EPEKTO NG PAGDODORM SA PERFORMANS SA KLASE NG MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON NG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER
SCIENCE SA KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
Ronalyn C. PedronanEmmanuel L. RamosJustin Jay P. Pascua Mariz A. PelobelloRojhean B. Pedro
BSCS II-A
Isang Pananaliksik Papel na Iniharap kay Gng. Djoanna D. PungtilanPampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos Kolehiyo
ng Sining at Agham, Bilang Bahagi ng mga GawaingKailangan sa Asignaturang Filipino II
Setyembre, 2013
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik papel na ito na pinamagatang EPEKTO NG PAGDODORM SA PERFORMANS SA KLASE NG MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON NG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER SCIENCE SA KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM na inihanda nina RONALYN PEDRONAN, ROJHEAN PEDRO, EMMANUEL RAMOS, JUSTIN JAY PASCUA at MARIZ PELOBELLO, ay isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa kursong Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,ay tinatanggap.
DJOANNA D. PUNGTILAN Instruktor sa Filipino II
Tinataggap bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa asignaturang Filipino II at may markang _________.
DJOANNA D. PUNGTILAN Instruktor sa Filipino
DR. MARIVIC A. ALIMBUYUGUENDekana
PASASALAMAT
Para sa tagumpay ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat
sa mga taong naghandog ng kanilang suporta at tulong sa iba’t-ibang paraan.
Pasasalamat sa kanilang Dekana, DR. MARIVIC A. ALIMBUYUGUEN, na
nagbigay ng pahintulot na mamudmud ng mga talatanungan sa mga respondente.
Sa kanilang guro sa Filipino II, Gng. Djoanna Pungtilan, sa kanyang walang
hanggan at di-matatawarang gabay suporta;
Sa kanilang mga kaklase at kaibigan na nagbigay ng kanilang mga ideya hinggil
sa pag-aaral na ito at sa pagiging matulungin sa mananaliksik.
Sa kanilang mga kamag-anak para sa kanilang mga dasal,suporta at pag-aalala;
Sa kanilang mga magulang at kapatid para sa pagmamahal, mga sakripisyo at mga
dasal na naging gabay sa mananaliksik at nagsilbing inspirasyon sa pagtupad ng kanyang
mga pangarap;
At higit sa lahat, sa Poong Maykapal para sa walang-katapusang pagmamahal at
sa mga biyayang nagbigay sa kanila ng lakas at tapang para sa tagumpay ng pag-aaral.
MGA MANANALIKSIK
iii
TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA
Dahon ng Pamagat i Dahon ng Pagpapatibay ii Dahon ng Pasasalamat iiiTalaan ng mga Nilalaman ivTalaan ng mga Talahanayan v
KABANATA
I. ANG SULIRANIN 1
Panimula 1Paglalahad ng Layunin 3Kahalagahan ng Pag-aaral 4Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaaral 5Katuturan ng mga Katawagang Ginamit 6
II. PAMAMARAANG GINAMIT 7
Disenyo ng Pag-aaral 7Pamamaraan 7Paraang Ginamit 9Istatistikal Tritment 10
III. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT 11PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
IV. LAGOM, KONKLUSION AT REKOMENDASYON 17
Lagom 17Kinalabasan 18Konklusyon 18Rekomendasyon 19
TALASANGGUNIAN 20
APENDIKS 22
A. Liham sa Dekana 22
B. Liham sa Respondente 23C. Talatanungan 24
CURRICULUM VITAE 25
iv
TALAAN NG TALAHANAYAN
TALAHANAYAN PAHINA
1.
2.
3.
TALAAN NG LARAWAN
LARAWAN PAHINA
1: Pamamaraang ginamit sa pananaliksik
KABANATA I
ANG SULIRANIN
Panimula
Ang pagdodorm ay paraan ng pamamalagi ng mga estudyante sa isang
dormitoryo habang sila ay nag-aaral sa isang unibersidad na malayo sa kanilang lugar o
bahay. Kung ang iba ay ayaw tumira malayo sa kanilang pamilya, marami parin ang mga
estudyante na mas gugustuhing tumira sa dormitoryo dahil sa iba’t ibang mga dahilan.
Maaraing ito ay dahil mas gusto nilang maging independent o kaya’y gusto nilang
makaranas ng bagong buhay malayo sa pamilya, o dahil sa impluwensya ng mga
kaibigan.
Sa pag-aaral nina Astin (1977) at Selby at Weston(1978) kadalasang binibigyang
pansin sa mga residential life researches ay ang mga pagkakaiba ng mga estudyanteng
hindi nagdodorm at yung mga nagdodorm. Ayon din kina Chapman at Pascarella(1983)
at Tinto (1957) kadalasan sa pagkokompura ng mga ito ay lumalabas na ang pagtira sa
loob ng kampus ay naiuugnay sa akademikong perpormans dahil sa pinalawak na
opurtunidad na mapalapit sa edukasyon gaya ng pagiging malapit sa ilang mga faculties
at mga pasilidad sa paaralan,pwede ring maging dahilan madalas na pakikipag-usap sa
mga taong nakapaligid sayo, sa mga barkada at ang mga hindi pormal na aktibidad ng
isang kolehiyo.
