morallos. Ang Manunulat naman na si Jeffrey Cifra ay sumulat ng isang awitin na patungkol sa isang nagmamahal na iniwan at ngayon ay humihiling kung pwedeng sya na lang ulit ang ibigin nito na aawitin naman ni Bugoy Drilon. Si Jovit Baldivino naman ang bibirit sa kantang Sanay Magbalik na isinulat ni Arman Alfarez. Ito ay tungkol sa isang taong naghihintay sa kanyang minamahal na nang-iwan sa kanya sa kabila ng kanyang wagas na pag-ibig para dito. Samantala, kakantahin naman ng X-Factor winner na si KZ Tandingan ang awiting Im Scared To Death na isinulat ni Domingo Cubelo. Tinatalakay nito ang pagkatakot ng isang tao sa pagkawala ng kanyang minamahal dahil sa sobrang pagmamahal nito ay hindi niya kayang mahiwalay dito. Bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon sa mga awiting ito ngunit sa darating na ika-24 ng Pebrero, gaganapin ang paggagawad ng parangal para sa mga kalahok na nagustuhan at ibinoto ng taong bayan na gaganapin sa MOA (Mall Of Asia) Arena. Sabay-sabay nating tunghayan ang huling pagtatanghal ng mga kandidato para sa kanilang pambato.
Zandra Jellika S.Manansala
9
0
LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
Agham
Lahat ng tao ay pantay-pantay. Ito ang kalimitang maririnig mula sa mga tao na ang paniniwala ay ang lahat ng tao ay magkakatulad. Pare-parehong humihinga kumakain, natutulog at gumigising. Pero sa mga pagkakataong ganito, masasabi mo pa rin kaya na lahat tayo ay pantay-pantay? Meron bang basehan ang siyensya sa mga ganitong uri ng tao na kakaiba kaysa karamihan?
Si Scott Flansburg ng San Diego California ay tinaguriang human calculator na kung saan kaya nyang kompyutin ang complex arithmetic sa pamamagitan lang ng kayang utak.
Si Dennis Rogers ng Houston, Texas , na tinaguriang "pinakamatibay na tao sa mundo".
Si Dean Karnazes ng San Francisco, California , na maaaring balewalain ang matinding pagkapagod at tumakbo ng 50 marathons sa 50 estado sa 50 araw.
Si John Ferraro ng Boston, Massachusetts , na mayroong makapal na bungo na maaaring makatiis sa pagputok ng isang sledgehammer.
Mga Ekstraordinaryong Tao
Mula Sa Ordinaryong Mundo
Si Chris Robinson ng Edinburgh, Scotland na naniniwala na ang kanyang mga pangarap ay mahuhulaan sa hinaharap.
Si Kenny Muhammad ng New York City , "Ang Human Orchestra", na maaaring gayahin ang mga kumplikadong rhythms beatbox sa kanyang bibig.
Si Zamora ang Hari ng pahihirap (a.k.a Tim Cridland) ng New York City, na tinutuso ng skewers ang kanyang sarili na walang nararamdamang anumang sakit o pagpapadanak ng dugo.
Si Patrick Musimu , ng Bonaire, Dutch Caribbean ay kayang mag dive sa halos 700 talampakan at pigilin nang matagal ang kanyang hininga para sa higit sa 8 minuto.
Ilan lamang ito sa mga kakaibang tao na naninirahan dito sa ating mundo. Sila ang tinatawag na mga superhumans na kakaiba kumpara sa ordinaryong tao sa mundo. Pantay-pantay pa rin kaya tayo kung meron talagang mga tao na nilikha na sadyang iba sa katulad nating ordinaryo? Sa paningin ng diyos, Oo, pero sa paningin ng tao, hindi ito sigurado.
