18

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok
Page 2: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

1

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Nilalaman

1 Alamin ang kapaligiran ng inyong pinagtatrabahuan 2

2 Ang mga pang araw - araw na katungkulan ng isang nagtatrabaho sa pamamahay 3

3 Mga trabahong mapanganib at mga pamamaraan sa pag-iwas peligro 3 • Paglilinis ng bintana at ang • Pagtatrabaho sa matataas na lugar • Paggamit ng mga kasangkapang elektrikal • Paggamit ng mga kemikal

4 Mga Iba pang peligro at pamamaraan kung paano maiwasan ito 7 • Karamdaman sa kalamnan at mga buto • Pagkadulas at pagkatalisod • Mga sugat at laslas • Pagkabanli at pagkasunog • Mga peligrong biyolohikal • Istres

5 Pagiging malinis sa sarili 12

6 Tamang paggamit ng kagamitang pamproteksiyon 14 • Kagamitan para pang proteksiyon ng baga • Mga pansangga sa mata / maskara • Mga guwantes

7 Konklusyon 16

Page 3: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

2

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Sa Hongkong, maraming pamilya ang nagpapasuweldo ng mga nagtatrabaho upang makatulong sa mga gawaing-bahay. Maaring sa tingin mo ay simple at madali lang ang mga trabahong ito, ngunit iba’t ibang mga panganib ang maaring nasa paligid ng tahanan. Dapat tingnang mabuti ng nagpapatrabaho at ang nagtatrabaho sa bahay ang kaligtasan at kalusugan habang gumagawa ng mga gawaingbahay. Ang anumang pagpapabaya ay maaaring magdulot ng aksidente at sakuna. Ang libritong ito ay naglalarawan ng mga pangunahing isyu ng kaligtasan at kalusugan para sa mga nagtatrabaho sa bahay at ang mga kaugnayang pamamaraan sa pagiwas sa pinsala na maaaring mangyari.

1 Alamin ang kapaligiran ng inyong pinagtatrabahuan

Ang mga nagtatrabaho sa bahay ay malimit na kinakailangang magtrabaho sa iba’t ibang kapaligiran. Maaring hindi nila lubos na alam ang mga kondisyon sa palibot ng lugar na kanilang pinagtatrabahuan, kagaya ng hagdang - takasan pag may sunog, ("fire escape"), daan papasok at labasan, (entance and exit) kagamitan kagaya ng hagdan, mga kasangkapang elektrikal at saket, atbp. Habang ang mga nagpapatrabaho (employers) a n g m a n a n a g o t u p a n g masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga nagtatrabaho sa pamamahay, kailangang p a g - a r a l a n d i n n g m g a nagtatrabaho sa pamamahay ang kapaligiran ng kanilang pinagtatrabahuan, intindihin at sundin ang mga patnubay sa kaligtasan sa pinagtatrabahuan.

Mag-exit sa Map

Narito kaNarito ka

Page 4: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

3

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

2 Ang mga pang araw - araw na katungkulan ng isang nagtatrabaho sa bahay

Ang nagtatrabaho sa bahay ay karaniwang naaatasang gawin ang mga sumusunod:

◆ Panatiling maayos at malinis ang pamamahay: maglinis at ayusin ang isang pamamahay,

kasama na ang banyo, sahig, mga pader at mga bintana, pati na rin ang paglilinis at pagpapakintab ng mga muwebles at kotse.

◆ Gawain sa kusina: bumili ng mga pagkain, magluto,

maglinis ng kusina at maghugas ng mga pinggan at kubyertos.

◆ Labada: maglaba, magpatuyo at magplantsa ng mga damit at magtahi nito kung kinakailangan; dalhin at kolektahin ang mga labada para sa dry-cleaning.

◆ Pangangalaga ng mga sanggol at matatanda: mag-alaga ng mga sanggol, palitan at labhan

ang kanilang mga lampin at iba pang mga damit, paliguan at pakainin ang mga bata at magmasid sa kanilang mga kinikilos; ihatid ang mga bata sa paaralan at kunin sila pagkatapos ng eskuwela; alagaan ang matatanda, masdan sila, tulungan silang maligo, makipagkuwentuhan sa kanila, dalhin sila sa doktor sa upang maipagamot, at bigyan ng simpleng pangangalaga.

