Transcript

PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG NAVOTAS 2013

Ang Pahayagan

Ang pahayagang ito ay para

sa mga taong marunong umunawa

ng saloobin ng kanilang kapwa.

Layunin namin na maibuhos

ang aming opinyon maging ang

katotohanan sa mga taong may nais

matutunan.

Gayunpaman ang bawat

pahina nito’y parang malayang agos

ng tubig na may pinagmumulan,

may pinanggagalingan.

Ang Patnugutan

Noong ika-22 hanggang ika-25 ng Mayo,

2012 isinagawa ang Brigada Eskwela sa Navotas

National High School (NNHS) sa pangunguna ni

Dr. Maria Cristina A. Robles katulong ang Supreme

Student Government (SSG).

Inanyayahan ang ating kagalang-galang na

Mayor John Rey Tiangco, sa nasabing programa

na paglilinis ng bawat silid-aralan, maagang

pagbibigay ng aklat sa estudyante, at pagpupulong

ng mga guro sa mga magulang. Nagsagawa rin ng

parada na naganap mula sa Brgy, Sipac-Almacen

hanggang Brgy. San Roque bilang pagtatapos ng

programa.

Flordeliza M. Martinez

Brigada Eskwela 2012

Ang ating butihing Mayor John Rey Tiangco na

nagpipintura ng parte ng pader ng paaralan.

Noong ika-16 ng Enero, 2013

idinaos muli ang ika 107th Pangisdaan

Festival na kung saan naging tradisyon

na ang pagkaroon ng iba’t ibang

patumpalak. Isa na rito ang inabangang

paligsahan ng bawat pampublikong

eswelahan sa Navotas, ang Street

Dance Competition.

Kanya-kanyang pagandahan ng

costumes at props ang masiglang

panimula ng bawat kalahok at lalong

pinaaliw pa ang mga manonood dahil sa

kani-kanilang galing sa pagsayaw at

pagpapakita ng gilas sa bawat hurado,

pati na rin sa mga tao.

Sa bandang huli, isa lang ang

dapat magwagi, at yun ay nakuha ng

San Roque National High School,

sinundan ng San Rafael National High

School at pumangatlo naman sa

listahan ang Navotas Polytechnic

College. Hindi man nauwi ng Navotas

National High School ang parangal,

hindi pa rin naman nagpahuli sa

pagpapakita ng makukulay nitong mga

damit at magarbong props,

samakatuwid, isa pa rin sila sa mga

naglaan ng oras at saya sa buong

Navotas.

Gene Ace T. Sapit

NNHS Pangisdaan 2013

Binabati ng NNHS ang mga

nakapasa sa UPCAT ngayong taon.

Rossanna M. Tengson

Diliman – Available Slot

John Carlo S. Santos

Los Baños – BS Mathematics &

Science Teaching

Eugenio R. Letada III

Pending Case

• NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL • NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL • NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL • NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL •

Kinuha mulasa Website ng “Navoteño Ako”

2 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

MgaBALITA Ginanap ang taunang

BSP-DepEd Annual Oratorical

Contest noong ika-29 ng

Oktubre ng nakaraang taon sa

ganap na 1:00 hanggang 5:00

ng hapon na may temang

"Pagsubaybay sa Pagsulong

ng Marangal na Hanapbuhay

sa pamamagitan ng

Estadistika: Landas Tungo sa

Pag-unlad ng Lahat" na

nilahukan ng maraming

paaralan sa buong NCR at

kabilang sa mga kalahok na

ito ay ang Navotas National

High School sa katauhan ni

Eugenio Rejuso Letada III ng

IV-EC na nakatanggap ng

consolation prize at plaka para

sa paaralan.

Pinangunahan ni G.

Amando M. Tetangco, Jr.

tagapangasiwa ng Bangko

Sentral ng Pilipinas ang

closing ceremony ng 23rd

National Statistics Month sa

Assembly hall ng Bangko

Sentral ng Pilipinas. Hindi man

nasungkit ang tagumpay at

karangalan, nanatili pa ring

masaya ang gurong

tagapagsanay ni Eugenio

Letada na si G. Marco

Meduranda at ang Head ng

English Department na si G.

Mario Siason dahil sa angking

galing nitong ipinakita.

Zandra Jellika S. Manansala

14th BSP-DepEd Annual Oratorical Contest (NCR)

sa paaralan.

Pinangunahan ni G.

Amando M. Tetangco, Jr.

tagapangasiwa ng Bangko

Sentral ng Pilipinas ang

closing ceremony ng 23rd

National Statistics Month sa

Assembly Hall ng Bangko

Sentral ng Pilipinas. Hindi man

nasungkit ang tagumpay at

karangalan, nanatili pa ring

masaya ang gurong

tagapagsanay ni Eugenio

Letada na si G. Marco

Meduranda at ang Head ng

English Department na si G.

Mario Siason dahil sa angking

galing nitong ipinakita.

Zandra Jellika S. Manansala

Muling idinaos ng Navotas National High School ang Boys and Girls' Week kamakailan ng Disyembre 2012.

Ang Boys and Girls' week ay isang programa ng DepEd na ginaganap taun-taon ng libo-libong paaralan sa bansa. Dito nararanasan ng mga estudyante ang buhay ng pagiging isang guro o iba pang opisyales ng paaralan sa loob ng isang linggo. Ang pro-grama ay pinangunahan ng Supreme Student Government ng paaralan.

"Isang masayang karanasan ang Boys and Girls' week. Dahil dito, nagkaroon ako ng pag-kakataong maranasan ang pagiging guro", sabi pa ng isang estudyante sa aming panayam.

James L. Edillo

Boys and

Girls' Week

NNHS humakot ng parangal Hinirang ang Navotas National High

School bilang Over-All champion sa idinaos na Division Science Quest noong ika-15 ng Setyembre 2012 na ginanap sa Kaunlaran High School.

Humakot ng iba't-ibang parangal, medalya, at tropeyo ang mga kalahok na estudyante at guro ng NNHS sa iba't-ibang kategorya tulad sa Investigatory Project, Science Quiz Bee at Strategic Intervention Materials.

Nakamit naman ng mga piling estudyante ng NNHS (IV-EC) ang unang parangal para sa TugSayAwit o Tugtog Sayaw Awit. Sa pamamagitan ng pagsayaw at pag-awit, ipinabatid dito na dapat ingatan ang ating kalikasan na umuugnay sa tema ng nasabing patimpalak na "Environment Protection and Conservation of Ecosystem".

James L. Edillo

Sa pagsisimula ng klase noong Hunyo, ipinatupad

ang makabagong sistema ng pag-aaral sa Navotas

National High School --- ang Modified In School, Out

School program o M-ISOS.

Ang M-ISOS ay programa na kung saan ang mga

estudyante ay papasok lamang ayon sa kanilang nakuhang

eskedyul na MWF (Monday, Wednesday and Friday) o

TTH (Tuesday and Thursday). Layunin ng programang

ito na matuto ang mga mag-aaral sa loob at labas ng

paaralan. Sa pamamagitan ng mga "Intervention

Materials" na binibigay ng mga guro sa araw na wala

silang pasok, ay nahahasa ang galing nila nasa labas man

sila ng paaralan. Layunin din nito na maging komportable

ang mga mag-aaral sapagkat naiibsan na ang pagiging

masikip at mainit sa loob ng klase dahil sa apatnapung

estudyante na lamang sa bawat klase.

Sa ngayon, maayos na tumatakbo ang programang

ipinatupad. Nabigyan ng tamang atensyon ang bawat

mag-aaral dahil sa M-ISOS at sa tulong na din Mobile

Computer-Aided Reinforcement for Teaching o M-

CART. James L. Edillo

makabagong sistema ng pag-aaral

3 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Math Week, Matagumpay na Naidaos Noong ika-24 ng Setyembre,

ginanap ang Math Week sa Sandoval

Building, sa pangunguna ni G. Ronaldo

Hong, na may temang “Mathematics’

gearing towards K-12”.

Nagsagawa ng mga aktibidades

ang Math Club sa pamumuno ni John

Adrian Santos, presidente ng Math Club.

Kabilang dito ang Poster Making Contest

na kung saan nakakuha ng unang

parangal si Rogilyn Aquino ng 4-EC.

Nanguna rin si Giselle Falcutila ng 4-EC

sa Essay Writing Contest. Pasok sa

panlasa ng mga hurado ang ginawang

“White Sauce” ng 3-Mabini kung kaya’t

nasungkit nito ang gintong medalya.