Ni Zandra Jellika S. Manansala
Pangkalusugan
Alam mo ba na tatlo sa bawat limang tao sa buong mundo ay napag-aalamang anemic o kulang sa dugo? Ang Anemia ay isang kondisyon kung saan ang mga red blood cells sa katawan ng tao ay nagkukulang o bumababa ang bilang na sanhi ng pagkahilo,mabilis na pagkapagod, kahirapan sa paghinga at ang mas delikado ay ang pagkakaroon ng leukemia o kanser sa dugo. Ayon sa pag-aaral,mas mataas ang porsyento ng mga babaeng nagiging anemic sapagkat nagkakaroon sila ng buwanang dalaw o monthly period na sanhi ng pagkabawas ng kanilang dugo. Isang dahilan rin ng pagbaba ng dugo ay ang madalas na pagpupuyat, palagiang pagod o stress, at pagkakulang ng iron sa katawan.
Ang mabilis na pagtibok ng puso,pagiging pale ng kulay o pagkamaputla, kakulangan sa hininga at pagkalagas ng buhok ay ilan lamang sa mga sintomas na ang isang tao ay anemic. Upang maibalik sa dating bilang ang mga red blood cells at bumalik ang buhay ng iyong matamlay na katawan, nangangailangan ang tao ng sapat na iron sa katawan na matatagpuan sa ilang piling mga pagkain. Pangatlo sa 10 pangunahing pinagkukuhanan ng iron ay ang atay. Mayaman ito sa iron at sa katunayan noong 1900s ito ang itinuturing na gamot para sa anemia. Ang Duck liver ang syang pinakamayaman sa iron sa lahat ng liver na merong 30.5mg (170% DV) sa bawat 100g na serving. Pangalawa ang pork liver, chicken liver, turkey liver, lamb liver at beef liver.
Mahalaga na ingatan at pangalagaan natin ang ating pangangatawan at ang dugong nananalatay sa ating katawan. Sa tamang oras ng pagtulog, pag-iwas sa sobrang pagod, pagkain ng tama, at pageehersisyo, ating makakamtan ang malusog at maayos na pangangatawan.
Pagkain ng Atay, Kontra Anemia Ni Zandra Jellika S. Manansala
LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon 10
Lathalain Taun-taon ay nagkakaroon ng
National Achievement Test o NAT sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan dito sa Pilipinas. Ang mga nasa ika-3 at ika-6 na baitang sa elementarya at ang mga nasa ika-4 na taon sa sekundarya ang siyang kumukuha ng ganitong pagsusulit upang malaman ang kakayahan o mastery level ng mga estudyante sa bawat asignatura.
Nitong nakaraang taon lamang ay nanguna ang Navotas National High School sa NAT sa buong National Capital Region. Kung kaya naman pinag-iigihan ng ating paaralan upang manatili tayo sa ating posisyon.
Sa katunayan, gumawa ang paaralan ng panibagong iskedyul na kung saan magkakaroon ng rebyu ang mga nasa ika-4 na taon sa hayskul tuwing Lunes hanggang Miyerkules upang matutukan at balik-aralan ang kanilang mga leksyon na kanila nang napag-aralan noong mga nakaraang taon at sa kasalukuyan. Malaking tulong ang ganitong sistema nang sa gayon ay mas lumawak pa ang kaalaman at isipan ng mga mag-aaral.
Sa huli, nasa kamay pa rin ng mga estudyante at maging ng mga guro ang kalalabasan ng resulta ng NAT. Ang mahalaga, atin itong pagbutihin at pagtuunan ito ng pansin upang mas maiangat ang pangalan ng ating paaralang, Navotas National High School.
Allysa Mae S. Zulueta
NAT Rebyu
Ang Kahabaghabag Jona F. Pascual
Ang Les Misrables na sa salitang Filipino na ang ibig sabihin ay Ang Kahabaghabag na isang nobela ay likha ng isang tanyag na manunulat na si Victor Hugo. Ang istorya nito ay nakatuon sa pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ang kanyang karanasan sa katubusan. Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa, at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransya, arkitektura ng Paris, pulitika, pilosopiyang moral, katarungan, relihiyon, at mga uri at kalikasan ng pag-ibig na romantiko at pangmakabayan.
