51
MS. MEDEN F. FADRIQUELA School Paper Adviser New Era University- High School Department No. 9, Central Avenue, New Era, Quezon City

120218532 Pamahayagang Pangkampus Pagsulat Ng Balita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

deped

Citation preview

MS. MEDEN F. FADRIQUELA School Paper Adviser

New Era University- High School Department No. 9, Central Avenue, New Era, Quezon City

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at

makatotohanang ulat ng mga

pangyayaring naganap na, nagaganap

at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Pasalita ito, kung ang

ginawang midyum ay ang radio at

telebisyon; pasulat naman kung ito

ay ipinalimbag sa pahayagan at

iba pang uri ng babasahin; at

pampaningin kung ang

midyum ay ang

telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita

Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang

Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang

panig na sangkot.

Makatotohanan– ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa

lamang.

Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan , hindi maligoy.

Mga sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing

ang anumang kaganapan na balita para

sa isa ay hindi balita

para sa iba.

Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring

makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig

at mambabasa.

Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang

ngunit ngayon lamang natuklasan.

Kalapitan - Mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman

ang nagyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.

♦Kabantugan –Tumutukoy

sa pagiging prominente o

kilala ng taong sangkot

sa pangyayari.

Kakatwahan o Kaibahan

Mga pangyayaring di karaniwan

tulad halimbawa ng isang tao

na nangagat ng aso o

ng isang hayop na

dalawa ang ulo.

♦ Tunggalian

Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban

ng tao laban sa kapwa tao, maaari

rin itong pakikibaka ng tao

laban sa kalikasan o ng

tao laban sa

kaniyang

sarili.

M a k a t a o n g K a w i l i h a n

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring

nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao: pag-ibig, poot , simpatiya, inggit at iba pa.

Romansa at Pakikipagsapalaran

Tinatalakay dito hindi lamang ang

buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng

mga artista kundi ang pakikipagsapa-

laran din ng mga ordinaryong tao

tulad ng pagliligtas ng batang si

Rona Mahilum sa sa kaniyang mga

kapatid sa nasusunog nilang bahay.

Pagbabago at Kaunlaran

Anumang pagbabago at kaunlarang

nangyayari sa pamayanan ay

maaaring paksain ng balita

tulad ng pagpapatayo ng

mga bagong gusali,

kalsada, pamilihang

bayan at iba pa.

Bilang o Estadistika - Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa

pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.

Pangalan - Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita

tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.

Hayop

Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo

sa pamamagitan

ng artipisyal inseminasyon.

Kalamidad

Kapag nagkaroon ng malakas

na bagyo, lindol, pag- putok ng

bulkan at iba pa, karaniwang

pinapaksa ng balita ang mga

pinsalang dulot nito.

Mga Uri ng Balita

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita

Diretsahan ang pagkahanay ng mga

datos at ginagamitan ng

kombenkombensyonal o kabuurang

pamatnubay.

2. Pabalitang Lathalain

Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos

at ginagamitan ng makabagong

pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1.Lokal na Balita

Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng taga-

pakinig o mambabasa.

a. pambarangay d. panlalawigan

b. pambayan e. panrehiyon

c. panlunsod f. pambansa

2. Balitang Pang-ibang Bansa

C. Ayon sa nilalaman

♦ Pang-agham at teknolohiya

♦ Pangkaunlarang komunikasyon

♦ Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag-

kukunan

1. Batay sa aksyon

Ang manunulat / mambabalita

ay naroon mismo sa lugar na

pinangyarihan ng aksyon o

pangyayari.

2. Batay sa Tala

Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya.

3. Batay sa Talumpati

Kung ang pinagkukunan ng datos ay

ang talumpati ng mga kilalang tao.

4. Batay sa pakikipanayam

Kung ang mga datos

ay nalikom sa pamamagitan

ng pakikipanayam sa mga

taong sangkot o may alam

sa pangyayari.

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina

1.Balitang may iisang tala

Tumatalakay sa iisang

pangyayari lamang

2. May maraming talang itinampok

Naglalahad ng higit sa isang

pangyayari na naganap sa iisang

araw at halos magkaparehong oras.

3. Balitang Kinipil

Balitang pinaikli na

lamang dahil sa kawalan

ng espasyo.

4. Dagliang Balita

Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng

ispasyo ay nilagyan na lamang ng

salitang flash at kasunod nito ang

isang linya o talatang nilalaman.

5. Balitang pangkatnig

Maikling balita na isinulat ng hiwalay

ngunit kaagaapay sa kaugnay na

pangunahing balita.

6. Bulitin

Habol at karagdagan sa

mahalagang balita at

inilagay sa pangmukhang

pahina na nakakahon

at nasa tipong mariin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan

Karaniwang maiikling balita tungkol

sa tao, bagay, hayop na umaantig

sa damdamin ng

mambabasa.

2. Balitang nagpapakahulugan

Nagpapaunawa sa mambabasa

tungkol sa dahilan, saligan, katauhan

ng mga pangunahing sangkot at

kahalagahan ng isang pangyayari.

Ang Pamatnubay

Pamatnubay ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita.

Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil ito ang pinaka-

buod ng balita. Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito

ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang talata.

Mga Uri ng Pamatnubay

1. Kombensyonal o Kabuuurang

Pamatnubay

Sinasagot nito ang mga tanong na

Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?

at Paano?

Ang balita ay inilalahad sa baligtad na

piramide kung saan ang mga

Mahahalagang datos

ay nasa una at

pangalawang

talata. Karaniwang

ginagamit

sa tuwirang balita.

2. Makabagong Pamatnubay

Ginagamitan ng pangganyak na

panimula ang akda upang akitin

ang mambabasang basahin

ang kabuuuan nito.

Karaniwang

ginagamit ito

sa pagsulat

ng Pabalitang Lathalain.

Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay

1. Pamatnubay na Ano

Kung ang pinakatampok

sa balita ay ang

pangyayari.

Halimbawa:

Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng

Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.

2. Pamatnubay na Sino

Kung higit na pinakatampok

ang tao o organisasyong

kasangkot sa pangyayari.

Halimbawa:

Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.

3. Pamatnubay na Saan

Kung higit na mahalaga

ang lugar na pinangyarihan

kaysa sa gawain o tao

na kasangkot dito.

Halimbawa:

Sa Naga City ginanap ang 2009 National

Schools Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong bansa.

4. Pamatnubay na Kailan

Hindi gaanong gamiting pamatnubay

dahil ginagamit lamang ito

kung higit na mahalaga ang

petsa kaysa sa iba pang

aspeto ng mga pangyayari.

Halimbawa:

Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa taunang kita.

5. Pamatnubay na Bakit

Kung ang dahilan o

sanhi ng pangyayari

ang pinakamahalaga.

Halimbawa:

Upang mapalawak at madaling

maipaabot sa mga mamamayan ang

mga serbisyo ng pamahalaan,

inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng

Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny

Belmonte ang “City Hall sa Barangay”

6. Pamatnubay na Paano

Kung ang kaparaanan ng

pangyayari ang pinakamabisang

anggulo na dapat itampok.

Halimbawa:

Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang

tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang

katulong.

Sa pagpapasya kung aling uri ng

kombensyonal na pamatnubay

ang itatampok,dapat munang alamin

ng manunulat kung aling anggulo

ng balita ang higit na mahalaga.

Kapag parehong matimbang ang

Ano at Sino, unang itatampok ang

Sino dahil higit na mahalaga ang

tao kaysa sa mga bagay at

pangyayari.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay: 1. Gumamit ng payak na pangungusap 2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata ay pangalawang pamatnubay rin.

3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o

di-karaniwang salita sa isang

pangungusap.

4. Iwasan ang pag-uulit ng

mga sugnay, parirala at

mga iba pang katulad

nitong gramatikong

kayarian.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap. 2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan. 3. Unahing itampok ang pinakamahalagang

datos bilang pamatnubay.

4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.

5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.

6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.

7. Gawing maikli ang talata.

8. Gumamit ng mga payak

na salita.

9. Gawing maiikli ang

pangungusap at

pag-ibaibahin

ang haba nito

10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan

kaysa sa balintiyak.

11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa

magkahiwalay na talata.

12. Ilahad ang dalawang panig ng mga

taong sangkot sa balita.

13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang

9 at gawing tambilang ang 10 pataas.

Kaayusan ng Balita

Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos

sa balita ay sumusunod sa baligtad na

piramide tulad ng nasa ibaba:

Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:

1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod

ng istorya.

2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang datos nito.

3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang dalawang talata na naglalaman ng mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan

ng itatampok sa ulo

ng balita.

Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita

1. Ang talata ay hindi sumusobra sa

75 na salita.

2. Ilagay ang mahahalagang datos sa

unahan ng talata.

3. Iwasan ang paggamit ng mga

magkatulad na mga salita o mga

sugnay sa simula ng magkasunod

na talata.

4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at

buod nito sa isang talata.

5. Ang isang pangungusap na talata

ang pinakagamitin sa balita ngunit

kung hindi maiiwasan ang paggamit

ng mahigit sa isang pangungusap,

hindi ito dapat na sumobra

sa 3 pangungusap.

6. Isaayos ang mga talata ayon sa

pababang kahalagahan upang kung

kukulangin sa ispasyo ay maaaring

putulin ang mga huling talata na

hindi naaapektuhan ang nilalaman

nito.

Mga Katangian ng Isang Manunulat ng Balita

1. Matalas ang pang-amoy sa balita.

-Alam kung saan makapangalap ng datos.

-Marunong kumilatis kung alin ang anggulo

sa pangyayari na itatampok sa balita.

-Madaling makakilala ng mga

kaganapang karapat-dapat ibalita.

2. Mapagtanong

3. Matiyaga

4. Makatarungan at walang kinikilingan

5. Totoong interesado sa tao.

6. Laging mapaghanap

ng buong

katotohanan

7. Mapamaraan

8. Malawak ang kaalaman sa

talasalitaan at gramatika

9. Alam ang sariling

kalakasan

10. Mapagbasa

Maraming Salamat sa Pakikinig

*Teacher Med