Hindi naman nagpahuli sina Theresa

Marie Roldan at Naomi Gayle dela Cruz

ng 7-EC sa tagisan ng talino at talas ng

isipan sa Math Henyo na nanalo ng

unang parangal. Nakisayaw naman ang

marami sa ginawang Cultural Dance ng

7-EC kaya naman sila ang nagwagi ng

unang pwesto. Hindi naman mawawala

ang Math Quiz Bee na kung saan

nalilinang ng mga mag-aaral ang galing

sa larangan ng Matematika. Nag-uwi ng

gintong medalya sina Mark Kenneth

Solanoy ng 7-EC, Ian Christopher

Vasquez ng 7-Garnet, Allysa Marie

Despi ng 2-EC, King Paulo Vasquez ng

2-Galileo, John Adrian Santos ng 3-EC,

Jean Desiree Dela Cruz ng 3rd

year-

regular at si Rossanna Tengson ng 4-

EC.

Sa pagtatapos ng programa,

nagbigay naman ng maikling pahayag

ang ating butihing guro na si Dr. Maria

Cristina Robles. Nagkaroon din ng

“raffle” ng Calculator na magagamit ng

mga estudyante sa pag-aaral at paghasa

sa asignaturang Matematika.

Sa kabuuan, naging

matagumpay ang pagdaraos ng Math

Week , at inaasahang mas magiging

masaya ito sa mga susunod pang taon.

Allysa Mae S. Zulueta

Noong nakaraang Oktubre 5, 2012 ay ipinagdiwang ng humigit sa

isandaang guro ng Navotas National High School ang World Teacher’s

Day. Ang Supreme Student Government ay nagsagawa ng isang programa

para sa mga guro na pinamagatang “Gurolympics 2012”, na pinangunahan

ng tagapayo ng SSG na si G. Emerlito Matias.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga guro ng NNHS.

Kasama ring nakipaglaro at nakisaya ang ating punungguro na si Dr. Maria

Cristina A. Robles. Nagbigay din ng mga natatanging parangal ang SSG

para sa mga mahuhusay at natatanging mga guro ng naturang paaralan.

“Job well done, SSG.” – Dr. Robles. Ito ay isa sa mga patunay na

ang nasabing programa ay matagumpay na naisagawa ng SSG.

Reanna M. Teodosio

World

Teachers’Day

Perez at Tengson itinanghal na Mr. and Ms. Language Arts 2013

Itinanghal sina Crismel Dara Tengson, IV-EC at Aaron Jowell Perez, IV-Obedience bilang “Mr. and Ms. Language Arts” noong ika-24 ng Enero 2013 sa Navotas National High School, gusaling Sandoval, bilang bahagi ng English Festival na may temang “Sharpening Language Skills for Global Citizenship”.

Nasungkit naman nina Camille Jerica Goli at John Carlo Santos ang ikalawang pwesto. Nasa ikatlong pwesto naman sina Kharinna Apple Francisco at Dingdong Serrano.

Pitong pares mula sa ikatlo at ikaapat na taon ang naglabanlaban para masungkit ang titulo. Pinagbatayan sa patimpalak na ito ang kanilang talent at galing sa pagdadala ng kasuotang pormal at pang-isports. Ginawang batayan din sa patimpalak ang “signature campaign” at “online voting”.

Sinukat din ang talino at husay ng mga kalahok sa pagsagot ng mga tanong na ibinigay sa kanila ng gurong palatuntunan na si G. Marco Meduranda, na hinusgahan naman ng mga hurado na sina Gng. Marita Aquino, Puno ng Kagawaran sa MAPEH, Bb. Ann Laura Sengco, Puno ng Kagawaran sa Values Education at G. Rolando Delgado, Punong Kagawaran sa TLE. Layiunin ng ganitong patimpalak na maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at paggamit ng wikang Ingles bilang ikalawang midya ng pakikipagtalastasan at pakikipagkomunikasyon para sa pandaigdigang pagkakaunawaan.

James L. Edillo

4 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Panitikan Digmaan Sa Aking Ilusyon

Ni Angela L. Miguel Hindi na alam ang paroroonan Wala na ang pangarap na nasisilayan Nasaan ang unang pag-big na natanim Ngayo’y nilamon na ang puso ng dilim Kasing dilim ng langit na walang bituin Ang isang nangangalit na damdamin Kasing labo ng mausok na daan Konsensyang nabura sa aking isipan Pagod na pagod ngunit paulit-ulit Ako’y tumatanggi ngunit patuloy na pinipilit Niyang kasalanang nakadikit sa kalamanan Hindi kayang iwasan o ‘di kayang talikuran Hanggang sa ako’y sumaklolo sa sulok ng kawalan Tila walang naririnig sa aking kalagayan Pero may isang lumapit at ako’y hinagkan At aking narinig sa Kanyang puso’y aking pangalan Siya pala’y matagal nang saki’y nag-aabang Nag-aalala sa aking kalagayan Hain Nya’y tubig, buhay ang halaga At walang hanggang kapahingahan sa aking kaluluwa.

NNHS, pangalawang tahanan,

Dito nabuo, magagandang karanasan.

‘Di hadlang EC o regular man,

Natutong makisama at makipagtawanan

Apat na taon sa sekundarya,

Apat ng taong puno ng saya.

Kahit may konting pagod na kasama,

Tiyak namang uuwi ng nakatawa.

Unang nahiwagaan sa Ibong Adarna,

Nainlab naman sa Florante at Laura.

Noli Me Tangere naman ang susunod dyan,

At El Filibusterismong tumatak sa isipan.

Nariyan ang JS ‘di ba?

Siguro’y nag-enjoy kayo at todo ang porma.

Nakakalungkot lang, hindi ako nakasama,

Nagkulong sa bahay, ayun! Nganga!

Di naman mawawala, mga kaibigang galing mental,

Pulos kalokohan, likas na pinapairal.

Mga kopyahang di maiiwasan,

Ngunit sa oras ng leksyon, sumi-seryoso naman.

Sa hayskul, nandiyan ang ligawan,

May mga nabubuong pag-iibigan.

Yiiiiieeee! Tinamaan ka no?

‘Wag mag-alala, di ko sasabihin sa mami mo.

Maging mag-aaral, di ganoon kadali,

Proyekto dito, takda doon, “ipasa mo dali”.

Pero konting tiis na lang, ayan na…

Madlang pipol! Tayo’y ga-graduate na!

Lahat ng ito’y di makukumpleto,

Kung wala ang ating mga butihing guro.

Na sa ati’y gumabay at nagturo,

Salitang “Salamat”, nais ipahatid sa inyo.

Sa buwan ng Marso, nalalapit na.

Suot ang toga, sa entablado tatayo ka.

Iaabot ang diplomang bunga,

Ng paghihirap at pagtitiyaga.

Isipin pa lamang, luha’y nangingilid na,

Makakaroon na tayo ng buhay na iba-iba.

Pero sana pinagsamahan, wag mawawala,

Magkikita-kita pa rin, kapit-bisig ha?

NNHS, pangalawang tahanan

Dito nabuo, magagandang karanasan.

Paalam, Hayskul Layp! Dabest ka talaga,

Wala nang papantay, ibang klase ka.

Paalam, Hayskul Layp Ni Allysa Mae S. Zulueta

SALITA Ang Iyong

Ni Reanna M. Teodosio

Sa lahat ng salitang aking narinig, Masarap man o masakit sa pandinig,

Ang salita Mo pa rin ang pinipintig Ng puso kong nananabik na makarinig

Ang Salita Mo ay makapangyarihan. Laging nagbibigay ng kapayapaan Kaya lagi akong dito mananahan

Dahil sa Salita Mo’y walang hangganan.

Ito ay liwanag na pumapatnubay Sa bawat tatahakin namin sa buhay

At ang siyang patuloy na gumagabay Upang malihis sa maling pamumuhay.

Bawat Salita Mo’y ligaya ang hatid

Sa puso kong Ikaw lamang ang may-batid. Dalangin ko’y sa iba ay maihatid

Nang bigat sa kanilang puso’y mapatid.

“ Ako’y tinatamad, ayoko na.”

Daing ng bata at siya namang tugon ng Ina.

“Ngunit papano ka sasabitan ng medalya?,

Kung diyan pa lamang ay suko ka na.”

Ako’y nahihirapan, iyon ang totoo.