Nakikilala ng marami ang Les Misrables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula, katulad ngpagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat.
Ang mga pangunahing tauhan sa Les Misrables na ipinalabas bilang isang pelikula noong 2012 sa direksyon ni Tom Hooper ay ginampanan nina : Hugh Jackman bilang Jean Valjean, Russell Crowe bilang Javert, Anne Hathaway bilang Fantine, Amanda Seyfried bilang Cosette, Sacha Baron Cohen bilang Thenardier, Helena Bronham bilang Madame Thenardier, Eddie Redmayne bilang Marius, Aaron Trevier bilang Enjolras, Samantha Barks bilang Eponine, Daniel Huttlestone bilang Gavroche, at Isabelle Allen bilang batang Cosette.
Umabot ng maraming papuri ang pelikula simula ng una itong ipalabas sa New York noong Nobyembre 23, 2012. Nominado ang Les Misrables sa 2013 Oscars Awards para sa Best Picture, Actor in Leading Role, Actress in Supporting Role, Costume Design, Make-Up and Hairstyling, Music (Original Song), Production Design, at sa Sound Mixing. Nominado rin sa ang Les Misrables sa 85
th Academy Awards, at sa Screen Actors Guild
Awards kung saan napangaralan si Anne Hathaway na Outstanding Performance by a Female Actor in a Supporting Role sa kanyang pagganap bilang Fantine sa Les Misrables . Ang Les Misrables ay umani rin ng parangal sa Golden Globe Awards ng Best Picture, Best Actor at Best Supporting Actress.
Sa panahon sa post-screening Q &A sa Oscars, si Anne Hathaway ay nagsiwalat na ang kanyang ina ay gumanap din sa play bilang Fantine sa produksyon ng Philadelphia ng Les Misrables ito ay noong si Anne Hathaway ay pitong taong gulang pa lamang; ginanapan ng kanyang ina ang parte kung saan sa ang tagpo ay nasimula sa pagiging factory worker at hanggang sa tagpo na hinamak at pinatalsik sa trabaho si Fantine, ngunit kalaunan ay nakuha parin nitong isadula ang primaryang parte ng Les Misrables sa entablado. Gayundin, si Amanda Seyfried ay nagsiwalat na siya ay gumanap bilang Cosette sa isang pambaguhang produksyon ng Les Misrables noong siya ay labin limang taong gulang.
@amAnnaeR #GraduationNaPero wala pa rin akong first dance.
Awts
11 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
The Pursuit of Happyness ay isang pelikula sa Amerika noong 2006. Ito ay ayon sa talambuhay ni Chris Gardner na ang suliranin sa buhay ay ang walang matirhan, iniwan ng asawa, nawalan ng pera, at kung paano niya bubuhayin ang anak niyang lalaki. Ito ay nilikha ng director na si Gabriele Muccino. Ang pilmograpiyang ito ay ginampanan ni Will Smith bilang Chris Gardner at ng anak niyang si Jaden Smith bilang Christopher Jr.
