Transcript
Page 1: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

ANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

REV. JERIC C. CORTADO

Page 2: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 2

MGA NILALAMAN PAGBUBULAY 3 UNANG PAGSAMBANG AGINALDO 4 IKALAWANG PAGSAMBANG AGINALDO 6 IKATLONG PAGSAMBANG AGINALDO 8 IKAAPAT NA PAGSAMBANG AGINALDO 11 IKALIMANG PAGSAMBANG AGINALDO 13 IKAANIM NA PAGSAMBANG AGINALDO 15 IKAPITONG PAGSAMBANG AGINALDO 17 IKAWALONG PAGSAMBANG AGINALDO 19 ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28

Page 3: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 3

PAGBUBULAY Mga kapatid, ang Ika-16 ng Disyembre ay masayang araw sa Pilipinas, dahil ito ang unang araw ng SIMBANG GABI o SIMBANG MADALING-ARAW ng mga Kristiyano, ma-Romano Katoliko man o Protestante. Ang pananambahang ito ay binabalutan ng masasayang selebrasyon, mga awiting pampasko, tunog ng kampana, at saganang hapag ng pagkain para sa lahat. Matapos ang pananambahan ay hindi nawawala ang salo-salo sa puto, biko, suman, mainit na kape o tsokolate. Ang pananambahang ito ay unang nakilala sa Pilipinas bilang MISA DE GALLO, o pananambahan sa oras ng pagtilaok ng tandang sa madaling araw, at tinawag din itong, PAGSAMBANG AGINALDO (Aguinaldo Mass). Ang “aguinaldo” ay salitang Espanyol na ibig sabihin ay “regalo”. Sa diwang ito, ang Pagsambang Aginaldo na nagsisimula sa ika-16 at magtatapos sa ika-24 ng Disyembre ay kapahayagan ng ating regalo sa Panginoong Jesus, na isinilang sa sabsaban. Ito ay pagsambang naghahanda sa atin upang tanggapin ang dakilang regalo ng Diyos sa sanlibutan - ang kanyang bugtong na Anak. Sa gayon ay makaranas tayo ng liwanag at kalakasan, ng paglaya at kaligtasan. Ang hamon sa atin ay gawing makabuluhan at makahulugan, mapagpala at mapagpalaya ang PAGSAMBANG AGINALDO. Sa Diyos ang papuri!

REV. JERIC C. CORTADO Pagdatal 2010

++++++++++++++++++

Page 4: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 4

UNANG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-16 ng Disyembere

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, simulan natin ngayon ang masayang tradisyon ng Pagsambang Aginaldo. Ang paggunita ng siyam na buwan na nasa sinapupunan ni Maria si Jesus at isinilang sa sabsaban sa Bethlehem. Sa siyam na umaga o siyam na gabi ay sama-sama tayong mag-aalay ng mga kaloob, panalangin, at pagsisisi sa kasalanan. Nawa’y ang tapat nating pagsisimbang aginaldo ay maging regalo natin sa Sanggol na magdiriwang ng kanyang kaarawan. Komunidad: Nawa’y manatili tayong nagkakaisa, nagdadamayan, at nagmamahalan sapagkat ito ang tunay na diwa ng Pasko. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon na dumating upang iligtas ang tao at ang sanlibutan. Sa gayon, ang biyaya at kapayapaan ng Diyos ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Salubungin natin siya ng may papuri! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ginawa mo kaming mga bagong nilikha sa pamamagitan ng iyong Anak na si Jesus, aming Cristo. Patuloy niyo po kaming samahan at patatagin sa paglilingkod at pagpupuri sa Iyo. Amen. ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Sa pamamagitan ni Propeta Isaias, sinabi ng Diyos na lagi nating gawin ang matuwid at itaguyod ang katarungan. Sa pagdating ba Niya, inihahanda ba natin ang ating sarili sa pagtupad sa kanyang mga utos?

(Tumahimik) ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang Diyos ay nasasaktan sa ating mga nagawang pagkukulang at pagkakamali. Subalit ang Diyos ay nagagalak sa ating paglapit na may pagpapakumbabang paghingi ng tawad sa Kanya at sa kapwa. Gawing ang ating buhay ay makakaranas ng pagbabago sa Kanyang kandungan.