Siguro nga ay mahina ang aking ulo.

Konting langis at ikot ng turnilyo,

At baka gumana at maging matalino.

Ako’y nag-aral ng mabuti upang siya’y lumigaya,

Sa lahat ng asignatura ay ginalingan ko na.

Umuwi ng bahay upang regaluhan si Ina

Isang medalya ng pasasalamat para sa kanya.

Noong musmos pa tayo nangarap

Pumasok sa paaralan ng pag-iisip ay salat

Matutong magbasa, magbilang, at sumulat

Unang pangarap ng Ina sa musmos na anak.

Kung itatangi sa pag-iisip ng iba,

Sadyang ang kanya’y di maaaba.

May hawak na chalk at nakatayo sa harap ng pisara,

Pinipilit intindihin ng batang nasa harap niya.

Medalya Ni Jona Pascual

@prindezza #GraduationNaPero

hanggang ngayon ‘di ko pa din kabisado

ang Navotas National High School

Hymn ;)))

Layts! Munting liwanag, sa aki’y napatingin,

‘Tila nasilaw ako sa tagal ng dilim.

Ulirat ng aking isip, biglang nagising,

Parang nabangungot sa tulog na mahimbing.

Ako’y napaisip, bakit nga ba naalimpungatan?

Siguro’y para magising sa’king kamusmusan.

Hindi na ako bata, iyan ang katotohanan.

Pagdedesisyo’y ‘di para sa sariling kapakanan.

Kamera! Ano nga ba ang tama? Ano din ang mali?

Ang handa kong ipakita sa nakararami.

Huwag nang ipagpatuloy ang dating gawi.

Nakatatandang pag-iisip ang makabubuti.

Mga kamalian noong paslit pa lamang,

Hatid siguro sa aki’y kaaliwan.

Ngunit ngayo’y batid na ang kawastuhan.

Liligaya pa kaya? Aba! Oo naman.

Aksyon! Iskrip nati’y hindi na kailangan,

Basta’t alam mo na ang gagawin sa parang,

Na maghahatid sa atin sa inaasam-asam.

‘Yan na’t nakatutok ang kamera ng May Alam.

Ito na ang panahon, kumbaga’y kasukdulan,

Ng isang kwentong nalalapit na ang katapusan.

Buhay sa daigdig, ‘di pang-walang hanggan.

Minuto’t segundo’y, bilang na bilang.

Cut! Tapos na ang pagpapakitang gilas,

Dito sa parte ng isang palabas.

Hihinto rin ang mundo, lahat tayo ay patas.

Huhusgahan bawat tao ayon sa ipinamalas.

Kailan kaya? Walang nakaaalam,

Basta’t ang wika Niya, ito’y paghandaan.

Ang Maylikha sa’ting kinatutuntungan,

Ay Siya ring Direktor ng sangkatauhan.

5 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Direktor Ni John Resty B. Santos

Pangarap, Kaibigan, Diyos Ni Neal L. Dela Cruz Noong akoy musmos at munting bata pa Pangarap ko’y sobrang taas at singtayog ng saranggola Maraming bagay ang gusto kong malaman Kahit itoy hindi pa matarok ng aking munting isipan Gusto kong maging astronaut, scientist, at kung ano ano pa Mga bagay na akala ko’y madali sa umpisa Ngunit nang ako’y lumaki tila naglaho ito ng parang bula Hindi ko na alam kung paano at saan ito napunta? Aminado akong nahihirapan ako Aminado akong naguguluhan ako Pero alam kong may plano ang Diyos sa buhay ko Mga planong alam kong mas nakahihigit pa kaysa sa mga balak ko. Ngayon, napagisip isip ko, habang ginagawa ang tula na ito Napakaswerte ko sa buhay na tinaglay ko Hindi ko man kasing yaman si Bill Gates at Mark Zuckerberg, Alam ko namang may Diyos ako at may mga taong totoong mahal ako. Ang tanging payo ko lamang sa’yo kapatid, Huwag hanapin ang mga bagay na wala sayo Sa halip, tignan mo ang mga bagay na tinataglay mo Dahil alam ng Diyos kung ano ang dapat at nakabubuti sa iyo.

HIMA SOK

Naisip ko na ang naging silbi ng paglahad ko ng ka-may para sa kanya. Nakatulong ba ko? Naging masaya ba siya? Nakatulong nga ba talaga ko? Basta ang alam ko lang ngayon, gusto ko, gustong gusto kong baguhin ang la-hat. Kung may pag-kakataon lang sana ako.

Panibagong araw na naman, tuwing magigising ako ay puno ng pagsisisi ang tatambad sa aking mukha. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, kung sana lang talaga, sana mas binilisan ko, edi sana maayos na ang lahat.

Si Lea lang ang naging kaibigan ko simula noong tumuntong ako sa grade 5. Tahimik siya, at laging nakatingin sa malayo pero simula nang naging magkaibigan kami ay nag-iba ang ugali niya, naging kabaligtaran ng ipinapakita niya noon, pero minsan siguro ay ganoon lang talaga siya. Minsan kasi napapansin ko na bigla bigla na lang siyang tatahimik, minsan pa nga nakikita ko siya na sulat lang ng sulat sa kulay itim niyang talaarawan pero pagkatapos niyang magsulat ay nagiging maayos na siya. Minsan sinubukan ko siyang tanungin kung ano ba yung mga sinusulat niya, pero wala siyang binigay na detalye basta ipapabasa niya rin iyon sa akin pero hindi pa raw sa ngayon.

Nakakapagtaka na napakatagal na naming magkaibigan ay hindi niya pa rin ako dinadala sa bahay nila. Hindi ko pa nga nakikita ang kapatid at tatay niya maliban na lang kay Aling Melisa, ang nanay ni Lea na nakikita ko lang tuwing kuhanan ng grado sa eskwela. Minsan ay di ko na rin tinangkang pilitin si Lea na ipasyal ako sa kanila dahil natatakot ako dahil noong isang beses ay nakita ko kung paano siya duruin at pagsalitaan ni Aling Melisa noong nasa bakuran sila ng eskwelahan. Matapos noon ay di na ko nagtangkang tanungin si Lea tungkol sa nangyari dahil seryoso nanaman siyang nagsusulat sa talaarawan niya.

Isang araw sa sobrang hindi na ko makatiis na malaman ang nakasulat sa talaarawan niya ay tinangka ko itong kunin at basahin. Kalagitnaan ng recess namin at pumunta siya sa silid aklatan para manghiram ng libro. Naisip ko na magandang pagkakataon ito para maitakas ang talaarawan niya. Isasauli ko rin naman ito pagkatapos kong basahin. “Sa wakas! Nakuha ko na rin!” katatapos lang ng recess ………………..

at wala kaming guro sa susunod na asignatura kaya nakalabas ako ng silid-aralan. Inumpisahan ko na ang pagbabasa.

August 6, 2009 Dear Diary, Simula ngayon sayo ko na sasabihin ang lahat. Wala kasi akong mapagkwentuhan at tutal alam ko namang hindi ka madaldal para ikuwento ito sa iba. Alam mo hindi ko na alam ang gagawin ko, Minsan nga naiisip ko na.

Bigla kong narinig ang boses ni Lea, kinabahan ako bigla. Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Halos naluluha. Agad agad niyang hinablot yung itim na notebook at pagbalik ko sa klase ay wala na siya pati ang mga gamit niya.

Halos 2 linggo na siyang hindi pumapasok, naisip ko tuloy na magtanung tanong sa mga kakilala niya kung saan ang bahay niya. Hindi ko inaasahan ang mga nakita ko. Kakaibang komunidad. Magulo, maingay, malayo sa inaakala ko. Nakasalubong ko si Aling Melisa. Tinanong ko kung nasaan si Lea. Magkasama kaming nagtungo sa bahay nila. Pinatuloy niya ako sa kanilang bahay at nakita ako ni Lea. Nag-usap kami. Kinuwento nya sa akin ang buong pangyayari. Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa kanya. Inaabuso siya ng kanyang ama.Hindi niya kinayang manlaban dahil binabantaan sya nito na papatayin silang mag-anak kapag nagsumbong siya. Hindi siya makapagsumbong sa kanyang ina dahil kinamumuhian sya nito at hindi raw ito maniniwala. Matapos nya itong ikwento sa akin ay binalaan nya ako. “Wag kang makikialam sa problema ko. Wag kang Manghimasok, ayokong kamuhian ka nila..”

