Upload
nguyennhu
View
303
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
ISANG ORGANIZING TOOL PARA SA MGA UNYONISTA
Outsourcing,
Casualization at
Contractualization
sa Food and
Beverage
Industry
Salot sa mga Empleyado/a at Unyon At mga Stratehiya sa
Paglaban
International Union
of Food,
Agricultural, Hotel,
Restaurant,
Catering, Tobacco
and Allied Workers’
Associations (IUF)
Outsourcing,Casualization atContractualization saFood & BeverageIndustry:
Salot sa mga Empleyado/a at Unyon Atmga Stratehiya sa Paglaban
Isang Organizing Tool para sa mga Unyonista
International Union of Food, Agricultural, Hotel, Restaurant,
Catering, Tobacco and Allied Workers’ Associations (IUF)
IUF
2
Outsourcing, Casualization at Contractualization sa Food & Beverage Industry:Salot sa mga Empleyado/a at Unyon At mga Stratehiya sa Paglaban
© IUF 2006
Disenyo at lay-out: Michele Karamanof of m&m studios
Mga Litrato: IUF
Nagsalin sa Tagalog: Tony Salvador
Nagpapasalamat ang IUF sa tulong-pinansiyal ng Friedrich Ebert Stiftung (FES) sa patuloy naproyekto sa pag-oorganisa ng IUF Nestlé at sa paggawa ng manwal na ito.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
3
Mga Nilalaman
Pambungad ...................................................................................................................................... 4
PART I
Casualization at Contractualization: Ang Pag-usbong ng“Precarious Employment” sa Food and Beverage Sector......................................... 6
Ano ang “precarious employment”? ....................................................................................... 6
Ano ang sitwasyon? ............................................................................................................. 10
Pero bakit ba talaga nangayayari ito, at ano ang epekto nito sa mga unyon? ......................... 12
PART II
Manufacturing Insecurity with Nestlé ..................................................................... 16
Pagka-bili ng Pabrika, Na-una na agad ang Outsourcing ....................................................... 16
Dahan-dahan pero tiyak na casualization at outsourcing ....................................................... 18
Seasonal kuno, pero sabay-sabay na season sa isang araw! ................................................... 18
Tambay - Standing by ........................................................................................................... 19
“Transition” na permanente .................................................................................................. 19
Ang nawawalang employer .................................................................................................. 20
Regular workers at casual/contractual: isang paghahambing ................................................. 22
Dami ng kasapi sa unyon ang pinupunterya .......................................................................... 23
Early retirement tulay patungong casualization at contractualization ..................................... 24
PART III
Hamon sa Unyon (Fighting Back) ............................................................................. 28
Pagparami ng Regular at Pagbabawas ng Casual/Contractual ................................................ 28
Mula Casual, patungong Permanente: .................................................................................. 29
ang pag-oorganisa para maging regular ang mga casual ....................................................... 29
Pakikipag-laban para maging regular ang mga casual ............................................................ 30
Seasonal ipinaglaban para maging permanent part-time ....................................................... 32
Mga Limitasyon ng Negosasyon Hinggil sa pag-kuha ng mga casual at contractual ............... 33
Paggiit sa karapatan na makipagtawaran ukol sa pagtanggap ng mga bagong employees. .... 36
Pagtutol sa Diskriminasyon at Eksklusion ............................................................................... 38
Ang karapatan ng Unyon na ipaglaban ang mga contractual at casual ................................... 38
Ang Karapatan na Maging Regular Employee ....................................................................... 40
Stopping Outsourcing at the Source (Pagpigil sa Outsourcing sa Source Nito) ....................... 41
PART IV
Conclusion ................................................................................................................ 44
PART V
Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang 48
Bakit kailangan kumilos? Ang paghikayat sa mga miyembro at mga kaalyado ....................... 50
Pag-aaral sa problema – pagkuha at paggamit ng kailangang impormasyon .......................... 53
Ano ang gagawin kung ayaw ibigay sa atin ang impormasyon? ............................................. 56
Pinakamahalaga: imulat at pakilusin ang mga kasapi sa unyon.Organisahin ang lahat ng workers a planta! .......................................................................... 57
Pagpili ng stratehiya ............................................................................................................. 61
Paghanap at pakikipag-tulungan sa mga ka-koalisyon ........................................................... 63
Mga Konklusyon ? ................................................................................................................ 65
IUF
4
Pambungad
ISANG ORGANIZING TOOL PARA SA MGA UNYONISTA
Ang manual na ito ay magagamit ng mga unyonista sa food and beverage industry na nahaharap sa
salot na dulot ng contractualization, outsourcing, labor-only contracting, finished-contract, fixed-term
contract, at iba pa na uri ng paglabag sa karapatan sa security of tenure sa Saligang Batas ng Pilipinas
at sa Labor Code. Organizing tool o gamit pang-organisa ng mga unyonista upang maintindihan ang
pinsala at panganib na dulot ng contractualization, casualization, labor-only contracting, at iba pa.
Proactive ang tugon na kailangan: edukasyon at mobilisasyon ng mga manggagawang organisado at
di organisado – at kasama na rin ang mga biktima: mga casual at contractual.
Ang mga impormasyon, analysis, case studies, pag-aaral at mga stratehiya ay hango sa malalim
na karanasan ng mga IUF affiliates sa buong mundo, pero may higit na tutok sa karanasan sa
mga manggagawa ng Nestlé, ang pinakamalaking food and beverage company, dahil bilang
lider sa industiya, ito ay may malaking impluwensiya sa pagtakda ng global standards at practices.
Ang Manwal na ito ay isa sa naging bunga ng pag-oorganisa ng IUF, kaya ang lahat ng mga
karanasan sa casualization at contractualization sa Part 2 ay galing sa karanasan ng mga unyon
sa Nestlé.
Ang mga halimbawa ng mga matagumpay na union organizing strategies ay nasa Part 3 – galing
sa Coca-Cola at iba pang food and beverage companies. Ang mga “best practices” at success
stories ay may mga aral na magagamit natin.
Bilang organizing tool, layunin ng manwal na ito na isama ang mga karanasan at mga aral mula
sa mga unyon sa food and beverage. Sana idagdag ninyo ang inyong karanasan at aral, lalo na
sa Part 2, 3, at 5.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
5
“Kasama sa trabaho mo ang garantiya na manatili ng 30 araw”.
Bilang bahagi ng Nestlé organizing project ng IUF, gusto sana namin na pagandahin pa ang
manwal na ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng inyong mga karanasan. Makatutulong kayo
sa paggawa ng isang manwal na mas epektibo at komprehensibo na organizing tool. Sana’y
ituring niyo ang manwal na ito na “buhay” na dokumento na lalo pang yayaman sa pagdagdag
ng inyong mga aral at karanasan. Ang layunin nating lahat ay palakasin ang tugon ng mga
kilusang paggawa para labanan ang contractualization at casualization at palakasin ang trade
union organizing at kilusang paggawa.
IUF
6
Casualization at
Contractualization: Ang Pag-
usbong ng “Precarious
Employment” sa Food and
Beverage Sector
PART I
Pag-usapan natin ang “precarious employment” at tingnan bakit ang contractualization at casualization
ay “precarious” para sa mga manggagawa. Titingnan natin bakit laganap ito sa food and beverage at
ano ang palusot ng management sa paggamit nito. Tignan din natin ang mga tunay na dahilan ng mga
“precarious employment” practices at ang hamon nito sa mga unyon.
Ano ang “precarious employment”?
Bago ang termino na ito, at tinutukoy ang iba’t ibang uri ng employment na hindi regular. Mas
pamilyar tayo sa casualization at contratualization bilang mga halimbawa ng “precarious
employment.” “Precarious” ang isang bagay kung ito ay mahina, delikado, madaling masira o
mawala – tulad ng casualization at contractualization kung saan madali tayong matanggal sa
trabaho. Taliwas ito sa regular na posisyon, kung saan pangmatagalan ang trabaho. Ayon sa
ILO:
“Ang tradisyunal na standard o pangkaraniwang ugnayang employer-
employee ay trabaho na fulltime. Ang employment ay walang katapusan,
sa ilalim ng iisang employer, at protektado sa di makatarungang
pagtanggal.” [ILO Contracts of Employment]
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
7
Iba-iba ang klase ng “precarious employment”:
� Outsourcing, contracting-out or subcontracting
� Casualization, contractualization or fixed-term contracts
� Labor agencies or labor-only contracting
� Temporary workers
� Pag-abuso ng seasonal at project employees
� Finished-contract
Ang mga ito ay partial list pa lamang, at may mga ibang ginagamit sa iba’t-ibang bansa pero
mahirap isalin ang mga ito sa iba’t-ibang wika.
Bagama’t ang mga ito ay di standard o di pangkaraniwan,dahil sa talamak
na pag-abuso sa food and beverage industry nagiging ganito na ang
standard practice o tipikal na gawain ng mga kumpanya.
Casualization at contractualization na ang gagamitin natin na mga salita, sa halip na “precarious
employment” dahil mas sanay na tayo dito. Tandaan lang na sa labas ng Pilipinas, madalas
gamitin ng “precarious employment.
IUF
8
Precarious Workers
Ang mga casual at contractual ay kadalasan biktima ng diskriminasyon. Pareho ang trabaho sa
mga regular, pero ang sahod ay mas mababa, at ang benepisyo mas konti – at kadalasan ay
wala. Sa ibang bansa, batay ito sa gender (ang mga babae ang nagiging casual at contractual) o
batay sa lahi (kadalasan ang mga taga ibang bansa ang casual at contractual).
Mga general characteristics ng casual at contractual:
� Kadalasan anim na buwan lang, “finished contract” na
� Maaring tanggalin ng walang due process o notice
� Di regular ang oras ng trabaho
� Pahihintuin ng ilang linggo o buwan bago pabalikin muli
� Mas mababa ang sahod kaysa regular employees
� Walang vacation leave, sick leave, parental leave, maternity leave, at iba pang
benepisyo
� Mas madaling baguhin ang uri ng ginagawang trabaho
� Halos walang pagkakataon na mahasa o ma-train sa karagdagan kaalaman
� Mas malaki ang peligro sa kalusugan at kaligtasan
“Precarious” ang bagay na tawag sa employment na casual,
contractual, labor-only, seasonal, temporary, finished-contract, atbp.
dahil tumitingkad ang pagka delikado, mahina at di tiyak ng trabaho.
Di tulad ng mga regular employees, ang mga na-hire sa agency,
labor-only contractor o subcontractor, o mga casual o contractual,
seasonal, o temporary ay madalas nagkaka-problema sa sahod, oras
ng trabaho, shifts at assignments. Madalas takot sila na
matatanggal, o tanggap na nila na pagkatapos ng anim na buwan
ay “finished contract” na sila dahil sila ay “casual” o “contractual”
lamang. Gayunpaman, mayroon sa kanila na taon-taon ang tinatagal
sa kumpanya, pero di nagiging regular, at di pa rin sigurado kung
mauulit ang kontrata.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
9
Precarious employment
Ang precarious employment ay hindi sigurado o permanenteng
trabaho; madali tayong matanggal, mababa ang sahod, pangit ang
patakaran at kung saan ang ating kalusugan ay nakasalalay dahil
sa mga lugar na ating pinag ta-trabahuan. Wala tayong oportunidad
para umasenso sa buhay at sa ating trabaho.
Gerry Rodgers & Janine Rodgers, Precarious Jobs in Labour Market
Regulation; the Growth of Atypical Employment in Western Europe,
International Institute for Labour Studies, International Labour
Organisation, Geneva, 1989; John Burgess Iain Campbell, ‘The
Nature and Dimensions of Precarious Employment in Australia’,
Labour & Industry, Vol. 8, No. 3, April 1998, p 5–21.
Sa Part II titinganan natin ang mga katangian ng mga casual at contractual na manggagawa, at
mga aral o insight na mapupulot natin sa ganitong pang-aabuso ng management.
Sa perspektiba ng management ang casual at contractual na manggagawa ay di lamang mura –
“flexible” din. Madaling tanggapin sa trabaho, madali ring alisin. Madali ring ilipat-lipat, papalit-
palit ang oras ng trabaho at maaring magtrabaho kahit walang overtime pay. Ito ang dahilan
kung bakit mali ang pag-klasipika at paglugmok sa mga manggagawa bilang casual at regular:
kung mas flexible sa employer, mas dehado naman ang mga manggagawa.
Bagama’t mas higit ang kontrol ng management sa casual at contractual, naitatago ang tunay
na kalikasan o katangian ng relasyon ng employer at employee, at nagagamit ng employer ito
para maka-iwas sa obligasyon at responsibilidad sa ilalim ng batas. Makikita sa mga halimbawa
sa Part 2 na ang mga employer na gumagamit ng agency o labor contractor ay may kontrol pa
rin sa pagpili at pagtanggap, at pagtanggal ng mga employees. Pero pagdating na sa singilan ng
tamang sahod at mga benepisyo, bigla na lang sasabihin na hindi sila ang totoong employer,
kaya wala silang obligasyon. Ang resulta: mas higit na kontrol, mas mababang sahod at benepisyo,
at mas konting responsibilidad. Yan ang formula ng management sa paggamit ng casual at
contractual.
IUF
10
PART I Casualization at Contractualization: Ang Pag-usbong ng “Precarious Employment”sa Food and Beverage Sector
Makikita natin sa ating sariling bansa na ang paggamit ng casual at contractual sa food and
beverage industry ay palala ng palala. Wala atang unyonista na makapagsasabing walang
contractual at casual sa kanila. Sana dadami ang magsasabi na “dati mayroon, pero naipaglaban
namin at sila ay naging REGULAR.” Tingnan natin ang mga halimbawa nito sa Part III.
Ano ang sitwasyon?
Talamak ang paggamit ng casual at contractual. Dati limitado sa mga security, tapos dinagdag
ang mga janitor, sumunod ang ilang clerk. Ngayon pati yoong karaniwang ginagawa na trabaho
ng mga kasali sa unyon, na-subcon na rin - contractual o casual na rin.
Kung pag-usapan natin ito, maaring may magtanong:
� Management prerogative naman yun, di ba?
� Di ba ganoon talaga sa globalization ?
� Di ba kailangan gawin iyon para makipag-kumpetensiya?
� Di ba nagbabago na ang batas, at pwede na ito?
� Eh ayaw naman lumaban ng mga casual at regular?
Hindi talaga tanong ang mga ito, kundi palusot lang, na madalas na ginagamit para talikuran
ang problema. Tingnan natin ang mga paliwanag ng employer sa paggamit ng casual at
contractual:
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
11
� “Bumababa ang demand sa ating produkto.”
o Seasonal ang taas at baba
o Sa ating industriya madalas taas-baba ang demand depende sa panahon.
Kung mataas ang demand, kailangan ng mas maraming employees. Kung
mahina naman ang benta, hindi na sila kailangan, at di naman kaya ng
employer na magbayad kapag walang gawa.
� “Efficiency at Competitiveness kailangan pa na paunlarin.”
o Ang mga kalaban natin kumukuha ng casual at contractual, kaya dapat
tayo rin. Kung hindi, di na tayo tatagal.
o Tinitingnan ng Head Office ang performance batay sa per capita
productivity at payroll. Gaganda ang performance kung liliit ang payroll
at lalaki ang per capita productivity.
� “Ito na ang baong paraan.”
o Ito ang trend sa industriya
o Standard practice na ito sa industriya at dapat lahat gumaya na.
o Globalization na, ganoon na talaga ang labanan.
o Ito ang makabagong market economy.
o Ito ang kailangan ngayon at sa hinaharap.
� “Hindi naman ito bago”
o Lagi naman tayo na may mga extra na tao sa mga di mahahalagang gawain
tulad ng security, janitorial, building maintenance – at lahat short term
lang ang mga kontrata nila.
o Lagi nating ginagawa, kaya wala naman bago.
� “Panandalian lang naman ito; temporary lang.”
o Mayroon lang tayong mga problema at kailangan natin sandali ng ilang
dagadag na tao.
o Emergency lang ito, panandalian. Kailangan lang talaga dahil mahirap ang
negosyo.
