29
Kasaysayan Ng Pahayagan Sa Pilipinas IPINASA NI: Avigail G. Maximo BSEFilipino

Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kasaysayan ng Pahayagan sa Pilipinas mula noon hanggang kasalukuyan

Citation preview

Page 1: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Kasaysayan Ng

PahayaganSa

Pilipinas

IPINASA NI: Avigail G. Maximo BSEFilipino

Page 2: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1637) Succesos FelicesNagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila.

Natutuhan ni Pinpin ang sining ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya nailagay kung kailan ang tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas niyon.

Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval laban sa mga Dutch sa Ternate.

Nagtagal ito hanggang 1809.

(1799) Aviso Al Publico

Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices to the Public) nalumitaw noong Pebrero 27, 1799.

Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng isang malaking kwaderno .

Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Moslem at pagkabihag ng mga pirata sa Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.

Page 3: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1811) Del Superior Govierno

Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang sa araw ng lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon.

Malaking bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan.

Tumagal ito ng tatlong taon at nagbukas upang maging pangaraw-araw na pahayagan.

Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian sa patnugot ni Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto 8, 1811.

Siya ang naging patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at Pransya.

Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila, ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas ay kusa nang namatay.

(1846) La Esperanza

Page 4: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1847) La Estrella

Sa patnugot ni Felipe del Pan

at tumagal hanggang 1852.

(1848) Diario de Manila

Nahinto na ang publikasyon noong 1849.

(1849) El Instructor Filipino El Despertador

Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang araw-araw naman ang El Despertador na di

naglaon ay nagsama’t naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.

(1850) Diario de Avisos y Noticias

(1851) El Observador Filipino

Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.

Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na.

(1852) Boletin Oficial de FilipinasMula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at

pinangalanang Boletin Oficial de Filipinas.Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala ang kanilang patalastas nang hanggang anim na

linya lamang. Ito ay tumagal hanggang taong 1860.

Page 5: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1859) Ilustracion FilipinaUnang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang

beses na isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.

(1861) Gaceta de ManilaMula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang ito at pinangalang Gaceta de Manila.

Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang magsabskrayb dito ni Gobernador Henral Blanco.

Naglalathala dito ng mga batas militar para sa 8 lalawigan ng Luzon, mga patalastas ang gobyerno, opisyal na kautusan, mga court orders at iba pang mahahalagang impormasyon.

Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895 limang araw bago tayo sakupin ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng 38 taon at itinuturing na pinakamatagumpay na pahayagan sa panahon ng mga Kastila.

(1858) El ComercioIsang pahayagang pang-hapon mula sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at kalunan ay pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y Ovejero.

Page 6: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1862)

El Catolico FilipinoIto ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong

pahayagan mula sa patnugot ni Mariano Sevilla.

La Oceana Catolica

La Espafia Oceanica

El Pasig

Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios  noong 1861 na di kalaunan ay naging La Espafia Oceanica .

Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang magbigay edukasyon sa

mambabasa. Dalawang beses sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit

di rin nagtagal at tuluyang nawala.

(1863)El Correo de Filipinas

(1864) Boletin del Ejercito

Ito ay pahayagang nakatutok sa

mga sandatahang lakas at di gaanong

binigyang interes ng publiko kaya

tuluyan rin naglaho.

Page 7: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1865)

El Povenir Filipino

Revista Mercantil

Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran ang pahagayan na ito na laging muntik-muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot.

Naging babasahin ito ng mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan ni Lorenzo Sanchez (isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10, 1871.

Isang linguhang pahayagang pang-komersyo na pinangunahan ni Joaquin de Loyzaga na di kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio bilang kontributor.

PANAHON NG HIMAGSIKAN

Page 8: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1866) Pevista de AdministracionSi Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang

ito na kung saan lahat ng patnugot at mga kontributor ay

pawang empleyado ng pamahalaan. Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga artikulo ngunit

tumagal lamang ng ilang buwan.(1868) El Diario de Avisos

Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at naging huli na noong Oktubre 11, 1869.

(1869) El ComercioIsang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni

Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858.

Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang may parehong pangalan.

Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin ay si Jose de Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot.(1874) El Travador Filipino

Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo.

(1875)Revista de Filipinas El Oriente

Linguhang pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang

may kaugnayan sa agham at mga literaryong gawain.

Linguhang pahayagan na naglalathala ng

ibat’ibang mga rebyu at ilustrasyon.

(1876)El Correo de Manila Boletin Eclesiastico

del Arzobispo de Manila

Page 9: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

La Oceania EspañolaPumalit sa El Povenir at

nagpatuloy hanggang 1899.

El Avisador de Manila(1877)

Nabuo ilang buwan matapos maganap ang Treaty of Paris

La Ilustracion del Oriente La Catalan(1878) La Lira Filipina

(1879)Revista del Liceo-Artistico-Litrato de Manila

Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng isang buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881.