Page 5: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 5

+GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni Isaias (56:1-3,6-8 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Juan 5:33-36). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Sino ang mangunguna sa bayan ng Diyos? Walang iba kundi iyong nagsisimula nang nabubuhay at nakakaunawa sa habag ng Diyos. Ang ating buhay at mga kaloob ay maging tugon sa hamon ng kapaskuhan. At ang pagpapala ay ibubuhos ng Panginoon sa lahat. Ang katiyakan na KASAMA NATIN ANG DIYOS sa ating paglalakbay. +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: Dios na aming Magulang, tanggapin niyo ang aming mga handog ng pagpupuri at pasasalamat. Ang aming mga pangako na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa. Tulungan niyo po kaming mapanindigan na sa aming katapatan sa iyo ang lahat ay pagpapalain at walang magugutom na lingkod Mo na aming makakapiling. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH”

Page 6: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 6

PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

+++++++++++++

IKALAWANG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-17 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tampok sa pagdiriwang natin ngayon ay ang pagninilay sa lahing pinagmulan ni Jesus. Niyakap ni Jesus ang isang masalimuot na kuwento at karanasan ng mga tao, upang sangkapan tayo ng kalakasan at katatagang kumilos patungo sa paglaya. Komunidad: Purihin natin si Jesus, ang Mesiyas, ang anak ni Abraham at anak ni David. Tagapanguna: Ang kanyang kapayapaan at kagalakan ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Sa Diyos ang papuri. +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” PAMBUNGAD NA PANALANGIN

(Hilingin ang isang bata na manguna sa panalangin.) ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Alam ng Diyos ang ating mga intensyon, ang ating mga makasariling layon sa kapaskuhan, o ang ating mga pagnanais na makatulong. Sa diwang ito, tayo ay lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong at tawad. Linisin at pagalingin sa kapangyarihang nakapagpapabago sa ating mga pag-uugali at buhay. ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang kaganapan ng Araw ng Diyos ay nalalapit na. Ang panahong ito ay gawaing bago. Palubog na ang karahasan at kahirapan upang bigyang daan ang bagong umaga. Pasalamatan natin ang naging daan nito, ang SANGGOL NA

Page 7: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 7

ISINILANG SA SABSABAN, ang dakilang kapahayagan ng malaking habag ng Diyos sa sangkatauhan. +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ng Genesis (49:2,8-10 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Mateo 1:1-17). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Nauuhaw ang mundo at nagugutom. Sa atin ay umaasa ng tugon. Ang ating mga kaloob ay isang malaking tugon sa gutom at uhaw na nararanasan ng bayan ng Diyos. Pinagpapala ng Diyos ang lahat ng nagkakaloob. +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

Page 8: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 8

+++++++++++++++++++++++++++

IKATLONG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-18 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mapalad ang mga tao, ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob. Sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos. Komunidad: Ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, at dagat ay panig sa naapi. May pagkaing handa sa mga nagugutom at pinapalaya niya ang mga nabibihag sa kasalanan at kasakiman. Tagapanguna: Walang hanggang hari ang Diyos, Siya ay dakila. Siya ay papurihan. At sumainyo ang pag-ibig ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang aming pagtitipon ay gawin mo nawang kalugod-lugod sa iyong harapan, at sangkapan kami ng talino’t tatag sa paglilingkod. Amen. ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Sa pagsilang ni Jesus sa sabsaban, ibinahagi ng Diyos ang kanyang pag-ibig. Pagsisihan natin ang mga panahong binalewala natin ang pag-ibig na ito. (Tumahimik) ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tagapanguna: Hindi kami karapat-dapat tumawag na “Magulang”. Komunidad: Kung hindi naman namin kinikilala ang aming sarili bilang Iyong mga anak. Tagapanguna: Hindi kami karapat-dapat magsabing “sa langit.” Komunidad: Kung ang ating relihiyon ay walang puwang at malasakit. Tagapanguna: Sa ibang tao at sa kanilang pangangailangan, hindi namin masasabing “banal”. Komunidad: Kung ang aming hangarin ay para sa kasamaan at pansarili lamang. Tagapanguna: Wala kaming karapatang sambitin “ang ngalan” ng Diyos.