IUF
12
PART I Casualization at Contractualization: Ang Pag-usbong ng “PrecariousEmployment” sa Food and Beverage Sector
o Susubukan lang natin ang mga iba’t-ibang paraan para malaman kung
ano ang puwede.
o Di pa tayo nagpapasya talaga; experiment pa lang.
� “Kailangan natin mag-concentrate sa core business o kung ano talaga
ang produkto natin.”
o Dapat ma-outsource yun mga di natin masyadong kailangan sa negosyo
– mga “auxiliary” services gaya ng security, janitorial, clerical, maintenance,
machine repair. Concentrate tayo sa paggawa na ating produkto.
o Ang ibang mga kumpanya nag-specialize na rin – tutok na sila sa core
business nila, kaya mas maganda ang serbisyo o produkto nila at mas
mura pa.
� “Makakatulong tayo sa paglago ng maliliit na mga employers at mga
kumpanya, at paglikha ng mga bagong trabaho.”
o Ang outsourcing at contractualization ay nakakatulong sa maliliit na
mangangalakal.
o Dumadami at nakakatulong ito sa mga small and medium enterprises.
o Nabibigyan natin ng trabaho ang mga tao, lalo na ang walang hanap-
buhay.
Ito lang ang mga ilan, pero marami pang mga palusot ang employer. Mapapansin sa mga palusot
na ito na kailangan daw ang paggamit ng casual at contractual. Hindi na raw mapipigilan ito,
kaya hindi na makabalik sa dating gawi na karamihan ay regular. “Mas mabuti na tanggapin na
lang ang ganitong gawain ng employer; at kahit di naman natin tanggap, wala naman tayong
magagawa.”
Pero bakit ba talaga nangayayari ito, at ano ang epekto nito
sa mga unyon?
Iba ang implikasyon ng casualization at contractualization sa mga unyonista. Makikita sa Part III,
di lang ito paraan ng pagtitipid. Ito ay bulok na stratehiya upang pahinain ang ating unyon at
sikilin ang karapatang mag-organisa at makipag-collective barganing.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
13
� Cost cutting: Ang mga casual at contractual ay mas maliit ang mga sahod, at
walang benepisyo. Dahil ang covered lamang ng CBA ay regular employees,
walang ibang natatanggap ang mga casual at contractual kundi ang sahod.
Hindi kailangan ng employer na magbayad ng pension, hospitalization at health
benefits, insurance, at iba. Malaki ang natitipid ng employer.
� Kahinaan sa implementasyon ng batas: Ang batas ang nagtatakda kung
ang isang employee ay regular, hindi ang kasulatan na pilit na pinapirmanahan
sa mga employees. Pero dahil sa bagal ng mga kaso, kawalan ng proteksyon
para sa mag-susumbong na casual at contractual, at dahil sa takot mawalan
ng trabaho hindi na nag-susumbong. Mayroon din mga nagsasamantala ng
mga probisyon ukol sa learners at apprentices, pero mas marami na ngayon
ang casual at contractual.
� Ipinag-mamalaki pa ang nagtatanggal ng tao: Ang mga kumpanya na
nagtatanggal ng tao ay tumataaas ang presyo ng stock sa merkado, kaya’t
nakakalikom pa ng mas maraming kapital. Ang sukatan ng kagalingan ay ang
dami ng tinatanggal na mga tao, maging sa mga kumpanya at sa mga division
o sangay nito. Mas maliit ang workforce, mas lumalaki ang per capita income.
� Umpisa pa lang: Ang pag-hire ng mga security, janitor, canteen workers, at
transportation ay simula pa lamang; sunod na diyan ang pagtanggal ng regular
workers.
� Pagsikil sa karapatang mag-organisa: Sa maraming mga bansa ang mga
casual at contractual ay di kasali sa unyon. Katunayan, ang pinaka-mahalagang
dahilan kung bakit gusto ng management ng casual at contractual ay dahil di
sila pwedeng sumali sa unyon, kaya’t lalo pang napapahina ang unyon. Kung
mas mahina ang unyon, lalo pang mababarat ng management ang mga em-
ployees.
IUF
14
PART I Casualization at Contractualization: Ang Pag-usbong ng “PrecariousEmployment” sa Food and Beverage Sector
Ang strategy ng management ay samantalahin ang kahinahan
ng unionista. Ito ay tungkol sa pwersa sa ating pinag-ta-
trabahuan.
� Flexibility ay tataas: Nais ng employer na maka-adjust agad sa pagtaas at
baba sa merkado, at kasabay nito hindi tumataas ang overhead costs. Ang
sistema daw na maganda ay yoong flexible o “lean” (payat pero malakas at
mabilis!), tulad ng Just-in-time (JIT) delivery o “zero inventory” kung saan
mayroon maliit na core workforce lamang, at malaking reserba ng casual at
contractual. Maaari silang magtrabaho kung kailangan, at madaling tanggalin
kung di na kailangan. Hindi na magiging isyu sa unyon ang pagtanggap at
pagtanggal sa kanila; hindi sila protektado ng CBA o ng batas: maaari silang
papasukin ng mas maaga, pauwiin ng mas maaga, at pilitin mag -overtime.
� Divide and rule: Ang mga casual at contratual ay di kasali sa collective bar-
gaining unit (CBU). Dahil dito hindi sila mabibigyan ng proteksyon at benepisyo
ng CBA, at mas liliit ang CBU na magiging sanhi ng paghina ng unyon.
� Pagpapaliit ng unyon: Dahil mas maliit
ang CBU, hanggang sa punto na magiging
mas konti pa ang regular kaysa casual at
contractual. Hihina ang kakayahan ng
unyon na ipaglaban ang security of ten-
ure, ang kanilang trabaho, at ang mga
benepisyo at proteksiyon sa batas at sa
CBA. Sa kalaunan, liliit at bababa ang mga
benepisyo hanggang magiging katulad na
lang sila ng mga casual at contractual.
Wag ka ng umangal
sa trabaho mo bilang
kaswal, may trabaho ka pa
naman, di ba?
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
15
� Strike breaking and union busting: Ang suma total, ang paggamit ng casual
at contractual ang pinaka-mainam na instrumento para buwagin ang mga welga
at sirain o i-bust ang unyon. Gagamitin ang mga casual at contractual bilang
iskirol para ma-lock out ang mga unyonista at upang palitan sila ng mga hindi
regular employees. Alam natin na hindi tsamba lang ito: stratehiya ang pagkuha
ng casual at regular para pahinain ang unyon. Ito ay isyu ng kapangyarihan at
lakas ng manggagawa laban sa lakas ng management. Dahil dito, para sa lahat
ng mga unyon, mahalaga ang isyu ng di tamang paggamit ng casual at con-
tractual.
Increasing the Decent Work Deficit
Ayon sa International Labor Organization (ILO) ang agenda na
“disenteng trabaho” ay: “ang pagsulong ng oportunidad para ang
manggagawa ay magkaroon ng disente at productive na trabaho
kung saan mayroong kalayaan, equity o katarungan, seguridad at
dignidad. Ang konsepto ng disenteng trabaho ay ang pagsasama
ng apat na strategic objectives: karapatan bilang manggagawa,
hanap-buhay, social protection (SSS, Employees Compensation,
health insurance) at social dialogue.
IUF
16
Manufacturing
Insecurity with Nestlé
PART II
Tingnan natin ang karanasan sa Nestlé – paano nagsimula ang casualization at contractualization,
paano ito lumala, at ano mangyayari kung hindi ito mapigilan ng unyon. Tingnan din natin ang outsourcing
bilang kasangkapan upang pahinain ang unyon sa pag-organisa, pakikipaglaban, mag-mobilisa, igiit
ang batas, at kakayahan nitong ipatupad ang CBA. Ang outsourcing at pagkuha ng casual at contractual
ay alternatibo sa mas agresibo at tahasang pag-bust o pagsira ng unyon, pero kasing bisa din ito at
pareho lang resulta: higit na kontrol ng management sa mga employees, at mas mahinang mga indibidwal
na employees at mga unyon.
Pagka-bili ng Pabrika, Na-una na agad ang Outsourcing
Pagkabukas ng mga merkado at pag-liberalize ng foreign investments sa Central at Eastern
Europe noon 1990’s pumasok ang Nestlé, namili ng mga pabrika, nag-outsource, at nag-konsolida.
Ang unang ginawa nito matapos bumili ng pabrika sa Hungary ay i-outsource agad ang canteen
at gumagawa ng uniporme; nanatili ang mga manggagawa pero iba na ang employer. Ganun
din ang ginawa ng Nestlé sa ibang lugar sa rehiyon.
Bibilhin pa lamang ang Svitoch, isang pabrika ng tsokolate, nakipag-nego na ang Nestlé para
ma-outsource ang ilang departamento at mga services. Ang transport at maintenance na-
outsource agad, pero nag-take over naman ang Nestlé sa production, building services, at clerical
staff.
Bilang pag-konsolida sa bagong investment, naglunsad ang Nestlé ng “optimizing” staffing
levels, kung saan tinatanggal ang mga regular sa production at nililipat sa labor agency na
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
17
NOOSFERA, isang kumpanyang nagmamalaki sa kanyang website (www.noosfera.com.ua) na
“ang mga employees ay maaaring palitan o tanggalin kapag gusto ng kliyente”). Bawa’t araw,
50 regular Nestlé employees (1,200 lahat ang regular) ang nalilipat sa NOOSFERA. Taong 2005,
800 employees na contracted mula NOOSFERA ang nagtrabaho sa Nestlé.
Ani ng Nestlé, ang kinukuha nila ay “serbisyo, hindi tao.” Pero ang totoo, ang mga contractual
na galing NOOSFERA ay nagtatrabaho katabi ng mga regular sa Nestlé, pero mas mababa ang
sahod, walang benepisyo, at madaling matanggal. Ang tiyak lamang ay nagtatrabaho sila ngayon,
pero maaari silang matanggal bukas. Ang insecurity ay sinamantala para sa higit na management
control.
Nang bilhin ng Nestlé ang Timashevsk (Russia) noong 1998 inalok nito ang mga employees ng
fixed-term contract, kapalit ng bayad (financial compensation). Karamihan ay pumayag, kaya’t
noong Summer 2005 halos 70% na ang may fixed-term contract, kahit pa maraming taon na
sila nagtatrabaho sa kumpanya. Hanggang 2004, kadalasan ay isang taon ang kontrata, pero
sumunod dito ay buwan o linggo na lang ang kontrata, depende daw sa demand. Maingat ang
Nestlé sa pagsunod sa batas. May paggitan ang mga kontrata: kapag finished contract na,
ipapadala muna ang mga ito sa employment agency ng Estado. Kapag may hidwaan ang
management at union, tinatakot ang mga contractual na kung susuporta sila sa union, hindi na
bibigyan ng bagong kontrata. Sa mga ganitong pagkakataon, ang pagbili ng mga bagong facilities
ay may kasabay na malawakang casualization, para humina antemano ang pagtutol sa bagong
pamamalakad ng management. Inaalis ang security of tenure para dumepende na lang ang mga
employees sa management, at para pahinain ang unyon at ang kakayahan nitong makipag-
tawaran.
IUF
18
PART II Manufacturing Insecurity with Nestlé
Dahan-dahan pero tiyak na casualization at outsourcing
Paunti-unti ang proseso ng casualization at contractualization (o outsourcing). Pero parang biglaan
din dahil makikita na hindi na regular ang mga katrabaho mo, at di na sila kasali sa unyon.
Maaring iba na ang uniporme, o uniporme na ng labor contractor, at ang oras nila ng trabaho ay
at schedule ay magulo na. magugulat na lang ang mga unyonista na kung sinu-sino na ang mga
bagong katrabaho.
Kadalasan hindi biglaan ang contractualization at casualization. Pakonti-konti muna, pero kapag
medyo dumadami na, mayroong punto na lalo nang papaspasan ito ng management. Kadalasan
nagsisimula ito sa “seasonal” employees, na mamaya ay madalas at paulit-ulit na rin pumapasok,
tapos nagiging buwan-buwan na ring makikita.
Seasonal kuno, pero sabay – sabay na season sa isang araw!
Sa Malaysia, kung saan ginagawa ng Nestlé ang Kitkat, Milo, Smarties, at iba pang candy,
nagsimula ang Nestlé sa pagkuha ng mga temporary at contractual, dahil ang mga ito ay seasonal
lamang daw. Noon 2001, ang mga contractual, temporary at casual ay pinagtrabaho sa maiinit
na buwan ng Hulyo, Agosto, at Septyembre. Noong 2002, Agosto hanggang Disyembre naman.
Pero noong 2003, lahat na ng buwan mayroong temporary at fixed-term employees! Noong
2004 at 2005 ang mga “seasonal” ay nagtatrabaho na kahit na anong panahon. Dumating na
sa punto na kahit anong araw mayroon nang temporary at contractual sa Nestlé na parang ang
lahat ng “seasons” o panahon ay nangyayari na sa Nestlé sa iisang araw!
Sa Sofia, Bulgaria naman, marami ang contractual. Noong tag-init ng 2005 sa isang unyon, 34%
ang contractual na pareho naman ang ginagawa sa mga regular. Sa Hungary, ang mga “seasonal”
buong taon nagtatrabaho sa packing ng kape.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
19
Halata na panimula lang ang pagkuha ng seasonal, pero pagtagal tuloy-tuloy na ang seasonal at
contractual para mapalitan na ang mga regular. Katulad ng sa Timashevsk, kung saan ang mga
seasonal ay pumalit sa mga regular na wala namang dahilan o hindi naman batay sa
pangangailangan ng produksiyon, ito ay halimbawa ng pag-abuso sa contractualization o fixed-
term contract, kung saan pasok - labas lang ang mga contractual at casual galing sa isang pool
ng mga workers. May trabaho ang mga contractual at casual kahit papano, pero wala ang mga
sahod, benepisyo, at proteksiyon ng mga regular.
Tambay – Standing by
Sa Nestlé sa Cagayan de Oro, 20 contractual ang pinapapasok sa planta bilang “standby”, at
sila ay makapagtatrabaho kung may di papasok na regular o kailangan ng dagdag na trabaho.
No work, no pay sila, pinag-aantay ng hanggang isang oras, at papauwiin na lang ng walang
bayad kung hindi kailangan ang serbisyo. Walang responsibilidad ang kumpanya at ang risk o
pangamba at maaaring gastos na sanhi ng maaaring pagkulang sa trabahador ay nalilipat mula
sa kumpanya papunta sa mga “standby”. Sa madaling salita nakakitipid ang management dahil
hindi kailangan magbayad kung hindi kailangan ng dagdag na tao, pero nasa mga stand-by na
manggagawa ang risk dahil sila ang maaaring maperwisyo kung walang trabaho.
“Transition” na permanente
Sa paggawaan ng cereals sa Portugal, may mga temporary, contractual, at self-employed sa
food producdtion at packaging– lahat kalahati lang ang kita kumpara sa regular. Mayroon mga
kinuha ang Nestlé na direct hire pero fixed-term ang kontrata (sa production sila), may galing sa
labor agency (sa packaging at food services naka-assign), at meron pang “self-employed”. Noon
2005 sabi ng Nestlé na kailangan gawin ang mga ito dahil balak nila i-outsource ang food
services activities, at habang naghahanap ng mahusay na “co-packer”, kailangan na patuloy pa
rin ang production. Kailangan daw aralin mabuti ang mga proposal na binigay sa Nestlé, partikular
na sa kalinisan ng pagkain at pag-handle nito. Umabot ng isang taon ang pag-aaral, mula sa
orihinal na 6 na buwan, kaya ang mga kontrata ng mga employees ay na-extend din ng 6 na
buwan. Samantala, nag-hire din ang Nestlé ng dagdag na fixed-term employees na inilagay
naman sa ibang departamento. Kailangan daw para tuloy ang flexibility na kailangan para sa re-
organization o para mahasa ang mga production employees sa maraming kayang gawin. Habang
ang plano na re-organization ay ginagawa, pinagagaling ang mga employees sa multi-tasking,
IUF
20
PART II Manufacturing Insecurity with Nestlé
at ang mga contractual naman ay pinagtatrabaho bilang paghahanda sa pagtanggal sa mga
regular.