Umuwi na ako. Hindi ko alam ang nararapat kong gawin. Ang tulungan siya? O manahimik na lamang? Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang kaibigan ko.

6 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Apat na araw ng hindi pumapasok si Lea simula ng mag-usap kami. Napagdesisyunan kong tutulungan ko si Lea kaya dali dali akong nagtungo sa bahay niya. Nakasalubong ko si Aling Melisa. Galit siya at sinabi sa akin. “ Kausapin mo nga yang si Lea, kung anu anong kasinungalingan ang pinagsasasabi, gusto yatang mag away away kami..”

Napatigil ako sa aking narinig. Pinatuloy ako ni Aling Melisa sa loob ng bahay at sinabing magtuloy tuloy na ko sa isang maliit na kwarto kung saan doon natutulog si Lea. Patuloy akong naglakad at hindi ko inaasahan ang aking nakita.

May taling nakasabit sa kisame at nasa lapag ang talaarawan ni Lea. Nanlamig ako, hindi ako makakilos mula sa kinatatayuan ko. Bigla na lamang ako napasigaw at umiyak. Lumapit sa akin si Aling Melisa dali dali nyang tinanggal ang taling nakapalupot sa leeg ng kanyang anak. Humagulgol, sumigaw, umiyak. Iyon na yata ang pinakamahabang segundo ng buhay ko. Tahimik ang paligid, ang tanging naririnig ko lang ay ang tinig ng pag-iyak ni Aling Melisa.

Siyam na araw na ang nakalipas, matatapos ko ng basahin ang talaarawan ni Lea. Puno ng kalungkutan ang naramdaman ko. Nasa dulong pahina na ako ng talaarawan niya. At binasa ko ang nakasulat.

August , 2009

Dear Diary, Tatapusin ko na ang lahat. Patawarin sana ako ng Diyos. Hindi ko na kaya. Sabi ko sayo e hindi niya ako paniniwalaan, pero ayos na ako dahil nasabi ko na at nalaman na niya. Pakisabi na lang kay Nanay at Bunso na Mahal na Mahal ko sila.

Matapos ko itong mabasa ay hindi ko napigilang mapaluha. Kung hinayaan niya lang

sana ko na matulungan siya. Kung hinayaan niya lang ako…. Sana hindi umabot sa ganito.

Katha ni Jona F. Pascual

“Walang kwentang pamilya”!?! , umalingawngaw na boses ni ate patungong gate dala-dala ang kanyang malaking bag at mga damit.

“Ikaw Cindy! Susunod ka din ba sa magaling mong ate?! Magsama-sama kayo kasabay ng pagtakip ko sa aking tainga na wari’y kala mo’y walang naririnig.

Kinaumagahan,masayang mukha ni Mama ang tumambad sa akin na animo’y walang nangyari.

“Ma, Okay ka lang ba?” tanong ko. “Oo, naman” sagot niya habang nagbabasa ng

diyaryo na parang may hinahanap. “H’wag kang mag-alala Ma, mas malaki pa diyan ang

bahay na ibibigay ko sa’yo, at hindi lang sa diyaryo makikita kundi sa buong mundo.”

“Huwag mo nang babanggitin yan! Puro kayo pangako!!” hanggang sa napatigil na siya sa kanyang pagbabasa at tumungo sa aming kwarto.

Nang araw din yaon nag-iba na ang timpla ng katawan ni Mama, lagi na lang siyang nagagalit at minsan pa’y nahuli ko siyang umiinom ng alak . Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, basta ang alam ko mahal ko si Mama.

Hindi ko siya iiwan.

---------------------------------------------------------------------------------

Lumaki ako sa pamilyang hindi buo. Oo, broken family ako, iniwan kami ni Papa sampung

taon na ang nakalilipas anim na taon ako noon. Masakit man sa akin pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na wala na kong ama,akala ko masasanay na ko pero tuwing makakakita ako na isang buong pamilya,naiinggit parin ako humihiling na kahit sa isa pang pagkakataon.

Apat na taon din ang nakalilipas simula nang-iwan kami ni Papa, mas naging close kami ni Ate Cynthia. Sobrang bait ni ate sa’kin kahit ang kulit kulit ko sinasakyan niya pa din ako. Ngunit simula nang tumuntong si ate sa kolehiyo nagkaroon na siya ng ibang kaibigan, minsan nga hindi na siya nakakauwi ng bahay sa kadahilanang may thesis pa daw siyang kailangang tapusin.Eto naming si Mama panay ang payag dahil may tiwala naman daw siya kay ate.

Dumating sa puntong nag-iiba na yung ugali ni ate

BR_K_N F_M_LY

payag dahil may tiwala naman daw siya kay ate. Dumating sa puntong nag-iiba na yung ugali ni ate

bumababa na rin yung mga grades niya. Pinatawag na nga si Mama ng Prof niya dahil lagi daw wala sa klase. Hanggang sa dumating na yung kinatatakutan ni Mama, huminto na si ate sa pag-aaral.Tumutulong na lang siya kay Mama sa pagtitinda ng barbecue.

Ako na lang ang nag-aaral sa pamilya namin. “Breadwinner” daw ako sabi ni ate minsan nga umiiyak siya sa’kin kais nagsisisI siya na hindi siya nakapagtapos dahil halos lahat ng inaaplayan niyang trabaho hindi siya tinatanggap. Lalo akong nagging determinado dahil ang laki ng expectation nila sakin kaya nagsumikap akong makapagtapos ng high school. Nakamit ko ang pagiging Valedictorian sa aming paaralang kasabay ng rurok na tagumpay na ito, unti-unting gumuho ang akala kong pangarap na matutupad.

May 2000. Tuluyan kaming iniwan ni ate, nagkaroon sila ng isang

hindi pagkakaunawaan ni Mama, tulad ni Papa iniwan niya rin kami. Akala ko may pag-asa pa kaming mabuo pero wala na. Wala na si Papa wala na rin si ate. Hindi na buo ang buhay ko.

Ngayon,kasalukuyan akong nasa kolehiyo sa kursong nursing kami nalang ni Mama ang magkasama sa bahay. Nalugi na ang negosyo naming barbecue, kaya naghanap ako ng sideline at napagpasyahang mag-working student. Bagamat mahirap pero tiniis ko lalo’t nalaman kong may sakit si Mama na tuberkulosis. Kada buwan dinadala ko siya sa doctor, kaya kahit baon ko naapektuhan para lang sa gamot ni Mama.

March 2004. Sa wakas nakapagtapos na ako. Dala-dala ang

pinakaaasam kong diploma at parangal bilang Suma Cum Laude. Nandoon si Mama kasama si Tita Carmen alam kong kahit may sakit siya hindi niya pa rin ito iniinda pilit niya paring pinakikita yung ngiti sa kanyang labi.

“Ang naging inspirasyon ko ay ang aking ina na siya kong kasama mula noong ako’y bata. At kung hindi dahil sa kanya,hindi ko ito maabot. Kaya Ma, para sa’yo ito.”Ito ang huling bahagi ng Valedictory speech ko.Pagkatapos kong

7 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

kanya, hindi ko ito maabot. Kaya Ma, para sa’yo ito.“ Ito ang huling bahagi ng Valedictory speech ko.Pagkatapos kong magsalita dali-dali ko hinagkan si Mama at ayun ang unang pagkakataon na makita ko siyang ngumiti,yung parang wala siyang iniinda na kahit anong sakit.

June 2004. Napagpasyahan kong mangibang-bansa, dahil gusto kong tuparin yung pinangako ko kay Mama.

Pinaubaya ko muna siya kay Tita Carmen para alagaan sa sakit niya.Sa awa ng Diyos, pinalad ako dito sa Amerika, naging maganda ang takbo ng buhay ko bagamat mahirap pero alam kong konting tiis nalang ay maibibigay ko yung pinangako ko kay Mama. Halos tatlong taon din bago ko mapag-ipunan yung bahay na ipinagawa ko kay Mama.

September 2007. Nagpadala ako ng sulat kay Tita Carmen na sa birthday ni Mama sa susunod na buwan uuwi ako

para sorpresahin si Mama sa pinagawa kong mansyon sa Tagaytay. October 2007. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Maaga pa lang nag-empake na ako para sa aking pag-uwi.

