Upload
others
View
158
Download
5
Embed Size (px)
Citation preview
1
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Pag-uugnay sa Ilang Pangyayari mula sa Nobela (Noli Me Tangere) sa Kasalukuyan
9
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Pangalan: ________________________________________
Taon at Seksiyon:__________________________________
Paaralan: ________________________________________
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Paul Jusfer M. Escalante
Editor: Ursulina M. Bonilla
Tagasuri: Corazon Fe S. Manginsay, Allene E. Duarte
Tagalapat: EPS, Florencio R. Caballero, DTE
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS – LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS – Filipinp
3
Alamin
Magandang araw, kaibigan! Binabati kita dahil sa iyong kasipagan sa
pagsagot ng mga Gawain sa mga naunang modyul. Sa modyul na ito matutuhan mo
ang pag-uugnay ng mga pangyayari mula sa nobela sa kasalukuyan.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-
f-59
• Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong
sa pagpapayaman ng kulturang Asyano F9PB-IVe-f-59
• Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa kahulugan
F9PT-IVe-f-59
Aralin 6
Pag-uugnay sa Ilang Pangyayari mula sa Nobela (Noli Me Tangere)
sa Kasalukuyan
Balikan
Balikan muna natin ang ating nakaraang paglalakbay. Naalala mo pa ba ang
huli nating pinag-usapan?
Tama! Tungkol sa Kabanata 13 ng Noli Me tangere na pinamagatang Ang mga
Babala ng Sigwa.
4
Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa bahagi ng Kabanata 13
pinamagatang Ang mga Babala ng Sigwa.
1. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Crisostomo Ibarra na ang sepulturero ay isang
sawimpalad? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
2. Bakit napagkamalan ni Crisostomo si Pari Damaso si Pari Salvi? Ano sa iyong
palagay ang magiging bunga ng pangyayaring iyon sa pagitan ng binata at ng batang
prayle?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Tuklasin
Kabanata 6
Si Kapitan Tiago
Samantalang kumakain ng agahan o tulog pa ang nakararami, kilalanin
nating mabuti si Kapitan Tiago na may tunay na pangalan na Don Santiago delos Santos na bukas ang tahanan sa lahat ng gustong makibahagi sa kanyang
anumnang inihandang piging.
Malaman sa taba ang kanyang mukha na hulog ng langit ayon sa anyang mga tagahanga at mula naman daw sa maralita ayon sa kanyang mga kaaway. Mabilog
at pandak ang kanyang katawang maputi ang kutis. Mahihinuhang mga tatlumpu
hanggang tatlumpu't limang taong gulang lamang siya. Mas matanda siya kaysa ipinakikita ng kanyang nakababatang panlabas na anyo. Bilog daw ang kanyang
Handa ka na ba sa susunod na Gawain?
Halika na basahin na natin ang kabanata 6 ng Noli Me Tangere.
Tuklasin mo, kaibigan kung paano binigyan o tinitiyak ang
pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang
pangyayari sa kasalukuyan.
5
bungo na napapalamutian ng maliliit niyang mata, manipis ang ilong bagamat hindi sarat. Kapansin-pansin ang mapuputi niyang ngipin sa kabila ng kanyang
pagnganga ng tabako't buyo. At ang dalawa sa kanyang mga ngipin ay ipinahihiram sa kanya ng dentist sa halagang labindalawang piso bawat isa
Si Kapitan Tiago ay itinuturing na isa sa mga pinakamayamang
mangangalakal sa Binondo at isa sa mga tinitingalang asendero dahil sa kanyang mga lupain sa Pampanga at Laguna de Bay, partikular na sa bayan ng San Diego.
Marami rin siyang ari-arian sa Sto. Cristo, sa Kalye Anloague, at sa Rosario. Hawak
din niya ang kontrata ng opyo kasama ang isang Tsino. Siya rin ang nagrarasyon ng pagkain ng mga bilanggo sa bilibid at ng sakate sa malalaking bahay sa Maynila.
Tuso siya sa negosyo kaya pinangingilagan din ng kanyang mga kakompetensya. Sa kanyang pagiging mariwasa, kasundo niya ang Diyos, ang Pamahalaan, at ang tao.
