23
Repormasyon at Kontra- Repormasyon

Aralin 23 repormasyon at kontra repormasyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Repormasyon at Kontra Repormasyon T. S. CRUZ HIGH SCHOOL, LAS PINAS CITY

Citation preview

Aralin 23Repormasyo

n at

Kontra-Repormasyo

n

Ang simula ng Protestantismo

Malakas ang kritisismo at kawalan ng kasiyahan sa simbahan.Tinututulan nila ang :

• nakagawiang pagbili ng mga obispo sa kanilang posisyon

• pagiging maka-mundo• kawalan ng kabanalan• kasakiman ng ilang pari

Ang unang yugto ng Repormasyon ay maiuugat sa mongheng German na si Martin Luther.

Si Martin Luther at ang Protestantismo

Kabilang sa pamilya ng manggagawa. Si Hans Luther ang kanyang ama.• isang magsasaka na naging isang minero ng tanso. Si Margareth Linderman naman ang kanyang ina.• mula sa pamilyang kabilang sa gitnang uri.

Ipinanganak noong Nobyembre 10 , 1483 sa Eisleben Germany.

Noong 1512, nakamit ni Luther ang doktorado sa teolohiya atnaging propesor sa University of Wittenburg

Ang Ninety-Five Theses at ang Kontrobersiya tungkol sa Indulhensiya

Nagsimula ang Repormasyon noong 1517 nang tinuligsa ni Luther ang pagbebenta ng indulhensiya ng simbahan.

Indulhensiya – ang pagpapababa sa parusang ipinataw sa isang nagkasala.

Ayon sa Simbahan , ang ilang tao ay maaaring mapunta sa langit o impyerno pagkamatay , samantalang ang iba ay maghihintay sa purgatoryo bago mapunta ng kalangitan. Maaaring makatulong ang pagdarasal , pagsimba , paggawa ng mabuti at pagbibigay ng donasyon sa simbahan para mapaikli ang panahon na ilalagi sa purgatoryo.

1517 :Nagpunta si Johan Tetzel sa Wittenburg para magbenta ng indulhensiya at ang makukuha nyang pera ay gagamiyin sa pagsasaayos ng St. Peter’s Basilica at ang matitira ay ipambabayad sa arsobispo sa pagbili nya ng posisyon mula sa Papa.Sa Ninety-Five Theses ipinahahayag ni Luther ang kanyang paniniwalang hindi sa mabubuting gawa magkakaroon ng kaligtasan ang kaluluwa kundi sa pananampalataya. Dahil sa napag-initan ng mga lokal na awtoridad ng Simbahan, napagpasyahan ni Luther na mas makakabuti kung makakuha siya ng proteksyon mula sa makapangyarihang tao na taga-Saxony. Si Frederick na Elector ng Saxony. Dahil sa proteksyon nito at dahil sa ilang konsiderasyon g politikal , naantala ang ekskomulgasyon ni Luther

Iba pang mga Akda ni Luther

Tungkol sa relihiyon at sa estado ang pananaw ni Luther sa kanyang mga akda. Address to the Christian Nobility of the German Nation 1520 :hinikayat ni Luther ang Germany na gamitin ang militar upang mapilitan ang Simbahan na talakayin ang mga hinaing laban dito at ang mga hinihinging reporma.

The Freedom of a Christian Man 1520 :Hinikayat ni Luther ang kanyang tagasunod na magtangkang makamit ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng :• Pananampalataya kay kristo•Pagdisiplina sa mga sarili bilang mga tagasunod ng batas•Pagsunod sa kapangyarihang politikal•Pagsasagawa ng mabubuting bagay ayon sa dikta ng pag-ibig na kristiyano

1521 : Charles V – ang debotong emperador ng Holy Roman Empire. Inimbitahan ni Charles V si Luther na dumalo sa Diet of Worms para magpaliwanag tungkol sa kanyang mga ideya at humingi ng paumanhin para dito.

Sa kanyang pagtatago, isinalin nya ang New Testament o Bagong Tipan sa wikang German. Naging gabay ito ng kanyang mga tagasunod sa tuklasin kung anuman ang natuklasan nya sa pagbabasa ng Bibliya. Protestante ang tawag sa kanyang mga tagasunod.