Dagdag pa ni Astin (1984), makakabuti ang pagtira sa isang dormitoryo sa pag-
angat sa paaralan ng isang mag-aaral kung magkakaroon ito ng mas malapit na ugnayan
sa edukasyon at sinabi rin ni Tinto (1975) na ang pagdodorm ay ang pinagsamang
akademiko at sistemang sosyal ng isang estudyante. Ang mga estudyante naman na
nakatira sa labas ng paaralan o yung mga hindi nagdodorm na malayo ang tinitirhan sa
paaralan ay iniisip na mas maliit ang kaugnayan sa edukasyon at institusyon at dahil dito
ay mas maliit ang tsansang magtagumpay sa kanyang pag-aaral. Dahil ang pagtira sa
bahay ay sagabal pagkaugnay ng estudyante sa sosyalidad.
Para sa marami ang pagtira sa dorm ay paraan ng pagkakaroon ng kalayaan at
pribadong buhay. Subalit ang pag-aadjust na malayo sa bahay na nakasanayan, sa
pamilya , at ang pagtira sa isang lugar na bago sayo na kasama ang ibang tao at
binabantayan ng landlady na hindi mo masyadong kilala ay hindi ganoon kadali. Pahayag
nga ni Guiogguio(2011) na:
To live independently is a wish that may crossed many teen minds,it’s a sign of growing up, living away from home brings thrills, hearthaches, and personal challenges.
Karaniwang dahilan naman ng mga mag-aaral sa kanilang pag-dodorm ay dahil sa
malayo ang bahay nila sa paaralang pinapasukan at naghahanap sila ng tirahan na kung
saan ay mamalagi sila habang nag-aaral. Ngunit nasabi ni Cave(2003) na: Not all
dormitories though offer the comfort for home one looks like for. In some cases,
dormitories are good enough for bedspace shared with another. A breezy dorm
atmosphere for studying should be considered, not to mention an ample supply of water
for hygiene. So choose a dorm that’s comfortable enough for you and suits your budget.
Sa pag-aaral kailangang maging komportable tayo sa lugar kung saan tayo
nakatira upang makapagpokus tayo sa mga gawaing pampaaralan at hindi ang mga
problema sa dormitoryo ang iniisip. Kung kaya’t ang pagdodorm ay hindi dapat
pinagkakatuwaan lamang dahil isa itong bagay na importante sa pamumuhay malayo sa
pamilya at kung saa’y makakakuha ng mga kaalaman sa buhay gaya ng pagiging
independent at pagiging praktikal. Ang pinakamabuting gawin ng mga estudyante ay
humanap ng lugar na magkakaroon ng tahimik at komportableng pamumuhay habang
nag-aaral.Pero ano nga ba talaga ang mas makakabuti sa mga estudyante ang magdorm o
hindi? At ano-ano nga ba ang mga kabutihan at kasamaang naidudulot ng pagdodorm sa
pag-aaral nila?
Ang mga katanungang ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga
kasalukuyang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito sa layuning alamin ang
epekto ng pagdodorm sa performans sa klase ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng
kursong Bachelor of Science in Computer Science. Inaasahang ang resulta nito ay
makapagbigay ng kaalaman sa mga estudyante, mananaliksik, mga guro ng mga
kaalaman ukol sa epekto ng pagtira sa dorm ng isang mag-aaral.
Paglalahad ng Layunin
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ang epekto ng pagdodorm sa
performans sa klase ng mga mag-aaral sa kursong BS Computer Science sa Kolehiyo ng
Sining at Agham.
Sinisikap ding sagutin ng pag-aaral na ito ang sumusunod na tiyak na suliranin:
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na nagdodorm?
2. Ano-ano ang dahilan kung bakit nagdodorm ang mga mag-aaral?
3. Ano-ano ang epekto ng pagdodorm sa:
a. sarili
b. perpormans sa klase?
3
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik papel na ito kapakipakinabang sa pagtuklas sa mga naidudulot
ng pagdodorm sa performans sa klase ng mga mga mag-aaral .
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga mag-aaral upang
makapagdesisyon kung ano ang mas makabubuti sa performans nila sa kanilang klase,
kung magdodorm ba sila o uuwi uwi na lamang sila sa kanikanilang tirahan.
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga magulang upang malaman nila kung
ano ang pwedeng mangyari sa pag-aaral ng kanilang mga anak kung magdodorm ito
habang nag-aaral.
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga rin para sa mga guro sapagkat
makikita nila kung ano ang mga posibleng dahilan ng pagbaba o pagtaas ng marka ng
kanilang estudyante lalo na sa mga nagdodorm sa kanilang klase.