Walang alinlangang kasundo ni Kapitan Tiago ang Diyos. At dahil ginto niya
ang nagdarasal para sa kanya, nagmimisa ang mga pari para rin sa kanya at kung
kulang pa, nagnonobena't nagrorosaryo. Bukod sa mga pagpapadasal, maaari rin siyang mag-alay sa iba't ibang santo na wala namang ginagawa sa langit ayon pa sa
kanya. Sa lahat naman ng mga birhen, naniniwala ang kapitan na ang Birhen sa Antipolo ang nakapangyayari sa lahat. At para lalong maging malapit sa Diyos, may
kapilya rin siya sa loob ng kanyang bahay na kinalalagyan ng mga mataławag na diyos pantahanan sapagkat mas malaki ang paniwala niya sa maraming diyos kaysa
iisang Diyos. Makikita rin sa loob ng kapilya ang imahen ng iba't ibang santo at ng Sagrada Familia. Naroon din ang rebultong may taas na halos isang metro na walang
iba kundi si San Miguel Arkanghel. Taglay nito ang isang kalasag na Griyego
samantalang hawak sa kanan ang isang kris Joloano. Iniiwasan iło ni Kapitan Tiago dahil sa alalahanin na maaaring idulot ng arkanghel sa oras na maghimala at
kumilos ito.
At para patindihin ang kanyang debosyon, taun-taon ay nagpupunta sa kapistahan ng Antipolo si Kapitan Tiago na may kasamang orkesta.
Pagkatapos magpamisa, hindi niya nakakaligtaang maligo sa mapaghimalang batis at doon mismo kumain ng masasarap na pagkain, Dumadayo rin siya sa ibang lugar
kagaya ng Binondo, Pampanga, at sa bayan ng San Diego para sa kanyang debosyon.
Kasundo rin ng pamahalaan si Kapitan Tiago sapagkat hindi siya nag-iisip
para sa anumang pagbabago ng sistema o nagbabasa ng mga pahayagang galing sa liberał na Espanya bagamat marunong siya ng Kastila. Para siyang serbidor ng lahat
ng taong-gobyerno mula sa Kapitan Heneral hanggang sa pinakamababang uri ng empleyado. Lagi siyang may pabaon sa mga ito. May nakahanda rin siyang orkesta
para manapatan sakali mang may mga pagdiriwang ng kaarawan sa hanay ng mga
gobernador, alkalde, piskał, at ng iba pa, At tuwing nagłataas ng buwis ang parnahalaan, si Kapitan Tiago ang unang pumupuri rito lalo na kapag may naaamoy
na kontrata o pagkakakitaan.
Ayon sa mga di-banal, hangal ang kapitan at sinasabi naman ng mga dukha na malupit siya at walang-awa. Higit dito, mapagsamantala raw siya sa maliliit at sa
nasasakupan niya. Sinasabi ring may mga babae siya subalit wala namang maipakitang katibayan ang mga mapaghinala.
Ayos na sana ang buhay ni Kapitan Tiago kung wala siyang kakompetensya sa debosyon. Si Donya Patrocinio, isang matandang babae, ang nagpapahirap sa
kanyang kalooban dahil tinatapatan nito ang anumang alay niya sa mga fraile, sa kapistahan, at sa mga santo. Napakatindi marahil ng kompetisyon at hindi
6
maiwasan ni Kapitan Tiago na isipin at ipanalangin ang kapahamakan ng matandang babae.
Bunga marahil ng hindi magandang karanasan noong kanyang kabataan
kaya nagkaganyan si Kapitan Tiago. Siya ay nag-iisang anak ng mag-aasukal sa Malabon. Masyadong kuripot ang kanyang ama kaya hindi siya pinag-aral. Naging
utusan si Santiago ng isang mabuting Dominiko na nagsikap ituro ang lahat ng kaya at alam na kabutihan. Hindi natapos ang pag-aaral niya dahil namatay ang
umampon sa kanya kasabay halos ng kanyang ama. Ipinasya niyang pamahalaan
ang naiwang negosyo ng kanyang ama. Hindi naglaon, ikinasal siya sa isang maganda at matalinong dilag na taga-Sta. Cruz, si Donya Pia Alba.
