Transcript
Page 1: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

Inihanda ni:

Arnel O. Rivera

ARALIN 6

ANG KONSEPTO NG KAKAPUSAN

Page 2: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

BALIK-ARAL

Page 3: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

• Ito ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

• Pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakakaranas ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman.

ANO ANG KAKAPUSAN?

Page 4: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

Pisikal na Kalagayan· Tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman.

Kalagayang Pangkaisipan· Tumutukoy sa walang hanggang pangangailangan

at kagustuhan ng tao.

URI NG KAKAPUSAN

Page 5: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

URI NG KAKAPUSAN

Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.

Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi makasapat sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Page 6: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman. Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman. Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.

DAHILAN NG KAKAPUSAN

Page 7: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

KAKAPUSAN

• Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

KAKULANGAN

• Pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman na kayang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT KAKULANGAN

Page 8: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

TEORYANG PANG-EKONOMIKS NI

THOMAS MALTHUS

Magpapatuloy sa mabilis na paglaki ang populasyon kung hindi ito makokontrol. Samantala, ang produksyon ng pagkain ay mabagal at hindi makasasabay sa mabilis na paglaki ng populasyon.

Page 9: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

Nag-iiba ang pag-uugali (behavior) ng tao kapag hindi niya nakakamit ang kanyang mga pangangailangan. Ang pag-uugali ng tao ay nagiging hindi katanggap-tanggap. Natututo siyang magdamot, mandaya at manlinlang sa kapwa. Nagiging bunga ng kakapusan ang kaguluhan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation).

KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

Page 10: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

BREAK MUNA!

• Ano ang dahilan kung bakit may suliranin ng

kakapusan sa inyong lugar?

• Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at pagtaas ng

presyo ang kakapusan?

PAGPAPAHALAGA

Page 11: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

MGA KAISIPAN TUNGKOL SA KAKAPUSAN

TRADE-OFFS

Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng kanyang

pangangailangan.

Upang makuha ang isang bagay, kailangang isakripisyo

ang iba.

Page 12: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

MGA KAISIPAN TUNGKOL SA KAKAPUSANOPPORTUNITY COST

Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan

upang makamit ang isang bagay.

Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga

pinagkukunang yaman.

Page 13: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan
Page 14: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (PPF)

Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng

kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na maaring

maprodyus kung matalinong ginagamit ang lahat ng

pinagkukunang-yaman ng isang lipunan.

Page 15: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

PAGPILI SA PAGITAN NG PRODUKSYON NG MAIS AT PALAY

800

550

Produksyon ng palay

AD

C

B

1,100 1,300Pro

duks

yon n

g m

ais

Page 16: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

PAGBUBUOD

Nagiging panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin.

Upang maging responsible ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang mabatid ang opportunity cost ng kanyang desisyon

Page 17: Aralin 6 ang konsepto ng kakapusan

REFERENCES:

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

www.WikiPinas.com