28
Tagalog | Tagalog Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan

Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Tagalog | Tagalog

Workbook ng

Maagang Pagpaplano

ng Pangangalaga sa

Kalusugan

Page 2: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay
Page 3: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

1

Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan

Ano ang aklat na ito?

Maaari kang tulungan ng aklat na ito sa paggawa ng iyong Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan

(Ang Iyong Plano)

Ang Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan ay

magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka

kung hindi mo ito masabi sa kanila.

Ang aklat na ito nagbibigay ng impormasyong kailangan mo

habang ginagawa mo ang Iyong Plano.

Maaari mong:

• gamitin ang mga tanong sa pakikipag-usap sa iba tungkol sa mga ilalagay sa Iyong Plano

• isulat ang mga bagay na mahalaga sa iyo • isulat ang mga bagay na gusto mong malaman ng ibang tao

tungkol sa iyo • ipakita sa ibang tao kung ano ang mahalaga sa iyo noong

ginawa mo ang iyong plano.

Hindi mo kailangang gamitin ang aklat na ito, ito ay gabay lamang.

Page 4: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

2

Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan

Ano ang Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan?

Ang iyong Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan ay

magsasabi sa ibang tao kung paano mo gustong gamutin ka

kung hindi mo ito masabi sa kanila.

Para ito sa mga kapasyahan sa pangangalagang pangkalusugan.

Kailangan ko bang gumawa ng plano?

Maaari mong piliing gumawa ng plano, o hindi gumawa ng plano.

Bakit kailangang gumawa ng plano?

Gumawa ng plano para malaman ng mga tao:

• kung ano ang gusto mong mangyari kapag ikaw ay may sakit o nasa bingit na ng kamatayan

• kung ano ang kailangan mo, upang magkaroon ng magandang buhay.

Ano ang masasamang bagay tungkol sa paggawa ng isang plano?

Ayaw ng ilang tao na pag-usapan ang tungkol sa

Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Pangkalusugan.

Maaaring maging malungkot ka kung iisipin ang tungkol sa pagkakasakit o kamatayan.

Maaaring nag-aalala ka tungkol sa mga bagay na maaaring

maging mali – normal lang ito.

Maaari kang gumawa ng plano kahit malungkot o nag-aalala ka.

Gumawa ka ng plano kung mahalaga sa iyong masabi kung

paano ka gagamutin.

Page 5: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

3

Tulong sa paggawa ng iyong plano

Gusto ng ilang tao ng tulong sa paggawa ng kanilang plano.

Maaaring gusto mo rin ng tulong sa:

• paghanap ng impormasyon • pag-unawa ng iyong mga pagpipilian • pagsagot sa mga papeles • pagtiyak na lahat ng nangangailangan ng kopya ng iyong

plano ay mayroon nito • pakikipag-usap sa mga taong pinagmamalasakitan mo.

Kailangan mong kausapin ang wastong tao upang tulungan kang magplano.

Kausapin ang taong:

• totoong nakikinig sa iyo • hinahayaan kang gawin ang mga bagay sa iyong paraan • nakakaalam na plano mo ito – hindi kanila.

Maaari mong kausapin ang isang:

• kaibigan • kapamilya • suwelduhang tagapag-alaga • tagataguyod.

Maaari mo ring tawagan ang Respecting Patient Choices

Team (Grupong Gumagalang sa mga Pasya ng Pasyente).

Tawagan sila sa (02) 6244 3344

Page 6: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

4

Kausapin ang mga taong nagmamalasakit sa iyo. Upang gawin ang iyong plano, kailangan mong kausapin ang mga taong nagmamalasakit sa iyo.

Makipag-usap sa kanila upang mahanap ang wastong taong

magsasalita para sa iyo kung hindi mo kayang magsalita para

sa iyong sarili.

Makipag-usap sa kanila upang malaman nila na:

• Gusto mo ng isang taong magsasalita para sa iyo kung hindi mo kayang magsalita para sa iyong sarili

• Kung ano ang mahalaga sa iyo.

Maaari mong ipakita ang workbook na ito sa kanila upang simulan ang pag-uusap.

Sino ang dapat kong kausapin?

Makipag-usap sa mga taong pinagtitiwalaan mo.

Ibig sabihin nito, sila ay:

• Nakikinig sa iyo • Gagawin ang sinabi mo • Gagawing ligtas ang pakiramdam mo • Hindi ipagsasabi sa iba ang mga bagay na pribado sa iyo • Hindi nag-iisip na sila ang mas nakakaalam kung ano ang

pinakamaigi para sa iyo.