3 Mga trabahong mapanganib at mga pamamaraan sa pag-iingat

Paglilinis ng Bintana◆ Kung magsasampay ng mga damit

o maglilinis ng mga bintana, huwag kailanman bubuksan ang bintana o sumandal sa salamin ng bintana.

◆ Kailangang tumayo sa sahig habang naglilinis ng mga bintana na walang mga barandilyang bakal.

◆ Kailangang hindi idukwang ang katawan palabas sa mga bintana.

◆ Kailangang hindi sumandal sa mga bintana o mga bintanang walang barandilyang bakal.

◆ Kailangang gumamit ng mga wastong kagamitan na may mahahabang hawakan at pisi ng kamay kung kailangan. Ang pisi ng kamay ay kailangang itali sa pulso ng sambahayan ng mga manggagawa upang maiwasan ang pagkahulog ng mga kagamitan mula sa itaas.

Page 5: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

4

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Pagtatrabaho sa matataas na lugar ◆ Gumamit ng naaangkop na tool na may mahabang

hawakan at pisi ng kamay kung kailangan. Ang pisi ng kamay ay kailangang itali sa pulso ng nagtatrabaho sa bahay upang maiwasan ang pagkahulog ng mga kagamitan mula sa itaas.

◆ Suriin kung ang hagdanan ay buo bago gamitin.

◆ Humarap sa hagdanan kapag umaakyat o bumababa, nakahawak sa magkabilang gilid ang dalawang kamay upang mapanatili ang 3 puntos na kontak.

◆ Huwag na huwag iunat ang katawan upang abutin ang alinmang bahagi ng hagdanan. Sa halip, ilipat ang hagdanan sa tamang posisyon.

Paggamit ng mga kasangkapang elektrikalAng pangl inis na vacuum cleaner, mga kagamitang pampakintab ng sahig, at iba pang mga kasangkapang elektrikal ay malimit na gamitin sa gawaing-bahay. Kung ang mga ito ay sira na o hindi nagagamit sa wastong paraan, mga aksidenteng sanhi ng yanig-elektrikal (electric shock) ay maaaring mangyari.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Bago gumamit, tingnan muna kung ang mga elektrikal na kawad ay hindi sira o buhul-buhol at kung ang plug ng kuryente ay nasa magandang kondisyon.

◆ Gamitin ang pinakamalapit na saksakan na nakadikit sa pader upang maiwasang ang pagpahaba pa ng kawad at mabawasan ang tsansang masira ang kawad dahil sa pagtapak dito.

◆ Sa pag-alis ng plug mula sa saksakan, hawakang mabuti ang plug at huwag hilain ang kawad. Huwag alisin ang plug na basa ang iyong mga kamay.

◆ Ang lahat ng mga instalasyong elektrikal, mga koneksiyon at pagkukumpuni nito ay dapat gawin lang ng mga kwalipikadong electrcian.

Paggamit ng mga kemikaAng mga tubo sa kusina at para sa mga lababo, mga alulod at mga lababo ng kasilyas ay maaaring magbara at mangangailangan ng paglilinis. Ang mga kemikal na nag-aalis ng bara o sagabal sa mga tubo na pangkaraniwang mabibili sa tindahan ay maaring

Page 6: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

5

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Sabongpanlaba

Nakakatunawna pampapaputi

Panlinis ngpaagusan

Pamatay-mikrobyoPantunaw

Sa pamamagitan ng paglanghap

Sa kontak sa balat

Sa pamamagitan ng paglunok

mga purong asido o purong alkali na likido o pulbos. Ang direktang kontak sa mga ito ay makakaresulta sa pagkasunog ng balat. Ang mga kemikal na nag-aalis ng sagabal sa mga tubo ay puwede ring magkaroon ng reaksiyong-kemikal sa mga sumasagabal na mga bagay at magbubuga ng nakalalason na gas.

Samantala, ang mga kemikal na nagpapaputi ng mga gamit ay maaari ring magkaroon ng reaksiyong-kemikal sa mga asido at magbuga ng mga nakalalasong gas na magiging sanhi ng pagkalason. Kung kaya, ang mga lugar kung saan ginagamit ang mga kemikal na ito ay kailangang nadadaanan ng sariwang hangin. Huwag na huwag gumamit ng kalabisang dami ng mga kemikal na nag-aalis ng sagabal sa mga tubo o kaya paghaluhin ito sa iba pang mga kemikal na panglinis, upang maiwasan ang mga reaksiyong-kemikal. Kung malubha ang bara, dapat ipagawa na lang sa isang propesyonal na tubero na mag-aalis sa mga bara ng tubo.