Para sa mga mananaliksik, mahalaga ang pananaliksik papel na ito upang
matututo silang maghanap ng mga kasagutang sa mga tanong nila at magkaroon sila ng
kaalaman tungkol sa kagandahan at pagkahirap ng pagdodorm
Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang makapagbahagi ang mga
respondente ng kanilang mga opinyon ukol sa epekto ng pagdodorm sa kanilang pag-
aaral.
4
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagkilala sa mga epekto ng pagdodorm sa
performans sa klase ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science
in Computer Science sa Kolehiyo ng Sining at Agham.
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang propayl ng mga estudyante,dahilan at
epekto ng kanilang pagdodorm at mga dulot na kabutihan at kasamaan sa kanilang buhay
estudyante. Napili ang mga tagatugon sa pamamagitan ng accidental sampling kung saan
ay pumili ang mga mananaliksik 15 estudyante sa bawat seksyon ng nakatira sa iba’t
ibang dormitoryo at iyon ang binigyan ng mga talatanungan.
Ang ginamit na sabjek sa pag-aaral na ito ay nalimitahan lamang sa
tatlumpong(30) mag-aaral o ilang mag-aaral mula sa seksyon IIA at IIB sa kursong
Bachelor of Science in Computer Science.
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Dormitoryo o Dorm.bahay tuluyan malapit sa isang paaralan kung saan pansamantalang
tahanan ito ng ilang mga estudyante habang nag-aaral malayo sa kanikanilang
bahay.
Unibersidad.Pampamahaalang pamantasan o paaralan kung saan nag-aaral ang mga
estudyanteng nasa ikatlong lebel sa edukasyon.
Landlady. Tagapamahala o may ari ng dormitoryo, ito ang nagbabantay sa mga gawi at
nagsisilbing ina ng mga estudyante habang nasa dorm ang mga ito.
Peer. Barkada, kaibigan o mga taong madalas mong kasama sa araw-araw.
5
KABANATA II
PAMAMARAANG GINAMIT
Disenyo ng Pag-aaral
Ang isinagawang pag-aaaral ay gumamit ang mga mananaliksik ng
deskriptibong metodolohiya. Upang masuri ng husto ang epekto ng pagdodorm sa mga
estudyante ay gumawa ng talatanungan ang mga mananaliksik kung saan ay pumipili ang
mga respondente ng kanilang mga kasagutan sa nakalaan na pagpipilian at binibilugan
ang mga item na pinakamalapit sa kasagutan.
Ipinamudmod ito sa mga piling estudyante na nagdodorm mula sa dalawang
seksyon ng ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science in Computer Science sa
Kolehiyo ng Sining at Agham.
Pamamaraan
Nag-uusap usap tungkol sa gagawing pananaliksik. Sa hakbang na ito, nag-
uusap usap ang mga mananaliksik at nagbibigay ng idea kung ano ang magandang paksa
at naayon sa kanilang interes.
Pagpili at paglimita ng paksa. Mula sa mga suhestyon ay pumili ang mga
mananaliksik at nilimitahan ito para makabuo ng pamagat.
Paghahanap ng talasangunian sa silid aklatan. Upang makakalap pa ng mas
maraming impormasyon tungkol sa paksa naghanap ang mga mananaliksik ng mga aklat,
pahayagan at iba pa na naayon sa kanilang paksa
Pagkalap at paglista ng talasanggunian. Pagkatapos maghanap ng
talasanggunian, inilista ang mga ito para makunsulta sa paggawa ng papel na
pananaliksik.
Pagbuo ng layunin at suliranin. Bumuo ang mga mananaliksik ng mga
suliranin at pangunahing layunin na nais nilang mabigyang pansin sa pag-aaral na ito.
Paggawa ng balangkas. Para mas matiyak ang mga suliranin sa pag-aaral
gumawa ang mga mananaliksik ng balangkas ng pag-aaaral.
Paggawa ng talatanungan. Sa pamamagitan nito matutulungan ang mga
mananaliksik na humanap ng impormasyon tungkol sa kanilang pinag-aaralan mula
sa mga opinion at kaalamn ng mga respondente nila .
Pagpili ng tagatugon. Ang mga mananaliksik ay pumili ng mga pagbibigyan
ng mga talatanungan. Ginamit ang accidental sampling ditto, kung saan ay naghanap
sila sa dalawang seksyon ng ikalawang taon ng BS Computer Science ng mga
estudyanteng nagdodorm at ito ang binigyan ng mga talatanungan.
Pamumudmod ng talatanungan. Binigyan ng mga mananaliksik ng mga
talatanungan ang mga napili nilang tagatugon at pinasagutan ito.
Pangongolekta at pagtatala at pagbibigay interpretasyon sa mga datos.