Tulad ng nakita sa Part I, magaling ang employers sa pagsasamantala sa batas at kahinaan nito.
Sa Germany, nailipat ng Nestlé ang payroll mula sa mga regular employees na kasapi sa unyon,
patungo sa mga di kasali sa unyon, sa pamamagitan ng pagtayo ng isang payroll company.
Dahil dito naiwasan nila ang mga labor laws ukol sa CBA. Noong 2005, ang mga payroll
departments sa iba’t-ibang worksites ng Nestlé ay inalis, at ang trabaho nila ay nilipat sa isang
centralized payroll deparment. Ang mga payroll employees ay natanggal, at ang Nestlé naman
ay nagtayo ng bagong kumpanya kung saan kumuha sila ng mga bagong employees sa mas
mababang sahod.
Marunong din ang Nestlé magsamantala sa kahinaan ng unyon, tulad ng sa Peru, kung saan
tinatakot ang mga tao na magsa-subcon o outsource upang makatipid at wasakin ang union.
Nang sabihin ng Nestlé noong Mayo 2005 na balak mag-outsource, kinausap ng unyon ito para
protektahan ang mga trabaho. Dahil dito, hindi na-outsource ang distribution center, pero
nagtanggal ng mga tao (kasama na ang mga opisyales at miyembro ng unyon) at binaba ang
sahod ng natitirang employees.
Ang nawawalang employer
Sa Nestlé Kejayn sa Indonesia, may 521 na permanenteng employees, kasama na ang 200
“supervisors” na hindi maaaring sumapi sa unyon. Kaya mga 354 ang regular workers na kasali
sa unyon. Nagtatrabaho sila katabi ng mga 500 contractual workers, karamihan ay galing sa
agency. Ang latag ng mga agency workers ay ganito:
� ARECO – delivery service workers
� ARINA – production line workers
� SECURIOR – security guards
� PAN BAKTI – canteen workers
� VELLA and DENOYO – truck drivers at forklift drivers
Ang mga maintenance sa machinery, building, at electricity ay naka-outsource din.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
21
Ang mga agencies na ito ang nagbabayad ng sahod sa mga employees, kaya sa isang pormal na
pagtingin hindi ang Nestlé ang employer. (Pero alam natin na sa Pilipinas, sa ilalim ng control
test, Nestlé ang totoong employer.) Batay sa lohika na ito, higit kalahati (50%) ng mga employees
ay hindi daw employees ng Nestlé. Pero Nestlé naman ang nagpapasya ng lahat ukol sa
ginagawang trabaho ng mga employees, at Nestlé din ang nagtatanggal sa trabaho. Alam naman
natin na ang mga aksiyon na ganito ay ang totoong employer lamang ang nakakagawa. Simple
lang ang pagkaka-iba ng mga employees: yoong mga galing agency ay di sakop ng CBU, mas
mababa ang sahod at walang benepisyo, at maaring matanggal sa trabaho kahit kailan – o
hanggang ma-finish contract. Pero ang trabaho nila ay pareho rin naman sa gawa ng mga
regular employees. At ang Nestlé pa naman ang pinakamalaking food company sa buong mundo!
Ganoon din ang sitwasyon sa Hungary, kung saan ang Nestlé, dahil daw flexibility na ang labanan,
kailangan ng mga contractual, kaya 300 ang contractual, at 700 naman ang directly-employed,
pero pareho silang nagtatrabaho sa production line. Ang mga contractual ay di kasali sa CBU, at
di rin sila sakop ng Nestlé Human Resources Policy. Ang kontrata nila sa agency, na siyang
nagbabayad ng sahod, ay isa hanggang tatlong buwan lang. Mas mababa ang sahod kumpara
sa mga regular sa Nestlé, kahit na pareho lang naman ang trabaho. Ang agency rin ay mayroon
nang opisina sa loob ng Nestlé, at ito ang namamahala ng personnel at administrative na mga
isyu ng mga contractual.
Ingredients o sangkap ng mga Nestlé products
Benefits-free casual employees, maliit ang sahod,
walang benepisyo; murang manggagawa; at di-tiyak
na hanap buhay galing sa mga labor-only contractor;
binudburan pa ng outsourcing at pekeng
subcontracting; dinurog na job security at unyon.
Maaring may laman na contractual na walang
kontrata.
IUF
22
PART II Manufacturing Insecurity with Nestlé
Regular workers at casual/contractual: isang paghahambing
Ihambing natin ang mga regular employees at mga contractual galing sa labor-only contractors
employees sa Cagaya de Oro. Kita natin dito kung bakit mali ang casualization at
contractualization.
Ang OT ng mga regular ay 150%, pero sa COFIPAC 130% lang, at sa Sansmate, ay walang OT
premium. Pag lampas 4 na oras ang OT ng regular, may meal allowance sila, pero wala ang mga
COFIPAC at Sansmate contractuals. Ang mga regular ay may 18 days vacation leave; sa COFIPAC
5-day service incentive leave lang, at wala kahit ano sa Sansmate.
May VL, SL, maternity leave, bereavement leave, emergency leave ang mga regular employees,
pero ang mga taga COFIPACA at Sansmate ay wala. Ganoon din sa medical benefits at insurance.
Mas matingkad ang diperensiya pagdating sa sahod ng mga taong pareho ang ginagawang
trabaho. Tignan natin ang sahod sa taong 2000 – mayroon tayong data dahil pinilit ng korte ang
Nestlé, COFIPAC, at Sansmate na ibigay ang mga dokumento sa korte matapos magsampa ng
kaso ang unyon. Ang mga mas bagong data ay ayaw ibigay ng tatlong kumpanya. Ayon sa CBA,
ang Grade 4 ay kikita ng P800 kada araw (P500 ang minimum). Pero ang sa COFIPAC ay P 180
lang, at sa Sansmate ay P 166 lang! kaya kahit na minimum na P500 lang ang sa isang regular,
2.7 na beses pa rin ang taas nito sa COFIPAC at 3 beses ang taas sa Sansmate – gayong pare-
pareho lang naman ang trabaho nila: ang maglagay ng Nescafe sa mga sachet.
Kasabay ng instant coffee, gumagawa na rin ang Nestlé ng instant at permanenteng insecurity
at di katiyakan sa trabaho. Ang mga na-hire sa pamamagitan ng COFIPAC at Sansmate ay di
nakatitiyak kung magkakaroon sila ng sapat na oras ng trabaho sa bawa’t linggo, pero tiyak sila
na kahit ganong katagal ang trabaho nila sa COFIPAC at Sansmate, di sila sigurado kung may
trabaho pa sila sa susunod na buwan.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
23
Dami ng kasapi sa unyon ang pinupunterya
Marami ang uri ng casual at contractual sa Indonesia kaya mas marami na ang mga casual at
contractual kaysa regular. Tingnan natin ang bilang ng mga regular employees, dami ng kasapi
sa unyon, at bilang ng mga agency workers.
Workplace Regular Union Daily Contract Agency TOTALmembers Workers Workers Workers
Kejayan 521 354 0 0 500 1021
Gempol 117 84 0 0 312 429
(warehouse)
Cikupa 198 153 100 0 52 350
Panjang 170 117 70 90 170 500
TOTAL 1006 708 170 90 1034 2300
Ang bilang ng mga regular ay 44% lamang ng lahat ng mga employees, direktang o di-direktang
manggagawa ng Nestlé sa production at warehouse sa Indonesia. Pero dahil marami ang tinuturing
na “supervisor” (kahit kadalasan pareho lang ang gawa sa mga rank-and-file), ang mga ito ay di
kasali sa CBU, kaya’t 30% na lang ang kasali sa unyon! At di pa kasama diyan ang sales force!
Sa lahat nga mga kasong ito, ang pagkuha ng casual, contractual, agency, at iba pa ay nagdulot
ng pagbaba ng mga kasali sa unyon. Dahil dito, humihina ang bargaining power ng unyon.
Isang malaking hamon sa atin na labanan ang ganitong sistema, bago lalo pang humina tayo at
lumakas ang management.
IUF
24
May mga kaso rin kung saan isinasara na lang ang pabrika at nililipat sa kalapit na bansa, kung
saan naman contractual at casual na lang ang kinukuha. Halimbawa noon 2005 nagsabi ang
Nestlé Nordic na isasara ang ice cream plant sa Sweden, at lilipat sa Denmark. Sa Sweden 60%
ng salesforce ay direct hire, at 40% ay galing sa franchise (outsourced). Pero sa Denmark 100%
ay franchised o outsourced! Noong negosasyon ukol sa paglipat, inamin ng management na
balak nilang gawing “franchise” na lang ang sales sa Sweden, matapos magka-CBA ang mga
truck drivers na directly employed ng Nestlé. Ibig sabihin – hindi na sila employees ng Nestlé
kundi independent contractors na sila!
Early retirement tulay patungong casualization atcontractualization
Isa pang mahalagang paraan ng management para padamihin ang casual at contractual ay sa
pamamagitan ng early retirement. Maraming pagkakataon na ang pag-alok ng early retirement
ay may kasamang pagkakalat ng balita na magtatanggalan, kaya’t mas mabuti na raw na mag-
retire na lang kaysa mas maliit ang matanggap kapag may retrenchment o redundancy. Siyempre
casual at contractual na lang ang pinapalit – kung saan ang mga manggagawa ay di na kasali sa
collective bargaining unit (CBU) at wala nang mga benepisyo. Ang palusot ng management ay
na-reorganize na daw ang iniwanang posisyon ng mga nag-retiro. Wala na raw yun dating
posisyon; pero kadalasan pinalitan lang ang pangalan, pero pareho pa rin ang trabaho.
Pag nagretiro na ang mga regular, ang management ay makakapaglagay na ng bagong mga
anyo ng trabaho o latag ng mga gawain (work arrangements) – pero nakabatay na sa pagkuha
ng casual at contractual. Pero layun ng management na pabilisin ang proseso para makatipid na
matanggal sa CBU ang mga bago – kaya’t pag may na-retiro, palit agad ang casual at contractual.
Sa ganitong paraan, bababa ang gastos ng management, liliit ang mga sahod at mga benepisyo.
At siyempre, hihina ang unyon.
PART II Manufacturing Insecurity with Nestlé
...Ang layunin ng management ay bilisan ang process
ng CBU para babaan ang sahod at alisin ang mga
benepisyo ng mga manggagawa at pahinain ang union.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
25
Sa food and beverage industry, palaging malaki ang early retirement package, kaya pati na mga
opisyales ng unyon ay napipilitan tumanggap. May kasamang pang-enganyo at pananakot:
malaki daw ang matatanggap kaya tanggapin na kasi baka may mangyari pa at mas maliit ang
matanggap. Gagawa ang management ng tsismis na mag-iiba na raw ang may ari, may papasok
na bagong stockholder, mag- takeover na raw ang parent company na banyaga, etc. Ang malaking
package ay nababawi naman ng management dahil ang mga papalit na casual at contractual ay
maliit ang sahod at walang mga benepisyo, at hindi na kasali sa CBU.
“Matatanggap nyo ang inyong sahod sa pagtratrabaho kapag aking naalala
kung saan na sub-con ang dating Payroll Department”.
IUF
26
PART II Manufacturing Insecurity with Nestlé
Epektibo ang mga bisor at management sa ganitong taktika, kaya bigla na lang nagiging voluntary
ang pag-alis ng mga unyonista, pati na ang mga opisyales. Hindi nakakayanan ng mga regular
ang pressure na ginagawa ng management. Kasabay ang paghihigpit, para mainis na lang talaga
at matakot ang mga tao. Dahil dito tatanggap na lang sila.
Pagtagal-tagal, puro casual at contractual na lang, dahil hindi na pinapalitan ng bagong regular
ang mga nag-retiro na regular.
Sa Nestlé Philippines, napo-promote sa bisor ang mga unyonista, kahit sa pangalan lang – wala
naman iba sa trabaho nila bilang bisor; o kaya naman, lalagay sila sa mga “exempt” na posisyon.
Dahil dito, mas lumiliit ang CBU. Ang mga nag-retiro at yung napilitan mag-retiro ay napapalitan
ng mga casual o contractual/agency. Sa Magnolia Employees Labor Organization ang kasapi ay
bumaba mula 270 noong 1996, hanggang 90 na lamang noong 2005. Halos sa lahat ng posisyon
ay may agency workers na – sales office man o production. Ang mga galing sa mga agency ay
napupunta sa lahat ng posisyon na kadalasan ay pang-regular, at malaking porsyento na ng
workforce ay contractual. Limang (5) buwan lang ang kontrata nila dahil ang katuwiran ng
management anim (6) na buwan ang probationary employment sa labor code, at kung lumampas
doon ay magiging regular na. Hindi na rin sila pinababalik dahil baka lumampas pa daw ng anim
na buwan kapag pinagsama ang dalawang kontrata. Sila naman ay papalitan ng mga bagong
contractual. Ang mga bagong employees ay hindi nagbibigay ng application sa Nestlé, kundi sa
ibang opisina. Pinapalabas na hindi raw Nestlé ang employer. Dahil sa talamak at garapalan ang
pagkuha ng contracual, ang Southern Sales Force Union of Nestlé Employees ay 36 na lang ang
natira! 36 lahat-lahat na sa Cebu, Davao, at Cagayan de Oro noong 2005!
Sa Pilipinas, ang kabuuang miyembro ng Council of Filipino Nestlé Unions (CFNU) ay bumaba sa
995 na lang noong Agosto 2005, mula 1,800 noong 2001. Ang pinakamalaking dahilan ay ang
pagpalit sa mga nag-retiro ng mga contractual, na hindi kasama sa CBU. Ang ikalawa ay ang
pagbago ng job title at pag-”promote” sa bisor – parehong hindi na sakop ng CBA.
Nakita natin sa Part I na ang pagdami ng casual at contractual ay sadyang ginawa ng management.
Sinamantala ang kahinaan ng batas para ang mga casual at contractual ay di masali sa CBA. Sa
karamihan ng mga bansa, ang mga casual at contractual ay di kasali sa CBA at di maaaring
sumali sa unyon.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
27
Kung mag-oorganisa ang unyon sa mga casual at contractual, sasabihin agad ng management
na sabi sa batas, ang mga casual at contractual ay di maaaring sumali sa unyon, at walang
karapatan ang unyon na mag-represent sa kanila. Pero tulad ng makikita natin sa Part 3, sa halip
na tanggapin na lang ang legal kuno na argumento na ito, lumalaban ang mga unyon at
tumutulong sa mga casual at contractual. Nakikibaka din ang mga unyon para ma-reporma ang
mga maling batas na hadlang sa batayang karapatan ng mga manggagawa, at para na rin alisin
ang mga bentahe at insentibo sa pagkuha ng mga casual at contractual sa halip na regular.
IUF
28
Hamon sa Unyon
(Fighting Back)
PART III
Makikita natin sa Part 3 ang mga halimbawa ng mga matagumpay na stratehiya para labanan ang
casualization at contractualization. Hango ang mga ito sa karanasan ng mga unyon sa food and beverage
companies sa iba’t-ibang bansa. May aral dito ukol sa mga stratehiya at taktika laban sa outsourcing,
at mayroon din mga aral sa mga prinsipiyo na pina-iiral para sa laban na ito.
Pagparami ng Regular at Pagbabawas ng Casual/Contractual
Sa pagsugpo ng casualization at contractualization, nakita ng mga unyon na kailangan magsimula
sa maliliit o simple, pero kongkreto na mga hakbang. Maaring ang mga hakbang ay ang pagpapaliit
sa pagkaka-iba ng regular at contractual, tulad ng diperensiya sa sahod at benepisyo.