Lumipas ang anim na taon ngunit wala pa ring naging anak ang mag-asawa.
Ipinasya ng dalawa sa payo ni Padre Damaso na naging kaibigan nila sa San Diego na magpunta at magsayaw sa Obando para humingi ng anak. Sa halip ng lalaki,
ipinagkaloob sa kánila ang anak na babae. At maliban sa maliliit at maaayos na
tabas ng tenga, wala nang nakuha ang bata sa asawa ng kanyang ina. Mestisahing Kastila ang batang babae na kaagad naulila pagkatapos ipanganak ng naging
malungkuting ina.
Ipinasok si Maria Clara sa Beaterio de Sta. Catalina sa gulang na labintatlo para magkaroon ng edukasyon sa piling ng mga mongha. Kasabay namang umalis
papuntang Europa ang isang kabataang lalaki na walang iba kundi si Juan Crisostomo. Nagdesisyon ang mga ama ng batang babae at batang lalaki na
ipagkasundo silang dalawa na labis namang ikinagalak ng mga ito na nasa
magkabilang dulo ng daigdig.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan at ipaliwang.
1. Ang mga pangyayari bang inilahad dito na ginagawa ni Kapitan Tiyago ay nagaganap pa rin sa kasalukuyan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________________________________________________.
2. Sa iyong tingin, may mga tao pa rin ba sa kasalukuyan ang ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa pansariling interes? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________________________________________.
Suriin
Salamat kaibigan sa matiyaga mong pagsunod sa ating talakayan. Patuloy mong isagawa ang mga gawain na makakatulong sa iyo upang malinang ang iyong
kaalaman.
Halika! Simulan mo na kaibigan. Alam kong matiyaga ka. Kaya mo ito!
Sa pagkilala ng mga kahulugan mayroon tayong iba’t ibang paraan upang malaman
ang nais ipahiwatig ng mga salita na nakatago ang tunay na kahulugan nito.
7
Narito ang mga sumusunod:
1. Talinghaga at idyoma
• Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na
naiiba sa karaniwan.
• Ito ang mga parirala na nakakubli ang tunay na kahulugan.
Halimbawa:
Balat-sibuyas – maramdamin
Basing-sisiw – kaawa-awa
Huling hantungan – libingan
Magdildil ng asin – maghirap
2. Konotasyon at Denotasyon
Konatasyon – ay may dalang ibang kahulugan
➢ o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
Isang magandang bulaklak ang anak ng mag-asawang Reyes. (Babae)
Denotasyon – ay karaniwang kahulugang galing sa diksyonaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
Sa panahon ng quarantine ay nauuso sa mga plantito/plantita ang
pagtatanim ng mga iba’t iba at magagandang bulaklak. (bahagi ng isang
halaman na karaniwang makulay)
3. Paggamit ng Contexual na clue – ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon
sa pagkagamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Makitid ang daan kaya’t mahirap daanan.
Ngayon atin ring pag-usapan ang mga ang ilang bahagi ng nobela na
kakakitaan natin ng mga pangyayari sa kasalukuyan at mga kulturang
hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan at dinadagsa ng karamihan.
“ At para patindihin ang kanyang debosyon , taon-taon ay nagpupunta sa
kapistahan ng Antipolo si Kapitan Tiyago na may kasamang orkestra. Pagkatapos
magpamisa, hindi niya nakaliligtaang maligo sa mapaghimalang batis at doon
mismo kumain ng masasarap na pagkain. Dumarayo rin siya sa ibang lugar
kagaya ng Binondo, Pampanga at sa bayan ng San Diego para sa kanyang
debosyon”.
(Halaw sa kabanata 6: Si Kapitan Tiyago)
8
Ang bahagi ng Kabanata 6 na mula sa nobela ng Noli Me Tangere ay
nagpapakita ng pangyayari sa kasalukuyan . Hanggang sa panahon ngayon makikita
pa rin natin na maraming tao ay nagdedebosyon sa mga Santo , katulad na lamang
ng pagdedebosyon ng mga tao sa Poong Nazareno na kahit siksikan at halos hindi
mahulugang karayom na mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang debosyon o
pamamanata. Maiuugnay ang pangyayaring ito sa kabanata dahil nagdedebosyon o
namamanata din si Kapitan Tiyago at dumayo pa siya sa ibang lugar upang
mamanata.