Iba’t ibang mga kemikal ang ginagamit sa bahay, kagaya ng sabong panlaba, mga nakakatunaw na pampapaputing kemikal, mga pamatay-insekto at iba pang kagaya ng mga ito. Karaniwang may potensiyal na peligro ang mga kemikal na ito at ang hindi wastong paggamit at makaka-apekto sa kalusugan o magreresulta sa aksidente. ◆ Ang mga sabong panlaba o mga kemikal na panlinis ay

masama sa balat, pinatututyo nito ang balat at nagreresulta sa mga paltos na maaaring ma-impeksiyon o mamaga.

◆ Ang mga likidong nagpapaputi na may lamang asin ay magreresulta sa pangangati o pag-aagnas ng balat, na magreresulta sa alergi sa balat, pamamaga at pati na rin mga pasong-kemikal. Kung ihahalo ito sa likidong asido, ang mga likidong pampapaputi ay magkakaroon ng reaksiyong-kemikal dito na magbubuga ng nakalalason na mga gas.

◆ Ang mga pamatay-insekto ay nakakapatay ng mga surot subalit ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok sa katawan. Bukod dito, ang mga pamatay-insekto ay masama rin sa iba pang aspeto, kagaya ng pagiging sanhi ng sunog, pagsabog at pag-aagnas.

Ang isang kemikal ay maaar i ng pumasok sa katawan sa tatlong paraan: paglunok, sa balat, at paglanghap.

Page 7: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

6

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Ang mga panganib sa kalusugan na dulot ng mga kemikal matapos magkaroon ng kontak sa mga ito o sa pagpasok nito sa katawan ay nasasaklawan ng mga sumusunod:

◆ Balat - mga paso, pangangati, alergi, panunuyo, at pamamaga.

◆ Mga mata - paso, pamumula at pamamaga, pagluluha o pagkabulag sa mga malubhang kalabisan.

◆ Baga at daanan ng hininga - iritasyon na nagreresulta sa pag-ubo at ang daanan ng hangin at ang baga ay maaari ring maapektuhan.

◆ Nervous System (Utak, Spinal Cord) - sakit sa ulo, pagkahilo, at pagkapapipi.

◆ Iba pang bahagi ng katawan - ang atay at bato ay maaaring maapektuhan.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Bago gumamit ng anumang kemikal, basahin munang mabuti ang etiketa sa lalagyan kung saan nakasaad ang mga potensiyal nitong panganib. Ilayo ito sa apoy.

◆ Sundin ang paraan kung paano ito gamitin at ang mga pagiingat na nirerekomenda ng maygawa nito. Huwag itong basta basta na lang ihalo sa ibang kemikal na pamataymikrobyo o mga kemikal na panlinis.

◆ Itabi ang mga kemikal sa isang lugar na maytabing, kalamigan, tuyo at napapasukan ng hangin.

◆ Takpang maigi ang lalagyan.

◆ S i gu r uh i n ang magandang b e n t i l a s y o n s a l u g a r n a pinagtatrabahuan.

◆ Huwag manigarilyo sa lugar na pinagtatrabahuan.

◆ Magsuot ng was tong dami t -pampro tek s i yon kagaya ng guwantes, googles, at apron.

◆ H u g a s a n k a a g a d a n g m g a kamay, mga braso at mukha pagkatapos ng trabaho o bago kumain.

Sabongpanlaba

Sabongpanlaba

Pantunaw

Sabongpanlaba

Page 8: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

7

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Ipagbigay alam sa amo ang ano mang problemang maaring mangyari.

Mga pamamaraan sa oras ng emerhensiya

Sa oras na nabahiran ka sa isang kemikal, sundin ang sumusunod na mga pamamaraan sa oras ng emerhensiya:

◆ Balat - Banlawang mabuti ng umaagos, marami at malinis na tubig ng higit sa 15 minutos. Hubarin ang mga damit na nakontamina.

◆ Mga mata - Itulak ang takip ng mata upang mabuksan ito at banlawan ng malinis na tubig na mahina ang agos ng higit sa 15 minutos. Iwasang matilamsikan ang hindi nakontaminang mata habang nagbabanlaw.

◆ Bibig - Magmumog ng maraming tubig.

◆ Paglanghap - Buksan ang mga bintana at buksan ang bentilador na pampasingaw. Umalis sa lugar kung nasaan ang kemikal na ginagamit.