(1880) Diario de Filipinas

(1881)Tumagal lamang ng anim na

buwan.

La Linterna Ecuestre Boletin de AvisosNaglathala ng linguhan ngunit

sandaling panahon lamang.

Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ngunit

panandalian lamang din.

(1882)Boletin de la Real Sociedad Economica

Filipina de Amigos del Pais

Revista Filipina de Ciencias y Artes Revista del Liceo

Boletin de la Libreria Espafiola

Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo buwan-buwan na tumagal hanggang 1899.

Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham.

Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto at mga pananalitang "Here we have

another demonstration of how few people in the Philippines read"

Page 10: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Diariong Tagalog

El Foro Juridico Re’vista deLegislacion y Jurisprudencia

Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na

may islogang "It is possible to love the Philippines without

hating Spain and to love Spain without hating the

Philippines.“ Ito’y tumagal lamang ng limang

buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking

bagahdan ng tagapagtangkilik sa

nasabing ideya ng islogan.Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio.

Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador

Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan Matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli

itong binuksan noong 1893 sa pangalang Consultor de los Jueces de Paz,

ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan.

(1884)

Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila

ngunit nahinto rin sa parehong taon. La Semana Elegante

Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”. Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi

ng pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara.

El Eco de Vigan

El Povenir de VisayasItinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang

pahayang ito na nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng

mga Amerikano noong 1899.

El Eco de Panay

PANAHON NG PAGBABAGO

Page 11: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

El Povenir de Visayas (Cebu)Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo

Jimenez, kapatid ni Diego Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanggang sa panahong bago masakop ng

Amerikano ang bansa.

(1886)

Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.

La PuyaManila Alegre El TemblorEl Chiflado

Manalilla

La Regeneracion-Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.

El FenixDiario Catolico(1887)

Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal

sa pamamahala.

La OpinionPahayagang naglalathala ng

hayagang pagsalungat sa mga prayle , pagpapaalis sa arsobispo

at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na

sinundan ni Jesus Polanco na tumagal hanggang 1889. Ito ay

muling binuhay noong 1890 sa pangalang

El Eco de Filipnos. La Voz de Espafia

Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro

si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong

1892 pinangalanan itong La Voz de Española sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by

Spain and for Spain“.

Page 12: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Revista Popular de Filipinas

(1889)

El Enuciador Ilonggo

Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na di kalaunan ay naging dalawang beses na lamang na

isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896.

Revista Catolico

Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong Setyembre 1888 na may halong mga anunsyong

sibil. 1896 ang huling isyu.

Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal.

La Correspondencia de ManilaIbinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit

umiral lamang ito ng tatlong buwan.

Boletin de la Camara Comercio de ManilaItinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na

nagpatuloy hanggang sa panahon ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala .

Gaceta NotarialSinimulang ng Mayo

1889 at nagpatuloy hanggang

1896.

El IlocanoSinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga Ilocano na may halong wikang Espanyol. Dalawang beses kada-buwan

maglabas ng isyu.

(1888)La España Oriental

Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol

sa relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang ikinabuti nang buong sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig

nito ang La Opinion.

La AlhambraBinuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang

mayamang abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining , agham at sosyal na interes. Dalawang isyu kada buwan ang

paglathala na umiral hanggang ika-30 ng Hunyo 1890.

Page 13: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889.

Anales de Agricultura

La SolidaridadUnang lumabas noong

ika-15 ng Pebrero, 1889 sa Madrid Spain na

ginastusan ni Dr. Pablo Riazares mula sa

patnugot ni Graciano Lopez Jaena.(1890)

La Caneco El Papelito MercantilIka-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin

nagtagal sa industriya tulad rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil.

Patnubay Nang CatolicoUnang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni

Pascual H. Poblete, ngunit di rin nagtagal.

Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang tumagal.

El Avisador Filipino

Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.

El Resumen

Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre..

El Domingo

El Pajaro VerdeIka-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente

Garcia Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala upang maglibang ng mga mambabasa at

makalimot sa kanilang mga problema.La LilliputenseIka-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu

patungkol sa mga kabataan ng bansa. Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.

Page 14: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu.

La Lectura Popular

(1891)El Bello Sexo

La Illustracion FilipinaEl Asuang-Pahayagang laan para sa mga kababaihan.

Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.(1893)

 Bukod sa Boletin Oficial del Arzobispado na muling naglathala, may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng

El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico

Festivo, La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) ,

Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la

Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua. (1894)

Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag

na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor de

Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at

ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot-Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong

gawainsa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng

sundalong opisyal). El Cinfe and Sorpresas-Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na taon.

El Espafiol na naglathala hanggang 1898.

Page 15: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1895)  Boletin del MuseoBiblioteca sa patnugot ni Pedro A.