Sa Bangalore, India nakuha ng unyon sa Coca-Cola ang medical benefits, accident insurance,
overtime pay, at annual bonus para sa mga casual, kahit na sila ay di kasali sa unyon. Ang mga
casual ay kasali na rin sa medical check up sa planta, at nagsisikap pa ang unyon na makakuha
ng dagdag ng benepisyo para sa kanila. Ang mga paunang hakbang na ito ay bahagi ng
malawakang national campaign ng All India Council of Cola Workers. Kasama sa 10-point
Common National Charter of Demands: Regularization of Contract and Casual Workers.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
29
Ang mga tagumpay na ito ay mahalaga di lamang dahil sa makatarungan ito at may dagdag na
benepisyo. Nalalaman din ng mga unyonista ang kahalagahan ng isyu ng contractualization at
casualization at nakaka-mobilize ang unyon ng mga miyembro sa isyu na ito. Napipilitan din ang
management na kilalanin na may karapatan at kakayahan ang unyon na mag-represent sa mga
casual at contractual. Ang pag-organisa ng mga contractual para maging kasali sa unyon at
sakop ng CBA ang mas long-term at mahalagang layunin.
Mula Casual, patungong Permanente:
ang pag-oorganisa para maging regular ang mga casual
Nagtagumpay kailan lang ang Swire Beverages (Hong Kong) Employees General Union – IUF
(unyon ng 350 employee mula sa Swire Coca-Cola Hong Kong - SCCHK) na gawing regular ang
130 na casual.
Matapos ang 5 taon ng pakikibaka laban sa casualization at para hilingin na maging regular ang
mga casual, nagsimulang lumakas ang kampanya noong 2004. Sa loob ng 6 na buwan nag-
organisa ang unyon ng mga pulong. Nauwi ito sa isang petisyon na pirmado ng 90% ng 400
casual at contractual sa planta ng SCCHK. Mga kalahati ng 600 sa production ay casual.
Ipinaglaban ng unyon sa negosasyon ang mga casual tulad ng paglaban nila para sa mga
ordinaryong kasapi.
IUF
30
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
“Pinatawag ko kayo aking mga mahal sa buhay,
upang ipabatid na dahil sa mahal ng mga bilihin,
ang dalawa sa inyo ay papa-alisin ko na.”
Nang palapit na ang taunang
negosasyon para sa sahod,
nagpapulong ang unyon sa
labas ng planta upang ipakita
ang pagtataya laban sa
casualization. Pagkatapos ay
nag-file ng complaint sa HR
Department ng SCCHK,
kasama na ang petisyon.
Nagbigay ng commitment ang
management na gawing
regular ang lahat ng casual sa
planta, kung saan nauna ng
gawing regular ang 130 na
employees. Ang isa sa mga
namuno ng kampanya ay apat na taon nang casual, at naging bahagi na ng executive committee
ng unyon, at mamumuno sa laban para sa regularization.
Pakikipag-laban para maging regular ang mga casual(Negotiating permanent status for casuals)
Natuklasan ng maraming unyon na ang unang yugto sa pag-negotiate para maging regular ang
mga casual ay ang pag-gigiit na ang mga casual ang dapat pumalit sa mga nabakanteng regular
na posisyon. Siyempre ang mga dating casual na pumalit sa regular ay gagawin na rin regular.
Noong November 1, 2004, ang IUF affiliate na Ceylon Mercantile Union (CMU) ay pumirma sa
isang CBA sa Coca-Cola Sri Lanka. Ang CBA ay mula July 1, 2004 hanggang June 30, 2006.
Kasali sa CMU ang mga clerical at production workers na may bilang na 240, kasama na ang 22
na casual. Sila ay 80% ng mga employees sa Biyagama plant. Ayon sa CBA ang lalahati ng
casual ay magiging regular sa January 2006, at kalahati sa January 2007.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
31
Noong naging regular ang mga casual ito aynaging priority sa national union at trade union:itinaguyod ito sa mga plant/company level
Sa South Korea, naging pinakamahalagang gawain ang
paglaban sa casualization. Mga 60% na ang mga casual sa
bansa, at balak pa ng pamahalaan na baguhin ang batas para
maging mas madali ang pagkuha ng casual. Dahil dito,
hinikayat ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU)
ang mga affiliates nito na ilagay sa CBA na dapat gawing
regular ang mga casual, bilang tugon na rin nila sa neo-
liberal na globalization.
Ganito ang nakalagay sa CBA:
“Ang employer ay patuloy na pagtatrabahuhin ang 22 na casual para
makatugon sa pangangailangang gawain, at tulad ng mga regular sa
ilalim ng CBA na ito, sila ay kasama rin sa dagdag sa sahod na 10% at
5%. Napagkasunduan na gagawing regular ang 11 casual pagdating
na Enero 2006. Ang natitirang mga 11 casual ay magiging regular din
sa Enero 2007 kapag matuloy ang expansion ng employer.”
Kahit na konti lang ang mga casual, ipinaglalaban sila ng unyon, kasama na ang karapatan
nilang maging kasapi ng unyon. Dahil napaglaban ng unyon na maging regular sila ay loob ng 2
taon, nahinto ng unyon ang casualization sa kumpanya. Unang beses nangyari ito sa Sri Lanka
sa food and beverage kaya ito ay malaking hakbang at magandang halimbawa.
IUF
32
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
Sa CBA negotiations sa Coca-Cola Korea Bottling Company (CCKBC) na natapos noong Hulyo
2004, naipaglaban ng CCKBC Labor Union na gawing permanente ang 55 na contractual, kung
saan ang 12 ay naging regular noong Hulyo kung kailan nagkasundo na sa CBA nego, at 43
naman na magiging regular sa Septiember.
Sa isang side agreement sa CBA na nilagdaan noong Hulyo 20, 2004, sinabi ng probisyon ukol
sa non-regular workers na:
“Sisikapin ng kumpanya na direktang kumuha ng mga manggagawa
(direct hire) at gawing regular ang mga casual. Ito ay gagawin step-by-
step. Dapat gawing regular na ang mga manggagawang sinama ng
unyon bilang isyu noong negosasyon sa CBA noong 2004 at dumaan
na sa proseso ng pag-recruit.
Dagdag pa sa tukoy na 50 na casual noong magkasundo ang unyon at management, may 5
dagdag na naging regular na rin. Nakuha rin ang pangako mula sa management na pag-uusapan
ang pagiging regular ng mga casual.
Bilang bahagi ng malawakang kampanya ng KCTU laban sa casualization, hindi lamang naging
regular ang 55 na dating casual, kundi naging magandang halimbawa rin ito ng mga dapat
ipaglaban sa mga susunod pa na CBA negotiations.
Seasonal ipinaglaban para maging permanent part-time
Sa isang confectionary plant sa Italy na nabili ng Nestlé noong 1993, nagkaroon ng seguridad sa
trabaho ang mga seasonal dala ng isang kasunduan kung saan ang mga seasonal ay ginawang
permanent part-time.
Sa CBA nego, hindi tanggap ng unyon ang lohika ng management na ang status ng mga
employees ay depende sa uri ng trabaho – kung tuloy-tuloy o seasonal. Kadalasan 420 ang
tinatanggap na employees kung kalakasan tulad ng Pasko at Pasko ng Pagkabuhay. Kada taon,
lay-off muna sila pagkatapos ng season at binabayaran sila ng redundancy pay ayon sa batas. Sa
simula ng susunod na season, tatanggapin muli sila at bibigayan ng prioridad sa pagtanggap
ayon sa batas.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
33
Nagkaroon ng bagong flexible part-time work sa kasunduan noong 1999. Sa simula, 70 ang
inalok na maging part-time permanent batay sa “humigit-kumulang 30 oras bawa’t linggo, di
bababa sa 1,560 oras kada taon. Calendar year ang batayan, at ang pagpapatupad ay batay sa
production ng pabrika at organizational needs. Ang sobrang oras na trabaho tuwing peak
season ay babawiin na lang kapag mahina ang gawa. Kaya’t ang flexible part-time workers ay
full-time ang pasok mula Hulyo hanggang Marso, pero walang trabaho mula Abril hanggang
Hunyo. Ang sahod nila ay 75% ng fulltime kada buwan sa loob ng 12 buwan.
Dahil sa factory restructuring noon 2003 kung saan 160 ang natanggal sa trabaho, nakipag-
nego ang mga unyon (FAI-CSL, FLAI-CGIL, UILA-UIL) para:
� Gawing flexible part-time ang mga natirang seasonal workers;
� Gawing full-time ang mga flexible part-time; at
� Magkaroon ng kasulatan na maghihigpit sa pagkakaroon ng casual at con-
tractual.
Naging mas panatag ang loob ng mga employees sa usapin ng security of tenure bunga ng
mga hakbang na nabanggit. Lahat ng mga dating seasonal ay naging permanente na, pagbabago
na nagdulot di lang ng regular o palagian na sahod at lahat ng benepisyo na galing sa batas o
sa kontrata; maari na rin silang mangutang at magsanla sa bangko.
Mga Limitasyon ng Negosasyon Hinggil sa pag-kuha ngmga casual at contractual
Noong Mayo 2004, nag-welga ng tatlong (3) araw ang mga brewery workers na inorganisa ng
Norwegian Food and Allied Workers Union (NNN), batay sa hiling nito na limitahan ang pagkuha
ng mga temporary workers. Nakuha nila ang mga sumusunod: 1] malinaw na kundisyon sa
CBA kung kailan lamang papayagan kumuha ng temporary workers; 2] limitasyon sa dami ng
temporary workers; at 3] konsultasyon sa shop steward bago mag-hire ng temporary workers.
Ayon sa CBA:
“Bago kumuha ng temporary workers, dapat muna na sapat ang dami
ng mga workers sa bawa’t departamento. Kasama sa bilang ang normal
na dami ng absent, na dapat ay pupunuan ng mga permanente.
Papayagan lamang ang pagkuha mula sa agency kung holiday at
seasonal peak periods, kung sobra ang dami ng absent, at kung may
IUF
34
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
di-inaasahang mga pangyayari. Sa lalong madaling panahon at bago
makipag-kasundo sa mga contractual, dapat makipag-usap muna ang
management sa shop steward ukol sa pangangailangan at dami ng
temporary workers.”
“Dapat magbigay ang employer ng lahat na impormasyon para mapag-
aralan ng shop steward kung talagang kailangan ng temporary workers
at kung gaanong karami, at kung ito ay ayon sa batas at kasunduan.”
Ang tagumpay na ito sa brewery ay na-ulit sa iba pang mga CBA sa food and beverage companies
kung saan nakipag-negotiate ang NNN, kasama na ang CBA ng Nestlé Norway na nagsimula
noong July 1, 2004.
Isa pa na malaking tagumpay ay ang nagawang pagpapa-alis ng outsourcing at casualization at
pagbabalik sa regular employment ang nagawa ng Australian Manufacturing Workers’ Union
(AMWU) sa tatlong planta ng Nestlé Confectionery Australia. Nagawa ito dahil sa isang taon na
kampanya ng AMWU – mga pulong, newsletters, at palitan ng impormasyon sa pamamagitan
ng mga enterprise level at national level committees. Bunga ito ng pagkabahala ng mga Nestlé
employees sa contractualization. Nangampanya ang AMWU na sa CBA negotiations, dapat
madagdagan ang permanent employees at Nestlé Confectionary.
Sa bagong CBA na nagsimula noong Agosto 2004, limitado sa 15% ang bilang ng normal na
oras (di kasama ang overtime) ang maaaring gawin ng mga temporary workers. Ang dami ng
normal na oras ng trabaho ay titingnan kada 3 buwan, at ang lalampas dito ay gagawing trabaho
na ng mga permanente, ayon sa isang pormula sa CBA. Bago ang CBA, 23% lahat ang oras na
ginagawa ng temporary workers.
Ayon sa “Labour Review Process” sa CBA:
“Tuwing 3 buwan, titingnan ng management at ng shop steward ang
dami ng oras ng trabaho ng mga temporary, casual, at contractual
workers.
Kung lampas sa 15% na limit ng oras ng mga permanente, ang labis sa
limit ay gagawing batayan para malaman ang dami ng mga dagdag na
bagong permanent employees. Halimbawa ng pag-kalkula ng
percentage difference:
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
35
1. Oras ng trabaho ng casual/temporary employees = 9,660 hours.
2. Oras ng trabaho ng permanent employees = 50,000 hours
3. Percentage usage = 9,660 divided by 50,000 x 100 = 19.3%
4. Limit na 15% = 0.15 x 50,000 = 7,500 hours
5. Oras na lampas sa 15% na limit = 9,660 - 7,500 = 2,160 hours
6. Dami ng kailangan na permanent employees = 2160 divided by 12
weeks divided by 36 hours = 5 permanent employees
Batay dito, 5 dagdag na employees ang kukunin, at sila ay gagawing
regular employees kung talagang kailangan ang trabaho nila. Bibilisan
ang proseso ng pag-recruit.
Simple lang ang lohika ng formula, kahit na mukhang komplikado ang formula: kung ang oras
ng trabaho ng mga casual ay marami na, at ang oras na ito ay nagiging malaking porsiyento ng
oras ng trababo ng regular, ang mga casual ay dapat na rin gawing regular! Gayunpaman, ang
porsiyento ng oras ng trabaho ng mga casual ay iba-iba sa iba’t-ibang bansa. Ang kagandahan
ay mayroon nang formula na magagamit ang mga shop steward para mabantayan ang
absusadong paggamit ng mga casual. Maiiwasan na ang patagong pagdami ng casual at
contractual, at di na masasabi ng management na ang napagkasunduan numero ng pinapayagang
casual ay di malinaw. Dagdag pa, lagian at buwanan ang pag-monitor ng mga casual at
contractual, kaya mapipigilan na ang “creeping (o dahan-dahan) casualization” na napag-usapan
sa Part II.
IUF
36
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
Ang karapatan ng Unyon na bantayan ang
casualization at contracttualization
Bukod pa sa tagumpay sa limitasyon sa pagkuha ng casual,
kailangan din na bantayan o i-monitor ang pagkuha ng mga casual
at contractual. Sa kaso ng CBA ng AMWU sa Nestlé
Confectionery Australia, mayroong maliwanag na clause ang
naipaglaban kung saan maaaring i-review ng unyon ang lahat ng
kasalukuyan at mga bagong employment arrangements. Ang sabi
ng clause na ito:
Ang temporary, part-time casual at contractual ay
kailangan para sa flexibility at para maging maaayos
ang production kahit na taas-baba ang demand sa ating
mga produkto. Ang unyon sa bawat pagawaan o lugar
ng trabaho ang may karapatan na tingnan bawa’t
quarter kung talagang kailangan na gamitin ang mga
ito. Ang employer ay magbibigay ng datos at
makikipag-usap ukol dito, pero hindi limitado, sa 1]
anong uri ng trabaho ang kailangang gawin at gaano
ang haba o tagal nito; at 2] ang dahilan kung bakit
casual at hindi part time, temporary o full time.
Negotiating the right to negotiate hiring –Paggiit sa karapatan na makipagtawaran ukol sa
pagtanggap ng mga baong employees.
Noong Hulyo 2003, nagwelga ang Nestlé Korea Labor Union (NKLU) ng 145 na araw laban sa
restructuring and outsourcing. Lock-out naman ang sagot ng management sa pag-okupa ng
unyon ng pabrika, at sinabi pa sa TV na lilipat na lang daw ang planta sa China. Sa kabila nito,
tinuloy ang welga hanggang magtagumpay. Ang tagumpay ay bunga ng lakas ng lokal na unyon,
Nakuha ng unyon ang mga CBA provisions na ito dahil binigyan ng halaga sa isyu, at dahil sa
pagtataya ng mga unyon na kumilos ng sama-sama sa 3 hiwalay na manufacturing sites. Sa
paggamit ng kanilang bargaining power, naging pro-active o agresibo ang unyon sa paghinto at
pagbawas sa outsourcing at casualization.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
37
suporta ng ibang unyon sa Korea, at suporta sa international level na inorganisa ng IUF. Ang
naging matingkad sa tagumpay na ito ay ang karapatan ng unyon na makipag-negotiate sa
hiring practices ng management:
Kung gusto ng management na mag-outsource ng aspeto ng production,
kailangan muna nilang makipag-usap sa unyon.
Kapag pumasok na ang management sa kontrata sa mga outsourcing
firms or subcontractors, kailangan ibigay sa unyon ang address,
representative at telepono ng mga ito.