Page 9: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 9

Komunidad: Kung kami ay hindi sumasamba sa iyo at sa halip ang sinasamba namin ang mga nagpapanggap na diyos. Tagapanguna: Anong saysay kung sabihin naming “Ang kaharian Mo ay sumapit”. Komunidad: Kung hindi namin sinusunod ang iyong kalooban, bagkus ay naging instrumento pa kami ng kadiliman at kamatayan. Tagapanguna: Wala kaming karapatang magsabing “Gawin nawa ang iyong kalooban.” Komunidad: Kung hindi namin nauunawaan ang aming misyon para sa sanlibutan. Tagapanguna: Hindi namin dapat sabihin “Sa lupa gaya ng sa langit.” Komunidad: Hanggat hindi namin itinatalaga ang aming mga sarili para sa iyong pamayanan dito sa lupa. Tagapanguna: Hindi namin mahihiling na “Ipagkaloob mo ngayon sa amin, pang-araw-araw naming pagkain.” Komunidad: Kung kami ay masyadong sakim at nagsasawalang bahala sa kapakanan ng iba, lalong-lalo na ang mga nagugutom. Tagapanguna: Hindi namin masasabing “Kaming nagkasala’y patawarin, nagpapatawad sa kapwa rin.” Komunidad: Kung kami ay patuloy na pinagmumulan ng away at galit. Kung kami ay hindi marunong magpatawad sa aming mga sarili at sa aming kapwa. Tagapanguna: Walang kabuluhan ang aming pagsasabi ng “Huwag mo kaming sa tukso’y tulutan, kundi iligtas sa kasamaan”. Komunidad: Kung hindi naman namin nilalabanan ang tukso at minamasarap pa ang ganoong kalagayan. Tagapanguna: Hindi namin masasabing “ang kaharian, kapangyarihan, at kalwalhatian sa’yong tanan.” Komunidad: Kung wala kaming hinahangad kundi sariling katanyagan at kapakanan higit kaninuman. Tagapanguna: Wala kaming karapatan na magsabi ng “Amen”. Komunidad: Hanggat hindi kami nagsisikap na maging angkop ang panalanging ito sa amin. At hanggang hindi namin ito nalalakipan ng paggawa at pagtupad sang-ayon sa hamon at tawag ng panahon. Lahat: Patawarin niyo po kami, Panginoon. Tulungan niyo po kaming mabago at masangkapan ng diwang magkaisang tumugon sa mas malawak na misyon ng Iglesyang ito. Amen. +PAGPAPATAWAD Pastor: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga pagkukulang at pagkakasala. At patnubayan tayo sa ating pagtutuwid. Amen. +GLORIA PATRI

Page 10: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 10

PROKLAMASYON AT TUGON ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ng Jeremias (23:4-8 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Mateo 1:18-24). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Wala tayong pagmamay-ari sa mundong ito, maging ang ating buhay ay hindi atin. Ito ay sa Diyos. Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito. At inaasahan sa atin ng Diyos na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat. Ang iglesya ay mahalagang daluyan ng biyaya. +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: O Diyos ng aming buhay, nawa ang aming mga kaloob ay makapag- ambag upang maisakatuparan ang Iyong misyon sa sanlibutan. Tulungan mo kaming maging ganap ang iyong pag-ibig, at kapahayagan ng iyong presensya sa lipunang aming ginagalawan. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

Page 11: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 11

IKAAPAT NA PAGSAMBANG AGINALDO Ika-19 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Purihin ang Diyos sa kanyang pagiging makatarungan at dakila. Komunidad: Kagalakan ang tumalima sa Diyos. Tagapanguna: Binibigyan niya ng katarungan ang mga dukha, ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa. Ang salita niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit, ang hatol niya ay kamatayan sa masasama. Komunidad: Katarungan at katapatan ang paiiralin sa kanyang pamamahala. Tagapanguna: Purihin natin ang Panginoon na isinilang sa abang sabsaban. At sumainyo ang kalayaang biyaya ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang dakilang misteryo ng pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay mapag-ukulan nawa namin ng pansin sa aming pananambahan at pagbubulay. Maipagdiwang nawa namin nang may di magmamaliw na pag-ibig ang kapanganakan ni Jesus, sa pamamagitan niya kasama ng Santo Espiritu. Amen. ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Ang pagdatal ay hindi lamang simpleng paghahanda ng magagarang dekorasyon, mamahaling burloloy, regalo, at pagkain. Ang pagdatal ay paghahanda higit sa lahat sa ating sarili. Suriin natin ang ating sarili. Tayo nga ay naghahanda sa kalagayaan at katangiang inaasahan ng Diyos. ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Tinig 1: Mapagkalingang Diyos, aming ipinapahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay nangangailangan ng tubig na tutugon sa aming pagka-uhaw subalit tuyo ang aming mga balon.

Page 12: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 12

Tinig 2: Kami po ay natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at nagkamali.. Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at pagbabalik-loob sa iyo. Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang pagdatal ay isang malaking pagluwal ng pagkakataong maranasan natin ang biyaya ng Diyos. Nagbubukas sa atin sa bagong buhay at kaparaanan upang mabuhay. Tayo ay lumapit sa Diyos at hayaang linisin Niya ang ating puso mula sa pagkainggit, galit, at pagkukunwari. Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay isang malaking kapakitaan sa mapagpakumbabang Diyos. Sa Diyos na madaling lapitan, kaibigan, at maasahan. +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ng Mga Hukom (13:2-7,24-25a basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Lucas 1:5-25). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating hangad ang kagalingan ng bayan ng Diyos. Nagiging ganap ito sa diwa ng ating pagbabahagi sa yamang ipinagkatiwala sa ating ng Diyos.