◆ Kumunsulta sa Doktor kung kinakailangan.

4 Mga karaniwang peligro at mga pamamaraan sa paghadlang nito

Karamdaman sa kalamnan at kalansayAng gawaing-bahay ay kadalasang nagsasangkot ng madalas at pabalik-balik na aksiyon. Anumang hindi angkop na pisikal na pagtatrabaho o hindi wastong pustura habang nagtatrabaho sa ilalim ng sumusunod na mga kalagayan ay mareresulta sa karamdaman sa kalamnan at kalansay:

Page 9: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

8

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ P a g b a l u k t o t s a b r a s o u p a n g suportahan o hawakan ang isang matanda o bata;

◆ Paglipat ng muwebles;

◆ Paglinis ng bintana;

◆ Pag-bakyum, pagbunot at pagwaks sa sahig, na magreresulta sa sakit sa bukung-bukong, likod at gulugod.

Pamamaraan ng Pag - iingat◆ Ugaliin ang tamang pustura sa pagbuhat at pagdala ng mga

bagay. Iwasan ang madalas at pabalik-balik na aksiyon.

◆ Hanggang makakaya, tumayo ng malapit sa bagay bago ito buhatin.

◆ Tumingkayad na ang isang paa ay mas malapit sa bagay na bubuhatin at ang isang paa ay medyo malayo. Panatilihing tuwid ang iyong likod.

◆ Mahigpit na hawakan ang bagay at ilapit sa katawan. Tumayo ng dahan-dahan sa pamamagitan ng mga binti, habang pinapanatiling tuwid ang likod.

◆ Ang pagbuhat ay dapat matatag at matatas at huwag haltakin pataas ang bagay. Umikot na gamit ang mga paa, at hindi ang baywang.

◆ Panatilihing tuwid ang likod habang tinutukod paitaas ang isang tao o habang nagwawalis ng sahig. Iwasang baluktutin o balikuin ang baywang, o sobrang inatin ang katawan.

◆ Habang tumutukod paitaas o humahawak paitaas ng i s a n g m a t a n d a o b a t a , makipagusap sa kanila ng madalas upang matugma ninyo ang mga pustura.

Page 10: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

9

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Gumamit ng mga kagamitan na may mahabang hawakan sa mga gawaingbahay kagaya ng pagwawalis. Iwasan ang sobrang pag-inat ng katawan.

◆ Gumamit ng mga kasangkapang elektrikal para sa gawaing-bahay kagaya ng pagbakyum at pagwaks sa sahig upang maiklian ang oras sa pagtingkayad o pagluhod. Hanggang maaari, gumamit ng almohadon para sa tuhod.

◆ Mag-ehersisyo ng pag-iinat ng katawan bago magtrabaho o habang namamahinga.

Pagkadulas at pagkatalisod

Isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan ng aksidente sa trabaho ay ang pagkadulas sa basang sahig o ang pagkatalisod sa kawad ng elektrisidad o iba pang mga bagay.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Alisan sa lugar na pinagtatrabahuan ang mga hindi kailangang bagay.

◆ Gamitin ang pinakamalapit na dikit-sa-pader na saket upang maiwasan ang sobrang pagpahaba ng kawad o pagkalatay nito sa daanan.

◆ Punasan kaagad ang anumang tubig o ligwak sa sahig. Panatilihing malinis at tuyo ang sahig sa bawa’t oras.

◆ Lagyan ng mga kontra-dulas na mat ang pasukan papuntang kusina at banyo upang maiwasan ang pagkadulas habang naglalakad na basa ang mga paa o sapatos.

Mga sugat at laslas

Ang mga sugat at laslas ay karaniwang a k s i d e n t e n a n a n g y a y a r i h a b a n g nagtatrabaho sa kusina, higit sa lahat dahil sa maling paggamit at paghawak ng kutsilyo.

Page 11: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

10

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Pamamaraan ng Pag - iingot◆ Dapat panatilihing matulis at nasa magandang kondisyon ang

mga kutsilyo.

◆ Gamitin ang tamang uri ng kutsilyo para sa iba’t ibang hangarin sa paghiwa.

◆ Makakaiwas sa aksidente ang paghiwa sa wastong paraan, halimbawa, sa pamamagitan ng paghawak nito ng mahigpit at paghiwa sa bagay ng palabas at pababa, at hindi iba pa.