Excited na ko na makita si Mama pati yung mansiyon na pinagawa ko. Isang tawag ang natanggap ko galing kay Tita. “Hello Tita, kumusta si Mama?” “Hello Tita?” “Heeeellllllooooo Ciiindy?” “Alam na po ba ni Mama? Bakit parang ang tamlay mo? Hindi ba kayo masaya?” “Cindy…..” … … “Wala na ang Mam……..a mo……….”

Unti-unting nalaglag ang phone. At pumatak ang aking luha sa aking mata. Napalitan ng lungkot ang buong paligid. Huli na ang lahat. “Kung alam mo lang Ma, na tinupad ko na yung pangako ko. Kahit sa iyong huling sandali naipakita kong mahal na mahal ko kayo.

“Maiwan man ako ng aking magulang,may Panginoon pa akong aasahan.” Awit 27:10

Katha ni Flordeliza M. Martinez

Hindi kami makapaniwala ni Julia sa aming nakikita. Akala nami’y mayaman si Lola Fe, hindi pala. Wala kaming ‘choice’ ni Julia kundi pumasok. Magagarang kagamitan at karamihan ay gawa sa kahoy. Maganda ngunit makaluma ang bahay at mga bagay sa loob ng bahay ni Lola Fe.

“ Masasanay din tayo Kuya Julio, mukha namang mabait si Lola at mabubuhay tayo ng masaya at sagana dito.” , nakangiting sabi ni Julia. Habang kumakain ay nagkuwentuhan kaming tatlo nila Lola Fe, Julia at ako. Kinuwento niya kung bakit dito siya nakatira, kung nasaan ang pamilya niya at kung bakit nag-iisa siya sa kubo na ito. Marami pa kaming napag-usapan. Maging ang mga gawaing bahay, hinati ni Lola sa amin ni Julia.

Kinuwento niya rin kung bakit mahilig siya sa mga itik, kung kaya’t napakarami nito sa paligid. Matapos ang kwentuhan, kainan at iba pa. Napagpasiyahan naming magpahinga na muna. Dumaan ang ilang lingo, nasanay na kami ni Julia. Masaya sa bahay ni Lola. Mabait si Lola. Napakalambing at maalalahanin.

Isang araw, naglalaro kami ni Julia ng tirador sa likod bahay, kung saan nagkalat ang mga itik ni Lola. Nagpapalayuan kasi kami ng tira ni Julia. Iniiwasan namin ang mga itik, baka matamaan namin, mayari pa kami kay Lola.

“Ploooooooooooook.” , tira ni Julia sa bato. “Yehey, ang layo. Talunin mo yon kuya. Malamang hindi

mo kaya. Hahaha!.” , wika ni Julia Hinanda ko na ang pagtira ng bato. Isa. Dalawa… “Booooooogsh.” , tiningnan ko kung saan bumagsak. Pero

laking gulat ko ng… “ Kuya, natamaan mo yung isang itik! Hala ka! Lagot.

Kuya lapitan natin, baka napatay mo. Dali!” , gulat na sabi ni Julia. Agad, agad kaming tumakbo palapit sa itik na tinamaan

ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakatira ko. “ KUYA JULI---.” , tinakpan ko ang bibig ni Julia. Duguan

ang itik. Patay na! Lagot! Napatay ko ang isang itik ni Lola. Paano na! “ Julia, huwag kang maingay kay Lola, ibabaon natin sa

lupa ang itik at magkukunwaring walang nangyari.” , kinakabahang sabi ko.

“ Sa isang kundisyon Kuya, lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo.”, bulalas ni Julia.

“ ANO? Ang daya mo naman.” , sabi ko.

Ang Itik ni Lola “Ang patotoo ng sinungaling ay ‘di pakikinggan,

Ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan.” - Kawikaan 21:28

Maraming alagang itik si lola. Napakarami. Hindi ko mabilang dahil sa dami. Ayaw ni lola na kahit isa may mawala sa itik nya, inaalagaan nya ito ng sobra, at kapag may nawala lagot ka, kasi….

“Kuya, may aampon na daw sa atin?” , tanong ni Julia. “Oo, makikita na natin siya.” , sabi ko. Nakita ko na siya. Padating na siya. Nakangiti. Masiglang

lumalapit sa amin. Maputi na ang kanyang buhok at medyo baluktot na ang kanyang katawan. May baston na nagsisilbing alalay niya upang huwag matumba, at may makapal na salamin sa mga mata.

“ Julio, Julia, si Lola Fe, ang aampon sa inyo.” Ani ni Mamita, ang tagapagbantay sa mga batang ulila. Ikinuwento pa ni Mamita ang mga detalye tungkol kay Lola Fe. At marami pa.

“ Mga bata tayo na’t humayo, malayo pa ang ating lalakbayin. Mukhang magiging masayang lakbayin ito.” , saad ni Lola Fe.

Sabay kaming tumayo ni Julia ng magkahawak kamay. Kinakabahan ngunit masaya. Mukha namang mabait si Lola Fe at mahilig daw siya sa mga bata.

Pagdating naman sa destinasyon namin, isang probinsya ang lugar, pagkababa namin sa sasakyan, napakagandang bahay agad ang aking nakita. Bahay na pinapangarap ko, ngunit hindi kami doon nagtuloy, bagkos lumakad pa kami. Akala ko’y doon na kami titira, hindi pala. Sayang.

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad, lakad, at marami pang lakad. Ang layo ng bahay ni Lola. Maya-maya’y huminto kami, nagulat ako sa hinintuan namin, isang medyo may kalakihang kubo na may maraming itik sa paligid. Ito ba ang bahay ni Lola Fe?

“ Pasok na tayo mga bata at nang makapagpahinga.” , sabi ni Lola Fe.

“Pero kahit na pangit ka akin ka, ikaw ang baterya sa puso ko na makina. Kahit mukha kang paa nakakaloose ka at least ikaw yung tipong paa na nagpafootspa”. Ito ang unang kanta nakaagaw ng aking pansin noong umpisahang ipalabas ang tungkol sa P-POP love songs ng ABS-CBN. Ang Himig Handog ay isang kompetisyon kung saan sila ay humahanap ng magagaling at talentadong mga Pilipino sa larangan ng musika. Mayroong labindalawang kandidato para sa larangang ito: Ang “Kahit na” ni Toni Gonzaga na isinulat ni Julius James de Belen na pawang patungkol sa isang dalaga na nagmahal ng isang hindi kagwapuhang lalaki. Ang “Alaala” na aawitin naman ni Yeng ………………………………………………

“ Bahala ka. Ang itik.”, nagbabantang sabi ni Julia. “ Oo na oo na. Basta huwag kang maingay ha?”, sabi ko. “Ayos!”, masayang sabi ni Julia. Pagbalik namin ni Julia sa loob, tahimik lang ako. At agad na pumasok sa kwarto. Nagkuwanri akong inaantok na. Maya-maya’y…. “KUYAAAAAAAA, maghugas ka na ng pinggan.”, sigaw ni Julia Aba’t! Siya ang nakatoka ngayon. Nakalimutan ata niya. “Julia, baka nakakalimutan mo, ikaw ang…” “Hep, hep. Ang itik.”, pananakot ni Julia. “HUWAG KANG MAINGAY SABI E!” , naisigaw ko. “O sige. Maghugas ka na.”, iniwan na niya ko at natulog. Lagot na! Kailangan kong sundin si Julia. Pagkatapos kong maghugas, bumalik ako sa kwarto. Nakita kong natatawa si Julia. “ Kuya, magdilig ka daw ng halaman sa bakuran, sabi ni Lola Fe.”, utos niya. “Hindi ba’t ikaw ang inuutusan? Tumayo ka dyan at ako’y magpapahinga.”, angal ko. “ANG ITIK.”, muling pananakot niya. Wala akong nagawa kaya’t nagdilig na ako ng halaman. Dumaan pa ilang araw at parati kaming

nag-aaway ni Julia tungkol sa mga pag-uutos niya sa akin, at kapag magrereklamo ako, tanging “ANG ITIK” lamang ang sinasabi niya kaya’t napasusunod na ako. Dahil na rin sa takot ko kay Lola Fe.

Dumaan ang isang linggo, hindi ko na nakayanan ang pang-aabuso ni Julia kaya’t napagdesisyunan ko ng aamini ko na kay Lola ang nangyari sa isang itik.

“Lola Fe, noong nakaraang linggo po ay napatay ko ang isang itik ninyo, dahil natamaan ko ng tirador, hindi ko naman po sinasadya eh. Patawarin ninyo po ako” , umiiyak kong paliwanag.

