6
1 WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI Basahin ang talata Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang kuwaderno. HALIMBAWA: 1. Ano ang dala-dala ng hanging habagat? a) Init ng hangin at sunog b) Maitim na ulap at maagang ulan c) Tornado at bagyo Sagot: b MAGSIMULA RITO: 1. Ano ang sinasabi ng talata? a) Ang mga bayan sa kanlurang bahagi ng bansa b) Ang pag-ulan dala ng hanging habagat c) Ang pagbaha kung tag-ulan d) Ang maitim na ulap bago umulan Pagbalik-aralan Mo Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naaayos mo sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. Ang tag-ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas ay dala ng hanging habagat. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran ng bansa. Nagdadala ang hangin ng maitim na ulap at maagang ulan. Tumatagal nang lima hanggang pitong araw ang ulan. Nagkakaroon ng baha sa panahong ito.

WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

  • Upload
    others

  • View
    87

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

1

WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Basahin ang talata

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang kuwaderno. HALIMBAWA: 1. Ano ang dala-dala ng hanging habagat?

a) Init ng hangin at sunog b) Maitim na ulap at maagang ulan c) Tornado at bagyo

Sagot: b

MAGSIMULA RITO:

1. Ano ang sinasabi ng talata?

a) Ang mga bayan sa kanlurang bahagi ng bansa b) Ang pag-ulan dala ng hanging habagat c) Ang pagbaha kung tag-ulan d) Ang maitim na ulap bago umulan

Pagbalik-aralan Mo

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naaayos mo sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.

Ang tag-ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas ay dala ng hanging habagat. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran ng bansa. Nagdadala ang hangin ng maitim na ulap at maagang ulan. Tumatagal nang lima hanggang pitong araw ang ulan. Nagkakaroon ng baha sa panahong ito.

Page 2: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

2

2. Alin ang paksang pangungusap?

a) Pangungusap 1 b) Pangungusap 2 c) Pangungusap 3 d) Pangungusap 5

3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?

a) Unahan ng talata b) Gitna ng talata c) Hulihan ng talata

A. Basahin mo ang kuwento

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.

Pag-aralan Mo

Page 3: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

3

Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang hayop na pinapatay. Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain. Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.

A. Alin ang dapat mauna sa mga pangyayaring nabanggit? Piliin at isulat sa sagutang kuwaderno.

a. sumasama sa prusisyon b. naglilinis ng tahanan c. masayang nagsisimba

B. Alin sa mga sumusunod ang huling bahagi ng kuwento? Piliin at isulat

sa sagutang kuwaderno.

a. naglilinis ng tahanan b. nagkukuwentahan ng pinagkagastusan d. masayang nagsisimba

C. Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin

ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Isulat sa sagutang kuwaderno.

* sumasama sa prusisyon * naglilinis ng tahanan * masayang nagsisimba * naglalagay ng dekorasyon * nagkukuwenta ng pinagkagastusan * nagpapatay ng hayop

Page 4: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

4

Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.

Basahin mo ang kuwento.

Ang Lagalag na mga Hudyo (salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga

Pagsanayan Mo

Isaisip Mo

Page 5: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

5

bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada.

Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapapagtaguan. Ang

mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.

Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-ikot siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay

walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa kuwadernong sagutan.

Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik. Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling

bansa ang mga Hudyo. Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada nang

matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak. Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa

maputik na lansangan. Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis ng mga

Kosak. Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Page 6: WASTONG PAGKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

6

B. Bumuo ng sariling mga pangungusap ng di-kukulangin sa limang pangungusap ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa “Ang Lagalag na mga Hudyo”.

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

A. _____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago. _____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga

ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman. _____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry. _____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry. _____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman. B. _____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye. _____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay. _____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na

barangay sa aming bayan. _____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan. _____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling

sumigla ang mga tao. Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164

C. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang susunod mong aralin.

Subukin Mo