Ang Pagpapalaganap ng Repormasyon

Tinutulan ng mga German ang paglabas ng kanilang salapi tungo sa Rome bilang bahagi ng buwis sa Simbahan. May mabigat na pataw din sa mga mambubukid ng 10% buwis sa kanilang pananin na ipinataw ng Simbahan, dahil dito humina ang Katolisismo at lumakas ang Protestantismo sa Germany. Sa madaling salita , nakita ng mga German na sumuporta kay Luther ang Protestantismo bilang paraan ng pagpapalaya nila sa Germany mula sa kontrol ng mga dayuhan

Pag-aalsa ng mga Magbubukid1524 : Peasants’ War Dito nag-alsa ang humigit-kumulang 300,000 magbubukid na German laban sa kanilang mga panginoong maylupa. Nagkaroon kahirapan sa lipunan dahil sa biglaang paglaki ng populasyon sa unang bahagi ng ika-16 siglo . Dahil sa ipinakita ni Luther na pagtuligsa sa Simbahan, lumakas ang loob ng magbubukid na mag-alsa laban sa mga panginoong maylupa. Para sa kanila , ang mga pang-aabuso ng Simbahan ay pahiwatig ng pang-araw-araw na pagsasamantalang nararanasan nila sa kabukiran. Ang nasabing pag-aalsa ay tinuligsa diumano ni Luther na nagsabing dapat pa ring bigyan-halaga ng mga mamamayan ang awtoridad.

Ang Peace of Augsburg Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ni Charles V at ng mga puwersa ng Schmalkaldic League noong Setyembre 25, 1555 sa lungsod ng Augsburg sa Germany.Schmalkaldic League – • Ito ang alyansa ng mga teritoryong Protestante ng Holy

Roman Empire. Nakapaloob sa kasunduang ito ang pagkilala sa dictum na “ Cuius regio, eius religio “ ( whoever rules, his religion )• ang bawat prinsipe sa Germany ang magtatakda ng

relihiyon ng kanyang nasasakupan. Naging epekto nito ang pagtanggap ng Holy Roman Empire sa nga Lutheran o mga tagasunod ni Luther. Ang nasabing dictum ang siyang dahilan kung bakit nananatiling hati ang Germany sa Katolismo at Protestantismo hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

Sina Ulrich Zwingli at John Calvin

Sa isang tradisyon, may makikita na ilang mga pagkakaiba sa paniniwala nila Luther, Zwingli, at Calvin. Si Ulrich ay nagmula sa Zurich, isang lungsod estado sa Switzerland. Tinutulan niya ang pagbebenta ng indulhensiya ng Simbahang Katoliko. Ang kanyang ideya ay nakatuon sa literal na pagbasa at pag-unawa ng Luma at Bagong Tipan. Mayroon din silang pagsasalungatan ng ideya ni Luther at ito ay makikita sa kalikasan ng Eucharist. Dahil sa pagpupunyagi ni Zwingli, naging estadong Protestante ang Zurich noong 1523 – Kauna-unahang estadong Protestante sa labas ng Germany.

John Calvin: Isang abogado, naimpluwensyahan din si Calvin ng Humanismo ng Renaissance gaya ni Zwingli. Naniniwala rin sya sa literal na pagbabasa ng Bibliya, dagdag nya pa ang ideya ng pag-oorganisa ng Simbahan, pamahalaan at lipunan batay sa literal na pagbabasa ng Bibliya. Naniniwala sa konsepto ng predestinasyon o ang paniniwalang ang kaligtasan ng kaluluwa ay hindi isang pagpapasya kundi pinagpasyahan na ng Diyos. Ang konseptong ito ay tinalakay sa kanyang aklat na Institutes of the Christian Religion (1536) Ang uri ng protestantismo na pinaunlad ni Calvin ay nakilala bilang Calvinism. Lumaganap ito mula lungsod ng Geneva hanggang Europe.

John Calvin Ulrich Zwingli

Ang Paghihiwalay ng England sa Simbahang Roman

Nang pakasalan ni Henry VIII si Catherine ng Aragon, kailangan pa nyang hingin ang basbas ng Papa dahil si Catherine ay dating asawa ng kanyang kapatid. Walang anak na lalaki ang mag-asawa kaya nahirapan sila kung sino ang magmamana ng trono. Dekada 1520, nagkagusto si Henry VIII sa lady-in-waiting ni Catherine na si Anne Boleyn. Inabot ng ilang taon ang kahilingan ni Henry VIII kay Pope Clement VII na mapawalang bisa ang kanyang kasal. Nang mabigo si Henry VIII na mapapayag ang Papa, tinanggal nya sa puwesto ang kanyang tagapayo na si Thomas Cardinal Wolsey– Lord Chancellor ng England. Pinalit nya sina Thomas Cranmer at Thomas Cromwell.