“Apo, Julio, tumahan ka’t tumingin sa akin.”, Sinunod ko sila Lola at nag-aabang ng aking parusa. “Alam ko na iyon, nakita ko ang nangyari noong binantayan ko kayo sa may

bintana. Hinihintay lamang kitang lumapit sa akin at humingi ng tawad. Napapansin ko din ang pagdalas mong gumawa ng gawaing bahay, marahil parusa ni Julia sa iyo yon.” nakangiting paliwanag ni Lola Fe.

“JULIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.”, ang tanging nasigaw ko. Katha ni Angela L. Miguel Katha ni Angela L. Miguel

8 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Himig Handog P-Pop Love Songs

Constantino na isinulat nina Ma. Fe Mechenette, G. Tianga, M. Meryana at J. Jabat Jr. na tungkol sa isang taon na paghihintay sa kanyang minamahal na ang alaala na lamang nito ang bagay na meron sya. Kabilang din dito ang isinulat ng isang director na si Joven Tan ang “Anong nangyari sa ating dalawa” na aawitin naman ni Aiza Seguerra.Ito ay patungkol sa paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan. Kasama sa nakapasok sa top 12 ang mga batang-bata at baguhan sa pagsusulat na sina Marion Aunor para sa awiting “If You Ever Change Your Mind” at “Tamang Panahon” na aawitin naman ni Win Andrada. Isinulat na man ng batikan na manunulat na si Soc Villanueva ang awiting “ Hanggang Wakas “ na patungkol sa isang mahal na mawawala dahil sa isang karamdaman na aawitin ng magaling na mang-aawit na si Juris Fernandez. Ang awitin namang isinulat ni Jungee Marcelo ay “Nasa Iyo Na Ang Lahat” na aawitin ni Daniel John Padilla. Kakaibang istilo naman ng pag-awit ang maririnig kay Angeline Quintos sa mellow love song na “One Day” na isinulat ni Agatha Morallos. Ang Manunulat naman na si Jeffrey Cifra ay sumulat ng isang awitin na patungkol sa isang nagmamahal na iniwan at ngayon ay humihiling kung pwedeng sya na lang ulit ang ibigin nito na aawitin naman ni Bugoy Drilon. Si Jovit Baldivino naman ang bibirit sa kantang “Sana’y Magbalik” na isinulat ni Arman Alfarez. Ito ay tungkol sa isang taong naghihintay sa kanyang minamahal na nang-iwan sa kanya sa kabila ng kanyang wagas na pag-ibig para dito. Samantala, kakantahin naman ng X-Factor winner na si KZ Tandingan ang awiting “I’m Scared To Death” na isinulat ni Domingo Cubelo. Tinatalakay nito ang pagkatakot ng isang tao sa pagkawala ng kanyang minamahal dahil sa sobrang pagmamahal nito ay hindi niya kayang mahiwalay dito. Bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon sa mga awiting ito ngunit sa darating na ika-24 ng Pebrero, gaganapin ang paggagawad ng parangal para sa mga kalahok na nagustuhan at ibinoto ng taong bayan na gaganapin sa MOA (Mall Of Asia) Arena. Sabay-sabay nating tunghayan ang huling pagtatanghal ng mga kandidato para sa kanilang pambato.

Zandra Jellika S.Manansala

9

0

LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Agham

“Lahat ng tao ay pantay-pantay”. Ito ang kalimitang maririnig mula sa mga tao na ang paniniwala ay ang lahat ng tao ay magkakatulad. Pare-parehong humihinga kumakain, natutulog at gumigising. Pero sa mga pagkakataong ganito, masasabi mo pa rin kaya na lahat tayo ay pantay-pantay? Meron bang basehan ang siyensya sa mga ganitong uri ng tao na kakaiba kaysa karamihan?

Si Scott Flansburg ng San Diego California ay tinaguriang “human calculator” na kung saan kaya nyang kompyutin ang complex arithmetic sa pamamagitan lang ng kayang utak.

Si Dennis Rogers ng Houston, Texas , na tinaguriang "pinakamatibay na tao sa mundo".

Si Dean Karnazes ng San Francisco, California , na maaaring balewalain ang matinding pagkapagod at tumakbo ng 50 marathons sa 50 estado sa 50 araw.

Si John Ferraro ng Boston, Massachusetts , na mayroong makapal na bungo na maaaring makatiis sa pagputok ng isang sledgehammer.

Mga Ekstraordinaryong Tao

Mula Sa Ordinaryong Mundo

Si Chris Robinson ng Edinburgh, Scotland na naniniwala na ang kanyang mga pangarap ay mahuhulaan sa hinaharap.

Si Kenny Muhammad ng New York City , "Ang Human Orchestra", na maaaring gayahin ang mga kumplikadong rhythms beatbox sa kanyang bibig.

Si Zamora ang Hari ng pahihirap (a.k.a Tim Cridland) ng New York City, na tinutuso ng skewers ang kanyang sarili na walang nararamdamang anumang sakit o pagpapadanak ng dugo.

Si Patrick Musimu , ng Bonaire, Dutch Caribbean ay kayang mag dive sa halos 700 talampakan at pigilin nang matagal ang kanyang hininga para sa higit sa 8 minuto.

Ilan lamang ito sa mga kakaibang tao na naninirahan dito sa ating mundo. Sila ang tinatawag na mga “superhumans” na kakaiba kumpara sa ordinaryong tao sa mundo. Pantay-pantay pa rin kaya tayo kung meron talagang mga tao na nilikha na sadyang iba sa katulad nating ordinaryo? Sa paningin ng diyos, Oo, pero sa paningin ng tao, hindi ito sigurado.

Ni Zandra Jellika S. Manansala

Pangkalusugan

Alam mo ba na tatlo sa bawat limang tao sa buong mundo ay napag-aalamang anemic o kulang sa dugo? Ang Anemia ay isang kondisyon kung saan ang mga red blood cells sa katawan ng tao ay nagkukulang o bumababa ang bilang na sanhi ng pagkahilo,mabilis na pagkapagod, kahirapan sa paghinga at ang mas delikado ay ang pagkakaroon ng leukemia o kanser sa dugo. Ayon sa pag-aaral,mas mataas ang porsyento ng mga babaeng nagiging anemic sapagkat nagkakaroon sila ng buwanang dalaw o monthly period na sanhi ng pagkabawas ng kanilang dugo. Isang dahilan rin ng pagbaba ng dugo ay ang madalas na pagpupuyat, palagiang pagod o stress, at pagkakulang ng iron sa katawan.

Ang mabilis na pagtibok ng puso,pagiging pale ng kulay o pagkamaputla, kakulangan sa hininga at pagkalagas ng buhok ay ilan lamang sa mga sintomas na ang isang tao ay anemic. Upang maibalik sa dating bilang ang mga red blood cells at bumalik ang buhay ng iyong matamlay na katawan, nangangailangan ang tao ng sapat na iron sa katawan na matatagpuan sa ilang piling mga pagkain. Pangatlo sa 10 pangunahing pinagkukuhanan ng iron ay ang atay. Mayaman ito sa iron at sa katunayan noong 1900’s ito ang itinuturing na gamot para sa anemia. Ang Duck liver ang syang pinakamayaman sa iron sa lahat ng liver na merong 30.5mg (170% DV) sa bawat 100g na serving. Pangalawa ang pork liver, chicken liver, turkey liver, lamb liver at beef liver.

Mahalaga na ingatan at pangalagaan natin ang ating pangangatawan at ang dugong nananalatay sa ating katawan. Sa tamang oras ng pagtulog, pag-iwas sa sobrang pagod, pagkain ng tama, at pageehersisyo, ating makakamtan ang malusog at maayos na pangangatawan.

Pagkain ng Atay, Kontra Anemia Ni Zandra Jellika S. Manansala

LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon 10

Lathalain Taun-taon ay nagkakaroon ng

National Achievement Test o NAT sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan dito sa Pilipinas. Ang mga nasa ika-3 at ika-6 na baitang sa elementarya at ang mga nasa ika-4 na taon sa sekundarya ang siyang kumukuha ng ganitong pagsusulit upang malaman ang kakayahan o “mastery level” ng mga estudyante sa bawat asignatura.

Nitong nakaraang taon lamang ay nanguna ang Navotas National High School sa NAT sa buong National Capital Region. Kung kaya naman pinag-iigihan ng ating paaralan upang manatili tayo sa ating posisyon.

