Transcript
Page 1: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

"KAKULANGAN SA PASILIDAD, KAGAMITAN SA PAARALAN AT EPEKTO

NITO SA MGA MAG-AARAL NG PAMBANSANG

MATAAS NA PAARALANG

ANGAT”

____________________

Isang Pananaliksik Papel ang Ipinapasa kay Gng. Gng. Nimfa R. CruzGuro sa Filipino IV

____________________

Bilang Pagtugon sa ibinigay na Proyekto sa Filipino, ng Ika-apat na taon,TA: 2010-2011

____________________

Ipinasa Nina: Igaya, Mhac Niel; Junio, Paul Aljon; Geno Cruz, Jerome; Dulalia, Edmon; Fabian, Moises Pebrero, 2011

Page 2: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat………………………………………………………………………..…….i

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito…………………………………….…...1

Kaligiran ng Pag-aaral (Abstrak)……………………………………………..….1

Layunin ng Pag-aaral……………………..………………………………………2

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura………………..……………3

Mga Kakulangan sa Paaralan…………………….….…3

United Nations Report………………………………….5

Out of School youth…………………………………….5

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik…………………………….……..6

Metodolohiya……………………………………………………………….……6

Instrumento…………………………………………………………..…..6

Respondente / Sabjek………………………………………………..…...7

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos………………………..…...7

Kabanata IV: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon…………………………….36

Lagom……………………………………………………...…………………….37

Kongklusyon……………………………………………………………………..38

Rekomendasyon………………………………………………………………….39

Bibliografiya……………………..………………………………………………………40

Apendiks

A. Sarbey-kwestyoneyr…………………………………………………………..43

B. Mga Katanungan sa Panayam………………………………………………...45

Page 3: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

PASASALAMAT

Lubos ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang

walang pag-aalinlangang pagbibigay ng tulong, kontribusyon at suporta sa ikatatagumpay

ng pananaliksik papel na ito:

- sa aming propesor sa Filipino IV na si Gng. Nimfa R. Cruz sa paggabay at

Pagbantay sa amin hangang sa marating namin ang pagtatapos ng pananaliksik

papel na ito at sa pagiging mapagpasensya sa kabuuang proseso ng pagsulat nito.

Kami rin ay nagpapasalamat sa kanya sa pagkakataong ibinigay niya sa amin

upang magkasama-samang gumawa ng isang pananaliksik papel na naging tulay

sa aming mas pinalalim na pagkakaibigan at sa dagdag na karanasan na

siguradong makatutulong sa amin sa hinaharap,

- sa mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralng Angat, partikular na

ang mga mag-aaral mula sa mga pangunahing seksyon ng iba’t-ibang antas, para

sa pagbabahagi nila ng kanilang oras upang sagutan ang aming sarbey at sa

pagpayag nila sa isang panayam. Hindi namin makakamit ang katapusan ng

aming pananaliksik papel kung hindi dahil sa kanilang mga sagot na naging daan

upang kami ay magkaroon ng konklusyon na magdudulot ng ikatatagumpay ng

pananaliksik papel na ito,

- sa aming mga minamahal na magulang na nanatiling nasa tabi naming upang

kami ay gabayan at suportahan, na masasalamin sa pinansyal, moral, at

emosyonal na aspeto, sa buong proseso ng aming pagsulat ng pananaliksik papel,

- at ang pinakaimportante sa lahat ay sa ating Panginoon, na nagbigay sa amin ng

talino at kakayahan na aming kinailangan sa pagsulat. Lubos kaming

Page 4: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

nagpapasalamat sa Kanya sa pagbibigay sa amin ng lakas, mabuting kalusugan at

walang kupas na paggabay sa bawat hakbang na aming ginawa hanggang sa

marating na namin ang pagtatapos ng aming pananaliksik papel.

Muli, taus-puso ang aming pasasalamat.