Kung hindi sapat ang trabaho sa Kumpanya, kailangan magbigay ang
management ng kapalit na trabaho.
Matapos mapirmahan ang CBA, kaagad-agad namang sinalin ang mga probisyon na ito sa ibang
mga wika kaya nagaya ito ng ibang mga unyon sa rehiyon. Kasama na dito ang mga affiliates
ng Federation of Nestlé Indonesia Workers (FSBNI), na gumawa ng bagong proposal kung saan
ang provision o clause na ito ay tinuring na “best practice.” Kaya’t napaganda pa ang tagumpay
na ito ng NKLU, dahil ito ay naging tagumpay na rin ng ibang unyon ng Nestlé sa rehiyon.
Sa Canada, nagkaroon ang CAW Local 126 ng CBA sa Coca-Cola Bottling Company sa planta
nito sa Weston ng mahigpit na provision kung kailan papayagan ang outsourcing o contracting
out, at ang mga limitasyon dito. Ang mga sumusunod na provisions ay di lamang naghihigpit
laban sa outsourcing, kundi nagsasaad din na kailangan ang partisipasyon ng unyon bago mag
outsource:
(a) Kung layoff ang magiging bunga ng contracting out ng trababo ng
mga regular, kailangan muna makipag pulong ang Kumpanya sa Unyon
para pag-usapan kung paano mababawasan ang epekto nito sa partikular
na manggagawa.
(b) Habang epektibo ang CBA na ito, hindi na dadagdagan pa ang
kasalukuyang mga contractual, kung ang Kumpanya ay may kakayahan
(facilities, equipment, at/o kailangang mga skills ng mga employees) sa
loob ng CBU na makakagawa ng trabaho nang walang seryosong
negatibong epekto sa normal na operasyon.
(c) Kung mayroon balak dagdagan ang pag contract out na higit pa sa
pinapayagan ng (a) at (b), kailangan bigyan ng Kumpanya ng written
IUF
38
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
notice ang unyon ukol sa plano na ito. Magpupulong agad ang dalawang
partido, at ibibigay ng Kumpanya sa Unyon ang detalye ng plano na
pag- contract out. Susubukang magkasundo ang dalawang partido para
pahinain ang epekto nito sa mga employees ng CBU at/o susubukang
magkaroon ng katanggap-tanggap na kaayusan para maayos pa rin
ang resulta na kailangan ng Kumpanya. Ang anumang napagkasunduan
ay di maaaring maituring na paglabag sa Article na ito ng CBA.
Inulit pa sa bandang huli ng kasunduan na hindi na dadagdagan ang contractualization na lampas
sa pinapayagan ng (a) at (b), maliban kung may pagsang-ayon ang unyon.
Maganda ang CBA na ito dahil nakasaad dito na hindi magkakaron ng contracting out
(outsourcing), pero kung kailangan, dapat may pasabi muna sa Unyon, at magkakaroon ng pag-
uusap at pagkakasunduan kung papayagan ito, ang mga epekto nito sa mga miyembro, at iba
pang aspeto ng kasunduan. Maliwanag na nabibigyan ang unyon ng pagkakataon na makialam
bago pa man magkaroon ng outsourcing, at alamin kung totoo ang sinasabing dahilan ng pag-
outsource.
Pinapa-alala dito na hindi sapat ang prior notice o paunang pasabi lamang. Madali naman i-
notify lang ang Unyon, at pagkatapos ituloy na lang ang outsourcing nang hindi pa naririnig ang
panig ng unyon. Ang mahalaga ay may nakalagay sa CBA na may karapatan ang unyon na i-
notify, may karapatan na makialam matapos i-notify, para ang anumang pagbabago ay
napagkasunduan. Sa madaling salita mayroong negosasyon.
Pagtutol sa Diskriminasyon at
Eksklusion
Ang karapatan ng Unyon na ipaglaban ang mga contractualat casual
Sinasamantala ng mga employers ang mga artikulo o loopholes sa batas upang ma-maximize
ang casualization. Pero may mga artikulo at loopholes na maaari naman gamitin ng mga unyon.
May mga sitwasyon na makakatulong ang expert legal advice sa unyon sa usaping batas paggawa
ukol sa temporary workers.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
39
Noong 2004, ang unyon sa planta ng Coca-Cola sa Pakistan ay nanindigan na may karapatan sa
social security at provident fund cards ang mga casual. Ibinigay ang mga ito ng kumpanya, dahil
wala naman gastos para sa kumpanya – walang pondo nai-deposito sa social security at provident
fund dahil hindi naman regular ang mga employees.
Pagkatapos, sa ngalan ng mga casual, dumulog naman ang Unyon sa Labour Court at nagsabi
na may karapatan ang mga casual maging regular. Ayon sa batas, ang sinumang nagtrabaho ng
higit 90 araw ay magiging permanent employee. Para malusutan ito, ang mga employees ay di
tumatagal ng 90 na araw ang kontrata, kahit na taon na ang panunungkulan.
Sa Labour Court, ang petsa sa social security at provident fund ang tinuring na simula ng
pagtatrabaho – at naging patunay na nagtrabaho sila ng mahigit na sa 90 na araw. Nagpasya
ang Court na sila ay naging permanent regular employees. Dahil dito, maaarin nang i-represent
ng unyon ang mga dating casual sa collective bargaining.
Sa isang kaso, sinabi ng Coca-Cola Sales Force Union – Meycauyan na ang pagkakaroon ng
probationary period na lampas 6 na buwan ay labag sa batas.
Ang Complainant Union ay may karapatan mag-represent sa mga
apektado sa mga iskema ng management, kasama na ang over extended
probationary employees. Bagama’t mga regular lang mga miyembro
ng CBU, ang mga over-extended probationary employees ay tinuturing
ng batas na regular, kaya maaari na silang sumali sa unyon at i-represent
ng unyon.
Taong 2001, naki-usap ang UNCWF sa Pilipinas na imbestigahan ng DOLE ang labor-only
contracting ng co-packer ng Nestlé na COFIPAC. Ayon sa unyon, ang COFIPAC ay labor-only
contractor lang, at hindi maituturing na totoong packing company. Matapos mag-inspect, sinabi
ng DOLE na labor only contracting ang COFICPA, pati na rin ang FEDCON at SCF General
Manpower Services. Ayon sa Nestlé, mga independent third-party contractors ang mga ito,
kaya dapat mayroon silang sariling mga equipment at planta, at di lamang mga employees. Pero
nakita sa imbestigasyon na ang gawa nila ay pareho sa regular employees ng Nestlé. Batay sa
mga findings na ito, nag-file ang Unyon sa NLRC, pero Enero 2005 lang sumagot ang Nestlé.
Nag-appeal ang unyon at inaasahang dadalhin ang kaso sa Korte Suprema.
IUF
40
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
Ang Karapatan na Maging Regular
Employee
Gaya ng sinabi sa Part II, laging sinasabi ng management na walang karapatan ang unyon na
ipaglaban ang mga casual at contractual, o kwestyunin ang pagkuha ng contractual o casual.
Ang mga argumento na ito ang ginagamit ng unyon:
a] ang isyu ng paggamit ng casual at contractual ay makaka-apekto sa job secu-
rity at benefits ng mga union members, kaya dapat isama ito sa CBA negotia-
tions.
b] dahil sa haba ng panahon ng panunungkulan, at sa dami ng beses na sila ay
pabalik-balik sa kumpanya, dapat na silang ituring na regular employees at
bahagi na ng CBU, at kailangan makuha na rin nila ang lahat ng benefits sa
CBA.
c] ang batas ay biased at discriminatory, at dapat lang na palitan.
Bagama’t may pagka-contradictory o salungat ang argumento sa [C}, taktika ng unyon na gamitin
ang mga legal na argumento at sabihin na ang mga casual at contractual ay may mga karapatan
dahil, sa totoo lang, sila naman ay regular. Samantala, tinutulak pa rin ang reporma sa batas para
maiwasan na ang contractualization at casualization. Sabi ng ibang mga unyon na dapat hindi
ituring na lehitimo ang contractualizaton at casualization sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga karapatan sa mga casual at contractual dahil bale wala naman ang mga karapatan na ito
kung wala silang security of tenure.
Mas mainam kung kontrahin agad ang pinaka rason sa paggamit ng contractual: ang pagpababa
ng overhead cost sa pamamagitan ng labor force na iba’t ibang uri (stratefied according to
employment status) at ang pagtanggi na may karapatan sila na sumali sa unyon, na siya naman
dumadagdag sa stratefied na employment status at higit na kontrol ng management. Dapat
atakihin ang problema sa pinanggagalingan nito. Kaya ang tunay na labanan ay ang pag-reporma
sa batas na pumapayag sa contractualization, ang pagpapatibay ng batas sa security of tenure at
unfair labor practice, at higit sa lahat ang karapatan din ng mga casual at contractual na sumali
sa unyon at makinabang sa CBA.
Sa ilang halimbawa na nakita natin sa Sri Lanka at Hong Kong, hindi pinansin ang mga batas na
nagsasabing hindi pwede sumali ang mga casual at contractual sa unyon. Inorganisa na lang ng
unyon ang mga casual at contractual at tinuring na regular employees at ordinaryong miyembro
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
41
ng unyon. Naging matagumpay ang mga unyon na ipaglaban ang mga contractual kahit sabi sa
batas na hindi sila maaaring sumapi sa unyon. Ang mahalaga ay makakuha ang unyon ng suporta
mula sa mga miyembro sa paglaban nito sa karapatan ng mga contractual na maging regular, at
igiit ang collective bargaining power, sa kabila ng mga sinasabi sa batas. Kasabay nito, dapat
sumali ang mga unyon sa pakikibaka ng kilusang paggawa na magkaroon ng reporma sa labor
laws, para palawigin pa ang paglaban at magkaroon ng isang lipunan kung saan ang regular
employees ang mas nakararami.
Pagpigil sa Outsourcing sa Source Nito
Ang unang mga trabaho na biktima ng outsourcing ay yoong mga “auxiliary services” daw:
security, janitorial o maintenance, at catering. Sa ibang bansa, napakatagal na ng panahon ang
lumipas simula ma-outsource ang mga ito, kaya nakalimutan na ng unyon na noong araw ang
mga employees dito ay kasali din sa unyon. Nagdamihan at nagsilakihan ang kita ng mga
kumpanya na nag-aalok ng kanila kagalingan sa “building services”, at sinasabi na may
magagaling silang employees para sa mga serbisyong ito. Ang advertisement nila kung saan
sinasabi nila na may pagkaka-iba ang “core” (buod o pinakamahalaga) at “periphery” (hindi
talagang kailangan sa negosyo), ay kapani-paniwala. Pero kung talagang pag-aaralan, makikita
natin na lahat naman ng uri ng trabaho ay mahalaga, kahit pa yoong laging nagiging contractual.
Gayunpaman, makakakita pa rin tayo ng mga kumpanya kung saan ang mga serbisyo na
ang KCTU
Noon November 2005, naglunsad ng malawakang welga ang KCTU
sa Korea laban sa mungkahing batas na papayag sa mas madaling
pagkuha ng “irregular” workers, at pag payag sa pagdami ng
temporary at contractual. Matapos ang sit-down strike sa National
Assembly noong November 22, 2005, nanawagan ang KCTU sa
isang general strike simula December 1, 2005. Ito ay paalala na
ang paglaban sa contractualization ay bahagi ng mas malaking kilos
pampulitika laban sa batas na payag sa contractualization at
casualization, at paggigiit ng reporma sa labor laws na magpapatibay
ng karapatan sa security of tenure.
IUF
42
PART III Hamon sa Unyon (Fighting Back)
“peripheral” lang daw, ay ginagawa pa rin ng mga regular employees – at nilalaban ng unyon
na ipagpatuloy ito.
Mga ilang taon na na may problema ang unyon ng Nestlé sa Lvov, Ukaraine ukol sa kanilang
canteen. Napakalaki ng pabrika at napaka-layo ng canteen, kaya’t pagdating ng employees dito
para kumain, oras na para bumalik sa trabaho! Sa halip na gawan ng remedyo ang problema sa
layo ng canteen at work organization at schedule, nag-propose ang Nestlé na isara na lang ang
canteen at maglagay na lang mga mga refrigerator at mga microwave oven para pagsilbihan na
lang ng 1,500 na employee ang kanilang sarili! Ang sumunod na “bright idea” ng management
ay kumuha ng food delivery service, na kina-inis ng mga employees na nangamba sa kalinisan at
sarap ng pagkain, at sa trabaho ng mga miyembro na nagtatrabaho sa canteen.
Pinaglaban ng unyon ang maayos na pagkain para sa mga employees sa planta, at giniit din ang
security of tenure ng mga canteen employees – at naki-pag negotiate sa mga isyu na ito.
Napakalaki ng suporta ng mga miyembro ng unyon sa pananatili ng canteen sa loob ng Nestlé,
pero sabi ng Nestlé na sa lahat ng mga planta sa buong mundo, hindi na ito ang nagpapatakbo
ng mga canteen. Nalaman ng unyon na ito ay hindi totoo. Nalaman din na wala talaga ang
binanggit na pangalan ng kumpanya na magpapatakbo ng canteen. Dahil sa mga kaalamang
ito, pinag-ibayo pa ng unyon ang pagkontra sa outsourcing ng napakahalagang serbisyo na
ito,at nakamit ng unyon ang layunin: ang canteen ay magpapatuloy sa Nestlé at aayusin ang
paghanda ng pagkain para maging mas maasyos at mas mabilis. May mga karagdagan pa na
mga hakbang na napagkasunduan ng management at unyon.
May mga mahahalagang mga tanong para sa unyon ang lumabas mula sa paglaban sa
outsourcing. Ayon sa iba, walong (8) employees “lang naman” iyon. Pero maliwanag sa unyon
ang kahalagahan ng pag-protekta sa mga trabahong iyon, at pag-protekta sa mas malawak na
mga karapatan ng lahat ng miyembro ng unyon. At tulad ng nakita natin sa Part 1 at 2, umpisa
pa lang ang pag-outsource sa canteen; susunod na diyan ang iba pa na mga trabaho, hanggang
sa ang mga trabaho na ng mga regular ang mawawala dahil sa outsourcing at casualization.
Ang dahan-dahan na casualization na ito ay hindi lamang nagsisimula sa canteen; ganoon din
ang nangyayari sa security at maintenance/janitorial. Nagsampa ng kaso ang Magnolia Employees
Labor Organization (MELO) sa Nestlé Aurora Ice Cream Plant sa Quezon City ng kaso dahil sa
pag-outsource ng security na laging gawa ng mga miyembro ng unyon. Tinira din ng unyon ang
“flexible” practice ng management kung saan nagiging messenger na rin ang mga security
guard, kahit na ang trabaho ng messenger ay trabaho ng mga miyembro ng unyon bago sila
ma-retrench. Maliwanag sa unyon na ang paggamit ng casual at contractual ay simula pa lang
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
43
ng plano ng management na lahat sila ay palitan ng mga casual at contractual. 33 na ang dami
ng mga mga “white collar” (pang-opisina) employees sa maraming mga departamento ng Aurora
Ice Cream Plant, kasama na ang Supply Chain Management, ISD Service Desk/Load Globe
Organization (2 tao), Finance Department, Sales and Marketing, Chilled Warehouse Office at
Human Resources Management (HRM).
Nang malaman ng unyon ng Cargill sa lungsod ng Efremov sa Russia na planong i-outsource
ang security , at tatanggalin ang 47 na security employees, naglunsad ito ng public campaign at
nagsampa ng kaso. Naintindihan ng unyon na ang pag-outsource na ito ay simula lamang ng
mas malawak na plano ng outsourcing. Bilang tugon, nagkaroon sila ng 2 stratehiya:
1. nagsampa ng kaso at ipinaliwanag na ang pagtanggal sa mga employees ay di
bunga ng pagkawala ng trabaho, kundi paglipat ng trabaho sa ibang employer;
at
2. naglunsad ng public campaign laban sa Cargill.