Sa katunayan, gumawa ang paaralan ng panibagong iskedyul na kung saan magkakaroon ng rebyu ang mga nasa ika-4 na taon sa hayskul tuwing Lunes hanggang Miyerkules upang matutukan at balik-aralan ang kanilang mga leksyon na kanila nang napag-aralan noong mga nakaraang taon at sa kasalukuyan. Malaking tulong ang ganitong sistema nang sa gayon ay mas lumawak pa ang kaalaman at isipan ng mga mag-aaral.

Sa huli, nasa kamay pa rin ng mga estudyante at maging ng mga guro ang kalalabasan ng resulta ng NAT. Ang mahalaga, atin itong pagbutihin at pagtuunan ito ng pansin upang mas maiangat ang pangalan ng ating paaralang, Navotas National High School.

Allysa Mae S. Zulueta

NAT Rebyu

Ang Kahabaghabag Jona F. Pascual

Ang Les Misérables na sa salitang Filipino na ang ibig sabihin ay “Ang Kahabaghabag” na isang nobela ay likha ng isang tanyag na manunulat na si Victor Hugo. Ang istorya nito ay nakatuon sa pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ang kanyang karanasan sa katubusan. Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa, at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransya, arkitektura ng Paris, pulitika, pilosopiyang moral, katarungan, relihiyon, at mga uri at kalikasan ng pag-ibig na romantiko at pangmakabayan.

Nakikilala ng marami ang Les Misérables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula, katulad ngpagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat.

Ang mga pangunahing tauhan sa Les Misérables na ipinalabas bilang isang pelikula noong 2012 sa direksyon ni Tom Hooper ay ginampanan nina : Hugh Jackman bilang Jean Valjean, Russell Crowe bilang Javert, Anne Hathaway bilang Fantine, Amanda Seyfried bilang Cosette, Sacha Baron Cohen bilang Thenardier, Helena Bronham bilang Madame Thenardier, Eddie Redmayne bilang Marius, Aaron Trevier bilang Enjolras, Samantha Barks bilang Eponine, Daniel Huttlestone bilang Gavroche, at Isabelle Allen bilang batang Cosette.

Umabot ng maraming papuri ang pelikula simula ng una itong ipalabas sa New York noong Nobyembre 23, 2012. Nominado ang Les Misérables sa 2013 Oscars Awards para sa Best Picture, Actor in Leading Role, Actress in Supporting Role, Costume Design, Make-Up and Hairstyling, Music (Original Song), Production Design, at sa Sound Mixing. Nominado rin sa ang Les Misérables sa 85

th Academy Awards, at sa Screen Actors Guild

Awards kung saan napangaralan si Anne Hathaway na Outstanding Performance by a Female Actor in a Supporting Role sa kanyang pagganap bilang Fantine sa Les Misérables . Ang Les Misérables ay umani rin ng parangal sa Golden Globe Awards ng Best Picture, Best Actor at Best Supporting Actress.

Sa panahon sa post-screening Q &A sa Oscars, si Anne Hathaway ay nagsiwalat na ang kanyang ina ay gumanap din sa play bilang Fantine sa produksyon ng Philadelphia ng Les Misérables ito ay noong si Anne Hathaway ay pitong taong gulang pa lamang; ginanapan ng kanyang ina ang parte kung saan sa ang tagpo ay nasimula sa pagiging factory worker at hanggang sa tagpo na hinamak at pinatalsik sa trabaho si Fantine, ngunit kalaunan ay nakuha parin nitong isadula ang primaryang parte ng Les Misérables sa entablado. Gayundin, si Amanda Seyfried ay nagsiwalat na siya ay gumanap bilang Cosette sa isang pambaguhang produksyon ng Les Misérables noong siya ay labin limang taong gulang.

@amAnnaeR #GraduationNaPero wala pa rin akong first dance.

Awts </3 T.T

@direkresty #GraduationNaPero ‘di ko

pa rin alam kung anong

course ang kukunin ko x(((

11 LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

The Pursuit of Happyness ay isang pelikula sa Amerika noong 2006. Ito ay ayon sa talambuhay ni Chris Gardner na ang suliranin sa buhay ay ang walang matirhan, iniwan ng asawa, nawalan ng pera, at kung paano niya bubuhayin ang anak niyang lalaki. Ito ay nilikha ng director na si Gabriele Muccino. Ang pilmograpiyang ito ay ginampanan ni Will Smith bilang Chris Gardner at ng anak niyang si Jaden Smith bilang Christopher Jr.

Ang pelikulang ito ay naipabalas noong Disyembre 15,2006 at ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng Columbia Pictures. Dahil sa ipinamalas na galing ni Will Smith sa palabas na ito, siya ay kasama sa nomido para sa Academy Award at Golden Globe bilang best actor. Ang pelikulang ito ay kumita ng $27,000,000 sa kanilang unang linggo. At di naglaon ang kanilang kinita ay umabot sa $162,586,036 sa bansang US at Canada at natalo ang mga pelikulang Eragon at Charlotte’s Web. Ang palabas ay naglabas ng kanilang DVD noong Marso 27,2007 at noong Nobyembre 2007, Sa US ay kumita sila ng $89,923,088 na halos kalahati ng kanita nila noong unang linggo na ito’y kanilang ipinalabas. Ang titulo ng pilmograpiyang ito ay nagpapahayag ng malalim na pagkakahulugan sa salitang “happyness”. Sa pamamaraang ito ay nabigyang empasiya o kahalagahan na sa pamamagitan ng malalim na pagunawa sa pagsubok ng buhay ni Chris Gardner ay doon niya natagpuan ang esensya ng totoong kaligayahan. Ang iba pang tauhan sa palabas ay sina Thandie Newton bilang Linda Gardner, Brian Howe bilang Jay, Dan Castellaneta bilang Alan Frakesh, James Karen bilang Martin Frohm, Kurt Fuller bilang Walter Ribbon, at Takayo Fischer bilang Mrs. Chu. Ang pelikulang ito ay humakot ng maraming papuri dahil sa taglay nitong kagandahan, sa galing ng mga gumanap dito at dahil na rin sa magandang aral na matutuhan ng mga manonood dito.

Neal L. Dela Cruz

thePURSUITofHAPPYNESS

HABAGAT Lungsod ng Navotas

nakabangon na sa pananalasa ng “Hanging Habagat”

Umabot sa 122 katao ang nasawi habang mahigit sa 50 katao ang nawala sa panananalasa ng bagyong “Gener”, na lalo pang pinaigting ng hanging “ Habagat” sa Luzon at sa buong Metro Manila lubos na pinanghambahan dito ay ang madaling pagtaas ng tubig sa (NCR) National Capital Region kabilang na rito ang Lungsod ng Navotas. Hindi akalain ng mga tiga Navotas na magsasanib pwersa ang “Gener” at” Hanging Habagat” ,na mas lalong nagdulot ng mataas at matagalang paghupa ng baha, sumabay pa dito ang high tide. Higit na naapektuhan din dito ang mga mag-aaral na isang buong linggo ding nawalan ng pasok. Ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Navotas ay nag-anunsyo sa pagbabalik ng klase sa Twitter account nito . Ang Navotas din ay isinailalim sa State of Calamity matapos malaman na madaming barangay ang naapektuhan sa pananalasa ng Habagat at Gener .

Ilang buwan na din ang nakalipas ng mangyari ang sakunang ito at ngayo’y makikita ng tuluyan ng nakabangon ang Lungsod ng Navotas at iba pang lugar na sinalanta nito. Nagulantang ang lahat dahil isang “Hanging Habagat” ay makakayanan palang salantain ang mga lugar.Sa isang banda naipamalas na naman ng mga Pilipino ang kanilang kabayanihan na, “Sa pamamagitan ng pagtutulungan sa panahon ng kagipitan", at dahil dito napapatunayan lahat ng tao ay pantay- pantay walang mayaman walang mahirap sa panahon ng kalamidad.

Aiko G. Delos Santos

11

12

Entertainment LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

SUDOKU

SAGOT

Komiks

13

LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

De Jesus-Pangan, Umarangkada Sa Chess

Ni Gene Ace T. Sapit

Ipinamalas nina Eloisa De Jesus (IV-EC), at Vince Bernard Pangan ang kanilang kahusayan sa paglalaro ng Chess matapos nilang pagharian ang Girls at Boys Division sa naganap na Division Meet Chess Competition noong Nobyembre 26-27, 2012 sa Tanza Elementary School.