Pagkatapos mapasagutan ang mga talatanungan at makalap ang mga datos, itinala ng
mga mananaliksik ang mga ito at ginawan ng talahanayan at binigyang interpretasyon
ang lahat ng mga ito.
8
Paraang Ginamit
Larawan 1: Pamamaraang ginamit sa pananaliksik
Nag-uusap usap tungkol sa gagawing pananaliksik
Pagpili at paglimita ng paksa
Paghahanap ng talasangunian sa silid aklatan
Pagkalap at paglista ng talasanggunian
Pagbuo ng layunin at suliranin
Paggawa g balangkas
Paggawa ng talatanungan
Pagpili ng tagatugon
Pamumudmod ng talatanungan
Pangongolekta at pagtatala at pagbibigay interpretasyon sa mga datos
9
10
Istatistikal Tritment ng mga Datos
Upang maipakita ang epekto ng pagdodorm sa performans sa klase ng mga mag-
aaral at malaman ang dahilan nila ayon sa ginawang surbey ay ginamit ang mga
sumusunod na istatistikal na kagamitan: percentage, frequency, at ranking.
KABANATA III
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalahad, nagsusuri at nagpapakahulugan ng mga datos
na nalikom para sa pag-aaral na ito.
Ang epekto ng pagdodorm sa Performans sa Klase ng mga Mag-aaral sa Kursong
Bachelor of Science in Computer Science sa Kolehiyo ng Sining at Agham
Upang malaman ang nagiging epekto ng pagdodorm sa performans ng mga mag-
aaral ng kursong Computer Science.
Makikita sa talahanayan 1 kung anu ang mga propayl ng mga mag-aaral na
nagdodorm.
Makikita sa talahanayan 1 kung ilan ang bahagdan ng mga mag-aaral sa kasarian,
edad at hanapbuhay ng kanilang mga mugalang. Mapapansin mula sa talahanayan 1.1 na
13 sa 25 ng mga mag-aaral ay lalake (52%) at ang babae sa 12(48%). Mas lumamang ng
kaunti ang bilang nga mga lalaking nagdodorm na mag-aaral ng kursong Computer
Science kaysa sa babae.
Talahanayan 1.1. Ang Propayl ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in
Computer Science (Kasarian)
KASARIAN BILANG NG MGA SUMAGOT
BAHAGDAN RANKO
Lalaki 13 52 1
Babae 12 48 2
Total 25 100
Nasa talahanayan 1.2 naman ang mga edad ng mga nagdodorm na mag-aaral ng
Computer Science. Pinakamalaki ang nasa edad na 16 hanggang 17 na maybilang na
16(64%) sumusunod ang nasa edad na 18 hanggang 19 na maybilang na 5 (20%) at huli
ang nasa edad na 20 pataas na may bilang na 4(16%.). Makikita sa mga edad na mas
marami paring regular na mag-aaral kay sa hindi regular na mag-aaral.
EDAD BILANG NG MGA SUMAGOT
BAHAGDAN RANKO
20-pataas 4 16 3
18-19 5 20 2
16-17 16 64 1
TOTAL 25 100
Talahanayan 1.2. Ang Propayl ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in
Computer Science (Edad)
Ang talahanayan 1.3 naman ay nakapaloob ang datos ng hanapbuhay ng mga
magulang ng mga estudyanteng nagdodorm. Housewife ang nakakuha ng pinakamalaking
bilang kung ano ang trabaho ng kanilang mga magulang na may bilang 8(32%) , mag
12
kapareho naman ang bilang ng pagsasaka at pangingisda na may bilang na 6(24%) at
may 5 respondante na nag sabing ang trabaho ng kanilang magulang ay sa gobyerno.
Talahanayan 1.3. Ang propayl ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in
Computer Science (Hanapbuhay ng Magulang)
HANAP BUHAY NG MAGULANG
BILANG NG MGA SAGOT
BAHAGDAN RANK
GOVERNMENT EMPLOYEE
5 20 3
MAGSASAKA 6 24 2.5
MANGINGISDA 6 24 2.5
HOUSE WIFE 8 32 1
TOTAL 25 100
Sa talahanayan 2 ay makikita kung bakit nagdodorm ang mga mag-aaral sa
Computer Science. Ang kalayuan o distansiya ng paaralan kung saan nag-aaral ang mga
estudyante na may bilang na 22(66.66%). Sumunod ay ang kagustuhang makaranas na
mamuhay ng mag-isa na mamuhay upang masanay sa laban ng buhay na may bilang na
9(27.27%). At para rin makaranas ng bago sa kanilang buhay na may bilang 5(15.15%).
Masasabing ang kalayuan ng kanilang mga bahay ay ang nagiging
dahilan ng kanilang pagdodorm.
13
Talahanayan 2. Ang mga dahilan kung bakit nagdodorm ang mga mag-aaral ng Computer
Science
DAHILAN NG PAGDODORM BILANG NG
SUMAGOT
BAHAGDAN RANKO
Malayo sa tinitirahan ang eskwelang
pinapasukan.