- Mga Mananaliksik

Page 5: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Kaligiran ng Pag-aaral (Abstrak)

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Kakulangan sa Pasilidad, kagamitan sa

Paaralan at Epekto nito sa mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Angat”

ay naglalayong tuklasin kung may kinalaman ba ang mga kakulangang pasilidad at

kagamitan sa kahusayang pang-akademiko ng mga mag-aaral at kung mayroon, paano ito

nakaaapekto sa mga mag-aaral. Gumamit ng disenyong deskriptiv ang mga mananaliksik.

Kaugnay nito ay nagsagawa sila ng sarbey at mga panayam upang makakalap ng datos.

Mga mag-aaral sa pangunahing seksyon ng paaralan ang respondente. Ang sarbey ay

naglalaman ng sampung katanungan na idinisenyo upang malaman kung ang mga mag-

aaral ba ay may ideya sa konsepto ng mga kakulangan sa kagamitan at pasilidad ng

paaralan at kung ano ba ang kanilang opinyon tungkol sa mga kakulangang ito at kung

paano ito nakakaapekto sa kanila bilang mga mag-aaral. Ang panayam naman ay nag-

aanyaya sa mga mag-aaral na magsalaysay ng ispesipiko nilang mga opinion ukol sa mga

kakulangn na ito na may kaugnayan din sa naunang sarbey na isinagawa ng mga

mananaliksik.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na may malaking kaugnayan o epekto mga

kakulangang ito sa kanila bilang isang mag-aaral. Samantala, may mga sumang-ayon na

mas naiintindihan nila kung bakit may mga kagamitan at pasilidad na kulang sa

paaralanNgunit may mga nagsabi rin na kailangan pa rin ng mga mag-aaral ang mga

pasilidad at kagamitang ito. Mas nahihirapan ang mga mag-aaral na makapag-pokus sa

kanilang pag-aaral dahil kulang nga ang mga kagamitan atr pasilidad na kanilang

Page 6: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

nagagamit sa paaralan.Inirerekomenda ng mga mananaliksik na humingi ng tulong ang

mga samahan ng mag-aaral sa tulong ng mga guro na manghingi ng tulong sa pinansyal

sa mga kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay titak na matutupad na rin ang

hinihiling ng mga mag-aaral na magkaroon o madagdagan ng mga pasilidad at kagamitan

na maaari nilang mapakinabangan bilang isang mag-aaral.. Inirerekomenda din na

magkaroon ng mas malawak at malalim

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na pinamagatang “Kakulangan sa Pasilidad, Kagamitan sa

Paaralan at Epekto nito sa mga Mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Angat”

ay naglalayong ipakita ang mga posibleng epekto ng mga kakulangan pasilidad at

kagamitan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay

inaasahang tutugon sa mga sumusunod na mga katanungan:

1. Malaki ba ang nagiging epekto ng mga kakulangan ito sa maayos na pagkatuto ng mga

mag-aaral?

2. Ang mga kakulangan ito ba’y isang malaking FACTOR upang hindi magawa ng

maayos ng mga mag-aaral ang kanilang mga leksyon?

3. Paano ito masu-solusyunan ng mga kinauukulan?

Page 7: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

MGA KAKULANGAN NG PAARALAN

Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at ibapa, Ang isang

dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ngclassrooms at guro sa public

schools ay maraming mga estudyante saprivate schools ang lumilipat sa public schools.Sa

ngayon, halos 20 milyonang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa

publicschool. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon

naestudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mgaestudyante sa

private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas naang tuition ngayon sa private

schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat nabilihin. (Ellen Tordesillas, journalist).

Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sabawat 100 estudyante na

pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong nghayskul at 14 lamang sa mga ito ang

nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datosna ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang

problema natin saedukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng

kabataangPilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa

Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na ³dapat pangalagaan

ngEstado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyonsa lahat ng

antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upangmatamo ng lahat ang gayong

edukasyon.´ Dapat ay bigyan din ngpinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang

edukasyon. (MylenePadua).