Kahit na hindi umusad ang kaso dahil di tanggap ng Korte ang argumento na ilegal ang pagtanggal
sa mga security employee at pagpalit sa kanila ng contractual, naging tunay na epektibo naman
ang public campaign. Noong March 1, 2003, nag-rally ang unyon, na siyang dinaluhan ng higit
sa 300 tao. Dahil sa liit ng lungsod ng Efremov, malaki na ang bilang na ito. Nahinto ang pag-
outsource. Pero ang impact ng public campaign ay naging mas matagal. Matapos ang rally,
hindi nagsubok mag-outsource muli ang management. Dahil sa rally na ito, nahinto ng “creeping
casualization” (dahan-dahan) na magsisimula sa security guards, pero makakasira na rin sa security
of tenure ng mga miyembro ng unyon. Dagdag pa, ito ang unang kilos-protesta laban sa
outsourcing sa Russia. Nalaman ng publiko ang bagong stratehiya ng management (na kadalasan
ay hindi naiintindihan), at ang kilos-protesta ay naging isang magandang kontribusyon sa
mahabang proseso ng pagtutol sa contractualization at casualization.
IUF
44
PART IV
Conclusion
Maraming mga union ang naging matagumpay sa paglaban sa lumalalang casualization at
contractualization. May mga napanalo sa developing countries at mga developed countries.
Ang lahat ng mga unyonista ay makikinabang sa mga tagumpay na ito, kung saan sila ay
makakakuha ng inspirasyon, aral, at idea. Pwede din kopyahin ang mga CBA na maganda ang
laman ukol sa paghihigpit sa outsourcing. Ang mga tagumpay na ito ay maari pang dagdagan
ng mga manggagawa at kanilang mga union – sa local, national at international. Mahalaga din
dahil sa isa pang aspeto: sabi ng management bakit pa daw natin tututulan ang contractualization
gayon lahat naman ay gumagawa nito? Nguni’t napakita ng mga tagumpay na hindi ito totoo:
maaari pa din na pairalin ang security of tenure at mga mahusay na working conditions, sa
tuwing malalabanan at maitutuwid natin ang contractualization at casualization.
Ang papalapit na panganib ng contractualization ay nahihinto ng mga unyon sa pamamagitan
ng pag-mobilisa ng mga miyembro at pakikipag-negotiate. Nakita rin natin na maaaring ituwid
o i-roll back ang casualization at contractualization kung tutulungan at oorganisahin natin ang
mga casual at contractual. Maliwanag na ang mga pagbabago na ito, tulad ng mga pagbabago
na gustong subukan sa mga pabrika, ay kailangan i-negotiate, at para magawa ito, kailangan
ang buong lakas ng bargaining power ng unyon.
Ang kakayahan mag-negotiate ay naka-depende rin sa impormasyon na mayroon ang unyon
ukol sa casualization at contractualization sa pabrika sa kasalukuyan, at sa plano pa na dagdag
na casualization. Kaya kailangan din nating igiit na may karapatan tayo bilang unyon na makakuha
ng mga impormasyon.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
45
Ang Karapatan na Alamin
Sa “Manila Declaration” hinggil sa karapatan ng Nestlé workers na
ginawa ng IUF Nestlé Affiliates noong Disyembre 1999, sinabi na ang
mga karapatan ng mga unyon sa impormasyon ay kailangan para
makapag-negotiate ukol sa pagbabago sa paggawaan:
3. Lahat ng Nestlé employees ay may karapatan na malaman (sa pamamagitan
ng reasonable notice) kung mayroong pagbabago, at ma-konsulta sa
pamamagitan ng kanilang unyon hinggil sa epekto ng mga bagong teknolohiya.
5. Lahat ng Nestlé employees ay may karapatan sa security of tenure at sa marangal
na hanapbuhay. Ang mga restructuring measures ay dapat muna dumaan sa
negotiation sa unyon.
7. Lahat ng Nestlé employees ay may
karapatan, sa pamamagitan ng unyon,
na malaman ang mga business devel-
opments o mga nangyayari sa
kumpanya, at magkaroon ng pakikipag-
usap sa mga decision-makers o
nagpapasya sa kumpanya.
IUF
46
PART IV Conclusion
Nakita sa mga stratehiya sa Part III ang kahalagahan ng solidarity (pagkaka-isa) bilang prinsipiyo
sa pag-organisa. Hindi ito naiiwan na lamang sa pagkaka-isa at pagtataya ng mga mieymbro ng
unyon sa paglaban sa casualization. Kailangan din ng solidarity o pakiki-isa sa mga casual at
contractual workers. Sa halip na ituring sila na panganib sa security of tenure at mga benepisyo
ng mga kasapi sa unyon, nagsikap ang mg unyonista at mga kasapi sa unyon na organisahin at
mag-mobilisa ng mga casual at contractual para maitulak ang iisang listahan ng mga kahilingan.
Ang solidarity ang susi sa lahat ng mga stratehiya ng unyon sa paglaban sa contratualization at
casualization.
Ang IUF at ang Pagkilala sa Global Union
Ayon sa mga corporate management ng mga TNCs may karapatan
daw sila na gumawa ng mga global strategic choices na makaka-
apekto ng mga employees sa lahat ng lugar, pero kasabay nito
ayaw nilang pangatawan ang mga resulta ng kanilang mga
desisyon. Kapag pinanagot ang dambuhalang kumpanya tulad
ng Nestlé, ituturo lang nito ang human resources o labor relations
office sa regional, national, o plant level. Kaya mayroon maximum
flexibility, pero minimum responsibility. Sa kahulihan, kung gusto
natin na mahinto ang casualization at contractualization,
kailangan ay seryoso ang management sa pagkilala sa karapatan
sa regular employment at security of tenure. Ito naman ay
nakabatay sa kakayahan ng unyon na makipag-negotiate sa
international na larangan. Ang behikulo para dito ay ang global
union federation sa food and beverage industry, ang IUF.
Ang lakas ng IUF ay nakasalalay sa lakas ng mga miyembrong
unyon nito. Mapapa-upo lamang ang mga MNCs sa negosasyon
kung ang mga miymbrong unyon ng IUF ay kikilos sa regional at
international level. Magiging epektibo lang ang kampanya kung
regular ang pakikipag-usap ng mga miyembrong unyon sa
regional at international secretariat ng IUF.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
47
Sama-samang pagkilos (maari di na rally) ng mga manggagawa ng Nestlé Perm (Russian Federation) laban sacasualization at contractualization.
Kailangan din maunawaan na global ang labanan, at mahalaga ang pag-oorganisa ng mga
unyon sa global level. Ang stratehiya ng management sa casualization at contractualization at
ang pagtutol ng unyon ay parehong parte ng proseso na global. Dahil sa koordinasyon ng mga
pagpupunyagi o struggles na ito sa pamamagitan ng IUF, mayroong maayos na palitan ng
impormasyon ukol sa mga “best practices” (pinakamagandang gawain), at sama-samang paglago
ng mga stratehiya at tactika. Gamit ang lakas ng mga kasapi sa IUF sa buong mundo,
nakapagbigay ng pakiki-isa at suporta ang IUF sa mga pagpupunyagi ng mga unyon, na siya
namang naging crucial (mahalaga) sa resulta. Dahil sa global solidarity network na ito, ang
bawa’t panalo ay napalaki pa, kaya’t ang ibang unyon ay nagamit ang mga tagumpay na ito sa
pamamagitan ng paghingi ng kaparehong mga demands at paggamit ng parehong mga stratehiya
at taktika, at nakagawa pa ng mga bagong stratehiya at mga bagong uri ng pagpupunyagi.
Dahil malala na ang contractualization sa food and beverage industry at ang mga transnational
companies (TNCs) ang pinaka-agresibo sa pagtulak nito, kailangan may koordinasyon na global
ang tugon ng mga unyon, at dapat ang iba’t-ibang mga tugon ay magpapalakas sa isa’t-isa para
makakuha ng momentum para mahinto at ma-baliktad ang outsourcing at casualization sa lahat
ng lugar.
Sa susunod na seksiyon, Part V, ibibigay ang ilan sa mga unang hakbang na pwedeng gawin
laban sa outsourcing at casualization. Ang practical guide na ito ay may mga key questions,
check-list, at mga puntos sa stratehiya para makatulong sa kampanya.
IUF
48
PART V
Paglaban sa Outsourcing,
Contractualization at
Casualization: Mga Unang
Hakbang
Nabanggit na natin ang mga uri ng casualization, contractualization at outsourcing, at paano nito
napapahina ang unyon. Nagbigay din tayo ng mga halimbawa ng mga mahusay na paraan ng union
organizing, campaigns, negotiations para mahinto, malimita, at pabaliktarin ang mga ito.
Pinakita ng mga halimbawa na ito na hindi uubra ang “wait and see” attitude – o antay na lang muna at
tignan kung ano ang mangyayari.
Kung ganito ang gagawin natin, kadalasan huli na ang lahat: bigla na lang marami nang mga casual at
contractual. Nakita ng maraming mga unyon na mas mabuti na kumilos agad at hintuin ang mga ito, sa
halip na labanan kapag malala na. Nakita na natin na ang layunin ng casualization at contratualization ay
paliitin ang CBU at pahinain ang unyon. Kaya kung “wait and see” muna tayo, kapag nagpasya na
kumilos na, malamang mahina na ang bargaining power ng unyon dahil konti na ang mga miyembro
dahil naging casual at contractual na lang ang mga employees. Kailangang agad-agad ang pagkontra
sa casualization at contractualization. Sa simula pa lamang dapat labanan na agad.
Ngayon na ang panahon para kumilos!
Sa seksiyon na ito, makikita natin ang mga practical tips – kung desidido na ang inyong unyon
na kumilos laban sa outsourcing. Batay sa karansan ng ibang unyon, titingnan nating ang mga
tanong na ihaharap sa inyo, at ang mga sagot para ma-kumbinse ang mga employees na kumilos,
mga impormasyon na kailangan para sa stratehiya, mga idea para sumali ang mga miyembro,
mga iba’t-ibang stratehiya at mga kilos, at checklist para alamin ang kakayahan ng unyon na
mag-mobilisa sa isyu.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
49
Mga unang hakbang lang ang mabibigay ng seksiyon na ito, at ang mga ito
ay magagamit kung sinimulan na ng inyong unyon na lutasin ang problema.
Ang mga mas advanced na stratehiya ay maaaring ma-develop galing sa inyong
mga karanasan.
Ang outsourcing ang isa sa pinakamahalagang stratehiya ng
management para pahinain ang unyon. Iba-iba ang mga porma nito
sa iba’t-ibang bansa, at maging sa iisang planta mismo. Para mainam
ang paglaban, dapat planuhin natin ng mabuti ang stratehiya, batay
sa sitwason sa ating lokal o planta. Dapat isasalang-alang ang
kalakasan at kahinaan ng unyon, at mga pangangailangan ng mga
miyembro at kahandaan kumilos, kasama na rin ang attitude ng
management, at mga stratehiya at plano nito.
IUF
50
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
Bakit kailangan kumilos? Ang
paghikayat sa mga miyembro at mga
kaalyado
Masalimuot na proseso ang outsourcing. Ang mga masamang epekto nito ay hindi agad
mapapansin. Kapag halata na ito, kadalasan ay malala na ang problema. Kailangan ipaliwanag
ng mga unyonista kung bakit napaka-halaga ang isyu na ito, at kailangan ang sama-samang
pagkilos. Kahit saan lugar ang management ay may listahan ng mga palusot sa isyu na outsourcing
at casual labor. Para maunawaan ng mga tao ang pinsala ng mga ito, kailangan pag-usapan ang
mga palusot ng management. Kalat na ang mga palusot na ito, kaya’t huwag kayong magulat
kung sa mga katrabaho niyo mismo manggagaling ang mga ito!
Ito ang mga ilang sa mga mas mahalagang argumento, at kung paano natin sasagutin.
“Wala kayong pakialam dito!”
Management prerogative daw ang pag-hire ng mga bagong manggagawa, at pati ang pag-
assign sa mga ito. Ganito rin ang sinasabi nila sa sahod, hatian ng trabaho, gender policy, at
halos lahat ng nakaka-apekto sa mga manggagawa.
SAGOT: Mayroon tayong karapatan dahil apektado ang ating
security of tenure, mga kundisyon sa paggagawa, at karapatan na
mag-organisa at kumilos bilang unyon!
“Hindi naman bahagi ng core business.”
Kapag nagsimula na ang outsourcing, sasabihin ng management, “Canteen lang naman, at di
naman ito bahagi ng core business ng kumpanya.” Susunod, mga maintenance at janitorial
naman; tapos security. Bukas naman, mga driver, pahinante, taga-karga, sales, office staff, packing.
Ang totoo, wala nang limit. Lahat pwede i-outsource kung di kikilos ang unyon at makikipag-
bargain at negotiate. At sa maraming mga kumpanya, pati na ang core business ay may casual at
contractual na, kaya ang mga miyembro ng unyon katabi na ng mga casual sa parehong gawain,
pero magka-iba ang sahod at benepisyo. Patuloy ang restructuring sa food and beverage industry,
para daw maging mas “flexible”. Sa patuloy na restructuring, ang “core” ay nagbabago. Ang
tanong ay maaari ba na magpatuloy ang kumpanya kung wala ang mga hindi daw mahahalaga
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
51
na serbisyo (auxilliary) o hindi kasali sa “core business”. Sige nga, tignan natin ang itsura ng
ating kumpanya kung walang canteen, janitor at maintenance, security, drivers, pahinante,
loaders… Ang totoo, lahat ng mga employees na ito ay nakatutulong sa negosyo, at kung wala
sila, hindi tatakbo ang kumpanya. Maliwanag na ang “core” at “non-core” ay walang pinagka-
iba! Pareho lang sila, at pambobola lang ng management na sabihin na mayroong “core”.
Para sa ating mga unyonista, ang lahat ng mga ito ay bahagi ng mga gawain ng mga employees
– at dapat lahat ay isali sa unyon. At kung tutol ang management, dapat tayong lumaban para
mapasang-ayon natin ang management. At kung sabi ng batas na hindi pwede, dapat baguhin
ang batas, at hindi ang posisyon ng unyon.
SAGOT: Lahat ng trabaho na nakakatulong sa negosyo ay ituturing
na “core” o kailangan.
“Ayaw naman namin na mag-hire ng mga hindi kwalipikado -tulad ng mga janitor…”
Pero ang totoo ay nagtatrabaho na sila sa kumpanya! Ang pagkaka-iba lang ay ang mga contracual
ay mas mababa ang sahod at walang benepisyo; wala rin silang security of tenure.
SAGOT: Ang trabaho ng lahat ng employees sa loob ng kumpanya,
kasama na ang mga contractual at casual, ay nakakatulong sa
negosyo. Hindi ba mahalaga sa management ang supply at kalidad
ng raw materials na pumapasok sa produksiyon? O kung ano
nangyayari sa produkto sa oras na ito ay umalis sa pabrika? Ang
paggawa at pag-deliver ng produkto ay isang masalimuot na proseso
ng pag-aayos ng iba’t-ibang uri ng trabho. Pananagutan dapat ng
employer ang terms and conditions of employment ng lahat ng
may kinalaman sa paggawa ng produkto.
“Weather-weather (pana-panahon o seasonal) lang naman
ito; ganito talaga ang negosyo na ito.”
Talaga naman na paiba-iba ang ang demand sa produkto at supply ng raw materials, lalo na dala
ng pagbabago ng panahon. Pero meron ibang nangyayari, at sinasamantala ito ng kumpanya.
Tingan natin ng mabuti.
IUF
52
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
Ang isang season o panahon ay isang maliwanag na takdang mga buwan – tulad ng tag-init,
tag-ulan, at medyo tag-lamig tulad ng Disyembre at Enero, o Pasko, at hindi isang linggo lamang
kung kailan may malaking order. “Seasonal” ba talaga ang pagkuha ng isang manggagawa ng
isang linggo sa tag-init sa isang pabrika ng tsokolate, o tatlong linggo sa tag-ulan o taglamig sa
isang pagawaan ng kape? Mayroon mga manggagawa na permanente na naka-standby, at di
nila alam kung magkakaroon ng trabaho at kung gaano katagal.