Samantala kakikitaan din ito ng kulturang Asyano . Isa na rito ay ang kaugalian ng mga Pilipino, lalo na Katoliko na nagpapamisa kapag namamanata.
Ginagawa ito ng mga Pilipino dahil mayroon silang pinaniniwalaan na kapag
natupad nila ito makakamit nila ang kanilang kahilingan. Katulad ni Kapitan Tiyago na namanata dahil naniniwala siya na magkakanak sila ng kanyang asawang si
Donya Pia.
Pagyamanin
Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista
Pansamantalang nabago ang nakamihasnang pang-araw-araw na buhay ng mamamayan. Abala ang lahat ng mga may-bahay. Makikita ang mga
banderitas sa mga daan. Malalakas ang tunog ng mga paputok kasaliw ang tila
panaghoy ng mga banda.
Naghanda at inayos ng mga dalaga ang sarisaring minatamis na prutas at ang iba pang kailangang asikasuhin. Ang mga hapag ay maringal na nakahanda.
Ang mga patamuti ay inangkat pa sa Europa at ang iba naman ay binili lamang sa malapit.
Kapansin-pansin ang paglalabasan ng mga nakatagong kagamitan.
Inilabas ang tila bagong kubyertos, alpombra, mga artipisyal na bulaklak,
bandehadong kristal, iba't ibang makukulay na kurtina, at mga lalagyan ng tabako o sigarilyo na binilot ng maseselang daliri ng mga dalaga.
Nakipamista rin ang mga santo na pinagpagan ng alikabok at ginayakan tulad ng isang batang sasama sa simbahan para makinig o matulog sa misa
Sa mga lansangan, makikita ang kaakit-akit na mga arkong kawayang may kahanga-hangang disenyo. Tinatawag na singkaban ang mga arkong ito. May
malalaki at mamahaling tolda naman na nakapa I a patyo ng simbahan na
daraanan ng prusisyon. Ginagawa naman itong pansamantalang palaruan ng mga batang paslit.
Sa may plasa itinayo ang entablado. Inaasahan dito ang mga palabas na
may kinalaman mga diyos at diyosa, labanan ng mga Kristiyano at Moro, mga awit at mga sayaw. Inaantay ng inaasahang laksang manonood ang
komedyang palabas na "Ang Prinsipe Villardo o Mga Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungib."
9
Tinutugtog na ng batingaw ang masayang kalembang nito na kaibang-kaiba
kumpara sa mga nakalipas na sampung araw. Kasaliw ng mga batingaw ang iba't ibang paputok na ginawa ng mga malikhaing Indio. Nagtakbuhan ang mga bata
para salubungin ang banda na nasa malayo pa. Pagpasok sa bayan, tumugtog ang banda ng masasayang martsa na sinusundan ng mga batang gusgusin o halos
hubad na.
Kasunod halos na dumating ang mga karomata, kalesa, o karwahe sakay
ang mga tahor dala ang kanilang panabong na tandang at mga supot ng ginto. Handa silang ipakipagsapalaran ang kanilang yaman sukdulan mang umuwi na
isa nang pulubi.
Ibinulong ng isang lalaki na limampung piso gabi-gabi ang ibibigay na tong sa alferez. Napag-alaman din na si Kapitan Tiago ang magbabangka. May
labingwalong libo si Kapitan Joaquin at sampung libo naman ang ihahanda ni Carlos Intsik para sa liyampo. Hindi rin nailihim na magbabangka si Padre
Damaso sa gabi pagkatapos magsermon sa umaga. Samakatwid, walang anumang
panganib na maaaring pangilagan mula sa estado o sa simbahan.
Sa paligid ngunit nasa labas ng bayan, naghanda ang mga tagabukid para dalhin sa kanilang mga Panginoong Maylupa ang pinakamainam na produkto ng
kanilang bukid. Hindi rin nila nakaligtaang magsuot ng pinakamaganda nilang damit.