◆ Ang mga kutsilyo ay dapat gamitin lang sa paghiwa at pagputol at hindi sa iba pang mga layunin kagaya ng pagbukas ng lata.

◆ Ang paghiwa ay dapat gawin sa ibabaw ng isang tablang panghiwa o isang matatag na patag na paghihiwaan.

◆ Panatilihing malinis at maayos ang patag na pinagtatrabahuan at ang sahig upang mapadali ang trabaho habang naghihiwa.

◆ Huwag iwanan ang kutsilyo na malapit sa mga gilid ng mesa o kaya ang panghiwang bahagi nito na nakaharap palabas. Ilagay ito sa angkop na lalagyan ng kutsilyo pagkatapos gamitin.

◆ Huwag magtangkang saluhin o tigilan ang isang nahuhulog na kutsilyo.

◆ Ang mga kutsilyo ay hindi dapat hugasan kasama ang iba pang mga kagamitan, pinggan at mangkok upang maiwasan ang anumang aksidenteng hiwa at laslas habang naghuhugas.

Pagkabanli at pagkasunogM a y m a r a m i n g m a i i n i t n a m g a kagamitan at pagkain sa kusina. Ang pagpapabaya ay maaaring madaling magresulta sa mga sunog at banli sa katawan. Ang kumukulo o mainit na materyal ay kailangang hawakan ng may pag-iingat.

Pamamaraan ng Pag - iingat◆ Siguruhin na ang hawakan ng anumang kaldero at kawali

ay hindi umuusli sa daanan at hindi nakalagay sa itaas ng nagliliyab na kalan.

◆ Kontrolahin ang apoy upang hindi ito sobrang uminit.

◆ Mag-ingat habang tsinitsek ang pagkain na iniinit o niluluto sa mataas na temperatura upang maiwasan ang pagkabanli sa singaw. Halimbawa, gumamit ng isang pares ng pangkusinang guwantes o tuyong tuwalya kung hahawak ng mainit na sisidlan.

Page 12: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

11

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Marahang tanggalin ang takip ng sisidlan sa mas malayong banda at palayo sa katawan.

◆ Ang mga pagkain ay dapat patuyuin muna bago i-deep fry upang maiwasan ang pagtalsik ng mainit na mantika.

◆ Huwag magmadaling ipalabas ang mga pagkaing sa sobrang init ay sumisingaw. Mag-ingat a t a ler tuhan ang s inumang malapit upang maiwasan ang pagbangga sa mainit na pagkain at ang pagkabanli.

Mga biyolohikal na Panganib

Sa gawaing bahay, maaaring mabilad sa iba’t ibang klase ng peligrong biyolohikal, kagaya ng mga birus, mikrobyo, halamang-singaw, at parasito. Ang mga patogen ay malimit na pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng daanan ng hininga o sa kontak ng likido ng katawan na may impeksiyon. Ang kontak sa nakontaminang bagay ay maaari ring magdulot ng impeksiyon. Ang peligrong biyolohikal at maaaring ipangkat sa tatlong tipo: impeksiyon, alergi, at lason.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ B igyang pans in ang pagig ing malinis habang inaalagaan ang mga bata o matatanda. Partikular na ang paghugas ng lubusan sa mga kamay matapos makahawak ng tae. Ang mga nakontaminang bagay ay kailangang itapong mabuti sa isang may takip na sisidlan ng basura.

◆ Labis na pag-iingat ang kinakailangan habang naglilinis ng mga sinuka at dumi. Kung kinakailangan, gumamit ng buong set ng personal na kagamitang pamproteksiyon (maskara, guwantes, epron, at pananggalang sa mata.) Siguraduhing wasto ang paggamit ng maskara.

◆ Protektahan ang iyong sarili habang nag-aalaga kayo ng mga maysakit na may lagnat, nagsusuka, o nagtatae. Magsuot ng maskara at mga guwantes kung kinakailangan at hugasang mabuti ang mga kamay pagkatapos ng trabaho.

Page 13: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

12

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Ingatan ang iyong personal na kalinisan habang nangangalaga ng mga hayop sa bahay. Magsuot ng maskara o guwantes.

◆ Kung ikaw ay alergik sa mga hayop, makipag-usap sa iyong amo at bawasan ang kontak sa mga hayop.