Makipag-usap sa mga tao na:

• Nakakakilala sa iyo nang mabuti

• Dati nang nakapagsalita para sa iyo

• Nakakaunawa na ito ay plano mo – hindi kanila

• Alam mong magsasalita para sa iyo kapag kinailangan mo sila.

Page 7: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

5

Maaari mong isulat ang higit pa sa isang tao.

Isulat ang mga taong gusto mong tumalakay ng iyong plano. Ito

ang mga taong maaaring mapasya para sa iyo kung hindi mo

kaya.

Page 8: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

6

Nagtatagal na Kapangyarihan ng Abogado (Enduring Power of Attorney - EPoA).

Ang EPOA ay isang legal na dokumento.

Gagamitin mo ito upang pangalanan ang taong maaaring

gumawa ng mga kapasyahan para sa iyo kung hindi mo kaya.

Ang tawag sa taong ito ay iyong Abogado.

Piliin mo kung aling kapasyahan ang magagawa ng Abogado mo para sa iyo. Maaari silang gumawa ng pinansyal, pabahay at pangkalusugang mga kapasyahan para sa iyo.

Ang taong pinilì mo upang magpasya sa iyong mga

pangangalagang pangkalusugan ay tinatawag na Abogado

sa Kalusugan (Health Attorney).

Hindi lahat ng tao ay gumagawa ng EPOA.

Pinili mo iyan.

Kung nakagawa ka na ng EPOA, dapat mong kausapin

ang iyong Abogado tungkol sa Iyong Plano.

Tiyaking nasabi mong maaari silang gumawa ng kapasyahang

pangkalusugan para sa iyo.

Dapat mo silang bigyan ng kopya ng Iyong Plano.

Tatanungin ng iyong doktor ang iyong Abogado kung ano

ang gagawin kung hindi ka makapagsalita para sa iyong sarili.

Page 9: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

7

Guardianship

Ang ilang tao ay mayroong Guardian.

Ang Guardian ay gumagawa ng kapasyahan para sa iyo.

Magagawa lamang nila ito kapag ang hukuman ay nagsabing maaari

nila itong gawin.

Magagawa mo pa rin ng dokumentong ito kung mayroon kang Guardian.

Nakasaad sa mga regulasyon na dapat nalalaman ng iyong Guardian

kung ano ang gusto mo bago sila magpasya para sa iyo.

Maaaring gamitin ng iyong Guardian ang iyong plano para

malaman kung paano mo gustong gamutin ka kung malala na ang

iyong karamdaman o nasa bingit ka ng kamatayan.

Dapat mong sabihin sa iyong Guardian na gumawa ka na ng Iyong Plano.

Bigyan mo dapat sila ng kopya nito.

Page 10: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

8

Ang magandang buhay mo

Iba-iba ang magandang buhay para sa iba’t ibang tao.

Kailangang malaman ng mga taong nagmamalasakit sa iyo kung

ano ang nagpapaganda sa buhay mo upang makapagsalita sila

para sa iyo kung hindi mo na kaya.

Kailangang malaman ng mga doktor kung ano ang nagpapaganda

sa buhay mo upang maialok nila sa iyo ang pinakamahusay na

opsyon sa paggamot.

Ang mga bagay na kailangan mo para sa iyong magandang buhay ay maaaring:

• nauunawaan ka ng mga tao

• nagagawang makipag-usap sa iba

• naaalagaan ang sarili hangga’t maaari

• nakakabangon

• ang paraan ng iyong pagkain at pag-inom

• namumuhay sa iyong sariling tahanan

• ang mga aktibidad na kaya mong gawin.

Page 11: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

9

Gamitin ang espasyong ito upang isulat ang mga bagay na

nagpapaganda sa buhay mo. Isulat gaano man karami ang gusto

mong isulat.

Page 12: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

10

Ang Iyong Magandang Buhay

Komunikasyon

Ang komunikasyon ay nangangahulugan ng paghaya mo sa iba na

malaman kung ano ang iniisip, gusto o nadarama mo.

Iba’t ibang paraan ang ginagamit ng mga tao upang makipagkomunikasyon.