Samantala, mas masaya at mas abala ang isang grupo na gumagawa malapit sa bahay ni Crisostomo Ibarra. Sinisimulan namang itayo ang mga
pangunahing pundasyon o bahagi ng gusali o bahay paaralan ng mga nangangasiwa na pinangungunahan ni Nyor Juan, ang arkitekto at ang lahat-
lahat na. Ang butihing arkitekto rin ang naging parang tagapagsalita para ipaalam sa mga bagong dating o napapadaan lang kung ano ang gagawin sa nasabing lugan
Nangangarap ang kapatas na magiging bantog siya kapag natapos na ang gusali. Hindi naman nakaligtaang pansinin ng arkitekto ang paggamit ng taong naninilaw
ng sobrang troso para sa gagawing kabriya. Nangatwiran ang taong naninilaw na
ang kanyang gagawing paghuhugusan ng bato ay walang katulad.
Malapit sa pinagkakaabalahan ng mga manggagawa, naroon sa ilalim ng kiyosko ang mahigit sa tatlumpung bata, kasama ang guro, na gumagawa ng mga
bulaklak na palamuti. Ang mga magulang naman ng mga bata, ang mahihirap at mga magbubukid, ay tumutulong din sa abot ng kanilang makakaya. Maging ang
mga relihiyoso at ang mga manang ay hindi rin pahuhuli sa pakikiisa para sa pagpapatayo ng paaralan.
Humanga naman sa binata ang mga mag-aaral na galing sa Maynila para dumalo sa pista. Lahat halos ay may magandang pangitain maliban kay Tandang
Tasio na nagpaalala kay Crisostomo Ibarra tungkol sa sinabi ni Balagtas:
Kung ang isalubong sa iyong pagdating Ay masayang mukha't may pakitang giliw,
Lalong pag-ingata't kaaway na lihim..
10
A. Panuto: Itala ang mga pangyayari na mababasa sa kabanata 26 na may at iugnay ito sa kasalukuyan at ano ang mga kulturang asyano ang makikita sa mga
pangyayaring ito.
Pangyayari sa Kabanata
26
Pag-uugnay sa
pangyayari sa nobela sa kasalukuyan
Kulturang Asyano na
makikita sa pangyayari
1.
2.
3.
4.
5.
Isaisip
Binabati kita kaibigan! Lalo mong pinaghuhusayan ang iyong mga Gawain!
Panuto: Sagutin ang mga katanungan na makakatulong sa iyong pagkatuto.
1. Anong ang mga pangyayari mula sa kabanata sa nobela ay maiuugnay sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________. 2. Ano-ano ang implikasyon makukuha mo sa mga akdang nabasa?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________.
3. Paano ito makakatulong sa iyo, ang mga natutunan mo sa mga akdang nabasa at mailapat sa totoong buhay?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
11
Isagawa
Gawain A: Dahilan/Mungkahing Solusyon
1. Sa kasalukuyan, marami pa rin bang Kapitan Tiyago na pinuno ng bayan o naglilingkod sa bayan na inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa kanyang mga taong nasasakupan? Kung OO ang sagot mo, magtala ka ng mga dahilan
kung bakit nangyayari ang mga ito. Mga Dahilan
a.___________________________________________________ b. __________________________________________________
c.___________________________________________________ 2. Ano naman ang mga maaaring maimungkahi mo upang maiwasan na ang mga dahilang itinala mo sa itaas.
Mga Mungkahing Solusyon a.___________________________________________________
b.___________________________________________________ c. ___________________________________________________
Tayahin
Sa wakas, kaibigan! Malapit mo nang makamit ang tagumpay sa iyong paglalakbay. Kaunting sandali na lamang. Ngayon pa lang binabati na kita.
A.Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit sa mga
pangungusap sa ibaba.