Page 13: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 13

+ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: O aming Diyos, pinalago mo kami sa Iyong pag-ibig. Pinalakas mo kami sa Iyong Espiritu. Nagpapatuloy kaming kumikilos dahil sa Iyong kabutihan at kapangyarihan. Sa Iyo nagmumula ang kakayanan naming gumawa ng kabutihan at mga talentong aming itinatalaga sa iyong ministeryo na aming ministeryo. Tanda ng aming pasasalamat.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

IKALIMANG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-20 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Pasalamatan natin ang Panginoon na nagsugo sa kanyang Anak upang ating maging Tagapagligtas. Ang Espiritu ng kapayapaan at galak ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, sa pagsambang ito ay loobin mong manuot ang Iyong pag-ibig sa amin. Umunlad kami sa pagsunod sa Iyo at pagsasabuhay ng pananampalatayang malaya at mapagpalaya. Kay Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang-hanggan. Amen. ANG TAWAG PAGSISISI

Page 14: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 14

Tagapanguna: Iniligtas tayo ng Diyos sa pagsugo niya ng Kanyang Anak, na isinilang ni Birheng Maria. Pinahahalagahan ba natin ang Ina ng Diyos? Tinutularan ba natin ang kanyang mga halimbawa? Siyasatin natin ang ating mga sarili. ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Magmahalan tayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob. Binigyan tayo ng Diyos ng kakayanang magmahal at lumaya. Ang sanggol na isinilang sa sabsaban ay kapahayagan ng kasiguruhang ibinigay nga ng Diyos ang pag-asa sa buhay ng walang hanggan. +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni Isaias (7:10-14 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Lucas 1:26-38). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating ipadama ang ating pasasalamat sa diwa ng pagkakaloob. Isang kapahayagan ng kahandaang ipagdiwang ang natatanging pangyayaring naipahayag ng Diyos ang dakila nitong inisyatiba upang atin siyang makapiling sa kay Cristo Jesus. +ANG PAGHAHANDOG

Page 15: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 15

+DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: Basbasan niyo po ang paghahandog na ito. Higit na payabungin ang aming mga buhay sa pangangaral at paglilingkod, sa gayon, lumaganap ang iyong pag-ibig sa lahat ng dako. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

+++++++++++++++++++++++++

IKAANIM NA PAGSAMBANG AGINALDO Ika-21 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sinabi pa ni Yahweh, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan ako sa piling mo.” Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri kay Yahweh at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo (Zacarias 2:10-11b). At sumainyo ang mapagpalayang kapangyarihan ng Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa gitna ng aming mga pagtitiis dalhin niyo po kami sa inyong liwanag. Samahan niyo po kami, O Diyos, nitong aming pananambahang upang tuklasin ang kahulugan ng buhay. Maranasan ang galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Ipagkaloob niyo nga po ang katatagang sumunod kay Cristo-Jesus. Amen.

Page 16: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 16

ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan sa katapatan ng paghahanda ng ating buhay sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Jesus. Kung paano ang abang sabsaban ay naging bukas sa Mesias upang makapanahan. Siya rin nawa nitong kapaskuhan at sa lahat ng panahon tayo ay bukas sa Mesias. Ilagay ang ating sarili sa kahandaan upang ganap na manahan ang Diyos sa ating kalagitnaan. ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Nang tinawag natin ang Diyos sa ating panghihina, pinakinggan niya tayo. Ang pagdatal ay isang malaking kapahayagan ng Diyos, ang pagsilang kay Jesus sa sabsaban ay isang patunay na iniibig niya tayo. Anupat walang dahilan upang sa Diyos tayo ay mag-alinlangan. Aleluya. +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ng mga Awit ni Solomon (2:8-14 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Lucas 1:39-45). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating ipadama ang pasasalamat sa diwa ng pagkakaloob. Isang kapahayagan ng kahandaang ipagdiwang ang natatanging pangyayaring

Page 17: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 17

naipahayag ng Diyos ang dakila nitong inisyatiba upang atin siyang makapiling sa kay Cristo Jesus. +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: Basbasan niyo po ang paghahandog naming ito. Higit na payabungin ang aming mga buhay sa pangangaral at paglilingkod, sa gayon, lumaganap ang iyong pag-ibig sa lahat ng dako. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

IKAPITONG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-22 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Salita ng Diyos ay naghihintay sa atin dito. Tayo ay magtipon upang sumamba at magpuri. Ang banal na Espiritu ay umaanyaya sa atin sa tapat na pananalangin at taimtim na pagusuri mula sa nakagawian na nating ginagawa. Sa gayon ang Diyos ay mapapupurihan. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos! +IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa gitna ng aming mga pagtitiis at alinlangan, dalhin niyo po kami sa inyong liwanag. Samahan niyo po kami, O Diyos, nitong aming pananambahang naglalagay sa amin sa pagtuklas ng kahulugan ng buhay. Maranasan nawa namin ang galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Ipagkaloob niyo nga po ang katatagang sumunod kay Cristo-Jesus. Amen.