NSO Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan aymayroong

34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko atpribadong paaralan edad

Page 8: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

anim hanggang dalawampu¶t apat. Sa kabuuangito, mas malaki ang porsyento sa ilalim

ng pampublikong paaralan. Mgapaaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng

gobyerno. At sa loob ng silid, ang ratio´ ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa

apatnapu¶tdalawang estudyante (cyndi18) .Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng

edukasyon dahil sasinasabing subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing

na³basic tool subject´ katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,at pagsulat

nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,pag-ibig sa bayan, at

tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansabilang Pilipino. Sa kalaunan, ito ang

magbibigay sa kanila ng giya upangmaging mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob

at labas ng bansa.Ngunit kung ³short cut´ ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila,

hindimalayong ³bansot´ din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mgasarili.Bukod pa

rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sasinasabing pagsasama-sama ng mga

aralin. Kailangan ding maglabas ngbagong babasahin at educational aides na aakma sa

tinaguriang ³revisedsubject nomenclature.´Ito¶y ilan lamang sa kagyat na makikitang

problemasa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sabadyet

para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ngpamahalaan dito(Bro.

Eddie Villanueva,2009).Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa

bansaang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi angpagdagdag ng

silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ngisang guro ang kanilang mga

estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral saisang silid-aralan gayung 30 hanggang 35

lamang ang dapat. Dahil dito,kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo

na angmamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-aralan at

mga guro.(Bernard Taguinod, 2010)

Page 9: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

UNITED NATIONS REPORT

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad ng

edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at

Zambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga

ang kalagayan ng edukasyonsa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan

ng edukasyonng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang

ng66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyoay para

lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulangpa din ng 61,343 na

classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 nasilya para sa mga estudyante. Kung

kaya naman kung hindi standing roomonly o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa

sahig ang maramingestudyante. Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang

hiningi niMrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung

kayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ngestudyante,

para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ngmahigit dalawang milyong

mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si Mrs. Arroyo. Ang

hiningi niyang badyet ay para lang sa2,000 punong-guro. Ngunit ang pangangailangan ng

bansa ay para sa 6,538na punong-guro. (Jejomar Binay).

Out of School Youth

Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,walang trabaho at

hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng 852,000 mula 3 milyon noong 1989

naging 3.8 milyon noong 1994. (NSO, 1994)

Page 10: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

METODOLOHIYA

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptiv. Tinutukoy dito kung

mayroon bang koneksyon ang mga kakulangang pasilidad at kagamitan sa kanila

bilang isang mag-aaral. Ginamit din ng mga mananaliksik ang metodong sarbey at

panayam upang mangalap ng kakailanganing datos para sa pagaaral na ito.

Bawat respondente ay binigyan ng sarbey na sasagutan sa loob lamang ng

maikling panahon. Ang mga datos na makukuha mula sa kanila ay iniayos upang mas

malinaw na maipakita ang opinion ng mga mag-aaral at ang relasyon ng dalawang

baryabol na kinokompara: (1) ang mga kakulangang kagamitan at pasilidad at (2) epekto

nito sa kanila bilang mnga mag-aaral. Mula sa mga nakalap na impormasyon, inanalisa

ng mga mananaliksik kung paanong ang dalawang baryabol na ito ay nagkakaugnay at

nakaaapekto sa buhay ng mga magaaral.

Kasama na din sa mga inayos na datos ang mga salaysay ng mga respondente sa

mga panayam na ginawa ng mga mananaliksik.

Instrumento

Ang sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik ay mayroong sampung

katanungan na may kinalaman sa kung paano nakakaapekto sa mga mag-aaral ang mga

kakulangan sa pasilidsad at kagamitan ng paaralan. Naglalayon din ang sarbey na ito na

malaman kung mayroon bang epekto ang mga kakulangang ito sa kanilang pag-aaral.

(Tingnan ang Apendiks A).

Page 11: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Sa isinagawa naming panayam ay mayroon lamang limang katanungan na sa

kabuuan ay nagpapasalaysay sa mga kinapanayam ng kanilang mga opinion kung paano

nakakaapekto ang mga kakulangang ito sa kanilang pag-aaral

(Tingnan ang Apendiks B).