Ang pelikulang ito ay naipabalas noong Disyembre 15,2006 at ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng Columbia Pictures. Dahil sa ipinamalas na galing ni Will Smith sa palabas na ito, siya ay kasama sa nomido para sa Academy Award at Golden Globe bilang best actor. Ang pelikulang ito ay kumita ng $27,000,000 sa kanilang unang linggo. At di naglaon ang kanilang kinita ay umabot sa $162,586,036 sa bansang US at Canada at natalo ang mga pelikulang Eragon at Charlottes Web. Ang palabas ay naglabas ng kanilang DVD noong Marso 27,2007 at noong Nobyembre 2007, Sa US ay kumita sila ng $89,923,088 na halos kalahati ng kanita nila noong unang linggo na itoy kanilang ipinalabas. Ang titulo ng pilmograpiyang ito ay nagpapahayag ng malalim na pagkakahulugan sa salitang happyness. Sa pamamaraang ito ay nabigyang empasiya o kahalagahan na sa pamamagitan ng malalim na pagunawa sa pagsubok ng buhay ni Chris Gardner ay doon niya natagpuan ang esensya ng totoong kaligayahan. Ang iba pang tauhan sa palabas ay sina Thandie Newton bilang Linda Gardner, Brian Howe bilang Jay, Dan Castellaneta bilang Alan Frakesh, James Karen bilang Martin Frohm, Kurt Fuller bilang Walter Ribbon, at Takayo Fischer bilang Mrs. Chu. Ang pelikulang ito ay humakot ng maraming papuri dahil sa taglay nitong kagandahan, sa galing ng mga gumanap dito at dahil na rin sa magandang aral na matutuhan ng mga manonood dito.
Neal L. Dela Cruz
thePURSUITofHAPPYNESS
HABAGAT Lungsod ng Navotas
nakabangon na sa pananalasa ng Hanging Habagat
Umabot sa 122 katao ang nasawi habang mahigit sa 50 katao ang nawala sa panananalasa ng bagyong Gener, na lalo pang pinaigting ng hanging Habagat sa Luzon at sa buong Metro Manila lubos na pinanghambahan dito ay ang madaling pagtaas ng tubig sa (NCR) National Capital Region kabilang na rito ang Lungsod ng Navotas. Hindi akalain ng mga tiga Navotas na magsasanib pwersa ang Gener at Hanging Habagat ,na mas lalong nagdulot ng mataas at matagalang paghupa ng baha, sumabay pa dito ang high tide. Higit na naapektuhan din dito ang mga mag-aaral na isang buong linggo ding nawalan ng pasok. Ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Navotas ay nag-anunsyo sa pagbabalik ng klase sa Twitter account nito . Ang Navotas din ay isinailalim sa State of Calamity matapos malaman na madaming barangay ang naapektuhan sa pananalasa ng Habagat at Gener .
Ilang buwan na din ang nakalipas ng mangyari ang sakunang ito at ngayoy makikita ng tuluyan ng nakabangon ang Lungsod ng Navotas at iba pang lugar na sinalanta nito. Nagulantang ang lahat dahil isang Hanging Habagat ay makakayanan palang salantain ang mga lugar.Sa isang banda naipamalas na naman ng mga Pilipino ang kanilang kabayanihan na, Sa pamamagitan ng pagtutulungan sa panahon ng kagipitan", at dahil dito napapatunayan lahat ng tao ay pantay- pantay walang mayaman walang mahirap sa panahon ng kalamidad.
Aiko G. Delos Santos
11
12
Entertainment LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
SUDOKU
SAGOT
Komiks
13
LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
De Jesus-Pangan, Umarangkada Sa Chess
Ni Gene Ace T. Sapit
Ipinamalas nina Eloisa De Jesus (IV-EC), at Vince Bernard Pangan ang kanilang kahusayan sa paglalaro ng Chess matapos nilang pagharian ang Girls at Boys Division sa naganap na Division Meet Chess Competition noong Nobyembre 26-27, 2012 sa Tanza Elementary School.
Umuwing luhaan ang mga kalaban nila ng masungkit ni De Jesus ang gintong medalya at silver naman kay Pangan. Karangalan nilang maiuwi ang pwesto ng una at ikalawang karangalan. Samantala, napunta naman sa San Jose Academy ang ikatlo at ikalawang pwesto sa Girls and Boys Category, at San Rafael Village naman para sa una at ikalawang gantimpala sa Boys and Girls Category.
Gabriel-Agas-Vilaria, Wagi Sa Singles!
Gabriel-Agas-Vilaria, Wagi Sa Singles!