Istres

A n g i s t r e s a y n a g r e r e s u l t a s a pagmamada l ing ta tapus in ang trabaho sa loob ng maikling panahon, mahabang oras ng pagtatrabaho, kulang na pahinga at pagkalayo sa pamilya at komunidad. Ang kalusugan ay maaaring maapektuhan.

Pamamaraan ng Pag - iingat◆ Talakayin ninyo ng iyong

amo ang mainam na dami n g t r a b a h o a t o r a s n g pagtatrabaho.

◆ Makipag-usap at magkaroon ng komunikasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan u p a n g m a p a n a t i l i a n g turingan ninyo ng pamilya mo at mga kaibigan.

◆ Ang pagpapahinga ay isang mabuting paraan upang mahupa ang istres.

◆ Kumuha ng propesyonal na tulong kung ang istres ay malubha.

5 Pagiging malinis sa sarili

◆ Ang paghuhugas ng mga kamay ay ang pinakasimple at pinakapangunahing paraan upang maiwasan ang impeksiyong dulot ng bakterya, subalit kadalasan ito ay nakakaligtaan. Maghugas ng kamay matapos ang trabaho, matapos pumunta sa kasilyas, matapos hawakan ang dumi galing sa daanan ng hininga, at bago rin magluto, kumain o hawakan ang mukha.

Page 14: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

13

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Ang tamang paraan sa paghugas ng mga kamay

1 2

3

Lagyan ng konting sabon ang mga kamay. Hagurin ang mga kamay ng higit pa sa mga 20 segundo. Hagurin ang lahat ng mga daliri, palad at ang likod ng mga kamay, ang loob ng mga daliri at ang pulso.

Banlawan ng umaagos na tubig.

Tuyuing lubos sa pamamagitan ng kagamitang pantuyo o mga papel na tuwalya.

◆ Panatilihin ang mga alituntunin sa pansariling kalusugan. Takpan ang iyong ilong kung napapabahing o nauubo at pagkatapos ay hugasan ang iyong mga kamay ng likidong sabon.

Ang tamang pamamaraan sa paghugas ng kamayPara lubusang maging malinis ang kamay, alisin ang anumang relo, singsing o alahas bago maghugas ng mga kamay.

Basain ang mga kamay at palad.

4

Page 15: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

14

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

1 2

3 4

Paano magsuot ng N95 na maskara

6 Tamang paggamit ng kagamitang pamproteksiyon

Kagamitan para maproteksiyonan ang baga

◆ Maskara laban sa alikabok - upang maiwasan ang paglanghap ng mga alikabok na dala ng hangin, habang nag-aalis ng alikabok.

◆ Maskarang pang-opera - upang maiwasan ang mga patogen na dinadala sa pamamagitan ng mga maliliit na patak sa hininga.

◆ Respirador - gumamit ng wastong respirador kung may mga singaw ng kemikal.

Kahit na anong klase ng kagamitang pamproteksiyon sa hinihingaan ng tao ang gamitin, ang pinaka-importante ay ang paggamit nito sa wastong paraan. Ang wastong paraan sa paggamit ng maskara para sa alikabok at maskarang pang-opera ay ipinapakita sa sumusunod na paraan:

Pil i in ang maskara na may s u k a t n a k a s y a s a i y o n g mukha. Hilahin ang dalawang pamigkis ng ulo upang ito ay lumuwag. Siguruhin na ang metal na bigkis ay nasa itaas. Isingit ang isang kamay sa pamigkis ng ulo at hawakan ang maskara.

Suotin ang maskara, takpan ang ilong at bibig. Pagkatapos, hilahin ang mga pamigkis. Ang mga pang-ibabang pamigkis ng ulo ay dapat hilahin sa itaas ng ulo papuntang ibaba sa likod ng leeg. Ang pang- itaas na pamigkis ng ulo ay dapat nasa itaas ng mga tainga.

Idiin ang metal na bigkis sa dalawang gilid gamit ang mga daliri ng dalawang kamay at ayusin upang masiguro na ito ay hakab sa ulo.

Paalala: Para sa mga maskarang may balbula, tiyakin na ito ay alinsunod sa mga atas ng mga gumawa nito.

Siyasatin:Pagsisiyasat sa positibong presyon: marahang takpan ang maskara ng dalawang kamay. Dapat walang hangin ang lalabas sa gilid ng maskara.Pag-tsek sa negatibong presyon: marahang takpan ang maskara ng dalawang kamay. Huminga ng malalim. Ang kalagitnaan ng maskara ay hindi dapat kumapit sa mukha.