Page 18: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 18

ANG TAWAG SA PAGSISISI Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan ng Diyos na ating ipahayag sa Kanya at sa kapwa ang mga naging kasalanan at ang nagawa laban sa kanyang kaluwalhatian. ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Lahat: Diyos na aming Magulang, naninikluhod po kami sa inyo sa paghingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan sa Iyo at sa aming kapwa. Tulungan niyo po kaming makapagpanibago ng buhay at gawi sa pamamagitan ng Iyong masaganang pagpapatawad. Amen. Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Mga kapatid, ang hain na kapatawaran, sa ating pagtanggap ay nagiging hamon ng paglilingkod. Labanan ang kasakiman at pagkagahaman. Ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay pumarito upang patawarin tayo at muli tayong mapabilang sa kanyang pamilyang pinagpapala. Sa Diyos ang papuri! +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel (1:24-28 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Lucas 1:46-56). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG

Page 19: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 19

Tagapanguna: Mga kapatid, magdala kayo ng mga handog sa tuwing haharap sa Panginoon, ayon sa inyong makakaya at sa biyayang tinanggap ninyo mula sa Kanya. +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: Salamat O Diyos, sa iyong kabutihan na nagkaloob sa amin ng kakayanan upang makapagbahagi at makatulong sa kapwa. Ipinagkakaloob namin ang mga handog na ito, kasama ng aming sarili upang hubugin ang komunidad sa iyong kalooban, sa Espiritung taglay ni Cristo. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

IKAWALONG PAGSAMBANG AGINALDO Ika-23 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGHAHANDA MGA MALASAKIT AT BALITA + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Habang papalapit na tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng Tagapagligtas, maranasan nawa natin ang kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay. Komunidad: Madama nawa nating tayo rin ay mahalaga para sa Diyos- tulad ni Juan, magiging Tagapagpakilala kay Jesus na isinilang sa sabsaban. Tagapanguna: Tayo ay may natatanging misyon: ang tanggapin ang Panginoon at ipamalita sa lahat ang kanyang kagandahang-loob. Komunidad: Sa kaganapan ng panahon, ipadadama ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo Tagapanguna: Nawa ang pag-ibig ng Diyos Ama ay laging sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

Page 20: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 20

+IMNO NG PAGPUPURI “Joy to the World” +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak, kaming mga lingkod mong hindi karapat-dapat ay tangkilikin nawa sa pag-ibig ng iyong Salita na nagkatawang-tao. Manahan nawa sa amin ang Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen. ANG TAWAG PAGSISISI Tagapanguna: Ang sanggol na si Jesus ay sagisag ng kagandahang-loob at awa ng Diyos. Nadarama ba natin ang pag-ibig ng Diyos? Ibinabahagi ba natin sa iba ang pag-ibig na ito? (Tumahimk) ANG PANALANGIN NG PAGSISISI Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Mga kapatid, ating pagnilayan ang mensahe mula sa Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.” +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

ANG ARALIN SA MATANDANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni Malakias (3:1-4, 23-24 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (aawitin, “Break Thou the Bread of Life”) Ang iyong salita, Diyos Magulang, ay pagkain ng aming kaluluwa. Ilaw ng buhay ko‟t kalakasan laging nagbibigay kasiyahan. Amen. ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang Lucas 1:57-66). Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Page 21: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 21

Tugon: (awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. DALIT NA AWIT SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Mga kapatid, ating pakinggan ang tagubilin ni Apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto at ang hamon sa atin sa kasalukuyan (2 Corinto 9:7-8), “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay-higit pa sa inyong pangangailangan-upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.” +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO NG PANANALIG “ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH” PANALANGING PASTORAL +BENDISYON +TATLONG AMEN PAGHAYO

+++++++++++++

ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG

PASKO Ika-24 ng Disyembre

SA PAGPASOK

PAGTITIPON MGA MALASAKIT AT PAGBABALITA +TAWAG SA PAGSAMBA Pastor: Purihin ang Panginoong Diyos na narito ngayon, noon, at magpakailanman! Maging handa nawa tayo sa kanyang pagdating. Sumainyo ang biyaya ng Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ang sanggol sa sabsaban ay naghihintay sa atin. Lumapit kayo at tunghayan siya!

Page 22: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 22

Komunidad: Ang matagal na hinahangad at hinihintay ng bayan ay naisilang na at nasa kalagitnaan na natin! Aleluya! Tagapanguna: Iwanan ninyo ang listahan ng inyong ipaghandang pagkain at bibilhin. Lumapit kayo sa abang sabsaban kung saan isinilang ang Mesiyas. Naroon siya at humihiling ng inyong mainit na pagtanggap at yakap. Komunidad: Ang mga nagkikislapang Christmas lights at lanterns ay malimit bumubulag sa atin sa tunay na diwa ng Pasko. Isipin nating naisilang siya sa abang kalagayan. Tagapanguna: Halikayo! Magtipon at magdiwang sapagkat ang Mesiyas ay naisilang. Komunidad: Gloria in excelsis! Papuri sa kaitaasan!