Ni Gene Ace T. Sapit
Nakagigilalas na aksyon ang ipinamalas nina Maribel Gabriel, Marie Agas at Yvonne Vilaria matapos sungkitin ang mga medalya sa ginanap na Division Meet Table Tennis Competition sa Navotas City Sports Complex noong Nobyembre 26-27, 2012.
Sa Singles A Competition, nag-iinit na smash slots ang pinaulan ng ating tatlong pambato matapos tibagin ang matitibay na depensa ng kanilang mga kalaban. Nagpamalas rin ng kamangha-manghang performance ang tatlo matapos kuhain ang tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa Single A at makamit ang unang pwesto.
Sapat na sa amin na makuha namin ang gintong medalya sa Single .hard para maging matagumpay parin tayo next year!, dagdag ng
A Competition. We have to practice hard para maging matagumpay parin tayo next year!, dagdag ng kanilang coach na si G. Saludes.
Esperanza, Ikaw Na! Ni Gene Ace T. Sapit
Hindi lang sa sukatan ng galing ng katawan ang ipinamalas ng ating mga ka-eskwela, ngunit pati na rin sa husay ng utak at ganda. Ipinakita ni Ma. Karina Esperanza (IV-EC), ang kaniyang galing simula sa pagpapakita ng husay sa pagrampa, hanggang sa pagsagot ng tanong kasama ng kaniyang iba pang kalahok sa ginanap na Division Meet Mr. And Ms. Palaro Competition. Nakuha ni Esperanza ang ikalawang pwesto. Samantala, ang La Naval Academy naman na si Eryka Lucas ang nakahakot ng unang gantimpala.
Editoryal
Sports
Lubak sa Tuwid na Daan Noong Pebrero 12, 2013, nagumpisa ang
Campaign Period sa hanay ng mga kandidato sa
National Posts. Sa pangkalahatan, ito 'yung
tumatakbo bilang Pangulo, Pangalawang
Pangulo, Senador, at Partylist Representatives.
Pero ngayong midterm elections, mga
kandidato sa pagka-senador at partylist
representatives ang sakop ng 90-days campaign
period na sinimulan kahapon, Peb. 12,
hanggang Mayo 13.
Sa hanay naman ng mga kandidato sa Local
Posts, katapusan ng Marso ang umpisa ng
kanilang 45-days campaign period. Para naman
ito sa mga kandidato sa pagka-kongresista ng
bawat distrito at local posts tulad ng pagka-
gobernador, alkalde, mga bise, board members
at konsehal sa Eleksyon ngayong Mayo.
Syempre, dahil pumasok na ang campaign period, inaasahang nakabantay na ang Commission on Elections
(COMELEC) sa mga 'pasaway' na lalabag sa alituntunin ng komisyon. Tulad na lang ng pagkakabit ng mga
campaign materials kung saan-saan lalo ang pagkakaroon ng illegal posters, o kaya ay iyong lalampas sa
itinakdang airtime limit ng patalastas sa radyo at telebisyon, pati na sa nilimita ring laki ng patalastas sa mga
nakaimprentang midya.
Eleksyon na naman! Mahaba-habang lakbayin ito at tunay na hindi madaling trabaho bilang pawang tungo
sa isang maayos at malinis na Eleksyon. Kung ang komisyon lang ang kikilos, may kalabuan talaga. Sa lawak ng
bansa, mahihirapan talaga silang i-monitor sa bawat sulok ng Pilipinas. Masasabi 'kong panahon na naman ng
lokohan ng mga kandidato para sa boto ng bawat tao. Panahon para madagdagan na naman lubak sa tuwid na
daan!