Sa mga ganitong kaso, ang mga manggagawa ay “flexible” na natatanggap at natatanggal,
direkta o sa agency, para mapagtakpan ang palpak na pagpaplano ng trabaho o para tugunan
ang kailangan sa just in time production.
Sa ibang kaso naman, nagtatrabaho ng buong taon ang mga employees, pero ang kontrata nila
ay taunan, o tuwing ilang buwan lamang. Dahil sa gawain ng management, ang mga
manggagawa ay palaging naka-asa na lang sa management, at nakakagawa ang management
ng isang buffer o reserba ng manggagawa kung sakaling may paghina sa benta.
Sa dalawang sitwasyon na ito, pasan ng mga seasonal workers ang gastos na konektado sa
pagtaas at pagbaba ng negosyo. Dahil bahagi ang pagtaas at pagbaba, ang management dapat,
at hindi ang seasonal, ang kakarga ng gastos. Ang mga risks kaugnay ng pagbaba at pagtaas sa
negosyo ay napapasa mula sa management papunta sa mga manggagawa.
Kadalasan hindi naman talaga totoo na seasonal ang trabaho. Gawa-gawa lang ito para takpan
ang katotohanan na ang tubo ay napapalaki sa pamamagitan ng pagpasa sa mga manggagawa
ang mga risks sa merkado. Nakita natin sa Part 3 na sa Nestlé factory sa Malaysia, mayroong
seasonal workers buong taon! Sa Nestlé, lahat ng panahon ay panahon ng temporary workers!
“Probationary period lang naman.”
Sa maraming bansa nakatakda sa batas ang haba ng probationary period. Kadalasan 3 hanggang
6 na buwan. Ang probationary period na mas mahaba dito ay palusot na lang para mapaliit ang
gastos ng kumpanya at hatiin ang mga employees. Maliban na lang kung lahat tayo ay magiging
permanent probationary!
SAGOT: Tiyakin na ang probationary period ay hindi lalampas sa
sinabi sa batas!
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
53
“Gagawin naman namin silang regular, matapos ang…”
Luma na yan, narinig na namin yan dati: Antay lang sandali hanggang kami ay…
� matapos ang restructuring
� magdagdag ng investment
� maisarado ang balanse sa taon
� mag-appoint ng bagong director
� makuha ang bagong sales contract
� etc.
Pero ang lahat naman ng ito ay bahagi ng normal na mga gawain ng negoso. Kung seryoso ang
management, bakit hindi gumawa ng kasunduan kung kailan, ilan, at sinu-sino ang gagawing
regular? Kung ayaw nilang pumirma o makipag-negotiate, sila mismo hindi naniniwala sa sinasabi
nila!
Dapat na nating gawan ng solusyon NGAYON!
Pag-aaral sa problema – pagkuha at
paggamit ng kailangang impormasyon
Isa sa unang kailangan ay ang tamang mga datos. Kasabay din dito ang paghikayat sa mga
kasapi ng unyon na tumulong sa paglaban, dahil ito ay mahalaga at maaaring maipanalo. Hindi
pwede ang tsismis lang, dapat sigurado tayo sa mga nangyayari. Kailangan siguraduhin, at kung
maaari ay kumuha ng dokumento. Ayusin ang mga records: hiring practices, bilang ng mga
tinatanggap sa loob ng takdang panahon, mga opisyal na mga sulat, memo ng management at
iba pa, mga minutes ng union meetings at mga meetings ng union at management, at mga
paglabag sa batas at mga karapatan ng mga manggagawa.
Ano’ng uri ng impormasyon?
Pagkolekta ng impormasyon sa plano na mag-outsource
Oras na malaman niyo na may plano na mag-outsource, alamin na kaagad ang lahat ng maaaring
malaman! Mga dapat kunin:
IUF
54
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
a. lahat ng impormasyon ukol sa outsourcing company o agency: sino ito, ano
ang legal status, ano ang record nito ng labor practices, saan ang opisina, saan
sila nagbibigay ng serbisyo?
b. mga detalye ng planong restructuring at ang magiging resulta na sistema:
i. Mga departamento na maaapektuhan
ii. Mga posisyon na maaapektuhan
iii. Uri ng outsourced workers na kukunin: contractual, casual?
iv. Sino ang bisor ng mga outsourced na trabaho?
c. kung ang mga manggagawa ay pipilitin lumipat sa pamamagitan ng outsourcing,
ano ang mga planong kindisyon ng paglipat?
i. Sino ang ililipat?
ii. Ilan?
iii. Ano ang mangyayari sa iba?
iv. Ano ang mangyayari sa mga benepisyo ?
d. ang planong terms and conditions of employment (sahod, benepisyo, regular
o casual na status, etc.) para sa lahat ng trabaho na outsourced
e. ang posisyon ng outsourcing company/ies ukol sa three-way agreement ng
management, ang Unyon, at ang outsourced na employees
f. pag-hambing ng gastos sa kumpanya ng regular employee at gastos kung
outsourced (kadalasan HINDI ito mas matipid!)
g. draft of signed contract ng kumpanya at outsourcing company
Pagkolekta ng impormasyon sa casualization and
contractualization
a. Anung uri ng casualization o contractualization ang ginagawa ng manage-
ment?
i. Ilan ang contractual sa iba’t-ibang panahon sa isang taon?
ii. Ilan ang nagtatrabaho sa pamamagitan ng agency o outsourcing company?
iii. Ano ang employment relationship nila sa ating management, at sa
management noong outsourcing company o agency?
iv. Ano’ng mga departamento ang apektado?
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
55
b. Dumami ba ang mga ito noong nakaraaang taon? (Ihambing natin ang dami
ng regular sa contractual/casual bawa’t taon. Kung bumaba ang dami ng regu-
lar, ano ang pinalit sa kanila?)
c. Ano ang sitwasyon ng mga contractual at casual?
o Ano mga pinakamatindi nilang mga problema?
o Kamusta ang kanilang kundisyon sa trabaho – shift, oras ng trabaho, sahod,
kalusugan at kaligtasan, iba pang mga benepisyo? Ano ang pinagka-iba
nito doon sa regular workers?
o Handa ba na sila sumali sa unyon?
o Ano ang legal situation – maaari ba na ilaban sa korte ang employment
status nila?
Ang mga kailangan na impormasyon ay depende samga sirkumstansiya o pangyayari!
Nang malaman ng Nestlé Union sa Timashevsk ang plano na mag-outsource, nilista ng unyon ang mga kailangan na datos at kungsaan makukuha.
Ano ang kailangan malaman? Saan galing?
1. ang gastos ng kumpanya sa isang uri Managementng trabaho
2. gastos kung i-outsource sa ABC Company Management
3. CBA (kung mayroon), mga kundisyon ng ABC Co.trabaho sa ABC Co., at schedule ngtrabaho doon
4. Employment contract sa ABC Co. ABC Co.
5. Listahan ng apektadong mga posisyon Management
6. Legal status ng ABC Co. ABC Co., DOLE, SEC, LGU
7. Draft contract ng management at ABC Co. Management
8. Reputasyon at rekord ang ABC Ibang mga unyon/employees sa ibangkumpanya kung saanaktibo ang ABC.Internet. ABC Co.
IUF
56
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
Ano ang gagawin kung ayaw ibigay sa
atin ang impormasyon?
Ang impormasyon na ayaw ibigay sa atin ay impormasyon na dapat natin ikabahala! Kung ayaw
itong ibigay, may tinatago ang management. Patuloy pa rin tanungin at pilitin. Mayroon tayong
karapatan sa impormasyon na ito, at patuloy nating ipaalala sa management na karapatan natin
ito.
� Igiit ang karapatan sa impormasyon! Kailangan patuloy ang pressure sa man-
agement; isulat ang mga request natin. Hindi epektibo ang usap o verbal re-
quest. Pero mahirap hindi mapansin ang written request.
� Habang kinukulit natin ang management, maghanap din tayo ng ibang paraan
na makuha ang impormasyon: sa mga union members, workers nung
outsourcing company, sa federation o national union, sa press, sa internent,
mga NGO, at iba pa. (Ingat lang sa Internent. Dapat i-double check natin.)
Gumamit ng mga halimbawa sa ibang mga kumpanya at sa ibang planta na
pag-aari ng inyong kumpanya, sa loob at labas ng inyong bansa.
� Igiit na lehitimong usapin ito ng Unyon. Kung sa CBA ay may mga probisyon
na naglilimita na kumuha ng impormasyon, maghanda sa pagpapa-alis nito sa
susunod na CBA negtiations.
� Kadalasan walang dahilan ang paggamit ng “commercial secrecy” o “business
confidentiality” at palusot lang ito para huwag tayong bigyan ng impormasyon.
Hamunin ang management na panindigan nila ang kanilang sinasabi: Maraming
mga kumpanya ang nagsasabi na pabor sila sa “openness” at “transparency”
bilang bahagi ng “corporate social responsibility”. Dapat sundin nila kung ano
ang kanilang sinasabi!
� Ayusin ang mga records ng pagtanggi na magbigay ng impormasyon, at itabi
at i-xerox para magamit sa mga darating na panahon.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
57
Pinakamahalaga: imulat at pakilusin ang
mga kasapi sa unyon. Organisahin ang
lahat ng workers sa planta!
Ang tagumpay laban sa contractualization at casualization ay nakasalalay sa suporta ng lahat ng
kasapi sa unyon, at lahat din ng iba pang mga workers sa loob ng kumpanya. Maiintindihan ng
mga members ang halaga ng paglaban sa contractualization kung kasama sila sa proseso sa
pagtutol dito.
Parehong kasama sa proseso ang mga regular employees at mga casual at contractual din! Kahit
hindi tanggap ng management na maaari silang sumali sa unyon, dapat makita na POTENTIAL
members sila, at ang karapatan nila ay kailangang isali sa agenda at pinaglalaban ng unyon.
Kapag nakita ng mga casual at contractual na ipaglalaban sila ng unyon, makikita nila na kailangan
din nila na suportahan ang unyon.
Pagkuha ng suporta sa mga Union Members at sa mgaCasual at Contractual
1. Pag-aaral at kaalaman (Education and Awareness)
Mahalaga na maintindihan ng mga union members na ang casualization at
contractualization ay masama sa kanilang security of tenure, working condi-
tions, at panganib din sa unyon. Kaya lang, dapat din maunawaan na hindi ang
mga casual at contractual workers ang magpapahamak sa mga union mem-
bers, kundi ang stratehiya ng management na gumamit ng contractual at casual.
Ang mga casual at contractual ay biktima ng pagsasamantala ng management,
kung saan pinagkakait ang kanilang mga karapatan. Kaya mahalaga na ipaglaban
ng mga union members ang karapatan nila maging regular, at karapatan nila
na sumali rin sa unyon. Kailangan ipakita ng unyon kung bakit napakahalagang
isyu nito. Pwedeng gamitin ang halimbawa sa handbook na ito, magdaos ng
training sessions, at gumawa ng mga polyeto. Mag-isip din ng iba pang mga
paraan para kumalat ang impormasyon, at para lalong pag-isipan ng mga tao
ang isyu.
IUF
58
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
2. Kunin ang mga input ng iba
Alamin kung ano ang mga kinababahala ng mga union members at ng mga
contractual na rin. Kadalasan nakikita ang kasamaan ng conractualization sa
mga maliliit na problema.
3. Ikalat ang impormasyon sa lahat
Responsibilidad ng unyon na ipaalam sa lahat ng union members kung ano
ang nangyayari. Huwag isipin na alam ng union members – maliban kung binigay
niyo ang impormasyon.
4. Isama sa buong proseso ang lahat ng mga union mem-
bers
Isipin kung ano ang mga maaaring gawin ng mga miyembro: pagpirma ng
liham, pagsuot ng mga pin at armband, tumulong kumuha ng impormasyon,
kumausap ng mga tao sa planta, o dumalo sa meeting. Tandaan kung ano ang
gusto at kayang gawin ng mga miyembro.
5. Organisahin ang lahat – regular man o contractual
Para makapagsamantala, hahatiin ng management ang mga manggagawa:
core (buod at pinakamahalaga) at periphery (hindi masyadong mahalaga), babae
at lalaki, bata at matanda, matagal na nagtatrabaho sa kumpanya at baguhan,
regular at casual. Siguraduhin na maiintindihan ng mga tao na kailangan magka-
isa ang lahat. Ang layunin ay ma-organisa ang lahat (pati casual at contrac-
tual) para maging union members.
6. Union activities
Ang ilang unyon ay nagtalaga ng mga organizers para tumulong sa mga con-
tractual at casual na sumali sa mga union activities, at ang iba naman ay nagtayo
ng solidarity committees para makasali sila sa mga activities ng union.
Inimbitahan sila sa mga training sessions at hiningan sila ng mga articles at
interviews sa union newsletters. Ang mga meeting na kasama ang regular at
casual ay mahalaga sa solidarity at pagbubuo ng isang malakas na unyon na
kakatawan sa lahat ng mga manggagawa.
7. Pagkuha at pagpapalakas ng tiwala
Takot ang mga casual at contractual na kung lalabanan ng unyon ang
casualization at contractualization, bigla na lang sila tatanggalin sa trabaho.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
5959
Kailangan natin maintindihan ang mga pangamba at kailangan seryosohin ang
mga ito. Bukod sa mga pangamba na ito, vulnerable din sila o madaling tirahin
ng management kaya dapat siguraduhin na ang mga union members ay lalaban
kung may dimissal, harassment, at intimidation. Mahalaga na nakabatay ang
organizing sa tiwala at respeto sa isa’t-isa, para ang mga casual at contractual
ay magtataya na suportahan ang unyon, at ang mga union members naman ay
tutulong para sila ay maging regular employees din.
Pag-organisa at mobilisa ng mga union members
at mga casual at contractual
Noong August 26, 2004, nagkaroon ng bagong 3-year CBA sa
Nestlé Confectionery Australia ang Australian Manufacturing
Workers’ Union (AMWU), isang IUF affiliate. Dinagdagan pa dito
ang mga karapatan ng mga unyon, at ni-roll back ang pagkuha ng
mga contractual sa mga labor agencies. Tingnan natin sa ibaba ang
mga bahagi ng interview kay Jennifer Dowell, Assistant National
Secretary of the Food Division ng AMWU, at Vice-President ng IUF.
Sinimulan namin ang proseso ng pakikipag-negotiate sa level
ng enterprise o buong kumpanya, tinipon namin ang mga
delegado sa 3 work sites, at gumawa kami ng listahan ng mga
demands at grievance. Pinag-usapan ang casualization at
contractualization, at nakita na problema na ito ng lahat halos
ng mga miyembro. Sinama namin ang isyu na ito sa listahan
ng mga demands at grievances, at sinabihan ang mga delegado
at organizers na dalhin sa baba ang isyu na ito, at ipaliwanag
na gumagawa na ng hakbang ang unyon ukol dito. Nakuha
ang suporta ng lahat ng 3 worksites, na nagsabing ang unang
dapat gawin ay gawing direct hires ang lahat ng nagtatrabaho
sa Nestlé, kahit na ano pa ang nakalagay sa employment
contract nila. Kung hindi agad ito pwede, kahit na pa-unti-
unti ang kilos pero agad dapat limitahan na ang dami ng
contractual at casual – yoong kukunin sana na casual/
contractual ay dapat na gawing regular.
Nagambala ang mga members, lalo na sa pinakamalaking site,
na ang mga umaalis na mga regular ay pinapalitan na lamang
ng mga casual na maikli lang ang kontrata. Natatakot sila sa
paglala ng contractualization at casualization.