PROKLAMASYON AT TUGON IMNO “O Come, All Ye Faithful” AIC # 30 Halina at tayo‟y magpuri‟t magdiwang, Pagkat si Cristo‟y isinilang sa Bethlehem;

Ating awitan Hari ng mga anghel. Koro:

Halina‟t Siya‟y purihin, Halina‟t Siya‟y purihin. Si Cristong ating Hari at Panginoon!

Purihin si Cristo, O hukbo ng langit, Pagkat Siya‟y karapatdapat paglingkuran; Purihin ang Hari ng kapayapaan. Koro

Kami‟y nagpupugay sa Iyong pagsilang, Jesus, ang aming papuri‟y alay sa Iyo. Tunay na Tao ngunit Dios ding totoo. Koro

ARALIN “Ang Hula” Tagabasa: Ang pagbasa ng aralin mula sa Aklat ni Isaias 9:2, 6-7 (basahin). – Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. PAGSINDI SA UNANG KANDILA NG PAGDATAL IMNO “O Little Town of Bethlehem” AIC # 25 Munting bayan ng Bethlehem, Payapa‟t tahimik ka, Tala‟t bitwin nagniningning sa langit na kay ganda; At sa gabing malalim sa Iyo‟y sumilang na, Si Cristong pag-

asa namin – Hari ng pagsinta. Si Cristo ay sumilang na sa hamak na sabsaban; Mga anghel ang tanod Niya Habang Siya’y nahihimlay. O Tala sa umaga, Balita’y itanghal, Awitan at purihin Siya na Hari ng tanan.

Buong pusong ibinigay Dakilang handog ng Dios, At sa buong sanlibutan katubusan ang dulot; Taong makasalanan, Magsisi nang lubos; Ang puso mo

ngayo‟y buksan, Papasok si Jesus! Cristong Sanggol ng Bethlehem, Dalangin nami’t luhog; Pusong may sala’y linisin at doon ay pumasok; Tinatanggap ka namin, Dakilang Kaloob; O Panginoong Emmanuel sumaaming lubos! Amen.

Page 23: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 23

ARALIN “Ang Bisita” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 1:26-38). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Prepare the Way of the Lord” UMH207 Prepare the way of the Lord. Prepare the way of the Lord, and all people will see

the salvation of our God. PAGSINDI SA IKALAWANG KANDILA NG PAGDATAL ARALIN “Ang Paglalakbay at Kapanganakan” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:1-7). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Away in a Manger” UMH # 217

Away in a manger, no crib for a bed, the little Lord Jesus laid down his sweet head the stars in the sky looked down where he lay, the little Lord Jesus, asleep

on the hay. The cattle are lowing, the baby awakes, but little Lord Jesus, no crying he makes; I love thee, Lord Jesus, look down from the sky and stay by my cradle till morning is nigh.

Be near me, Lord Jesus, I ask thee to stay close by me forever, and love me, I pray; bless all the dear children in thy tender care, and fit us for heaven to live

with thee there. PAGSINDI SA IKATLONG KANDILA NG PAGDATAL ARALIN “Ang mga Pastol at mga Anghel” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:8-14). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Hark! the Herald Angels Sing”AIC # 26 Angheles ay nag-awitan: “Ang Mesyas ay sumilang!” Kaligtasa‟y Kanyang dulot,

Tayo‟y naugnay sa Dios. Sansinukob ay nagdiwang, At sampu ng kalangitan; Ihayag sa balana – Ang Mesyas ay sumilang na. Angheles nag-awitan: “Ang

Mesyas ay papurihan!” Ang Cristong tampok sa langit, Dios ng awa’t pag-ibig; Sa takdang kapanahunan, Sa mundo ay sumilang. Si Cristo’y Dios na totoo ngunit

Page 24: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 24

Siya’y nag-anyong tao; Nakisama sa atin si Jesu-Cristong Emmanuel! Angheles nag-awitan: “Ang Mesyas ay papurihan!”

Hari ng kapayapaan ay ating papurihan, Kaliwanagan ay dulot sa buong sansinukob. Langit ay kanyang iniwan at sati‟y nakipisan; Sa kanya ang manalig,

Patawad ay makakamit; Angheles nag-awitan: “Ang Mesyas ay papurihan!” PAGSINDI SA IKA-APAT NA KANDILA NG PAGDATAL

ARALIN “Ang Pagsunod sa Bituin” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:15-20). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Angels We Have Heard on High” PAGSINDI SA KANDILA NI CRISTO SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ipinagkaloob ng Diyos na ating Magulang ang kanyang bugtong na anak na si Jesu-Cristo upang tayo ay makasumpong ng buhay at kasaganaan. Kaya naman, tayo’y inaanyayahan na ihandog din ang ating sarili at lahat ng tinatangkilik sa Panginoon na tanda ng pag-ibig sa kanya. +ANG PAGHAHANDOG

(Sa pagkakataong ito lilikumin o dadalhin sa altar ang ating mga handog, kaloob, pangako, at ikapu. Dito na rin dadalhin o ipapasok ang tinapay at saro kung hindi pa ito

naayos sa altar. Gagawin natin ito sa saliw ng angkop na tugtugin o awitin.)

+DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos, ng aming buhay, nawa ang aming mga kaloob ay makapag- ambag upang maisakatuparan ang iyong misyon sa sanlibutan. Tulungan mo kaming maging ganap ang iyong pag-ibig at presensya sa lipunang aming ginagalawan. Amen.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

PAGSINDI NG KANDILA NG BAWAT ISA SA KANDILA NI CRISTO Pastor: Ang sabi ni Jesus, “Kayo‟y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay ilalagay ito sa talagang patungan upang

Page 25: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 25

matanglawan ang lahat na nasa bahay. Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Diyos na nasa langit” (Mateo 5:14-16). IMNO “Silent Night, Holy Night” AIC # 33

Kay tahimik ng paligid Sa gabing marikit; Ang isang Birhen ay nagsilang ng tanging Sanggol sa sabsaban;

Paghimlay ay payapa, Paghimlay ay payapa. Kay tahimik ng paligid, Angeles umawit; Ang tanang pangamba’y naparam Sa balitang sakdal ng inam: “Dumatal na ang Hari,” “Dumatal na ang Hari”

Kay tahimik ng paligid, Ang badya‟y pag-ibig; Dios ay nagbigay ng biyaya; Dinggin ang magandang balita:

“Ang Mesyas ay sumilang,” “ Ang Mesyas ay sumilang!” Kay tahimik ng paligid, Tala ay namasid; Mga mago ay nagsihanap sa sanggol na Tagapagligtas- Si Cristong manunubos, Si Cristong manunubos! Amen. PANALANGING PASTORAL +PAGBABASBAS Pastor: Ang kapayapaan ni Cristo ay sumaating lahat sa patuloy na paglalakbay. Komunidad: Magliwanag sa atin ang liwanag ni Cristo sa ating paghayo. Pastor: Ang pag-ibig ng Diyos ay naisilang sa ating kalagitnaan. Komunidad: At tayo ay muling inilawan sa gabing ito. Pastor: Humayong taglay ang kapayapaan. Ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa lahat n gating makakasalamuha. Komunidad: Tayo ay sinag ng pangalang Emmanuel! Kasama natin ang Diyos! Lahat: Aleluya! Amen. (Ang lahat ay mag-alay ng masigabong palakpakan) +IMNO “Joy to the World” AIC # 24 +PAGHAYO (Hahayo ang mga tao na nakasindi ang mga kandila)

+++++++++++++++++++++++++++

Page 26: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 26

ANG BANAL NA KOMUNYON AWIT NG PASASALAMAT “Kay Laking Hiwaga” Hindi ko maisip kay laking hiwaga, kay laking paglingap, pagpapakasakit, sala naming tao ng iyong akuin, walang hangganan Diyos, ang iyong pag-ibig. Ang abang lingkod mo di karapatdapat, sa‟yo‟y makisalo, makpaghapunan, di na

nagnanais ng maraming bagay, sapat na madamang ika‟y kapiling. Sa aking pagtanggap ng alak at tinapay, aking kagalakan ay walang mapagsidlan, di kinakailangang akin pang wariin, kung bakit ang ligaya ko’y walang patid. ANG PAGHAHANDA NG TINAPAY AT ALAK ANG DAKILANG PASASALAMAT Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Itaas ninyo ang inyong mga puso. Komunidad: Itinataas namin ang mga ito sa Panginoon. Pastor: Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos. Komunidad: Matuwid na magpasalamat at magpuri. Pastor: Matuwid at isang bagay na mabuti na magpasalamat lagi … Kung kaya’t nararapat lamang na suuban ka ng walang katapusang imno ng pasasalamat at pagdakila. Lahat: (aawitin) Kabanal-banalang Dios ng lakas at tatag. Langit lupa‟y pinagpapala. Papuri ay sa langit. Mapalad S‟yang parating sa ngalan ng Dios. Papuri ay sa langit. Pastor: Banal ka, O Diyos … misteryo ng pananalig sa kay Cristo. Lahat: (awitin) Namatay, at nabuhay, babalik muli. Pastor: Ibuhos mo ang iyong Banal na Diwa sa amin, …, iyo ang buong karangalan at kaluwalhatian, makapangyarihang Magulang, ngayon at sa walang hanggan. Tugon: Amen, Amen, Amen. Pastor: At ngayon, taglay ang kasiguruhan ng mga anak ng Diyos, manalangin tayo: Lahat: (aawitin) Dios na Magulang, Banal ang ngalan. Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang „yong kalooban. Sa lupa gaya ng langit. Ipagkaloob ngayon sa amin, Pang-araw-araw naming kakanin. Kami sa sala ay

patawarin, Nagpapatawad sa kapwa rin. H‟wag mong sa tukso‟y kami‟y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan. Pamamayani,

kapangyarihan, kaluwalhatian, sa „Yong tanan. Amen. PAGPIRA-PIRASO NG TINAPAY PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO +PANALANGIN NG PASASALAMAT