Respondente / Sabjek

Mula sa kabuuang populasyon ng mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na

Paaralang Angat, na humigit kumulang (650), ang mga mananaliksik ay pumili lamang

ng isandaang (100) mag-aaral mula sa mga pangunahing seksyon ng bawat antas para

sumagot sa sarbey.Samantala, sampu naman ang pinili mula sa iba’t-ibang antas ang

kinapanayam ng mga mananaliksik. Sa pag-aaral na ito, ang mga nasabing mag-aaral ay

masasabing kabilang sa mga mag-aaral na lubos na naaapektuhan ang pag-aaral dahil sa

mga kakulangang ito. Karaniwang nasa 12-18 ang edad ng mga respondente.

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Matapos ang masigasig na pangangalap ng datos ng mga mananaliksik, sa

tulong na din ng mga respondente sa sarbey na isinagawa, narito ang tala ng mga

datos na kanilang napag-alaman.

Unang-una, inalam ng pangkat ang mga epekto ng mga kakulangang kagamitan at

pasilidad sa kanila bilang mga mag-aaral. Buhat sa sagot ng mga respondente, nabatid ng

mga mananaliksik na sa 100 mga mag-aaral, 91 ang sumagot na sila ay may sinusunod na

metodo ng pamamahala ng oras. Ang natitirang siyam naman ay walang pamamaraan na

isinasagawa kaugnaynito. Pansinin ang kasunod na grap:

Page 12: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Grap 1

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa

Kung anong mgapasilidad o kagamitan ang sa tingin ng mga mag-aaral ang kulang.

Nais iparating ng grap sa naunang pahina na halos lahat ng mga mag-aaral sa

pangunahng seksyon ng Pambansang Mataas na Paaralang Angat na ang mas higit nilang

Page 13: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

kailangan batay sa mga kakulangang nabanggit ay ang GYM/Covered court . Dagdag pa

dito, sa 100 respondente na sumagot, 67 o (67 %) ang nagsabi na ang higit na kailangan

ng paaralan ay ang Science Laboratory, 23 (23 %) naman ang nagsasabi ng Library, 36

o (36 %) naman sa Mga Aklat, 47 o (47 %) sa Comfort Rooms, 76 o (76 %) sa

Gym/Covered Court kung saan ito ang nakakuha ng pinakamataas na boto, 42 o (42 %)

naman sa mga Silya/upuan, at 58 o (58 %) sa Internet.

Grap 2

Anong hakbang ang dapat gawin ng paaraln ukol sa mga kakulangan sa kagamitan at

pasilidad ng paaralan

Sumunod na pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik kung ano ang hakbang na

dapat gawin ng paaralan ukol sa mga kakulangan ng paaralan. Ito ay

Page 14: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

upang malaman kung ano sa tingin nila ang nararapat at sa tingin nila’y magandang

gawin upang masolusyunan ang mga ito.. Lumalabas na sa 100 mga respondente,

91 dito (91 %) ang nagsabi na dapat humingi ng tulong sa mga opisyal ng

lalawigan/bayan at 9 o (9%) ang nagsabi na dapat ay sa mga magulang ng mga mag-aaral

humingi ng pinansyal na tulong.

Grap 3

Malaki ba ang epekto ng mga kakulangan ng paaralan sa maayos na pagkatuto ng

mga mag-aaral

Sa Grap3, mababatid natin na batay sa obserbasyon ng mga respondente, 82

sa 100 (82%) ang nagsasabing malaki ang epekto ng mga kakulangang ito sa kanila

bilang mag-aaral.Ang 18 (18%) naman ng kabuuang populasyon ay nagsasabi na wala

itong epekto sa kanila bilang mga mag-aaral.

Grap 4

Mga Epekto ng mga kakulangang ito sa isang mag-aaral

Page 15: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Mula sa resulta, mababatid na halos pare-pareho ang nagging resulta ng sa katanungan

kung ano ang mga epekto ng kakulangan ng paaralan,ngunit sa mgaito lumamang pa rin

ang kaaln ng “VENUE” para sa mga aktibidad ng paaralan.