22 66.66 1
Kakulangan sa pera 0 0 0
Kagustuhang makaranas ng bago 5 15.15 3
Para mapalapit sa barkada 0 0 0
Para maranasan maging independente 9 27.27 2
Total 33 100
Sa talahanayan 3.1 makikita naman kung anu-ano ang mga nagiging kagandahan
ng pagdodorm ng mga mag-aaral at sinasabi ng talahanayang ito kung ang mga
natututohan nila sa pagtira sa dormitoryo. 19 ang nag-sabing natuto silang mabuhay ng
mag-isa at tumayo sa kanilang sariling mga paa, 10 ang nag-sabing natuto sa gawaing
bahay, 8 ang tumaas ang kanilang tiwala sa kanilang sarili, at 2 ang sumagot na namulat
sila sa sistema ng buhay.
Talahanayan 3.1. Mabuting epekto ng pagdodorm sa kanyang sarili.MABUTING EPEKTO NG
PAGDODORM SA KANYANG SARILIBILANG
NG SUMAGOT
BAHAGDAN RANKO
Natutong mabuhay ng mag-isa 19 48.71 1
Namulat sa totoong sistema ng buhay 2 5.12 4
Natuto sa gawaing bahay 10 25.64 2
Tumaas ang tiwala sa sarili 8 20.51 3
Total 39 100
Ipinapakilala sa talahanayan 3.2 ang mga masamang nagiging epekto ng
pagdodorm ng mga estudyante sa paaralan. Kung may magandang naidudulot ang
pagdodorm ng mga mag-aaral ay mayroon ding hindi magandang naidudulot ito tulad ng
mga sumusunod. Una sa masamang naidudulot ng pagdodorm ay ang madaling
pagkaanyaya ng mga kabarkada na mamasyal kung saan-saan. Pangalawa ay
nagkakasakit ka sa inyong dormitory at walang magaalagang magulang o kamag anak
man lang, pangatlo magkapantay ang bilang ng sumagot sa naadik sa kompyuter at
napabarkada, pang apat ay nalulong sa masamang bisyo at ang pang lima ay bumababa
ang grado at nahihinto sa pag aaral.
Talahanayang 3.2 Masamang epekto ng pagdodorm sa kanyang sariliMASAMANG NAIDUDULOT NG
PAGDODORM SA MGA MAG-AARALBILANG
NG BAHAGDAN RANKO
14
15
SUMAGOT
Napabarkada 6 17.14 3.5
Nahinto sa pag-aaral 1 2.86 6.5
Nagkakasakit 8 22.85 2
Madaling nayayaya ng barkada na
maglakwatsa
11 31.43 1
Nalulong sa masamang bisyo 2 5.71 5
Naaadik sa kompyuter 6 17.14 3.5
Bumababa ang mga grado 1 2.86 6.5
Total 35 100
Sa talahanayan 4 makikita ang nagiging epekto ng pagdodorm sa mga mag-aaral
sa kanilang mga grado at sa performans nila sa kanilang klase. Nabatid namin na mas
maraming sumagot sa tanong na ito na walang pinagbago ang kanilang mga grado sa
nakalipas, may 10 na sumagot nito. Habang 8 ang nagsabing tumaas ang kanilang mga
grado at 7 ang nagsabing bumaba ang kanilang grado.
Talahanayan 4. Epekto ng pagdodorm sa performans ng mag-aaral sa klaseEPEKTO NG PAGDODORM SA
PERFORMANS SA KLASEBILANG
NG SUMAGOT
BAHAGDAN RANKO
Bumababa ang grado 7 28 3
16
Tumataas ang grado 8 32 2
Walang pinagbago 10 40 1
Total 25 100
KABANATA IV
LAGOM, KONGKLUSYON AT ANG MGA REKOMENDASYON
Inilalahad ng kabanatang ito ang lagom, konklusyon at ang mga rekomendasyon
ng pag-aaral na ito.
LAGOM
Ang pangunahing layunin ng pagaaral na ito ay upang mabatid ang epekto ng
pagdodorm sa performans sa klase sa kursong BSCS sa Kolehiyo ng Agham at Sining.
Sinisikap ding sagutin ang sumusunod na mga suliranin:1) Ano ang propayl ng
mga magaaral na nagdodorm, 2) anu-ano ang dahilan kun bakit nagdodorm ang mga
mag-aaral, 3) Ano ang epekto sa: a)sarili b) performans sa klase.
Ang isinagawang pag-aaral ay gumamait ang mga mananaliksik ng dekriptibong
metodolohiya. Upang masuri ng husto ang epekto ng pagdodorm ng mga estudyante ay
gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik na kung saan ay pipili ang mga
respondante ng kanilang kasagutan sa nakalaan na pagpipilian at bilugan ang mga item na
pinakamalapit sa kasagutan.
Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, sinunod naming ang mga hakbang na
sumusunod; pagbasa ng kaugnay na literature at natapos na pag-aaral, pagpili ng mga
subjek sa pamamagitan ng random sampling, pagawa ng tanong na naaayon sa aming
pananaliksik.
KINALABASAN
Batay sa resulta na g pagsusuri ng mga datos ,natuklasan na ang mag-aaral ay mas
mayroong oras sa pag-aaral kapag nagdodorm. Halos lahat ng dahilan ng pagdodorm ng
mga estudyante ay dahil malayo ang bahay nila sa pinapasukan nilang pamantasan.
Karamihan din sa mga estudyante na nakatira sa dormitoryo ay may mga magulang na
housekeeper, magsasaka at mangingisda. Mas nagiging responsable ang mga mag-aaral
sa kanilang kinalalagyang dormitoryo at natuto silang maging malinis ang kanilang
paligid ngunit kapag may mabuting naidudulot ito hindi parin nating maiwasan ang
18
kabaliktaran nito tulad ng napapabarkada, malulong sa bisyo, naaadik sa paglalaro ng
mga kompyuter games at maraming pang iba.
KONGKLUSYON
Batay sa nakalap na datos at napag-aralang resulta ng pag-aaral, ibinibigay ang
mga sumusunod na kongklusyon:
Sa pamamagitan ng pagdodorm, maraming estudyante ang natututong mag-isa at
mamuhay ng independente. Kadalasan sa pag-iisa nila ay natututo silang magtrabaho para
sa kanilang sarili. Ang pagsasanay ng mga estudyante sa pamumuhay ng mag-isa sa dorm
habang nag-aaral ay pwede ring maging dahilan ng pagsisikap niyang mag-aral dahil
ramdam niya ang hirap nito. Ang pagtira naman sa dormitoryo din ay nakakapagpabawas
ng sayang na oras at pera, lalo na kung marami kayong bakante at wala kang tutuluyan
malapit sa iyong paaralan.
REKOMENDASYON
Batay sa liwanag ng ginawang masusing pag-aaral at mga kongkusyon, ibinibigay
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:
Iminumumgkahi sa mga estudyante na nagdodorm na kahit na di nakikita at
malayo sa mga magulang ay dapat sundin parin sila. Dapat hindi dahilan ang pagdodorm
sa pagtakas sa mga bilin at tungkulin bilang isang anak.
1
9T
Kung pipili ng titirahang dormitoryo siguraduhing komportable ito sa pag-aaral at
hindi nagdudulot ng problemang maaaring makasira sa konsentrasyon na mag-aral,
habang ito ay pasok sa badyet ng mga magulang.
Iminumungkahi rin sa mga magulang na regular na itsek ang kalagayan ng anak
sa kaniyang dorm, dapat ay hwag maging kampante na ayos lamang sila dahil hindi sa
lahat ng oras ay ang kalagayan nila, maaari rring gumagawa na sila ng mga bagay na
makakasira sa pag-aaral nila.
TALASANGGUNIAN
Thesis:
Lapdis, F.J (2007). Boarding Preferences and Problems of Students. Di nalathalang disertasyon Lungsod ng Batac Pamantasan ng Mariano Marcos.
Aklat:
2
0T
Forgiionne. (1986). Focus on problem on housing facilities. Business fundamental for Engineer.
Paddock, O. (1990). Time-saver standard building types. College and University Facilities: Dormitories. 3rd Ed.
Parker (1990). Building design evaluation cost-in-use. Associated LTD.
Ryan & Silvestein. (1991). The building cost-in-use. Associated Book LTD.
Pahayagan:
De Vera, E. (2005). Boarding house living alone, Naturally. Manila Bulletin. 389(2):Metro 3,1
Guioguio, K.V. (2011). The Dormer’s Life. Philippine Daily Inquirer. 26(281):F-1.
Sade. (2000). Boarding house: home away from home. Manila Bulletin.
Tomboc, G.F. (2003). How to cope with living in a dormitory. Philippine Daily Inquirer. 15(181):D2.
Valdez, A.R., (1998). Dorm Norm. Manila Bulletin. 322(26) C1-C3.
Website:
Murray, J.(2010). Academic Benefits of Living On Campus. Hinango noong July 12, 2013 sa http://www.murraylax.org/research/channels_present_weai.pdf
Delucchi, M.(2004) Academic Performance in College Towns. Department of Sociology, Loras College. Dubuque, Iowa. Hinango noong July 12, 2013 sa http://www.murraylax.org/m230/spring2009/collegetown.pdf. De Araujo & Pedro & Murray & James .( 2010). Estimating the Effects of Dormitory Living on Student Performance. Hinango noong July 12, 2013 sa http://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=1555892
Estimating the Causal Effects of Dormitory Residence During College on Student. (2012). Hinango noong July 12, 2013 sa http://www.personal.kent.edu/~creynol9/Oncampus083112.pdf.
