Click here to load reader

Wastong Gamit ng mga

  • View
    2.774

  • Download
    289

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Bahasa Tagalog

Text of Wastong Gamit ng mga

  • Aralin sa Wikang Filipinopara sa :SMP 2Inihanda ni :Evelyn S. Makadados, MBA Guro sa Wikang Filipino (Bahasa Tagalog

  • WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

  • Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita

  • Sa pakikipagtalastasan,di mapapasubalian na madalas na nagkakamali ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

  • MGA SINUSUNOD NA TUNTUNIN SA PAGGAMIT NG WASTONG SALITA

  • 1. NANG AT NGNang Ang NANG ay siyang ginagamit sa panimula ng sugnay na di makapagiisa at pangatnig sa hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang when sa ingles.Halimbawa:Nang akoy dumating sa bahay,nagising ang mga bata.

  • Ang nang na nagbuhat sa inangkupan ng ng ang siyang ginagamit na pang-abay na pamanahon.Itoy katumbas ng salitang already sa Ingles.Halimbawa:Marami nang (na+ang) panauhin sa bulwagan.

  • NGAng NG ay isang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol ayon sa gamit sa loob ng pangungusap.Halimbawa:Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

  • Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng pandiwang balintiyak.Itoy katumbas ng by sa Ingles.Halimbawa:Ang silid-aralan ay nililinis ng mga mag-aaral.

  • 2.KUNG at KONGKUNGAng KUNG ay pangatnig na panubali at ginagamit sa karaniwan sa hugnayang pangungusap,kung kayat itoy matatawag ding pangatnig na panghugnayan.

  • Halimbawa:Kung tayong lahat ay magmamahal sa wikang Filipino ay lalong uunlad ang Pilipinas.

    KONGAng kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

  • Halimbawa:Ibig kong makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas.

    3.MAY AT MAYROONIto ay mga pandiwang walang banghay.Ang mga itoy may kahulugan ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba ng paggamit sa mga pangungusap.

  • MAY-Kapag itoy sinusundan ng pangngalan,pang-uri,pandiwa,pang-abay at katagang mga.Halimbawa:May inaasaaahang bukas ang mga taong masipag.

  • MAYROON-Kapag itoy sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.

    Halimbawa:Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew kay Lolo Tomas.

  • 4.SUBUKIN/SUBUKANAng subukin ay nangangahuluganng isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan At ito ay inuuri sa tao,anyo,at bagay.

  • Halimbawa:Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department Store.

    Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang kinikilos nito.

  • Halimbawa:Subukan mong sumunod sa kanila at tingnan mo kung ano ang kanilang ginagawa doon.

  • 5.PAHIRIN/PAHIRANAng pahirin ay nangangahulugan ng pagbubura o paglilinis sa isang bagay ng nakapahid,samantalang ang pahiran ay paglalapat o pagpapairal sa isang bagay sa tamang lugar.

  • Halimbawa:Pahirin mo nga ng basang basahan ang pisara.Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

  • 6.SUNDIN/SUNDANAng sundin ay nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o panuto.Halimbawa:Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan ng paaralan.

  • Ang sundan naman ay panggagaya sa ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao.

    Halimbawa:Sundan mo ang mga tamang gawa upang ikaw ay hindi mapariwara.

  • 7.NAMATAY/NAPATAYAng namatay ay nangangahulugan ng paglisan sa mundo alinsunod sa natural na pagkawala ng buhay dahilan gaya ng sakit,bangungot,atake,atb.Samantalang ang napatayay ang pagkawala ng buhay na hindi inaasahan na may kadahilanan tulad ng aksidente.

  • Halimbawa:Si Mario ay namatay noong isang linggo dahil sa sakit sa puso.

    Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay napatay ng salaring di nakikilala.

  • 8.WALISIN/WALISANAng walisan ay uri ng pandiwang ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na lugar.Habang ang walisin ay tumutukoy naman sa iisang bahagi lamang ng isang malaking lugar.

  • Halimbawa:Walisan mo nga ang kalat sa ating bakuran.

    Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

  • 9.KATA/KITAAng kata at kita ay mga panghalip na panao na kadalasang pinagpapalit ang gamit kahit na may sari-sariling wastong gamit.

  • Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa dalawang nag-uusap ang siyang gagawa ng gawain para sa kausap.Halimbawa:Ibibili kita ng paborito mong pabango.

  • Ang kata naman ang ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay parehong gagawang gawain.Halimbawa:Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.

  • 10.DAW at DIN/RAW at RINGinagamit ang salitang raw/rin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.Ang W at Y ay malapatinig kaya raw at rin ang ginagamit kung nagtatapos sa alin man sa dalawang titik na ito.

  • Ang daw at din ang ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.

  • Halimbawa:Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo ang problema.

    Takot daw siya sa multo.

  • POP QUIZ

  • 1.Kahit na madilim ay basa pa rin ____ basa ang masipag na si Anna.a. nangb. ng

  • Tama kaGaling mo!!!

  • Ay sori.mali ka!!!!!

  • Ang bayan ____ tutulungan natin ay talagang magtatagumpay.a. kongb. kung

  • Oooopssulitin mo..

  • Tumpak..!!! Nakuha mo ang tamang sagot..!!!

  • 3.___ mga taong laki sa layaw.a. mayroonb. may

  • Mali ka!!!!

  • Tumpak!

  • 4. ____ mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melissa sa loob ng kwarto.a. subukanb. subukin

  • Nakuha mo..!!!!

  • Ay,mali..!!!

  • 5. ___ mo ng gaas ang haligi ng bahay upang huwag bukbukin.a. pahirinb. pahiran

  • Magaling!!!!

  • Mali ang sagot mo..!!!!

  • 6.Walang masama kung susundan mo ang ang yapak ng iyong ama. a. susundinb. susundan

  • Oooopsss.Mali na naman!!!

  • Wowgrabe,galing mo..!!!!!

  • 7. ___ ni Narding ang kanyang alagang aso dahil sa pagkagat nito sa kanya.a. namatayb. napatay

  • Hay naku!! Mali na naman!!!!

  • Hanep! Nakuha mo!!!!

  • 8. ____ mo nga ang mga punit-punit na papel diyan.a. walisinb. walisan

  • Magaling!!! Nakuha mo..!!

  • Subukan mo ulit..

  • 9.Sasamahan ____ sa pagpunta mo sa Maynila.a. katab. kita

  • Sori! Hindi mo nakuha.

  • Grabe! Ang galing mo!!!

  • 10.Malakas ___ ang buhos ng ulan kagabi.a. rinb. din

  • Mali ang iyong sagot.!!!

  • May tama ka..!!!

  • Inihanda ni:

    Evelyn Sanchez Makadados, MBA

    Guro sa Wikang Filipino (Bahasa Tagalog)

    Sekolah Indonesia Davao

Search related