Page 27: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 27

MGA PILING AWITIN

Awitin # 1: “Joy to the World”

Sanlibutan, magdiwang ka, Ang Hari‟y dumatal! Puso natin ay ibukas upang patuluyin Siya, Hukbo ng kalangitan, at lahat sa sanlibutan

Panabay na magdiwang at mag-awitan. O magsaya, buong lupa! Purihin si Jesus. Bukid, ilog, at ang burol kasama mong natutuwa; Kagalakan ay lubos, ang kagalakan ay lubos Sa pagsilang ngayon nitong Mananakop.

Sa kasalanan ng tao ay may panlunas na. Dahil sa tagapagligtas, biyaya ay matatamo;

Pinawi Niya ang sumpa, o pinawi Niya ang sumpa, O halina at sa Kanya magtiwala.

Si Cristo ay naghahari, Puspos ng katuwiran. Bawat manalig sa Kaniya ay di na mapapalungi; Ang kanyang pagmamahal sa lahat sa sanlibutan Ay dakila, Pagkadakila ngang tunay!

Awitin # 2

ANGELS WE HAVE HEARD ON HIGH Angels we have heard on high Sweetly singing o’er the pain And the mountains in reply Echoing their joyous strains

Refrain: GLO - - - - - RIA IN EXCELSIS DE0 (2X)

Shepherds why this jubilee Why your joyous strains prolong What the gladsome tidings be Which inspire your heavenly song

Come to Betlehem and see Him whose birth the angels sing Come adore on bended knee Christ the Lord the new born king

See him in a manger laid Whom the choirs of angels praise Mary Joseph lend your aid While our hearts in love with praise.

Page 28: ANG AGINALDO · ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA GABI NG PASKO 21 ANG BANAL NA KOMUNYON 26 MGA PILING AWITIN 27 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 28. GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO

GABAY SA MGA PAGSAMBANG AGINALDO Page 28

Si REV. JERIC C. CORTADO ay ordained elder ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church. Pumasok sa ministeryo noong taong 1997. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Theology sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) sa taong 2001. Nagtapos din ng Master of Divinity sa Union Theological Seminary (UTS), Dasmariñas, Cavite, Philippines sa taong 2007 kung saan ginawaran ng Sonco-Laus Liturgy, Music, and the Arts Award at Liberato Bautista Church and Society Award. Nadestino sa iba’t ibang iglesia lokal at programa ng Mindanao Philippines Annual Conference (UMC). Sa kasalukuyan ay naitalagang Acting Dean of Theology ng SPMCI. Kasal kay Bb. Cristine O. de Guzman, Deaconess ng United Methodist Church, at magulang ni Sofia Rev de Guzman-Cortado.

KAPAHAYAGAN NG ATING

PANANAMPALATAYA Pastor: Tayo ay magkaisa sa makasaysayang kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano. Lahat: Sumasampalataya tayo sa Diyos, ang Amang makapangyarihan, tagapaglikha ng langit at daigdig. Sumasampalataya tayo kay Jesu-Cristo, ang namumukod-tangi n‟yang anak, ang ating Panginoon. Ipinaglihi s‟ya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ni Birheng Maria. Nagdusa s‟ya sa ilalim ng pamamahala ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Bumaba s‟ya sa hanay ng mga patay. Sa ikatlong araw, muli s‟yang bumangon. Umakyat s‟ya papasok sa langit, at iniluklok sa gawing kanang kamay ng Ama. Muli s‟yang darating upang hatulan ang mga nabubuhay at ang mga patay. Sumasampalataya tayo sa Banal na Espiritu, sa banal na Iglesia Katolika, sa komunyon ng mga banal, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

+++++++++++++++++++++++

MGA PINAGBATAYAN 1. Ang Aklat ng Pagsamba (The Book of Services). Philippines: PCC-UMC-BCEC, 2004. 2. The United Methodist Church Hymnal. USA: The United Methodist Publishing House, 2005. 3. The United Methodist Book of Worship. USA: The United Methodist Publishing House, 2002. 4. Ang Imnaryong Cristiano. Manila: OMF Publishers, 1980. 5. Ang Imnaryong Metodista. Philippines: The Methodist Cooperative Association, 1946. 6. Raas, Berhnard. svd. LITURGICAL YEAR, vol. 1. Manila: Logos Publications, Inc., 1998. 7. The Road to Reversal – Advent and Christmas Manual Guide to Celebration. Philippines:

UCCP, 1990. 8. ANG PAGBUBULAY NG BUHAY. UCCP.


Recommended