21
Yulani. (2012)The Effects of Student's Living Situation on Academic Performance. Hinango noong July 12, 2013 sa http://www.studymode.com/essays/The-Effects-Of-Student-s-Living-Situation- 893745.html.
APPENDIX A
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAMLungsod ng Batac
Setyembre 2, 2013
2
2T
DR. MARIVIC A. ALIMBUYUGUENDekanaKolehiyo ng Sining at Agham
Mahal na Dekana:
Kami po ay mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science in Computer Science at kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik-papel na pinamagatang “Epekto ng Pagdodorm sa Perpormans sa Klase ng mga Mag-aaral sa Kursong Bachelor of Science in Computer Science sa Kolehiyo ng Sining at Agham”.
Kaugnay nito, kami po ay humihingi ng permiso na pahintulutan kaming mamudmod ng talatanungan sa aming mga tagatugon na mag-aaral na naka-enrol sa kursong Bachelor of Science in Computer Science sa inyong kolehiyo.
Ang inyo pong madaliang pagpayag ay tanda ng pakikiisa sa aming mga layunin at tagumpay ng aming pananaliksik.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
ROJHEAN PEDRO
RONALYN PEDRONAN
EMMANUEL RAMOS
JUSTIN JAY PASCUA
MARIZ PELOBELLOMga Mananaliksik
Binigyang-pansin:
DJOANNA D.PUNGTILANInstruktor sa Filipino
APPENDIX B
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano MarcosKOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
Lungsod ng Batac
Setyembre 2, 2013
2
3T
Mahal na Tagatugon,
Kami po ay mga mag-aaral na nasa ikalawang taon na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Computer Science at kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik-papel na pinamagatang “Epekto ng Pagdodorm sa Perpormans sa Klase ng mga Mag-aaral sa Kursong Bachelor of Science in Computer Science sa Kolehiyo ng Sining at Agham”.
Hinihiling namin ang inyong kooperasyon at tulong sa pamamagitan ng tapat at wastong pagtugon sa mga katanungang nakapaloob sa talatanungan.
Makakaasa kayo na ang inyong mga kasagutan at pagkakakilanlan ay mananatiling konpidensyal.
Maraming salamat!
Lubos na gumagalang,
ROJHEAN PEDRO
RONALYN PEDRONAN
EMMANUEL RAMOS
JUSTIN JAY PASCUA
MARIZ PELOBELLOMga Mananaliksik
Binigyang-pansin:
DJOANNA D.PUNGTILANInstruktor sa Filipino
APENDIKS
I.Propayl ng Mag-aaral
Pangalan:_______________________ Edad:___________________
2
4T
Paaralan/Trabaho:________________
Kasarian:________________
Hanapbuhay ng Magulang:_________ Kita sa isang buwan:_______
II. Panuto: Bilugan ang titik ng pinakamalapit na kasagutan na naayon sa bawat bilang.
1. Ano ano ang mga dahilan kung bakit nag-dodorm ang mga estudyante?a. Malayo sa tinitirahan ang eskwelahang pinapasukanb. Kakulangan sa perac. Kagustuhang makaranas ng bago.d. Para mapalapit sa barkadae. Para maranasang maging independentef. iba pa;
(pakisulat):_____________________________________________
2. Ilang sakay mula sa inyong bahay bago makarating sa paaralan?a. Isab. Dalawac. Tatlod. iba pa;
(pakisulat):_____________________________________________
3. Ano ang klase ng dormitoryo ang tinitirhan mo ngayon?a. Pambabaeb. Panlalakic. Panlalaki at pambabae
4. Ilan ang nagookupa sa isang kwarto sa inyong dormitoryo?
a. Isab. Dalawac. Tatlod. Apate. iba pa;