Umuwing luhaan ang mga kalaban nila ng masungkit ni De Jesus ang gintong medalya at silver naman kay Pangan. Karangalan nilang maiuwi ang pwesto ng una at ikalawang karangalan. Samantala, napunta naman sa San Jose Academy ang ikatlo at ikalawang pwesto sa Girls and Boys Category, at San Rafael Village naman para sa una at ikalawang gantimpala sa Boys and Girls Category.

Gabriel-Agas-Vilaria, Wagi Sa Singles!

Gabriel-Agas-Vilaria, Wagi Sa Singles!

Ni Gene Ace T. Sapit

Nakagigilalas na aksyon ang ipinamalas nina Maribel Gabriel, Marie Agas at Yvonne Vilaria matapos sungkitin ang mga medalya sa ginanap na Division Meet Table Tennis Competition sa Navotas City Sports Complex noong Nobyembre 26-27, 2012.

Sa Singles A Competition, nag-iinit na smash slots ang pinaulan ng ating tatlong pambato matapos tibagin ang matitibay na depensa ng kanilang mga kalaban. Nagpamalas rin ng kamangha-manghang performance ang tatlo matapos kuhain ang tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa Single A at makamit ang unang pwesto.

“Sapat na sa amin na makuha namin ang gintong medalya sa Single ……………………………………………….hard para maging matagumpay parin tayo next year!”, dagdag ng

A Competition. We have to practice hard para maging matagumpay parin tayo next year!”, dagdag ng kanilang coach na si G. Saludes.

Esperanza, Ikaw Na! Ni Gene Ace T. Sapit

Hindi lang sa sukatan ng galing ng katawan ang ipinamalas ng ating mga ka-eskwela, ngunit pati na rin sa husay ng utak at ganda. Ipinakita ni Ma. Karina Esperanza (IV-EC), ang kaniyang galing simula sa pagpapakita ng husay sa pagrampa, hanggang sa pagsagot ng tanong kasama ng kaniyang iba pang kalahok sa ginanap na Division Meet Mr. And Ms. Palaro Competition. Nakuha ni Esperanza ang ikalawang pwesto. Samantala, ang La Naval Academy naman na si Eryka Lucas ang nakahakot ng unang gantimpala.

Editoryal

Sports

Lubak sa Tuwid na Daan Noong Pebrero 12, 2013, nagumpisa ang

Campaign Period sa hanay ng mga kandidato sa

National Posts. Sa pangkalahatan, ito 'yung

tumatakbo bilang Pangulo, Pangalawang

Pangulo, Senador, at Partylist Representatives.

Pero ngayong midterm elections, mga

kandidato sa pagka-senador at partylist

representatives ang sakop ng 90-days campaign

period na sinimulan kahapon, Peb. 12,

hanggang Mayo 13.

Sa hanay naman ng mga kandidato sa Local

Posts, katapusan ng Marso ang umpisa ng

kanilang 45-days campaign period. Para naman

ito sa mga kandidato sa pagka-kongresista ng

bawat distrito at local posts tulad ng pagka-

gobernador, alkalde, mga bise, board members

at konsehal sa Eleksyon ngayong Mayo.

Syempre, dahil pumasok na ang campaign period, inaasahang nakabantay na ang Commission on Elections

(COMELEC) sa mga 'pasaway' na lalabag sa alituntunin ng komisyon. Tulad na lang ng pagkakabit ng mga

campaign materials kung saan-saan lalo ang pagkakaroon ng illegal posters, o kaya ay iyong lalampas sa

itinakdang airtime limit ng patalastas sa radyo at telebisyon, pati na sa nilimita ring laki ng patalastas sa mga

nakaimprentang midya.

Eleksyon na naman! Mahaba-habang lakbayin ito at tunay na hindi madaling trabaho bilang pawang tungo

sa isang maayos at malinis na Eleksyon. Kung ang komisyon lang ang kikilos, may kalabuan talaga. Sa lawak ng

bansa, mahihirapan talaga silang i-monitor sa bawat sulok ng Pilipinas. Masasabi 'kong panahon na naman ng

lokohan ng mga kandidato para sa boto ng bawat tao. Panahon para madagdagan na naman lubak sa “tuwid na

daan”!

Gene Ace T. Sapit

LUNDAY: Malayang Agos ng Imahinasyon

Isa rin sa mga pinakaaabangang paligsahan tuwing Pangisdaan Festival ay ang paligsahan ng pinakamagagandang dilag ng bawat barangay sa lungsod ng Navotas. Maipagmamalaki namin ang pagsali ng dalawang mag-aaral ng Navotas National High School sa nasabing paligsahan. Isa rito si Ms. Rosa Mae Garino (IV-EC), at si Ms. Lara Micaela Reyes (IV-Obedience). Pinakita ng NNHS ang galing ng mga kalahok na ito pagdating sa larangan ng kagandahan at katalinuhan. Labing-apat na nag-gagandahang kababaihan na kinatawan ng labing-apat na Barangay ang nagtunggali para maiuwi ang nag-iisang korona at titulo bilang Mutya ng Navotas 2013.Bandang huli, nauwi ni Garino ang ika-limang pwesto, samantalang itinanghal namang Mutya ng Navotas si Ms. Clarisse Espiritu ng Brgy. Tanza.

Sports

Mutya ng Navotas 2013

Ni Gene Ace T. Sapit

NNHS, Segunda Sa

Badminton! Ni Gene Ace T. Sapit

Umuusok na performance ang ipinamalas ng magkatandem na Evan Joseph Obusan (IV-EC) at Mark Denmer Jiongco (IV-INTEGRITY) sa ginanap na Division Meet Badminton Competition sa RS Badminton Court noong Nobyembre 26, 2012.

Sunud-sunod na nagliliyab na smash shots ang pinakawalan ng dalawa na nagpatunay sa kanilang pagiging batikan sa larangang ito. Hindi man nasungkit ang unang pwesto dahil napasakamay ito ng San Jose Academy, pinatunayan parin nila ang kahusayan ng mapunta sa kanila ang ikalawang pwesto sa Doubles Category. Nagwagi din sa ikalawang pwesto sina Bless Linaban at Christopher Padilla sa Single A/Single B Category.

“Ikinararangal kong maging coach nila. Pagsusumikapan pa namin sa susunod para sa atin naman mapunta ang unang pwesto”, pahayag ng kanilang coach na si Gng. Editha Cases.

Santos at Doringo,

Sinisid ang Kampeonato! Ni Gene Ace T. Sapit

Nilangoy nina Ronalyn Santos (GR.7-ONYX), at John Carlo Doringo (GR.7-DIAMOND) ang daan tungo sa tagumpay matapos nilang hakutin ang 5 gintong medalya (Santos), at 2 silver/1 gintong medalya (Doringo) sa ginanap na Division Meet Swimming Competition noong Nobyembre 27, 2012.

Tuluyan ng nalunod ang mga pangarap ng kanilang mga kalaban nang kunin ni Santos ang unang pwesto sa Backstroke (200m), 2 Backstroke (100m), Breaststroke (200m), Breaststroke (100m), at Freestyle (100m) sa Girls Division. Nakuha naman ni Doringo ang unang pwesto sa Freestyle (100m) at ikalawang pwesto sa Breaststroke (200m), (100m). Samantala, nasungkit naman ng La Naval Academy ang ikalawang pwesto sa Boys Division, at San Jose Academy sa Girls Division.

Umarangkada ang galing ng NNHS Basketball Team matapos pataubin ang mga katunggali at masungkit ang ikalawang pwesto sa ginanap na Division Palaro Basketball Competition sa Navotas City Complex noong Nobyembre 26-27, 2012.

Sa unang game pa lamang ng grupo, nagpamalas ito ng nagliliyab na performance at kanilang pasikatan sa court. Dahil sa tagumpay nito, umangat ang koponan sa Finals kontra Tangos National High School.

Sa laban naman kontra TNHS, mga nagbabagang drop shots na ang pinaulan ng NNHS ngunit tila nagtayo ng matitibay na pader ang kalaban bilang depensa at nagawang palamigin ang nag-iinit na NNHS. Dahil dito, natapos ang labanan na may 7 puntos na lamang ang Tangos. Dito nasungkit ng TNHS ang tagumpay.

Gene Ace T. Sapit

NNHS Basketball Team, Ginimbal Ang Hardcourt!

14


Recommended