Page 16: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

15

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

1 2

3 4

Paano magsuot ng maskarang pang-opera

Mga pansangga sa mata / maskara

◆ Pinoprotektahan ng mga pansangga para sa kaligtasan ng mata ang mga mata laban sa mga maliliit ng patak ng hininga o mga kemikal.

◆ Ang mga pangkal ig tasang sa lamin ay humahadlang sa mga lumilipad na upang hindi ito mapunta sa mga mata.

◆ Protektahan ang mukha gamit ang pansangga sa mukha kung kinakailangan.

◆ Regular na hugasan at linisin ang googles, pansangga sa mata o salamin sa mata.

◆ Regular na siyasatin ang mga protektor ng mata. Palitan ang mga ito kung sila ay nawalan na ng hugis, may bitak, nagasgas o nanlabo.

Paalala: Huwag hipuin o hawakan ang maskara habang ito ay nakasuot na sa mukha upang hindi mabawasan ang proteksiyong dulot nito. Kung kinakailangang hawakan ang maskara, ang mga kamay ay kailangan munang hugasan bago at matapos hawakan ang maskara.

Sa normal na kalagayan, ang maskarang pang-opera ay kailangang palitan araw-araw. Palitan kaagad ang maskara kung ito ay nasira o nadumihan.

Ilagay ang maskara sa harapan ng mukha, na kung saan ang metal na bigkis ay nasa itaas.

Itali ang mga panali sa likod ng ulo at leeg.

Marahang idiin ang metal na bigkis sa harapan ng ilong.

Ang maskara ay dapat tumakip mula sa ilong hanggang sa baba at dapat ay hakab sa mukha.

Page 17: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

16

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Mga guwantes◆ Gumamit ng mga gwantes na panligtas laban sa kemikal para

sa proteksyon ng kamay kapag humahawak ng mga kemikal sa mga didikit na kemikal o mga likidong lumalabas sa katawan.

◆ Ang mga guwantes ay dapat hakab sa kamay at hindi ito dapat pipigil sa galaw o makakaapekto sa pagiging sensitibo ng mga kamay.

◆ Panatilihing maikli ang mga kuko upang maiwasan ang pagtusok.

◆ Hugasang mabuti ang mga kamay bago at matapos itong gamitin.

◆ Siyasatin kung may butas bago ito gamitin. Upang gawin ito, maaari ninyong lislisin ang ilalim ng guwantes upang tingnan kung maaring pamakapasok ang hangin sa loob. Tingnan ang mga guhit sa ibaba. Kailangang palitan kaagad ang guwantes na may butas. (Babala: Huwag direktang magbuga ng hangin sa loob ng guwantes upang maiwasan ang kontak nito sa iyong bibig at ilong.)

Ang lahat ng personal na kagamitang pamproteksiyon ay dapat na tamang piliin, gamitin at mintinahin sa pamamagitan ng wastong pangangalaga, tamang pagpapanatili at sapat na pag-iingat, upang maprotektahan kayo laban sa mga peligro. Ang mga kagamitang pamproteksiyon na maaaring gamitin uli ay kailangang linisin nang mabuti at i - sterilize ng mabuti bago ito gagamiting muli. Ang mga kagamitang sira na ay dapat palitan kaagad.

7 Konklusyon

Kailangang bigyang pansin ng mga nagtatrabaho sa bahay ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa trabaho. Dapat makilala ng mga nagpapatrabaho, mga tagapamahala, at ng mga nagtatrabaho ang mga posibleng panganib na kaugnay sa kanilang gawain sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa katangian ng kanilang tungkulin at ang kapaligiran kung saan nila ginagawa ito. Dapat gumawa ng mga nararapat na hakbang upang pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga nagtatrabaho.

Kung ang guwantes ay lumobo,ibig sabihin, may hangin sa loob at wala itong butas.

Tiklupin ang ibabang bahagi ng guwantes at lislisin ito upang makabihag ng hangin sa loob.

Page 18: Kaligtasan at Kalusugan para sa mga agtatrabaho sa ahay · ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

2018 Occupational Safety & Health Council 01/2018(01)

採用環保紙印製This is printed on environmentally friendly paper

19/F, China United Centre, 28 Marble Road,

North Point, Hong Kong

Tel:2739 9377 Fax:2739 9779

Email:[email protected]

Website : www.oshc.org.hk

OSHC HK

ISBN 978-962-968-526-3