Grap 5

Epekto sa mga mag-aaral kung may koneksyon ng INTERNET ang isang paaralan

Page 16: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Sa Grap 5, ipinapakita lamang ang resulta ng sagot ng mga mag-aaral kung ano sa tingin

nila ang epekto kung mayroong koneksyon ng INTERNET ang paaralan. 76% ng mga

respondente ay sinasabing positibo ang magiging epekto, samantalang 24% ang

nagsabing negatibo ang magigig epekto nito.

Grap 6

Ang Bilang ng upuan sa isang silid-aralan, paggawa ng eksperimento kahit kulang sa

gamit, kawalan nfg CR sa silid-aralan, sapat ba ang aklat

Sa grap 6, sa itaas ipinakita ang mga sagot sa mga tanong na ang kasagutan ay OO at

HINDI.

Page 17: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Grap 7

Nababawasan ban g mga kakulangang ito ang maayos na pagkatuto ng ga mag-aaral

Sa grap 7, ipinapakita ang opinion ng mga respondente na kung nababawasan ban g mga

kakulangan sa paaralan ang maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral, 59% sa kanila ay

sinabing oo, at 41% naman sa kanila ay sinabing hindi ito nakakaapekto.

PANAYAM

1. Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto sa iyo ang mga kakulangan ng paaralan?

-Ayon sa isang mag-aaral mula sa IV-A, “nakakaapekto ito dahil hindi lubusang natututo

ang mga mag-aaral dahil sa mga kakulangang ito.”

Page 18: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

-Para naman sa isang mag-aaral mula sa IV-C, “Hindi ako makapag-pokus sa pag-

aaral.”

-At mula naman sa isang mag-aaral mula sa II-A, “para sa akin, nagiging mahirap ang

aking pag-aaral”

-At ang iba naming mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay halos pareho lamang ang

mga kasagutan.

2. Magbigay ng isang halimbawa kung paano nakakaapekto ang mga kakulangang ito sa

iyo bilang isang mag-aaral?

-Isang sagot na halos makakapaglahad na rin ng mga sagot ng ibang nakapanayam ngmga

mananaliksik ay mula pa rin sa isang mag-aaral ng II-A, “Lack of chair, kagaya sa mga

kaklase ko, halos kulang na ang upuan kaya wala na silang maupuan”

3. Bilang estudyante, gaano kahalaga ang magkaroon ng mga kakulangang ito sa

paaralan? (Maaari siyang magkwento ng isang sitwasyon o pangyayari.)

- Mula kay Jessa Gisto ng IV-A, “para sa akin ay sobrang halaga ng mga ito para sa

mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang pag-aaral”

5. May kwento o salaysay ka ba na magpapatunay sa mga epekto na iyong sinabi ukol sa

mga kakulangang ito? Pakilahad ito

-Ayon kay Shalini Sivakumar ng IV-A, “kagaya nalang sa computer, pinag-aaralan ang

tungol sa INTERNET pero wala naming koneksyon kaya hindi ma-apply ng maayos ang

mg pinag-aaralan.”

-Para naman kay Jessa Gisto, “katulad nalang sa mga science experiment, hindi magawa

ng maayos dahil kulang nga sa mga kagamitan.”

Page 19: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Kabanata IV

Lagom, Kongklusyon at

Rekomendasyon

Page 20: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

LAGOM

Ang pananaliksik papel na ito ay naglalayong ipakita ang mga posibleng

Epekto ng mga kakulangang pasilidad, kagamitan at epekto nito sa mga mag-aaral ng

Pambansang Mataas na Paaralang Angat.Base sa disenyong deskriptiv ang pananaliksik

na ito. Nagsagawa ng sarbey at mga panayam ang mga mananaliksik bilang bahagi ng

pangangalap ng datos. Isandaang (100) mag-aaral mula sa mga pangunahing seksyon sa

bawat antas ng Pambansang Mataas na Paaralang Angat ang kanilang mga respondente

para sa sarbey at sampu naman para sa panayam.

Para sa sarbey na isinagawa, napag-alaman na karamihan sa mga mag-aaral mula sa mga

pangunahing seksyon sa lahat ng antas ng paaralan ay nalalaman ang mga kakulangan sa

paaralan. Ayon sa sagot ng mga mag-aaral, halos lahat sila’y nakakitaan ng kaalaman

ukol sa mga kakulangan ng paaralan gaya ng mga pasilidad at mga kagamitan.