Ginagamit natin ang:

• pananalita • mga salita • mga larawan • paghipo • kilos

Page 13: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

11

Page 14: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

12

Pagsasarili at Suporta

Ang pagsasarili ay ang dami ng suportang kailangan mo upang tamasahin ang magandang buhay.

Iba-iba ito para sa bawat isa.

Maaaring ibig sabihin ng pagsasarili ay ang pamumuhay sa

iyong tahanan nang walang mga suporta.

O maaaring masaya kang namumuhay sa iyong tahanan nang

may ilang suporta.

Ang paliligo nang sarili ay maaaring mahalaga sa iyo.

O ang kakayahang kumain nang mag-isa.

Gaano karaming suporta ang nais mong makamtan?

Iba-iba ito para sa bawat isa.

Page 15: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

13

Ang Iyong Magandang Buhay

Mobilidad

Ibig sabihin ng mobilidad ay kung paano ka kumikilos sa paligid.

Iba-iba ang ibig sabihin nito para sa iba’t ibang tao.

Ang ilang tao ay ang gumagamit ng mga alalay sa mobilidad, gaya ng

mga wheel chair upang makakilos sa paligid.

Ang ilang tao ay gustong makakilos nang husto.

Kailangan nilang makakilos upang gawin ang mga

bagay na gustung-gusto nila.

Hindi gaanong mahalaga ito sa ibang tao.

Iba pang mga bagay tungkol sa iyong magandang buhay

Isulat ang iba pang mga bagay tungkol sa iyong magandang buhay

na gusto mong malaman ng ibang tao.

Page 16: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

14

Ikaw at ang mga Paggamot na Nagpapahaba ng Buhay

Ang mga Paggamot na Nagpapahaba ng Buhay ay ginagamit upang panatilihin kang buhay nang mas matagal.

Ang mga ito ay mga paggamot na medikal.

Kapag gumamit ka ng isa, maaaring kailanganin mo na ito sa iyong buong buhay.

Kapag gumagawa ka ng iyong plano, maaari mong kausapin

ang iyong doktor upang alamin pa ang tungkol sa mga

paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Ang Ilang mga Paggamot na Nagpapahaba ng Buhay ay:

Ang ventilator na humihinga para sa iyo kung hindi mo na kaya.

Ang tubo ng pagkain (feeding tube) ay magpapakain sa iyo kung hindi ka na makakain.

Ang pagsasalin ng dugo ay magbibigay sa iyo ng dugo o mga bahagi ng dugo.

Ang makina para sa kidney ay ginagamit kung ang mga kidney mo ay hindi na gumagana.

Page 17: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

15

Ang mga antibayotikong isinasaksak sa ugat ay gamot na

ibinibigay sa pamamagitan ng karayom na mananatili sa iyong

braso o kamay.

Isang operasyon na kakailanganin para panatilihin kang buhay.

Page 18: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

16

Ikaw at Ang Paggamot na Nagpapahaba ng Buhay

Ang pagpili ng isang paggamot na nagpapahaba ng buhay ay isang malaking kapasyahan.

Kailangan mong pag-isipan kung ito ay nararapat para sa iyo.

Pag-isipan mo kung: • Hahayaan ka nitong magawa ang mga bagay na mahalaga

sa i yo • Hahayaan ka nitong ipagpatuloy ang iyong magandang

pamumuhay • Angkop ito sa iyong mga pinahahalagahan.

Isulat ang mabubuting bagay tungkol sa mga paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Isulat ang masasamang bagay tungkol sa mga paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Isulat ang maaari mong gamitin na mga paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Page 19: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

17

Page 20: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

18

Kailan ihihinto ang paggamit ng paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Ang ganitong mga tanong ay ukol sa kung gaano katagal

mong gagamitin ang isang paggamot na nagpapahaba ng

buhay.

O kung kailan mo gustong ihinto ang paggamit nito.

Mahalagang maunawaan mo na maaari kang mamatay kung

ihihinto ang paggamot na nagpapahaba ng buhay.

Ang ilang tao ay gusto ng paggamot hanggat napapanatili

silang buhay nito.

Ang iba naman ay gusto ng paggamot sa maikling panahon lamang.

Halimbawa gusto lamang nila ito upang ang mga mahal sa buhay

ay magkaroon ng pagkakataon na makapagpaalam sa iyo.

Ang ibang tao ay hindi ito gusto.