Kinasal sina Boleyn at Henry VIII noong 1533. Pagkatapos ng pagdedebate sa Parlamento, idineklara sa pamamagitan ng Act of Succession na ang lahat ng anak nila ay itinuturing na tagapagmana ng trono. Noong 1536, ninais ni Henry VIII na palitan si Anne Boylen. Ipinadakip at kinasuhan nya ito ng pakikiapid. Mayo 19, 1536- Pinugutan ng ulo si Anne Boleyn. Ang pagbabago ng relihiyon ay naganap sa panahon ng tagapagmana ni Henry VIII na si Edward VI. Anak nya ito sa pangatlong asawa na si Jane Seymour. Nang mamatay si Edward VI noong 1553, Si Mary, ang unanag anak ni Henry VIII kay Catherine, ang pumalit sa trono bilang reyna. Idineklara ang England bilang isang bansang Katoliko at ipinatigil ang paggamit ng The Book Of Common Prayer, pagbawal sa pag-aasawa ng Pari at ipinapatay ang lider ng Protestantismo.

Henry VIII Anne Boleyn

Sagot ng Simbahang Katoliko

Naglunsad ang Simbahang Katoliko ng programa upang tugunan ang mga repormang hinihingi sa kanila Ito ang Counter-Reformation o Kontra-Repormasyon – pagkatatag ng Society of Jesus na isang maonastiko na itinatag ni Ignatius (1534) Layuning ibalik ang pagsunod sa kapangyarihan at herarkiya ng Simbahan . Ang mga aral ni Ignatius ay tungkol sa pagsasakripisyo ng sarili sa kautusan ng simbahan at Self-mastery na galing sa kanyang akdang Spiritual Exercises (1548) Ang mga kasapi ng Society of Jesus ay tinatawag na Jesuit o Heswita. Nagsilbi itong mga guro ng Kontra-Repormasyon sa pamamagitan ng mga paaralang itinatag nila sa Europe

Bilang tugon sa mga Protestantismo , pinalawak ang sistemang Inquisition . Hiinatulan ang mga Protestante ng pagkakakulong o kamatayan. Para maunawaan ang doktrina ng Simbahan , ipinatawag ni Papa Paul III (1545) ang Council of Trent ant natapos sa taong 1563. Napatupad nila ang ilang reporma sa Simabahan tuland ng pagbebenta ng indulhensiya. Ipinag-utos din sa mga Obispo ang manirahan sa lugar na kanilang pinamumunuan at magpatayo ng seminar sa bawat Diocese.

Ang Kababaihan ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon

Ang kanilang lugar ay sa tahanan lamang at hindi sa politika at panitikan. (ito ang namayaning kaisipan sa Europe) Subalit pinatunayan ng iba sa kanila na hindi sila nagpakulong sa kaisipang ito, nagkaroon sila ng ambag sa ikauunlang ng kilusan. Nahikayat ang mamamayang babae at lalaki na mag-aral bumasa .Vernacular – wikang karaniwang ginagamit ng isang grupo ng tao. Isa sa babaing ipinagmamalaki ng Repormasyong Germany ay si Katherine von Bora- asawa ni Luther. Dating madre na tumakas mula sa kumbento ni Nimschen, at isang negosyante. Tinulungan nya ang kanyang asawa sa pagbago ng takbo kasaysayan at ilaan ang oras sa pagsusulat, pangangaral at pagtuturo.

Katherine von Bora Caterina Cibo

Si Caterina Cibo ay Duchess ng Camerino Italy.

Nailigtas nya ang mga Capuchin mula sa kaparusahan, at sa pangunguna ni Matteo de Bascio, nais ng mga Capuchin na mahigpit na sumunod sa kahirapan. Subalit ipinahuli si Matteo dahil dito at nakalaya sya sa tulong ni Caterina Cibo.

Ang mga Capuchin ay itinuturing na puwersa sa restorasyong Katoliko sa panahon ng Kontr-Repormasyon dahil inialay nila ang kanilang serbisyo nang itatag ni Papa Gregory XV (1622) ang Propaganda Fide

Ang Pamana ng Repormasyon

Ang repormasyon ay panahon ng pananampalatayang relihiyoso. Ang paniniwala ng tao ay may impluwensya sa teoryang politikal, pang-ekonomiya at panlipunan gayundin sa pampanitikan at pansining. Ang kanilang pamana ay masasalamin sa pagbabago sa ideya na mas malapit sa ideya ng modernong panahon. Ang pinaka-maigting na pamana ng repormasyon ay ang paglaho ng pagkakaisang panrelihiyon. Naging hati ang Kristiyano sa mga Katoliko at Protestante. Ang paglaganap ng edukasyon ay isa rin sa mga pamana ng repormasyon. Hinikayat ng mga repormistang Protestante ang mga tao na basahin ang Bibliya at wag umasa sa Simbahang Katoliko.

III DIAMOND

GROUP TWO