Sa panayam naman nabatid ng mga mananaliksik na malaki ang epekto ng

Mga kakulangang pasilidad at kagamitan sa mga mag-aaral. Mayroon ding iba-ibang

pananaw ang mga mag-aaral kung sa ano ang dapat na gawin ng paaralan upang

matugunan ang mga kakulangang ito.

KONGKLUSYON

Sa hirap ng buhay ngayon, madami sa mga mag-aaral ay lumilipat na sa mga

pampublikong paaralan. Halos hindi na Magkasya ang mga mag-aaral sa isang silid-

aralan. Minsan pa nga halos nakatayo na ang ibang mag-aaral at kulang na rin ang mga

gamit upang maging maayos pa ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinakamagandang

halimbawa ang mga mag-aaral sa kolehiyo at mga propesor.

Page 21: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Napakahalaga para sa isang paaralan na magkaron ng isang kumpleto at de-kalidad na

pasilidad at kagamitan. Sapagkat kung wala ang mga bagay na ito hindi magagawa at

mapag-aaralan ng mga mag-aaral ng mabuti ang kanilang mga leksyon. Kung ang isang

paaralan ay mayroong kumpletong pasilidad at kagamitan, tiyak na ang mga mag-aaral ay

magkakaroon ng maayos na pagkatuto. Hindi lamang iyon dahil sa mga natutuhan at

nagiging karanasan nila sa paaralan ay maaari rin nilang magawa ang mga natrang bagay

sa kanilang bahay.

Dahil dito, naisip ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral patungkol

sa kung ang paaralan ba’y mayroong sapat na pasilidad at kumpletong kagamitan para sa

maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Kanilang

napili ang mga mag-aaral sa mga pangunahing seksyon sa bawat antas ng paaralan bilang

mga respondente dahil alam ng mga mananaliksik na magkakaroon ng mas maayos na

kasagutan para sa mga katanungan.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na mayroong kaugnayan ang mga kakulangang

pasilidad at kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, karamihan sa mga

mag-aaral ay naaapektuhan ang pagkatuto dahil sa mga naturang kakulangan.

REKOMENDASYON

Para sa mga mag-aaral, lalung-lalo na sa mga samahan ng mga mag-aaral,

inirerekomenda ng mga mananaliksik na humingi kayo ng tulong sa mga guro upang

humingi ng tulong pinansyal sa mga opisyales ng pamahalaang pambayan o panlalawigan

upang matugunan ang mga kakulangang ito. Makababawas din ito sa problema ng mga

kakulangan na maaaring makatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Page 22: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Para sa mga guro, at sa punong guro, mainam na makipag-ugnayan kayo sa mga

opisyales ng pamahalaan, pang byan man o lalawigan upang matugunan ang mga

pangangailangan ng paaraln at nang mga mag-aaral.

Inirerekomenda din ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng mas malawak

at mas malalim na pananaliksik ukol sa usapin ng mga kakulangang pasilidad, kagamitan

at epekto nito s mga mag-aaral. Maaari rin na gamiting respondente

ang mga mag-aaral mula sa iba pang seksyon mula sa iba’t-ibang antas, lalo na iyong

mga may katungkulan sa samahan ng mga mag-aaral dahil alam din nila ng mas higit ang

mga pangangailangan ng paaralan para sa mga mag-aaral nito.

BIBLIOGRAFIYA

APENDIKS

Apendiks A

Sa mga respondente,

Kami po ay mula sa IV-Gold at kasalukuyang nagsasagawa ng isang

pananaliksik na pinamagatang “KAKULANGAN SA PASILIDAD, KAGAMITAN AT

EPEKTO NITO SA MGA MGA-AARAL NG PAMBANSANG MATAAS NA

PAARALANG ANGAT”. Kaugnay nito, kami ay nangangalap ng datos sa pamamagitan

ng sarbey na nasa ibaba. Inaasahan naming ang inyong kooperasyon sa pagsagot sa

sarbey na ito ng walang pag-aalinlangan. Anumang impormasyon na aming makukuha

mula sa mga respondente ay mananatiling lingid sa iba at ilalabas lang naming kung may

pahintulot mula sa inyo at amin lamang itong gagamitin para sa kapakanan ng aming pag-

aaral.