Page 21: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

19

Page 22: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

20

Ikaw at ang CPR

Mga pasya ko tungkol sa CPR

Ang CPR ay nangangahulugan ng Cardiopulmonary Resuscitation.

Ang CPR ay maaaring gamitin kapag huminto ang pagtibok

ng iyong puso. Maaari nitong mapatibok muli ang iyong

puso.

Magagandang bagay tungkol sa CPR

Maaari ka nitong bigyan pa ng panahon kaya’t: • Maaari kang tulungan ng mga doktor

• Makapagpapaalam sa iyo ang mga kapamilya.

Masasamang bagay tungkol sa CPR

Maaaring huminto ang pagtibok ng iyong puso dahil panahon na upang

mamatay ng iyong katawan.

Maaaring paganahin ulit ng CPR ang iyong puso.

Para sa maikling panahon lamang ito dahil ang katawan mo ay

handa nang mamatay.

Hindi banayad ang CPR.

Maaaring magkaroon ka ng mga pinsala mula sa CPR.

Nang huminto ang iyong puso, maaaring napinsala ang utak mo.

Page 23: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

21

â

Page 24: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

22

Ibang Mahahalagang Bagay

Magagamit mo ang mga tanong na ito upang matanto ang ibang

mga bagay na gusto mong malaman ng ibang tao kung hindi mo

masabi ang mga ito sa kanila.

Isiping napakalubha mo na o nasa bingit na ng kamatayan.

Page 25: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

23

Page 26: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

24

Ano ang susunod?

Gawin ang Iyong Plano.

Dapat mong sagutan ang Maagang Plano sa Pangangalaga.

Sino ang dapat magkaroon ng kopya nitong natapos kong plano?

Kapag natapos mo na ang Iyong Plano

Magbigay ng kopya sa:

• Taong gusto mong magsalita para sa iyo kung hindi mo kaya

• Iyong doktor • Iyong Abogado kung mayroon ka • Iyong Guardian kung mayroon ka • Canberra Hospital–Respecting Patient Choices. (Ospital

ng Canberra–Paggalang sa mga Pasya ng Pasyente)

Maaaring piliin mong bigyan sila ng kopya ng workbook

na ito. Ipinapakita nito sa kanila kung ano ang pasya mo.

Page 27: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Maagang Planong Pangangalagang Pangkalusugan – Workbuk

25

Page 28: Workbook ng Maagang Pagpaplano ng Pangangalaga sa Kalusugan · magsasabi sa mga tao kung paano mo gustong gamutin ka kung hindi mo ito masabi sa kanila. Ang aklat na ito nagbibigay

Makatutulong na mga Kontak.

Health Care Consumers Association (Samahan ng mga Konsyumer sa Pangangalaga ng Kalusugan):

http://www.hcca.org.au

6230 7800

A.C.T. Disability, Aged and Carer Advocacy Service (ADACAS - Serbisyo ng Pagtataguyod

sa May-kapansanan, Matatanda at Tagapag-alaga sa A.C.T.):

http://www.adacas.org.au

6242 5060

Respecting Patient Choices (Paggalang sa mga Pasya ng Pasyente):

http://health.act.gov.au/public-information/consumers/respecting-patient-choices

6244 3344

ACT Public Advocate (ACT Pampublikong Tagataguyod):

http://www.publicadvocate.act.gov.au

6205 2222

Translating and Interpreter Service (Serbisyo ng Pagsasalin at Interpreter):

https://www.tisnational.gov.au

13 14 50

Pinondohan ng: Plain Language Guide na pagsasalin ng:

Ang gawa na ito ay lisensiyado sa ilalim ng Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International License.

Kung natupad ang mga kondisyong nakasaad sa Lisensiyang ito, ipagkakaloob sa iyo ng Tagabigay ng Lisensiya ang

pandaigdigan, walang royalty, di-eksklusibo, panghabambuhay (para sa itatagal ng akmang karapatang maglathala) na lisensiya

upang magamit ang sumusunod na mga karapatan, na:

• Muling ilabas ang Gawa

• isama ang Gawa sa isa o higit pang mga Koleksiyon

• muling ilabas ang Gawa bilang nakapaloob sa alinmang Koleksiyon

• lumikha at Muling ilabas ang isa o higit pang Halaw na mga Gawa at

• ipamahagi at pampublikong itanghal ang Gawa, isang Halaw na Gawa o ang mga Gawa bilang nakapaloob sa alinmang Koleksiyon.