(pakisulat):_____________________________________________
5. Ano ang iyong pinagkakaabalahan tuwing wala kang pasok/bakante?
a. Nagaaralb. Nakikipagkwentuhanc. Nakikipagdate d. Kumakaine. Natutulogf. Naglalakwatsag. Nanonood sa tv o kompyuterh. Naglalaro sa kompyuter i. iba pa; (pakisulat):
_____________________________________________
6. Sa iyong pagdodorm ano ang mabuting dulot nito sayo?a. Natutong mabuhay nang mag-isa.b. Namulat sa totoong sistema ng buhayc. Natuto sa mga gawaing bahayd. Naging responsablee. Naging palakaibiganf. Tumaas ang tiwala sa sarili g. iba pa; (pakisulat):
____________________________________________
7. Sa iyong pagdodorm ano ang di mabuting naidudulot nito sayo?a. Napabarkadab. Nahinto sa pag-aaralc. Nagkakasakitd. Madaling nayayaya ng barkada sa paglalakwatsae. Nalululong sa masamang bisyof. Naadik sa kompyuter.g. Bumaba ang mga gradoh. iba pa; (pakisulat):
_____________________________________________
8. Ano ano ang kadalasang problema mo sa inyong dormitoryo?a. Maingay ang paligidb. Maguloc. Marumid. Kulang kulang sa pasilidade. Di magandang pagsasamahanf. Nananakawan ng ilang gamit
2
5T
g. iba pa; (pakisulat): _____________________________________________
9. Anu ang naging epekto nito sa perfomans sa klase?a. Bumaba ang mga gradob. Tumaas ang mga gradoc. Walang pinagbagod. iba pa;
(pakisulat):_____________________________________________
10. Sa anong asignatrura gumaganda ang iyong performans?a. Filipinob. Englishc. Matematikad. iba pa; (pakisulat):________________________________
2
6T
CURRICULUM VITAE
Pangalan: Ronalyn C. Pedronan
Kasarian: Babae
Taon/Kurso: 2nd Year Bachelor of Science in Computer Science
Edad: 17
Kaarawan: Oktubre 16, 1995
Tirahan: Adams, Ilocos Norte
Magulang:
Ina: Mrs. Ernanie C. Pedronan Hanapbuhay: Midwife
Ama: Mr. Romeo Pedronan Hanapbuhay: Magsasaka
Pinagtapusan:
Tersarya: Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
(2012-Kasalukuyan) Batac City, Ilocos Norte
Sekondarya: Bangui National High School(Main Campus)
(2008-2012) San Lorenzo, Bangui, Ilocos Norte
Elementarya: Abaca Elemtary School
(2003-2008) Abaca, Bangui, Ilocos Norte
CURRICULUM VITAE
Pangalan: Emmanuel Ramos
Kasarian: Lalaki
Taon/Kurso: 2nd Year Bachelor of Science in Computer Science
Edad: 17
Kaarawan: Disyembre 26, 1995
Tirahan: Abaca, Bangui, Ilocos Norte
Magulang:
Ina: Mrs. Imelda Ramos Hanapbuhay: Housewife
Ama: Mr. Edward Ramos Hanapbuhay: Magsasaka
Pinagtapusan:
Tersarya: Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
(2012-Kasalukuyan) Batac City, Ilocos Norte
Sekondarya: Bangui National High School(Main Campus)
(2008-2012) San Lorenzo, Bangui, Ilocos Norte
Elementarya: Abaca Elemtary School
(2003-2008) Abaca, Bangui, Ilocos Norte
CURRICULUM VITAE
Pangalan: Rojhean B. Pedro
Kasarian: Lalaki
Taon/Kurso: 2nd Year Bachelor of Science in Computer Science
Edad: 17
Kaarawan: Oktubre 15, 1995
Tirahan: 162 Bonifacio Street Laoag City, Ilocos Norte
Magulang:
Ina: Mrs. Virginia B. Pedro Hanapbuhay: Housewife
Ama: Mr. Rolando C. Pedro Hanapbuhay: Business Man
Pinagtapusan:
Tersarya: Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
(2012-Kasalukuyan) Batac City, Ilocos Norte
Sekondarya: Mariano Marcos State University (LHS)
(2008-2012) Laoag City, Ilocos Norte
Elementarya: Mariano Marcos State
University (LES)
(2003-2008) Laoag City, Ilocos Norte
CURRICULUM VITAE
Pangalan: Mariz Pelobello
Kasarian: Bababe
Taon/Kurso: 2nd Year Bachelor of Science in Computer Science
Edad: 17
Kaarawan: March 09,1996
Tirahan: Brgy. 50 Buttong Laoag City
Magulang:
Ina: Mrs. Edralina Pelobello Hanapbuhay: Housewife
Ama: Mr. Efren Pelobello Hanapbuhay: Supervisor,EM-Amen
PLDT
Pinagtapusan:
Terserya: Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
(2012-Kasalukuyan) Batac City, Ilocos Norte
Sekondarya: Ilocos Norte College of Arts and Trades
(2008-2012) Brgy. 5 P. Gomez St. Laoag City
Elementary a: Buttong Elementary School
(2003-2008) Brgy. 50 Buttong, Laoag
City
CURRICULUM VITAE
Pangalan: Justin Jay Pascua
Kasarian: Lalaki
Taon/Kurso: 2nd Year Bachelor of Science in Computer Science
Edad: 18
Kaarawan: Disyembre 26, 1995
Tirahan: #30 Calioet Bacarra, Ilocos Norte
Magulang:
Ina: Mrs. Ernestina P. Pascua Hanapbuhay: Guro sa Elementary
Ama: Mr. Edward Ramos Hanapbuhay: Magsasaka
Pinagtapusan:
Tersarya: Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
(2012-Kasalukuyan) Batac City, Ilocos Norte
Sekondarya: Cadaratan National High School
(2008-2012) #30 Cadaratan Bacarra Ilocos Norte
Elementarya: Cadaratan Elementary School
(2003-2008) #30 Cadaratan Bacarra Ilocos Norte