Patuloy ang pagkausap sa mga members. Nagkaroon ng
telephone hook-ups at newsletters. Nagkaroon pa kami ng
status document, kung saan nilalagay namin ang status ng
IUF
60
Pag-organisa at mobilisa ng mga union
members at mga casual at contractual continued
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
mga isyu sa tuwing matatapos ang usapan sa management,
at tinitiyak namin na lahat ng mga demands/grievances ay
updated. Alam ng lahat kung saan isyu nakuha ang gusto
sa management, at saan hindi namin mapapayag. Sa isang
taon na proseso na ito, natatalakay din kung anong mga
isyu ang hindi namin pwede ibigay sa management, at ano
ang pwedeng ilaban sa ibang panahon na lamang. Naka-report
ang lahat: mga napagkasunduan, mga ayaw ibigay, at mga
isyu na handa ang management na pag-usapan. Napunta kami
sa mga isyu na pinakamahalaga sa mga work sites, at
siyempre ang isyu ng pag-hire ng workers ang pinakamataas.
Bilang bahagi ng proseso, pinapa-alam namin sa management
na mayroong mga pulong ang unyon ukol sa isyu na
contractualization, nakakakuha sila ng feedback mula sa
liderato ng unyon at mga delegado hinggil sa opinion/posisyon
ng mga employees, nalaman ng mga managers na magtataya
ang workers sa isyu naito, at kung hindi nila aayusin ang
problema na ito, magkakaroon ng labor disputes o hidwaan
sa lahat ng 3 work sites. Dahil nakuha namin ang suporta ng
lahat ng mga workers sa 3 sites na magkakaroon ng sama-
samang pagkilos sa lahat ng sites, Nagpasya ang
management na dapat nilang ayusin ang pag-uusap ukol dito.
Hindi namin nakuha ang total ban sa casual at contractual,
pero pumayag ang Nestlé na may limit ang percentage ng
casual/contractual. Sang-ayon ang lahat na sa susunond,
kailangan nang ayusin ng management ang buong isyu ng
contractualization.
Kahit tuloy-tuloy ang pag-oorganisa namin ng mga casual at
contractual, napakahirap organisahin silang lahat dahil ang
bilis ng turnover nila. Maaaring sa linggo na ito, na-organisa
mo ang 20 contractual, at sa susunod na linggo mayroon pa
rin 20 na contractual, pero 5 dito ay mga bago na. Kaya
laging takot sumali sa unyon dahil baka tanggalin oras na
malaman ng employer. Maraming ganoong klase ng employer,
pero hindi nila ito aaminin. Hindi tutol ang Nestlé na i-recruit
namin ang mga contractual, katunayan gusto pa ito ng mga
manager dahil hindi na raw namin papaalisin ang mga
contractual. Pero dapat paliwanag na ang pakay natin ay
HINDI para tanggalin sila sa trabaho, kundi gawin silang
regular na manggagawa ng Nestlé.
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
61
Pagpili ng stratehiya
Kailangan piliin ninyo ang stratehiya na angkop sa inyong unyon at sa inyong sitwasyon. Kadalasan
iba-iba ang mga stratehiya na ginagamit ng isang unyon, at minsan pa ay kombinasyon ng mga
ito. Ilan sa mga stratehiya na naging mainam ay ang mga sumusunod:
1. Collective bargaining negotiation o sama-samang
pakikipaglaban
Isang basic principle ng mga unyon na LAHAT ng pagbabago sa pag-aayos o
organization ng trabaho, at mga terms and conditions of employment ay dadaan
muna sa collective bargaining negotiation. Huwag kalimutan paalala sa man-
agement na ganito ang nakasaad sa international law ! Sa halos lahat ng
pagkakataon, kailangan ng negosasyon. Lahat ng bagay ay dapat dumaan sa
negosasyon. Kasama na dito, halimbawa, ang pananatili ng mga departamento
sa kumpanya, pagkilala na regular sa ilalim ng batas ang mga casual at con-
tractual, at mga kundisyon kung kailan maaaring tanggapin ng unyon ang
negotiated restructuring. Dapat tayong maghanda – ang mga isyu na ito ay
kasing halaga ng kahit na anong probisyon ng CBA.
2. Patuloy na pag-monitor ng mga probisyon ng CBA at
kasalukuyang pakikipaglaban
Matapos maka-negotiate ng isang CBA, kailangan naman natin bantayan ang
pag-papatupad nito. Dapat mayroong monitoring process ang lahat ng CBA!
Kung kasama sa CBA ang karapatan na maki-pag-negotiate sa pagbabago,
kailangan i-follow up ang implementasyon nito. (Balikan natin ang halimbawa
ng AMWU sa Part 3.)
3. Legal action
May mga sitwasyon kung kailan maaasahan ang pagsampa ng kasong legal
para labanan ang outsourcing:
a) kung ang batas sa inyong bansa ay nakakapag-limita ng outsourcing, o
nagbibigay sa unyon ng karapatan na makipag-tawaran kung paano
isasagawa ang outsourcing. Kung di tumupad ang management sa batas,
agad mag-file ng kaso sa korte.
b) kung ang outsourcing company o ang employer ninyo ay nilabag ang
IUF
62
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
karapatan ng mga contractual, maaaring lagyan ng pressure ang dalawang
kumpanya na ito, at isabay na ang kapanya para ma-regular na sila.
c) tulad sa Pilipinas, may mga pagkakataon na sa ilalim ng batas, ang mga
contractual ay dapat ituring na regular employees, at ilegal ang ituring sila
na contractual (paki tignan din ang halimbawa ng Coca-Cola Union sa
Pakistan sa Part 3).
4. Mga pagkilos sa pabrika
Anuman na kampanya laban sa casualization at contractualization ay naka-
depende sa kahandaan ng mga union members na magtaya sa isyu na ito.
Maging malikha sa paggamit ng iba-ibang uri ng kilos para makabuo ng soli-
darity at pressure sa management upang makuha natin ang ating mga
kagustuhan. Kasama na dito ang mga petition, botones/pins/badges, kilos
protesta, paghinto ng trabaho, at welga – pero siguraduhin lang natin na ayon
ito sa batas dahil ayaw naman natin mapahamak ang mga opisyales at kasapi
sa unyon. Epektibo ang mga ito kung isasabay sa media campaign o solidarity
action mula sa ibang unyon at sa komunidad. Kailangan ang maayos na pag-
plano. Laging isa-alang-alang ang maaaring reaksiyon ng management, publiko,
union members, at mga di kasali sa unyon.
Mag-meeting para ma-plano ang stratehiya sa kampanya bago pa man
magsimula kumilos. Kailangan na alam ng mga miyembro ang mga susunond
na hakbang at ang stratehiya sa likod nito. Hindi maaaring hindi malaman ng
mga union members!
5. Public campaigns
Ang mga ito ay maaari at dapat kasabay ng mga pagkilos para ipaglaban ang
regular status ng mga contractual. Karamihan ng mga tao ay maiintindihan
agad ang halaga ng security of tenure. Ang hindi malinaw ay kung paano
napapahina ng mga transnational companies sa isang sistematikong paraan
ang matatag na hanap-buhay. Dito na kailangan ang media campaign!
Ang inyong media strategy ay kailangang maging mahalagang bahagi ng inyong
campaign strategy. Isama ito sa inyong campaign planning!
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
63
6. Paghanap at pakikipag-tulungan sa mga ka-koalisyon
Ang pagkilos laban sa contractualization ay nangangailangan ng suporta ng
maaasahang mga kakampi o allies na may parehong adhikain at paraan, at
nakaka-intindi na ang isyu na ito ay isyu ng lahat. Kasama na dito ang:
� ang inyong federation o national union o alyansa ng mga unyon
� ang iba pang mga unyon sa ibang planta ng kumpanya
� ang ibang unyon na may kaugnayan sa parehong outsourcing company
� ang publiko – mga journalists na interesado sa isyu, mga NGO at mga
samahan na aktibo sa karapatan ng mga manggagawa, unemployment,
kahirapan, pag-oorganisa ng kabataan, at iba pa.
Pag-aralan ang inyong kalakasan at
kahinaan
Bago magsimula ang kampanya, maging malinaw sa atin ang kalakasan at kahinaan. Hindi dapat
manghina ang loob kung may makitang mga kahinaan. Gamitin ang pagkakataon na ito para
palakasin ang ating sarili. Ituloy ang mga pagkilos sa kabila ng mga nakitang mga kahinaan. Ang
mahalaga ay ang magkaroon ng assessment and evaluation process na kasama sa pag-develop
ng mga stratehiya ng unyon. Walang unyon sa buong mundo ang makakasagot ng “OO” sa
lahat ng mga tanong sa ibaba.
IUF
64
Sabihin lang ang totoo; maging matapat sa pagsukat ng mga kalakasan at
kahinaan. Sa bawat kahon, isulat ang inyong mga notes o mga komentario
kung bakit ganoon ang inyong sagot. Pag-usapan ang mga kahinaan. Ang
ano ang gagawin ninyo para mapalakas ang inyong posisyon?
PART V Paglaban sa Outsourcing, Contractualization at Casualization: Mga Unang Hakbang
xx x – ––
1. Pagkuha ng impormasyon
Regular ba ang pagkuha sa management ng impormasyon na kailangan?
May iba pa bang makukuhanan ng impormasyon para maihambing ang galing sa management
at makuha na rin ang hindi makuha sa management?
Ibinabalita ba sa amin ng mga union members ang mga balita at tsismis ?
2. Pagsusuri
Naiintindihan ba namin ang mga nakuhang impormasyon?
May maaasahan ba na suporta mula sa mga taong maayos kausap at may simpatya sa mga
employees.
3. Pagkalat ng Impormasyon
May sapat na bulletin boards sa planta?
Sanay ba kami na mamigay ng mga nakasulat na impormasyon?
Mayroon bang pwedeng tumulong sa pag sulat ng mga materyales?
May pera ba at ibang gamit para ma-reproduce ang mga nakasulat na impormasyon?
Makakapag-pulong ba sa lahat ng departamento sa buong planta?
May oras ba ang mga union members na dumalo sa mga meetings o pulong? Pinapayagan
ba sila umalis sandali sa trabaho para pumunta sa mga meetings?
Kung sa labas ng trabaho ang mga meetings, pupunta ba ang mga union members?
4. Pagpapakilos
Mahalaga ba ang isyu sa mga union members?
Gusto kaya ng mga members na maging aktibo sa isyu ?
Kaya ba namin ilaban ang mga members kung gagantihan sila oras na kumilos sa isyu?
May karanasan ba kami sa kilos protesta?
Mayroon ba tutulong sa iba-ibang pagkilos (musika, teatro, poster, atbp.)?
May contact ba sa mga posibleng suporta – ibang unyon, NGO, media?
Napapaliwanag ba namin sa publiko sa ang isyu ay mahalaga at makatarungan?
May strike fund o solidarity fund ba kami?
May sapat na resources ba para umpisahan at ituloy-tuloy ang kampanya?
OUTSOURCING, CASUALIZATION AT CONTRACTUALIZATION SA FOOD & BEVERAGE INDUSTRY
65
xx x – ––
5. Negotiating o Pakikipaglaban
Maaari ba makipag-nego tungkol sa isyu?
May karanasan ba kami sa negosasyon?
May suporta ba mula sa labas (federation, alliance, abogado, experts)?
Sapat ba ang oras at paghahanda para sa negosasyon? Susunod kaya ang management sa
mapapagkasunduan?
Handa na ba kami – tamang impormasyon, mga argumento, maximum at minimum position?
May pasensiya ba ang mga miyembro sa mahabang proseso ng negosasyon?
Kung may arbitrator, pwede kaya siyang pagkatiwalaan?
6. Legal Issues
Maari bang mag-sampa ng kaso laban sa mga ginagawa ng management?
Maaasahan ba na ang desisyon ay ayon sa batas?
Mayroon ba kaming resources para sa mahabang proseso (abogado, filing fees, transportation,
photocopying)?
Sapat ba ang aming lakas para gamitin ang mga legal issues sa kampanya?
Mapapatupad ba ang desisyon ng korte?
Malaki ba ang pag-asang manalo ang kaso ?
Mga Konklusyon ?
Ang Steps 1 – 3 ay kailangang-kailangan, at hindi maaaring mawala, para maging tagumpay
ang laban.
Kahit aktibo tayo at masipag, hindi ito sapat kung walang tama at maaasahang impormasyon.
Maari kayong maloko kung hindi kayang maintindihan ang mga kumplikado at masalimuot na
mga dokumento galing sa management. Humingi ng tulong at suporta!
Tuloy-tuloy dapat ang pakikipag-usap sa mga union members, dahil mahalaga ito para tiyakin
ang tagumpay. At kung mai-panalo ang laban, siguraduhin na alam ng mga members at mga
casual/contractual na ang unyon ang nagpanalo.
Ang Steps 4-6 ay makatulong sa pag-diskubre ng stratehiya na angkop sa inyong sitwasyon.
Ang pagkaka-alam na mas malakas kayo sa ilang aspeto o larangan pero hindi sa iba ay
makakatulong sa pagtukoy ng tamang stratehiya.
IUF
66
IUF General Secretariat
Rampe du Pont-Rouge 8CH-1213 Petit-Lancy (Geneva)
SwitzerlandRon Oswald, General Secretary
Jacqueline Baroncini, Nestlé Co-ordinatorTel: + 41 22 793 22 33
The IUF
Ang IUF ay isang Global Union Federation (Pandaigdigang Pederasyon ng mga Unyon) na binubuong humigit-kumulang na 360 na mga unyon sa buong mundo sa mga sektor ng pagkain atagrikultura, mga hotel, restaurant, catering, mga inumin, at sigarilyo at iba pang produkto natabako.
Simula pa noong Setyembre 2004, ang IUF ay nagtatrabaho sa isang koordinadong pag-oorganisasa level pang-internasyunal sa Nestlé at Coca-Cola sa pamamagitan ng Nestlé/Coca-Cola GlobalOrganising Initiative, at sa tulong ng LO Norway at ng FES ng Germany. Mula noong Mayo2006, sa tulong ng Dutch FNV, lumawak ang inisiyatiba at isinama na rin ang Unilever at Heineken.Ang mga gawaing ito ay nagpapatibay sa mga bagay na patuloy na pinagtratrabahuan ng bawatrehiyon, at habang itinataguyod ay patuloy na pinatitibay sa pamamagitan ng tulong ng mgadedikadong koordinador na pang-rehiyon.
Maaring sumangguni sa mga koordinador na pang-rehiyon:
AFRICA
Cuana AngulaIUF Africa Regional SecretariatTraduna Centre, 5th Floor118 Jorrisen StreetBraamfontein 2017JohannesburgSouth AfricaTel: +27 11 339 43 [email protected]
Siméon DossouCSA-BENIN06 BP 1748CotonouBéninTel: +229 [email protected]
ASIA/PACIFIC
Hidayat GreenfieldIUF Asia-Pacific Regional Secretariat377-383 Sussex Street, Room 5, 8th FloorLabour Council BuildingSydney NSW 2000AustraliaTel: +61 2 9264 [email protected]
LATIN AMERICA
Beatriz Sosa-Martínez & Ariel CelibertiIUF Latin America Regional SecretariatWilson Ferreira Aldunate 1229/20111100 MontevideoUruguayTel: +598 2 900 74 [email protected]@rel-uita.org
SOUTH-EASTERN EUROPE
Ildikó KrénJokai utca 2H – 1062 BudapestHungaryTel: +36 1 301 90 [email protected]
RUSSIA & CIS
Gisela NeunhöfferIUF Moscow OfficePalace of Trade Unions, Room 34-27Leninskii Prospekt 42119119 MoscowRussian FederationTel: + 7 495 938 86 [email protected]
Ang manual na ito ay magagamit ng mga unyonista sa food and beverage industry na
nahaharap sa salot na dulot ng contractualization, outsourcing, labor-only contracting,
finished-contract, fixed-term contract, at iba pa na uri ng paglabag sa karapatan sa security
of tenure sa Saligang Batas ng Pilipinas at sa Labor Code. Organizing tool o gamit pang-
organisa ng mga unyonista upang maintindihan ang pinsala at panganib na dulot ng
contractualization, casualization, labor-only contracting, at iba pa. Proactive ang tugon na
kailangan: edukasyon at mobilisasyon ng mga manggagawang organisado at di organisado
– at kasama na rin ang mga biktima: mga casual at contractual.
International Union of Food, Agricultural, Hotel, Restaurant,
Catering, Tobacco and Allied Workers’ Associations (IUF)