1. Naging kasosyo sa negosyo ni Kapitan Tiyago ang isang mangangalakal
na Instik. A. kasama C. kalaguyo
B. kahati D. kakompetensya
2. Matindi ang hangarin niyang magkaanak. A. adhikain C. mithiin
B. gawain D. pag-asa
3. Sa tulong ni Pia Alba, lumago ang kanilang kabuhayan.
A. lumaki C. lumawak B. sumagana D.yumabong
4. Ipinasok sa beateryo si Maria Clara.
A. ampunan C. simbahan B. paaralan D. kumbento
5. Nagdeboto ang mag-asawa kina San Pascual at Sta. Clara sa payo na rin ni Pari Damaso.
A. nagpamana C. nag-abuloy B. nagbigay D. namanata
12
B.Panuto: Basahin at unawain mo nang mabuti ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Anong tradisyong Pilipino ang ipinagdiwang sa dalawang kabanatang nabasa?
A. Araw ng mga Patay C. Pasko
B. Pista D. Semana Santos
2. Bakit naging deboto ang mag-asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba kina San
Pascual at Sta. Clara
A. dahil gusto pa nilang lumago pa lalo ang kanilang kabuhayan
B. dahil gusto nilang gumaling sa sakit si Kapitan Tiyago
C. dahil gusto nilang magkaroon ng magandang buhay
D. dahil gusto nilang magkaroon ng anak.
3. Sa kasalukuyan, ang Piyesta sa Obando, Bulacan ay nananatiling dinadagsa ng
mga tao dahil pinaniniwalaan nila na lahat ng iyong mga kahilingan ay matutupad.
Ano ang ginagawa ng mga tao sa prusisyon upang magkakatotoo ang kanilang mga
kahilingan?
A. kumakanta C. nakikisaya
B. sumasayaw D. sumisigaw
4. Bakit mahalaga pa rin na ipagdiriwang ang mga nakagisnang mga tradisyong
Pilipino?
A. dahil para mapanatili buhay at umusbong pa lalo
B. dahil ito ang nagpapayaman sa ating kultura
C. dahil ito ang nagpapakilanlan sa atin bilang Pilipino
D. lahat ng nabanggit
5. Anong kulturang Pilipino ang nangingibabaw na masasalamin sa kabanata 6 na
pinamagatang Si Kapitan Tiyago?
A. pagiging matulungin sa kapwa
B. matibay na paniniwala at pananampalataya
C. masiyahan sa anumang pagsubok sa buhay
D. pagiging positibo sa lahat ng bagay
13
Karagdagang Gawain
Wow! Binabati kita aking kaibigan, pinatunayan mo ang iyong kasipagan sa
ating paglalakbay.
Napakahusay sa iyong ipinamalas na kasipagan sa pagsunod sa ating
talakayan. Talagang pinatunayan mo na marami kang nakuhang kaalaman sa ating
aralin. Napagtagumpayan mong sagutin ang mga nakaatang na Gawain na ibinigay
sa iyo. Binabati kita!.Ipagpatuloy mo ang iyong naumpisahan. Hanggang sa muli…..
1. Kani-kanino mo maaaring ikumpara si Kapitan Tiyago sa mga
kilalang tao sa inyong pamayanan o sa ating kasalukuyang lipunan? Ipaliwanag!
Sagot:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________.
14
Susi ng Pagwawasto
TAYAHIN:
A.
1.A
2.C
3.B
4.D
5.D
B.
1. B
2. D
3. B
4. D
5. B
Balikan:
Sarling Sagot
Karagdagang Gawain:
SARILING SAGOT
Tuklasin:
SARILING SAGOT
PAGYAMANIN:
SARILING SAGOT
ISAGAWA
SARILING SAGOT
Isaisip
SARILING SAGOT
15
Sanggunian
Gabion, Rosemarie U. “Ibat-ibang paraan ng pagkilala sa salita kahulugan ng salita.” Posted August 5, 2015. https://www.slideshare.net/roselugabz/ibat-
ibang-paraan-ng-pagkilala-sa-salita-kahulugan-ng-salita.
Javier, Concepcion, and Rodriquez, Dolores. Noli Me Tangere. Quezon City:
Souvenir Publications, Inc., 2000.
Lacaba, Emmanuel. Noli Me Tangere.Quezon City: C & E Publishing Inc., 2002.
16
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed that I
was walking along the beach with the
LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the
other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed
only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and
helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I
have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain; Who
intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.