Maraming salamat.

Page 23: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

“KAKULANGAN SA PASILIDAD, KAGAMITAN SA PAARALAN AT EPEKTO

NITO SA MGA MAG-AARAL NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG

ANGAT”

PANGALAN: __________________________ TAON AT SEKSYON:________

PANUTO: Lagyan ng TSEK ang sagot na iyong nais sa patlang.

1. Anong mga pasilidad o kagamitan ang sa tingin mo’y kulang dito sa paaralan na

makatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

__ Science Laboratory

__ Library

__ Mga Aklat

__ Comfort Rooms

__ GYM/ covered court

__ Silya/upuan

__ Internet

2. Ano sa tingin mo ang mga hakbang na dapat gawin ng paaralan ukol sa mga

kakulangang ito?

__ Manghingi ng tulong sa mga opisyal ng bayan/ lalawigan.

__ Manghingi ng pinansyal na tulong sa mga magulang ng mga mag-aaral.

3. Malaki ba ang nagiging epekto ng mga kakulangang ito sa maayos na pagkatuto

ng mga mag-aaral?

__ OO __ HINDI

4. Anong mga epekto ng mga kakulangan ito sa isang mag-aaral na ‘gaya mo?

__ Hindi makikita o mai-a-apply ng maayos ang mga eksperimento.

Page 24: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

__ Hindi lahat ng mag-aaral ay makakasunod sa mga aralin dahil sa kakulangan sa mga

aklat.

__ Hindi magiging “UPDATED” ang iba sa mga makabagong pag-aaral na isinasagawa

na makikita sa gamit ng “INTERNET”.

__ Kawalan ng isang magandang lugar o “VENUE” sa mga programa o aktibidad ng

paaralan.

5. Ano ang magiging epekto sa mga mag-aaral kung may “INTERNET” ang isang

paaralan?

__ Positibo

__ Negatibo

6. Sapat ba ang bilang ng upuan sa inyong silid-aralan sa bilang ng mga mag-aaral?

__OO

__HINDI

7. Nagagawa ba ninyo ng maayos ang mga eksperimento sa science kahit kulang ang

mga Laboratory Apparatus?

___OO __HINDI

8. Malaki ba ang epekto ng kawalan ng maayos na CR sa isang silid-aralan?

__OO __HINDI

9. Sapat ba ang mga aklat na inyong ginagamit sa pag-aaral?

__OO _HINDI

10. Nababawasan ban g mga kakulangang ito ang maayos na pagkatuto ng mga mag-

aaral?

___OO __HINDI

Page 25: 49459852 Kakulangan Sa Pasilidad Kagamitan Sa Paaralan at Epekto

Apendiks B

Mga katanungan sa Panayam

1. Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto sa iyong pagkatuto ang pagpasok sa

oras? Ano naman ang naidudulot sa iyo ng pagiging huli o labis na huli (kung

meron man)?

2. Magsalaysay ng isang pagkakataon na kung saan ay pinagsisihan mo ito

dahil nahuli ka sa klase?

3. Bilang estudyante, paano kahalaga ang time management para sa iyo?

(Maaari siyang magkwento ng isang sitwasyon o pangyayari.)

4. Sa iyong pananaw, paano nakakaapekto sa isang estudyante ang pagiging

masinop sa oras ng isang propesor sa kanyang pagtuturo? (Ang pagkamasinop

sa oras - time efficient- ay nangangahulugang ginagamit nang husto ang

oras ng propesor sa pagtuturo - sa loob man o sa labas ng klasrum alangalang

sa pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral.)

5. May kwento o salaysay ka ba na magpapatunay sa pagiging masinop sa

oras ng isang guro/propesor sa kanyang pagtuturo, at masasabing

napapakinabangan ito ng kanyang mga mag-aaral? Pakilahad ito.

45


Recommended