Gene Ace T. Sapit
LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon
Isa rin sa mga pinakaaabangang paligsahan tuwing Pangisdaan Festival ay ang paligsahan ng pinakamagagandang dilag ng bawat barangay sa lungsod ng Navotas. Maipagmamalaki namin ang pagsali ng dalawang mag-aaral ng Navotas National High School sa nasabing paligsahan. Isa rito si Ms. Rosa Mae Garino (IV-EC), at si Ms. Lara Micaela Reyes (IV-Obedience). Pinakita ng NNHS ang galing ng mga kalahok na ito pagdating sa larangan ng kagandahan at katalinuhan. Labing-apat na nag-gagandahang kababaihan na kinatawan ng labing-apat na Barangay ang nagtunggali para maiuwi ang nag-iisang korona at titulo bilang Mutya ng Navotas 2013.Bandang huli, nauwi ni Garino ang ika-limang pwesto, samantalang itinanghal namang Mutya ng Navotas si Ms. Clarisse Espiritu ng Brgy. Tanza.
Sports
Mutya ng Navotas 2013
Ni Gene Ace T. Sapit
NNHS, Segunda Sa
Badminton! Ni Gene Ace T. Sapit
Umuusok na performance ang ipinamalas ng magkatandem na Evan Joseph Obusan (IV-EC) at Mark Denmer Jiongco (IV-INTEGRITY) sa ginanap na Division Meet Badminton Competition sa RS Badminton Court noong Nobyembre 26, 2012.
Sunud-sunod na nagliliyab na smash shots ang pinakawalan ng dalawa na nagpatunay sa kanilang pagiging batikan sa larangang ito. Hindi man nasungkit ang unang pwesto dahil napasakamay ito ng San Jose Academy, pinatunayan parin nila ang kahusayan ng mapunta sa kanila ang ikalawang pwesto sa Doubles Category. Nagwagi din sa ikalawang pwesto sina Bless Linaban at Christopher Padilla sa Single A/Single B Category.
Ikinararangal kong maging coach nila. Pagsusumikapan pa namin sa susunod para sa atin naman mapunta ang unang pwesto, pahayag ng kanilang coach na si Gng. Editha Cases.
Santos at Doringo,
Sinisid ang Kampeonato! Ni Gene Ace T. Sapit
Nilangoy nina Ronalyn Santos (GR.7-ONYX), at John Carlo Doringo (GR.7-DIAMOND) ang daan tungo sa tagumpay matapos nilang hakutin ang 5 gintong medalya (Santos), at 2 silver/1 gintong medalya (Doringo) sa ginanap na Division Meet Swimming Competition noong Nobyembre 27, 2012.
Tuluyan ng nalunod ang mga pangarap ng kanilang mga kalaban nang kunin ni Santos ang unang pwesto sa Backstroke (200m), 2 Backstroke (100m), Breaststroke (200m), Breaststroke (100m), at Freestyle (100m) sa Girls Division. Nakuha naman ni Doringo ang unang pwesto sa Freestyle (100m) at ikalawang pwesto sa Breaststroke (200m), (100m). Samantala, nasungkit naman ng La Naval Academy ang ikalawang pwesto sa Boys Division, at San Jose Academy sa Girls Division.
Umarangkada ang galing ng NNHS Basketball Team matapos pataubin ang mga katunggali at masungkit ang ikalawang pwesto sa ginanap na Division Palaro Basketball Competition sa Navotas City Complex noong Nobyembre 26-27, 2012.
Sa unang game pa lamang ng grupo, nagpamalas ito ng nagliliyab na performance at kanilang pasikatan sa court. Dahil sa tagumpay nito, umangat ang koponan sa Finals kontra Tangos National High School.
Sa laban naman kontra TNHS, mga nagbabagang drop shots na ang pinaulan ng NNHS ngunit tila nagtayo ng matitibay na pader ang kalaban bilang depensa at nagawang palamigin ang nag-iinit na NNHS. Dahil dito, natapos ang labanan na may 7 puntos na lamang ang Tangos. Dito nasungkit ng TNHS ang tagumpay.
Gene Ace T. Sapit
NNHS Basketball Team, Ginimbal Ang Hardcourt!
14