30

Filipino 9 Parabula ng Alibughang Anak

  • Upload
    jmpalero

  • View
    1.037

  • Download
    38

Embed Size (px)

Citation preview

“Igalang mo ang iyong ama at ina,

Tiyak buhay mo ay giginhawaAt lalawig ang iyong buhay

dito sa lupa”- Filipos 6:2-3

PAUNANG GAWAIN:

Magbigay ng dalawa hanggang limang patunay sa pagiging mabuting anak o kapatid

Malayong LugarLumipas ang ilang

araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo

siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang

kaniyang ari-arian. 

Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga

alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na

kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay

kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at

panyapak para sa kaniyang mga paa. 

Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya.  Ito ay sapagkat ang

anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay

nagsimulang magsaya.

At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay

dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig

siya ng tugtugin at sayawan. Tinawag niya

ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay

na ito.

Sinabi ng lingkod sa kaniya:

Dumating ang kapatid mo.

Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay

natanggap niyang ligtas at malusog.

Nagalit siya at sumagot siya sa kaniyang ama.

Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming

taon. Kahit minsan ay hindi ako

sumalangsang sa iyong utos. Kahit

minsan ay hindi mo ako binigyan ng

maliit na kambing upang makipagsaya

akong kasama ng aking mga kaibigan. 

Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng

iyong kabuhayan

kasama ng mga patutot.

Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin aysa iyo.

Ang magsaya at magalak ay kailangan

sapagkat ang kapatid

mong ito ay namatay at

muling nabuhay. Siya ay

nawala at natagpuan.

MGA KATANUNGAN:Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa? Ipaliwanag.

MGA KATANUNGAN:Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kanyang mana mula sa kanyang ama? Ipaliwanag.

MGA KATANUNGAN:Makatarungan ba ang ginawa ng ama sa kanyang pagtanggap sa kanyang na muling nagbalik? Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya ang iyong gagawin?

MGA KATANUNGAN:Masisisi mo ba sa panganay na anak ang paghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ganoon din kaya ang iyong gagawin? Ipaliwanag.