Paterno na bumalik mula Espanya. Boletin Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at mga

propesyon ang nilalaman. La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas

na itinayo ni Jose Martin Martinez (1896)

Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang

Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896

Naglalayon itong ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng

mga prayle at mga kastilang opisyal upng makapag-organisa ng isang rebolusyon. Nakalathala rin

sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang ebedensya upang

makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong

isa sa pinakamahalagang pahayagan sa Kasaysaynng

Pilipinas.

Ang Kalayaan

Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica de la Ciudad de Manila sa

patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging

wikang Ingles ang ginamit, El Correo,  El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa

buwan lamang at El Noticiero de Manila bilang

pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman ng mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog

tulad Ang Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang

nakalathala sa wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.

Page 16: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1898)

Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang kapatid na si Joaquin noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon ng rebolusyon.

La Independencia

Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni

Clemente Jose Zulueta.

The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa

patnugot ni Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng

pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang

Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.

Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa

unang pagkakataon ang El Heraldo de la

Revolicion Filipina.  Ito ay naging opisyal

na publikasyong pahayagan sa panahong

may rebolusyon sina Heneral Emilio

Aguinaldo.

El Heraldo de la Revolicion Filipina

La RevolutionIka-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro

Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.

Page 17: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1899)

Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas.  Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa

samahang Club Democratico Independiente.

Columnas Volantes

Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga pahayagang ,

Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa patnugot ni

Isabelo de los Reyes.

Bounding Billow

PANAHON NG AMERIKANO

Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano kung saan

inihahayag ang pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo

niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay. Ito binubuo ng apat

na pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada na lapad. Mabibili ito sa halagang 25

sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa ng

maraming kopya bilang alaala na rin sa nasabing tagumpay.The Manila Times

Ang unang pangaraw-araw na pahayagan sa panahong mga

Amerikano na ang namamahala sa bansa. Una itong isinaayos noong ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899

na maging istablisado sa patnugot ni Thomas Cowan at

negosyanteng si George Sellner.

Page 18: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

(1900)

El Grito del Pueblo El Renacimineto

EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag

ni Pascual Poblete noong 1900

EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900

Manila Daily Bulletin

Isa rin sa mga pangaraw-araw na

pahayagan noong 1900 na tinatangkilik natin

magpahanggang ngayon.

El Nuevo Dia Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña

noong 1900.

Page 19: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

PANAHON NG MGA HAPON(1941 - 1945)

Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily Tribune, Manila Bulletin at Daily Herald.

Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na Liwayway na

lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon sa bansa.

Page 20: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

PANAHON NG LIBERASYON

Naging masigla ang paglabas ng mga pahayagan

(Pebrero 1945)

Lumabas ang Magasin na Yank, Daily

Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling edisyon ng Times at Newsweek.

Page 21: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Lumabas na rin ang ibat’ ibang mga pahayagan tulad ng FREE PHILIPPINES sa

Leyte

Mga peryodikong patagong nalimbag ay ng lumitaw upang maghayag

Bagong Buhay

Voz de Manila

Filipino Observer

Freedom

Guerilla

Balita

Philippine Press

Comet Courier

Page 22: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

• Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun.

•Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal

•Ang Manila Times na dating lingguhan ang paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng Mayo, 1945.

•Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang The Times.

•Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times.

•Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.

Page 23: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Kasaysayan Ng

PahayagangPangkampus

Sa Pilipinas

Page 24: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1945)

Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag.Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan.

Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan.

Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino.

Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 25: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang pagsulong.

Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng National University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian (University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian.

Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings, intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad.

Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.

Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na bayani. Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang strike ng mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers Guild.

Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito uminog ang debate. Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pang-estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.

Page 26: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild. Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press, maraming publikasyong pang-estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan. Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian (University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern University) at marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan.

Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.)

Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.

Page 27: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.

Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.

Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus.

Page 28: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena ng CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng We Forum at pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-uusisa ng National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng Bulletin Today. Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar ang tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga patnugot ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar na nakabase sa Nueva Ecija.

Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula nang paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos.Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus press.”

Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento ang CJA ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines, naipasara ang Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon kung nanaisin ng administrasyon ng mga pamantasan.Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas.Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang tatlong makatwirang panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag. Bukod sa CJA of 1991, may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa patriotiko at demokratikong oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging Activist Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at oryentasyon – responsible journalism, radical campus press, alternative campus press, committed campus press.

Page 29: Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang sarili bago ito makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang tunay at ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman panlipunan. Paglaon nakitang mali ang mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970.

Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang naging pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas ng presyo ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong oryentasyon.

Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang pagpapatalsik sa korap, kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa mga unang progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada.

Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami. Nananatili itong isa sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng kabataan at mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.

http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001.001?rgn=main;view=fulltext

http://newspaper.philippinecentral.com/

http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history/

https://www.google.com.ph/search?q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg#q=guerilla+newspaper&tbm=isch&imgdii=_

https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project-topic-2-old-news-new-news/home-page-1/Newspaper-in-the-Philippines/History-of-newspaper-in-the-Philippines

http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=62